Kabanata 2
Kiss
The cold diamond wire mesh filled the view. Beyond it is the buildings of what seemed to be a school. Students flock from a big gate as the hot blistering wind attacked my face. Sumabog ang aking buhok habang pinapanood ang pagpasok ng mga kalalakihan. My heart felt warm as if someone is waiting for me out there.
In a blink of an eye, a man in uniform and with a backpack on his right shoulder went to me. Ang masayang pakiramdam sa aking puso ay mas lalong naturingan.
“You should go to your class now, Aia…” he said.
He was lean. I can’t make his face out but I know for show that if I saw him, I’d know.
“Ayaw ko. Hinihintay kitang pumasok…”
He smiled sweetly. The dimple in his right cheek told me how gentle he is.
“Papagalitan ka. Malilate ka…” he said as he reached for my face beyond the wire.
Ang haplos niya sa aking pisngi ay nagpapikit sa akin. The gentleness and the tenderness I felt in his hands made me shiver. It’s been a long time since I got caressed like this.
“Ayos lang…” sambit ko.
He chuckled. “We’ll meet later, okay?”
“Okay…” I said calmly.
Beads of sweat formed in my forehead and my back is wet. Isang pamilyar na magaspang na kamay ang humawak sa aking noo. Dumilat ako para maputol ang panaginip. Ali sat beside me on the bed, isang bimpo ang hawak sa kabilang kamay. Pinunasan niya ang aking noo at ang aking leeg gamit iyon.
“Nananaginip ka na naman…” aniya.
The dream I had is slowly fading away in my memory. I can make out a man, and the wire, and a bit of what he just said but not entirely.
“Uh-hmmm…” sabi ko sabay tango at tingin sa kisame ng aming bahay.
“Anong panaginip mo?” tanong niya.
“Iyong wire. Nakahawak ako roon ng mga dapit hapon, may hinihintay…”
Tumango siya at muling pinunasan ang aking noo ng bimpo. BInalingan ko si Ali na ngayon ay seryoso sa ginagawa. He wouldn’t even look at me.
“Do you know what happened to Alejandro, my father’s assistant?” biglaan kong tanong.
“Nagpatuloy siya sa pag-aalaga sa bahay ninyo…” ani Ali.
So… who’s living in our house and why didn’t we both decide to live there instead of here? Mukhang mas maayos ang mamuhay doon at pwede rin naman siyang mangisda roon sa Costa Leona. Bakit namin kailangang manirahan sa Estancia?
“At sa aming bahay, si Alejandro lang ang nangangalaga ngayon?”
Hindi siya agad nakasagot. Of course, he wouldn’t know right?
Gusto ko siyang tanungin kung bakit hindi na lang kami umuwi ng Costa Leona at doon manirahan tutal ay maganda naman din ang dagat doon pero ayaw kong ituloy. Ang dating Thraia ay maaaring nagustuhan na ang bandang ito ng isla dahilan kung bakit sila namuhay dito. He learned to love this place and he expects me to love it the same like how the old Thraia probably did.
Biglang may kumatok sa aming pintuan. Naririnig ko ang dalawang mangingisda na tinatawag na si Ali. Siguro ay oras na para pumalaot sila.
“Susunod ako!” sigaw ni Ali bago bumaling ulit sa akin.
“Pumunta ka na roon…” utos ko nang napagtantong hindi siya gagalaw hanggang hindi ko iyon sinasabi.
“Sigurado kang ayos ka lang dito?” tanong niya.
My head started throbbing. That’s how it usually goes when there’s a significant dream or I find something about my past. Tuwing nagtatanong ako kay Ali, palaging sumasakit ang ulo ko. Hindi ko iyon sasabihin sa kanya ngayon.
“Ayos lang ako. I’ll just sleep a bit then kakain na ng almusal pagkatapos…” sabi ko.
Tumango siya at tumayo na roon. Kumuha siya ng damit sa aparador at lumabas na ng kwarto para siguro makaligo na.
I tried to sleep again hoping to dream that same dream… and hopefully remember anything pero hindi na ulit ako nanaginip ng ganoon.
“Bakit hindi ka magtanong sa kanya tungkol sa nakaraan ninyo?” tanong ni Lorie habang naglalatag siya ng mga niyog ka mga sako para matuyo ang mga iyon.
Pumasyal lamang ako malapit sa kanila dahil nababagot na naman ako sa bahay. Si Pamela at Daisy ay nanatiling nakaupo sa isang cottage habang pinagmamasdan si Lorie na inaayos ang mga niyog.
“Tuwing nagtatanong ako at nalalaman ko, sumasakit palagi ang ulo ko. Sinusugod ako sa ospital. Ayaw kong mangyari iyon. Mahihirapan si Ali sa gastusin. Isa pa, sabihin niya man sa akin, hindi ko parin naman maaalala.”
“Oo nga naman pero kung gustong gusto mo na talagang malaman ang nangyari, pwede ka namang magtanong. Iyon nga lang, dahan dahanin mo para huwag sumakit masyado ang ulo mo…”
Naisip ko rin, hindi kaya mas mabuting umuwi kami ng Costa Leona para maalala ko iyon? At may importante ba akong dapat maalala bukod kay Ali? Ali seems to be fine without my memories. He didn’t encourage me to go to Costa Leona just so I can remember.
Reasons why I silently doubt him…
Nilingon ko ang karagatan at dumadating na ang mga bangka. People flocked near the sea so they can buy the fresh fishes they want.
“Si Mylene ba iyon?” tanong ni Daisy na ngayon ay nakatitig sa mga bangkang paparating.
Sa bangka nina Ali, naroon si Mang Emil at may kasama silang babae. She’s wearing a floral dress and slowly I saw her face as the boat approached nearer. Si Mylene nga iyon!
Sumama siya sa pangingisda? At naroon pa talaga siya sa bangka kung nasaan naroon si Ali?
Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang mga dumating. Nakita agad ni Ali ang aking mga mata pero inabala niya ang sarili niya sa pagdidiskarga ng mga huli.
“Ang malanding Mylene na iyan, sumama pa yata sa pangingisda!” Lorie stating the obvious.
“Hayaan n’yo na…” sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Natulala ako sa mga pinapatuyong niyog. Lumapit ako sa cottage at umupo sa kawayang upuan sa gitna ni Daisy at Pamela. Dumami ang sumalubong sa kanila at maingay na sa bentahan. Pakiramdam ko ay mauubos ang lahat ng iyon at hindi na nila kailangang pumuntang palengke. Narito kasi ang iilang palengkero sa kabilang bayan.
“Hindi ka ba talaga nagseselos? Kahit wala kang maalala, asawa mo ‘yan, Aia,” si Daisy.
Wala akong nararamdamang selos o kahit inggit. Kung may nararamdaman man ako, iyon ay ang kagustuhan kong marespeto. Wala akong naaalala at ang tanging sinabi ni Ali sa akin ay asawa niya ako, I deserve respect as his wife.
May sinabi si Mylene kay Ali. Abala naman si Ali sa pagbibenta kaya halos hindi niya malingunan si Mylene.
He will never get rid of her maybe because he liked her too. Kung ayaw niya rito, dapat ay hindi siya nagpapapunas ng pawis at dapat umiiwas siya. Pain slightly stabbed my chest at the thought of the disrespect it can give me.
Kung ayaw niya na sa akin at mas lalo lang akong naging pabigat ngayong wala akong maalala, kailangan kong maalala ang lahat ngayon. I need to remember my past so we can both decide whether we’ll continue this marriage or not.
“Taga Costa Leona rin ba si Ali?” biglaang tanong ni Pamela habang pinapanood naming lahat ang bentahan.
Tumango ako.
“Kaanu-ano niya ang mga nagpatayo ng mga windmills, kung ganoon?”
I have less information about Costa Leona and its history. I didn’t know that the people who built the windmills were also Mercadejas.
“Mercadejas ba ang apelyido ng mga nagpatayo ng mga windmills?” tanong ko.
“Iyon ang alam ko, ha. Pero kung sa bagay, maraming kaapelyido ang mga iyan kapag kilalang pamilya…”
Tumuwid ako sa pagkakaupo nang nakitang palapit si Ali sa amin. Sa likod ay naroon si Mylene at pinagmamasdan ang paalis na binata. May iilang mamimili ang umaalis na dala ang balde baldeng isda. Tingin ko’y naubos na ang mga isda ni Ali kaya ngayon, hindi niya na kailangang pumunta ng palengke.
“Ali…” bati ni Daisy habang ngumingiti. “Malakas ang bentahan, ha?”
Tumango si Ali bago bumaling sa akin. “Wala na akong gagawin hanggang mamayang gabi. Gusto mong mamasyal tayo sa bayan?”
“Ali!” bago pa ako makasagot ay narinig ko na ang tawag ni Mylene galing sa likuran.
Nagkatinginan na agad sina Pamela at Daisy. Si Lorie naman ay nakapamaywang at bahagyang lumapit kay Ali, tila umaambang mag-aaway. Pagak na tumawa si Lorie bago ako binalingan at sinenyasang gumawa ng kahit ano.
“Hindi ka ba pupunta ng palengke? Akala ko pupunta ka?” tanong ni Mylene nang nakalapit.
She even have the guts to smile at us. I didn’t say anything. I just looked away.
“Hindi. May lakad kami ni Aia. Ipapasyal ko siya ngayon…” aniya.
“Oh! O… sige…” ngumiti muli si Mylene sa amin at walang isinukli ang mga naroon kundi katahimikan. “Mauna na ako, kung ganoon…”
Umalis si Mylene. Bumaling muli si Ali sa akin, kitang kita ko ang expectations sa kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim.
“May mga tao talagang walang delikadesa, e, ‘no, Pamela, Daisy?” si Lorie.
Sinipat ko si Lorie at tumayo na. Ngumiti si Lorie sa akin at kumaway.
“Bye, Aia. Enjoy kayo!”
Hindi na ako nagsalita at sumama na kay Ali pabalik sa bahay. Tahimik kami sa loob ng bahay. Tapos na akong maligo kaya nagbihis na lamang ako ng damit at si Ali naman ay nasa banyo pa.
Isang kulay brown na spaghetti strap na dress ang suot ko. Ang tanging sandals na meron ako ay iyong mid calf gladiator sandals na kulay brown din. Umupo ako sa sala habang hinihintay si Ali na lumabas galing sa banyo. Pagkalabas niya ay isang puting tuwalya lamang ang nakatabon sa pang-ibabang parte at ang kanyang dibdib ay kitang kita. My eyes immediately soared at his glorious chiseled chest. Nagtama ang tingin namin ng bahagya ko iyong inangat.
Tumikhim ako.
“Saan naman tayo mamamasyal?” tanong ko.
“Magsisimba tayo at kakain sa labas. Mamimili din tayo ng mga gamit dito sa bahay…” aniya bago dumiretso sa kwarto.
Parang doon lang ako nakahinga pagkapasok niya. Sapo ang aking dibdib ay huminga ako ng malalim habang pinapatay ang TV sa harap.
Hindi nagtagal ang kanyang pagbibihis. Isang itim na t-shirt at faded jeans ang suot niya.
Sumakay kami ng tricycle patungong simbahan. Hindi matanggal ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang dami ng taong natatanaw papasok sa simbahan. Somehow, it made me feel better that we’re out here and not just in the four walls of our home.
Pagkatapos magsimba ay nagyaya siyang kumain sa isang malapit na grill. Some people stared at us as we walked towards the store. May iilang babae ang halos mabali ang leeg sa kakatingin sa kanya habang siya naman ay wala lang at tila hangin ang turing sa kanila.
“Anong gusto mo?” tanong niya.
“Grilled chicken na lang…” sabi ko.
Dinagdagan niya pa ang gusto ko ng iilan pang inihaw na mga putahe. Umupo ako sa isang plastic na silya habang hinihintay siyang matapos mag order sa harap. Nang natapos ay tumuwid ako sa pagkakaupo. Umupo siya sa harap ako at huminga ng malalim.
“Pupunta tayo sa mga tiangge at bibili ng kahit anong gusto mo…” aniya.
Ngumiti ako. “May naipon din akong pera galing sa pagtitinda ng mga pamaypay, gusto kong bumili ng bagong kurtina…”
Ngumuso siya at tumango. “Iyan lang ba?”
Well, I have things I want, too but I can’t just recklessly let him pay for my whatnots.
“Ako na ang bibili ng kurtina. Iyong kita mo, ipunin mo na lang iyan. Don’t stress yourself in working too much, I don’t like it…” aniya.
Marahan akong tumango. Hindi ako makatingin ng diretso dahil ang mga niya’y masyadong mabibigat. If danger was personified, it would be this man. The way his eyes sees your soul when his whole attention is with you makes me want to cover myself up.
“Okay…”
Nang dumating ang aming pagkain ay tahimik kaming kumain. Maraming gumugulo sa utak ko pero hindi ko maisasatinig ang lahat. I still need to think things through before I could say anything about it.
“Tingin mo pwede tayong bumalik ng Costa Leona?” tanong ko habang kumakain kami.
Umigting ang kanyang panga. I desperately want answers to my questions and I want answers I find myself… not supposed truths from the mouths of others.
“Pwede… Pero… kapag bumalik tayo at may maalala ka ng kaonti, natatakot akong isugod kang muli sa ospital…”
Kinagat ko ang aking labi. He’s right but a little pain is worth it just so the memories I have will be back to me. Hindi niya ba gustong maalala ko siya ng husto? Hmm…
“Kakayanin ko, kung sakali. Susubukan ko.”
Tumango siya. “Mag-iipon ako. Sa susunod na buwan ay baka pwede na… Kailangan din nating magpacheck up muna bago tuluyang pumunta…”
I agreed to him. At least he didn’t completely shut me out about it. Noong nakaraang buwan kasi, puro pagkakatulala at pagkaka ospital lang ang nangyayari. Ngayon lamang medyo bumanayad ang mga kilos sa aking utak. Maybe it gets better in time so next month is a good idea. I’ll be better next month.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami. Sa mga tiangge kung nasaan ang mga damit at iilan pang mga kakailanganin ay namasyal kami. Nakapili rin ako ng kurtinang gusto ko at may iilan pang mga bagay na nakakuha sa aking atensyon. Hindi ko na isinatinig iyon. Ayaw kong masyadong maging pabigat.
“Ito lang ba ang bibilhin natin?” tanong ni Ali habang tinitingnan ang supot kung nasaan ang kurtina.
“Iyan lang.”
“Ayaw mo ba ng bagong damit o sapatos?”
Tipid akong ngumiti at umiling. Papalubog na ang araw at gusto ko na ring umuwi kaya ayaw ko nang pumili pa ng kahit ano.
“Ali!” isang pamilyar na tinig galing sa aming likod ang naroon.
Sabay kaming lumingin. It’s Mylene and her other friends. Pula ang mga pisngi nito at nagtatawanan na. Tingin ko’y nakainom o ano…
“Naroon kami sa kabilang bar at natanaw kita rito. Birthday ni Jessa. Halika, sabay ka sa amin!” ani Mylene sabay hila sa palapulsuhan ni Ali.
“Hindi na. Uuwi na kami ni Aia, Mylene…”
“Hmp! Ang arte mo ha! Ang suplado mo! Kanina pa ako nagtatampo!”
Parang tukong kumapit si Mylene sa braso ni Ali. Nag-iwas ako ng tingin. Nagkatinginan kami ng mga babaeng kasama ni Mylene, tila ba sinasadya nilang panoorin ang magiging reaksyon ko. I maintained a straight face but I am beginning to feel so disrespected.
“Sige na, please, pogi… Pauwiin mo na lang ang asawa mo. Kayang kaya kong painitin ka tulad ng dati…” lambing ni Mylene sabay lapit sa mukha ni Ali.
She leaned closer and then tried to kiss Ali on the lips but it landed on his cheek.
“Mylene…” ani Ali sabay hawi sa kamay ni Mylene.
Waves of pain stabbed my chest. Ilang beses ko nang nakita si Mylene na nilalandi si Ali pero para akong napuno ngayon. Umatras ako at napatingin si Ali sa akin.
“May titingnan lang ako sa kabilang tiangge…” matabang kong sinabi at pagkatapos ay umalis na roon.
Mabibigat ang bawat hakbang ko patungo sa isa pang tiangge pero hindi na ako makatingin ng mga damit ng mabuti dahil masyado na akong galit. I couldn’t even concentrate much with the sandals because I couldn’t take my attention out of the kiss they shared.
“Aia…” baritonong boses ni Ali ang nasa aking likod.
Ikinakahiya ko ang panlalabo ng aking mga mata ng wala sa lugar. Imbes na lingunin siya o magsalita ay umiwas na lang ako roon. Naglakad ako patungong kabilang tiangge at nagdasal na sana ay kumalma ako.
“Aia, gusto mo ba nitong cake?” tanong ni Ali.
Hindi na ako umimik. Ayaw kong magsalita dahil paniguradong manginginig ang boses ko. I can’t believe the kiss triggered unfamiliar emotions to me. Bakit hindi na lang siya sumama roon kay Mylene tutal ay…
Pumara ako ng tricycle nang napunta sa dulo ng mga tiangge. Pagod na ako at uuwi na ako. Kung gusto ni Ali na manatili rito, ayos lang. Matutulog na lang ako sa bahay.
Pumasok ako sa tricycle at sumunod naman si Ali. Iang box ng cake ang hawak niya sa kabilang kamay. Sa kabila ay ang kurtina. Nagkatinginan kami. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi at naalala ko kung saang banda siya hinalikan ni Mylene.
Kayang kaya raw ni Mylene na painitin si Ali “gaya ng dati”. That means they’ve been doing the act behind my back all the darn time? Gaya ng sabi ko, ayos lang dahil wala naman akong nararamdaman kay Ali. Pero tama rin si Pamela at wala iyong respeto sa akin!
Nauna na akong naglakad patungo sa bahay. Iniwan ko siya at hinayaang magbayad ng pamasahe sa tricycle. Binuksan ko ang pintuan at agad nang pumasok doon.
“Aia…” tawag niya tila alam kung ano ang problema ko.
Pagod ko siyang nilingon.
“Ano?”
Nakapasok na rin siya sa bahay. Walang masabi sa tanong ko. Nang wala siyang naidugtong ay sinarado ko na ang pintuan sa aming kwarto.
“Aia!” tawag ulit ni Ali at narinig ko ang paglapit niya roon.
Immediately, I removed my dress. It fell on my feet. Kinuha ko agad ang pamalit ko nang bigla na lang bumukas ng marahas ang pintuan!
“Oh shit!” sigaw ko at agad na inekis ang aking braso sa aking dibdib.
He groaned and I thought he’d shut the door between us but he went in and shut the door behind him. Nakatalikod siya sa akin habang ang dalawang kamay ay nakasandal sa taas ng pintuan tila pinaparusahan.
“Walang nangyari sa amin ni Mylene dati. Kung bakit niya nasabi iyon, hindi ko alam. Lasing siya. Huwag mong isiping-“
“Ayos lang!” hindi maiwasan ang pait sa boses.
Bahagyang tumagilid ang ulo niya. Mabilis kong kinuha ang aking damit para makapagbihis. Nang sa wakas ay nakasuot na ako ng shorts ay naging kumportable na ako.
“Ayos lang?” tanong niya.
“Ayos lang kung may mangyari sa inyo. Tutal ay wala rin namang nangyayari sa atin dahil sa kalagayan ko, ayos lang…” sabi ko at hinawakan na ang door knob ng aming pintuan.
Tumabi siya para mabuksan ko iyon.
“Anong ayos lang ang sinasabi mo, Aia?” malamig niyang tanong.
You heard it, Ali. Ayos lang na makipaghalikan ka o makipagkahit ano ka kay Mylene o kahit kanino…
Lalabas na sana ako ngunit marahas niyang hinapit ang aking baywang dahilan kung bakit napabalik ako sa loob ng kwarto. Halos tumili ako sa ginawa niya.
“Anong ayos lang!?” he completely lost his cool at that.
Mabilis ang hininga niya at madilim ang kanyang mga mata. Taas noo ko siyang hinarap.
“Wala akong maalala. Hindi kita masisisi kung magmahal ka ng iba. Hindi kita masisisi kung maghanap ka ng iba. At ayos lang sa akin dahil tulad ng kawalan ko ng alaala, wala rin akong maalala sa nararamdaman ko sa’yo noon! Kaya ayos lang, Ali!” mariin kong sinabi.
His jaw dropped at my statements. Nanliit ang mga mata niya at unti unti iyong sinakop ng mas matinding galit. Sa lamig ay halos manginig ako.
“Lalabas na ako…” sabi ko at lalagpasan ulit sana siya pero hinawakan niya ang aking palapulsuhan at ipinako niya ako pabagsak sa kama!
Mabilis ang hiningi ko. My blood rushed to my veins and my breathe hitched. An unfamiliar feeling spread like wildfire at the sight of his flaming eyes.
“Hindi ako magmamahal o maghahanap ng iba kahit pa wala kang maalala! Kaya hindi ayos ‘yon! Kailanman, hindi magiging maayos ‘yon.”
Matalim ko siyang tinitigan habang naglalapit ang aming mukha. Nakadagan ang buong katawan niya sa akin na nawalan ako ng pakiramdam sa lamig.
His hot breath lingered on my lips. Mas lalong lumalim ang paghinga ko lalo na nang bumagsak ang kanyang tingin sa aking labi. Umawang ang kanyang labi, tila gustong tikman ang akin.
Tinikom ko ang bibig ko para pigilan siya ngunit imbes na umatras ay lumapat ang labi niya sa akin.
Halos mahilo ako. Images of the same lean man filled my mind when his lips reached mine. Gently he sucked my lower lip leading me way back to where I am now and to him… not to anyone from the past but to him!
“What the hell are you doing?” tanong ko at tinulak ang kanyang dibdib.
Tila bakal iyon na ayaw paawat. He nipped and sucked my lips making me feel so dizzy, igniting the fire I didn’t know it even existed.
“Stop it, Ali!” utos ko.
His slow and soft kisses made me weak. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya magagawang pigilan kapag nagpatuloy ito.
“Antonius Lienzo!” sigaw ko.
Maagap siyang tumigil at inangat ang sarili galing sa akin. Tinitigan niya ako habang unti-unti ko pang hinahagilap ang nawawala kong ulirat.
“Goddammit!” he pushed himself away from me and quickly he stood up.
Kinagat ko ang aking labi at inayos ang strap ng aking spaghetti top. Sinapo niya ang kanyang ulo at walang pasabing lumabas ng kwarto.
Mabilis ang hininga ko habang pinagmamasdan ang kisame ng kwarto. Nilagay ko ang aking palad sa aking noo. Pakiramdam ko ay nilalagnat ako sa nararamdamang init. It can’t be, right? It just can’t! Mabilis ang pintig ng aking puso.