Island of Fire – Kabanata 2

Kabanata 2

Motive

I cannot believe it!

Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Ang magsumigaw o ang mag-isip.

The words didn’t come out right because of the packaging tape plastered on my lips. Panay ang sigaw ko kay Roman at sa iba pang mga bodyguards ngunit alam kong ‘di nila ako naiintindihan.

Estupido! Magkano ang binayad sa inyo? Kailan pa kayo nagtraydor!? Simula pa ba noong wala pa ako o noong bumalik na ako?

Ilang linggo pa lang ako sa Maynila. Bumaling lamang dahil sa nangyari kay Daddy. Sila na ang nadatnan ko sa syudad kaya paano nangyari ito?

Pati ba ang mga kasambahay? Si Belinda ba’y kasabwat nila? Malamang dahil kung hindi’y maging siya’y ginagapos na rin na tulad ko!

How dare you touch me!

Magkano ang binigay ni Rad at agad kumagat ang mga ito? Double? Triple? My God, I can pay more! But no thanks, I’d pay for those who are loyal! Not these scums!

Humanda kayo pagnakalabas ako rito! I’m gonna sue you all! I’m gonna make sure you’ll all rot in fucking jail!

Pilit akong tinulak ni Roman papasok sa isang kulay pulang silid. Ilang beses pa lang ako rito ngunit sa bawat beses na iyon ay dito ako natutulog.

Hindi ako pumasok. Nag-ugat ang mga paa ko sa pintuan.

“Ma’am, sige na po…” malumanay na sabi ni Roman.

Hindi ako sumunod. Akala niya naaawa ako sa kanya? Akala nila nahahabag ako sa galang na ipinapakita nila sa akin? Si Edgar man ay halos imuwestra lang sa akin ang silid!

Someone pushed me inside. Nasa mga bodyguards iyon dahilan ng pagkadapa ko papasok sa loob.

“Aray!” I said unclearly because of the tape.

Sobrang sakit ng paa ko. My stilletos broke my my ankle, I think.

Pumikit ako ng mariin habang naka handusay sa sahig. Namumula na ang balat ng mga paa ko dahil sa maluwang na nakataling lubid. Gusto kong haplusin iyon pero hindi ko magawa dahil nakatali rin ang aking mga kamay sa likod.

Bulung-bulungan ang narinig ko galing sa mga bodyguards. Naririnig ko ang pagrereklamo ni Edgar sa kung sino mang gumawa noon at nagsisihan na agad sila.

Ginigitan na ako ng pawis sa noo habang dinadamdam ang sakit sa aking paa.

Nagsawayan sila at biglang tumahimik. I realized Rad is coming. Narinig ko ang boses niya sa labas.

“Anong nangyari?”

Walang nagsalita sa mga bodyguards. Na hati sila sa hamba ng pintuan nang dumating si Rad doon. He looked down at me and I hated how awkward and embarrassing it is.

Paanong ganito ang posisyon ko ngayon? Paanong natatanaw niya akong ganito samantalang…

His broad shoulders looked more defined when he removed his coat. Puting longsleeve shirt na nakatupi hanggang siko ang suot niya ngayon. Still in his black slacks and black shoes, he squatted and looked at me with blazing fire in his eyes. I am so sure it’s anger that I’m seeing. I gave him an equal look, too. Wala akong pakealam kung dehado ako ngayon.

His hawk like eyes, thick eyebrows, thick lashes, and perfectly angled jaw looked gorgeous. Hindi ako makapaniwala na ganito ngayon. The longer I stare at his eyes, the more I see it properly. Hindi ko naalala kung kailan ko siya natitigan ng ganito ka lapit at ganito ka tagal. All I know is that I don’t like looking at him before.

His vivid and deep-set eyes were pitch black like it doesn’t want you to see more than what you’re allowed to.

Natigil ang titig ko sa kanya nang naramdaman ko ang isang magaspang na kamay ang bumalot sa aking bukung-bukong. Tumindig ang balahibo ko at inatras ko ang aking paa.

Binitiwan niya ako at agad siyang tumayo. His looked down on me with cold eyes.

“Tawagin n’yo si Belinda,” he ordered.

Agad ay umalis ang isa sa mga bodyguard.

He walked back and started running his fingers through his hair like he’s on some big problem.

Ubos na ubos na ang lakas ko sa kakasigaw na wala namang nakakarinig ko nakakaintindi. Pero ngayong narito siya ay ginawa ko parin. I started cursing him so bad. He looked at me with a stern expression. His lips were in a thin line and his hair fell majestically just inches closer on his forehead.

Sobrang init na ng pisngi ko sa kakasigaw kong wala naman siyang naintindihan. Worst, mukha pa siyang hindi apektado!

“Pinatawag n’yo raw ho ako, Ser?” si Belinda.

The woman did not even look confused. She’s just there asking Rad if he needs anything. What the hell?

“Isa ka pa! Tonta! Nagpauto! Walang delikadesa!” sigaw ko kahit na walang nakakaalam kung ano talaga ang gusto kong iparating.

“Remove her stilletos,” Radleigh said coldly.

Humilig siya sa isang hardwood cabinet namin. He crossed his arms as he looked at our housemaid trying to remove my stilletos.

Palapit si Belinda sa akin ay panay ang galaw ko sa mga paa ko. I want it removed but I want her to know that I’m so fucking annoyed with everyone!

“H’wag kang malikot, Ma’am,” ani Belinda pero hindi ako natigil.

Halos mabigat na ang mga kamay niya habang inaalis ang aking sapatos. Ngunit dahil wala naman akong magawa’y napagtagumpayan niya iyon.

Dahil masyado akong malikot habang nasa sahig ay umakyat ang palda ng dress ko sa ibabaw ng aking hita. Matalim kong tiningnan ang mga bodyguards na patay maling nakatayo malapit sa pintuan.

I groaned in frustration. The red thongs I’m wearing is probably peeking now. Nalaman ko agad na iyon nga ang nangyari nang…

“Ayusin mo ang damit niya, Belinda,” Radleigh in his baritone.

Belinda pulled the hem of my skirt down. Hinihingal pa ako sa kakapiglas kanina.

“Tapos na po, Ser,” sabay pakita nito sa stilletos ko.

“Magdala ka rito ng tsinelas,” utos ni Rad.

I feel so drained but I did not back down. Matalim kong tinitigan si Radleigh habang nakatayo siya roon.

Just when I’ve charged again for my another wave of rant and berserk, a phone rang. Akala ko’y iyong akin iyon!

Hinanap ko sa paligid at napagtanto kong kay Rad iyon. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang itim na bersyon ng aking cellphone at sinagot habang matalim na nakatitig sa akin.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at agad na umambang lalabas.

“I’m sorry, Agatha, I’ll make up to you,” I overheard until he went out of the room.

Sinenyasan niya ang mga bodyguard at agad namang lumabas ang mga ito pati si Belinda at sinarado ang pintuan.

“Tulong!” I tried to mumble over and over again.

Alam ko mang wala ring makakarinig, sinubukan ko parin. Until exhaustion.

Although I can perfectly walk to bed and to the closest window which will reveal a balcony, I was too busy calling for help na nasa sahig na ako nakatulog.

There’s no way out but the door. May bintana man at balcony ngunit ilang metro ang bagsak ko roon bago ang buhangin. Siguro’y hindi man ako mamatay, nabalian na ako. And if I ever get out of this house, I know only jetski. I don’t know how to operate a yacht or a chopper.

Sa pagod ko sa kakaisip at panlalaban ay nagising na lamang ako nang may kumatok sa aking silid.

Binuksan ni Belinda ang pintuan. Nang nakitang nakahandusay parin ako sa sahig ay agad niyang nilapag ang tray sa lamesa para matulungan ako sa pagkakatayo.

Nagpatulong ako ngunit nang naramdaman ko ang pagbabalik ng enerhiya’y agad akong nagpumiglas muli.

“Sorry, Ma’am,” aniya.

Hindi ko parin maintindihan ang lahat. Hindi ko parin makuha. But then I know that spending the rest of my energy ranting won’t do me any good. Mauubos lang ang enerhiya ko at mas lalo lang akong mabubulok dito.

“Kumain ka muna,” dagdag niya.

Slowly, she removed the duct tape on my lips. Nanlamig agad ang labi ko nang naramdaman ko ang hangin na dumaloy sa aking balat doon.

“Bakit mo ‘to nagawa sa akin?”

“Pasensya ka na, Ma’am,” hindi siya makatingin sa akin.

Pasensya? Anong gagawin ko sa pasensya niya?

“Magkano ang binayad niya sa’yo? Mas malaki ang pasweldo? Sana sinabi mo sa akin, Belinda. Kaya kong triplehin ang perang binibigay niya sa’yo.”

Parang hangin ay wala siyang narinig. She picked the spoon and fork. Kumuha siya ng parte ng nilutong ulam at kanin pagkatapos ay umambang isusubo sa akin.

I am incredibly hungry and she thinks I’m gonna eat from her? No!

Iniwas ko ang mukha ko sa kutsara.

“Ma’am, magugutom ka.”

“E ‘di mamatay na ako sa gutom! Umalis ka rito! I don’t need a traitor here.”

Binaba niya ang kutsara at agad na sinunod ang sinabi ko. She closed the door between us and I stared daggers even after a few minutes.

I mean what I say but damn, I’m hungry alright? Habang naamoy ang luto ni Belinda at natatanaw kung gaano ito ka sarap ay mas lalo akong nagugutom.

Naglakad ako patungong kama. Kahit nakatali ang mga paa ko’y may tamang luwang naman iyon para makapaglakad. I checked the balcony and it’s affirmative. Tinitingnan ko pa ang buhangin ay naririnig ko na ang iyak ni Calla para sa kuarenta diaz ko kaya hindi magandang ideya.

Although I keep saying that I’d rather be dead, well, I’m not that morbid to actually do it. It hurts, you know.

“Ugh!”

Naupo ako sa kama at narinig na ang pagkalam ng sikmura ko. The clock above the door told me that it’s almost three in the afternoon.

Agatha. That’s the name of his fiancee. Anong ginagawa ng taong iyon ngayon? Baka bumalik sa Maynila? But I did not hear the chopper leaving. Don’t tell me he used the yacht!

Pumatong ulit ako sa kama para tingnan kung naroon pa ba ang yate. Naroon parin. So where is he? Cancelling the engagement? Doing it some other freaking time?

Hindi nakakabusog ang pride kaya unti unti akong lumapit sa lamesa para singhutin muli ang luto ni Belinda. Hindi na mainit pero mabango parin. The juice near it looked delicious. I can’t believe I’m that hungry to appreciate the juice!

Dahil hindi ko magalaw ang kamay ko, sinubukan kong kumain gamit diretso ang bibig. I tried to taste the soup and then eat some of the rice. Ang hirap! Damn it!

I’m so sure this won’t be successful.

“Tulong!” I screamed.

I am very hungry and thirsty. I have only little energy. I’ll die if this is the case. I don’t want to die because of hunger. That’s just so fucking ironic.

“Tulong! Help!” sigaw ko ng paulit ulit sabay lapit sa pintuan.

Biglang bumukas ang pintuan. Sumungaw si Edgar doon.

“Ma’am?” tanong niya na para bang ayos lang ang lahat.

Nanliit agad ang mga mata ko. Now that the duct tape is removed, I can freely rant again.

“Napakawalang hiya ninyo. Magkano ang binayad sa inyo ni Radleigh?”

Nagkamot siya sa ulo at ambang isasarado muli ang pinto. I think I got the wrong move!

“Wait! Please, Edgar. Gutom na gutom na ako. Uhaw na uhaw na ako,” halos magmakaawa ako.

He looked at me from head to foot. Ngumiti ako.

“Please, subuan mo naman ako, oh. Kahit iyong tubig lang,”

Luminga-linga siya sa labas at pagkatapos ay nagkamot sa ulo.

“Anong problema diyan?” the cold baritone emersed from somewhere.

Napairap ako. Why am I suddenly grateful if he really left for Manila? E ‘di sana mas malaki ang tsansang makawala!

Rad in his white vneck t-shirt and enigmatic black shorts went inside the room. I cannot believe he looked so damn fresh while I look messy.

Paulit ulit kong tiningnan ang katawan niya. The way his chest curved lowly teasing me or everyone with his probably tight abdomen annoyed me. His broad shoulders looked so manly as the white cloth hugged it in an indecent manner.

“I-I… well…” what the hell? “Want to eat and drink.”

His eyes sharpened. I smiled shyly.

“I’m hungry, Rad. I’ll die of hunger here if I don’t feed myself. Magpapasubo lang sana ako kay Edgar. I know you’re busy.”

He! I have a new approach!

He tilted his head a bit and then without leaving my eyes…

“Call Belinda,” aniya kay Edgar.

Napawi ang munting ngiti ko. Bakit si Belinda talaga ang tinatawag?

“Gutom na gutom na ako ngayon.”

Umalis na si Edgar para tawagin si Belinda. Ngumuso ako.

“Konti lang naman ang kakainin ko kaya it won’t take time. I just want to drink, too. I’m so thirsty, Rad,” malambing kong sinabi.

Humugot siya ng malalim na hininga at biglang dumating si Belinda. All my hopes got lost when I saw the woman. She seemed happy that she’s heard how much I want to eat.

“Ako na ang magpapakain sa’yo, Zari,” si Belinda.

I gave Rad some puppy eyes but then tinalikuran niya ako at kinausap si Edgar. He closed the door behind us. Napawi agad ang ngiti ko. Now I’m left with Belinda. Damn it!

Alright, I give up. Nagpasubo ako kay Belinda. But then while eating, I was so mad that I thought of ways to annoy her.

The last bits of the rice fell. Akala niya’y kasalanan niya pero ang totoo’y umiwas ako dahil ayaw ko na.

“Belinda, please, pakawalan mo na ako.”

Hindi niya ako narinig. O hindi siya nakinig.

“Belinda, maawa ka sa akin, o. Si Dad nasa kulungan na. I need the money. The company is failing. So many people will lose their job. Countless of families will not have their future houses. Please…”

Hindi parin siya nakinig.

When she tried to put some rice in my mouth again, I tilted my head and bit her wrist! Just enough to make her realize that I am so angry with everything that’s happened!

“Aray! Tulong!” sigaw ni Belinda.

Sumabog ang pintuan at ilang bodyguard ang pumasok. Radleigh looked so torn and concerned when he arrived.

Nilayo ng mga bodyguard si Belinda sa akin. Matalim kong tinitigan si Radleigh.

“I did not even bite her so hard! I’m just angry! Because of you traitors! How dare you do this to me! Do this to my father! To my family! You have no respect! At all! Hear me?” sigaw ko habang nangingilid ang aking luha.

I still cannot believe it. They’ve served my family for years. They’ve known us for years. And for money, bumaligtad sila at ngayon eto?

It’s not like I’m really going to kill Radleigh! But damn it…

Mabilis na inutusan nI Radleigh ang mga tauhan. And then after that, everyone left the room with a better security. Bumaba ang araw at pumalit ang mga bituin. Hinilig ko ang aking ulo sa kristal na bintana habang tumitingin sa kawalan.

What is he planning to do? Is this just punishment? What is his motive? He doesn’t have anything to gain if he continues this. Will he ask for ransom? Kanino? Kay Ethan? Uubusin niya yaman nina Ethan para tuluyan nang maghari ang kanilang kompanya? Kung hindi pa man ito naghahari sa larangang ito.

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang may pumasok sa aking pinto. Hell will rise if this is Belinda again for my supper.

Bumukas ang ilaw at agad aking pumikit. It hurts.

Unti-unti akong dumilat upang makitang si Rad ang may dala ng tray. Nilapag niya iyon sa lamesa at naupo rin siya roon.

Weary, I looked at him. I probably look awful while he looks so damn fresh.

“Bakit hindi ka magpapasok ng bodyguard dito para siya na lang ang maghatid kung ayaw ni Belinda?” tanong ko.

His lips curved and I saw an amused grin. Somehow, it annoyed me that he looked damn sexy in that smirk.

“You still think you’re in charge, huh?” his brow shot up.

Natahimik ako. Nanatili ang tingin ko sa kanya samantalang ang ngisi niya’y unti unting nagiging seryoso.

“What is your motive?” nanliit ang mga mata ko.

Ilang sandali siyang nanitig sa akin bago tuluyang humugot ng hininga.

“Hindi ba ikaw ang kumidnap sa akin?”

“You. You probably planned this first dahil kung nauna ako, sana ay hindi ganito ang nangyari, hindi ba?”

Tumayo ako at lumapit sa kanya. My heart is in fury. I want to shout at him in frustration and all the bottled up feelings but he looked unfazed. I cannot believe how things changed.

He laughed and licked his lower lip like I said something ridiculous. I saw red and I want to claw him. Kung hindi ko lang talaga naisip na sa huli’y mababalian lang ako dahil katawan niya pa lang, alam ko na kung hanggang saan lamang ako!

“Why don’t you think about your choices now, Miss Leviste? Is it all worth it to do what you’ve done-“

“That is not the point here! My point here is…”

Natigil ako nang tumayo siya. I choked on my words when I realized how annoyed he already is. Like how he wants so bad to inflict pain because of the vile words dripping on my mouth.

I saw his fists clenched. Napaatras ako.

“Nevermind! A man like you probably don’t want to hear anyone’s opinion! You already think you’re so good because you’re on top. You think your words are absolute and you’ll never think about the feelings of others. Bakit pa ikaw ang pumunta rito para tulungan akong kumain, hindi ko kailangan ng tulong mo.”

“I’m not here to feed you.”

Sa isang mabilis na galaw ay hinila niya ang palapulsuhan ko. Abot-abot ang kaba sa aking puso lalo na nang nakita ko ang isang patalim. Nagpumiglas ako at lumayo nang mas lalo niya lang akong nilapit sa kanyang katawan.

I felt his thighs on my hand, his chest on my elbow, and his breathe on my hair. Nilingon ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking palapulsuhan. Kita sa manipis na balahibo ang ugat dahil sa pag-igting nito.

“Bitiwan mo ako! Tulong!” sigaw ko nang naramdaman ang hapdi sa kanyang pagkakahawak dahil lubid.

Nakarinig ako ng pagkakaputol at agad niya akong nilayo sa kanya. He’s removed the rope on my wrists!

“Feed yourself,” he said in the coldest tone before leaving and closing the door behind us.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: