Kabanata 1
Party
Pasado alas kuatro y media nang dumating si Ali sa aming bahay. Sa mga oras na iyon, tapos na ako sa iba pang gawaing bahay. But that’s not even that much. Hindi niya ako pinaglalaba pero minsan, kapag naubusan na ako ng gawain ay iyon ang pinagkakaabalahan ko. Pagka uwi niya ay lagi niya akong pinapaalalahanan na sana hindi ko iyon ginawa dahil siya na ang gagawa. Nagluluto lamang ako at naglilinis ng bahay. I don’t know how to actually cook, even. Natuto lamang ako dahil wala akong ginagawa sa bahay at sina Lorie at Daisy ay minsan nang nagtrabaho sa isang karenderya kaya natuturuan ako.
Nilapag ni Ali ang mga lubid sa kawayang lamesa sa aming labas. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti habang naghihiwa ako ng mga rekados sa lulutuin kong tinola.
He caught my eyes. Halos napatalon ako sa gulat nang napagtantong namalayan niya ang aking paninitig.
“What is it?” iniwas niya ang tingin sa akin at naging abala sa mga lubid.
Pinilig ko ang ulo ko at pagkatapos ay umiling.
I can vividly recall the most recent thing I remember.
Taga Costa Leona ang Mommy ko. Si Papa naman ay laking Maynila. According to my father, Mommy died on her sleep days after giving birth. Kaya wala akong alaala kay Mommy. Nag-iisang anak si Mommy ng Lolo at Lola kaya walang ibang magmamana ng ancestral house nila sa Costa Leona.
I was home schooled for years. Paano ba naman kasi, walang permanenteng address si Papa. He’s part of an Architecture firm so we move from one place to another.
Ipinagkatiwala niya lamang ako sa kanyang assistant tuwing wala siya at pinipili ni Alejandro na sa Costa Leona manatili. He’s fond of that place.
Daddy died of lung cancer. He’s a chainsmoker. Sa Costa Leona siya namatay dahil noong nag stage four na siya, naubusan kami ng perang pantustos sa kanyang pag gamot. And he told me that he’s losing hope… That he’s never going to be okay anymore so he’d rather just stay in one place and die.
So far… That’s my recent memory. I was fourteen or so that time. Something must’ve happened in between the years I forgot. I probably met Ali… Well, pati rin siguro ang lalaking napapanaginipan ko.
“Naglaba ka?” tanong niya pagkatapos ng ginagawa.
Nahagip yata ng tingin niya ang mga nakasampay na damit sa harap. Apat na pares lang naman iyon ng damit. Hindi gaanong mabigat.
“Nabagot ako masyado. Maaga akong umuwi kanina galing sa cottage at nagluto. Hindi ko makapagsiesta kaya naglaba ako.”
Hindi na siya nagsalita. Akala ko papagalitan niya na naman ako sa ginawa.
“Magpahinga ka muna…” kalaunan nang nakapasok siya sa bahay.
Nilagay ko ang mga rekados sa isang plato at nilingon ko siya. Nagtataka sa utos niya ngayon.
I understand why girls feel so differently for him. I understand the interest they are shedding. His almost shaggy wavy hair just added to his prominent manly features. Lahat, pati ang mga mata, panga, dibdib, braso at iba pa ay sadyang matikas. It’s like he’s made to be a strong man’s standard. It’s intimidating, actually. At tuwing pinupuna ko ang lahat sa kanya, hindi ko magawang isipin kung paano ko siya nagustuhan noon. If he’s a stranger, I’d probably tremble in fear. He’s too rough for my liking.
“Aia…” inilahad niya ang kamay niya sa hawak kong kutsilyo.
Parang ngayon lang ako tuluyang binalikan ng kaluluwa. Maagap kong ibinigay sa kanya iyon.
Tinanggap niya at pinalitan ako sa pagluluto. I admit that he’s a better cook than me pero ayaw ko nang inaako niyang lahat ang gawaing bahay.
“Kaya ko naman ‘yan, Ali…” the way my tongue touches the end of my upper teeth everytime I say his name is a bit familiar. Like I said it a few times before.
“Buong araw kang gumawa ng gawaing bahay. Ako naman…”
“Pero buong araw ka ring nagtrabaho…” I insisted.
Pumako ang tingin niya sa akin. He looks amused. Like there’s something very interesting with what I just said. Nag-iwas ako ng tingin at lumayo para tahimik siyang hayaan sa ginagawa. I know he won’t let me insist my argument. Sa loob ng dalawang buwan ay wala akong natatandaang pinagbigyan niya ako kapag gawaing bahay na ang pinag-uusapan.
Was I always this spoiled? Nobody knows… Estancia is a bit far from here. People from there probably knew us better than the people here.
“Magpapainom si Dodong mamaya…” anito habang nag-aayos ng mga rekados.
“Nasabi nga ni Lorie sa akin. Alas syete raw ay magkita sa kina Aling Rosing dahil doon daw ito manlilibre para sa kaarawan.”
I turned the television on. Ang aming sala at kusina ay walang dibisyon. Kung magluluto ay kita ng magiging bisita. It never bothered us. Only that, I keep thinking about the house I left behind.
Ali told me that we decided to move away from Costa Leona for good. Wala nang natitira sa bahay bukod kay Alejandro at gusto ni Ali na sumama ako sa kanya kaya ang dating Thraia ay sumama naman.
Does it actually make sense? To leave my ancestral home for the supposed love of my life? Is he even the love of my life?
Habang nagluluto siya ay kinuha ko ang mga nakasampay na damit namin sa labas. Some days I want to think more about my past but… everytime I do, sumasakit lamang ang ulo ko. If I dig deeper, isusugod lang ako ni Ali sa ospital. Dagdag gastusin. I know for sure that he’s not making much out of the fishes. May konting ipon ako dahil binibigyan niya rin naman ako ng pera at may nakukuha rin ako sa pamaypay pero tuwing inaalok ko sa kanya iyon pambayad ng kuryente ay tumatanggi naman siya.
“Ayos lang ba sa’yo na pumunta tayo mamaya?” tanong niya habang tinutupi ko ang mga damit at nakatingin ako sa telebisyon.
“Uh-hmm…” wala sa sarili kong sinabi.
Napalapit na ako sa mga tao rito sa Carles. Grupo nina Lorie, Daisy, at Pamela ang paniguradong naroon. Iilang matatandang mangingisdang kaibigan ng tatay ni Dodong at ang mga kaedad ding mga tao ang paniguradong naroon.
I am more than willing to go anywhere. Nakakabagot kasi ang bahay. Kaya naman kahit anong pagkakataong makapunta kung saan saan ay papayag ako.
Tahimik kaming kumain sa hapag. Si Ali ang nagluto at sarap na sarap ako sa kanyang Tinola. I wonder how he’s feeling everytime I cook our food. Kung ganito siya kasarap magluto, parang nakakahiyang ipagluto siya ng kahit ano. Hindi naman siya kahit kailan nagreklamo ngunit pakiramdam ko’y nagtitimpi lamang siya.
“Gusto mo pa?” alok ni Ali nang nakitang naubos ko agad ang aking pagkain.
Uminit ang pisngi ko at uminom ng tubig. Sinadya ko iyon para hindi ko masabi ang totoo at mapatango na lamang ako.
“Magaling ba akong magluto noon?” tanong ko habang nilalagyan niya pa ng kanin ang aking pinggan.
Umaliwalas ang kanyang mukha habang inaayos ang ulam sa aking pinggan. I’m waiting for his response but I feel like it will take forever before he’d talk.
“Hindi ka marunong magluto…”
“Oh! That… explains it…” sabi ko sabay tago ng nakakahiyang ngiti.
Tumango siya. His lips pursed before he went back to his food.
Kung ganoon, ang pagkakatuto ko ng pagluluto noong nakaraang buwan ay kauna-unahan kong pagluluto. If we’re together for almost a year, then I must’ve been a pain in the ass. I can’t cook. Pagkauwi niya, kung ganoon, galing sa dagat ay siya pa mismo ang nagluluto?
Nagpresinta akong maghugas ng plato. Hindi naman siya naging madamot doon. Isa pa, ganoon naman talaga ang trabaho ko kapag siya ang nagluluto.
Habang naghuhugas naman ako’y siya ay naliligo. I keep on spacing out… daydreaming about something I didn’t know. Or maybe, I did know…
Of dances and parties… of a school with a navy blue uniform… of a cold wire in between two places… of being happy… of smiling with a man so gentle and lovable.
Kahit sa pagligo ko’y iyon ang pinangarap ko. I wanted so bad to ask Ali about it but he’d tell me it’s Costa Leona. That I went to school and those memories were from it. Funny dahil talagang ang naalala ko lang ay home schooled ako.
I feel like he may be lying to me. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako nagtatanong pa ng mas maraming detalye. My memories are already distorded, hearing his own version of the truth might distort it more.
Sabay kaming pumanhik sa isa sa mga cottage doon. Iyong malapit sa bahay nina Lorie kung saan may karaokehan at tindahan.
Nagsisimula na pala ang kasiyahan. Ang gangis galing sa kagubatan ‘di kalayuan ay masyadong maingay na kahit may karaoke’y naririnig naming lahat.
Pinalupot agad ni Lorie ang kanyang kamay sa aking braso nang makita. Nilingon ako ni Ali at humalo na siya sa mga lalaki.
“Ang bango…” humagikhik si Lorie nang napuna ang bango ni Ali bago iyon umalis. “Sana na apply mo na iyong sinabi ko at magkasama kayong naligo?”
“Lorie!” uminit ang pisngi ko.
“Joke lang! Halika at kumain tayo ng cake. Bumili si Mama sa bayan para sa kaarawan ng kapatid ko…”
Nagpatianod ako sa kanya para mapunta sa isang lamesa kung nasaan si Pamela at si Daisy na parehong kumakain ng cake.
“Aia!” tumango ang kapatid ni Lorie sa akin nang nakita ako.
Dalawang bote ng local rhum ang dala niya at papunta siya roon sa mga lalaking may beer pa sa kamay.
“Maligayang kaarawan!” sabi ko.
“Salamat! Si Ali?”
Bumaling ako sa pupuntahan niya at napatingin din ito roon. Tumango siya at dumiretso na.
Malakas ang tawanan ng mga kalalakihan. Siguro’y magigising kahit taga kabilang kanto. Lalo na kapag kumakanta ang mga lasing na.
“Sarap no?” ani Lorie habang kumakain noong cake na ibinigay.
Hindi ko masyadong nagalaw ang akin. Medyo busog kasi ako at panay ang tingin ko sa mga kalalakihang nag-iinuman.
Ali drank for about five shots, kung tama ang pagkakabilang ko. He’s used to drinking here.
“Tabi muna ako kay Oscar, huh?” sabay hagikhik ni Daisy at agad nang tumayo.
“Huy! Ang landi nito!” saway ni Pamela.
Pero naiwan kaming dalawa nang dumating din ang boyfriend ni Lorie at nakipagharutan siya roon sa mga lalaki.
“Tara na, Aia. Makisali na tayo roon. Nilalamok tayo rito, e…” sabi ni Pamela at tumayo na.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko gayong parang ayaw ko namang makisali Nagtama ang tingin namin ni Ali. Dumaan sa kanyang harapan si Pamela at agad niyang inilag ang mata niya para lang makita muli ako. Hinawakan niya ang konting espasyo sa kanyang gilid bilang senyas na umupo ako roon.
I gathered all my guts pagkatapos ay tumayo para magtungo roon. Umusog siya ng konti para mapaupo ako.
May binigay na beer ang kanyang kasamahan sa akin na agad ko namang tinanggihan. Tinuro ni Dodong si Ali.
“Ikaw ha, na train mong mabuti itong asawa mo na tumanggi sa alak…” tukso nila.
Tumawa si Ali at nakihalubilo sa kanya. His other hand was already behind me claiming its territory. Kumakawala lamang iyon kapag may binibigay na shot sa kanya. Saktong pagkabigay ng isa pang shot ay ang pagdating ng dalawang kababaihan, ang isa ay si Mylene.
“Oh! Narito na pala ang pinaka-aantay natin!” tawanan ng mga lalaki.
Kitang kita ko kung saan bumaling ang mata ni Mylene pagdating niya. Nilingon ko na lang si Lorie. She made a face and rolled her eyes. Ngumisi ako at umiling. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
Pinaupo ng mga kalalakihan ang dalawa sa malayong gilid. Nang binigyan ng alak ay malugod nilang tinanggap.
Lumipas ang dalawang oras ay medyo lasing na ang matatanda. They were already dancing and the singing weren’t entirely bad anymore. Ang nagagawa talaga ng alak sa mga tao…
“Iihi lang ako…” sabi ni Pamela sa akin.
Pagkasabi niya noon ay parang gusto ko na ring gawin iyon. Tumayo ako at dumungaw kay Ali.
“Bathroom lang…” sabi ko.
He nodded. His lips was pursed in a lazy smile from all the funny jokes around.
Umalis ako roon sa tabi niya at sumama na kay Pamela. Ganoon din ang ginawa ni Lorie at Daisy.
Pumasok kami sa kanilang bahay. The pink and lacy curtains of their house made me jealous. I want that for our house, too. Tanging puting kurtina lang ang mayroon kami. Siguro ay iyan ang susunod kong pag-iipunan. Nakakahiyang humingi kay Ali ng pera para lang sa sariling kapritso.
“Oh…” salubong ng nanay ni Lorie sa amin.
“CR lang kami, nay…” si Lorie.
Ngumiti ito habang hinahalo ang sisig sa itlog na tingin ko’y dagdag pulutan ng nag-iinuman.
“Lasing na ang tatay mo, Lorie?”
“Opo. Sumasayaw na po!” si Lorie habang nag-aantay kaming matapos si Pamela sa loob ng banyo.
“Ay naku! Gabi gabi na lang. Ginawa pang dahilan itong kaarawan ng kapatid mo…”
Nanatili ang tingin ko sa nanay ni Lorie. She smiled at me when she noticed how I gazed at her.
“Ako naman susunod, ha? Ihing ihi na ako…” si Daisy.
“Oh, Aia, hija… kumain ba kayo ng asawa mo? May luto kami rito…” ang nanay ni Lorie.
“Opo. Nagluto naman po si Ali…”
“Hmm. Mabait talaga ‘yang asawa mo at siya pa mismo ang nagluluto, ha?”
Pagkatapos noon ay lumabas na siya para ihatid ang sisig. Sumungaw ako sa tawanan sa labas at nakita ko sa gitna ng nagsasayawang matanda… si Mylene ay tumabi na kay Ali. Ali’s gaze was fixed at the TV. Pareho silang nakangiti. Mukhang may binubulong si Mylene sa kanya.
“Anong tinitingnan mo riyan?” si Lorie na agad umakbay sa akin.
Halos mapabalikwas ako at bumalik na sa kinatayuan kanina. Nanatili si Lorie roon at nilingon niya ako sa isang matalim na tingin.
“Hayaan mo na,” sangga ko sa maaring sabihin nito.
Lumabas si Daisy at ako naman ang sumunod sa bathroom. Pagkatapos kong umihi ay naroon na si Lorie sa labas, nag-aantay.
“Bumalik ka na roon. Huwag mo na akong antayin at magbabawas ako. Pinauna ko na si Daisy at Pamela…” she said.
Tumango ako at pumanhik na palabas ngunit hindi ko magawa nang nasa pintuan na ako. Seeing Ali with Mylene smiling intimidates me. No… I’m not sure if it’s the right word. Ang alam ko ay ayaw ko lang na malaman nilang dalawa na nakikita ko sila. Ayaw kong malaman ni Ali na alam ko na may gusto si Mylene sa kanya. Ayaw kong maramdaman nila na may kung ano iyon sa akin.
Gusto kong mag-antay sa pag-alis ni Mylene sa tabi niya bago ako bumalik. Maybe, she’d realize that now that Pamela and Daisy’s there, siguro naman babalik na ako.
Tumayo si Mylene habang tumatawa. Nag-angat ng tingin si Ali sa kanya. Umambang aalis si Mylene ngunit nang natapat kay Ali ay nawala ito sa balanse dahilan kung bakit napaupo siya roon.
Humiyaw ang mga tao. Agad kong binalik ang tingin ko sa kusina at umalis ako sa kinatatayuan ko. I will let all the hype die down till I decide to go back.
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ang pawisang si Lorie. Mataman niya akong tiningnan habang naghuhugas siya ng kamay.
“Ba’t narito ka pa?” tanong niya.
“Naiingayan ako sa labas, e…” I lied.
“Hmp! Kanina ko pa sinabi sa’yong lumabas ka. Ang malandutay na si Mylene ay panay ang sight sa asawa mo…”
Umirap ako. “Hayaan mo na.”
“Halika na. Lumabas na tayo…” yaya ni Lorie at nauna nang pumanhik.
Sumunod ako sa kanya. Nang nakalabas ay wala na si Mylene roon sa tabi ni Ali. Nasa dating upuan niya na ito. Nang dumaan ako sa harap niya’y nagtaas pa siya ng kilay. Huminga ako ng malalim at tumabi kay Ali.
He’s now serious. His eyes fixed on me simula pa nang nagpakita muli ako.
“Pagod ka na ba?” tanong niya.
Tipid akong ngumiti. “Medyo pero ayos lang…”
Something shook me, I realized. Nilingon ko siya at ang seryoso niyang ekspresyon ang nagpatunay sa akin. Oh well… maybe…
“Uh… Alam mo, pwedeng ako na lang muna ang umuwi. Dito ka na lang muna at makipagkatuwaan sa kanila. Nakakahiya naman kung umuwi tayo ng maaga,” sabi ko.
May pinasang inumin sa kanya. Tinanggap niya iyon. He smells his scent with a mixture of alcohol now.
Umiling siya at nilagok ang isa pang shot. Pagkainom ay bumaling ulit.
“Sabay tayong uuwing dalawa,” pagmamagandang loob niya.
If he wants to be alone here with Mylene, I don’t mind. Kung gusto niyang idaan sa mabuting paraan, kaya kong bigyan siya ng pagkakataon at rason para roon. Pwede siyang manatili rito at mauna na akong uuwi.
Nauna pa siyang tumayo sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya.
“O, Ali… ano?” tanong ni Dodong.
“Uuwi na kami. Pagod na si misis…” he smiled.
Naghiyawan ang mga kalalakihan. Nilingon ko si Lorie at nag aprub sign siya sa akin. Malapad din ang ngiti ng dalawa ko pang kaibigan. Si Mylene ay hindi makatingin sa kahit na sino sa amin.
Tumayo ako at sumunod na kay Ali.
“Ali naman, ang aga pa!” tukso ng mga kaibigan niya.
Naunahan ko siya sa paglalakad. Kinawayan niya pa ang mga ito at nakipagtawanan pa sa huling pagkakataon bago nagpatuloy.
“Sana nagpaiwan ka na lang…” banayad kong sinabi habang naglalakad na sa dalampasigan.
Malamig ang ihip ng hangin. Ang damit kong off shoulder ay walang panama sa iniihip na hangin galing sa mga katapat na isla. Agad siyang naglakad sa kanang gilid ko, mas malapit sa dalampasigan. Immediately, I felt better because of his frame.
“Ayos na ako. Nagtatampo si Dodong kapag hindi ako pumunta kaya pinuntahan ko…”
Hindi na ako kumibo. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tanging ang pagbagsak lang ng alon at ang ingay galing sa ‘di kalayuang karaoke ang naririnig. From here, the stars up above looks so clear. The sky is full of it. Hindi yata ako magsasawa sa kakatanaw roon. Thinking about the stars up above makes me hope for so many things. Na posible nga silang mangyari, ang kahit ano pa kaya rito sa mundong ibabaw?
“Did you enjoy the party?” he asked.
Sinipa ko ang buhangin at hinila ang isang kamay sa likod.
“It’s fine. I like the cake…” sabi ko. “Ikaw?”
“Ayos lang. Gusto mo ng cake?”
Nilingon ko siya. Kahit sa dilim ay alam kong nakikita niya ang ekspresyon ko.
“Kapag may celebration, bakit hindi…” sabi ko.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. I can’t see how I’m supposed to love this man when even a little conversation is already awkward. I view love as something that’s comfortable. I view it as something that’s familiar.
“Medyo lasing na ang mga naroon…” may pinapahiwatig ang sinabi niyang bigla.
“Ikaw? Lasing ka na. Amoy alak ka na masyado…” sabi ko.
“Hindi naman…” he said calmly.
“Si Mylene, mukhang lasing na rin ‘no?” wala sa sarili kong sinabi.
“Tingin ko. Hindi na maganda ang balanse…”
Tumango ako at natanaw na ang aming bahay. Iniwan ko na siya at nauna na akong dumiretso doon. Nilabas ko ang susi at binuksan ang pintuan.
Pumasok kaming dalawa. Umupo siya sa munting upuan sa aming tanggapan. Huminga siya ng malalim at ihinilig ang batok roon.
Tuwing lasing siya ay diyan siya natutulog. I don’t know why but that’s the usual thing he does.
“Dito na ako matutulog…” aniya.
“Bakit?” for a long time, I wanted to ask that question.
Dumilat siya at inangat ang ulo para makita ako. His eyes were tired and sleepy. His angled jaw a bit clenched.
“Amoy alak ako… kahit maligo…” he said.
“Oh! It doesn’t bother me…” sabi ko at pumasok na sa kwarto.
Naaawa ako sa kanya tuwing naaabutan ko siyang doon natutulog. He’s a huge man. His legs won’t fit the small sofa. Minsan ay iniisip kong maghabi ng banig para sa baba na lang siya matulog kung ayaw niya talagang tumabi sa akin.
Pumasok siya sa kwarto. Halos suminghap ako at nagpasalamat na hindi pa ako nagbibihis. Kumuha siya ng unan at kanyang kumot. He really is serious… he wants to sleep there.
“Ali…” tawag ko bago siya makalabas.
“Hmm?” tumigil siya at nilingon ako.
“Dito ka na lang matulog. Ayos lang…” nag-iwas ako ng tingin.
Hindi siya gumalaw doon. It’s like he, too, is confused if he should follow my order or he’d do his usual thing.
Lumabas ako at nilagpasan siya. May dala na akong mga damit ngayon at sa banyo na ako magbibihis dahil sa pagyaya ko sa kanya.
Pagkatapos kong magbihis, bumalik ako sa kwarto at naabutan ko siyang nakaupo na sa kama at parang may malalim na iniisip.
“Maliligo muna ako…” aniya.
Tumango ako at lumapit na roon. Tumayo siya at kinuha ang tuwalya. Humiga ako at tinabunan na ang sarili ng aking kumot. Don’t worry, I’ll be fast asleep by the time you come back. The smell of rhum won’t bother me that time.
Pinikit ko ang mga mata ko at malayang naidlip.