Kabanata 5
Abduct
Isa sa mga sinadya kong ipack ang suot ko. A black silky pair of shorts and spaghetti strap pagkatapos kong maligo.
After eating the hot soup. I immediately went to the office. Pagkalabas pa lamang ng aking silid ay mukhang kumpleto ang mga bodyguards. They look very alert.
“Humahakbang na po siya,” si Roman sa kanyang walkie talkie.
Sinipat ko siya ngunit agad ding binalewala at dumiretso na sa office. Kailangan ba talagang sabihin kahit ang paghakbang ko? I wonder what were Rad’s orders?
Pagkapasok ko ng silid ay naroon si Rad sa harap ng lamesa. Nakahilig siya roon at tumuwid sa tayo nang nakitang pumasok ako.
His eyebrow shot up pagkatapos ay hinagod niya ako ng tingin. Tumikhim ako at nilingon kung ano iyong pinagkaabalahan niya kanina.
“Here,” wika ni Rad at iminuwestra ang sofa.
Nasa harap noon ang medicine kit na ipinakuha niya kay Belinda kanina. Umamba siyang lalapit nang kinuha ko ang Betadine at ang bulak para gamutin ang sariling sugat. I can do it myself.
He stopped when he saw that I’m taking over. Humalukipkip siya at tiningnan ang gagawin ko.
Nilagyan ko ng Betadine ang bulak at agad na pinindot ang aking sugat para malagyan.
“That’s not how to do it,” he said coldly.
Yumuko siya at hinawakan ang likod ng sofa na inuupuan ko. Kinuha niya ang bulak sa aking kamay at dinampian sa mas marahang paraan. It’s ironic because a kidnapper, or at least someone who’s keeping me from everyone else, shouldn’t treat me like this. Whatever his motive is.
Napalunok ako habang tinitingnan siyang seryosong ginagamot ang sugat. Then from somewhere, I heard an intentional cough.
Tumuwid sa pagkakatayo si Radleigh at tinapos na ang pag gamot sa maliit kong sugat. Sinundan ko siya ng tingin ngunit may nakaagaw pa sa atensyon ko. In front of me is our large TV that has Ethan’s face in it!
“Oh my God!” napatayo ako habang tinatanaw ang pinsan ko.
What is this? For ransom?
Ethan and Radleigh are friends. Or at least that’s how I left them. Ngunit ang alam ko’y hindi naman ganoon ka close ang dalawa dahil bukod sa ibang unibersidad ang pinapasukan, iba rin ang pinagkakaabalahan ni Ethan!
“Ethan! Oh my God!” ulit ko.
“Calm down, Zari,” utos ni Ethan.
Wait! Something is wrong here. Nilingon ko si Radleigh na nanatiling matalim ang tingin kay Ethan sa harap. Ethan looked amused and I don’t know why.
“Okay… Okay…” hinilamos niya ang palad sa mukha at tila sinusubukang magseryoso.
“What is the meaning of this?”
Do. Not. Tell. Me.
Oh. You. Do. Not. Tell Me!
“First of all, I’m sorry for this Rad. I know that you have other important matters but this can’t be helped-“
“What the fuck is this, Ethan?!” sigaw ko.
Naghilamos muli ng palad si Ethan at umiling. Tila ba ako pa ngayon ang perwisyo gayong ako na nga ito ang nasa ganitong sitwasyon?
“What are you doing? Why are you doing this? Why is this man…” tinuro ko si Radleigh. “Here… kidnapping me and why do you fucking sound like you’re with him-“
“Jesus, Zari! Will you calm down?” Ethan said in a frustrated tone.
Huminga ako ng malali. Sinusubukan kong kumalma pero paano? Paano ako kakalma kung nasa screen lamang siya at mukhang alam niya pa ang nangyaring ito?
Inilihim ko sa kanya na sinulatan ko si Rad at inalok ko siya ng kasal! I did not say the reason but I’m sure this man knows why! I kidnapped him because he doesn’t listen and he’s going to be engaged if I didn’t and now?
“Rad, I’m so sorry. I hope Agatha’s fine-“
And damn it! What the hell?
“Ethan! You have to explain this fucking thing!”
Pakiramdam ko ay sasabog na ang mukha ko sa galit habang pinapakinggan ang pinsan ko, na imbes sa akin manghingi ng apology, ay sa kidnapper ko pa!
“Damn it, Zari! This is why-“
“Ethan,” si Radleigh sa isang seryosong tono.
Napalingon ako sa kanya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa at humakbang ng isang beses palapit sa screen.
“I can take care of this.” He let out a pent up breath.
Hindi ako makapagsalita at nilipat na lamang ang mga mata sa magiging reaksyon ni Ethan. Ethan looked amused. He suppressed it with a pout.
“I know you are busy with work, Rad. Hindi ko gustong makaabala pero sa tingin ko’y ito lamang ang pwede kong gawin sa ngayon.”
“Anong pinag-uusapan ninyo?” natataranta kong tanong.
“Zari,” sinapo muli ni Ethan ang kanyang ulo. “Just think of this a a vacation. Hindi ba ay sinabi mo rin naman kay Calla na nasa bakasyon ka?”
Sa sobrang mangha, dahil wala na akong maintindihan, ay hindi na ako nakapagsalita.
“Don’t worry, I’m gonna send in whatever you want-“
“Think of this as a vacation? Bakit ko kailangang makulong dito? Is this your idea! Oh my God, you, damn it, kidnapped me?” I said hysterical.
“No, I didn’t! You forgot that you kidnapped Radleigh! Mahiya ka naman, Zariyah!” si Ethan sa isang galit na tono.
Nilingon ko si Radleigh. Nakahalukipkip na siya ngayon. His steely eyes matched the way his face hardened as I listen to Ethan in the background. Acting like my conscience.
“You kidnapped him with armed men. Brought him in an isolated island. And what do you plan? Force him to marry you?”
Hindi ko alam kung bakit parang nainsulto ako roon. Rad’s eyes bore into me like I’m completely naked. Nilingon ko ang malaking screen na kanina ko pa gustong suntukin dahil sa mukha ni Ethan.
“You should be ashamed, Zari!”
“You missed a part, Ethan. Nakalimutan mong tinraydor ako ng sarili kong tauhan! Made it different by tying me and imprisoning me in a room!”
Humagalpak si Ethan at tumikhim muli para pigilan ang tawa.
Damn you!
Nilingon ko si Rad na ngayon ay umiigting ang panga, hindi dahil sa galit, kundi dahil bahagyang natawa rin.
The insult, the anger, and the frustration boiled inside of me. Nag-ugat ang paa ko sa kinatatayuan dahil sa inis.
“He can sue you for kidnapping. You were one of the suspects at mas lalo lang napaigting ang hinala dahil hindi ka na mahanap ngayon-“
“It’s all because I am here! That’s why I need to-“
“It’s all because you’re guilty! Now, I am going to do something about that but in the mean time you should stay there and-“
“Why the hell am I staying here? The company is falling! Dad needs me! Ethan, please! Please, Ethan! Get me out of here.”
Natulala si Ethan na tila ba’y maging siya’y nahihirapan na rin. I want to say “please” more just so he’d realize that I really want to get out of here.
“Ethan, I’ll keep her here,” Radleigh interrupted Ethan’s thought.
“What?” sigaw ko sabay tingin kay Rad, unfazed by my anger.
“Radleigh, I know you’re busy and…”
“I can deal with this, Ethan.”
Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa na para bang nanonood ako ng isang tennis match. Damn it! What are they talking about?
Hindi kumibo si Ethan. I want to lash out again. What are they talking about? What the hell is this?
Isang kaluskos ang narinig ko sa background ni Ethan. He’s in his office. Kahit ganitong oras ay nagtatrabaho siya. He looked around and then bumaling muli sa screen.
“We can’t talk much. We’ll schedule it another time and I guess I am left with no choice. Alam kong maaasahan kita.”
The screen blinked and then the next thing is the line’s out. Nilingon ko si Rad. He sighed heavily and then turned to me.
“What is this all about?” tanong ko, unti-unti na namang nagpapanic.
“You heard Ethan. Just treat this as your vacation, Zari.”
Naupo siya sa sofa at hinilot ang sentido. Hinilig niya ang kanyang ulo sa backrest ng sofa at lumapit na ako para makuha ang kanyang atensyon.
Nanatili siyang nakapikit. His adam’s apple protruded and his large frame owned the sofa. Paputol-putol ang hininga ko habang hinahagod ko siya ng tingin. Undecided which is more important to me, asking damned questions or gawking at him like a complete idiot.
Dinungaw ko siya.
“Call him again!” utos ko.
“We shouldn’t,” he said without opening his eyes.
“Call him again! I need you to call him again!” ulit ko.
“This is the exact reason why you’re kept here. You can’t let everything work out.”
“What?”
Sa kalagitnaan ng sigaw ko ay tumunog ang background. Someone is calling! With my hopes high, nilingon kong muli ang TV. Nangiti pa ako dahil inasahan kong si Ethan iyon but when an image flashed on the screen and the familiar name flashed, too.
Immediately, Radleigh cancelled the call. Umirap ako at dumiretso na palabas ng silid!
Tinakbo ko ang patungo sa aking silid at doo’y nagkulong na lamang. Wala akong maintindihan sa lahat. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa Maynila. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Daddy. Hindi ko na alam!
And Ethan… my hope for the saving is gone! Hindi ko alam kung siya ba ang may pakana nito o si Radleigh talaga. It seems to me that it’s that man’s idea. I don’t know why he’s meddling with whatever my problems are. Alam ko namang ako ang nagsali sa kanya rito pero pwede naman siyang umalis na lang at nang makaalis na rin ako.
Wait. He doesn’t want me to leave this island.
Pinilig ko ang ulo ko nang may unti-unting gumagapang na kaalaman sa utak ko.
“That can’t be it, right? Damn it!”
Gusto ko na lang pukpukin ang ulo ko sa gulo.
Nanatili akong tulala. I kept on exhausting my brain… thinking of ways to finally get out of here. Well, if I can fly the chopper, that would’ve been easier!
May kumatok sa aking pintuan. Tumikhim ako at agad na tumayo galing sa pagkakaupo sa kama.
I combed my ruffled hair and put it on my shoulders. Naupo ako sa lamesa at taas noong nagsalita.
“Pasok…” sabi ko.
Nang sumungaw ang pagmumukha ni Belinda roon ay bumagsak ang balikat ko. Why the hell is she here?
“Damn it!” I muttered.
“Pinapatawag ka ni Ser, Ma’am. Nasa baba na siya at hinanda ko na ang inyong hapunan.”
Wow! After that frigging incident, I am damn here to suddenly have dinner with him? Wow!
“Paki sabi sa kanya na hihintayin ko na lang dito ang pagkain ko. Wala akong ganang bumaba,” sabi ko.
“S-Sige, Ma’am. Sasabihin ko.”
Umalis si Belinda at iniwan akong mag-isa. Ilang sandali akong nag-antay at umakyat muli siya ngunit walang dalang tray.
“Ma’am, hindi kasi pumapayag si Ser, e.” She even smirked. “Hindi pa siya nagsisimulang maghapunan kasi ‘di ka pa bumababa.”
Aba’y magutom siya!
Humalukipkip ako at nanatili ang mga mata sa bintana. Hindi pa umaalis si Belinda sa pintuan.
“Ma’am, baka tinapay at tubig lang ibigay sa’yo ni Ser kapag ‘di ka pa bumaba,” patuya niyang sinabi.
Nilingon ko siya at tinapunan ng matalim na tingin. She smiled like she didn’t know I’m gonna bite her again.
Tumunog ang sikmura ko nang naisip ang tinapay at tubig na sinasabi ni Belinda. The hell he’s feeding me that!
“Susunod na ako…” I said in a low tone.
“Sige, Ma’am. Sasabihin ko kay Ser!” maligayang sinabi ni Belinda at umalis na.
Umirap ako at tumayo. Lumapit sa tukador at tiningnan muna ang sarili. When I got satisfied with how my hair fell, I went out of the room.
Tahimik ang buong bahay. Tanging tunog lamang ng iilang mga yapak ng nasa loob ang naririnig. The guards were stationed at strategical places. Nang natanaw ko na ang mahabang lamesa ng aming dining room ay nakita ko rin ang tuwid na pagkakaupo ni Radleigh doon.
His eyes drifted on my body again and although I’ve been seen with lesser clothes, I feel uneasy with myself everytime I see him watching me.
Padabog kong hinila ang upuan at naupo na ako roon. Belinda quietly puts some juice on my glass.
Kinuha ko iyon pagkatapos at ininuman. Habang umiinom ang sinulyapan ko si Radleigh na ngayon ay nakatanaw lamang sa pagkain sa aming harap.
Nilapag ko ang baso at agad na tinusok iyong chicken barbecue sa harap ko. Nilapag ko iyon sa aking plato at nagsimula nang hiwain ito.
“Rice,” he said.
“I’m on diet,” malamig kong sinabi nang ‘di siya tinitingnan.
“For what?” he asked.
Napilitan na akong tingnan siya. Nalagyan na rin ng pagkain ang pinggan niya at ang pagkakahawak niya sa tinidor at ang paraan ng pagnguya niya ay nakakadistract sa akin. Pinilig ko ang ulo ko at kinunot ang noo.
“What’s this? Are we talking about life to forget that you abducted me?”
“You abducted me,” may diin sa sinabi niya.
Umirap ako at tumigil na sa pagsasalita. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain, ganoon din siya.
“I’m leaving for Manila tomorrow,” biglang sabi niya na dahilan ng pagkakatigil ko.
“What about me?” gulat kong tanong.
“You’re staying here.”
“What?” nawawalan na naman ako ng gana. “What is going on and why am I kept here!”
“It’s for your own good. Just do as you’re told,” parang wala lang sa kanyang ang sinabi niya.
Nagpatuloy siya sa pagkain habang ako nakatitig na.
“I will come back immediately. H’wag kang magtatangkang tumakas ulit.”
“Oh, you bet!” patuya kong sinabi.
He stopped eating. Malamig niya akong tinitigan. Noong una ay kaya ko pa siyang tingnan, kalaunan ay binaba ko ang mata ko sa aking pagkain at inatake na lamang ang manok. He did not resume eating so I glanced at him again.
“Don’t test my patience, little girl,” he said.
Ngayon, ako naman ang tila naputulan ng pasensya! How dare he tell me that? Little girl, huh? Little girl, your face!
“What do you expect me to do? Hang around here and sleep tightly at night?”
Iritado na ako sa huling tawag niya sa akin. Kinailangan ko pang ipaalam sa kanya kung bakit ganito ang reaksyon ko.
Hindi siya kumibo. He tilted his head on one side making me look at his neck. Damn it! Is he doing that on purpose?
“And don’t call me little girl! Do I look like a little girl to you?”
“Let’s not fight in front of our food,” kalmante niyang sinabi.
“You tested my patience first!”
Ngumuso siya at napainom ng tubig. Heat suddenly enveloped my face. Although he did not say anything, something came up on my mind. Why the hell does his opinion matter, anyway? Kung iniisip niyang bata pa ako, then fine! Little girl it is! Then what is he?
“Cradle snatcher…” I muttered and continued eating just to get back at him.
“What did you say?” tanong niya sa kalmado namang boses.
Umirap ako at umiling.
A breathy sigh escaped his mouth. He muttered something that I didn’t get, too.
“What?”
Ngumuso siya at napainom nalang ulit ng tubig.
Hindi ako makapaghintay na matapos kumain. Kaya naman noong natapos ako’y umalis na agad ako sa hapag. Sinundan niya ako ng tingin ngunit hindi ko na siya nilingon.
I need to go back to my peaceful place – my room. At least may peaceful place ako rito, hindi ba? I have to because I need to think about my plan for tonight. I need to do it tonight.
So tomorrow, I’m pretty sure he’s leaving for Manila early. That means he’ll sleep very tight tonight. At diyan papasok ang aking plano.
If Ethan can’t be trusted, I can contact Calla or Caleb. It all takes his phone or his laptop! That’s it!
I did not sleep. I can’t let this pass. Kahit na antok na antok na ako dahil sa lahat ng nangyari sa buong araw na iyon, kailangan kong magising hanggang sa tamang panahon.
I waited until it’s two thirty AM. Ang plano ko’y puntahan ang kwarto ni Radleigh at kunin ang kanyang cellphone. I have enough time, then, to call my bestfriend Calla. I’m sure she’ll alert the authorities and then I’ll be saved!
Lumabas ako ng kwarto. Naabutan kong inaantok si Edgar na nagbabantay sa akin doon. Napatalon siya nang nakita akong lumabas.
“Ma’am! Anong ginagawa n’yo?” tanong niya at agad nagising.
Kinusot ko ang mga mata ko at nagkunwaring puyat. Pero totoo namang puyat talaga ako. I just need to exaggerate.
“Hindi ako makatulog. Nanaginip kasi ako ng masama, Edgar. Gigisingin ko lang si Radleigh,” sabi ko.
“Ah? Ganoon ba, Ma’am…”
Sinulyapan ni Edgar ang malayong pintuan ng kwarto nI Radleigh. Nagdadalawang isip pa siya kaya agad ko nang dinagdagan.
“Tatabi ako sa kanya para hindi na ako matakot.”
Nakita ko ang medyo paglaki ng mata ni Edgar sa sinabi ko. I can only imagine what he’s thinking. Pinilig ko ang ulo ko nang medyo nalilihis na rin ang pag-iisip sa maaaring iniisip ni Edgar. No. Way. Not in this lifetime, of course!
“Ako na, Edgar. Maiintindihan naman ni Rad, ‘yon.”
Hindi na ako nag-antay ng maari niyang pagpigil. He called me but I didn’t listen. Pinihit ko ang pintuan ng kwarto ni Radleigh at bukas iyon. I waved at Egar who looked shocked. Parang may invisible line sa kinatatayuan niya at sa pagsisimula ng kwarto ni Radleigh. Were they told not to come close to his room?
Whatever.
Halos walang tunog ang pagkakabukas ko ng pintuan. The light from some lampposts outside illuminated his room. Umiihim ang hangin sa bintanang nasa harap ng kanyang kama.
Hindi ko na kailangan pang buksan ang ilaw para mahagilap siya roon. His massive frame almost filled the queen size bed. He’s such a space hoarder, I didn’t know about that.
My eyes adjusted slowly at unti unti ko nang nakita ang kanyang ayos. My eyes widened when I saw that he’s only on his black boxer shorts! He’s topless and his comforter covered only some parts of his legs!
Parang hinihigop ako ng kama. Dinungaw ko siya ng ilang saglit at pinuna ang kanyang mukha.
Umawang ang bibig ko habang tinitingnan siya.
I remember the first time we met. I remember how much I disliked him immediately. I remember how I’m ashamed of telling my friends about it. He’s not my type. It annoyed me so much that I couldn’t look at him for at least five seconds. He’s stiff, cold, and too serious. For short, I find him uncool. There’s no swag in him, like how I want boys to have. I couldn’t understand why the girls were acting crazy.
Napawi ang ngiti ko nang naalala kung paano nagalit si Glaiza sa akin noon resulting me to friending Calla.
Speaking of Calla…
I turned to the night table where his things could be. Hindi nga ako nagkamali! Naroon ang cellphone niya. Maghahanap pa sana ako ng laptop pero tingin ko’y sapat na rin naman ang phone!
Dinampot ko agad iyon at hindi ko pa nalalapit sa aking sarili ay naramdaman ko na ang pumalupot na braso sa aking leeg at ang isa pang braso sa aking baywang, locking my other hand.
Napatili ako sa gulat. Nabitiwan ko ang cellphone niya at kumalabog iyon sa sahig.
“What are you doing?” his voice was husky on my ear.
Kinagat ko ang labi ko at dinungaw ang cellphone na nasa sahig na ngayon! Damn it!
“I-I-I… I was just… strolling. I-I-I couldn’t sleep.”
“Hmm… Really?” he whispered closely.
Mas lalo niyang hingpitan ang braso niyang nakapalupot sa akin ngunit hindi naman ako nasasakal. His hot chest burned on my skin.
“Babalik na ako sa k-kwarto ko!” I can’t stop stuttering! Damn it!
“Who are you going to call, hmmm?” mapanuya ngunit may diin sa boses niya.
Damn it! Buking na ako! It’s so obvious, alright!
“Caleb,” I lied just so he wouldn’t think it’s Calla.
Hindi siya sumagot. Nanatiling higpit ang pagkakapalupot ng kamay niya sa akin.
Ilang saglit na wala siyang kibo ay nanlamig ang mukha ko. I realized something. Kinagat ko ang labi ko at pilig na hinawakan ang brasong nakapalupot sa akin. I tried to pull it so I could get out from his hold but his iron-clad arms did not even flinch.
“I change my mind, alright! I-I just want to check if Calla’s fine! That’s all. Hindi na ako tatawag,” agap ko.
His arms loosened. At kahit na pwede na akong makawala ay hindi ko pinilit. I did not even move an inch away from him. Siya iyong umalis para pulutin ang cellphone.
It’s dark. Ganunpaman ay naiintimidate parin ako sa kanyang tanging saplot. I looked away. Ni huli ko na namalayan na sobrang init ng pisngi ko, taliwas sa panahong malamig.
“You’re not allowed to call anyone,” he sounded so serious that it sent shivers down my spine.
I couldn’t look at him. I couldn’t even try.
Bakit? I just want to know what’s happening! I just want to get out of here! Why am I not allowed and he is? Why can he call anyone he pleases? Why can anyone call him, anyway?
Nagtiim-bagang ako.
Without questions, I nodded guiltily and then stormed out of his room. Palabas ako’y sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Kaba, takot… pinaghalo. Pero hindi ko maintindihan kung paano ako nakaramdam ng sakit.