Island of Fire – Kabanata 4

Kabanata 4

Revenge

Kahit sa kitchen ay may nakaantabay na bodyguard. Si Belinda at ako lamang ang naroon pero tingin ko’y dahil iyon sa mga matatalim na bagay na naroon.

I have come to realize that forcing him to tell me what his motive is is not effective. Alam kong kasalan ko dahil ako naman talaga ang nagbalak na kidnapin siya. Kung hindi ko siya pinakidnap, I wonder if we’ll make it here?

Ang importante lamang sa akin ay ang makawala rito.

Ngumisi ako habang pinagmamasdan ang luto ko.

“Nalulugod akong marunong ka na palang magluto,” si Belinda habang pinagmamasdan ang ginagawa ko sa manok na niluluto.

Natuto ako nito sa ibang bansa. I tried it once because Calla and Caleb went to visit me and they want to try my favorite spanish dish na ako ang magluluto. Sarap na sarap si Calla kapag nahihirapan ako sa ganoong paraan kaya pinagbigyan ko siya.

“Natuto lamang ako sa ibang bansa, Belinda,” kalmado kong sinabi.

Sa ibang pagkakataon, siguro’y marami na akong nasabi. Pero sa sitwasyon ko ngayon, tila kay hirap dagdagan.

“Dahil ba wala kang ibang maaasahan doon? Hindi ba nagkaroon ka parin ng kasambahay sa ibang bansa?” tanong niya sa akin habang hinihiwa ang isang may kalakihang isda.

In a pan, I mixed the bacon, onions, and garlic. Hindi naman masyadong mainit pero tumutulo ang pawis ko sa noo dahil sa ginagawa.

“Gusto kasi ni Calla na ipagluto ko sila ni Caleb noong bumisita sila,” sambit ko at nagpatuloy sa ginagawa.

Tumango si Belinda. “Mabuti. Bukod diyan, may iba ka pa bang alam na lutuin?”

“Breakfast.”

“Kailangan mo pa palang matuto ng maraming ulam. Maraming paboritong pagkain si Ser Radleigh, at masisiyahan iyon kapag nakitang marunong ka.”

Napalingon ako sa kanya. Now that she mentioned it, what are his favorite food?

“Hayaan mo at tuturuan kita,” dagdag ni Belinda. “Para naman maipagluto mo si Ser Radleigh!”

She smiled like an idiot. Kumunot ang noo ko. Para bang may pinapahiwatig siya sa akin sa sinabi niya. Umangat-angat pa ang dalawang kilay niya.

I am completely aware that I am not here for a vacation or for playing like a slave. I’m here because he kidnapped me.

Sa ibang pagkakataon at ibang sitwasyon, maaaring nagwawala na ako. Pero dahil sa amin naman ang islang ito, kilala ko si Radleigh, pati ang mga tauhan, mabilis lamang akong nakabawi sa trauma na ibinigay nila noong nakaraan.

Radleigh’s plans, I’m sure, is either to milk the Le Viste Lands or to bring our company down. Without me, nobody’s going to lead it. Nasa dalawa lang namang ‘yan ang kanyang motibo. Eitherway, it’s awful. This is why he needs to pay!

“Tapos na!” sabi ko sabay pakita kay Belinda noong ginawa kong Spanish Chicken.

Kumuha si Belinda ng kutsara at tinikman iyon. Tumango siya pagkatapos at napapalakpak ako. That means it’s delicious. She’s a good cook.

“Halika na,” si Belinda sabay kuha noon pagkain para ilapag na sa dining table.

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. Pagkatapos kong maligo kanina sa dagat ay naligo at nagbihis na ako sa banyo. Ngunit ngayon ay pawis na naman ako dahil sa pagluluto.

Lumabas ako ng kitchen at dumiretso na sa dining table. Nakalatag na roon ang dalawang pinggan para sa amin ni Rad. Si Belinda’y nag-aayos sa ulam at kanin namin. Pati na rin sa inumin.

“Kayo, Belinda?” tanong ko.

“Mamaya pa kami.”

Tumango ako at naupo na sa lamesa. Sa tabi ko’y dapat si Radleigh na ang uupo.

When I saw him nearing the dining area, mabilis kong pinunasan ang pawis sa aking batok. Ilang hibla ng aking buhok ay dumikit dahil sa pawis. I stopped when he’s very near.

I plastered a smile on my face pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa kanya. Maybe through this, I can finally know the truth. Nagtaas siya ng kilay at naupo na roon sa aking tabi.

“I cooked these,” I proudly said.

Nagsalin si Belinda ng juice sa baso ni Radleigh. He politely said thank you before turning to what’s on the table. Pagkatapos ay nagtungo si Belinda sa akin para magsalin na rin ng juice sa aking baso.

“Uh, this is called Spanish Chicken,” I awkwardly said.

Kinuha ko ang serving spoon at nilagyan ang kanyang pinggan ng isang piraso. I put on more sauce to taste pagkatapos ay nag-antay na sa magiging reaksyon niya sa pagkain.

Kinuha ni Radleigh ang mga kubyertos at hiniwa na ang manok na nilagay ko. Kumain siya ng maliit na parte at habang nginunguya ay napatingin sa akin.

I’m torn between wanting to know if he really liked it and wanting to make him feel that I’m trying my best to please him.

“Do you like it?” tanong kong kaswal.

Walang ekspresyon siyang tumango.

“It’s good.”

Napalunok ako at pagkatapos ay tiningnan na ang aking luto. For a second, parang may nagiba sa akin na hindi ko alam. Maliit na kilos ang ginawa ko nang naglagay ako ng isang piraso ng manok sa akin pinggan.

Kumuha naman si Rad ng kanin at nilagyan niya ang kanyang pinggan. I put on some sauce on top of my chicken, too. Hiniwa ko ng maliit na parte ang manok at pagkatapos ay ako naman ngayon ang nilagyan niya ng kanin.

Nag-angat ako ng tingin kay Rad. He’s serious as he looks at my plate. Ngumuso ako at hinayaan siyang lagyan ng kanin ang aking pinggan.

Tahimik lamang siya. Hindi naman ako mapakali. I can’t stop watching him. Habang kumakain siya’y sinusulyapan ko.

Tinikman ko ang luto ko at napagtantong medyo kulang sa alat iyon. Damn it! At sinabi niyang “good” daw?

Bumaling muli ako sa kanya.

“So, now that we’re eating together and I’m not anymore confined like a prisoner in my room…”

Mataman niya agad akong tiningnan na tila ba may sinasabi na naman akong kinaiiritahan niya.

“I am sure you don’t really mean to kidnap me, right?”

Nagtaas siya ng kilay at binaba ang mga kubyertos para ibigay sa akin ang atensyon.

“I kidnapped you so… you kind of kidnapped me, instead, is that right?” kalmado kong sinabi.

“Do you regret what you did?” he said in a baritone.

Napatuwid ako sa pagkakaupo. I don’t really but of course we all know what’s the correct answer.

“Of course. I’m sorry. I’m just really desperate,” sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nasa tabi lamang ng pinggan.

Umigting ang kanyang panga nang tiningnan ang aking kamay na nakahawak sa kanya. I smiled widely when I saw his reaction. I knew it! He still has feelings for me!

Napawi rin agad ang ngiti ko nang binawi niya ang kanyang kamay at muli akong sineryoso.

“Come on, Rad! I said I’m sorry, alright? Now can we go back to Manila so I can save my company and you… you can do whatever you want?”

Nanatili ang mga mata niya sa akin ng ilang sandali. For a fleeting moment, I thought that I finally got him. That maybe he realized that I’m calm now. That I won’t kidnap him when we go back to Manila.

“No,” mariin at malamig niyang sagot.

Napawi ang ngiti ko at agad na nawalan ng gana. This is ridiculous! This is not fair! Alam ko namang kasalanan ko talaga ang nangyaring ito pero kung bakit pinapanatili niya akong bihag dito ng walang sapat na dahilan ay hindi ko na maintindihan.

“Why?” tanong ko.

His jaw clenched and continued eating.

“Just eat your lunch, Miss Leviste…” ni hindi niya ako tiningnan.

Napalunok ako at natitigan na lamang siya.

Ang frustration sa kalooblooban ko ay parang tubig na unti-unting kumukulo. Kani kanina lang ay kinakalma ko ang aking sarili. Ngunit ngayon, habang kausap na siya nang walang ibinibigay sa aking rason, napupuno na naman ako.

“Then why are you keeping me here?” I demanded.

He looked at me with nothing but stone cold eyes. Uminom siya ng tubig tumigil sa pagkain.

“I kidnapped you because I’m desperate, alright? I need to save the company and it’s my only way to save it! Ngayon, ikaw? Bakit mo ako ikinukulong dito? For what? For ransom? Which I am sure you don’t need? To bring down Vista Grande? Which I am sure you do not need to since as you see, it’s going down already, Rad!” giit ko.

Padabog akong tumayo. Just as I thought I can control my feelings and fool him, I realized I could not. It frustrates me and I don’t like it.

Pumikit siya ng mariin na tila ba’y pinipigilan ang sarili. Iniwan ko siya sa hapag at agad nang nagmartsa patungo sa aking kwarto sa ikalawang palapag.

Like what happened yesterday, I exhausted myself with my thoughts. Inisip ko kung ano ang dapat kong gawin.

Mas lalo lang dumagdag ang lahat ng ito nang naisip ko kung ano na kaya ang kalagayan ng kompanya ngayon. Ang mga empleyado ay nagrarally na noong umalis ako. Sino na ngayon ang namamahala rito? Ethan would wonder, I am sure. It’s been two days since I probably went missing! Dapat ngayon ay pinaghahanap na ako!

Ilang oras akong nanatili sa kwarto. Neverminding the unfinished meal. Neverminding the thirst and my determination to swallow my pride and seduce him till he takes me back to Manila.

Tila gatilyong kinalabit ay lumabas ako sa aking silid. Si Roman na siyang nagbabantay sa akin ay medyo nagulat ngunit sa huli’y hinayaan na lamang akong lumabas.

Dire diretso ang lakad ko patungong stone path. Pababa’y kita ko ang mga bodyguard na nakatingin lamang sa akin habang naninigarilyo. I did not mind. I have to do this. This is the last chance. The last drop of my desperation.

Tinakbo ko agad ang dalampasigan. Ang jetski na nasa buhangin ay buong lakas kong tinulak patungo sa dagat.

I am aware that the guards were probably looking at me but I did not mind. May pakinabang din pala kahit paano ang pagbabawas ng higpit ni Radleigh sa akin.

Sumakay ako roon nang lumutang na ito at agad kong pinaandar. Tiningnan ko ang meter at nakitang puno iyon. I think I can go to wherever’s the nearest island here! I’m sure of that!

Ang marahas na hangin ay mabilis na umihip habang dire diretso ang sakay ko sa jetski patungo sa paniguradong malapit na isla. Sa Costa Leona ako dadaong, sigurado iyon! At sigurado rin akong makakaabot ang jetski na ito roon. Hindi naman kasi iyon kalayuan!

Nang lumayo na ako sa Isla Fuego, nakita kong lumalakas na ang alon. Although I know how to swim, the tortoise waters somehow disturbed me. Images of sea monster crept in my mind as the waves continuously rocked the fast jetski.

Mas lalo ko lamang binilisan dahil sa takot ko.

And then I saw one large wave coming. Malayo pa lang ay napredict ko na ang mangyayari!

I screamed and closed my eyes as the wave hits the jetski making me fall to the ocean!

Tumama ang tuhod ko sa katawan ng jetski and blood clouded on the sea when I opened my eyes. Agad akong nangapa para makalangoy pataas dahil mabilis ang pagkakahulog ko.

My heart throbbed and I felt like it’s the end of me. Pero patuloy ako sa paglangoy hanggang sa nakaahon ang ulo ko. Luminga linga ako at agad nakita ang nabaliktad kong jetski. Nilapitan ko iyon but its force is too much na tuwing natatamaan ako’y napapaatras ako. The violent waves drowned me until I heard the low sound of the yacht’s engine.

Dalawang bodyguard ang nasa looban at nagmamanipula noon. Radleigh looked so devastatingly angry. Nasa harap siya. Dalawang kamay ang nakahawak sa barandilya. He immediately locked eyes on me as I try to move the jetski so I can ride again.

“Damn it!” Hinampas ko ang jetski na hindi ko mabuhat-buhat.

Bago pa tuluyang matigil ang yate ay sumabog na ang tubig sa isang bagsak ng katawan.

“No!” sigaw ko sabay langoy palayo roon.

If the jetski won’t fucking take me to the next island, then I’ll take myself there!

Mabilis akong lumangoy palayo para makatakas. Kahit na alam kong imposibleng makaya ko iyon!

But then while swimming fast, an arm snaked on my waist stopping me from advancing! Pumiglas agad ako para makawala.

“Bitiwan mo ako!” sigaw ko.

“Nababaliw ka na ba?” parang kulog ang kanyang tinig sa sobrang galit.

“I want to get out of that island! Bitiwan mo ako!” sigaw kong muli sabay tulak sa kanya.

It all takes one hand to scoop my two wrists. Sa sobrang lakas niya’y hindi na ako makapiglas. Ang kanyang isang kamay ay nakapalupot sa aking braso para pigilan ako sa pagkakatakas.

Narinig ko ang makina ng yate na palapit sa amin. May hinagis na kulay orange na salbabida si Roman ngunit hindi iyon pinansin ni Radleigh. Hinawakan niya ang pinakamababang barandilya at agad akong nilapag doon.

My nose hurts and I couldn’t hear properly. Ganunpaman ay nagpumiglas parin ako. Nasa paanan ko si Rad at agad ko siyang sinipa nang nakitang palapit na sa akin. Umatras siya at hinawakan ang paa ko upang pumirmi ito.

Naubo ako at may lumabas na tubig sa aking ilong at bibig. Mas lalo pa akong naubo dahilan ng pagkakatigil ko sa pag piglas.

Hinawakan ng isang bodyguard ang magkabila kong braso at hinila papasok ng tuluyan sa yate.

“Bon, ako na ang bahala sa kanya,” si Rad at agad na inangat ang sarili papasok sa yate.

“Sorry po, Sir,” ang bodyguard at umatras.

Nanginig ang aking labi at ngayon ko lang naramdaman ang takot sa ginawa ko. He scooped me and then puts me in a chair.

Niliko na ni Roman ang yate at ang isang bodyguard ay naghubad upang kuhanin siguro ang jetski.

Radleigh immediately covered me with a large white towel. Nanginginig ako at natutulala sa nangyari. Huminga ako ng malalim at bumagsak ang mga mata sa sahig.

He squatted in front of me making me see his face. Marahas na tumataas baba ang kanyang malapad na dibdib, tila hindi pa nakakabawi sa hingang inubos sa paghabol sa akin noong lumangoy ako.

“What the hell were you thinking, Zari?” dinig na dinig ko ang galit doon.

“I said I want to go back to Manila! I said I want to leave the island! I said I’m sorry that I kidnapped you for my selfish reason! Bakit hindi mo parin ako binabalik sa Maynila, huh?” sigaw ko, natigil lamang ng inubo muli ako.

Nanginig ako. Pumikit siya ng ilang sandali at nang dumilat ay hinawakan ang magkabilang gilid ng tuwalya para ma isarado iyon sa aking dibdib.

“What is this?” tanong ko, nanginginig ang boses hindi dahil sa lamig kundi dahil sa takot. “What is this all about, huh? Revenge? For what, Radleigh? Dahil sinubukan kong kidnapin ka? Dahil natigil ang engagement mo? Damn it! I promise I won’t bother you anymore just take me back to Manila!”

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Mapupula ang kanyang mga labi nang umawang ito. Ang tubig dagat sa basa niyang buhok ay bumababa patungo sa kanyang mga mata adding to it’s redness.

“I’m sorry, okay? You have proven that you’re better than me. I will stop bothering you just take me back to Manila! Pakawalan mo na ako!”

I licked my lips as I desperately looked at him. Nanatili siyang seryoso habang pinagmamasdan ako sa aking paanan.

“Is this about what happened years ago? Is this revenge for that, Rad?” maliit ang boses ko pagkasabi ko noon.

Umingay ang makina ng yate nang naayos na ang jetski. Tumulak na ito pabalik ng isla habang pinagmamasdan ko si Radleigh na nanatiling nasa aking paanan. Locking me with both his hands beside my chair.

“No,” he said.

Kung hindi iyon. Ano ‘to? Hindi ko na maintindihan.

“If I’ve hurt you, then I’m sorry. I know my ways are usually crooked. And I’m sure you don’t believe that I can kill you, right? Oo at hindi ako mabuti pero hindi ko magagawa iyon kaya ano itong parusang ibinibigay mo sa akin ngayon?”

Willingly, my tears fell mixing with the sea water. Nanatili ang mga mata ni Radleigh sa akin. Naramdaman ko ang paghila niya sa aking tuwalya dahilan ng pagkakalapit ko sa kanya. He tilted his head and then a hot kiss filled my lips.

Tumigil siya ngunit nanatiling sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Our nose touched and I couldn’t move. Ni hindi ako makahinga.

“Are you mad at me for dumping you years ago?” halos bulong iyong naging tanong ko, hindi ko siya matingnan ng maayos.

Natigilan siya sa tanong ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang nag-aantay ng sagot.

“Yes,” he breathed.

Ilang sandali pa bago ako nakabawi. Isang kalabog ang narinig ko sa aking dibdib. The one that hurts a lot. Like I’m scared, afraid, and thrilled at the same time.

“Then… this is revenge,” bulong ko.

And I think I’m in a bad luck. Tiningnan ko ang braso niya. It flexed when he tried to lean closer. I didn’t like the way he makes me feel.

Umigting ang panga niya pagkatapos ay huminga ng pagkalalim lalim.

“We’ll call Ethan when we get back to the mansion.”

Nagulat ako roon ngunit hindi na ako umimik. Will that mean I’m going to finally leave Isla Fuego?

Nang dumaong ang yate sa dalampasigan ay pababa na ang araw. Naunang bumaba si Radleigh. Naglahad siya ng kamay sa akin ngunit dahil nakahawak ang dalawang kamay ko sa tuwalya’y lumapit siya sa yate at inangat niya ako pababa.

Nang nakababa ako’y nagkatinginan kaming dalawa. He looked all defensive and cold. But then held my hand and started walking back the hill.

Ang mga bodyguards ay tinatanaw kaming dalawa habang unti-unting naglalakad patungo sa stone path.

“Anong nangyari? Ayos ka lang ba, Ma’am?” nagmamadaling lumapit si Belinda sa amin ngunit nilagpasan lamang siya ni Rad habang hila-hila ako paakyat sa stone path.

Napatingin ako kay Belinda na ngayon ay napahawak sa bibig nang nakita ang kamay naming magkahawak. I saw her smile but covered her mouth again when I caught her.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umakyat na kami ni Radleigh sa mga unang palapag ng stone path.

“Maghanda ka ng damit niya at medicine kit, Belinda. Paki hatid sa opisina,” bilin ni Rad bago kami nagpatuloy sa paglalakad paakyat ng burol.

Tahimik kami nang nasa mansyon niya. Tumigil siya sa paglalakad nang nasa tapat na ng aking kwarto.

“Maligo ka at magbihis. Ipapatawag kita kay Belinda kapag tapos na ako at tatawagan ko ang pinsan mo.”

Tumango ako at ilang sandali pa siyang pinagmasdan. He’s devastatingly sexy in his black shorts. He’s topless and drops of saltwater trickled down his abdominal muscles. Binuksan niya ang pinto papasok sa aking kwarto at iminuwestra na ang loob.

Damn it! Am I gawking too much?

Pumasok na ako sa loob at agad na sinarado iyon. Huminga ako ng malalim at nasisiguro kong hindi iyon dahil kinapos ako ng hininga kanina.

Ilang sandali akong nanatiling nakahilig doon. Pinikit ko ang aking mga mata at sinapo na lamang ang noo.

Earlier this morning, I wanted to swallow my pride and seduce him so I could get out of this island. I lost it and tried to escape. Ngayon, hindi ko matanggap. Hindi dapat ganito. Maybe it’s just my situation. Yeah. That’s right. That’s it!

Habang naliligo ay naririnig ko ang paglalapag ni Belinda ng mga gamit sa aking kama. Ang mainit na tubig ay tila gamot sa lahat ng kumikirot sa akin ngayon. Ang sugat sa aking tuhod ay nilapatan ko ng tubig para kahit paano’y maibsan.

Lumabas ako ng banyo at naabutan ko si Belinda na naglalapag ng sopas sa night table. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang lumabas ako at dumiretso sa damit na naroon sa aking kama.

“Kumain ka muna ng sopas, Ma’am,” sabi niya.

Tumango ako at tiningnan ang nakakahalinang mainit na sopas sa night table. Nanatili siyang nakatayo roon at magkahawak pa ang kamay like she’s expecting something from me. When she smiled, I knew.

“Masaya ako’t nagkakamabutihan na kayo ni Ser Radleigh,” si Belinda.

Umismid ako sa sinabi niya. “Hindi kami nagkakamabutihan, Belinda. Tumakas ako kaya natural lang at baka guilty iyon sa pagkukulong sa akin sa islang ito!”

Napawi ang ngiti niya. “Ma’am Zari naman… Alam naman nating lahat na matagal nang nais ng mga magulang mo ito, hindi ba? ‘Tsaka, noon pa man nakikinita ko nang magiging magandang pares kayong dalawa-“

“Belinda!” saway ko nang medyo may naramdamang kakaiba.

“Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mo pa, e, kahit noong bata pa siya-“

“Hindi nga ganoon ang hilig ko noon, Belinda,” iritado kong sinabi.

I thought she’ll get my hint. That I’m irritated and she needs to leave but she didn’t. Instead…

“Pero ngayon, ganyan na ang hilig mo, Ma’am?”

Iminuwestra ko ang pintuan sa kanya.

She’s around late teens when she started working for my family. Anak siya ng dating mayordoma ng Lolo at Lola ko. Hanggang ngayon sa amin parin siya nagtatrabaho… or maybe… kina Radleigh na.

“Magbibihis na ako,” sabi ko at tinalikuran siya.

“Sige, Ma’am! Bilin ni Ser na pagkatapos mong magbihis ay inumin mo ang sopas at dumiretso ka na sa opisina…”

Nilingon ko siya. I glared at her when she did not even move a bit until she got the hint. Dumiretso na siya sa pintuan at lumabas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading