Waves of Memories – Simula

Simula

Mga butil ng pawis ang ramdam ko sa aking noo. Mainit na luha ang dumaan sa aking pisngi habang sinusubukan kong magising.

Warm hands caressed my face. A tall, lean man showed up in front of me and above us is a large chandelier. I know his smile very well. But I can’t remember his face.

A ceiling painted with that of the sky as heavens opened by angels with trumpets and spears. My eyes drifted on the floor painted with ornate curls and vintage swoosh. People were on their long gowns.

“Halika…” the man whispered.

Ibinigay ko ang kamay ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Silk ran through my legs. He held on to my waist. Kahit na nakangiti ang lalaking nasa harap ko ay tumulo ang maiinit kong luha.

“Aia,” a familiar baritone filled my ears.

Hindi ako nakinig. All I ever wanted was to dance with the man in front of me. Tears won’t stop falling. Pakiramdam ko ay mali. Ikinakahiya ko ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata. Ikinakahiya kong umiiyak ako sa harap ng lalaking gusto ko.

“What’s the matter?” the man in front of me asked.

“Aia!” a cold baritone made me open my eyes!

Hingang malalim ang una kong ginawa pagkagising. Nanginginig ang aking kamay at nilagay ko agad iyon sa aking mukha dahil sa emosyong hindi ko alam na mayroon ako sa gabing iyon. Tears fell down my cheeks as my shoulders shook of fear and pain.

My head throbbed uncontrollably. I feel like it’s going to explode!

“Thraia, it’s just a dream…”

I quickly remember where I am. Tuwing natutulog ako ay tila nakakalimutan ko ang lahat ng mayroon ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ko parin maibalik ang sarili ko sa kung ano ang nangyayari ngayon tuwing tulog ako.

He gently removed my hands on my face. Sinakop ng dilaw na ilaw galing sa lampara ang buong kwarto. Tumango ako kahit na patuloy ang mga luha.

Hinawakan niya ang kamay ko ngunit pilit kong tinanggal iyon sa akin. He sighed. I saw his abdomen rise and fall with his long draw of breath.

“Nanaginip lang ako…” sabi ko sabay hingang malalim din.

His hand fell beside the sheets. Nakakuyom iyon tulad ng galit na lagi kong nakikita sa kanya tuwing nananaginip ako ng ganito.

Pilit kong kinalma ang sarili ko. I reminded myself that he’s strong and he’s muscular. He’s not the same as the man of my dreams. He’s not gentle and he probably will never be.

Waves from the shore crashed violently. Kinagat ko ang labi ko habang nanatili ang katahimikan sa aming dalawa.

“Gusto mo bang magpatingin?” tanong niya, mas kalmado na ngayon.

His fist loosened up a bit. I shook my head.

“Hindi na. It’s just an ordinary dream…” sabi ko.

I’ve been in an accident. Or so he says…

Tumayo siya. Hindi ko parin inaangat ang tingin ko sa kanya. Pinalis ko ang tira tirang luha galing sa aking panaginip at agad na inayos ang mukha.

The wooden walls of our house is all new to me. Even the wooden bed and the white sheets. Pakiramdam ko, hindi naman ganito noon.

Bumalik siya sa kwarto. I was caught of guard and was able to get a glimpse of his stern look. His prominent jaw was clenched and his lips in a thin line. His hair is a mess but it’s always like that. I find it normal.

He slouched as he sat beside the bed we’re in. Nilahad niya sa akin ang isang baso ng tubig.

“Drink…” he ordered.

Marahan akong tumango at tinanggap ko ang baso ng tubig. Sumulyap muli ako sa kanyang mukha. His eyes were hooded and intimidating and his chest have all the cracks in place.

It’s definitely not him.

For the past two months, wala siyang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin. Kaya lang ay dahil sa mga panaginip ko, hindi ko kayang paniwalaan ang lahat ng sinabi niya sa akin.

We were heading for Carles to move to a new house when the accident happened. Nag crash ang sasakyan namin sa isang bangin at naging masama ang hit ng aking ulo. I was unconscious for two days and I woke up remembering nothing.

Siya ang kasama ko sa ospital. Siya rin ang pinagkatiwalaan ng mga doktor na nakausap namin.

Binigay kong muli sa kanya ang aking baso. Kinuha niya iyon at nilapag sa maliit na lamesa sa tabi ng aming kama.

I am married to him. We have our promise ring. He’s a fisherman and I’m his wife who waits for him till he comes back. Pero bakit hindi iyon ang naiisip ko? Bakit hindi ako lubusang naniniwala sa lahat ng mga sinabi niya sa akin.

Wala akong maalala. At ni lukso ng dugo para sa kanya ay wala akong maramdaman. I am not even sure if I like him. Sure, he is attractive. Women from the village can boldly confess how much they like him in front of me and I’m not even moved or jealous. There’s nothing inside of me that feels for him.

Pero sa lalaki sa panaginip ko, sobrang dami kong nararamdaman. Sakit, pait, saya, excitement… every possible feeling one could feel for someone dear to them.

“Saan tayo nanggaling bago tayo napunta rito sa Carles?” bigla kong tanong sa kanya.

His jaw clenched again like he wants me to shut up. Yumuko ako. I feel like it’s only a matter of time now that he gets mad at me and just slap the shit out of me. I can’t help it. I don’t remember anything.

“Sa Estancia. Doon tayo nanirahan. Doon ako nangisda bago pumunta rito…” tila pinal niyang sinabi.

Agad niyang pinatay ang ilaw sa lampara. Total darkness enveloped my eyes. Umuga ang kama nang humiga siya sa tabi ko. Unti-unti akong humiga pabalik galing sa pagkakaupo.

“Matulog ka na…” he said coldly at tinalikuran ako.

Huminga ako ng malalim. Dilat na dilat ang aking mga mata kahit sa kadilimang bumalot sa aming kwarto.

I woke up early morning the next day because of the sound of the spoon, fork, and the plate.

Tuwing madaling araw, pumapalaot siya kasama ang ibang mangingisda. Hindi niya ako ginigising para magluto o pagsilbihan siya ngunit madalas akong nagigising kapag aalis siya.

Siya ang nagluluto ng aming almusal. Pagkagising ko ng umaga, madalas malamig na ang kanin at ang ulam. Bumabalik siya sa umaga o ‘di kaya’y tanghali at magpupunta sa palengke o ‘di kaya’y ipagbili ang mga isda sa mga mamimili sa fish landing, hindi kalayuan dito sa amin.

Buong araw siyang wala. Darating lamang mga dapit hapon o ‘di kaya’y gabi. Minsan lumalabas pa siya ng gabi at pupunta sa karaokehan ng kapitbahay para makipag-inuman sa mga mangingisdang kilala.

Bumangon ako at umupo sa kama. Ilang saglit akong nanatiling ganoon bago siya sumungaw sa aming pintuan.

“Nanaginip ka na naman ba?” he asked.

Umiling ako. “Nagising lang ako…”

Tumango siya. “Aalis na ako. Isarado mo ang pintuan pagkalabas ko.”

“Okay…”

Without delay, he went outside of the house. Tumayo ako at sinarado ang pintuan ng aming bahay at tiningnan ang ulam na niluto niya. It’s scrambled egg. But I’m not hungry, yet.

Binuksan ko ang kahoy na bintana ng aming bahay at nakikita ko ang mga mangingisdang isa-isang tinutulak ang kani kanilang mga bangka. They’re bringing only flash lights and little lamps to light their ways.

Hinanap ko siya at nakitang may dala dala ng lubid sa kanyang balikat habang tinutulak ang bangkang madalas niyang sinasakyan.

I closed the window and locked it. Humikab ako at hinila ang kumot para sumiksik doon.

Ayaw niyang nagtatrabaho ako. Gusto niya rito lang ako sa bahay buong araw. Hindi kaya ng telebisyon at radyong punan ang pagkaka inip ko rito sa bahay. There’s just nothing here but thin walls made of wood and nipa. Kung wala ang dagat, malamang matagal na akong nabaliw.

Hindi ako makapaniwalang ito ang kinagisnan kong buhay simula pa noon. Hindi ako makapaniwalang simula nang mawala ang aking mga magulang ay umalis na kami sa dati naming bahay para mamuhay kasama ang asawa kong hindi ko alam kung kailan ko nakilala.

“Ang ayos ng gawa mo sa pamaypay na ito, Aia…” wika ni Lorie habang tinitingnan ang ginawa ko kanina.

Isa sa mga libangan rito sa cottage ay ang paghahabi ng pamaypay, basket, at marami pang iba. Sumasali lamang ako para may mapaglibangan. Pwede ko pang ibenta kung sakali para kumita na rin.

“Salamat. Mas maganda sana kung maraming kulay ang gamitin…” sabi ko.

“Patingin nga niyang gawa mo ngayon…”

Hinawakan ni Lorie ang pamaypay na gawa ko. Her bronze skin brightened up when the ray of sun hit her. Her long black hair tied in a ponytail. Halos silang lahat dito ay ganoon halos ang ayos. Morena at may itim na buhok.

Namilog ang mga mata ni Lorie nang nahawakan niya ang kamay ko.

“Ang lambot naman ng kamay mo, Aia! Halatang wala kang ginagawa noon!” deklara ni Lorie.

Ngumiti lamang ako at agad na pumunta ang dalawa pang kasama namin sa cottage.

Hinawakan din ni Daisy at Pamela ang aking kamay. Namangha sila. Tumawa lamang ako dahil dinumog na ako ng tatlong kaibigan.

My fair skin and my natural brown hair is so out of place when I’m with them. Tila isa akong kalapating nakikisama sa mga magagandang agila.

“Andyan na sila!” Daisy declared and then her eyes darted to the shore.

Nilingon ko rin ang dagat at nakita kong kakarating lang ng mga mangingisda. Sinalubong agad sila ng mga mamimiling taga palengke. Hindi iyon mauubos dito dahilan kung bakit kailangan pa nilang pumunta sa palengke at ipagbili pa ang mga iyon.

“Pawis na pawis si Ali!” niyugyog ako ni Lorie nang nakita ang aking asawa na binababa ang isang balde ng isda galing sa bangka.

I looked away and started weaving the fan again.

“Kung ako sa’yo, tatakbo ako roon at pupunasan ko ang pawis ng asawa ko, Aia!” ani Lorie sabay pamaywang.

“Hindi niya kailangan noon…” mapait kong sinabi.

“Ano?” she asked like I’m the most ridiculous person in the world.

“Naku, Aia! Kita mo iyang taga palengkeng ‘yan? Si Mylene? Iyang maputi?”

Unti unti kong nilingon ang tinutukoy nila. Yes… I know that girl. She openly admits to have a crush on him.

“Kapag naakit diyan si Ali, naku… Huwag mo nang asahan. Magaling daw ‘yan sa kama sabi ni Dodong! Marunong ‘yan sa taas, sa baba, sa tagiliran! Lahat!” si Lorie.

Agad siyang binatukan ni Daisy. Nanatili ang tingin ko sa Mylene na tinutukoy. Nilapitan niya si Ali at nakipagtawanan. Tinuro turo ang balde ng isda at nakipag-usap pa. I wonder if it’s about the fish they’re talking about?

“O! Malay mo, Lorie? Mas magaling pa riyan si Aia!” sabay hagikhik ni Daisy.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pag-aayos ng pamaypay.

“Isa pa, mas maganda yata si Aia kaya bakit siya ipagpapalit ni Ali?” tanong naman ni Pamela.

“May kasabihang daig ng malandi ang maganda. Kahit gaano pa kaganda kung pangit sa kama… maaagaw at maaagaw ‘yan!” ani Lorie sa isang pinal na tono.

“Baka naman kasi magaling nga si Aia. Kinis ng legs niyan. Maliit pero baka mabilis!”

Naghagikhikan muli sila. Umiling na lamang ako.

“Sa postura pa naman ng asawa mo, Aia. Mukhang matinik sa kama. Mukhang mawawasak ka kapag nanggigil ‘yan!” ani Lorie.

Matalim ko siyang tinitigan at muling humugot ng hininga.

“Wala pang nangyayari sa amin ni Ali…”

“Ha?” sabay-sabay pa silang tatlo sa sigaw na iyon.

Nakaupo na sana’y tumayo muli sila at lumapit sa akin. Binagsak ko ang ginagawang pamaypay at iritado silang hinarap.

“Anong wala? Asawa mo ‘yon! Boyfriend ko nga, e… may nangyayari na…” si Lorie.

“Ilang buwan na? O wala… talaga? Ever?” si Daisy.

“Sinungaling ‘to! Nagpapakabirhen pa! Imposoble. Diosko dai!”

“Wala nga… O… simula noong naaksidente… Ewan ko… Wala akong maalala…”

Natahimik sila at nagkatinginan. Kinuha ko ulit ang pamaypay at nagsimulang ayusin muli iyon.

“Baka may nangyari na noon? Bago ka naaksidente? Wala ka ba talagang naaalala?”

Umiling ako. “Wala, Daisy.”

“Kung kasal na kayo noon pa, malamang unang gabi pa lang, Aia. Hindi ka ba niya hiningan?”

“Hindi…” ngumuso ako.

Maybe he didn’t like whatever happened between us in bed so he never asked me to do it again. Besides, I don’t want to do it with him. Kahit na sinabi niyang kasal kami, may pagdududa sa aking puso. I feel like it’s not him. I feel like I like someone else. Someone opposite of him. Someone else. I just can’t tell him yet until I confirm it.

Ang sabi ng doktor, maaaring bumalik ang mga alaala ko ng paunti unti. Una nang bumalik ang alaala ko noong kabataan ko sa loob ng isang buwan. Pero wala na akong maalala tungkol sa kanya o kahit sa mga recent events. I’m not losing hope. Naibalik ang alaala ng pagkabata ko, ibig sabihin maibabalik pa ang alaalang nawawala.

“Siguro rin…” Tumango si Pamela. “Nirerespeto ka niya. Hindi na ikaw ang dating Aia na alam niya kaya hanggang sa bumalik iyong Aia’ng iyon, ‘tsaka kayo pwedeng bumalik sa kama…”

“Anyway, hindi ako sigurado kung kaya kong gawin sa kanya iyon…” sabi ko.

“Bakit hindi? Pabebe pa ito…” iritadong sinabi ni Lorie.

“Lorie, hindi ako sigurado. Wala akong maramdaman. Kahit lukso ng dugo, wala. Kahit tibok ng puso… para sa kanya… wala.”

“Syempre, ala kang maalala, Aia. Natural lang na wala kang maramdaman…” si Lorie.

“Ang sabi sa mga palabas, kahit na walang naaalala ang mga bida, may nararamdaman parin para sa taong mahal nila. Naalala n’yo ba noong nagka amnesia si Dao Ming Zi? Kalaunan may naramdaman siya kay San Chai.”

“Ewan ko, Pamela. Hindi ko na pinanood iyang palabas noong nag season 2 dahil OA na…” Umirap si Lorie.

Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paggawa ng pamaypay.

“Shh! Papunta sila rito…”

Nagsiupuan ang tatlo. Dito dadaan ang mga mangingisda bago makapunta sa fish landing. Isa-isa nang dumaan sa gilid ng cottage at medyo umingay sa tawanan at sigawan nila.

“Ang landi talaga nitong si Mylene… naku…” bulong bulong ni Lorie.

Ayaw kong lumingon pero sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko si Ali, buhat ang isang balde ng isda. Sinasabayan siya ng lakad nitong si Mylene habang pasimpleng pinupunasan ang pawis sa noo.

Kumunot lamang ang noo ko at nagpatuloy sa pag gawa ng pamaypay. Tinulak ako ni Lorie nang naubos ang mga mangingisda.

“Ano ka ba? Sigurin mo, Aia! Kung ako sa’yo, hindi ako makakapayag na hinahawakan niya ng ganoon ang asawa ko!” sigaw ni Lorie sa akin.

Tiningnan ko lang siya. “Lorie, buhay nila iyon.”

“Buhay mo rin ang nakataya rito! Kung patuloy na aakitin ni Mylene si Ali at tuluyan nga siyang maaakit. Ibig sabihin may kabit na ang asawa mo?! At ikaw?”

“Wala naman akong nararamdaman para sa kanya…” It was almost a whisper.

“Kahit na wala kang maramdaman sa kanya, girl, kailangan mong ipaglaban ang pagiging asawa mo! Karapatan mo ‘yan! Hindi pwedeng maagaw ang asawa mo kahit nawalan ka ng pakiramdam para sa kanya!” Pamela said dramatically.

I only sighed. I wish I find it in me to feel that obligation in me. I just can’t.

“Kung naakit siya ng ibang babae, ibig sabihin doon… nagkamali ako ng piniling lalaki noon,” sagot ko na nagpatahimik sa kanila.

Umiling si Lorie at Daisy sa sinabi ko. Malungkot na ngumiti si Pamela sa akin.

Nilingon ko ang dagat na ngayon ay kalmadong kalmado.

“Ipagdarasal ko sa mga Higante na maibalik na sa’yo ang alaala mo…” sabi ni Pamela.

“Ipagdarasal ko sa mga Higante na mapukpok ng bato itong si Aia…” nagtawanan si Lorie at si Daisy.

Pinagmasdan kong mabuti ang dagat. Although I remember our house near the woods and the empty streets of Costa Leona… I remember crashing of waves, too. I remember crystal clear blue waters. We don’t have that near our house… Is it a memory from Estancia? Or is it a memory from last month?

“Aia…” mababang boses ni Ali ang nagpatahimik sa mga babae.

Nilingon ko agad siya. Bumaling din ako sa fish landing kung saan nakita ko si Mylene na nakatayo sa baldeng dala kanina ni Ali.

“Dito ka lang. Uuwi rin ako mamaya…” paalam niya.

Tumango ako at binalingan na lang ang pamaypay.

Tahimik na umalis si Ali. Mabibigat na hininga ang pinakawalan ng mga kaibigan ko bago sila nagpatuloy sa mga ginagawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading