End This War – Kabanata 59

Kabanata 59

Home

Mabuti na lang at hindi nila gaanong nahalata na may kakaiba sa amin ni Hector. Masyado din kasing abala ang mga girls sa pictures. Kung tutuusin, sila lang naman ang walang alam, e. Ang mga lalaki ay may alam na, kahit si Clark. Mabuti na lang talaga at hindi naman gaanong maingay ang mga boys.

“Hindi ba tayo pupunta sa inyo?” Tanong ni Hector noong nasa sasakyan na kami.

Naisip ko rin iyon. Alam ng parents ko na nandito ako pero tuwing iniisip ko na kasama namin si Clark ay umuurong ang sikmura ko. Hindi maganda ang nangyari noong huling nagpunta si Clark sa bahay. Kung anu ano ang pinagsasabi ni Tiya sa kanya.

“Mamaya na siguro.” Sabi ko kay Hector.

Nang dumating kami sa mansyon nina Hector, nanghinayang ako dahil wala kami sa iisang sasakyan. Gusto kong makita ang reaksyon nilang lahat sa gate pa lang ng bahay nilang may malaking Dela Merced na nakalagay.

Medyo malayo pa ang bahay nila sa gate. May dadaanan ka pang ilang pine trees at malawak na damuhan na may mga bulaklak. Nang nagpark sa garahe ng mga sasakyan ang sasakyan nina Hector ay agad na akong bumaba. Gabi na pero kitang kita ang kulay puting haligi ng buong mansyon ng mga Dela Merced.

“WOW!” Namamanghang sigaw ni Tara. “Ang laki!”

Nagsitunugan ang mga pintuang sinarado sa sasakyan nila. Tumunog na rin ang sasakyan ni Clark. May mga katulong na pumalibot sa sasakyan ni Hector para kunin ang mga bag nila.

“Sa guest room, paki dala.” Sabi nung isang katulong.

“Picture picture!” Sigaw agad ng mga babaeng hindi pa ata napapagod sa pagpipicture.

Kaya hayun at panay ang pose namin sa mga camera nila kung saan ang background ay ang bahay nina Hector. Ilang sandali ang nakalipas sa pagpi-picture ay dinig kong may sadyang umubo sa likod. Kinabahan agad ako nang marinig ko iyon. Nilingon ko iyon at nakita kong si Tita Lina iyon ni Hector. Naroon din ang kanyang lola!

“Hello po! Good evening!” Paunang bati ni Janine.

“Hello po! Good evening, po!” Sabay sabay naman sila ngayon.

“Good evening, din!” Ngumisi si Tita Lina at nahagip ako ng tingin. Tumango siya sa akin.

Ang lola naman ni Hector ay iniisa isa kaming lahat at nanliliit ang mga mata.

“Naku! Ba’t kayo ginabi? Ako nga pala ang Tita ni Hector, Tita Lina na lang ang itawag niyo sakin. Eto naman si Mama. Pwede nang lola ang itawag niyo sa kanya.”

Ngumisi ang lola ni Hector at bigla akong tinuro. “CHESCA!”

Nalaglag ang panga ko nang lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

“Lola! Magandang gabi.” Nahihiya kong sinabi.

“Naku, hija! Miss na miss na kita! Sobrang miss kita! Nung wala si Hector, gusto kitang dalawin pero dinig ko kay Aling Nena na hindi daw maganda ang paghihiwalay-“

“MAMA!” Sigaw ni Tita Lina.

Nanginig si lola sabay layu sa akin. Umubo siya at pilit na huminahon. Binalot kami ng katahimikan kahit na mabigat at mabilis ang hininga ko.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan kong medyo na weirduhan sa inasal ng lola ni Hector. Umubo ulit si Tita at winala ang usapan.

“Lina kayo! Alam kong gutom na kayong lahat sa byahe.”

“Naku! Oo nga po!” Sabi ni Oliver.

Tumawa si Tita Lina at sumulyap sakin. Nagkamot ako ng ulo at sumulyap naman kay Hector na kinakagat ang kanyang labi.

“Sige na! Pasok na kayo!” Sabi ni Tita at iminuwestra ang loob ng bahay.

“Naku! Ang ganda ganda ng bahay niyo Tita Lina!” Nakita kong hinaplos ni Janine ang balikat ni Tita. “Sarap sigurong tumira dito.”

Tumawa si Tita. “Masarap talaga kasi malinis ang hangin at malayo sa Maynila!”

Imbes na sundan ko sila ay nakita kong nilapitan ako ng palihim ng Lola ni Hector.

“La, sabi naman diba?” Utas ni Hector.

“Hector, ano ka ba? Okay lang!”

Niyakap niya ulit ako dahil naka layu na ang mga kaibigan ko.

“Ang sabi ni Hector hindi daw alam ng ibang kaibigan mo na kayo?”

“Uh, hindi pa po kami, Lola.” Awkward kong sinabi. “Tsaka, oo, hindi po nila alam.”

“Bakit?” Nakita kong namuo ang luha sa mga mata ni Lola.

Hinarap ko siya at hinaplos ang likod.

“P-Pasensya ka na. Ganito siguro pag matanda na… P-Pero, hija, ikinakahiya mo ba ang apo ko?”

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya.

“Hindi naman sa nanghihimasok ako. Alam kong may maling ginawa si Hector sa iyo pero kasi kilala mo naman siya diba? Nagalit siya dahil gusto niya kayong dalawa lang. Masyado ka niyang mahal, Chesca.”

Nilingon ko si Hector. Nakita kong nag angat ang labi niya at agad ngumuso nang nakita ko iyon.

Bumaling ulit ako kay lola na ngayon ay bumuhos na ang luha. “Ayokong manghimasok. Ayokong pangunahan ka pero yung apo ko kawawang kawawa nung iniwan mo. Naku! Kung alam mo lang palagi niya akong tinatawagan dito para magtanong kung nag punta ka daw ba sa bahay-“

“La!”

Nilingon ko si Hector at nakita kong nag iwas siya ng tingin at bahagya pang napamura. Ngumisi ako at umiling.

“La…” Hinaplos ko ang likod niya at nagsimula kaming maglakad sa loob. “Hindi naman po sa ikinakahiya ko si Hector. Pero kasi… inis pa ako sa kanya at nararapat lang na parusahan siya sa ginawa niyang kasalanan sakin.” Mahinahon kong sinabi sa matandang tumatango tango naman.

“Ibig sabihin papatawarin mo rin ako? Bakit bukas? Ba’t di ngayon?” Tanong ni Hector.

Bumaling ako sa kanya at tinitigan ng mariin.

“Okay, okay, chill. I can wait. Okay?” Aniya.

“Oo nga naman, hija. Hindi naman sa tinutulungan ko ang apo ko pero matanda na ako at kailangan ko ng ng apo. Mamamatay ba ako nang di nasisilayan kahit isa lang sa isang dosena ninyong anak?”

SHIT? Nanliit ang mga mata ko sa lola ni Hector.

Nakita niya iyon kaya humawak siya sa dibdib niya at huminga ng mabibigat na hininga.

“Lola? Ayos ka lang?” Napatanong si Hector.

“Kita mo, Chesca? Halos di na ako makahinga.”

Tumango tango ako at hinaplos ang likod ni lola.

Shit! Alam ko, e. Talagang pinipikot ako ng mga ito! Grrrr…

“Donya!” May tatlong katulong ang sumugod sa kay Lola at inalalayan siya patungo sa kanyang kwarto. Nilingon lingon niya pa ako habang paakyat sila sa engrandeng hagdan nila. Umiling ako sa kawalan. Naabutan ko ring umiiling si Hector.

“Kawawa naman si Lola. Tsk tsk.”

Mas lalo akong umiling at umirap. Sinundan ko na lang sila dahil nakita kong may pinagkakaguluhan sila sa patio patungong dining room.

Iyon naman pala, nag pi-picture sila at ang background ng pictures nila ay ang napakalaking frame na may picture ni Hector. Uminit ang pisngi ko sa laki ng picture na iyon. Ito yung bago kami nagkakilala. Hindi siya nakatingin sa camera. Sa baba siya nakatingin at bahagyang nakatagilid ang kanyang katawan. Nakabalandra ang adonis belt niyang perpekto dahil sa pagkatagilid ng kanyang katawan sa imahe. KIta rin ang burning abs niya. Naka topless kasi at naka jeans. Hindi na ipinakita ang kabuuan ng pantalon niya. Hindi rin ipinakita kung anong tinitingnan niya sa likod pero halatang nasa rancho siya nito. Kita ko ang barikada ng mga baka sa likod kahit naka blur. At perpekto ang capture nito sa buhok niyang sumasayaw sa likod niya. Tumindig ang balahibo ko tuwing naaalala ko ang buhok niyang iyon. Para bang nasa time machine ako at ibinabalik niyon ang alaala ko nung una pa lang kaming magkakilala.

“Ang gwapo ni Hector! Ganyan ang hairstyle mo noon, Hector?” Tanong ni Desiree na namamangha parin sa picture.

“Oo, e.” Ngumisi si Hector.

“Bagay sayo! Para kang prinsipe! Ba’t mo pinutol?” Tanong ni Tara.

Napaismid ako doon dahil ngayon ko lang talaga napagtanto na bagay din pala ang hairstyle na iyon sa kanya. Well, kung ganito ba naman ka gwapong lalaki, paniguradong babagay na ang kahit ano sa kanya.

“Ayaw ng first love ko.” Ngumisi siya.

Gusto kong mag walk out lalo na noong nakita kong nanlaki ang mga mata ng lahat.

“Tsss. Gutom na ako.” Panirang sabi ni Clark.

Hinila niya ang mga lalaki patungo sa dining room. Sumunod kami pero hindi tinantanan nina Desiree at Tara si Hector.

“Ayaw? Sinong aayaw sayo?” Tumatawang sinabi ni Desiree.

Nilingon ako ni Hector. Nag iwas ako ng tingin.

Binalikan ko ng tingin ang picture ni Hector at naabutan ko si Janine na nakanganga at tulala parin sa picture niya.

“Janine!” Tawag ni Billy. “Kain na tayo!”

Tumango si Janine at dahn dahang nilubayan ang picture ni Hector.

Syempre, agad namin nilantakan ang mga pagkain. Gutom at pagod na pinaghalo ang naramdaman ko. Kitang kita ko rin ang paghihikab ni Desiree. Mukhang maging siya ay low bat sa biyahe. Syempre, kung hindi ka sanay na ba byahe ng ganun ka tagal ay talagang mapapagod ka. Kaya lang, pagkatapos kumain ay nagyaya pa ang mga lalaking mag chill sa labas ng mansyon. Kita kasi nila na pwedeng mag inuman doon at walang problema kay Tita Lina.

Nagkamot ako ng ulo nang nasa iisang kwarto kaming lahat ng mga girls. Inisip ko kasing yayain si Hector patungo sa bahay namin pero kung hindi pa sila magpapahinga ay baka hindi kami tutuloy.

“Bakit tatlong bed lang meron?” Tanong ni Desiree. “Tara, paglapitin nga natin. Buti na lang mga payat tayo, kasya parin.”

Nanliit ang mga mata ko sa tatlong bed na nasa kwarto. I’m pretty sure na may meaning iyon at sasakalin ko na talaga si Hector kung tama ang hinala ko.

“Tara na!” Ani Desiree nang nakitang nakahilata na si Tara sa higaan at si Janine naman ay panay lagay ng lipstick.

“Why are you putting on your lipstick, Janine? Gabi na at walang party sa Alegria.” Utas ko.

“U-Uh… Tinatry ko lang. I don’t know.” Umiling siya at nilagay sa bag ang lipstick.

Tumango ako at humalukipkip.

“Come on, Tara! Wake up!” Sigaw ni Desiree.

Napilit ni Desiree si Tara na pumunta sa inihandang inuman ng mga boys. Umupo kami sa mga table. Energetic parin si Billy at RJ. Samantalang nakapikit si Clark at pahikab hikab naman si JV.

“Kakapagod yung byahe, ano?” Ani Desiree sabay kuha ng isang inumin sa bucket. “Buti na lang komportable ang bahay nina Hector.”

Kakarating lang ni Hector. Nakapagbihis na siya ng shorts at isang puting tshirt na perpekto parin sa kanya.

“Hindi ba kayo napagod?” Natatawa niyang tanong saming lahat.

“Hindi ah!” Sabi ni Janine.

Nilingon ni Hector si Janine at tumawa. “Kahit na medyo sanay ako, pagod parin ako.”

“Tsss.” Biglang sinabi ni Oliver. “Syempre.” Nilingon niya ako.

Umismid ako kay Oliver at kinindatan niya na lang ako.

“Hindi ka ba natulog sa byahe, Hector?” Malambing na tanong ni Janine.

Umiling si Hector.

“Dito ka na umupo, oh.” Sabay tapik niya sa bakanteng upuan sa tabi niya.

At dahil wala akong bakanteng upuan sa gilid ay hindi ko naanyayahan si Hector na tumabi sa akin. Tumingin pa siya sakin bago tinanggap ang offer ni Janine.

“Eto oh?” Sabay bigay niya ng beer kay Hector.

“Oh, bakit, Janine? Trip mong malasing si Hector?” Medyo iritado kong tanong.

Nakita kong tinanggap ni Hector iyong boteng binigay ni Janine at ininom. Tumawa si Janine sa akin.

“Hindi. Nag iinuman tayo dito, edi syempre, bibigyan. Gusto mo?” Aniya sabay bigay sa akin ng isang bote.

“Eto na, Ches.” Sabay bigay sa akin ni Clark ng isang bote ng beer.

Tinanggap ko iyong kay Clark at ininom. Nakakairita, ha?

“Hector.” Agad akong tumayo pagkatapos kong uminom.

Tumayo rin si Hector at tinaas ang kilay.

“Samahan mo ako sa bahay. Dadalawin ko ang parents ko.”

Napangiwi si Janine sa sinabi ko. “Hala! Hindi pwede, Ches. Sino na ang host namin sa kanilang bahay? Nakakahiya naman kung tatawagan namin lagi yung tita niya pag may kailangan kami-“

Tumayo si Clark at pinatunog ang kanyang susi. “Oo nga, Chesca. Ako na lang ang sasama sayo.”

“Ako na.” Mariing utas ni Hector. “May mga katulong naman. Tsaka kung nahihiya kayo, nandyan si Oliver.”

Nag high five si Oliver at Hector.

“Let’s go, Chesca.” Anyaya ni Hector sa akin.

“Pero, Hector, iiwan niyo kami?”

Medyo tumaas ang altapresyon ko sa malambing at sobrang nakakairitang boses ni Janine.

“Oo, Janine. Para sakin.” Ngumisi ako.

Tumawa sina Desiree at Tara sa sinabi ko. Akala nila joke iyon pero yun ang totoo. Umirap ako at nilagpasan silang lahat dahil naiirita ako.

Narinig kong nagtawanan ang mga walang pakealam na mga lalaki habang palayo kami ni Hector sa kanila.

“Init ng ulo natin, ah?” Natatawang sinabi ni Hector sabay hapit sa baywang ko.

Hinayaan ko siya. Alam ko namang hindi na kami nakikita ng mga iyon. Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay. Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

“Naiirita ako kay Janine. Wag mo siyang pansinin.”

“Huh? Bakit?” Nakakunot ang noo niya.

“Basta.”

“Hindi naman yata makatwirang sagot yang ‘basta’.”

“Basta.” Sabi ko at nagkibit balikat siya.

“Masama ang magalit ng walang dahilan, Chesca.” Aniya.

Nanahimik na lang ako. Mabilis siyang nagmaneho patungo sa bahay namin. Nagulat ako nang nakita kong si lola Siling ay nasa duyan na naman. May nginunguya o may sinasabi siya sa kanyang sarili. Nang nakita niya kami ni Hector ay agad niya kaming tinuro.

“Lola!” Sabay kaway ko.

Kinuha ko ang nakaturo niyang kamay at nagmano.

“Siya yung sinabi ko! Yung naka isa sayo?” Sabay turo niya kay Hector. “Yung makisig at matipuno?” Ngumisi si Lola Siling at bahagyang pinilig ang ulo. “At gwapo. He-he.”

Kumunot ang ulo ko at nilingon ang nakakagat labing si Hector. “Anong meron?”

“Wala. Yung bumisita ako dito nung birthday mo. Akala ko may Alzheimer’s iyang lola mo?”

Tumango ako. “Meron pero madalas may naaalala siya.”

“Naisahan ka! Naisahan ka!” Paulit ulit na sinabi ni Lola.

Lumuhod ako kay Lola at tinitigan siya sa mga mata. Tumatawa siya kahit na wala siyang ngipin.

“La, anong naisahan?” Tanong ko.

Tinuro niya ulit si Hector. “Sabi niya ‘ssshhh’ e.”

“Lagot? Bakit naaalala niya?” Tanong ni Hector.

“La! Makinig ka po sakin. Bibigyan kita ng 500 thousand para matubos niyo yung lupa.”

“Iyong lupa na nakasangla sa mga Dela Merced?” Namilog ang mata ni lola.

“OHO! Bibigyan ko kayo para makuha niyo ulit yun. Sabihin mo sakin, bakit ako naisahan ng lalaking iyan?”

“La, wag po!” Sabi ng natatawang si Hector.

“La! Makinig ka! Diba gusto mo ng pera? Diba?” Tuso ito, e. Tsaka gahaman sa pera kaya ako ang papakinggan nito!

“Sabi niya…” Tumatawa si Lola. “Sabi niya pag ipinagbili niyo ang Alps ay kay Chesca iyon ipapangalan!”

“Tapos? Tapos, la?”

Tumatawa na si Hector at hinihila ako palayo kay Lola.

“Tapos pag hindi ka naman pumayag at ibibenta niyo ang bahay ay paniguradong mag Ma Maynila ka! Doon ka daw niya pipikutin!” Sabay turo ni Lola kay Hector.

Sabay silang dalawang nagtawanan. Nanliit ang mga mata ko sa lumalayong si Hector sakin.

“HEC-TOOOOOR!?” Sigaw ko bago tumayo at umambang sasakalin na naman siya.

“CHESCA! Naku! Chesca!” Mabilis na tumakbo si Tiya sa akin at niyakap niya ako.

I’m home. Always home when Hector is around, probably. Ngumisi ako at niyakap din si Tiya. Sumunod sina mama, papa, at tiyo. Kahit na medyo napaismid sila ng nakita si Hector ay hindi nila iyon pinagtuonan ng pansin dahil nandito ako.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading