End This War – Kabanata 58

Kabanata 58

Checkmate

Pagkalabas ko ng sasakyan ni Hector ay agad kong nakita sina Desiree, Janine, at Tara na nag papapicture sa harap ng gate ng ACC.

“Guys! Picture tayo!” Anyaya nila saming lahat.

Mabilis na kumalabog ang puso ko habang nagpo-pose kami doon. Sumasama si Hector sa pose namin pero madalas siyang mawala dahil palaging may nakakamukha sa kanya.

“Hector!?” Sigaw ng isang babaeng taga Agri Business.

Iginala niya ang tingin sa lahat ng kasama ni Hector. Malapit niya na akong makita kaya agad akong nagtago sa likuran ng mga lalaki.

“Kamusta ka na?” Tanong nung babae.

“Ayos lang, Anjie. Kayo?” Sagot ni Hector.

“Ayos lang din! Naku! Pag nalaman nila na nandito ka magugulat sila!”

Nakita kong nagbulung-bulungan sina Desiree, Janine, Tara, Billy, at JV.

“Sikat pala siya, e, no?” Tanong ni Tara.

“Oo nga. Kanina pa maraming nakakakilala sa kanya.” Sabi ni Billy.

“Uh, sikat siya. Malaki yung rancho nila dito.” Singit ko.

Pagkatapos ng usapan ni Hector at noong babae ay kumaripas na iyong babae sa pagtakbo patungo sa loob ng school. Kinakabahan pa lalo ako. Alam ko. Alam kong ipagsasabi niya sa lahat at paniguradong ma eexcite lahat ng tao doon sa loob. Humalukipkip ako at nawalan ng gana.

“Kailangan pa ba ng form para makapasok?”

Tinaas ko ang kilay ko at nakitang KILALA ko ang guard. Siya mismo iyong guard na nakabantay noong araw na may mga seniors na nagtangka sa akin.

“Wag na. Di na kailangan. Ako na ang bahala.” Sabi ko.

Tumango sila. “How about form para sa dean?”

“Ako na ang bahala.” Sabi ni Oliver. “Tito ko ang dean.” Dagdag niya.

“O! Wala palang problema!” Sabi ni JV. “Diretso na tayo?”

“Uhmmm…” Pigil ko. “Ako yung bahala sa guard, tapos diretso kayo sa dean, ah? Samahan mo na sila, Oliver. Hindi naman siguro tamang tayong lahat ang pupunta. Ang dami natin.” Sabi ko.

“Ganun? O edi ako rin, dito lang.” Sabi ni Clark.

“Clark, sumama ka na!” Singit ni Janine.

Luminga ako sa kanilang dalawa. Nakita kong nagkatinginan si Tara at Desiree.

“Oo nga naman, Clark. Sumama ka na kay Janine.” Nakangisi at nakataas kilay kong sinabi.

Kitang kita ko ang pamumutla ng dalawa. Kumunot ang noo ni Hector sa akin. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya at dumiretso na sa guard na nakatayo sa gate.

“Manong.” Malambing kong sinabi. “Papasok po kami ng mga kaibigan ko.”

Inaantok si manong, ngunit nang namukhaan ako ay nabuhayan siya ng loob. “Uy, Alde!” Bati niya.

Naramdaman ko ang presensya ni Hector sa likod ko. Humalukipkip ako nang nakita ko ang nabigla niyang mukha.

I want him to respect strength, not power. Hindi ibig sabihin na dahil nasa panig ko si Hector ay luluhod siya sakin. Gusto ko na mapapaluhod ko siya dahil kaya ko.

“Sige na, friends. Pasok na kayo.” Sabi ko nang di tinatantanan ng titig si manong.

Dumiretso silang lahat. Medyo maingay sila at excited sa pagkapasok. Nilingon pa ako ni Clark. Hindi ko siya pinansin kaya diretso na lang din ang pasok niya.

“Let’s go, Chesca.” Ani Hector.

“Mauna ka na.” Kahit alam kong di siya papayag.

Kumunot ang noo niya habang tinititigan akong nakatitig kay manong.

“Naaalala niyo po ba yung gabing hindi mo ako tinulungan, manong?” Tanong ko.

Nakita kong nangangapa siya sa maisasagot. Nanginginig ang kanyang labi habang namumuo sa dila niya ang mga salitang di ko maintindihan. “S-S-Sorry.”

Ngumisi ako. “Dahil nandito si Hector o dahil totoong nagi guilty ka?”

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Hector sa gilid ko. “Bakit? Anong nangyari? Anong ginawa niya?”

“Tsss.” Nilagpasan ko ang guard na ngayon ay bigong bigo at mukha pang mas lalong mapapanot dahil sa problemang hatid ko.

HIndi sumunod si Hector sakin. Binalikan ko pa siya dahil panay na ang kausap niya sa guard na walang imik. Nag igting na ang panga niya dahil sa guard na iyon. Hinila ko na lang siya papasok sa loob.

“Anong ginawa niya?” Sabay turo sa guard habang papalayo kami at papunta sa court.

“It’s all your fault. Iniwan mo ako kaya wag mo siyang sisihin.” Mali. Kahit na iniwan ako ni Hector, kung nirerespeto ako ng guard na iyon ay dapat tinulungan niya ako. Gusto ko lang tantanan ni Hector iyong guard.

Inirapan ko ang nakatungangang si Hector. Naglalakad siya kasama ko pero titig na titig siya sa akin. Nasa gitna kami ng soccerfield ngayon at hindi man lang siya tumitingin sa dinadaanan namin ngayon.

Oo nga pala? Bakit ko naisipang pumunta sa court? Bakit imbes na manatili doon sa labas ay pumasok ako dito? Well, maybe because I miss my friends. O siguro na eexcite akong harapin silang lahat.

Little did I know na iyon ang naging dahilan kung bakit nag liyab ang galit kay Hector. Ang mga ulo ng mga tao ay nagsilingunan sa kanya. Hindi na ako sumabay sa paglalakad sa kanya dahil kinakabahan na ako. Matulin at diretso ang lakad niya. Ako naman ay malumanay hanggang sa natigil.

Nakita kong sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan. Lahat, naroon. Kathy, Abby, Koko, Reese, Harvey, Mathew, lahat sila ay naroon. Pinalibutan agad ang hari ng kanyang mga alipores. Pero kitang kita ang reaksyon niyang medyo malamig at hindi maganda. Ngiting ngiti silang lahat sa pagsalubong sa kanya.

Humalukipkip ako at tumigil sa puno. Walang pumansin sakin dahil alam kong mahirap pang iabsorb na ang isang Hector Dela Merced ay naroon sa harap nila.

“Anong ginawa niyo kay Chesca habang wala ako?” Tanong niyang malamig pa sa yelo.

Nakakunot ang noo ni Kathy. “Hindi ba sabi ni Koko ay iniwan ka niya para sa ibang lalaki? Bakit ka galit ngayon, Hector? Hindi ba kaya-“

“Anong ginawa niyo?” Malamig niyang tanong ulit.

Masyado talaga siyang may awtoridad sa kanilang lahat.

“Easy, pare, wala.” Sabi ni Mathew. “Pinrotektahan namin siya.”

“Yung mga seniors iyong nanamantala sa kanya.” Dagdag ni Koko. “Tsaka… Hindi ba nasabi ko sa’yo noong summer na may binugbog kami? Sila yun. H-Hindi ko nasabi sayo, Hector kasi-“

“Sino? Sina Montefalco?” Tanong ni Hector.

“Hindi. Yung ibang lalaki, Hector.” Singit ni Harvey.

Nakita ko ang pangunguyom ng kamao ni Hector. Alam kong nag mature na si Hector kahit paano. Marunong siyang magtimpi. But I don’t want to risk this.

Mabilis akong naglakad patungo sa kanila. Unang nakakita sa akin si Abby na agad akong itinuro kay Hector.

“Ayun na yung taksil.” Sabi ni Abby.

HIndi ako nilingon ni Hector. Si Abby ang kanyang binalingan. Nakita kong namuo ang luha sa mga mata ni Kathy at nalaglag ang kanyang panga nang tiningnan kaming dalawa, pabalik balik. Matalinong, Kathy. Hindi tulad ng Abby’ng ito!

“Hector! Tama na! Wag kang mag eskandalo para sa walang katuturang rason.”

“How can you say that, Chesca!?” Sigaw niya sakin.

“Chesca!” Narinig kong sigaw ni Jobel sa likod.

Naaninag ko ang mga kaibigan kong miss na miss ko na. Mabilis na nag takbuhan sina Jobel, Sarah, at Marie patungo sakin. Niyakap nila ako isa-isa ngunit hinawakan ko ang braso ni Hector dahil kinakabahan ako at baka mag wala siya.

“OMG!” Pabalik balik na sinabi ni Jobel sabay talon talon sa akin.

Hinila ko si Hector at tinabi ko siya sakin. Sabay sabay na nanahimik at nagulat ang lahat sa ginawa ko. Binaba ko ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Hinaplos ko iyon pababa at ramdam ko ang galit na nanunoot sa muscles niya sa mga oras na iyon.

Nang nahaplos ko ang kamao niya ay unti-unti itong huminahon. Pinilit kong buksan ito para hawakan at ipagsalikop ang mga daliri naming dalawa.

“You… are… together?” Nanginginig na tanong ni Kathy.

“Koby, pakilista yung mga taong may atraso kay Ches-“

Ginalaw ko agad ang kamay ni Hector at pinilit kong tumingin siya sakin. “Stop it, Hector. There’s no use.”

Nag igting ang bagang niya at mainit akong tinitigan.

“Pero Hector akala ko niloko ka niya?” Tanong ni Abby.

“Akala ko rin. At alam kong halos kayong lahat dito ay may atraso sa kanya.”

Yumuko ang mga babae. Nakita ko rin iyong mga lalaking tumulong sa kina Abby at Kathy noon.

“Uy, kami Hector wala ah?” Tumatawang sambit ni Jobel. “Sina Kathy, Reese, at Abby lang. Tsaka si Jun at Timmy!” Sabay turo ni Jobel sa dalawang lalaki.

“Sorry!” Agad sinabi ni Abby ng nakapikit.

Nakita kong bumuhos ang luha ni Kathy. Hindi iyon luha ng pagsisisi. Luha iyon ng panghihinayang. Hindi iyon luha ng takot, luha iyon ng sakit dahil alam ko, higit sa lahat, na mahal niya si Hector. Mahal na mahal. Siguro kung mahal ko si Hector at may iba siyang mahal, magkakaganyan din ako tulad ni Kathy. Magiging bitter ako sa mahal niya. Alam ko iyon. Dahil hindi ako ang tipo ng babae na kung hindi ako mahal ng taong mahal ko ay hahayaan ko na lang, na magpaparaya na lang ako, na titingnan na lang silang dalawa sa malayo at maghihintay ng milagro. No. Sa oras na may pagkakamali ang mahal niya ay agad ko itong sisiraan. Sa oras na malaman kong may masama sa kanya ay agad ko iyong sasabihin. Bawat paghakbang niya sa harapan ko ay katumbas ang paglalatigo sakin. Bawat kita kong magkasama silang dalawa ay para akong namamatay ng paulit ulit. Kaya hindi ko siya masisisi.

“Don’t get me wrong. Hindi ako narito para makita kayong nag so-sorry sakin. Nandito ako para makita kayong lahat ulit. Nandito ako dahil utang ko sa inyong lahat ito! Dahil kung hindi kami nagkasiraan ni Hector, hindi kami mag mamature. Kung hindi niyo ako pinahirapan, hindi ako tatatag. Hindi ako nasisiyahan pag nakita kayong lumuho sakin, Abby, Kathy. Gusto ko lang ipakita sa inyo na kahit anong gawin ninyo, kung mahal namin ang isa’t isa. Magiging kami.”

Humihikbi si Kathy habang tinititigan si Hector. Binitiwan ko ang kamay ni Hector dahil gusto kong gawin ito mag isa.

“Higit sa lahat… hindi ako nagpapakasanta dito. Na magpapasalamat kasi dahil sa inyo ay naging malakas ako. Let’s just say na ang gusto ko ay from now on wag na kayong makealam saming dalawa. Buhay namin ito at alam kong mahal niyo si Hector pero pakawalan niyo siya. He’s not a child na kailangan niyong protektahan all the time.” Umiling ako.

“Sorry.” Humihikbing sinabi ni Abby ulit.

Umiiyak lang si Kathy sa likod ng kanyang palad. Tinahan siya ni Koko at yung dalawang lalaking alipores niya. Si Harvey at Mathew naman ay nakatingin sakin kahit na parehong naka jersey pa.

Narinig ko ang maingay na pito sa loob at ang pagtawag sa pangalan ng dalawa.

“Harvey, Mathew, tinatawag na ata kayo sa court!” Sabi ni Sarah.

Tumango si Harvey ngunit hindi siya gumalaw.

Tinapik ni Mathew ang balikat ni Hector. “Ilang araw kayo dito?”

“Tatlo. Nandito mga classmates namin.” Ani Hector.

Hindi ko na nasundan ang usapan nila dahil niyugyug na ako ni Jobel. Ang sakit pa nga ng noo ko dahil panay ang yakap niya sakin at masyado siyang magulo kaya nagkakabungguan kami. Tawa na lang ako nang tawa sa kanila.

“Grabe! Penge naman ng number, Chesca, hindi mo sinasabing kayo na pala.”

Umiling ako kay Sarah. “Hindi naman kami.” Sagot ko.

“Anong hindi? Makapag holding hands kayo parang mag asawa.”

“Hindi… talaga-“

“Helloooo?” Napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Desiree sa gilid.

Natahimik ang lahat nang dumating ng bigla silang lahat na mukhang naiinitan at naalibadbaran sa klima ng Alegria.

“Ah! Jobel, Sarah, Marie. Eto nga pala friends ko sa Maynila.” Sabay lahad ko sa kanila.

“Uy! Koko! Eto o! Taga Maynila na naman baka may matipuhan ka!” Nakabubulabog na tawa ni Jobel.

Nilingon ko ang namumulang pisngi ni Koko.

“Hala! May gwapong chinitooo!” Kinikilig na sambit ni Janine.

Nanliit ang mga mata ko at sinundan ko ang titig niyang patungo kay Harvey Yu. Nakita kong pabalik balik na tumingin si Harvey kay Janine. Medyo nairita ako. Naiirita talaga ako kay Janine.

“Harvey!” Sigaw ko.

Hinanap niya ako at nang nakita ay nginitian. “May game ka pa, diba? Sige na! Uhhh! Thank you!” Sabi ko kahit awkward. “Sayo din, Mat! Thank you sa inyo! Sige na! Tuloy niyo na ang game!” Sabi ko sabay kaway.

Tumango si Harvey sakin at tinalikuran niya kami.

Nilingon ako ni Janine at bahagya siyang umismid. Aba’t may gana kang umismid, ah?

Umirap ako sa kawalan. Siniko ako ni Desiree kaya nilingon ko siya.

“Anong meron? Bakit umiiyak yung dalawang babae? Tsaka… sino yang kausap ni Hector na gwapo?”

Nilingon ko si Hector at nakita kong seryoso niyang kinakausap ang nakahalukipkip at nakangising si Knoxx Montefalco.

“Ewan ko.” Sagot ko nang binabalewala ang nagtatahanang si Abby at Kathy. Nasa gilid nila si Reese at Koko.

Kinalabit ako ni Jobel at ngumisi siya sakin. “Paniguradong bugbog sarado yung mga seniors na kumalaban sayo.”

Nakita ko ang nagtatanong na mga mata nina Desiree, Tara, at Janine.

“Anong meron?” Tanong nila.

Umiling ako at hindi ko na napigilan. “Hector. Tama na. Punta na tayo sa bahay niyo.”

Nilingon ako ni Hector. Bumuntong hininga siya.

“Tama na.” Sabi ko ulit.

Unti-unti siyang tumango. Wala akong pakealam kung mas dumami ang tanong nina Desiree sa akin mamaya. Ang importante ay maawat ko siya.

Ngumuso si Knoxx sa akin at bahagya siyang yumuko. Kumislap ang earring sa kanyang tainga. “Na checkmate mo talaga, Alde.” Tumawa siya.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: