Kabanata 3
Costa Leona
Pinilig ko ang aking ulo nang naalala ko iyong nangyari kagabi. Nahulog tuloy sa buhangin ang damit na nilabhan ko. Napakamot ako sa ulo. Uulitin kong labhan ito.
Hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari. Ali kissed me. Sa loob ng dalawang buwan, wala siyang ginawa kundi ang maging mahinahon at pasensyoso sa akin. Pero kagabi, tila napigtas ang pasensya niya sa akin. Dapat ay mag-iingat na ako sa susunod.
I feel so frustrated. I wanted so bad to ask him of so many things. Nitong mga nakaraang buwan, pakiramdam ko lutang na lutang ang aking utak sa lahat. Ngayon lang ako lubusang nagkainteres sa tunay kong pagkatao.
After homeschooling, did I join the regular school? I think the answer is yes. Iyong parati kong napapanaginipan, si Ali na mismo ang nagsabi na naroon ako sa eskwelahan. Why is it in between a wire fence, then? Ano ang itsura ng paaralan sa Costa Leona?
Did I graduate? And if I did, did I go to work? Where? How did I manage to live without my father and only Alejandro at my side? Sure may trust funds ako but some parts of it were even used for the medical expenses of my father.
Parang tinatamaan ng punyal ang aking utak habang nag-iisip ng ganoon. I feel like the information I need to discover what happened within the nine years I lost is too much to take. Tumigil ako sa paglalaba. A sharp pain attacked my temples. Pumikit ako ng mariin. My vision is spinning and I feel like I’m going to fall. Humawak ako sa dingding para msuportahan ang sarili ko. My eyes watered as the excruciating pain continued to slam on my head.
Kailangan kong pilitin ang sarili kong makaalala nang sa ganoon ay masagot ko ang mga tanong ko! Kailangan kong lagpasan ang sakit para malaman…
Everything went black and still.
Malamig ang paligid at malambot ang aking hinihigaan. Maliwanag na ilaw ang bumungad sa akin nang unti-unti akong nagising. Mabilis na dumalo si Lorie na siyang una kong nasilayan, kasunod si Daisy at Pamela na parehong nag-aalala ang mga ekspresyon.
“Ali, gising na si Aia…” wika ni Lorie sabay lingon sa likod.
Sa likuran ng tatlo naroon ang dalawang lalaki. Si Dodong at si Ali ay nakaupo sa sofa. Tumayo si Ali at agad na dumalo sa akin. Ang mapupungay niyang mga mata ay parang nakakapagpapawi ng sakit sa akin. Pakiramdam ko ay unti-unting lumuluwang ang aking paghinga at kumakalma nang nakita ko siyang naroon.
“How are you feeling?” he asked.
“I-I’m fine…” Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Na ospoital na naman ako. Ang akala kong ‘di na muli mangyayari ay nangyari ulit. At dahil iyon sa pagpupumilit kong makaalala kanina.
Bumangon ako, sapo ang ulo. Ali held my waist and my arms just to stop me from moving but his hands weren’t firm enough.
“Huwag ka munang bnumangon,” utos niya.
“I’m fine now. Umuwi na tayo…” sabi ko.
Kada oras o araw na naroon kami sa ospital, papatak ang bill at dadami ang bayarin. Si Ali lang ang nagtatrabaho sa aming dalawa kaya dapat na magtipid. If only I can work, too. A better work…
“Hindi pa. Ang sabi ng doktor, kailangan mong magpahinga. Magpapalipas tayo ng gabi rito bago tayo uuwi.”
“Tama si Ali, Thraia. Dapat ay magpahinga ka na lang muna…” si Lorie.
“Kung hindi ka namin naabutan sa inyo ay baka kung ano na ang nangyari…”
Mag-isa ako sa bahay noong naglalaba ako. Nanlamig ako nang napagtanto kung gaano iyon ka delikado. Nahimatay ako sa sakit habang mag-isa ako.
“Namasyal kami roon ni Pamela at Daisy para sana makipagchismis sa-” natigil si Lorie dahil sa pagsiko ni Pamela sa kanya pero nakita ko ang pagtapon niya ng tingin kay Ali.
“Mabuti at naisipan namin iyon kung hindi ay ‘di pa namin malalaman na nahimatay ka!”
“I’m sorry…” sabi ko at napagtantong hindi ako daopat kay Lorie humihingi ng tawad. “I’m sorry, ” sabay tingin ko kay Ali.
“Magpahinga ka na lang muna…”
Iyon nga ang ginawa ko. Natulog akong muli pagkatapos ng konting kumustahan galing sa kanila. Isa pa, hindi ko alam kung anong tinurok na mga gamot sa akin para maging masyadong pagod.
Sa pangalawa kong pagkakagising sa ospital ay madilim na. Makapal na kumot ang nakatabon sa aking katawan at maingay ang aircon sa loob. Lumipad ang mga mata ko sa sofa kung nasaan sina Ali kanina. Naroon siya, nakaupo at mariing nakapikit ang mga mata. Hawak ang cellphone at tinutuko iyon sa noo na tila ba dinadasalan. I am not sure if he’s awake but when I move slightly, he opened his eyes.
Maagap siyang tumayo at lumapit. Umupo siya sa gilid ng aking kama. The whole room is only illuminated by a dim light just near the television. Ganunpaman ay nakikita ko ang masakit niyang ekspresyon.
“Anong oras na?” tanong ko.
“Alas tres ng madaling araw. Gusto mo bang magpahinga o kumain muna? Kahapon ng tanghali pa ang huli mong kain.”
Bumangon ako. Ngayon, lito siya kung saan ako hahawakan para lang maalalayan ngunit hindi na rin naman iyon kailangan. I can manage. I didn’t lose my energy.
“Kakain na lang muna ako…”
Tumango siya at agad na nagpunta sa isang lamesa malapit sa paanan kung nasaan may iilang prutas. May isang tray doon na mayroong pagkain. Nilapag niya iyon sa lamesang nasa gilid naman ng aking kama pagkatapos ay umupo siya malapit sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa.
As if there’s a silent communication between us, I immediately shook my head.
“Kaya kong kumain. Ako na ang susubo…” sabi ko sabay kuha sa kutsara.
He agreed. Umatras siya para mapalapit sa akin ang tray at nagsimula na akong kumain. I glanced at the TV in front of us, binuhay niya agad iyon. Isang medieval themed movie ang nasa HBO. Pero imbes na manood ay bumaling ako sa kanya.
“Magkano na ang bill?” tanong ko. Agad kong nakitaan ng iritasyon ang kanyang mukha. He sighed.
“Huwag ka nang mag-alala.”
“May ipon ako…” sabi ko.
“Kaya kong bayaran, Aia…” Nginuya ko ng mabuti ang pagkain pagkatapos ay uminom na ng tubig. I turned to him again only to see him watching me closely. Tumikhim ako at medyo naging uneasy. I tore my eyes off him when I began…
“Sorry. Hindi ako nag-ingat. I was thinking too much habang naglalaba…”
“Dapat ay hindi ka na nagpagod…”
“Hindi iyon dahil may tinatrabaho ako. Marami lang talaga akong iniisip…” sabi ko.
Nagkatinginan kaming dalawa. His hooded eyes told me that there are so many things in his mind right now, I’m just not sure if I’m fit to know it or not. Paano kung sumakit ulit ang ulo ko? Paano kung mas lalong magtagal sa ospital? Paano kung hindi ko maalala ang mga sasabihin niya, would I believe it?
“I’m sorry, too. For what I did last night…”
I swear I can hear crickets somewhere at the silence between us. The weird sounds made by the characters of the medieval themed movie couldn’t even be heard because of the deafening silence.
“Sorry din sa mga sinabi ko. You’re my husband. I shouldn’t have said that.”
Maaring nasaktan ko siya. To hear from his wife that she doesn’t care if he’ll like someone else must be really painful. Kahit ako’y parang nasasaktan sa nasabi ko kagabi. I was just… Carried away.
“I understand…” he simply said.
“Marami lang din talaga akong tanong and it’s frustrating… Everything is frustrating.”
I want to know everything. If I really loved him. What I was like to him. Napapagod na akong manghula. Napapagod akong umasa sa nararamdaman ko ngayon.
“Ang sabi ng doktor, mahirap pilitin iyon. There’s a chance that you’ll be strained and your memories might drift.”
Binaba ko ang mga kubyertos at natitigan ko siya ng mariin. My breathing went faster and my tears pooled below my eyes.
“What do you mean?” Umiling siya.
“The amnesia cases may vary. But just to avoid it, he wants you to let your memories come back naturally…”
“Huh? Paano iyon? Mag-aantay ako rito? I might be wasting my time here without my past!” I said panicking.
His jaw clenched but then his eyes turned soft…
“I can’t stand seeing you in pain, Thraia. So I can’t help but believe the doctor…”
“Ali, paano iyon? Pakiramdam ko marami akong hindi alam. Pakiramdam ko, this is more than just marriage with you and living with you. There’s a-” I stopped when I felt the excruciating pain reminding me of the present. Agad siyang dumalo sa akin. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso.
“Aia, please…”
Tears fell down my cheeks. Gusto kong magmakaawa sa kanya. Gusto kong malaman kahit galing na lang sa kanya. He kept his mouth shut the first time I fell after he told me that we were married. I got unconscious for twenty five hours because of that at pagkatapos noon ay naging kasing tigas na siya ng bakal. Tuwing may tanong akong malalim ay halos hindi niya sinasagot.,
“Kaya kong sabihin sa’yo ang lahat pero kung ang kapalit ay ang paghihirap mo, o ang pagkakawala ng mga alaala mo ng tuluyan, mas gugustuhin kong mag-antay. I am very willing to… Waste my time… With you! As long as you remember!” punong puno ng tensyon ang kanyang tinig.
Huminahon ako roon. Pinalis ko ang luha sa aking mga mata. I can sense his eagerness to wipe away my tears too but he stopped himself from holding me.
“Sa susunod na buwan, pagkatapos nating magpacheck up, babalik tayo ng Costa Leona gaya ng gusto mo…”
Hindi ako makuntento. Kahit alam kong kailangan ko siyang pilitin at kahit na alam kong maaari akong mahimatay muli, I gathered my courage to finally ask him somnething that’s very important.
“Saan ba talaga tayo galing bago tayo nakarating dito sa Carles? Were we really from Estancia?”
Unconsciously, tears fell down my cheeks like a waterfall. Like the question I asked him was too much. I didn’t know but my shaking body knows.
Umiling siya. “Magpahinga ka ulit…”
“I can handle it. I can handle the pain, Ali! It’s just a simple question, anyway!”
“Galing tayo ng Estancia…” marahan niyang sinabi.
I didn’t feel any stabbing pain at that. I wonder if it’s true.
“Ilang buwan tayo roon-“
“Two days. Please, Thraia, stop it..”
“Dalawang araw! At saan atyo galing bago roon?”
Then a striking pain felt like thunder as it slammed my temples.
“Costa Leona…”
Parang may nagtatambol sa likod ng aking ulo at ang matulis na sakit sa aking sentido ay halos hindi koi kayanin.
“Pero bakit tayo narito? Bakit ‘di ka sa Costa Leona mangisda? Bakit kailangan umalis pa tayo sa bahay namin o kung saan man tayo nanirahan noon? More importantly, are you really a fisherman like what you made me believe?”
I swallowed the sound I should’ve made to help me stop the pain I have.
“This is hurting you…” aniya.
Mas lalong sumakit ang ulo ko. Agaran ang pagsisisi ko sa lahat ng mga sinabi ko. Masyadong masakit na tingin ko’y hindi worth it ang lahat ng katotohanan.
The next thing I knew, nurses flocked on our private room and a man in a scrubsuit went inside. Hindi siya pamilyar. Hindi gaya ng doktor na meron ako noon. But before I could process everything, nakatulog na ako. Tanging mga mata ni Ali ang huling liwanag na nakita bago tuluyang naidlip.
I spent two days in the hospital at Roxas. With a staggering twenty thousand pesos as bill, na pilit pang tinago ni Ali sa akin. And in those two days, he didn’t fish.
Pilit kong iniwasan ang pag-iisip ng kahit ano tungkol sa dating buhay dahil ayaw ko nang mangyari pa iyon.
Tahimik kami sa bahay ni Ali. Halos walang usapan tungkol sa nangyari. Paulit ulit ang paalala niyang huwag ako masyadong magtrabaho sa bahay at paulit ulit ko rin iyong sinusuway. The awkward silence seems to be part of our days simula noong naospital ako.
Inayos ko ang mga pamaypay na dinisplay ko sa harap ng pwesto nina Lorie sa palengke. Dahil sa nangyari, mas naging determinado akong makabenta at makapag-ipon para makatulong kay Ali.
“Baka nanghiram siya kay Mang Emil?” tanong ni Pamela nang nabanggit ko kung gaano ako ka guilty sa naging gastos ni Ali sa ospital.
Tahimik na nag-ayos si Lorie ng kanilang paninda. I was expecting her to comment on oit but she seems silent today.
“Iyon din,” si Daisy.
May lumapit para bumili kaya medyo naging abala kami. Ganoon din sila pero nang nagkaroon ako ng bakante ay muli kong inayos ang mga pamaypay.
Biglang dumating si Mylene na ngayon ay kitang kita ang galit sa mukha.
“Hay, ano kayang sadya ng malalansang isda. Hindi rito ang landing mo uy…” parinig ni Lorie.
Matalim na binalingan ni Mylene si Lorie pero hindi na rin pinansin at muli tinuon ang pansin sa akin.
“Ang asawang akala’y nag-iisa dahil lang harap harapan akong natanggihan…” she smirked.
Kumunot ang noo ko. My insides turned and the urge to slap and punch her burned. Images of her hair pulled and her ass slaughtered by the rough floor of the market seems interesting.
“Hello, Thraia. Ba’t kaya ‘di mo tanungin si Ali kung sino iyong kausap niyang seksi at mayaman noong isang araw?”
I like her when she’s subtle but now… She seems so proud at being bitter. Like it’s a crown she’s honored to wear.
“Nagsisinungaling ‘yan, Aia!” si Pamela.
I ignored her so I can spare my energy. Patuloy kong inayos ang mga pamaypay ngunit nang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko at ginulo’t tinapon ang ibang pamaypay ay hindi ko na napigilan!
She may be taller than me but hell I swear for the past nine years, I was a warrior! I pulled her hair, the way I imagined it. She cried out loud making the people turn to us.
“Aia! Tulungan natin si Aia!” sabay tawa ni Lorie, parang napukaw ang interes dahil sa ginawa ko.
She pulled Mylene’s hair, too, but I don’t need the help. Hawak ni Mylene ang aking kamay. Bumaon ang kanyang mahahabang kuko roon pero hindi iko iyon ininda. I am going to drag her ass right now!
I dragged her through her hair. Nalilis ang laylayan ng kanyang bestida dahilan kung bakit kita ang kanyang mga hita at paniguradong sugat sugat ang kanyang puwitan.
“Aia!” sigaw ng pamilyar na boses.
“Lorie! Pigilan mo naman! Susko!” sigaw ng isang matanda.
“Lorie, pigilan mo! Si Ali!” sigaw ni Pamela sa isang takot na tinig.
Pero hindi ako nakuntento. Naririndi ako sa tili ni Mylene! Susugod pa sana ako kung hindi lang hinapit ni Ali ang aking baywang at bahagyang inangat para mapigilan. My feet tried to kick just so I can hurt her again pero hindi tumama. Sayang.
“Buti nga sa’yo! Leche kang malandi ka! Ang dami mong sinasabing walang kabuluhan!” sigaw ni Lorie.
Ngunit nalunod na ang mga susunod dahil inalis ako ni Ali roon. Gamit ang isang braso ay inangat niya ako palabas ng palengke at binaba niya lang ako pagkalabas.
“Bakit mo ako pinigilan, huh? Matagal na akong naiirita sa babaeng iyon tapos-“
“Ali! Sinaktan ako ni Aia!”
And the fucking wh0re even have the guts to come here and chase Ali? Lalapit na sana ako para muli siyang pakitaan ng gilas pero naitulak na siya ni Ali dahilan kung bakit siya nadapa at natigilan.
“Tama na, Mylene. Nagkamali ako sa pag-iisip na mabuti kang tao…”
I feel like smirking. I want to show her how much I’m happy that she’s hurt. Pero hinigit ako ni Ali roon bago ko pa siya mapakitaan ng ngisi o mapagsalitaan ng kahit ano. Hawak niya ako sa braso habang naglalakad kami patungong dalampasigan. Mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko maiwasan ang pagsasalitas.
“Malanding babae. Nakakagigil. Kulang pa iyon. Matagal na akong nagtitimpi. Matagal na akong nagtitiis na huwag siyang kaladkarin!”
Nanginginig ako sa galit. I even tried to pull my arms out of Ali’s hand but it didn’t work. Inangat niya akong bigla sa baywang at nilapag sa isang lamesang kawayan ng cottage na madalas naming pinagtatambayan nina Lorie, Pamela at Daisy. Isang tili ang pinakawalan ko sa gulat.
Natutop ko ang aking bibig nang natanaw ang seryoso niyang ekspresyon. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng lamesa, pinapagitnaan ako at pumikit ang kanyang mga mata bago yumuko.
Taas baba ang aking dibdib sa bilis ng paghinga. Naririnig ko ang nakakabinging tambol ng pintig sa aking puso. Umihip ang malakas na hangin. Ang kanyang batok, ang dulo ng kanyang buhok roon, ang bitak ng kanyang likod, at ang higpit ng kanyang braso ay pamilyar. My heart ache like like it’s being stabbed continiously.
Inangat niya ang kanyang ulo at nagkatinginan kami. He bit his lower lip as he looks at me with weary eyes.
“Huwag mo nang ulitin iyon. Paano kung masaktan ka?”
The tranquility I felt suddenly went out of the window.
“Wala akong pakealam. Sumusobra na ang babaeng iyon! If you can tolerate her, well, I can… I mean… Before. Ngayon, hindi na!”
Kitang kita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi pero agad nawala nang bumagsak ang mga mata niya sa aking kamay.
Tumuwid siya sa pagkakatayo. Tinanggal ang kamay sa lamesa at kinuha ang aking kamay, inangat at tiningnang mabuti.
Pumikit siya ng marahan. Tila frustrated.
“Wala lang ‘to!” Kumpara sa pwet noong babaeng ‘yon, panigurado!
“Hindi mo na kailangang makipag-away. Hinding hindi ako maaagaw ng kahit sino. Hinding hindi rin ako titingin sa kahit kanino, Aia. Ikaw lang…ang sakin…” he whispered.
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay na may mga gasgas at konting dugo.
“Umuwi na tayo. Gagamutin ko ‘to…”
Tumango ako at sinubukang tumalon galing sa lamesang kinauupuan. Sumimangot si Ali at hinawakan muli ako sa baywang pagkatapos ay binaba ako.
Nagkatinginan kaming dalawa. Kunot ang noo niya nang naglahad siya ng kamay sa akin. Tiningnan ko ang kamay niyang nasa ere. He sighed and put his hand down when he realized something…
Kinuyom ko ang aking kamay. Halos bumaon ang aking kuko sa aking palad. Nauna siyang maglakad. Sumunod lamang ako.
I reached for his hand but then he turned to me. Napansin niya iyon. Mabilis na napuno ng init ang aking pisngi! Hinawakan ko ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad. Iniwan siya.
My heartbeat was continuously loud and fast. Nalilito ako kung takot ba ako o ano…