Kabanata 3
Bad Girls
I wonder if he already contacted Ethan? I wonder if my father knew what happened to me. But then again…
Huminga ako ng malalim.
Due to exhaustion, after eating, I dozed off. Kaya ngayon, hindi pa man sumisikat ang araw ay dilat na dilat ako.
I feel energized and dirty at the same time. I want to shower. May shower rito at nagawa ko nang magfreshen up kanina ngunit dahil wala akong damit ay hindi parin sapat iyon.
Habang pinagmamasdan ko ang dilim sa laot at ang kokonting ilaw ng mga posteng inilagay malapit sa dalampasigan ay napagtanto kong mahirap makawala rito.
If I successfully outsmart the guards (which will probably be impossible given their strength and stamina), pagdating ko sa dagat hindi na ako makakalayo. Jetski won’t take me to the nearest island.
The only more realistic way to get out of here is to get my phone from wherever it is. Pero kung nakay Radleigh iyon, mahihirapan ako lalo. Besides I don’t want to see him again, I know he won’t make it easy for me.
Kagabi’y parang nasampal ako roon. Simple lang naman ang sinabi niya pero pakiramdam ko nagkalasug-lasug ang inaalagaan kong pride.
If I get the phone and call Ethan, I’ll tell him all the details. But what exactly is Rad’s motive? Why is he keeping me here? Did he ask for ransom? Kung ganoon ay baka nga may mga movements na si Ethan patungkol dito.
Pero paano kung wala?
Hindi ko namalayan na ang sinag ng araw ay nakikita na pala ng bahagya sa gitna ng langit at karagatan. Umaga na at mag-iisang araw na akong nawawala sa Manila. I told Calla I’m leaving for a vacation and she’d probably think I really did.
If Caleb’s called my phone, I wonder if he’ll realize that I’m not answering him. Iyon ay kung hindi pa ako lowbat.
Eksaktong alas sais y media ng umaga’y may kumatok ng tatlong beses. On the bed, I looked at the door in pure convulse. Halos hindi ako makahinga habang naiisip na si Rad muli ang magpapakita.
Nakahinga ako ng malalim nang nakita si Belinda na pumasok. She looked nervous as well.
Umiling ako at yumuko.
“Magandang umaga, Ma’am,” sabi niya sabay pakita sa tray.
Tipid ang mga galaw niya. Sa pintuan ay naroon na ang isa pang bodyguard na siguro’y nautusang bantayan si Belinda habang pumapasok.
“Gising na po pala kayo.”
Nilapag niya ang tray sa lamesa. Napatingin siya sa aking kamay at sa aking mga paa. Medyo nagulat siya nang nakitang hindi na ako nakatali. And although the wounds of the harsh ropes are still there, I am completely free.
Tumayo ako at nakita kong napaatras siya. Nagtaas ako ng kilay at tuluyang hinila ang upuan sa harap ng lamesa para makaupo at makakain na.
Una ay uminom ako ng tubig. Pagkatapos ay nilingon ko si Belinda na nanatiling nakatingin sa akin. She really looked nervous from here.
“Anong balak ni Radleigh sa akin?” tanong ko pagkatapos ay hinawakan ang kutsara’t tinidor para makakain.
Again, she stepped back. Napatingin ako sa mga kubyertos. Baka iniisip niyang sasaksakin ko siya nitong tinidor.
Well, even of I berserk here, I will need to be a mermaid to escape. I really have a brilliant mind. Iyon nga lang, ganito ang nangyari ngayon.
“Alam mo, Belinda? Matagal ka na sa pamilya namin at hindi ko alam kung paano mo nagawang magtraydor sa akin at sa ama ko,” I sounded more formal right now.
“Pasensya ka na, ma’am-“
“If you really are sorry, you tell me what’s up! What’s wrong? What’s his plan? Why am I suddenly here when it’s my plan to do this?” dire diretso kong tanong sabay bitiw sa mga kubyertos.
Kumalabog muli ang puso ko sa sobrang galit. I need to calm down. Pumikit ako ng marahan at pilit na kinalma ang sariling paghinga.
“Pasensya ka na po, Ma’am.”
“You’re not allowed to say it or you’re just too embarrassed to admit that it’s all for the money?” tanong ko sabay dilat at tingin muli sa kanya.
I have long realized that money completely makes the world go around. People come to you if you have the money. If you don’t, you’ll be alone. Kaya bakit ko pa kinikwestyun ito ngayon?
Bigger virtues crept in my mind. Loyalty is easy. You just have to stay because there’s a need to. Faithfulness is different. It’s a bigger virtue and I didn’t know I have it in me to actually think about it.
She’s ruled by money. They were. And this is one big example why the world is really run by that piece of paper.
Fine.
“Nevermind,” sambit ko pagkatapos ay sinubo na ang pagkain.
Habang kumakain ako’y nanatili si Belinda sa tabi ko. Which is weird because if she’s that scared I’m gonna stab her, she should’ve left right after the tray was put on the table. Hinayaan ko siya roon.
“Pinapatanong ni Ser kung may kailangan ka raw ba. Iaakyat na ang mga damit mo rito.”
Muntikan na akong masamid doon. He’s giving me my clothes? Well, I’m sure hindi kasali roon ang cellphone, ‘di ba? I didn’t know that a kidnapper could provide that.
“Tumawag na ba siya kay Ethan?” tanong ko at nilingon siya.
She looked confused at my question like there’s just no logic in it.
Napainom ako ng tubig at napagtantong maaaring hindi niya nga alam. But then again, enough of the drama. I know just what to do alright. This is actually easy if I just do it the right way.
“Nevermind,” ulit ko sabay pilig sa ulo. “Just tell him I need my things now so I can shower.”
“S-Sige, Ma’am.”
Aalis na sana si Belinda nang bigla akong may naisip.
“And Belinda,” tawag ko. “Ask him if I’m going to be really confined here. Mababaliw ako rito sa loob kapag nagtagal ako rito.”
“Sige po, Ma’am. Tatanungin ko si Ser.”
Tuluyan nang umalis si Belinda at sinarado ang pintuan sa gitna naming dalawa.
Pagkatapos kumain ay hindi na ako nakapag-antay. Nakahanap ako ng tuwalya sa isang cabinet at dumiretso na ako sa banyo.
Tinimpla ko ang tubig at pagkatapos ay naligo. Naririnig ko ang pagbukas-sarado ng pintuan sa labas at alam ko nang naroon na panigurado ang mga damit ko.
Halos isang oras ang itinagal ko sa pagligo. Syempre’y pakiramdam ko’y sobrang dumi ko na dahil sa nangyari.
Nang natapos ay lumabas ako at medyo gumaan na ang pakiramdam. Naroon na ang aking maleta at nakitang wala nang laman iyon. Binuksan ko ang cabinet at nakita ko ang mga damit ko roong naka arrange ng mabuti.
Wow! Am I going to stay here? Hindi naman siguro nagmagandang loob lang si Belinda, ‘di ba? She was asked to do this, for sure!
Tinanggal ko ang tuwalyang nakapalupot sa aking katawan at kumuha na ng isang shorts at ang paborito kong spaghetti strap top.
Binuksan ko ang drawer ng tokador at nakita ang isang blower. I blowdried my hair and tried to style it. Nababaliw na yata ako rito. Hindi ko man lang lubusang maisip kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagkakaparito ko! But then again, thinking about it is a waste of energy. I just need to buy some time and act normal.
When I got satisfied with my hair, sinubukan kong hawakan ang door knob at pihitin.
It was soft like it wasn’t locked. Nang hinigit ko iyon ay nalaglag ang panga ko nang napagtantong hindi nga iyon naka lock!
Oh great! But I have to remember that I probably couldn’t escape here, right?
Sumungaw ang ulo ko sa pintuan at nakita ko ang isang security guard na panay ang tawa habang nasa cellphone.
Well, I can certainly sprint from here and downstairs but how sure am I that he’s alone? Paano kung may bantay sa baba? I need to use my energy in other ways. Not that.
“Psst!” I called the guard.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at agad napatayo. He looked serious now. Sa isang walkie talkie ay nagsalita siya.
“Tapos na si Ma’am. Lalabas yata. Anong gagawin?” tanong niya.
I pouted. Luminga muli ako at nakita ang pintuan ng opisina kung saan ko pinaluhod si Rad. I wonder if he’s there? Or did he conquer a room?
“Hindi ko alam kay Roman, e. Walang bilin si Sir. H’wag mo na lang palabasin,” sagot ng nasa kabilang linya.
Nilingon ko ulit ang bantay.
“Nasaan ba si Rad?” tanong ko.
“Bumalik ka na lang sa silid, Ma’am.”
“Narinig ko ‘yong pinag-usapan! Wala namang bilin si Rad kung pwede akong lumabas ‘di ba? ‘Tsaka, paano ako tatakas? Kakainin lang ako ng pating kung lalangoy ako, ‘di ba?”
“Bumalik na lang ho kayo, Ma’am,” ulit ng makulit na bantay.
I stepped out of the door. He immediately panicked. Bahagya niya akong tinulak pabalik!
“Ano ‘yan?” Rad’s voice echoed.
I heard the door’s sqeaked from somewhere. Nilingon ko ang opisina at nakita ko nga roon si Rad. The memories of last night washed through me. Damn it! Whatever!
I waved my fingers at him and I smiled. Mas lalo lang naging busangot ang mukha niya habang lumalapit.
“Hi! Gusto ko lang mamasyal,” sabi ko.
Tumigil siya sa paglalakad. He crossed his arms and then my eyes quickly drifted down to his biceps and forearms. Tumikhim ako at binalik muli sa kanyang madidilim na mga mata ang aking tingin.
Naabutan ko siyang nakatingin din sa aking damit… o dibdib. Not sure which pero agad kong hinawi ang buhok kong nasa dibdib na para makita niyang mabuti ang suot ko.
Isang naghahamong tingin ang ipinakita niya sa akin. He’s probably annoyed with what’s printed on my white spaghetti strap.
Good girls go to heaven. Bad girls taste like heaven.
“Do you want me to stay in this room forever? I can’t escape, anyway. It’s an island. I don’t know how to manipulate a yacht and I’m not a mermaid. I don’t pilot a chopper too so I can’t escape in anyway, Rad.”
I stepped out. Agad na hinarangan ako ng bantay.
“Come on, I’m so bored. Can’t I see the beauty of the beach, too?”
Sinubukan kong humakbang palayo ngunit agad na humarang ulit ang bantay. Muntikan na akong dumikit sa kanyang dibdib! Matalim kong tinitigan iyon.
“Hayaan mo siya.”
Lumapad ang ngiti ko at agad na naglakad na palayo nang umatras ang bantay.
Tama ako. May mga bantay pa sa baba! At sa bawat paglapit ko sa kanila’y kumakalat din sa walkie talkie ang balita na hinayaan na ako ni Rad na maglakad lakad kung saan saan.
Kahit palabas ng mansyon ay may nakita akong bodyguard. Ang stone path pababa ng burol ay medyo matarik. Dumaan pa ako sa guests’ quarters kung saan ko nakita si Roman na nagbuga ng kape sa veranda. Nagtaas ako ng kilay. Tingin ko’y nagulat siya’t malaya akong nakakalakad dito!
Well! Ask your master!
Nang nasa buhangin na ako ay agad akong nasiyahan sa nakikita. The view made me forget my situation. Sa ibang pagkakataon ay siguro’y nagtatalon na ako pero sa ngayon parang naging kontento na akong tingnan ang karagatan sa malayo.
Dalawang sun lounger ang nakalagay sa lilim ng batuhan. Sumilong ako roon at umupo.
Tanging ang hangin at ang mga alon lamang ang naririnig ko. Iilang mga ibon ang nasa himpapawid ang pinagkuhanan ko ng katuwaan hanggang sa nakita ko si Rad na patungo na rin doon.
In his gray v neck t-shirt, black shorts, and serious face, he looked so full with authority and arrogance. Tumuwid ako sa pagkakaupo at pinasadahan ng mga daliri ang buhok para maiparte ito sa kanang bahagi, revealing my neck and my chest in his view.
Naupo siya sa kabilang lounger. Nakita kong sumunod sa kanya ang isang bodyguard na may dalang Macbook at si Belinda naman na may dalang juice.
“Thanks for letting me walk around and for joining me.”
Ang galing kong artista, ‘di ba? Kahit na gusto ko na talagang bumuga ng apoy ay kailangang ganito. I need this!
He smirked and then he looked at me like I’m such a ridiculous view. Napawi ang ngiti ko.
“I’m working. I like here better than the office in that mansion,” suplado niyang sinabi.
Kitang kita ko ang pag pagtawang bahagya ni Belinda. Matalim kong tinitigan ang babae bago nagsalita.
“Please, give me some clubhouse sandwich,” sambit ko.
Tumango si Belinda at agad na tumulak para kuhanin ang gusto ko. Umalis din ang guard, leaving us alone in front of the sea.
Nilingon ko si Rad na ngayon ay nasa kanyang laptop na. Seryosong seryoso siya habang nakatingin siya roon at hindi ko mapigilan ang bahagyang pagkamangha sa kanya ngayon.
I remember clearly how we first met and I disliked him immediately. Hindi naman sa gusto ko siya ngayon. Looking at him somehow hurts my eye. Like we’re in a completely different world. I see him as an enemy… a robber who might completely rob me with everything I want.
Tumikhim ako para man lang matingnan niya saglit ngunit hindi siya lumingon sa man lang.
“Ah! Buti na lang hindi masyadong mainit, ‘no? I did not put on some sunblock when I want to swim a bit,” sabi ko ngunit wala parin siyang reaksyon.
Ridiculous! This is just so ridiculous! Paanong ganito?
Bumaling ako sa dagat at nagtiim bagang. Then I looked at him again with a better idea.
Hinubad ko ang aking spaghetti strap. Mabuti na lang at mas marami akong nadalang swim wear kumpara sa mga bra kaya iyon muna ang sinuot ko ngayon.
I’m wearing blacked stringed bikini. I glanced at him and saw his eyes bore on me.
“What are you doing?”
There! Ha!
“I’m gonna swim,” I smiled.
Tumayo ako at binuksan ang butones ng aking shorts. Nanatili ang mga mata niya sa akin habang unti-unti kong binaba iyon revealing the black bikini bottom.
Shamelessly, his eyes went to my body. Kitang kita ko ang paulit ulit niyang tingin sa aking katawan. Napawi ang ngiti ko nang naramdaman ang biglaang kahihiyan.
I am not normally embarrassed when it comes to this but when he looked at me like that, I suddenly feel naked.
Napalunok ako at napaupo sa sun lounger. Nagkunwari akong nagtatabi ng damit bago siya muling binalingan.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. An amused smile was plastered on his face. For the first time, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon. Hindi ko maintindihan. I usually understand what body language means but this one is really hard. Damn it!
Umuga ang kutson ng aking sun lounger. Hindi pa ako nakakagalaw ay napalunok na ako nang naramdaman ko ang mainit na haplos ng kanyang daliri sa aking likod.
Tumindig ang aking mga balahibo at unti-unting nag-angat ng tingin. His warm legs touched mine and I stiffened!
“I know what you’re doing,” he said softly.
I exhaled a bit and cheered myself up.
I’ve dated guys but I never got into a real relationship. Ngunit sa bawat pagkakataong nakasalamuha ako ng lalaki, hindi pa ako kailanman nablangko. Right now, I just feel so blank. Like there’s a cloud between us making me blind. Hindi ko alam kung ano talaga ang plano niya.
Naramdaman ko ang mainit niyang dibdib sa aking likod. The lounger creaked when he leaned on me. Mas lalo akong nanigas nang naramdaman ang labi niya sa aking tainga.
“Let’s see if you really taste heaven, then?”
Sa bilis ng pintig ng puso ko ay para akong tumakbo ng milya milya. My being too speechless told me that something is not right with me. Something is wrong. I opened my mouth to say something but all I did was exhale violently.
“Hmm?” hinaplos niya ang aking buhok.
Fuck.
And then a low chuckle escaped on his lips.
What?
Tumunog ang kanyang cellphone dahilan ng pagbitiw niya sa aking buhok. Nang naramdaman kong tumayo siya ay ‘tsaka lamang ako nakahinga ng mabuti.
Nilingon ko siya at nakitang sinagot ang tawag.
“Hello. Yes, Agatha. Don’t worry about it. I’ll be home…”
He walked away as he kept talking to the other line. Nanatili ang mga mata ko sa kanya habang lumalayo siya roon.
The cold wind enveloped my body. Ang lamig. Bumagsak ang mga mata ko sa aking hita at ang literal na kirot sa aking puso ay paulit ulit na tumama.
What the hell?
He’s with that girl, right? Then why am I doing… this? Of course, I want to escape! Of course, I want the pragmatic marriage! So this is hitting two birds in one stone! If I get him, he’ll leave her and I’m free from this island! Kaya bakit pa ako nagdadalawang isip? Ano ngayon? Ano ngayon? Hindi ba iyon lang ang importante?
Hindi ko na siya hinintay na bumalik. The cold wind did not only envelop me physically. Napalunok ako nang unti-unting nanuot sa akin ang isang takot na kailanman, hindi ko pa naramdaman.
Umalis ako sa sun lounger at dumiretso na sa dagat.
I ran through the waves. Nang tama na ang taas ng tubig ay lumangoy na ako at baka sakaling maging maayos na ang pakiramdam ko. Nang umahon at nakitang nakatingin siya sa dagat habang kausap ang nasa kabilang linya ay mas lalo lang akong nanlamig.
Nakita kong nakabalik na si Belinda. Binaba ni Rad ang kanyang cellphone at may inutos sa kay Belinda. Umalis muli ito ngunit bumalik din sa cellphone si Rad.
Why does it bother me, anyway? So what, right? Ang importante lang naman dapat ay makalabas ako rito. Maayos ko ang problema ko. Bakit ko pa iniisip ang ibang bagay?
Ilang sandali akong nanatiling lumalangoy sa dagat. Nang medyo sumungaw ang araw ay tumigil ako at nagpasyang umahon na.
Rad’s back in his laptop. Gustuhin ko mang ibalik ang mga nagawa ko kanina ay parang masyado akong nawalan ng gana.
I thought the sea would make me feel better but I just felt worse.
Kinuha ko kaagad ang nakalagay na bathrobe sa aking sun lounger. Siguro’y nilapag iyon ni Belinda roon.
Hindi man ako nakatingin kay Rad ay alam kong nakatingin siya sa akin sa gilid ng aking mga mata. Silently, I went to the clubhouse sandwich on the table between us. Kumuha ako ng isa at kinagatan iyon. Then I sipped on my juice.
Kasabay sa paglunok ko sa mga kinain ay nilunok ko rin ang nakaantabay na bukol sa aking lalamunan dahil sa naramdaman. Nilingon ko si Rad na ngayon ay matamang nakatingin sa akin.
His pitch black eyes resembled a powerful storm, very mysterious and scary. One of the reasons why I hated looking at him before. He had that certain air.
“Can I use the kitchen?” halos bulong ang boses ko dahil ayaw ko naman talaga siyang kausapin.
It’s war inside me. Between my rational self and the self I didn’t know I have. A stranger.
“Sure,” his lips curved.
Tumango ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti bago kinuha ang aking mga damit. Dali dali akong umalis para tuluyang makabalik sa itaas ng burol kung nasaan ang mansyon.
I’m not really good at cooking but I can cook a few spanish dishes. For lunch, I might please him if I do that! Yes! That’s it!
Parang kay hirap. Parang kay sakit. It’s probably my pride talking. That it hurts swallowing it and trying to please someone I don’t really like. I hate, even. I hate him even more now. I hate him for real. I hate him more than how I hated him before!