End This War – Ang Katapusan

Thank you po dahil umabot kayo dito. Kita tayo sa Until He Was Gone.


Ang Katapusan

Humagalpak si Mathew sa katatawanan. Nasa loob kami ng canteen ngayon at pinapanood ko silang nag uusap tungkol sa bukambibig na babae ni Koby.

“Alam niyo naman ang taste nun.” Tumawa si Oliver.

Umiling ako at napangisi.

Panay kasi ang pagyayabang ni Koko tungkol sa isang babaeng taga Maynila daw. Makinis, maganda, maputi, matangkad, mahaba at umaalon ang buhok, at higit sa lahat ay nagpapakita daw ng motibo sa kanya. Hindi makapaniwala sina Mathew at Oliver sa kanyang sinasabi kaya ipinangako niyang ipapakilala niyo ito ngayon.

“Guys, ito nga pala si Chesca.” Ngumisi si Koko.

“Sino yan, Koko? Taga kabilang bayan?” Natatawang tanong ni Kathy.

Nilingon ko ang babaeng nasa likod ni Koko. Tingnan natin kung worth it ba ang paglingon ko o walang kwenta. Nagtaas agad ako nang kilay nang nakitang tiningnan niya rin kami isa-isa. Ngumuso ako nang napagtanto na maganda nga itong dala niya. Makinis, mahabang umaalon ang buhok, maganda ang tindig ng mga binti, mapupungay ang mga mata, purmado ang mga kilay at mukhang malambot ang labi. Talaga? May motibo kay Koby Marasigan ang ganito ka gandang babae?

Nagpigil ako ng ngiti nang nakita kong nag second look siya sa akin. Ano? Nagsisisi ka kasi si Koko ang binigyan mo ng motibo at hindi ako? Tumingin ako sa table ng canteen at unti unti itong tinapik sa aking daliri. Nakatitig parin ang babaeng iyon sa akin.

“Hindi, si Chesca ay taga Maynila.” Ani Koko.

“GF mo?” Tanong ni Reese.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko. Nakatingin na iyong babae kay Koko. Lumalapit si Koko sa kanya. Kung totoong may gusto siya kay Koko, dapat ay gaganahan siya sa ginagawa niya. Ngunit sa mga nakikita ko ay parang umiilag pa siya.

“Hindi… pa.” Nakangising sambit ni Koko sabay akbay sa babae.

Nilingon agad noong babae ang kamay ni Koko sa kanyang balikat. Mabilisan niya iyong hinawi at kita sa mukha niya ang pandidiring agad ginawang ngisi.

“Ah! Not so fast, Koko.” Aniya.

Tumigil ako sa pagtatapik sa mesa. Alam ko na agad. Hindi niya gusto si Koko. Kung ano man ang dahilan kung bakit niya pinapaniwala si Koko na gusto niya ito ay hindi ko na alam. Basta ay sigurado akong hindi niya gusto si Koko.

“Bakit? Manliligaw muna ako?” Tumaas ang kilay ni Koko.

“Hmmm… Oo.” Medyo may pagdadalawang isip na sinabi noong babae.

“UYYYY! SA WAKAS!!! IN LOVE NA SI KOKO!!!” Sigaw ng mga kaibigan ko.

Hindi ako makapaniwalang nahulog sila sa bitag ng babaeng iyan! Alam ko na ayaw niya kay Koko! Kitang kita ko iyon at di ko maintindihan kung bakit hindi nila makita iyon! Nakikita ko na iba yung pakay niya kay Koko! Alam ko dahil madalas akong makasalamuha ng mga babaeng may ibang motibo din sa akin.

Tumayo agad ako. Hindi ako nanghihinayang o natatakot para kay Koko. Naiirita ako sa babaeng iyon. Chesca ba yung sinabing pangalan? Basta naiirita ako sa kanya! Ke babaeng tao at kay ganda pero ginagamit niya ang mukha niya para mahulog ang mga tao sa bitag niya. That woman is evil.

“Saglit lang, ginugutom ako.” Untag ko.

Tumayo ang lahat dahil sa pagtayo ko.

“Hector, anong kakainin mo?” Malambing na tanong ni Kathy.

Nilingon ko silang lahat. Gusto kong iwasan ang tingin ni Chesca ngunit iyon agad ang natagpuan ng mga mata ko.

“Depende kung anong nakahain.” At agad na akong dumiretso sa canteen para pumili.

Hindi maalis sa isip ko ang babaeng iyon. Chesca. Kaya naman nang nag hapon at nangabayo ako sa buong rancho ay siya ang naging laman ng isip ko. Iyong mga mata niyang mataray at yung pandidiri niya sa kamay ni Koko nang inakbayan siya.

“Hector!” Sigaw ni Koko sa akin nang nadatnan ko sila ng kanyang ama sa mga baka.

“Uy!” Tumango ako at hinaplos ng marahan si Abbadon.

Hinila ko ang kanyang lubid at tumigil siya sa pagtakbo. Pinunasan ni Koko ang kanyang pawis gamit ang kanyang braso at tiningala niya ako. Bababa sana ako nang napagtanto na may kailangan nga pala ako kina Aling Nena.

“Ano? Maganda ba iyong Chesca na ipinakilala ko kanina?” Kumindat siya.

Dinig ko sa boses niya ang pagmamalaki. Hindi ako makangisi kaya imbes na sumang ayon ay taliwas ang sinabi ko.

“Hindi. Hindi ko type ang mga ganun, Koko. Mag ingat ka run. Mukhang manloloko.”

Natatawa akong tinuro ni Koko. “Hector? Halos di makabasag pinggan ang mukha nun! Kita ko? Mala anghel? Tapos sasabihin mo saking manloloko? Tsss.” Umiling siya.

Umiling din ako at tinaas ang kilay. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala.”

Tinalikuran niya ako habang tumatawa. Inangat niya iyong mga dayami at nilipat sa kabila. Nakita ko ang suot niyang jersey ko na iniwan ko kay Aling Nena noon. Ipinagkibit balikat ko iyon at pumanhik na sa bahay nina Aling Nena.

“Hiya~ Abbadon!” Tinapik ko ang kabayo at itinali sa kahoy na nasa tabi ng bahay ni Aling Nena.

Papalubog na ang araw at alam kong kanina pa ako hinihintay ng matanda.

“Oh, Hector, nasa mesa na yung binilin ni Carolina sa akin.” Anang matanda na umiinom ng tsaa sa kanyang upuan.

“Salamat, Aling Nena. Bait mo talaga!” Tumawa ako at niyakap siya.

“Aray, itong batang ito!” Tinampal niya ang braso ko.

Tumawa na lang ako. “Ito naman. Naglalambing lang ako!”

Siya ang nagpalaki sa akin. Madalas ko siyang nilalambing noong malakas pa siya at bata pa ako. Kaya naman nakagawian ko ng bumisita sa bahay nila araw-araw. Sa mansyon siya nakatira noon. Pero nang tumanda at hindi na kinaya ang mga gawain ay binigyan na lang siya ni Lola ng bahay dito at pinatira kasama ang anak niyang ranchero din namin.

Dinampot ko ang isag mansanas sa kanyang mesa at kinagat iyon. Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang malawak na maisan.

“May… napapansin ka bang bago sa eskwelahan? Sa bayan, Hector?” Biglaang tanong ni Aling Nena.

Nagkunot ang aking noo. “Wala naman po. Anong bago?”

“Bagong… salta… Bagong… mukha…” Aniya.

Bahagya akong natigilan. Bagong mukha? Ayaw kong isipin pero hindi ko maipagkakaila na may isang taong bago sa paningin ko at kanina ko pa siya iniisip.

“Meron?” Tinitigan ako ng diretso ni Aling Nena. “Francesca Alde?”

Mabilis kong ibinalik ang gumagalang tingin ko kay Aling Nena. “Sino yun?”

“Wala ba’ng Francesca Alde na umaaligid?”

“Frances-ca?” Nag isip pa ako.

Hindi ko alam kung pinag titripan ba ako ni Aling Nena o ano?

“Matanda ba ho-“

“Maganda, makinis, mapupula ang labi, maamo ang mukha, mukhang anghel na bumaba sa langit… Mukhang maamo pero mabangis sa kailaliman.”

Nang binanggit niya ang maganda ay may isa na agad akong naisip. Mabilis kong naidugtong ang pangalan ng babaeng iyon sa sinabing pangalan ni Aling Nena. Francesca o Chesca ba?

“Alde iyon?” Napatanong ako.

“Ah…” Natigilan siya. “Meron pala talaga. Totoo ang naririnig ko sa mga ranchero.”

“Ano pong meron sa kanya?” Napatanong ako.

“Hindi ko makakalimutan ang mukha ni Carolina nang umalis si Francis ng Alegria para lang makipagtanan kasama ng Michelle na iyon! Nasasayangan talaga ako! Ang magkapatid na Alde ay matatalino ay mababait. Si Lucia ang napangasawa ng isa, at si Francis ay napangasawa si Michelle! Ano ba’t bakit ang mga gusto ng Alde ay ang mga babaeng punong puno ng kamunduhan at kasukaban!”

“Oy, oy, Aling Nena. Iyong puso niyo po.” Bahagyan ako humagikhik dahil dirediretso ang sinabi niya dahil sa galit.

Nanliit ang mga mata niya sa akin. “Ang hirap kay Francis ay nakuha niyang magpanggap na gusto niya rin si Lina gayung hindi naman pala. Gayung may iba siyang mahal. Iyon ang ikinagalit ng lola mo, Hector. Iyang mga Alde’ng iyan, hindi talaga mapagkakatiwalaan. Pinagkanulo lang ni Siling ang kanyang anak sa isang Dela Merced para umangat.” Umiling siya at uminom sa kanyang tsaa. “Ang mga Alde, nagkakandarapa talaga pag Dela Merced. Uhaw na uhaw sa Dela Merced. Namamatay pag hindi Dela Merced.”

Kumunot ang noo ko at natulala sa kawalan sa mga sinabi ni Aling Nena. May unti-unti akong napagtanto. Nasa dulo na iyon ng dila ko pero hindi ko mapagtibay.

“Kaya ikaw, Hector, ngayong nalaman kong may babaeng Alde sa kanilang pamamahay, mag ingat ka. Ikaw ang natatanging tagapagmana ng mga Dela Merced. Paniguradong ipagkakanulo iyon ng mga magulang niya sayo. Kung hindi ako nagkakamali. Natatakot na ang mga iyon dahil nagpa survey na ang iyong lola sa mga ari arian ninyo para mailagay na sayong pangalan. Kaya sigurado akong takot ang mga iyon. Kaya pinauwi ang alas nila dito. Kaya umalingasaw sa tainga ko ang pagbabalik ng babaeng Alde na iyon. Ang babaeng maaring ipapaing nila sayo.”

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung paranoid ko masyadong malawak ang imahinasyon ni Aling Nena pero may napagtanto ako! Si Koby Marasigan ang nilalapitan ni Chesca. Ang sabi ni Koko ay una silang nagtagpo sa sentro! Hindi kaya naka jersey ko si Koko kaya inakala niyang si Koko ang Dela Merced?

“Kita ko sa mga mata mo. Hindi mo siya gusto.” Ngumisi ako nang nagtagpo kami ni Chesca.

Sinadya kong magpaiwan sa classroom namin kahit alam kong walang professor para madatnan siya. Ngayon, maiksing shorts ang suot niya at naka longsleeve na kitang kita ang underwear. Seriously? Wala bang ibang damit? Bakit kailangang see through?

“Look, mister… Hindi ko alam kung anong nakikita mo sa mga mata ko pero wala ka naman sigurong pakealam sa akin.” Umirap siya. “Kung sasabihin kong gusto ko siya, edi gusto ko siya.”

Humalukipkip ako at nag iwas ng tingin. Ang daming bumulabog sa isip ko tulad ng bakit ko nakekealam sa mga pinaggagagawa ng Alde’ng ito? Kung inaakit niya si Koko dahil akala niya’y Dela Merced ito edi buti nga sa kanya? Pero bakit naiirita ako? Ako dapat iyong inaakit niya, hindi si Koko! Sakin dapat niya tinatapon ang sarili niya! Ako dapat ang hinahabol niya! Ako! Gusto kong ako! Wala akong pakealam kung aakitin niya lang ako dahil sa Dela Merced ako! Wala akong pakealam kung tulad ng kanyang ama ay aakitin niya ako kahit na may boyfriend siyang di ko alam! Wala akong pake dahil alam kong pag nangyari sa akin ang tulad kay Tita Lina ay hindi ako tutunganga na lang. Babawiin ko kung ano man yung akin!

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nakita kong medyo nagulat siya sa ginawa ko.

“Ang taray mo. Bago ka pa nga lang dito.”

“Paanong di ako magtataray sayo? Nangengealam ka! Ano ngayon kung gusto ko yung tao. Bakit? May problema ka ba dun at sino ka ba para makealam?”

Umangat ang labi ko. Hindi ko mapigilan. Bakit kinikilabutan ako sa pagtataas ng boses niya? Bakit bumibilis ang pintig ng puso ko sa galit niya?

“Kasi di ko maintindihan kung bakit sinasabi mong gusto mo siya kahit na kitang kita kong hindi naman.” Panunuya ko.

Naiinis ka diba kasi alam ko? Naiinis ka. Kaya heto at iinisin pa kita lalo! Humakbang ako palayo. Gusto ko yung iritado siya sa akin. Gusto kong pipikit ako mamayang gabi na alam kong naiirita siya sakin at di siya nakakaganti.

“Pakealamero.” Bulong niya.

“Anong sabi mo?” Nilingon ko siya.

“So what if I like him? Mabait naman si Koko. Okay siya para sakin.” Nag taas siya ng isang kilay.

Nagtaas din ako ng kilay, “Tsss.”

Kainis! Mabait? You like him? Nakakaisa parin talaga siya kahit iniinis ko na. Kaya naman ay nang umuwi kami ay hindi ko siya tinantanan.

“Mang Elias, itigil mo ang sasakyan.” Utos ko nang nakita ko siyang naglalakad paalis ng school.

Naglalakad siya? Wala kasing tricycle at kaya siguro naglakad iyon. Kalaunan ay nakita ko siyang nakasalamuha ang isang dayuhan na payat at mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Sinugod ko agad. Hindi ko maiwasang makealam. Hindi ko naman ugaling pabayaan ang mga taong nangangailangan.

Ang babae kasing ito may kausap pa sa cellphone kaya ayan at pinagtangkaan ng dayong ito!

“Akala ko ba sasabay ka kay Koko? Ba’t mag isa?” Tinalikuran ko na agad siya pagkatapos kong ibigay sa kanya ang cellphone niyang inagaw ko sa holdaper.

Lintek at nasugatan pa ako. Buti may mga tao sa paligid at agad ko na lang pinaubaya sa kanila ang holdaper na dayong iyon.

“Hector!” Sigaw ni Chesca.

Kinawayan ko lang siya ng patalikod. Kailangan kong hugasan itong sugat ko galing sa kutsilyo ng holdaper na ito. Buti malapit sa gazebo ito kaya doon ko na lang huhugasan ang sugat.

“Hector!” Sigaw ulit niya.

Umangat ang labi ko. Bakit tumitindig ang balahibo ko tuwing naririnig ko ang frustrated niyang tono?

“Ba’t ka sumunod?” Tanong ko habang hinuhugasan ko na iyong sugat ko.

Dinig ko ang hingal niya sa likod ko.

“Para san pa edi mag pasalamat!” Galit niyang sinabi at padabog na nilagay ang bag niya malapit sa sapatos ko.

May hinalukay siya sa loob.

“Ang harsh mo namang magpasalamat.” Natatawa kong sinabi nang di siya nililingon.

Matalim niya akong tinitigan kahit na malaki ang ngisi ko.

Lumuhod siya sa harapan ko at biglaang hinablot ang braso ko. “Akin na nga yan!” Iritado niyang sinabi.

“Ow!” Ininda ko iyong hapdi na naramdaman ko pero di ko mapigilan ang pag guhit ng ngiti sa mukha ko.

“Sorry.” Nag aatubili niyang sinabi saka dinungaw ang sugat ko. “Gagamutin ko na.”

Ngumisi ako habang nakatitig siya sa sugat ko. Galit siya. Kita iyon sa mga mata niyang matatalim ang titig kahit sa sugat ko naman nakatutok. Nakakatuwa siyang tingnan. Ginala ko ang aking paningins a buong katawan niya. Hindi naman ako ignorante sa babaeng ganito, mukhang anghel. Marami na rin naman akong nakilala sa States at sa Maynila. At hindi rin ako yung tipong madadaan sa mukha. Si Kathy at Reese ay parehong maganda pero ngayon lang ako ginugulo ng utak ko. Masyadong magulo na hindi ko siya kayang tingnan ng ganito ka lapit at matagal!

“Dahan-dahan, ah? Hindi naman kaya tuluyan mo ako?” Tumawa ako.

Dadaanin ko lahat sa pang iinis dahil tuwing natatahimik ako, lumalala ang mga iniisip ko. Hector, hindi pwede. Hector, Alde iyan. Hector, gaya ng sabi ni Aling Nena, manloloko iyan. Treachery is buried deep. Kahit na mukha siyang anghel na bumaba sa langit, hindi mo maipagkakaila na may punto si Aling Nena. Lalo na’t kita naman na hindi niya talaga gusto si Koko.

‘Hey, alam mo bang ako ang Dela Merced? Ako dapat yung hinahabol mo, e. Di si Koko Marasigan.’

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili. Nainitan ako kaya hinubad ko ang damit ko.

“Ba’t ka pa naghubad?” Nakita ko ang panginginig ng paningin niya.

Para bang nagdadalawang isip siya kung titingnan niya ang katawan ko o hindi. Damn it! Dapat pala di ako naghubad! Mas lalo tuloy akong nainitan! Mabilis kong nilihis ang usapan.

“Pahatid po, manong, kina Alde.” Sabi ko sa driver ng tricycle nang napag desisyunan kong ihahatid ko si Chesca.

Kita ko ang titig ng driver sa kanya pabalik sa akin.

“Kina Alde? Ito ba yung pinsan ni Teddy, Hector?” Tanong ng driver.

“Opo, manong.”

Pumasok kaming dalawa.

“Saan ka naman, Hector? Kina Alde din?” Tanong ng driver.

“Hindi po, sa rancho na lang ako.” Nakita kong tumingin si Chesca sa akin kaya kinindatan ko siya.

“Sa rancho ng mga Dela Merced?” Tanong ni Chesca.

Sinagot iyon ng driver, “Walang ibang may rancho dito kundi ang mga Dela Merced. Madalas pagsasaka yung negosyo ng iba.”

“Anong gagawin mo sa rancho, Hector? Magpapastol ng kambing?” Tumawa siya.

Agad kong hinawakan ang braso ko dahil sa paninindig ng balahibo ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Una yung galit niya, ngayon ang tawa niya?

Nanliit ang mga mata ko sa pagtawa niya. “Oo. Anong problema mo dun?”

“Mehehehe. Mehehe. Trabaho mo ba ang pagpapastol?” Humagalpak ulit siya sa tawa.

Kung makapagsalita ang isang ito parang dapat ikahiya ang pagpapastol, ah?

“Oo, bakit? Anong problema mo?”

“Wala lang.”

Ayaw niyang aminin pero alam kong ikakahiya niya ang pagpapastol. Parang ginawa niyang katatawanan ang pagiging ranchero. There it is! The inborn treachery and evil inside her. Pero bakit imbes na husgahan siya ay hindi na siya matanggal sa isip ko.

“Naku, Hector, alam mo naman siguro kung anong meron sa pamilyang iyon, diba?” Tanong ng driver pagkatapos mahatid si Chesca.

Napawi ang ngiti kong di maalis alis kanina pa.

“Baka inaakit ka lang nun dahil Dela Merced ka.”

Wrong. Hindi alam ni Chesca na ako ang Dela Merced kaya si Koko ang inaakit niya. Kung ano man iyong inasta niya kanina, iyon talaga siya. Hindi niya nilihim sa akin ang pagkatao niya dahil ang akala niya kay Koko lang dapat siya magpapanggap.

“Hindi naman.”

Nilingon ako ng driver. “Naku, Hector! Malaking problema ito! Wag kang gumaya sa Tita Carolina mo! ‘Hindi naman’. Alam kong may nakapagsabi na sayo nito… na talagang di mapagkakatiwalaan ang mga Alde, pero gusto ko lang sabihin ulit sayo para tumatak ito sa kokote mo, Hector. Wag mo sanang masamain ito.”

Iyon ang naging bukambibig ng mga tao. Maging ang ama ni Koby ay pinagsabihan na rin ako tungkol dito.

“Hindi ko maintindihan! Bakit ka nila pinagsasabihan tungkol kay Chesca gayung halata naman na sakin siya may gusto.” Naiiritang sinabi ni Koko sa akin.

“Koko, sigurado ka bang may gusto si Chesca sayo.”

Natigilan siya at mukhang nabigo ko. “Hector, baliw ka ba? Hindi mo ba nakikita? Kulang na lag maghubad iyon sa harap ko!”

Nag igting ang panga ko sa sinabi niya.

“Inggit ka lang ata, e. Sinasabi ng lahat na manggagamit siya? Ha! Kung manggagamit siya, dapat ikaw yung hinahabol niya, hindi ako!”

Iritadong iritado ako sa mga sinabi ni Koko! Kaya hinayaan ko siya sa mga paniniwala niya! Tangina niya, bahala siya kung iyon ang tingin niya! Porke’t nagpapahiwatig si Chesca akala niya siya na agad. Makikita mo’t babagsak iyan sa akin. Kung hindi ko man siya makuha dahil Dela Merced ako, pwes makukuha ko siya dahil ako si Hector.

“Alam mo bang nagugustuhan ko ang pagtataray mo?” Sinabi ko isang beses nang tinarayan niya ako.

Umangat ang labi ko nang nakita kong namula siya. Shiiiit! Bakit nagugustuhan ko ito?

“Ha? Anong nagugustuhan ang pagtataray? So ibig mong sabihin gusto mo si Kathy? Mukhang mataray yun!”

Shit! Naghuramentado ang dugo ko. Ramdam ko ang init nito sa pagdaloy sa mga ugat ko. KInagat ko ang nakangisi kong labi.

“Bingi ka ba? Sabi ko ‘pagtataray mo’. Hindi pagtataray niya.”

Oo na’t nagdiriwang ako dahil sa sinabi niya. Tunog selos kasi.

“W-Wag mo nga akong bolahin!” Pagalit niyang sinabi.

Tinitigan ko siya at nakita kong umirap siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko.

“Sige pa, Chesca, magtaray ka pa. Mamaya agawin kita sa kanya.”

Damn right, this girl is going to be mine! Dela Merced ka diba? Iyon ang gusto mo diba? Sakin ka… Akin ka dapat at hindi sa taong inakala mo! I’ll do anything mabaling lang ang atensyon mo sakin. Kung sabihin ko sayo ngayon na ako ang Dela Merced, hindi ba tatakbo ka patungo sakin?

Nagulantang ang mundo ko nang tinanggihan niya si Koko isang araw. Alam kong sa ngayon, kilala niya na kung sino ako. Alam kong napagtanto niya na ako ang Dela Merced. Kaya mas lalong tumitindi ang hinala ko na totoo ang mga akusa nina Aling Nena sa kanya! Nagkagulo at tinaboy siya ng mga kaibigan namin!

“Respetuhin mo, Koko. Alam ko. I’m sorry kung pinaasa kita pero akala ko biruan lang yun lahat. Hindi ko alam na seseryosohin mo. At ngayon ayoko na!”

Nanginig ang sistema ko. Oo gusto ko siya. Oo na’t nahuhumaling ako sa kanya pero hindi ko maitanggi na pagkakamali itong ginagawa niya. Binabawi niya ngayon kasi alam niyang ako at hindi si Koko ang Dela Merced.

“Chesca, nagpapakipot ka lang.” Sigaw ni Koko.

“Hindi ako nagpapakipot. Hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo dahil hindi kita gusto.” Singhal naman ni Chesca. “Isang linggo pa lang, Koko. Don’t tell me you’re already in love with me.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Chesca. Ano ang batayan ng pagkakahulog? May oras ba? Kailangan bang umabot ng ilang taon? Hindi ko alam kasi hindi ko pa naman iyon nararanasan. Ngayon pa lang ako nahumaling sa babae ng ganito!

“Nagmamaganda naman masyado.”

“Karmahin sana.”

“Sino ba siya? Alde? May pinsan pala si Teddy na babae? Akala ko yung Craig lang.”

“Ang laki ng ulo. Porket taga Maynila feeling agad na kayang paikutin ang mga taga probinsya.”

Pinaulanan siya ng mga nakakaabusong mga linya. Kita ko ang hindi niya paglaban sa mga ito. Nakinig lang siya kahit bakas sa mukha ang galit at pagka irita.

“Tumigil nga kayo!” Sigaw kong umalingawngaw at nagpatigil sa kanila.

Ni dribble ko ang bola at unti unting lumapit kay Chesca. Nanginginig siya sa lahat ng mga tinanggap niyang salita kay Koko at sa mga kaibigan namin.

“Hector! Wag kang lumapit sa Chesca na yan! Baka mamaya, tayo naman ang maloko niyan! Kapal ng mukha. Porket Alde. Papalubog na ang negosyo niyo oy, kaya wag kang feeling.” Sabi ni Kathy.

I know, Kath. But you shut your mouth coz this is my girl you are talkig about.

“Shut up, Kathy!” Sigaw ko.

May masamang sinabi pa si Koko bago naiiyak at umalis si Chesca. Gusto ko siyang habulin pero magulo ang isipan ko ngayon. Gusto ko siya pero bawal sa akin ang isang Alde. Tanginang nahuhumaling ako sa kanya pero kailangan ko siyang layuan! Para akong isang insektong nahuhumaling sa init ng apoy, kahit alam kong pagmasyado na akong malapit, mamamatay ako, lalapit parin ako. Stubborn, yes. Too stubborn.

Masarap ang bawal. Sobrang sarap kaya masyado akong nahuhumaling dito.

“MAMATAY SANA ANG MGA LALAKI!” Nadatnan ko siyang nagpapaulan sa kalsada at sumisigaw nito.

May bag siya sa likuran at mukhang kanina pa siya dito dahil basang basa na siya at nanginginig pa ang mga balikat. Anong nangyari sa kanya? Ibinaling ko si Abbadon sa kanya at pinatakbo patungo roon.

“Mamatay ka!” Sumigaw siya at pumikit.

Nang nakalapit na ako at nakita niya na ako ay umiling siya at nag iwas ng tingin. Para bang naiinis siya sa presensya ko. Lumakas pa lalo ang ulan. Malamig pero nasanay na rin ang katawan ko dahil madalas ko itong ginagawa. Nakita kong gumala ang paningin niya sa katawan ko. Inantay kong iangat niya ang mata niya sa mga mata ko at pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Ano? Uuwi ako sa amin!” Untag niya sa nagtatanong kong mukha.

Ngumuso ako. “Bakit ka nagpapaulan? At saan ka galing?”

“Tss. Anong pake mo?” Matapang niyang sagot.

Wala pang nakakasagot niyan sa akin lalo na pagseryoso ang tanong ko. Ang babaeng ‘to, mapangahas talaga! Nakababa na ako sa kay Abbadon dahil alam kong sa tono niya ay kailangan kong gamitan ng puwersa.

“Chesca!” Tumaas ang tono ng boses ko.

“ANO? Lubayan mo nga ako!” Ginawa ko itong hudyat para higitin siya at iharap sakin.

Huli ka! Di kita papakawalan ngayon.

“Tigilan mo ako, Hector.” Sabay hawi sa kamay ko.

At sa unang pagkakataon sa buhay ko, tinalikuran ako ng isang babae. Kahit na dayo ay hindi ako kailanman tinalikuran. HIndi ako makakapayag. Hinigit ko siya at nairita niya akong hinarap.

Nalaglag ang panga ko nang nakita kong bakat na bakat ang kanyang kaluluwa sa kanyang basang damit. Naiirita ako. Gusto ko siyang titigan ngunit naiirita ako dahil alam kong maaring di lang ako ang makakakita sa kanya na ganito kung papabayaan ko siya rito. Naiirita ako dahil ayaw ko na dapat ngunit isang titig ko lang sa kanya, bumabalik ulit ako. Huminga ako ng malalim at tiningnan siyang mabuti. Basa lahat. Basa ang kanyang buhok, kanyang mukha, kanyang damit. Damn ang damit! Kitang kita ko ang nipis ng kanyang katawan. Sobrang nipis na para bang hindi siya kumakain. Kitang kita ko ang panginginig nito sa lamig ng ulan. Kung yayakapin ko ba siya, madudurog kaya siya? Ang mga labi niya? May nakahalik na kaya? Mukha itong malambot, talaga bang malambot ito? Kung ikukulong ko siya sa maiinit kong bisig, mapapaso kaya siya? How would she moan and sigh when I kiss her? DAMN IT! Stop your thoughts, Hector! This is insane!

Pumikit ako sa gilid at napamura ng malutong.

“Minumura mo ba ako?” Tanong niya.

Kinuha ko ang t-shirt sa gilid ni Abbadon. Basa ito pero hindi ko mapigilang di ibigay sa kanya. Dahil gusto ko siyang tulungan pero paano ko siya matutulungan kung tuwing tinitignan ko siya ay nayayanig ang sistema ko?

“PWEDE BA! KITANG KITA KO DITO ANG PULA MONG BRA!” Sigaw ko dahil ayaw niyang tanggapin ang t-shirt.

Napatalon siya sa gulat sa sigaw ko. Oh Shit! Pinilig ko ang ulo ko. Gusto ko siyang yakapin na lang ng mahigpit at dalhin sa bahay para daluhan. Mapapaso ba siya pag ikinulong ko siya sa bisig ko? Pipiglas ba siya pag sinabi kong gusto ko siya at wala akong pakealam sa mga apelyido namin? Kasi alam kong hindi niya ako inaakit. Alam kong hindi ang apelyido ko ang habol niya. Alam kong kung ano itong ipinapakita niya sakin ngayon ay ito ang tunay na siya. Wala akong pakealam sa sabihin ng ibang tao. Kung kailangan kong magbulagbulagan at magbingibingihan gagawin ko. Dahil alam kong kung tunay na inaakit niya lang ako para sa lupa namin ay hindi siya ganito umasta. Baka sa oras na akitin niya ako ay talagang ibibigay ko na sa kanya ang buong rancho. Tangina ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Kaya simula noon ay siya na ang naging laman ng araw-araw ko. At gusto kong malaman iyon ng lahat dahil alam kong mainit ang dugo nila kay Chesca. Gusto kong protektahan siya gamit ang pangalan ko.

“Hector, madalas ang gusto mo at ang dapat mong iwasan ay parehong bagay lang. Payo ko sayo, iwasan mo na lang para hindi ka na magkaproblema pa. Una pa lang iyan. Unang pag ibig, kaya wag mo masyadong seryosohin.” Ani Aling Nena.

“Hindi na po ako makakaramdam ng ganito sa ibang babae. Pakiramdam ko sa kanya lang. Kaya wala akong pakealam kung anong mangyari Aling Nena.”

Lahat ng tao sa rancho ay ganoon ang iniisip. At lagi kong sinasabi na gusto ko si Chesca at wala na silang magagawa. Oo nga’t may konting kaba sa puso ko, pero mahirap talaga pag puso ang kalaban. Laging nasusunod.

“Tapos na akong magpaliwanag. Nalaman mo na ang lahat. May plano ako na akitin ang tagapagmana noon. Yun na yun. Diba?” Aniya isang gabi nang nagkaliwanagan kami.

Alam ko na ito pero mahirap palang tanggapin pag inamin niya na.

Ako. Hindi ko pa nalalaman ang lahat. Ngayon, isang tanong, isang sagot, Chesca Alde. Ginamit mo ba ako? Dahil ako ang tunay na Dela Merced? Ginamit mo ba ako?”

“Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko, hindi ko na kayang ulitin! Lumubog na kung lumubog hindi ako manggagamit ng tao! Kung ginamit kita, sana sinagot na kita agad at hindi na ako nagpaligaw sayo! Sana ngayon ay tayo na at hindi na kita tinarayan pa!” Inirapan niya ako pagkasabi niya noon.

Siniil ko siya ng halik. Doon ko napagtanto na matagal ko ng ibinuhos ang lahat sa kanya. Na simula pa lang, kahit na may kaonting pagdududa ako sa kanya ay ibinigay ko parin ang buong tiwala ko. This cannot fail me. Hindi maari. Dahil walang matitira sakin pag lolokohin niya ako.

“Wala akong pakealam sa lupa ninyo. Hindi ko aangkinin iyon. Ikaw, Chesca, ikaw ang gusto kong maging akin.”

Kaya naman nang inihatid ko siya sa bahay nila noong kami na at nakita ko siyang lumabas nang di nagpapaalam sa akin, nabaliw agad ako. Oo. Pero hindi diba? Hindi niya ako niloloko! Hindi pwedeng lokohin niya ako dahil gaya ng sabi ko, walang matitira sakin!

Sinundan ko siya at nakita kong pumunta siya sa gazebo. Damn it! Anong meron at bakit doon siya pumunta? Uminit ang pisngi ko sa galit nang nakita kong may lalaking naghihintay doon. Malayo ako kaya hindi ko dinig ang pinag usapan nila. Sino ang lalaking iyon?

Bumuhos sa akin ang alaala kay Tita Lina at kay Tito Francis. Ang alam ko ay may ibang mahal si Tito Francis nang pinaniwala niya si Tita Lina na mahal niya ito. Nang di niya na kaya ay doon niya lang siniwalat na may iba siya at nakipagtanan na lang agad siya sa babaeng mahal niya! Is it… happening again? For us? At ako ang nasa sitwasyon ni Tita Lina? Umibig pero ginamit lang?

Nagtagpo ang labi nila. Kitang kita ko ang pagiging pamilyar nila sa isa’t-isa. Para bang hindi ito ang unang pagkakataong nagkahalikan silang dalawa. Para bang matagal na nila itong ginagawa at palagi!? SHIT! PUTANG INA! The sight makes me want to vomit! Hinalikan ko rin ang mga labing iyan! Kanina! Hinalikan ko siya! Pero heto siya at nagpapahalik sa isang llaaking hindi ko kilala!

“No… You still love me. Bakit ka umiiyak kung ganun?” Umalingawngaw ang sigaw ng lalaki pagkatapos ng mainit nilang halikan.

Nag igting ang bagang ko at nagdilim ang paningin ko. Walang pumasok na eksplenasyon sa utak ko. All I know is that she cheated on me… That it’s happening again! Na iiwan ulit ng isang Alde ang isang Dela Merced and I won’t let that happen! Ako ang mang iiwan dito! Ako! Hindi siya! Hindi na mauulit pa iyong noon!

“So… Totoo pala yun?” Panimula ko nang sa wakas ay nakarating ako sa likod nila.

Mabilis akong hinarap ni Chesca. Nakita ko ang lumuluhang mga mata niya. Pinipiga ang puso ko. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak. Gusto kong punasan ang bawat luha na lumandas sa mga mata niya pero kung ang kapalit ng pagpunas ko sa luha niya ay ang pasakit para sa akin ay hindi ko iyon matatanggap.

“Hector!” Sigaw niya.

“Diyan ka lang at hindi ko kailangan ang babaeng tulad mo!”

“Oh my God! Wag kang maniwala sa kanya! Ikaw ang mahal ko-“

“SHUT UP, FRANCESCA! Kung mahal mo ako, ba’t ka naglihim, ha?” Mariin kong sinabi. “Kung mahal mo ako, ba’t nandito ka ngayon at nakikipagkita sa kanya? HA?”

Dahil kung totoong mahal niya ako, hinding hindi niya ako lolokohin. Kahit ilang beses niyang sabihin na mahal niya ako, pero kung kaya niya akong lokohin, hindi niya ako mahal.

“Simple lang, dude, mahal niya ako. Ako yung tunay dito. Ako ang nauna.” At sumawsaw pa ang lalaking ito!

Umiling ako. “Talagang ikaw ang nauna? Sigurado ka ba diyan? Mas mahal nito ang lupa nila kesa sayo, eh. “Mas mahal niya ang pera kesa sayo kasi ako yung inuna niya, diba? Iniwan ka ba?”

Naiirita ako. Gusto kong patas kaming dalawa. Kung hindi kami ni Chesca ang magkakatuluyan, hindi rin sila pwedeng magkatuluyan! Tangina kung di ko siya maangkin, walang mang aangkin sa kanya!

“You are nothing but a whore, Alde.” Utas ko sa galit ko sa kanya.

Agad lumubog ang puso ko nang nakita ko ang pag awang ng kanyang bibig.

“Ano pa? Sige pa! Ubusin mo pa yung kasinungalingan mo, Chesca. Alam ko eh… Alam ko nung una pero nag bulagbulagan ako dahil nagustuhan kita! Pero ngayon?” Tumawa ako dahil nababaliw na ata ako. “You are just my first. Hindi ikaw ang magiging last ko. Let’s just say… ‘experience’ ka lang…” Sabi ko at nakita ko ang pagkabigo sa kanyang mukha nang talikuran ko siya.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay namuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko. Nanginig ang binti ko dahil alam nitong hindi ko kayang palayain siya, hindi ko kayang pinapalaya niya ako. Hindi ko siya kayang talikuran at iwan. That I still love her. That I’ll forgive her for anything and yes, I will forgive her for this.

Nilingon ko siya para daluhan pero nahuli na ako. May dumalo na sa kanya at hindi ko makakaya na makita siyang may iba. Hindi ko kayang may humahawak sa kanyang ibang kamay. At kailangan kong matuto. This love is overwhelming and crazy. Nakakatakot! Dahil guguho ang mundo ko sa oras na makita ko siyang may iba. At dapat hindi ganun. Dapat kaya kong tanggapin. I need to learn things… At pag papabayaan ko ang sarili ko sa kanya ngayon, baka mawala ko na ng tuluyan ang sarili ko.

“Mas lalong bumaba ang tingin ko sayo.” Pumikit ako at lumayo na lang sa kanya.

Bawat paghakbang ko palayo ay mas lalo kong napagtatanto na hindi lang siya ang iniwan ko doon, kundi pati ang puso ko, ang buong pagkatao ko. Pero alam kong kailangan kong matuto. Na siya ang una ko at maaring hindi siya ang magiging huli. Na sa mundong ito, sa mga libro lang iyong una at huli, dahil dadating ang araw na mabubuwag kayong dalawa. Dahil sa ibang tao, dahil sa mga sitwasyon, dahil sa mga desisyon. Kailangan ko iyong tanggapin.

“Hector, hindi maganda iyong ginawa mo kay Chesca.” Ani Tita Lina.

Oo! Alam ko! At hindi niyo na kailangang ipamukha sa akin iyon!

“Hector, talaga bang aalis ka?”

“Tita,” Natigilan ako sa pag iimpake. “Sa Maynila, malawak ang oppotunidad. Gusto ko pong mag expand ang rancho. Gusto kong may mag invest na mga business bukod sa mga investors natin ngayon. Gusto ko po yung inaatupag na lang muna ang future at hindi iyong ibang… bagay…”

Kinagat ko ang labi ko at bumaling sa maleta ko.

“Pero Hector, paano si Chesca? Si Mama? Mabibigo iyon. Nasa Maynila si Mama ngayon at ngayon mo pa naisipang magdesisyon?”

“Tita, magkikita na lang kami ni Lola sa Maynila at doon ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat ng gusto kong mangyari. Para din naman ito sa rancho.”

Ginawa kong dahilan ang rancho dahil sa kagustuhan kong umalis doon.

“Hector, sigurado ka ba? Kita ko ang relasyon niyo ni Chesca. Ayaw ko sanang maniwala na totohanan iyong naramdaman niya sayo dahil sa mga sinasabi ng ibang tao pero ako mismo ang nakasaksi sa inyong dalawa. Ngayon ka pa ba magdududa?” Sabi ni Mang Elias habang tinutulungan ako sa mga maleta.

Umiling ako. “Buo na po ang desisyon ko.”

Bago ako umalis ay dumaan muna ako kina Harvey. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan ko ang tulong nila. Alam ko na pag iinitan si Chesca dahil sa pag alis ko. Naabutan ko silang nagbabasketball ni Mathew sa court nina Harvey. Tumigil silang dalawa nang nakita ako sa likod na nakapamulsa.

“Hector!” Tinapik ni Mathew ang likod ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin. Hindi ako ngumisi o gumalaw.

“Harvey…” Sabay baling ko sa likod ni Mathew kung saan naroon si Harvey na pinapaikot ang bola sa kanyang daliri.

“Saan lakad natin?” Natatawang sinabi ni Mathew.

“Mag Ma-Maynila ako.”

“HA? Sasama ka kay Oliver?” Napatanong si Mathew.

“Iiwan mo si Chesca?” Iyon naman ang tanong ni Harvey.

Hindi ako sumagot. Diretso ang tingin ko sa kanya.

“Iiwan mo si Chesca, Hector?” Mariin niyang tinanong ulit.

“Hindi. Lilinawin ko, hindi ko iiwan si Chesca. Kung ano ang pag aari ko, iyon ay akin parin. Nandito ako para magpaalam sa inyo. At pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa. Sana ay habang wala ako, protektahan ninyo si Chesca. Alagaan niyo siya-“

“So? Mas gusto mong kami ang mag alaga sa kanya kesa ikaw, ganun ba iyon Hector?” Medyo marahas na tanong ni Harvey

Kumunot ang noo ko at nag igting ang panga ko.

“Kung ako lang rin naman ang mag aalaga sa kanya, edi gagawin ko na siyang akin!”

Nanginig ang kamao ko at agad dumiretso sa mukha niya.

“Uy! Easy! Tama na!” Pumagitna si Mathew pero huli na ang lahat. Nasuntok ko na si Harvey.

“Subukan mo at magkakamatayan tayo.”

“Ang hirap sayo, Hector, inaangkin mo kahit na hindi mo pinapanindigan!” Sigaw ni Harvey habang hinahawakan ang kanyang mukha.

“Pupunta akong Maynila para magpalamig! Para protektahan si Chesca! Bibilhin ko ang lupa nila atsaka ako kikilos! For once, I don’t wanna be impulsive!”

“Ewan ko sayo, Hector, pero sa oras na umalis ka, para sakin, Chesca’s free. At pwede ko siyang angkinin kung gusto ko!” Sigaw niya at tinalikuran ako.

Nagngingitngit ako sa galit habang iniisip buong byahe ang sinabi ni Harvey. Hindi ko maaasahan ang isang iyon! Naiirita ako! Nabubwisit! Paano ako mapapanatag?

“Hello, Knoxx.”

“Oh? Anong karangalan ito at napatawag ang isang Hector Dela Merced sa akin?” Tumatawa siya pero hindi ako natutuwa.

“Paalis ako ng Alegria. Baka anim na buwan pa bago ako bumalik. Paki bantayan si Chesca.”

“Oh? Ba’t di ikaw ang magbantay sa reyna mo? Bakit kailangang ibang tao?”

“Just do it, Knoxx!”

Iritado ako. Wala akong mapagkakatiwalaan sa mga kaibigan ko. Gusto ko ay yung mabantayan si Chesca nang nirerespeto parin ako. Ayoko ng pinopormahan siya. Nagseselos ako! Tangina! Tatagal kaya ako ng Maynila?

Oo. Hindi ako makapaniwalang nagtagal ako! Nagawa ko lahat para makapag libang ako! Nag bar, nakisalamuha sa ibang tao, at kung anu ano pa.

“Hector, dalhin mo naman kami ng Alegria.” Sabi ng mga babaeng kilala ko.

Ngumisi na lang ako at umiling.

Sa oras na makaapak ako sa Alegria, baka di na ako aalis doon nang di siya nakakasama.

“So… today… nag punta siya sa school at umuwi. Iyon lang Hector.” Tumatawang sinabi ni Knoxx.

“Okay. Yun lang ba talaga?”

“O? Bakit? Baka gusto mong pumasok ako sa buhay niya para malaman ko pati ang mga iniisip niya?”

“Shut up, Knoxx!”

Humagalpak siya sa tawa. “Basta yung pabor na hinihingi ko. Don’t forget.”

Umiiling ako habang umiinom sa isang bar. Mag isa ako at kanina pa ako dito. Tinititigan ko lang ang inumin ko at hinihintay malusaw ang ice bago ko nilalagok.

“To really love a woman, to understand her

You gotta know her deep inside

Hear every thought, see every dream

An’ give her wings when she wants to fly

Then when you find yourself lyin’ helpless in her arms

You know you really love a woman…”

Tulala ako at umalingawngaw ang kantang ito sa buong bar. Damn it! Bakit ko siya pinakawalan? Mahal ko siya at pinapatawad ko siya sa mga pagkakamali niya? At di ko matanggap na marami akong nasabing masasakit na salita sa kanya.

“Hey there, handsome.” May biglang umupo sa tabi ko na babaeng nakaitim.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Kilala ko ito, ah? Ito iyong pinag uusapan nina Oliver na taga kabilang school daw. Halata sa mukha niya ang pagiging foreign. May konting freckles pero over all maganda talaga. Matangos ang ilong, malalim ang mga mata, kulay brown ang buhok, maputi, matangkad, at mabango.

Ngumisi ako dahil ang tanging naaalala ko ay si Chesca. Francesca damn Alde!

“Hi.” Walang gana kong sinabi.

“Kilala kita, ah? Ikaw iyong sikat na player at transferee. My name is Amanda Myers.” Ngumisi siya at naglahad ng kamay.

Tumango ako at tinanggap iyon.

“You are Hector Dela Merced, right?”

“Yup!” Sabi ko.

“Sabi nila suplado ka raw. Masungit at suplado. Is that true?” Humagikhik siya. A very girly laugh at that.

“Medyo.” Ngumisi ako.

“Bakit?” Sabay landas ng kanyang daliri sa braso ko.

Pumikit ako at nakikita ko si Chesca na ginagawa iyon sa akin. Tangina! Miss na miss ko na siya ng sobra sobra! Gustong gusto ko na siyang yakapin at iuwi sa akin! Gusto ko siyang balikan at wag ng pakawalan. Nakikita ko na na papaliguan niya ako ng sampal at iiyak siya. Parang kinukurot ang puso ko habang iniisip na iiyak siya at mananampal, pipiglas sa bawat paghigit ko at sasaktan ako sa pagmamakaawa ko.

“When you love a woman

You tell her, that she’s really wanted

When you love a woman you tell her that she’s the one

‘Cuz she needs somebody

To tell her that it’s gonna last forever

So tell me have you ever really

Really, really ever loved a woman?”

No girl can ever replace her. Kahit na anong mangyari, alam kong sa kanya babalik ang damdamin ko. At wala akong pakialam kung pipiglas siya at masasaktan ako. I’m gonna get her again. I’m going to make her mine, again. Wala akong pakealam kung masasaktan niya ako, tatanggapin ko ang lahat ng pasakit niya sa akin.

Tumayo ako at ininom ang alak.

“Alis na ako.” Sabi ko sa babaeng nasa tabi ko.

Napawi ang ngisi niya. “Huh? Sayaw muna tayo, bago ka umalis. Tsaka maaga pa, ah?”

Umiling ako at tinalikuran siya.

“Are you gay?” Mariin niyang tanong.

Nag igting ang bagang ko sa tanong niya. Nilingon ko siya.

“I’m married, miss Myers.”

“Oh!”

Yes. Married sa isang baliw na babae. Nararamdaman ko na ang kalmot niya sa balat ko, pinaplano ko pa lang na bilhin ang lupa nila napapangiti na ako. I’m sure magagalit iyon. Uusok ang ilong noon sa akin at talagang masasaktan ako. Pero bakit natutuwa ako? Bakit tumitindig ang balahibo ko tuwing naiisip na ganun? Pinipiga at nag iinit ang puso ko, bakit? Siguro dahil alam ko na kahit anong gawin niyang pantataboy sa akin, hindi ako aalis hanggang di niya ako mapatawad, hanggang di siya bumigay ulit. Yes, I have been a jerk. But this jerk is going to kill for your love… I want you to love me back again. At sisiguraduhin kong sa oras na mangyari iyon, hindi kana makakawala pa ulit. I’m gonna stay even if you want me to leave.

Kinakabahan na ako. Patungo pa lang kami sa bahay nila kasama si lola, Tita Lina at Tito Thomas ay sobra sobra na ang kaba ko. Ito ang unang pagkakataon na magkakaharap ulit ang pamilya naming dalawa.

“Chill, Hector. Mamamanhikan pa lang tayo. Hindi pa kayo ikakasal.” Tumatawa si Tita Lina.

Nilingon ni lola si Tita. Kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Lola. May gusto siyang sabihin pero di niya ginawa. Imbes ay bumaling siya sakin. Ngumisi ako.

“Tingin mo nandoon silang lahat?”

“Opo. Lagi silang nandoon. Iyong mama at papa niya, tiyahin, tiyuhin, at ang lola niya. At nasabi rin po niyang umuwi ng Alegria ang kapatid niya at ang pinsan niya.”

Tumango si Lola at sinulyapan ulit si Tita Lina.

“Andito na tayo.” Sabi ni Mang Elias nang nasa tapat na kami ng bahay nina Chesca.

Huminga ako ng malalim. Ganun din ang narinig ko kay Tita Lina. Agad kong binuksan ang pintuan. Binuksan din ni lola ang kanyang pintuan. Ngumisi agad ako nang nakita ko si Chesca na nag aabang sa gate nila. Tumakbo siya patungo sa pintuan nila at nakita ko ang sumasayaw niyang buhok na umaalon sa bawat pag landas ng hangin.

“Andito na po sina Hector!” Sigaw niya at bumaling sakin.

Tinitigan ko siyang mabuti at kinagat ko ang labi ko. Naka dress siyang kulay pink na may mga bulaklak. She looked classic. Kitang kita ang kanyang collarbone at pati ang nipis ng kanyang braso. Bakit pakiramdam ko mababasag ang katawan niya sa oras na hagkan ko siya? Ilang beses ko na siyang niyakap pero bakit ganun parin ang iniisip ko?

Nakita niya ang paninitig ko sa kanya kaya inayos niya ang damit niya. Nilagay niya rin ang umaalong buhok niya sa harap ng collarbones para pagtakpan ang balat niyang kitang kita dahil sa damit niya. Nag taas ako ng kilay at ngumisi. Kinunot niya naman ang noo niya.

Bakit mo ipagkakait sa akin ang akin?

“Pasok po kayo.” Aniya nang nasa gate na si lola.

“Chesca!” Sabay yakap ni lola sa kanya.

Mahigpit iyong yakap ni lola. Kitang kita ko ang pagkakaipit ng katawan ni Chesca. Nag iwas agad ako ng tingin. Tangina, ano ito?

“Chesca!” Bati ni Tita Lina sabay yakap naman ng marahan sa kanya.

Bumukas ang pintuan ng bahay nila at bumungad ang mama ni Chesca. Mabilis niyang natagpuan si Tita Lina. Ngumisi ang kanyang mama kay Tita. Ngumisi din pabalik si Tita sa kanya.

“Pasok kayo.” Aniya.

“Halika na, Lina!” Sigaw ni lola at pumasok na sila sa loob kasama si Tito Thomas.

Ngumisi ako.

“Tara Hector.” Ani Chesca at hinila ako sa loob pero di ako nagpatianod. Imbes ay bumalik pa siya sa kinatatayuan ko dahil hindi niya ako mahila. “Bakit?”

Bumuntong hininga ako nang tinagilid niya ang ulo niya. “Ang ganda ganda mo talaga.”

Nanliit ang kanyang mga mata. “Ang manyak mo.”

Ngumuso ako. “Bakit manyak? E, sinabi kong maganda ka.”

“Ah! Ewan ko sayo, Dela Merced! Basta! Kita ko kanina yung paninitig mo sa katawan ko!”

“Ano ngayon? Akin yan, e. Di mo pwedeng ipagdamot kung anong akin.” Hinigit niya ako palapit sa kanya. “Pasyal muna tayo. Hayaan muna natin sila sa inyo.”

Nakita kong pumula ang pisngi niya. “Ha? Saan naman tayo?”

“Ewan ko? Mangangabayo?” Humalakhak siya.

“Mangangabayo? Pero namamanhikan kayo!” Aniya.

“Babalik din naman tayo.” Sabi ko. “Please.”

Tumingin siya sa bahay nila pabalik sa akin. Dahan dahan siyang tumango at ngumisi.

“Mang Elias, pakihatid po samin sa Rancho.” Sabi ko at sumunod si Mang Elias.

Magkahawak kamay kami buong byahe patungong Rancho. Hindi ako mapakali at panay ang laro ko sa kamay niya. Hindi ako makapaniwalang magkakatotoo na kaming dalawa. Na sawakas ay maikukulong ko na siya sa bisig ko gabi gabi. Na araw araw ko ng makikita ang masaya niyang mukha. Na araw araw niya akong tatarayan at araw araw ko rin siyang susuyuin hanggang sa bumigay siya.

“Isang kabayo lang, Hector?” Angal niya nang nakita si Abbadon.

“Syempre! Hindi tayo magkakarera ngayon, Chesca. Mamamasyal tayo!” Giit ko.

Ngumuso siya at humalukipkip. Kinindatan ko naman ngunit inirapan lang ako ng maarteng ito. Tumawa ako ng sumakay siya kay Abbadon. Hinawi niya ang kanyang palda kaya kitang kita ang binti niya dahil sa pag angat nito. Tinaas ko ang kilay ko at pinagmasdan siyang mabuti.

“Sakay na!” Aniya.

Ako pa talaga ang sasakay, huh? That’s my girl! Humagalpak ako sa tawa at sumakay na sa likod niya.

“Alright!” Inayos ko ang sarili ko sa likod niya.

Kinagat ko ang labi ko nang nakita ko ang likod niyang may nakatattoo’ng pangalan ko. May pangalan ko talaga kaya walang duda na akin siya. Nanginig ang sistema ko nang dahandahan kong pinulupot ang braso ko sa kanya.

“HECTOR!” Sigaw niya.

“Ano? Kakapit ako, baka mahulog, e!” Di ko mapigilan ang pagtawa.

“Okay f-fine!”

Mas lalo kong kinagat ang labi ko nang naramdaman ko kung gaano siya kaliit. She is tall, alright. But her waist is really small. Pakiramdam ko pag di ako mag iingat ay mapipiga ko siya.

“Hold on tight, then.” Aniya at sinimulan ang pangangabayo kay Abbadon.

Mabilis na siya kung mangabayo ngayon. Fierce and strong lady. Sumabog sa mukha ko ang buhok niya. Tumawa ako sa bango at sa lambot nito. Hinawi ko iyon at nilagay sa kabilang leeg niya ang mga buhok. Ibinaon ko naman ang mukha ko sa kanyang leeg at unti-unting hinalikan ito.

“Holy shit, Hector! Don’t you dare do that to me! Nangangabayo ako!”

Humalakhak lang ako.

“Mahuhulog tayong dalawa!” Sigaw niyang nag papanic na.

“I really like it when you’re frustrated, Chesca. Marami akong gusto, yung pagtataray, yung pagseselos, yung pagiging galit mo at higit sa lahat ang paglalambing mo.” Bulong ko sa tainga niya.

Hinalikan ko ang tainga niya nang dumaan kami sa maisan. Tumagilid ang kanyang ulo sa kiliti. Humalakhak ako at kinagat ang kanyang tainga.

“Freaking.. shi-“

“Shhh… Yung mura mo nakakapang akit. Sige ka, ipapatigil ko ito tapos aangkinin kita ngayon, dito.”

“Hector!” Sigaw niya habang hinahaplos ko ang tiyan niya pababa pataas habang hinahalikan siya.

Hinaplos ko pataas sa dibdib niya at pinaglandas ko ang kamay ko sa mga parteng alam kong mag iinit siya.

“Hector~” Kinagat ko ang labi ko nang narinig ko ang pag ungol niya. Lalo na nang nakita kong pumikit na siya at hindi na ininda ang dinadaanan naming dalawa.

Binawi ko sa kanya ang lubid at hinila ko ito para tumigil si Abbadon sa pagtakbo. Unti unting tumigil ang kabayo. Agad akong bumaba para saluhin ang kanyang pagbaba. Kinulong ko siya sa bisig ko at sinimulan ko ang pagsisiil ng halik sa kanya habang nawawala kaming dalawa sa lawak ng kagubatan malapit sa ilong patungong Tinago.

“Mahal na mahal kita, Chesca. At akin ka! Wala akong pakealam kung mawasak ako pag nagdesisyon kang ayaw mo na sakin.” Bulong ko habang mabilis na hinawi ang kanyang panty.

Pumipikit na siya at nakaawang ang bibig niya. Damn it! We will really end the war! Aangkinin ko siya at ito ang solusyon sa lahat, sa alitan, sa agawan, at sa naghuhuramentado kong puso.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 70

Kabanata 70

Tattoo

Hinabol agad ako ni Hector. Hindi pa ako nakakalayo ay naabutan niya na ako at hinarap sa kanya. Naaninag ko agad ang medyo stressed na pagmumukha ni Elena sa di kalayuan. Huminga ng malalim si Hector at tinitigan ako.

“Nagkasalubong lang kami. Na ospital si tito.” Paliwanag niyang hindi ko naman hiningi.

“Okay. Sige.” Sabi ko at umamba ulit na aalis pero pinigilan niya ako.

“Come on, Ches. Kakaayos lang natin.” Aniya sabay tingin ng matatalim sa akin.

Sinulyapan ko ang lumulunok na si Elena. Mukha siyang stressed at nakakaawa. Syempre, may sakit ang daddy niya, e. Ayokong maging mean sa kanya ngayong ganito ang sitwasyon kaya lang hindi ko maiwasan dahil sa nangyari kagabi.

“Ano? Dito ka na lang muna?” Mahinahon kong tanong kay Hector.

Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan akong mabuti. “Nababaliw ka na ba?” Pabulong niyang tanong.

“Your friend needs you, Hector. Baka gusto mong dito ka muna?” Tanong kong seryoso.

“Hindi, Chesca, uuwi na tayo-“

“Chesca.” Nakita kong humakbang palapit ang nakaputing t-shirt at maong pants na si Elena.

Kumpara sa mga soot niya noon ay mas simple ito. Siguro naman, diba? Sino ba ang pupunta ng ospital na may soot na dress gayung naoospital ang daddy niya?

Yumuko siya nang nakalapit na ng tuluyan sa amin, “I’m sorry sa lahat ng nasabi ko.” Aniya na para bang nangungumpisal na. “Yung tungkol sa FHM.”

Tumango ako. Ayaw kong maging malupit pero hindi ko kayang magpakaplastik. “Okay lang naman.” Bahagya akong umirap.

Nag iwas ng tingin si Elena at sumulyap kay Hector.

Hindi ko alam kung paranoid ba ako o alam ko ito dahil babae rin ako. May pagtingin talaga siya kay Hector. Isang pagnanasang kahit anong gawin niya ay mahirap iwaksi sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko. Nadatnan ako ni Elena na ganoon kaya nag iwas agad siya ng tingin sa amin ni Hector.

“Sige, maiwan ko na kayo.” Mahina niyang sinabi.

“Sige, Elena. Ikamusta mo na lang ako kay tito.” Ani Hector.

Tumango si Elena ngunit di siya nag angat ng tingin kay Hector.

Nanliit ang mga mata ko. Hinintay ko siyang tumalikod sa amin at pinanood ko ang pag alis niya. Nakahawak na si Hector sa braso ko at hinihigit niya na ako paalis doon.

“Let’s go.” Utas niya ngunit di ako nakinig. Imbes ay sinundan ko ng tingin si Elena paalis doon. “Chesca, tayo na.” Ani Hector.

Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong unti-unting humina ang paglalakad ni Elena. Nakita ko rin ang paunti unti niyang paglingon sa amin ni Hector. Pinanood kong mabuti at nabanaag ko ang kumikislap na luha sa kanyang mga mata nang natagpuan nito si Hector.

Nanlaki ang mga mata ko. She’s crying for him! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

“Chesca?” Tawag ng walang kamuwang muwang na si Hector sa gilid ko.

Nanlaki din ang mga mata ni Elena nang nakitang nakatingin ako sa kanya. Agad agad ay binawi niya ang titig niya kay Hector at tumakbo na siya at lumiko para mawala na sa paningin ko. Unti unti ko namang nilingon ang nakataas na kilay ni Hector.

“Ano? Tulala ka?” Tanong niya sa akin.

Hindi niya nakita iyon. Hindi niya nakita ang pag iyak ni Elena na paniguradong dahil sa kanya. Ang swerte naman talaga ng lalaking ito at madali siyang mahalin. Lahat ata ng napapalapit sa kanya ay paniguradong magmamahal. Pero sakin… sakin hindi pwede yun. Ako lang dapat. Nilingon ko ulit ang kinatatayuan ni Elena kanina bago ako sumama sa kanya palabas ng ospital.

“Anong pinag usapan ninyo ni Clark?” Tanong niyang halatang may bahid na pagdududa nang papasok na kami sa sasakyan niya.

Umirap ako. “Kung ano ang pinag usapan namin nung nandun ka, yun na yun.” Sabi ko.

Tinitigan niya ako bago pinaandar ang sasakyan pagkapasok niya.

“Ikaw? Anong pinag usapan ninyo ni Elena?”

Nagkasalubong ang kilay niya. “Yung nangyari sa daddy niya. Bakit? Nagseselos ka?”

Ngumuso ako at nag iwas ng tingin.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ko sinagot iyong tanong niya. Imbes ay tinarayan ko na lang.

“Ba’t ako magseselos? Tsaka, paandarin mo na nga iyong sasakyan.” Utas ko.

“Asus! Dumideny pa, e, alam ko naman na mabilis kang magselos.” Natatawang sinabi ni Hector.

Umirap na lang ako sa kawalan buong byahe. Ni hindi ko alam kung saan kami patungo pero base sa mga dinadaanan ay siguro sa bahay kami pupunta. Nabanggit niya rin namang lumilipat na ng paunti unti ang kapatid at pinsan ko doon. Gusto kong umangal pero magmumukha na talaga akong tanga kung nandito na lahat ng gamit ko sa bahay na ito.

“Bibisitahin natin ang kapatid mo.” Aniya sabay sipol na parang ang saya niya.

Hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang kinaiinisan ko ngayon. Basta naiirita lang ako at hindi ko siya magawang sabayan sa kanyang kaligayahan.

Itinigil niya ang sasakyan sa bahay na miss na miss ko na. Walang pinagbago ang maitim naming gate. Lumingon ako sa bakanteng lupa na matalahib sa tapat ng bahay. Bakante pa rin iyon. Wala pang nakakabili kaya kitang kita namin pababa ang buong village. Tumingala ako sa veranda namin. Pag naroon ka ay ang buong syudad na ang makikita mo.

Excited akong nag doorbell. Ngunit nagulat ako nang binuksan lang iyon ni Hector nang walang kahirap hirap. Ngumisi siya sa akin at naglahad siya ng kamay para imuwestrang papasok ako.

Nakataas ang kilay ko papasok ng bahay. Walang pinagbago ang glass doors at sliding windows namin. Naroon parin ang japanese inspired fountain sa garden at naroon din ang bagong sasakyan ni Teddy sa garahe. Para na talagang inangkin ng mga tiyanak ang lugar na ito. Hindi ba sila nahiya kay Hector?

“Hello?” Sigaw ko nang nakapasok at napansing walang tao roon. “CRAIG! TEDDY BEAR!” Sigaw ako nang sigaw.

At home na at home parin ang pakiramdam ko nang hinalughog ko ang buong unang palapag. Si Hector ay naroon lang malapit sa pintuan at nakapamulsa habang pinagmamasdan ako.

“CRAIG! TEDDY!” Sigaw ko ulit.

Napatalon ako nang padarag na nabuksan ang pintuan ng kwarto ni Craig sa taas. Tumingala ako at nakita ko siyang topless at magulo ang buhok. Humikab siya nang dinungaw kami ni Hector sa sala. Kumulo agad ang dugo ko dahil sa mga bumahang litrato sa isip ko. Pakiramdam ko may dinadala siyang babae dito!

“Sinong kasama mo?” Hindi madedeny sa boses ko ang galit.

Tumigil siya sa paghikab at humalakhak. “Chill, ateng, walang babae.” Parang nabasa niya ang iniisip ko. “Ang possessive mo kahit sakin.” Sumulyap siya sa likod ko, alam kong si Hector ang sinulyapan niya.

“Uh-huh?” Sabi ko habang umaakyat na sa hagdanan para icheck ang kwarto ng kapatid ko.

Tumatawa sila ni Hector sa ginagawa kong paninigurado. Umamba akong bubuksan na ang kanyang kwarto.

“Go on, Chesca. Feel free. This is your house.” Natatawang sinasabi ni Craig.

Binuksan ko iyon at nagulat ako dahil walang babae sa loob. Ngunit nang ibinalik ko ang tingin ko kay Craig ay galit na galit na akong tinuturo ang kama.

“BAKIT NASAYO ANG KAMA KO?” Sigaw ko.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para icheck kung kaninong kama ang gagamitin ko ngayon. Nang binuksan ko ang puting pintuan ng kwarto ko ay tumambad sa akin ang isang kwartong puno ng mga box na pag aari ni Craig at Teddy.

“A-Anong nangyari sa kwarto ko?” Nanginginig ang labi ko habang tinitingnan ang mga box doon at inisa isa.

Walang kahit isang box na pag aari ko! Nakangisi si Craig na nagmamasid sakin habang nahihirapan sa paghalungkat ng iba pang box.

“Nasaan ang mga gamit ko, Craig? Yung mga damit ko!” Pasigaw kong sinabi habang nanghahalungkat.

Nilingon ko ang nakangising si Craig. Sa likod niya ay nakita kong nakahalukipkip si Hector at madilim ang titig sa akin.

“Asan?” Tanong ko.

“Tinapon ko na yung lumang kama ko.” Ani Craig. “Ang luma na nun, e.”

“Asan ang ibang gamit ko? Paano ako matutulog kung wala akong kama? Share tayo?” Tanong ko sa kanya.

“No one… will share with you, Chesca.” Seryosong utas ni Hector sa likod ni Craig.

Humakbang siya ng paunti unti patungo sa akin. Diretso ang titig niya at puro mabibigat. Dahil doon ay dinalaw na naman ako ng kumakalabog sa bilis at lakas na pintig ng puso ko.

“You will be on my bed, from now on.” Aniya.

“Ha?”

Nag igting ang bagang niya. “Nasa condo ko ang gamit mo. Doon ka na titira.” Hindi siya nanghingi ng opinyon, iyon na talaga ang katotohanan para sa kanya.

“Pero Hector-“

“Hindi pa tayo kasal? Hindi pa pwedeng tumira sa iisang bubong? Chesca, magpapakasal tayo.”

Kinagat ko ang labi ko.

“See, ateng? Doon ka na sa kanya kaya wala kang gamit dito. Doon ka uuwi.” Humalakhak si Craig at nakipag high five kay Hector.

Napangiwi ako sa kanilang dalawa.

“Ayoko! Dito ako matutulog!” Sinabi ko agad.

Nakita kong napaawang ang bibig ni Hector sa idiniklara ko.

“What?” Nilagpasan ko ang nagtatanong na si Craig.

“Kukuha ako lang ako ng meryenda sa ref. This is my house, Craig.” Sabi ko at dumiretso sa baba.

Nangatog ang binti ko pagkapunta ko sa kusina. Pinaypayan ko na agad ang sarili ko dahil pinagpapawisan na ako ng malamig. Oh my gosh? Si Hector at ako sa iisang bubong? At narinig mo ba yung namutawi sa labi niya? Magpapakasal kami? Okay lang sakin! Ay! Sinabunutan ko agad ang sarili ko.

“Pero ayaw ko pa munang magkaanak.” Kinagat ko ang labi ko habang umiiling.

Binuksan ko ang ref at nakita kong may mga pagkain doon pero madalas ay processed foods. Hay! Boys!

“Kung ganun kailangan kong matutong magluto?”

Pumikit ako sa kabaliwang iniisip ko. Bakit kaya taliwas ang ipinapakita ko kay Hector sa mga nararamdaman ko? Bakit hindi ko madiretso sa kanya na gusto ko? Na mahal ko siya? Na gusto ko ring magpakasal kami?

Para mawala ako sa mga iniisip ko ay napag isipan kong gagawa na lang ako ng sandwich. Oo, dahil iyon lang sa ngayon ang kaya kong gawin sa kusina. Kinuha ko ang mga ham, lettuce, kamatis, cheese, at kung anu ano pa. Ni toast ko yung slice bread at nilagay sa plato. Dinig ko na ang ingay ng TV namin sa sala habang nag uusap ng malakas si Craig at Hector tungkol sa basketball sa TV.

Binitbit ko ang tray na may lamang sandwich at juice para sa aming tatlo. Uminit ang pisngi ko nang nakitang nakaupo si Hector sa sofa at nakalahad ang braso niya na parang hari. Agad niya akong tinitigan na papalapit doon habang si Craig ay talak nang talak tungkol sa paburito niyang Miami Heat.

“K-Kain muna kayo.” Sabi ko at nagkagat agad ng labi dahil sa panginginig nito.

Yumuko ako para ilapag ang tray sa mesa. Sumulyap ako kay Hector na mainit na nakatingin sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko pero ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko na titig na titig sa akin ngunit hinayaan ko na lang. Nang sinulyapan ko ulit ay nakita kong nakatingin siya sa dibdib ko.

“Oh?” Napatingin ako sa dibdib kong medyo kita ang cleavage habang nagsasalin ng juice sa baso.

Agad akong tumayo ng maayos at pinagtaasan siya ng kilay. Nagtaas din siya ng kilay. Ni hindi siya nahiya na binosohan niya ako! Umismid na ako sa kanya pero nagpatuloy siya sa pagtataas ng kilay at sa unti unting pag angat ng labi niya.

“Ewan ko sayo, Hector!” Sigaw ko at inirapan siya bago umalis doon at nagtungo sa kusina.

“Ano yun, ateng?” Sigaw ni Craig na agad ding nawala dahil sa panonood niya ng basketball.

Huminga ako ng malalim habang nasa sink ako at pinaypayan ulit ang sarili.

“Gaaah! Hindi pwede to! Lintek na manyak!” Bulong ko sa sarili ko nang biglang may humawak sa magkabilang baywang ko.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko lalo na nang ibaon ni Hector ang kanyang mukha sa leeg ko. Hinarap ko siya at agad tinulak dahil naghuramentado na ang puso ko.

“Ikaw? Ang manyak mo talaga!” Sabi ko nang tinuro siya.

Natatawa siya nang pinagmasdan akong umuusok sa galit at maaring namumula ang mga mata.

“Ano ngayon kung akin ka naman?” Umamba siyang lalapit sa akin pero nilayuan ko agad siya.

“Ang manyak mo! Hindi pa tayo bati! Tumigil ka!” Sabi ko.

Humahalakhak na siya at unti unti na akong sinusundan.

Nakita kong bumilis ang galawa niya. Tatakbo na sana ako sa sala nang walang kahirap hirap niya akong hinapit at kinulong sa kanyang mainit na bisig.

“Huli ka!” Tumawa siya.

Sinapak ko siya ngunit umilag lang at di nagpatinag. Hinawakan niya ang baba ng kilikili ko at nagsimula siyang mangiliti. Hindi ko talaga kaya pag kinikiliti niya ako. Para akong kinukuryente kaya tawa at piglas ang naging reaksyon ko. Hindi siya tumigil kahit na nasasaktan ko na siya sa pagpiglas ko.

“Please, Hector, stop it!” Tangis ko.

“Oh no, no, no, Chesca.” Humalakhak siya. “I won’t stop until you say we’re going home. Gusto na kitang iuwi. Yung tayong dalawa lang.” Aniya.

Tinutulak ko na siya dahil nagpatuloy ang pangingiliti niya. Ni hindi ko na masabi ng mabuti ang dapat kong sabihin.

“O baka gusto mong dito mismo sa kusina ninyo, Ches? Ha?” Ngumisi siya at idiniin niya ang kanyang sarili sakin.

Napapikit ako nang naramdaman ko siya. Uminit ang pisngi ko at itinulak ko ulit siya. “Ano? Sasapakin kita diyan, eh!” Pabulong kong sinabi.

“Edi kung ayaw mo, sa condo natin.” Aniya at mabilis akong hinatak palabas ng kusina.

Ni hindi ko na naayos ang damit kong ginusot ng pangingiliti niya at ang buhok kong parang dinaanan ng bagyo. Nag angat ng tingin si Craig at umiling nang natagpuan kaming dalawa.

“Uwi na kami ng ate mo, Craig. Dito ka lang. Be a good boy.” Tumatawang sinabi ni Hector. “Kunin ko na ito.” Aniya at kumuha ng dalawang sandwich sa tray. “Para sakin ‘to, e. Kakainin ko.”

“Okay, whatever bro. Alis na kayo. Ingat kayo. Ingat, ate.” Kumindat ang lintik na si Craig sakin.

Ito na talaga ata ang lalaking gusto niya para sakin. Kasi noong si Clark pa ay lagi siyang nambabara at laging mukhang galit. Pero ngayon? Nagawa pang magbilin ng ‘ingat’.

100kmph ang takbo ng Jeep Commander ni Hector. Ganun na ba talaga siya ka excited? Ni hindi niya ni park ng maayos sa parking lot iyong sasakyan niya. Hinigit niya lang ako patungo sa elevator at sa isang iglap ay nasa condo na ulit kaming dalawa. Nagulat ako dahil masyado iyong magulo. May mga box doon na nakapatong sa sala.

“Mga damit ko?” Tanong ko.

Hinagkan niya ako galing sa likod habang binubuksan ko ang mga box para tingnan kung damit ko ba iyon.

“Hindi.” Bulong niya.

Nang buksan ko ang mga box ay nakita ko ang limpak limpak na FHM, yung edition lahat kung saan naroon ako! Ibig sabihin lahat ng box dito sa sala ay FHM ang laman? Tanta ko ay mga fifteen ka box ang naroon at may higit 50 siguro ang magazine sa loob.

“Hector?”

Hinalikan niya na ng marahan at paunti unti ang balikat ko. Pinaglalaruan niya na rin ang baywang ko.

“Hector, binili mo lahat ng ito?”

“Uh-huh.” Aniya habang hinahalikan pataas ang leeg ko.

Tinagilid ko ang ulo ko dahil sa init na naramdaman sa mga halik niya. Hindi ako makapaniwala na binili niya ang lahat ng ito. Sigurado akong kaya siya tumigil sa pamimili ay baka na kontak niya na mismo ang publisher o ano? I know Hector, at gagawin niya ang lahat para lang matigil ang production nito. Hari siya, at sanay siya na siya ang batas. Sa akin lang ito tumitiklop at lumuluhod.

“Miss na miss na kita, Chesca. At mahal na mahal kita. Gusto ko tayong dalawa lang talaga.” Bulong niya.

Hinarap ko siya. Hindi ko mapigilang ngumiti lalo na pag nakikita ko siyang seryoso at diretso ang titig sa akin. Kinulong ko ang pisngi niya gamit ang palad ko.

“I miss you too, Hector. Mahal na mahal din kita. Sobra sobra.” Utas ko.

“Well then…” Hinaplos niya ang aking pisngi. “Let’s end the war, Alde. Marry a Dela Merced and the whole rancho is yours.”

“Hindi naman iyon ang gusto kong angkinin, Hector. Yung puso mo.” Ngumisi ako.

“Pero angkin mo na ang puso ko. Kahit noong umalis ako. Angkin mo ito kaya kailangan ko ring angkinin ang iyo, Chesca.”

“Iyo din ako, Hector.” Ngumisi ako.

Nagkagat siya ng kanyang labi at bigla niya akong binuhat. Napatili ako at napatawa sa pagbuhat niya sa akin. Diretso ang lakad niya sa kwarto niya. Tinapon niya ako sa kama niyang kulay blue. Agad siyang tumungtong doon at mariin akong siniil ng halik.

“Holy shit, you really turn me on so much when you’re on my bed.” Ngumisi siya. “Pagnakikita kitang nasa kama ko, gusto agad kitang hubaran.” Bulong niya.

Halos mawala ako sa aking ulirat sa kanyang sinabi at sa pagsiil niya ng halik ngunit may naalala ako.

“At twing naiisip kong nasa kama ka ng iba, para akong namamatay. Chesca… you are all I have. You can’t leave.”

Tumigil siya sa paghalik at hinarap ako. Nagdilim ang kanyang titig na para bang sa unang pagkakataon, magpapakita siya ng kanyang kahinaan sa akin. Sa unang pagkakataon, aaminin niya na ako… na ako lang ang makakawarak sa kanyang buhay. Na sa oras na tatalikod ako sa kanya ay madudurog ang buong pagkatao niya. Pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang takot sa kanyang mga mata. Umiling ako at ngumisi.

“No, Hector. I won’t.” Sabi ko at unti unti siyang tinalikuran.

Nakita ko ang pagtatanong sa kanyang mga mata pero ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Unti unti kong tinanggal ang damit pang itaas ko at binahagi ko ang buhok ko upang makita niyang mabuti ang nakatatak sa balat ko.

“See? I’m for you.” Sabi ko at hinarap siya.

Nakita ko ang laglag niyang panga at ang mabilis na pagkislap ng namumuong luha sa kanyang mga mata. Tumawa siya kaya lumandas ang isang takas na luha. Umiling siya at tumawa ulit. Hindi ko maintindihan kung ano itong naramdaman ko nang nakita siyang umiyak dahil dito. It was overwhelming and heartwarming.

“No, that’s not a tattoo.” Aniya.

“It is, Hector. Permanent.” Sabi ko.

Umiling ulit siya at tumawa. Para bang hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon para sa kanya.

Ipinakita ko ulit iyon sa kanya. Natulala siya ng ilang sandali kaya nilapitan ko siya at hinalikan sa labi.

“Kasi masyado kang insecure. Kasi gusto mo ng may marka. Eto na at minarkahan ko na ang sarili ko. Iyong iyo ako, Hector. Nang buong buo.”

Kinagat niya ang kanyang labi at hinalikan niya rin ako.

“Damn, I love you so much, Francesca Dela Merced.” Nakatitig niyang sinabi sa akin. “Sinong nagtattoo niyan?” Tanong niyang bigla.

“Uh… Basta kilalang artist.”

Ngumuso siya. “I hate the thought of someone touching you.”

Umismid ako. “Hector! Pangalan mo naman ang pinatattoo ko. Tsaka professional naman yun.” Tumawa ako at bigla niyang inatake ang labi ko.

Napahiga ako sa kama niya at nagulat ako sa mga malalalim niyang mga halik. Gumapang ang kamay niya sa likuran ko para diretsong kalasin ang bra ko. Nilaro niya ng isang kamay ko ang dibdib ko at ang isang kamay niya naman ay gumapang sa gitna ng hita ko.

“Hector!” Tawag ko habang nakapikit at nalalasing sa kanyang halik. “Baliw ka talaga!”

Bumaba ang halik niya sa gilid ng labi ko, sa leeg ko, sa collarbone. Paunti unti iyon at habang tumatagal ay lalong umiinit at nangingiliti.

“You are mine, Chesca. Just mine. You were made for me.” Bulong niya habang binubuksan ang shorts ko at mabilis na pinasok ang kamay niya doon.

Napapilipit ako nang naramdaman ko ang init ng kanyang kamay sa tela ng panty ko.

“Damn it, baby, I’m so turned on right now. Nakatatak ako sa balat mo!”

Kinagat ko ang labi ko dahil halos di ko na marinig ang mga salita niya dahil sa mga ginagawa niya sa akin. Binaba niya na ang lahat sa akin at ibinahagi niya ang mga binti ko. Ni hindi ko namalayan na wala na rin siyang damit! Nang dumilat ako ay nakita ko na lang ang nakakawalang ulirat niyang burning abs. Hinawakan ko ito at hinaplos pero hindi nagtagal ay pumikit ako dahil sa pagpasok.

“Uuwi tayo ng Alegria sa Sabado. We’ll plan the wedding. Baka di ko mabunot to. Congratulations, you’ll be pregnant.” Tumawa siya at nagsimulang gumalaw.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 69

Kabanata 69

Maayos

Nang gabing iyon, umuwi kami sa apartment. Walang kibuan dahil sa lahat ng nangyari. Marami akong tanong. Paano siya napunta sa bar? Anong nangyari kay Elena sa kanyang condo? Asan ang tito at tita niya? Kaya lang ay hindi ko magawa dulot ng pagod at pag kakailang.

Kinaumagahan ay nagmadali akong pumasok sa school kahit naka absent na ako sa unang subject. Ganoon din si Hector. Nagmadali kaming dalawa. Wala siyang damit kaya uuwi pa siya sa condo niya samantalang ako ay nakabihis at nakaligo na.

“Ihahatid na kita sa school.”

“Wag na, Hector.” Nag iwas ako ng tingin. “Mas lalo ka lang malilate.”

“Ihahatid na kita, Chesca.” Pag uulit niya.

“Wag na sabi.” Medyo naiirita kong sinabi.

Nagkatinginan kaming dalawa sa harap ng hapagkainan. Masama ang tingin ko sa kanya, ganun din siya sa akin.

“Ateng, pahatid ka na.” Sabi ni Craig habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok at nilalantakan ang pagkain namin.

Hindi niya alam kung anong nangyari kagabi sa bar. Actually, ayaw ko ng malaman niya dahil ayaw niya kay Clark noon pa, at paniguradong ipapapatay nito si Clark pag nalaman niyang ganoon ang nangyari. Hindi naman sa pinapanigan ko si Clark o ayos lang sa akin ang ginawa niya. Oo nga’t kahit pagkakaibigan ay maaring hindi ko na maibabalik pa sa aming dalawa. Siguro kaswal na batian lang. Hindi ko maipagkakaila na may pinagsamahan kaming dalawa, na may tiwala parin ako na kahit may nangyaring ganoon ay may natitira paring respeto sa kanya para sa akin.

Padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan ni Hector nang nakarating na kami sa school. Lumabas din siya at sinundan ako.

“Kaya ko ng mag isa, okay? Wag mo na akong ihatid!” Utas ko at pinandilatan siya.

Umismid siya at bumuntong hininga.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tinalikuran ako. Umalis na ako sa pagkakataong iyon at dumiretso sa classroom. PInaulanan agad ako ng mga tanong ng mga kaibigan ko. Syempre, narinig nila iyong nangyari kagabi.

“Nabalian daw ng buto si Clark. Nasa ospital siya.” Umiiling na sinabi ni Desiree.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang binanggit. Nabalian siya ng buto? Dahil ba iyon sa mga suntok na ginawa ni Hector? Halos mapatay niya na nga si Clark kung di lang siya pinigilan nina Brandon kaya malamang dahil nga roon.

“Magsasampa ka ba ng kaso?” Tanong agad ni Tara.

Umiling ako.

Kagabi, napag isip isip ko na talagang hindi na. Una sa lahat, ayaw kong palakihin ang isyu na ito. Pangalawa, napuna ko ang pagsisisi sa mukha ni Clark sa mga huling nangyari. Hindi ko alam pero parang ito na iyong naging hudyat para sa aming dalawa na hindi na talagang magiging kami kahit ano pa ang mangyari. He broke my trust, big time. At alam ko rin na alam niya iyon.

“Pero dinig ko kay RJ, galit na galit daw si Hector. Baka daw magsampa iyon ng kaso?”

“Ewan ko. Pero ayaw ko na. Tama na. Ayaw ko ng palakihin ang issue.”

Iyon lang ang naging laman ng topic sa araw na iyon.

“Bakit ka ba kasi nasa bar na iyon?”

“Asan ba si Hector nun at ba’t di kayo magkasama?”

“Dinig ko kay Brandon siya pa raw mismo ang tumawag kay Hector para isumbong ka?”

BRANDON ROCKWELL! Ito pala iyong traydor at anghel na nagsabi kay Hector kung nasaan ako. Umiling na lang ako at nakinig sa mga opinyon nila tungkol sa nangyari. Nang nagtanghalian ay nasa gitna ako ng mga kaibigan ko sa canteen. Iyon parin ang laman ng mga bunganga nila at hindi ko iyon mapigilan.

Sumusubo ako habang talak nang talak si Queenie nang biglang namilog ang kanyang mata sabay tingin sa likod ko. Uminom ako ng tubig at ginapangan na agad ng kaba. Lalong lalo na nung napansin ko na ganoon din ang ekspresyon ni Tara sa likod ko.

“Francesca Alde.” Malamig na boses ng matandang babae ang umalingawngaw sa likod ko.

Nilingon ko agad at naaninag ko kung sino iyon! Napatayo ako at mas lalo kong natanaw kung sinu sino ang kasama niya. Nandito si Janine na mukhang hinilamos ang sariling luha, nandito ang isang kapatid ni Clark, at syempre, ang babaeng nasa harap ko, ang mommy niya.

“Po?” Tanong ko.

Galing sa istriktang mukha ay unti-unting naging malumanay at maawain kanyang mukha. Hanggang leeg ang kanyang buhok, may salamin siya ngunit bakas sa mga mata niya ang pamumugto nito. Medyo mataba siya at naka kulay pula at itim na dress, bitbit ang kanyang bag sa kaliwang kamay nang hinaplos niya ang braso ko.

“Patawarin mo sana ang anak ko.” Pumiyok ang kanyang boses at lumandas ang luha sa kanyang mga mata.

Napatingin ako sa gulantang kong mga kaibigan.

“Gusto ka niyang makausap.” Dagdag niya sabay punas sa kanyang mata.

Nakita kong hinaplos ng kapatid ni Clark ang kanyang ina sa likod. Humikbi din si Janine sa likuran nila.

“Gusto niyang humingi ng tawad sayo. Sa lahat. Please, Chesca?” Halos humagulhol siya sa harap ko.

Kitang kita ko ang mga usiserong estudyante na nakatingin. Yung iba ay walang pakealam. Yung iba ay wala talagang alam.

“Hindi po ako makakapayag doon.” Narinig ko ang yapak ni Hector sa gilid ko.

Nilapitan niya ako at hinila niya ako sa likod niya. Agad kong hinawi ang kamay niyang umaangkin sa braso ko.

“Sino ka ba, hijo? Gusto lang makausap ng anak ko si Chesca. I’ve always liked her for my son.” Nabasag ang boses ni tita.

“Lalong hindi ako makakapayag. Ma’am, ako po yung fiancee ni Chesca Alde. Hector Dela Merced.” Naglahad pa ng kamay si Hector kahit halatang galit ito.

Dinungaw ng mommy ni Clark ang kanyang kamay bago ito tinanggap at tumingala ulit kay Hector.

“Kung umaasa kayong magkakabalikan ang dalawa, na maayos pa ang relasyon nila, nagkakamali kayo dahil hindi na maayos ulit. Kami ng dalawa at kahit walang nangyaring ganun ay hindi parin siya papayag.” Dire diretsong sinabi ni Hector na parang basang basa niya ang aking utak.

Hinawakan ko ang braso niya at hinarap ang mommy ni Clark na ngayon ay gulat na gulat sa sinabi ni Hector.

“Tita.” Utas ko. “Sige, po. Papayag ako.”

“Chesca? Ano? Anong sabi mo?” Tanong ni Hector.

HIndi ko siya nilingon at nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita kay tita. “Pero wag po kayong umasa na magkakabalikan kami ni Clark.”

Tumango ang mommy ni Clark. “Hindi ako umaasa, hija. Gusto ko lang na makahingi siya ng tawad. Ito lang yung rason kung bakit gusto ko rin kayong magkita. Hindi para kumpunihin ang nasira, kundi para lang mag sorry-“

“Hindi ako tumatanggap ng sorry-” Singit ni Hector kaya agad ko siyang tinulak ng bahagya.

“Sige po.”

Ito lang ang naisip ko na paraan para may closure kaming dalawa. Gusto kong linawin sa kanya na kaswal na lang talaga kaming dalawa. Hindi na kami pwedeng maging magkaibigan at higit sa lahat, tanggapin niya na na hindi ko na maibabalik pa ang dating pagtingin.

“Hindi ako makapaniwalang papayag ka, Chesca! Tsss!” Reklamo ni Hector nang papunta kami sa sasakyan niya.

“Just drive, Hector.” Utos ko na ikinaiirita niya.

“He raped you! Almost!” Punto niya. “At may gana ka pang magpakita? At makikipag usap ka pa? Paano kung bigla ka niyang sakmalin?”

“WHAT?” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Paano kung pagtangkaan ka niya ulit?”

“For God’s sake he’s helpless! Nabalian siya ng buto sa braso at sa ribs! Hindi siya makagalaw kaya nasa ospital siya! Pwede ba?”

“No. No. No.” Umiiling siya habang hinihila ko ang pintuan ng sasakyan niyang sarado. “This isn’t okay with me, Ches. You are not going there.”

Bumuga ako ng hininga at inirapan siya.

“Kung ayaw mo, edi aalis ako mag isa! Mag tataxi ako!” Umamba akong aalis pero hinapit niya agad ang baywang ko.

“GOD DAMN IT! Hawak mo ako sa leeg! Shit!” Bulong niya sa kanyang sarili at padabog na pinatunog ang sasakyan.

Muntik na akong ngumisi sa sinabi niya. Nahirapan akong magpakitang galit sa loob ng kanyang sasakyan kaya tumingin na lang ako sa labas.

“Okay fine! Papayag ako na pupunta tayo doon pero sa isang kundisyon!” Aniya.

“Whatever.”

“Sa loob ng kwarto, kailangan nandoon ako.”

Humugot siya ng malalim na hininga at umiling para kausapin ang kanyang sarili.

“Pero baka mapatay ko yun pag makita ko.”

“Ano, Hector?” Tanong ko.

Inirapan niya ako at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Hindi gaanong traffic kaya tingin ko ay mabilis kaming makakarating sa ospital. Nauna na ang mommy ni Clark doon kasama ang kanyang kapatid at si Janine. Sinubukan naman ni Hector na makipag usap sa akin tungkol sa nangyari kagabi ngunit hindi ko siya masagot ng mabuti.

“So… hindi pa tayo nag uusap tungkol sa lahat ng nangyari pero bakit ka nasa isang bar kagabi?” May awtoridad ang tono niya nang tinanong niya ito.

“I’m not in the mood to answer your questions now, Hector.” Utas ko.

Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo.

“Chesa, may karapatan ako sayo kaya sagutin mo ang tanong ko.”

“Tsss! Of course pupunta ako doon kasi yung lintek kong boyfriend ay nakikipaglampungan sa ibang babae! I went to your condo para lang makita ka na kasama mo si-“

“Alright! Alam ko na ang parteng iyan pero pag ba nagseselos ka ay maghahanap ka agad ng mapagkakatuwaan, ha?” Medyo galit niyang sinabi.

“Mapagkakatuwaan? Bakit? Natuwa ba ako sa bar na iyon? Tingin mo? Mabigat ang puso ko nun, Hector! Syempre dahil nakita kita sa iba! Paano ako magiging masaya? Tsss.”

Ngumuso siya at nanatili ang kanyang mata sa kalsada. “Ang sinabi ni Brandon sa akin ay ilang beses ka rawng ngumisi at tumawa doon.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ano naman ngayon? Hindi porke’t ngumingisi ako ay masaya na ako!”

Kaya nagtalo kami buong byahe papuntang ospital. At nang nakarating kami sa ospital ay hindi ko na makapa kung ano yung dapat kung gawin, dapat sabihin, dahil masyado akong naging preoccupied kay Hector! At ang linsyak ay di parin tumitigil kahit na papalapit na kami sa kwarto. Buti sana kung may katuturan ang pinagtatalunan namin, eh wala.

“Yung kama mo hinahakot na ni Craig ngayon. Siguro papunta na yung kama mo sa bahay niyo-“

“ANO? Bwisit ka!” Sinapak ko na kahit na naka ekis ang kanyang braso para masangga ang sapak ko.

Biglang bumukas ang pintuan njg kwarto at bumungad sa amin ang mommy ni Clark. Natahimik kaming pareho.

“Chesca! Nandito ka na!” Nakangisi ngunit malungkot parin ang kanyang mga mata.

Nilingon niya si Hector bago kami pinapasok. Pagkapasok ay kita ko agad ang pag aliwalas sa mukha ni Clark. Habang si Hector naman ay naestatwa sa may pintuan nang nakakuyom ang kamao.

“Maiwan ko na muna kayo.” Anang mommy ni Clark.

Tumango ako. Nakita kong nilingon ng mommy ni Clark si Hector ngunit ako na mismo ang nagsalita dahil nag alab na ang galit sa mata ni Hector. “Ayos lang po siya. Dito lang po siya.” Sabi ko.

Tumango ang mommy ni Clark at sinarado ang pinto.

Bumaling ako kay Hector na ngayon ay halatang nag pipigil ng emosyon. “Chill o papalabasin kita.”

Napatingin siya sa akin at umismid. Ngumuso ako at lumayo sa kanya para lapitan si Clark.

“Clark.” Utas ko.

Napansin ko ang may band aid niyang pisngi, naka semento niyang kanang braso at naka bandage na dibdib kahit na may nipis siyang puting t-shirt. Halata ang pamumugto ng kanyang mga mata at pamumungay ng mga ito habang tinitingnan ako.

“I’m sorry.” Nabasag ang boses ni Clark.

Tumango ako at napalunok.

“Sorry sa ginawa ko, Ches. Sorry.” Ulit niya.

“Alam ko. HIndi ko lang alam kung mapapatawad ba kita ng mabilis o ano, Clark. Pero tanggap ko ang sorry mo.”

Binalot kami ng katahimikan. Tanging narinig ko lang ay marahang paghikbi niya. Pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siya at naririnig ang kanyang mga hikbi. Dinungaw niya ang kanyang kamay na nanginginig.

“Hindi ko alam na kaya ko yung gawin, Ches. It’s just that… I was too drunk and too desperate for you!”

Dinig ko ang maingay na tikhim ni Hector sa likod. Medyo nababalisa na siya dahil dinig ko rin ang kanyang paa na pa apak apak sa sahig.

“Clark, wag ka ng mag explain. It’s all futile. I came here para may closure tayong dalawa. Para klaro.” Sabi ko kahit na nahahabag na ako sa pagpikit niya at sa pag buhos ng kanyang luha.

Hinayaan ko muna siyang umiyak. Habang tinitingnan ko siya ay naiiyak din ako. Dahil naaalala ko ang lahat. Dahil alam kong kung walang pagkakamaling mga desisyon ay hindi kami magkakaganito. Hindi nga ba? Mali. Dahil kung hindi nagkamali si Clark at Janine noon, maaring ako naman ang magkamali dahil kay Hector. Na nakatadhana na na mabuwag kaming dalawa. May mga tao lang talagang dadaan sa buhay mo para turuan ka ng leksyon, turuan kang mag mahal, pero hindi ibig sabihin nun na mananatili na siya sa buhay mo. Dadaan lang sila para sa dahilan na iyon at hanggang doon lang iyon.

Tumango si Clark at suminghap. Kinusot niya ang kanyang mga mata at tumango tango ulit.

“I don’t think we can be friends again.” Sabi ko.

Tumango ulit si Clark kaya nagpatuloy ako.

“At tanggapin mo sana na hindi na talaga pwede. May ibang buhay na ako ngayon. Gusto ko magkalinawan tayo. Let’s all move on, Clark.”

“Okay, Ches. Pangako. Di na ako manggugulo ulit.” Sabi niya. “I’m sorry.”

Para akong nabunutan ng tinik sa pag uusap naming dalawa. Kahit na mas matagal ang oras ng katahimikan kesa sa doon sa nagsasalita kami ay naging mainam din iyon para mabawasan ang tensyon.

“Sorry din, Hector, pare.” Nagulat ako nang sinabi iyon ni Clark.

HIndi nagsalita si Hector. Nilingon ko siya at bakas parin ang galit sa kanya. Alam ko. Hindi niya matatanggap ito. Kahit anong mangyari, di ito matatanggap ni Hector. Kahit ilang milyong beses pang mag sorry si Clark.

“And I understand if you won’t ever forgive me.”

Natahimik kami nang biglang bumukas ang pintuan. Hilaw na ngumisi ang mukhang aksidenteng nakapasok niyang kapatid. Nag peace sign siya ngunit di siya umalis dahil may mga kasama siya. Nagulat ako nang nakita ko ang iilang kasamahan ko sa modeling industry. Naroon din si Janine, Billy, at JV. Maingay sila at may dalang prutas at kung anu ano pa.

Hindi ko mawari kung ano itong binibigay nilang ekspresyon. May halong saya at tabang. Tabang dahil alam nila kung anong nangyari ngunit di nila mabitiwan si Clark dahil kaibigan nila ito at mabait itong tao.

Hinapit ni Hector ang baywang ko kaya agad namang nawala ng parang bula ang mga iniisip ko tungkol sa lahat ng pumasok.

“Be out in three minutes. Sa labas ako maghihintay.” Aniya at binitiwan din ako bago umalis.

Ngumuso ako at naisip na sana sumabay na lang ako sa kanya. Ngunit ang presensya ko dito kasama si Clark at ang mga kaibigan namin ay siyang naging dahilan kung bakit medyo naging maayos ang lahat. Hindi nila alam ang buong istorya dahil ayaw ko rin namang ikwento ang lahat, ang importante ay nakita nilang maayos kaming dalawa. Na kahit hindi na namin maibabalik kung ano ang nawala, ay hindi rin namin kinaligtaan kung anong naging meron noon.

Nginitian ko silang lahat bago ko pinihit ang pintuan at lumabas sa ospital. Nakangisi na ako pagkalabas ko nang nakita ko na naman si Elena, kausap si Hector.

“Oh my God!” Napairap ako at umiling na lang.

“Che-Chesca!” Sigaw agad ni Hector nang paalis na ako para iwan siya.

Eto na naman. Tangina. Wala na bang katapusan? Alam kong wala naman silang ginagawang masama pero… please… give me a damn break!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 68

Kabanata 68

Stronger

Hindi ko alam kung kaya ba wala pang pumapasok sa CR ay dahil ni lock ni Clark o dahil talagang umaayon lang ang tadhana sa kanya.

Pumiglas ako nang pumiglas lalo na nang naramdaman kong nagiging marahas na siya. Mukha atang pursigido siya at walang salita ang makakapagpatigil sa kanya.

“TAMA NA, CLARK! Please don’t do this!” Naiyak na ako sa kaba at sa pagkabigo.

Hindi ako makapaniwala na nasa ganitong sitwasyon ako. Nang naramdaman ko ang pagkapunit ng damit ko sa harapan ay bumuhos na ang luha ko. Paos na ako sa kakasigaw at nawawalan na ako ng pag asa.

“Akala mo di ko nakita yung pose mo sa FHM? Galing mo ring mambitin ano? Galing mong manukso!”

Nang narinig kong sinagad niya pababa yung punit ay napasigaw na ako. Wala na akong pakealam kung paano mababasag ang vocal cords ko dahil sa sigaw kong ito.

“HECTORRRRRRRR!”

Nagulat ako nang natigil si Clark sa kanyang ginagawa. Binitiwan niya ako at lumayo siya sa akin. Mabilis ang hininga niya at nanlalaki ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Parang gulat siya sa sarili niyang kagagawan. Mabilis din ang hininga ko at niyakap ko ang sarili ko.

Napatalon lang kaming dalawa nang biglang kumalabog ng dalawang beses ang pintuan ng CR. Para bang may kanyon na tinututok at pinuputok doon sa sobrang lakas at sobrang ingay!

Sa isang iglap ay halos masira ang pintuan. Nakita kong kakababa lang ni Hector ng kanyang paa! Sinipa niya iyong pintuan! Natagpuan niya agad ang titig ko. Nilingon niya si Clark na tulala sa gilid at agad niya itong sinuntok sa tiyan. Humandusay agad si Clark sa sahig ng CR.

Sumigaw ako sa gulat! May mga taong nakiusyuso na rin. May narinig akong mga sigaw sa labas kahit na umaalingawngaw parin ang ingay sa trance music ng bar.

“You motherfucking-” Diretso ang isa pang suntok ni Hector sa mukha ni Clark.

Dumugo ang mukha niya. May narinig na akong nagchichismisan at sumisigaw sa labas ng CR. Mukhang ngayon lang nila namamalayan!

“Tumawag ng guard! Bouncer!” Sigaw ng mga tao.

“Si Hector Dela Merced, iyan diba?”

Nakita ko na agad pumasok si Brandon at RJ bago pa man suntukin ulit ni Hector si Clark sa mukha. Nalaglag ang panga ni Brandon nang nakita niya ako sa may sink pero imbes na daluhan ako ay inawat niya na lang si Hector. Si Brandon at RJ ang umawat sa kanya. Walang ibang nangahas na pumasok sa CR dahil sa bilis ng pangyayari.

Tinuro ni Hector si Clark. At sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit. Kitang kita ko ang paninigas ng braso niya sa pagtuturo kay Clark.

“Walang ya ka! Hinayaan kitang umaligid sa kanya dahil pinagkakatiwalaan ka niya kahit paano! Pero, fuck you, ngayong ganito, di kita tatantanan hanggang di ko mabasag yung mukha at katawan mo!”

Hindi gumalaw si Clark. Nakita ko lang na tumulo ang mga luha niya sa mga mata. Kita sa mukha niya ang pagsisisi sa nagawa. Kahit na ganun ay hindi ko parin makuhang maunawaan kung bakit ito nangyari. Kung bakit niya ito nagawa. At siguro ay kahit kailan ay hindi ko iyon mauunawaan!

“Hector!” Sigaw nina RJ at Brandon nang nag amba ulit siya ng suntok.

“Come on, RJ! Tulungan mo si Chesca makalabas dito!” Sigaw ni Brandon habang inaawat niya si Hector.

Itinayo ako ni RJ ng dahan dahan.

“Sorry, Chesca. I’m sorry.” Malambing na boses ni Clark.

“I don’t need your sorry! Gusto ko na lang patayin ka ngayon!” Sigaw ni Hector at di na napigilan ni Brandon ang paninipa ni Hector kay Clark.

“Oy, oy, oy!” Sigaw ng mga kararating lang na bouncer at guards na umaligid agad sa amin.

Nasa gilid lang ako. Si Hector at Clark ang nasa gitna ng mga bouncer.

“Hulihin niyo yan! Pinagtangkaan niya ang fiancee ko!” Sigaw ni Hector. “Hulihin niyo o makakapatay ako ng tao!” May awtoridad na sigaw ni Hector.

“Ches!” Umiiyak na si Clark habang pinapaligiran ng mga bouncer. “I’m sorry!” Inulit ulit niya ito.

Ngunit ayaw ko na iyong marinig. Hindi ko na kaya. Tama na. Ang dami ng nangyari at ito na yata ang pinaka bangungot sa lahat! Umiyak ako at kinalas ko ang pagkakahawak ni RJ sa akin.

“Ches, san ka?” Tanong niya habang hinuhubad ang jacket niya at sinoot sa akin.

“Thanks… Uuwi na ako.” Bulong ko at di ko na inalintana ang paninitig ng ibang taong nakikiusyuso sa nangyari.

“Ihahatid na kita, Ches.” Ani RJ.

Umiling ako at tumalikod.

“Chesca!” Sigaw ni Hector nang papalayo na ako.

Hindi ko siya nilingon. Pinagpatuloy ko ang paglabas ko sa bar. Hawak hawak ko ang magkabilang sleeve ng jacket ni RJ. Naramdaman ko ang pagtakbo ni Hector patungo sa akin.

“Francesca!” Sigaw niya ulit ngunit di ko na siya nilingon.

Hinigit niya ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya. Medyo nagulat siya nang nakita ako. Paano ba naman kasi, panay ang buhos ng luha ko kahit na pinipigilan ko.

“K-K-Kakausapin ka ng mga police tsaka ng guards para ma imbestigahan ang-“

“Ayoko na. Ayokong pag usapan.” Mahinahon kong sinabi.

“Chesca… You almost got raped!”

Hindi ako kumibo. Sinubukan kong talikuran siya ngunit hinigit niya ulit ako paharap.

Alam ko ang punto ni Hector. Kaya lang hindi ko alam kung paano ko iyon haharapin. Ex ko si Clark, minahal ko siya noon, pinagkatiwalaan, at nirespeto. Nawala iyon lahat dahil niloko niya ako ngunit ngayong may ganito nang nangyari ay pakiramdam ko, ibang tao na siya. May konting kirot sa puso ko, dahilan kung bakit ayaw ko na lang siyang makaharap imbes na kasuhan o ismubong siya. Isa pa, pagod na ako. Wala na bang katapusan ang emotional stress na nararamdaman ko? Pagod na akong lumaban. Kung ano yung maaaring mawala sa akin, hahayaan ko na, hindi ko na ipaglalaban. Kasi kung talagang para sakin iyon, hindi ko na kailangang ipilit. Hindi ko na kailangang lumaban kasi agaran na ang panalo ko.

“Ano? Wala bang halaga sayo ang sarili mo? Ano? Kasi kung ako ang batas dito, baka napatay ko na siya!” Galit niyang sinabi sa akin.

“Pwede ba, Hector?” Bumuhos ang luha ko. “Give me a break! Leave me alone!” Sigaw ko.

Pumungay ang kanyang mga mata.

Nag iwas agad ako ng tingin. Hindi ko maatim na makita ang mga mata niyang ganoon. Para bang tumatagos iyong titig niya sa puso ko. Hinigit niya ako palapit sa kanya at binalot niya ako sa init ng kanyang yakap. Bahagya ko siyang tinutulak kahit ramdam ko ang pagiging kumportable ko sa bisig niya.

“Ayoko na…” Bulong ko sabay iyak.

“Uwi na tayo.” Bulong niya. “Di na kita pipilitin. Basta umuwi na tayo. At gusto ko sa iisang bahay lang tayong dalawa.”

Mabilis ko siyang tinulak dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang ginagawa nila ni Elena sa condo unit niya. Nagkahalu halo ang isip ko. Naiisip ko si Clark at Janine sa apartment. Naiisip ko si Elena at Hector sa condo unit. Pakiramdam ko lahat ng lalaki ay gagawa ng kahibangang ganoon sa kanilang buhay.

Umihip ang malakas na hangin sa parking lot ng Tribe Lounge. Umiling ako sa kumikislap na mga mata ni Hector. Niyakap ko ang itim na jacket na bigay sa akin ni RJ at napayuko ako.

“Bumalik ka na lang sa condo mo, kung nasaan si Elena.”

Bago ko siya iniwan ay nakita kong namilog ang mga mata niya sa gulat. Naglakad ako ng mabuti kahit na umaalon parin ang paningin ko dahil sa alak at sa luhang nagbabadya sa mga mata ko.

“What the fuck, Chesca?!” Sigaw niya.

Di ako tumigil sa paglayo. Malapit na ako sa mga may taxi. Hindi ko siya lilingunin. Yes, Hector. I saw you two. Kayong dalawa sa condo mo! At ano sa tingin mo ang maiisip kong ginagawa niyo doon?

“Chesca Dela Merced, I am talking to you!” Sigaw niya ulit.

Dela Merced ka riyan! I will be an Alde forever. Baka naman Elena Dela Merced ang ibig mong sabihin?

“Arghhhh!” Sigaw niya na para bang may pinupunit o pinipiga siya sa kinatatayuan niya.

Narinig ko agad ang mabilis niyang yapak. Hindi pa ako nakakahakbang ng isa pa ay kinaladkad niya na ako patungo sa sasakyan niya.

“Hector!” Mahinahon kong sinabi kahit na mabilis ang pintig at hataw ng puso ko.

Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako o nasisiyahan sa ginagawa niya sa akin. Come on, Chesca! Bakit ka masisiyahan sa pangangaladkad ng haring iyan? Pakiramdam ba niya kaya niyang iwan ka at pulutin ulit pag gusto niya na? Hindi!

Binawi ko ang kamay niya. Para siyang na offend sa ginawa ko. Ganunpaman ay matalim ko parin siyang tinitigan.

“Elena? Nandun siya dahil nandun yung ama niya! Nandun si Tito at Tita sa condo ko ngayon, alright? Hindi mo nakita pero nandun sila sa kusina!”

“Nakahilig yung ulo niya sa balikat mo, Hector! Sa sofa! Ang close niyong dalawa!” Hindi ko napigilan ang pananabang ng tono ko.

Bahagya siyang tumawa, “Hindi mo nakitang hinawi ko ang ulo niya kasi tangna pinag papantasyahan kita sa nakakairitang FHM magazine na iyon!”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at di ako nakapagsalita.

“Ang ingay niya, Chesca! Anong gusto mo? Papalabasin ko siya sa condo ko kasi ayaw mo? Sabihin mo kasi gagawin ko!”

Bahagya akong natawa dahil sa kabaliwang sinabi niya. “Tigilan mo ako. Alam ko kung ano ang nakita-“

“Natrauma ka lang! Yung ex mo iniwan ka para sa iba! Naabutan mong ganun sa apartment niya at ako naman ngayon, ginagaya mo sa kanya. Pwes, Francesca Alde, sasabihin ko sayo, hindi kami pareho. Una sa lahat…” Humakbang siya palapit sa akin.

Napangiwi ako at nag iwas ng tingin.

“Hindi ako papatol sa ibang babae dahil lang gusto ko, you have to be really great to earn my attention. You have to be an Alde to earn my attention… And you have to be a Francesca Alde to earn my love.”

Tulala lang ako kahit na dinig ko ang hataw ng lintik kong puso. Humakbang pa siya ng isa. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa jacket.

“Pangalawa… Hindi ako mamimilit sayo. Kung ayaw mo sakin, hahayaan kitang ayawan ako. Pero kung iiwan mo ako, hindi ako makakapayag. Kill the King first before you win this game. Iwan mo ako? Patayin mo na lang ako!” Seryoso niyang sinabi kaya napa angat ang tingin ko sa kanya.

Nagkatitigan kami. Tumigil siya sa paghahakbang dahil sobrang lapit niya na sa akin. Tumitingala na ako sa kanya habang siya naman ay dumudungaw sa akin.

“Pang huli…” Marahan at malamig niyang sinabi.

Napalunok ako at nahirapan sa pananatili ng titig ko sa kanya.

“Sa oras na pormahan kita, hindi ka lilingon sa iba. Sa oras na akin ka na, di na kita bibitawan pa. Sa oras na binigay mo ang karapatan sakin ay sisiguraduhin kong sakop ko lahat kahit hibla ng buhok mo, Chesca. Naintindihan mo? Kaya habang akin ka at sayo ako, tayong dalawa lang. Walang Elena, walang Clark. Silang lahat, napadaan lang sa buhay nating dalawa.”

Hinawakan niya ang braso ko at nilapit niya ang katawan ko sa kanya. Mabilis na mabilis na ang hataw ng puso ko. Hindi na ako makasunod. Kahit na matalim parin ang titig ko at may hamog ng luha parin sa gilid ng mga mata ko ay hindi ko parin maipagkakaila na may init akong naramdaman na bumalot sa puso ko.

This is Hector Dela Merced.

“Get that, Francesca Alde… Dela Merced?”

Binawi ko ang braso ko sa kanya. Natatakot ako sa nararamdaman ko. Para bang nababaliwan ako masyado sa sarili ko. Dahil kanina lang ay bigung bigo ako ngunit ngayon ay wagas makahuramentado ang puso ko.

“Now, be with me… for always.”

Umatras ako sa kinatatayuan naming dalawa. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Kita ko rin ang pag awang ng kanyang bibig. Agad din naman akong naguilty.

“Please, be with me. Sorry sa nakita mo samin ni Elena at sorry din kasi nagkakamali ka, walang namamagitan samin. Wag mo akong itulad sa ex mong hayup.”

Nalaglag ang panga ko nang nakita kong unti unti siyang lumuhod gamit ang isang paa sa harap ko. Dinungaw ko siya sa ilalim ng madilim na gabi. Tanging nagpaliwanag lang ay ang mga street lamps ng parking lot sa labas ng Tribe Lounge. May mga tao sa malayo na nag iinuman sa Hibrid. May mga taong papasok at palabas ng Tribe Lounge pero ako lang ang nakakakita ng Hector Dela Merced na nakaluhod ulit, sa pangalawang pagkakataon, sa paanan ko.

“It’s still the same, Chesca. Actually, stronger. Mahal na mahal kita at luluhod ako sa paanan mo bigyan mo lang ako ng assurance na tayong dalawa sa huli. Na walang selos na magpapahiwalay satin. Na walang taong makakapaghiwalay sating dalawa.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 67

Kabanata 67

Siya Lang

Muntik na akong mawala dahil sa taxing sinakyan ko. Hindi ko pa naman kabisado ang distritong ito. Ngunit nang nakita ko ang matayog at engranding skyscraper kung saan naroon ang condo unit ni Hector ay hindi ko na inalintana ang pagkawala ko.

Mabilis akong pumasok sa condo habang bitbit ang susi na ibinigay sa akin ni Hector. Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko ang kanyang unit number para hindi ko makalimutan. Huminga ako ng malalim nang nakitang ako lang mag isa sa elevator. Syempre dahil madaling araw na ay wala na gaanong tao.

Nang tumunog ang elevator bilang hudyat na nakarating na ako ay napatalon na ako sa kaba. Konting kirot at konting saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang naghihingalo ang puso ko kahit na ilang segundo na lang ay makikita ko na si Hector. Parang dejavu sa isang masamang panaginip? Parang alam ko na ang susunod na mangyayari kahit hindi naman talaga.

Sa bawat pag hakbang ko ay mas lalo akong kinabahan. Napalunok ako nang naaninag ko ang pintuan ng kanyang condo unit. Hindi ko na marinig ang mga yapak ko dahil sa mabilis na pintig ng puso ko.

Nang nahawakan ko na ang pinto ay hindi na ako huminga. Nang buksan ko iyon ay namilog ang mga mata ko. Hindi makuha ng buo ng paningin ko ang nakita ko sa unit niya.

Isang malaking chandelier sa ceiling ang tumambad sa akin sa taas. Flatscreen na TV at sofa naman pag tumingin ng diretso. At sa sofa ay nakita ko si Hector na nakatalikod at nakaharap sa TV habang tinitingnan ang isang magazine. May katabi siyang babae, agad kong namukhaan kahit na nakatalikod. Ang damit niya kanina sa party ay ganun parin. Si Elena!

Nahulog ang puso ko sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na silang dalawa lang sa condo unit, disoras ng gabi! Ano ang ibig sabihin nito?

Bumuhos sa akin ang alaala ng pagpunta ko sa apartment ni Clark. Bumilis pa lalo ang pintig ng puso ko, dahilan kung bakit hindi ako makahinga. Nag hyperventilate na ako sa kinatatayuan ko sa galit at poot.

Susugurin ko na sana sila kaso…

“Hector, hindi yan pwede sayo, oh? Ang cheap ng babaeng yan.” Ani Elena.

Bumuntong hininga si Hector at sinarado ang magazine na iyon.

Hinilig ni Elena ang kanyang ulo sa balikat ni Hector. Nagdilim ang paningin ko. Pumula, sa totoo lang. Kaso, may mga pagkakataon talagang isusuko mo na lang ang lahat. Kung kay Clark ay nagawa kong sumugod at mangaladkad kay Janine, ngayon, nawalan na ako ng lakas.

Dahil minsan, kung mahal ka ng isang tao, hindi mo na kailangang ipakita na nahuli mo siyang nanloko. Kailangan, hindi siya manloko kahit wala ka. Na hindi mo na siya kailangang mahuli bago siya tumigil. Kaya kahit kating kati ang paa kong sumugod ay mas pinili kong umalis nang di sinasarado ang pinto nang sa ganun ay hindi nila mamalayan na may tao.

Hindi bali na kung bumuhos ang luha ko sa mukha ko. Hindi bale na kung masaktan ako. Sobrang sakit na hindi ko na kayang ilarawan.

Hindi ko na maalala kung paano ako umuwi sa bahay. Nawalan na ako ng lakas. Tulala ako dahil sa nakita ko. Silang dalawa lang. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Naalala ko iyong nangyari kay Clark at Janine. Iyong mga ungol at ang buong posisyon. Humagulhol ako ng iyak sa kama at binaon ko ang mukha ko sa unan. Sana kunin na lang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ba pwedeng mag mahal na lang at wag ng masaktan? Kung di man kayang suklian ni Hector ang loyalty na maibibigay ko, ay hindi ba pwedeng matuto na lang akong maging masaya sa bawat desisyon niya?

Alas dos nang napag desisyonan kong umalis ng bahay para magliwaliw. Dahil alam kong hindi ako makakatulog dahil sa nangyari at hindi ko hahayaan ang sarili kong mag mukmok sa kwarto.

“Francesca Alde!!!” Mapupungay na ang mga mata ni Brandon nang binati niya ako sa loob ng Tribe Lounge.

Noong una ay hindi ko siya nakilala dahil sa buhok niya. Ang shoulder-length hair niya ay pinutulan niya na ngayon. Bakit may naaalala ako sa pagpuputol niya ng kanyang buhok? Naaalala ko ang buhok na pinutol ni Hector para sakin. Napangiwi ako at tinampal ang ulo ni Brandon. Ngumisi lang siya at kumindat.

Kitang kita ko ang forest themed na dekorasyon ng bar na madalas naming pinupuntuhan ng mga kaibigan ko. Mabilis na sumayaw ang mga neon lights at balot na ito sa usok. Kanina pa nagsimula ang party sa club na ito at kararating ko lang.

Pinilit kong ngumisi lalo na nang nakita ko ang mga models na nakilala ko rin noon.

“O? Ba’t nandito ka sa Maynila?” Tanong ko kay Brandon habang inaabot niya ang isang shot. “And what happened to you hair?” Nilakasan ko ang boses ko dahil masyado ng maingay.

Kitang kita ko ang mga kaibigan kong medyo mga lasing na, lalo na ang mga models. Sumasayaw na sa dancefloor. Wala sina Tara at Desiree dahil syempre may pasok na bukas kaya di na yun gagala ngayon.

“I belong here.” Simpleng sagot ni Brandon.

Umismid ako. “What happened to your hair?” Nilagok ko ang binigay niyang whiskey.

“Obyus bang pinutulan ko?” Tumaas ang kilay niya.

May idadagdag pa sana ako ngunit nakita bigla na akong inakbayan ng ilang kaibigan ko. Nakangisi si RJ at amoy alak na habang nginingitian ako. Si JV naman ang umakbay sa akin, nakaballcap at jacket na itim. Mukhang kanina pa sila dito.

“Uy!” Sabay tanggal ni RJ ng kamay ni JV sa balikat ko. “Baka nandito si Hector sa paligid, mag eeskandalo yun pag nakitang hinahawakan mo si Chesca.

“Hector isn’t here.” Sabi ko sabay inom pa nung whiskey.

Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Brandon at tiningnan akong mabuti. Nagkibit balikat si RJ at JV sa akin.

“LQ?” Tanong ni Billy.

Hindi ako sumagot.

“Sayaw na lang tayo, Chesca!” Anyaya ni JV.

“No thanks, kayo na lang muna.” Sabi ko at umupo na sa tabi ni Brandon.

May mga katable din kaming girls na model pero hindi ko naman masyadong ka close. Ka close ni Brandon ang mga ito kaya hindi ko na lang pinansin. Ang importante sakin ay hindi ako mag isa, hindi ko masyadong maisip iyong nangyari sa condo ni Hector.

“You okay, Chesca?” Tanong ni Brandon pagkatapos kausapin yung mga babae. “Kanina mo pa nilalaklak ang JD. LQ?”

Umiling ako dahil mas magandang ideny.

Hindi naman talaga kami nag away, e. Ako lang ang may problema. Naalala ko iyong paghilig ng ulo ni Elena sa balikat ni Hector. Pumikit ako at narinig ko ang ungol kung saan sa utak ko. Shit! Bumilis ang pintig ng puso ko sa galit. Naiiyak ako kaya imbes na damhin ito ay ininom ko na lang ang tatlong shots.

Dumami pa ang sumunod nun. Napansin kong imbes na isipin ko ang problema ko ay napapatawa ako kasama nung mga babaeng kausap ni Brandon. May mga boyfriend din sila at dalawa sa mga babae ay expat ang boyfriend kaya masyadong showy, nakakapaghalikan sa mukha ko.

Umiling ako at uminom ulit.

“Tara, Chesca, let’s go!” Dinig kong sinabi ni JV… o ni RJ. Hindi ko alam kung sino basta may nagyayayang sumayaw.

Ngumisi si Brandon at tumayo. May nakita akong dalawang babaeng humila sa kanya sa dancefloor. Tumatawa siya at nagpahila sa mga ito. Tumayo rin ako at pumalakpak si Billy at iyong mga kaibigan niyang di ko kilala.

Tumawa na lang ako at sumayaw na rin sa dancefloor, sa ilalim ng nagsasayaw na neon lights at sa gitna ng sumasayaw na mga tao. May tumango sa aking babae na kilala ko noon. Tinanguan ko na lang at pumikit ako dahil hilong hilo na ako.

Tumingala ako habang nakapikit at nakita ko si Hector sa utak ko kasama si Elena. They deserve each other. Pareho silang anak mayaman, diba? At ako? I’m a cheap model like she said.

Sumayaw na lang ako at hinayaan ang sarili kong magpakalunod sa dancefloor. Biglang may naramdaman akong sumasayaw sa gilid ko. Hinayaan ko iyon. Sumayaw na lang ako at binalewala kung sino man iyong sumasayaw sa gilid ko.

Naramdaman ko ang kanyang katawan sa likod ko kaya medyo naasiwa ako.

“Dance with me again, Chesca.” Malamig niyang sinabi.

Dumilat ako at medyo umaalon na ang paningin ko. Gusto ko siyang lingunin ngunit natatakot akong baka mabigla ang sistema ko at mag pass out ng tuluyan dahil sa alak.

“I love you so much…” Bulong niya.

Dama ko ang hininga niya sa aking tainga. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na lumingon. Pagkalingon ko ay nahilo ako at bahagyang na out balance.

Hinawakan niya ang aking mga braso. Sa sobrang lapit niya sakin ay dama ko na ang buong katawan niya sa likod ko.

“Let’s do it again, Chesca. Please… Let’s start over…”

Halos pikit na ang mga mata ko nang pinilit kong idilat iyon para makitang medyo pula na ang mukha ni Clark. Mukhang lasing na rin siya.

“Oh my…” Pinilit kong tumayo nang hindi niya tinutulungan.

Ngunit pinilit niya ring tulungan ako. Hinapit niya ang baywang ko para makatayo ako ng maayos. Tinanggal ko ang nagmamatigas niyang braso sa baywang ko at pinilit na maglakad palayo kahit mahirap dahil sa mga taong sumasayaw.

“Chesca… please!” Tawag niya.

“Go away, Clark.” Sabi ko sabay lakad palayo.

Umiekis ekis na ang paa ko. Hindi ko naaalala kung kelan ako naging ganito ka lasing. Iyong tipong nagkakaroon na ako ng black outs. Last kong naalala ay nasa dancefloor pa ako at umaalis, sunod ay namulat akong nasa CR na ako ng bar. Inayos ko ang sarili ko doon.

Naghilamos ako kaya medyo nahimasmasan ako. Lumabas ang isang babae sa cubicle, nag powder at umalis din. Nakatunganga ako sa harap ng salamin nang biglang may pumasok sa loob. Hindi ko na nilingon dahil hindi ko inakala kung sino iyon.

“Come on…” Sabay higit ni Clark sa kamay ko.

Sa sobrang gulat ko ay sinampal ko siya. Mabilis at pakalabog ang pintig ng puso ko. Naestatwa ako at natakot dahil sa biglaan niyang pagsulpot dito sa girl’s CR!

“Anong ginagawa mo dito?”

Halos nakapikit na siya sa sobrang kalasingan. Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko. Agad kong hinawi ang kamay niya.

“Of course, sinusundan ka.”

“Clark! Stop it!” Sigaw ko. “Sabi ko naman sayong wala na tayong pag asa diba?”

Dumilat siya at kitang kita ko ang pula niyang mga mata. Biglang nag iba ang ekspresyon niya. Nag apoy ang galit at poot sa kanyang mga mata. Nakita ko na siyang magalit noon, pero ang galit niyang ito ngayon ay may halong histerya at kahibangan. Hindi ako sigurado kung pinalakas ba ito ng alak o sadyang naipon ang lahat sa kanya.

Naubusan ako ng dugo nang naramdaman kong pinaglandas niya ang kanyang kamay sa hita ko. Kung bakit pa kasi ako nagsoot ng maiksing dress para sa party na dinaluhan namin ni Hector kagabi.

Sinampal ko na agad siya at tinulak. Bahagya siyang napalayo. Nakatagilid ang ulo niya at kitang kita ko ang pamumula ng leeg at mukha niya. Lalagpasan ko na sana ngunit agad niyang nahigit ang kamay ko at itinulak niya ako sa salamin.

“NOT SO FAST, CHESCA!” Galit niyang sigaw at ipinako ako doon gamit ang kanyang mga kamay.

Natuyuan ako ng lalamunan nang nakita ko ang nag aapoy niyang mga mata. Nanginig ang binti ko sa takot. Oh no… Oh no… Don’t tell me?

“Ikaw? Nakuha ka lang ni Hector ay hindi ka na tumitingin sa pinanggalingan mo!?” Sigaw niya.

Sobrang lapit ng mukha niya sakin kaya nag iwas ako ng tingin.

“Look at me, Chesca!” Sigaw niya.

Kitang kita ko ang mukha niya sa mga salamin. Ang mukhang minsan kong minahal. Magulo ang kanyang buhok ngunit litaw parin ang mestizo niyang mukha at maamo niyang mga mata. Pero ngayon, ang maamong mga mata ay binalot na lamang ng galit.

“Stop it, Clark!” Sigaw ko ulit. “Pinatawad na kita kaya wag mong dagdagan ang kasalanan-“

“Tangina mo! Naghintay ako sayo kahit na sobrang nakakainis na! Naghintay ako, Ches! Naghintay ako!” Dinig ko ang napapaos niyang boses.

Humikbi siya sa akin kahit na di ko siya diretsong tinitingnan.

“Naghintay ako para mangyari tayo! Pero iiwan mo lang ako!? Ano iyon? Scam? Sabi mo maghintay ako tapos ilang buwan lang ng pagkawala ay nakahanap agad ng iba? Di lang yun, ha? Di lang yun, bumigay ka pa!” Sigaw niya.

Tinulak ko siya. “Wala kang pakealam sa mga desisyon ko. This is long overdue, Clark. Were done before I met Hector!”

“SHUT UP! DON’T MENTION HIS NAME!” Sigaw niya sa mukha ko.

Tinulak ko ulit siya ngunit hindi ko na siya magalaw!

“Bitiwan mo nga ako! Bitiwan mo ako, Clark!” Sigaw ko at pumiglas na sa pagkakapako ko.

“Chesca, come on, please.” Binalot ng pagkabigo ang boses niya.

Pinilit niya akong halikat kahit panay ang iling ko para di niya mailapat ang labi niya sakin.

“Shit! Clark! Wag kang ganito!” Sigaw ko.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Kinabahan pa ako lalo. Lalo na nung nahawakan ko ang kamay niyang sobrang tigas at mukhang di ko matitibag.

Nakapako ang dalawang braso ko gamit ang kamay niya. Masyado niya namang dinidiin ang sarili niya sakin kaya di ko siya matadyakan. Itinaas niya ang kamay ko at binaba niya ang mukha ko. Dama ko na ang mga halik niya sa dibdib ko.

“CLARK! DON’T DO THIS!” Sigaw ko sabay piglas.

Shit! Naiiyak ako, nagagalit, nanghihina. Pero kailangan kong makawala. Kailangan kong matigil ang kahibangan ni Clark! Hindi ko kaya! Hindi ko kaya ito! Hindi ako makapaniwala na kaya niya itong gawin sakin!

“Naghintay ako para sayo! Naghintay ako pero ito ang sukli mo!” Sigaw niya habang pinapaulanan ako ng halik.

Pumiglas ako lalo. Wala akong pakealam kung masaktan ako o magkapasa ako sa pagpiglas ko. Kailangan kong makawala!

“HECTORRRRRRRRRR!” Sigaw kong halos mapaos na.

Dahil kahit galit ako sa kanya, kahit na marami akong issue na naiisip, kahit na isipin kong may ibang mas bagay sa kanya, o kahit na pakiramdam ko may iba siya, siya parin yung gusto ko. Siya parin yung takbuhan ko. Siya lang.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 66

Kabanata 66

Success Is Nothing

Ginapangan ako ng matinding kaba dahil sa titig ni Hector sa lalaking nasa harap niya. Nakita kong kumuyom ang kanyang kamao habang tinititigan niya ito.

“Hector…” Bulong ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Nakatoon lang ang pansin niya sa lalaking nakangisi sa harapan. Nakangisi sa akin. Napapikit ako nang bigla niyang inalog ang table. Kitang kita ko na nag pigil pa siya para hindi niya iyon tuluyang mapatumba. Gumuhit ang takot at gulat sa mga mata ng mga lalaki at nang maging kay Elena.

“Hector, chill, dude!” Sabi nung lalaking namumutla na.

Mabilis ang hininga ni Hector at para bang kahit kailan ay magagawa niya ng sumabog sa galit.

“H-Hindi siya hubo’t hubad. She’s-She’s wearing a bikini.” Anang lalaki.

“Wag na wag mong mababastos si Chesca.” Mariin at pabulong niyang sinabi.

Ramdam ko ang pagdidiin niya sa bawat salita sa pamamagitan ng pag hihigpit ng kanyang ngipin.

“Dude, di ko siya binabastos. Pinupuri-“

Inalog ulit ni Hector ang mesa. Napansin ko na nakatingin na ang ibang guests sa banda namin. Hinawakan ko agad ang kanyang braso sa takot na magkagulo pa lalo. Pulang pula ang kanyang mukha.

“And to my daughter, Maria Elena Aragon.” Pinagpatuloy ni Mr. Aragon ang kanyang pagsasalita sa harapan. Hindi niya napansin ang kaguluhan sa table namin dahil nagpipigil pa si Hector.

Mahilaw na ngumisi at tumayo si Elena para tanggapin ang masigabong palakpakan na hinandog sa kanya ng ibang guests.

“And of course,” Tumawa si Mr. Aragon habang tinititigan si Hector na hanggang ngayon ay galit parin.

Luminga ako sa dalawa. Kay Hector at kay Mr. Aragon.

“Mr. Hector Dela Merced,”

Nakatoon ang lahat ng atensyon ng mga tao sa table namin. Nakangiti sila at nakatitig kay Hector. Nakangiti din ang nakatayong si Elena habang pumapalakpak.

“Our future business partner.” Dagdag ni Mr. Aragon.

Napatingin si Hector kay Mr Aragon. Bumuhos ang palakpakan ngunit hindi ko makita sa mukha niya ang ngiti.

“Tayo, Hector.” Bulong ni Elena at hinila ang braso ni Hector.

Dahan dahang tumayo si Hector ngunit nanatili ang pagiging seryoso niya.

“Sana ay maging mabuti ang samahan ninyong dalawa. The future heirs of our business.”

Namilog ang mga mata ko. Silang dalawa ay magmamana ng business ni Mr. Aragon? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya roon pero tingin ko ay ang ibig niyang sabihin ay magiging magkasosyo ang dalawa sa business na ito. Umani ng masigabong palakpakan sina Hector at Elena. Ngumiti si Hector sa mga bumati at tumayo. Natuyuan ako ng lalamunan. Lalo na nung nag simulang makipagkamayan si Hector sa iba pang malalaking tao. Ganun din si Elena. Hanggang sa tuluyan na silang nawala sa dagat ng mga tao.

“Sorry, Miss Chesca.” Pabulong na sinabi nung lalaking nasa harapan ko. Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa. “Talagang sadyang namangha lang ako sayo. Tsaka… hindi pala alam ng boyfriend mo na nasa FHM ka?”

Hindi ako nagsalita. Sa galit at panghihina ko sa nangyari ay wala na akong ganang magsalita. Ni hindi ko na siya tiningnan man lang. Ni serve na ang mga pagkain ngunit hindi parin nakakabalik si Hector.

Hinalughog ko ang buong venue at nahagip ko siyang nakaupo doon sa table kasama si Mr Aragon at iilan pang mga negosyante. Bumuntong hininga ako. Alam ko… Alam kong busy na siya sa negosyo niya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot. Pinilit kong maging masaya at maging kuntento. Kung ano man iyong issue namin ay paniguradong maayos din naman namin ito mamaya.

This can wait.

“Kainin mo na iyang pagkain mo, Miss Chesca.” Sabi naman nung isang lalaki sabay turo sa pagkain kong nasa mesa.

Kinuha ko iyong kutsara at sinubukang sumubo sa pagkain na binigay ng mga waiter. Nilingon ko ulit si Hector at kitang kita ko na masaya siya doon at may sarili siyang pagkain. Kahit na hindi niya pa ito nagagalaw.

“Hay naku! This is exhausting, isn’t it?” Nakangising umupo ng padarag si Elena sa upuan niya sabay hawi ng buhok.

“Bakit, Elena? Makikipagbatian ka lang naman.” Sabi nung lalaki sa harap ko.

“Jules, makikipag usap din tungkol sa business. Hector is amazing.” Uminom siya galing sa baso niya. “Kaya niyang mag keep up sa mga businessman. He belongs here.” Tumango siya at tumingin sakin.

Nag iwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa pagkain.

“You know, what, Chesca? You are so lucky to have him.”

Nag angat ako ng tingin sa nakangising si Elena.

“Though I’m not sure if he’s lucky to have you.” Napawi ang ngisi niya.

“Oy! Elena. Stop that, you brat.” Medyo iritadong sinabi noong Jules.

“Oh let’s face it! We can’t have a sexy starlet as a tycoon’s wife! For God’s sake that’s a disgrace!”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi noong Elena. Samantalang siya ay sumisipsip sa kanyang juice at sarkastiko akong nginingitian.

“Excuse me, lang, Miss Elena. Hindi ako sexy starlet. I’m a professional model-“

“Parehas lang iyon. Don’t explain. Nagmumukha ka lang tanga-“

“Elena!” Pigil nung isa pang lalaki.

“I’m sorry, Miss Chesca, she’s a brat-“

Sa gigil ko ay hindi ko na napigilan ang paghablot sa tubig ko sabay saboy sa kanya. Kung may natutunan man ako sa pamamalagi ko sa Alegria, eto yun…

“Oh my gosh!” Sigaw niya at naestatwa sa kinauupuan niya.

Nakita kong naglingunan ang mga tao sa ibang table. Ngunit sa sobrang dami ng pinagkakaabalahan ay hindi na iyon nakita ng iba. Yung mga waiter lang ang lumapit para punasan ang damit ng basang si Elena.

“You’re a social climbing, cheap starlet!” Sabay turo niya sa akin.

I cannot believe it. Napatingin ang mga tao sa akin. Tumayo ako at kinuha ang purse ko. Hindi ko matagalan. Hindi ko kayang hindi siya kaladkarin at di siya kalbuhin. Wala akong pakealam kung iwan ko si Hector dito!

Nag walk out ako sa party nang walang nakakapansin kundi sila. Syempre, hindi naman ako malaking tao. Lumandas ang mga luha sa mga mata ko nang walang kahirap hirap. Nanikip ang dibdib ko pero hindi ako nagpakita ng kahinaan. Diretso parin ang lakad ko.

She’s right. Hector belongs here. Wala siyang mapapala sa akin. Aangat ako dahil sa kanya, ngunit wala siyang makukuha in return mula sa akin. I’m a liability. Buong pamilya ko. Nag aksaya pa siya ng milyon milyon para mabili ang bahay namin para sa akin. Kung mayroong tao man na magpapabagsak kay Hector ay ako na iyon. Dahil kaya niyang ibigay sa akin ang lahat ng wala akong pinapalit.

“Chesca!” Sigaw ng hinihingal na si Hector sa likod ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa pagpunas ng luha ko.

Ba’t mo pa ako sinundan? I want to be alone. I want to find myself. Dahil mula ata nung nakilala ko siya ay hindi na tumigil ang mundo ko sa pag ikot sa kanya. Habang siya ay may mga mundong hinahawakan. Let’s admit it… Hindi lang ako ang mundo niya, samantalang siya lang iyong akin. That’s not a bad thing. At least not for him. Masama iyon para sa akin. Dahil ako, siya lang yung akin. Kung magunaw ang mundong iyon, magugunaw din ako.

“Anong nangyari? Gusto mo ng umuwi? Magsabi ka lang kung gusto mo na!” Dinig ko ang pagsusumamo sa boses niya.

And it hurt a lot. Yes. Siguro ay masyado lang akong naapektuhan sa sinabi ni Elena kaya ganito ako ka emosyonal.

Nilingon ko siya. Nakita kong kumislap ang mga mata niya sa pag aalala sa akin.

“Let’s go home if you want to.” Mariin niyang sinabi at hinawakan ang kamay ko tsaka kinaladkad ako patungo sa sasakyan niya.

Tumingala ako upang hindi na tumulo ulit ang luha. Nang umalis kami sa venue ay tahimik lang siyang nag d-drive. Hindi ko siya nilingon. Hindi rin siya nag tangkang magsalita.

“B-Bakit ka umalis? Busy ka pa doon. Sana hinayaan mo na ako.”

“We are one, Chesca. Kung saan ka, doon ako.” Aniya.

Kinagat ko ang labi ko. “I’m not going to be the hindrance of your success, Hector. Kung ikakabuti mo yung party na iyon, don’t mind me!” Sinabi ko iyon nang may nagbabantang luha sa aking mga mata.

“You are my inspiration to succeed, Chesca. Without you, success is nothing.”

Nanikip ang dibdib ko sa binitawan niyang salita.

“Bakit mo binuhusan ng tubig si Elena?” Tanong niya.

“Bakit? Nagalit ang daddy niya sayo dahil sa ginawa ko?”

Hindi siya nagsalita. Siguro ay tumama ako.

“Bakit?” Pag uulit niya.

“Sabi niya di tayo bagay.” Lumunok ako.

Medyo natawa siya. “Ilang babae pa kaya ang darating para sabihin sa’yo iyan at kelan ka hindi mag papaapekto? Come on, Chesca.” May bahid na frustration sa kanyang boses.

Hindi ako nagsalita hanggang sa itinigil niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng apartment namin.

“Uuwi na muna ako sa condo. Nag text si tito na pupunta sila doon.” Napabuntong hininga si Hector.

“Lumuwas ang tito mo? Si Tita?”

“Hindi ko pa alam.” Aniya at tinanggal niya ang seat belt ko.

“Okay.” Matabang kong sinabi.

“Good night.” Hindi siya nakatingin sa akin nang sinabi niya iyon.

Humalukipkip ako at mas lalong nagtampo. “Ang lamig mo.”

Nilingon niya ako. Nagkuyom ulit ang panga niya at tinitigan ako pababa. “Hindi ko palalampasin yung ginawa mo, Chesca.”

“What? Yung pagbuhos ko ng tubig kay Elena-“

“No! Yung pag pose mo sa FHM.” Umirap siya.

“Hindi ko alam na lalabas na iyon, Hector. At isa pa, hindi pa tayo noon nang nag pose ako para doon.”

“Hindi ibig sabihin na dahil hindi pa tayo ay hindi na kita pag aari. Remember, you are mine, Chesca. Mine alone. Simula nung nagtagpo ang mga mata natin.”

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko matagalan ang pagtitig ko sa kanya.

“Hindi ko kayang tumabi sayo kasama ang mga lalaking iyon dahil baka mag eskandalo ako sa party. At hindi ka rin okay sa akin. I’m so… so mad about you.” Pumikit siya.

Hindi ko maintindihan kung bakit nag aalburuto ang puso ko sa kaba. Para akong nakalutang sa hangin kahit kakasabi niya lang na inis siya sa akin.

“So mad, alright? Kaya matulog ka na at hahalughugin ko pa ang mga bookstores para bilhin lahat ng magazine na iyon.”

“What? Wag mong gagawin yan, Hector! Wag kang mag aksaya ng pera sa bagay na ganyan!”

Totoo iyong sinasabi ko. Alam kong medyo nakaka touch ang sinabi ni Hector ngunit tingin ko ay hindi na iyon makatarungan. Kahibangan na iyon. Hayaan niya na lang sana ito at huhupa din naman iyon next month. Magkakaroon naman ng bagong issue kaya hindi na iyon kailangan.

Nagulat ako nang padabog niyang binuksan ang pinto. Lumabas siya para pagbuksan ako.

“You… damn… sleep. You don’t tell me what to do, Chesca.”

Kinagat ko ang labi ko at lumabas na lang sa sasakyan niya.

“Hector!” Pigil ko sa kanya ngunit nilock niya ang front seat bago umikot para pumasok. “Hector!” Sigaw ko ulit sabay tapik sa sasakyan niya.

Binaba niya ang salamin.

“I’ll fetch you tomorrow morning. Dapat ay may peace offering ka. At ang gusto ko ay mag alsabalutan ka na at lumipat ka na sa condo ko.”

“WHAT?” Nalaglag ulit ang panga ko.

“Yes! Hindi kita papatawarin hanggat di mo iyon gagawin.”

Bigla niyang pinaandar ang sasakyan niya at pinaharurot. Seryoso ba siya sa sinabi niyang bibilhin niya lahat ng magazine na iyon?

Iyon ay palaisipan sa akin sa gabing iyon. Kahit sa pagtulog ay hindi ko alam. Ni text ko siya.

Ako:

Hector, asan ka na?

Agad naman siyang nag reply.

Hector:

Kakauwi ko lang. Ikaw? What are you doing? Sleep, Chesca. Maaga tayo bukas.

Napatingin ako sa relo. Tatlong oras na ang nakalipas mula nang hinatid niya ako dito sa amin. Ibig sabihin, mukhang totohanan na hinalughog niya ang syudad para bilhin ang mga kopya? O baka naman dumiretso siya sa publisher? O baka nagpatulong siya sa mga body guard nila sa paghahalughog? Hindi ko alam at hindi ako mapakali kaya nagmadali akong magbihis.

May susi ako sa condo niya at alam ko rin kung saan iyon. Ngumiti ako sa aking sarili tuwing naiisip yung condo niya. Pupuntahan ko siya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 65

Kabanata 65

Clingy

Maagang umalis si Hector kinaumagahan para sa diumanoy meeting. Dahil wala naman akong gagawin buong araw ay naisipan kong baguhin ang buhay ko. Yes. Sinasabi ko talagang magbabago ang buhay ko sa gagawin kong ito. Ngumiti ako sa sarili ko habang pumapasok sa isang kilalang shop. Ang alam ko ito iyong nirecommend ni Brandon kay RJ noon. Hindi ko inakalang magagawi ako dito.

Sinabi din ni Hector sa akin na isasama niya daw ako sa isang formal party ngayong gabi. Hindi ako sigurado kung anong meron sa party pero sabi niya tungkol daw iyon sa business at mukhang nandoon din iyong investor na tinutukoy niya. Hula ko naman ay iyong investor ay yung kausap niya sa beach na may kasamang dalaga. Oh well, let’s forget about that. Iba na iyong noon kesa ngayon. Kami na ni Hector ngayon kaya masaya na ako at wala ng makakagulo sa aming dalawa.

“Anong ilalagay? Ito ba yung font na pinili mo?” Tanong ng lalaking gagawa ng tattoo ko.

Sinulat ko iyon sa binigay niyang papel. Pabalik balik niyang tiningnan ang papel at ako.

“Boyfriend mo?” Ngumisi siya habang inaayos ang mga gagamitin.

Nakaupo na ako sa upuang pang tattoo at pinanood siya sa kanyang mga ginagawa. May kasama din naman kami. Iyong babaeng seryoso sa computer, yung lalaking nag dedesign ng kung ano at yung isang customer na tinatattooan ng isa pang lalaki.

“Oo.”

Tumaas ang kanyang kilay. “Sigurado ka na ba sa lalaking iyan?”

Tumawa ako. “Oo, e.”

Tumango siya. “Naka ilang beses na kasi akong sinugod dito para tanggalin daw yung tinattoo kong pangalan ng syota.”

“Alam ko namang di ko siya hawak. Pati puso niya. Kung sakaling magbago man ang puso niya at magmahal siya ng iba, hindi parin ako magsisisi sa tattoo na ito.”

Oo. I want his mark. Hindi lang iyong invisible mark na lagi kong nararamdaman sa sarili ko. I want him permanently etched on my skin. Yung hindi na siya magiging insecure kasi alam niya na may pangalan niyang hindi na matatanggal sa balat ko.

“Baka iwan ka niyan dahil masyado kang clingy. Boys don’t like girls who are clingy.”

“I’m not clingy.”

“This is an act of… clingy-ness.” Tumawa siya.

Ngumuso ako.

Ano na? Di na ba ako magpapatattoo?

“Bahala na. Kung iwan niya ako. Ang importante ay totoo ang pagmamahal ko.”

“Good girl.” Kumindat siya sa akin at mukhang natauhan. “Saan mo ba gusto? More skin, better. Pag malapit sa mga buto, mas masakit.”

Tinuro ko ang likod ko. Upper left ng likod ko. At alam kong may buto nga doon.

Napangiwi siya. “Alright, then.”

Tumagal ng ilang oras yung pagpapatattoo ko ng “For Hector Dela Merced” sa likod ko. Dalawang linya iyon at medyo cursive at maliit.

“Nag momodel ka ba?” Biglang tanong nung nagtatattoo habang iniinda ko iyong sakit.\

“Oo. Bakit?”

Medyo natahimik pa siya ng ilang saglit bago nagsalita.

“Pamilyar ka sakin. Mukhang nakita na kita sa isang body painting contest.” Aniya.

“Oo. Ako yun.” Tumawa ako at naalala ko nung highschool pa lang ako.

Marami na talaga akong gig noon. Iba-iba din ang trip nina Brandon kaya napapasama ako.

“Hindi ba si Clark Joson ang boyfriend mo?”

Nagulat ako sa tanong niya.

“Uh, ex ko na siya.”

“Wow! Akala ko nung una wala ng makakapagpahiwalay sa inyo! I mean, pareho kayong mukhang seryoso sa relasyon.”

HIndi ako kumibo. Hinayaan ko lang siyang magsalita dahil wala akong masabi.

“Well, kids. Bata pa naman kayo nun. Bata ka parin naman ngayon. Pero seriously, di ko inakala. Though I won’t ask for the details.”

“Paano mo nakilala si Clark?” Tanong ko kahit obvious ang sagot.

“Sikat siyang photographer tsaka hindi ba malaki din ang business nila?”

“Oo.”

Kalaunan ay hindi ko na napansin ang sakit. Namanhid na lang ang balat ko. Pakiramdam ko dumudugo na at sa sobrang sakit ay nahilo na ang utak ko sa pagrerecognize ng sakit.

Nang natapos iyon ay umuwi na agad ako ng bahay para matulog. Nakakapagod din palang umupo ng maayos para lang hindi masira iyong tattoo ko para kay Hector. Nakita ko na ito kanina pero hindi parin ako makapaniwala na permanent na ang tattoo’ng ito. Sa baba ng tattoo ay may manipis na feathers. Ang galing ng pagkakatira. Tama nga si Brandon, magaling nga ang lalaking iyon.

Nagising na lang ako sa tawag ni Hector nang nag alas singko na.

“Hello?” Sabay bangon ko.

“Papunta na ako sa inyo. Saan ka galing? Ba’t di ka nag rereply sa mga texts ko?” Tanong niyang medyo galit.

“Ah! Dito lang sa bahay. Nakatulog ako.” Sagot ko.

Balak ko sanang gawing secret muna ang tattoo’ng ito. Siguro saka na pag mahuhubaran niya ulit ako. Ngumisi ako sa sarili ko at mabilis na nag ayos.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako nang nakatayo na siya sa labas at nakahalukipkip. Seryoso ang kanyang mukha at sinalubong agad ako ng mainit na titig. Kumalabog ang puso ko at nag iwas na lang agad ako ng tingin. Kelan ba ako magsasawa na punahin na mala Diyos ang kanyang tikas?

Naka itim siyang three piece suit. Hindi ko pa siya nakitang ganito in person at sobrang gwapo niya. Gwapo nga siya kahit hubo’t hubad, gwapo parin siya pag balot. Yung totoo? Sinalo ba niya lahat ng kagwapuhan sa mundo? Napatingin ako sa damit kong medyo conservative. Sinadya ko para hindi makita iyong tats. Naka itim at sparkling knee length gown ako. Sleeveless ngunit halos round neck ang medyo mala victorian na design nito.

“What the? Wala na nga iyong sofa, Craig, wala pa yung TV? Asan na?” Tanong ko sa kapatid kong nakahiga na lang sa sala naming wala ng laman.

Nakakahiya kay Hector kasi di na siya makaupo sa sala namin dahil wala ng ni isang sofa.

“Bukas ateng, yung cabinet ko yung wala. Sa susunod na linggo baka ikaw rin, wala na dito. Unti-unti na naming nililipat ang mga gamit sa bahay.”

Kumulo ang dugo ko tuwing naiisip iyon. Paano kung bigla akong gutumin at bumili ako ng ulam sa karenderya para lang umuwi dito at malamang wala na rin kaming pinggan? Babasagin ko talaga ang mukha ni Craig at ni Teddy.

“Craig!”

Agad hinawakan ni Hector ang magkabilang balikat ko. “Hayaan mo na.” Malambing niyang sinabi.

“Ay ewan ko sa inyo! Ewan ko!” Sigaw ko at umirap saka lumabas sa bahay.

Sumunod na lang si Hector. Nang nakita niyang malapit na ako sa sasakyan niya ay agad niyang pinatunog iyon. Hinablot ko agad ang pintuan at pumasok sa loob. Nakangisi siya nang pumasok sa driver’s seat.

“Hayaan mo na. Pag nakalipat kayo, di ka naman titira sa inyo. Sa condo ka naman, e.” Aniya.

“Ewan ko sayo, Hector.” Umirap na lang ako habang humahalakhak siyang pinaandar ang sasakyan.

“Ang ganda ganda mo, Chesca.” Bigla niyang sinabi sa kawalan.

Napatingin ako sa kanya at mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko nang kita kong nasa daanan parin ang mga mata niya, seryoso at medyo mabigat.

“Thank you.” Nahihiya kong sagot. “Gwapo mo rin.” Dashing and godlike.

“Kaya lang gusto na kitang hubaran.” Humalakhak siyang bigla.

Binatukan ko na. Ang ganda na, e kaso umaandar iyong pagiging manyak niya.

Meron na akong susi sa condo niya. Alam ko na rin ang address. Sinabi niya iyon sa akin kagabi. Tantya ko ay sa gabing ito baka doon na nga kami pupunta. Kaso may pasok bukas at maaga kami kaya mahirap. Sana pala nagdala ako ng damit.

Ngumisi ako sa iniisip ko. Nakita kong luminga siya sa daan at sa mukha ko.

“Anong iniisip mo?” Nag taas siya ng kilay.

“Wala.” Ngumisi parin ako at tumingin na lang sa mga sasakyan sa labas.

Magarbo ang venue ng party. Nagulat ako dahil birthday party pala ito ng isang matandang lalaki. Ika-60 na ata noong matanda. Nang nakita ko ang isang picture ng may birthday ay nalaman ko agad kung sino iyon. Ito nga iyong lalaking kausap niya sa beach.

“Ito ba yung investor na sinasabi mo, Hector?”

“Oo, e. Iyan ni Tito Thomas. Rodolfo Aragon.” Aniya.

Tumango ako. “Whoa? Kaya pala medyo pamilyar. Ibig bang sabihin nito ay nandito sina Tita Lina at si Tito?”

Nagkibit balikat siya at may iilang taong tinanguan niya habang papasok kami sa engrandeng venue. “Wala ata.”

Napansin ko ring may mga grupo ng lalaki ang napapatingin sa amin, sa akin. Alam kong pansin din iyon ni Hector kaya agad niyang kinuha ang kamay ko at mahigpit iyong ikinapit sa kanyang braso.

“You… are mine. All mine. Kahit mag damit ka ng maganda para makita nila, you will remain a public temptation.” Bulong niya sakin.

Kinilabutan ako doon at laking gulat ko pa nang may biglang tumapik sa likod niya.

“Hector Dela Merced!” Sigaw ng isang di ko kilalang medyo middle-aged man.

“Mr. Mendoza!” Tumawa siya at nakipagkamayan sa lalaking iyon.

Marami silang pinag usapan. Marami ding sumali sa usapan nila at mukha parehong mabibigat na tao. May isa pa nga akong namukhaang senador doon. Hindi ako makapaniwala! Napapalibutan kami ng mga bigatin!

“I expect you know that businessman from Alegira, too?” Tumaas ang kilay ng isang babaeng medyo matanda na na kumakausap kay Hector.

“Opo. Magkaibigan kami nun. By the way…” Hinigit ako ni Hector palapit sa kanya at ipinakita sa mga kausap. “This is my fiancee, Chesca Alde.”

“Oh! Nice to meet you. Ganyan ba talaga ang mga heir ng malalaking farms? Laging maagang nag aasawa?” Nagtawanan sila.

Ngumiti din ako at nakipagkamayan sa kanila.

Ilang beses niya pa akong ipinakilala as his fiancee. Nang sa wakas ay nilapitan kami ng lalaking nag birthday…

“HECTOR, boy!” Sigaw niya at niyakap si Hector sabay tapik sa balikat nito. “Thank God pumunta ka! Akala ko ay busy ka!”

“Kahapon lang po. Umuwi ako ng Alegria. By the way, happy birthday tito!” Sabi ni Hector.

Tumango ang matanda at nagpasalamat.

Sa dami ng bisita ay hindi na siya nagtagal kay Hector. Laging may tumatawag sa kanya at palagi niyang dinadaluhan ngunit binalikan niya si Hector na may kasamang isang babae at tatlong lalaki.

“May we call our celebrant, Mr. Rodolfo Aragon.” Dinig na dinig ko ang emcee na nagsalita.

Mabilis ding umalis si Mr. Aragon para pumunta sa harap.

“Hi Hector!” Nakita ko iyong babaeng may dimple na nakita ko rin noon sa beach.

Naka long gown siya at sobrang kita ang kanyang cleavage. Hindi ako makapaniwala na si Hector lang ang tinitingnan niya at mukhang hangin lang ako sa tabi ni Hector dito.

“Hello, Elena.” Ngumisi si Hector.

Ngumiti si Elena at bumalandra agad ang kanyang dimples.

“Doon tayo umupo sa table na iyon.” Sabay muwestra niya sa mesang malapit sa harapan.

Sumama din ang tatlong lalaki na kanina pa tingin nang tingin sa akin. Sumunod na lang kami ni Hector kay Elena at umupo doon sa table na sinabi niya.

“Siya yun.” Sabi nung isang lalaki sa isang malakas na boses. Namataan ko pang itinuro niya ako ngunit binalewala ko lang.

“By the way, Elena. This is Francesca Alde, my fiancee.” Nakangiting sinabi ni Hector.

Naglahad ako ng kamay at hindi ako makapaniwalang nabura ang ngiti sa labi ni Elena dahil sa sinabi ni Hector. Hindi man lang siya nag abala na kunin ang kamay ko.

“Fiancee? I thought she’s just your date for tonight?” Medyo tumaas ang tono ng boses nung babae. Kitang kita ko ang dimples niyang lumalabas hindi dahil sa pagngiti kundi dahil sa mariing pagbigkas ng mga salita.

“Fiancee ko si Chesca.” Pag uulit ni Hector.

“I knew it!” Biglang idiniklara ng lalaking nasa harapan.

Medyo mataba siya at singkit. Itinuro niya ako.

“Chesca Alde or FHM? I’ve seen your sexy pics all over the magazine, baby.” Kumindat siya sa akin at dinilaan niya ang kanyang labi.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Oo! Tama ka dude!” Dagdag nung payat.

“What are you talking about, Jules?” Tanong ni Elena.

Pakiramdam ko naubusan na ako ng dugo sa mukha. Lalo na nang naramdaman ko ang pagkalas ng hawak ni Hector sa kamay ko.

“You… You what? Chesca?” Tanong niyang mariin.

“Yung nasa FHM? Yung model!? Bago! Kasunod nung Korean na sobrang hot? Eto yun, e! Chesca Alde, diba? Naka two piece ka dun at nakataas ang dalawang kamay mo. Shit! Di ko alam na mamimeet kita dito, Miss Chesca Alde.”

Mabilis na ang hininga ko at tiningnan ko si Hector na nakatingin sa akin at nag aapoy sa galit.

“Hector? Your fiancee is a sexy model? Hubo’t hubad ba, Jules?” Natatawang tanong ni Elena sa lalaki.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 64

Kabanata 64

Stay

Masaya kaming bumalik sa Maynila. Hindi ko nga lang alam kung kasama ba si Clark at Janine sa mga masasaya. Pareho kasi silang mukhang pagod nang umalis kami. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari dahil nagkahiwalay din kaming lahat. Sila ay kay Clark sumakay. Samantalang sumabay naman ako syempre sa boyfriend kong si Hector.

Masaklap kasi na spoil na naman ang kanyang pagiging sira ulo sa sasakyan dahil hindi sumama si Oliver pag balik. Aniya’y miss niya na daw ang pamilya niya kaya doon muna siya hanggang sa magresume ang classes ngayong Wednesday.

“Chesca, lumipat na kayo sa bahay.”

Umiiling na ako sa offer ni Hector.

Kanina niya pa ito ipinagpipilitan kaya lang hindi ako pumapayag dahil nakakahiya naman sa kanila na doon na ulit kami sa bahay namin dahil ipinangalan iyon ni Hector sa akin.

Naabutan namin si Craig na umiinom ng malamig na tubig sa ref at topless na tinitigan kaming dalawa.

Tumaas ang kilay niya. Oo nga pala… Hindi niya alam na nagkabalikan kami kahit na mukha namang nag aala Madame Auring na sila ni Teddy noon sa panghuhula na magkakabalikan nga kami.

“Nagkabalikan na kami.” Balita ni Hector kay Craig.

Tumango si Craig at nilagok ang tubig.

“Where’s the sofa?” Napatanong ako nang uupo sana ako sa sofa namin ngunit wala doon.

“Dinala ni Teddy.” Ani Craig.

“Saan?” Tanong ko.

“Sa… Sa bahay! Aha! Alam niyang nagkabalikan kayo kaya ba ayun na siya at dinala na halos lahat ng gamit niya sa bahay!? Akala ko talaga nagbibiro siya at lumalayas, e!” Tumawa si Craig.

“WHAT?”

Nilingon ko si Hector at nag iwas siya ng tingin sa akin. Oh great! Hindi na kailangan ang opinyon ko dito. At dahil manggagamit ang pamilya ko ay lagi nilang nimamaximize ang resources.

“Sayang naman ateng kung di natin titirhan ang bahay. Sino titira doon? Mga multo? Hindi mo ba namimiss ang terrace nating overlooking ang skyscrapers ng QC?”

Pinandilatan ko ang natatawang si Craig.

Dumiretso na lang ako sa kwarto at sumunod din si Hector.

“Hector! Sa labas ka lang!” Sigaw ko sa kanya.

“O? Bakit? Tayo na naman, ah?”

“Kaya nga mas lalong sa labas ka lang!”

Baka mamaya ay may mangyari pa saming dalawa kung isasama ko siya dito sa loob. Ngunit hindi mapigilan ang mokong. Humalukipkip siya at umupo sa kama ko.

“You undress yourself, Chesca.”

Nalaglag ang panga ko.

“Sige na. Magbihis ka na.” Utos niya at pinanood ako.

“Tumigil ka! Adik!” Sabi ko.

“I’m waiting. Come on.”

“Ayoko nga!” Inirapan ko siya at naisipang ang isang bagay. Umupo ako sa tabi niya. “Teka nga, saan ba ang bahay niyo?” Tanong ko.

“Wala kaming bahay dito, Chesca.”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Sa condo ako nakatira.”

“Whoa? Talaga? Paanong ang isang Dela Merced ay walang bahay sa Maynila?”

“Magkakaroon pa lang. May binili akog bahay sa kabilang subdivision. Kino construct pa lang.” Aniya.

“Bakit wala kayong bahay dito?”

“Ayaw ni lola dito sa Maynila kaya yung mga bahay ng parents ko ay pinagbili niya. Ayaw din naman ng parents ko dito kaya pumayag din sila.”

“Paano kung pupunta ang tito mo dito sa Manila? Si Tita Carolina? Lola?”

“Yung condo ay kay lola pero hindi niya naman dinadalaw kaya doon ako tumutuloy. Si tito naman ay may bahay dito sa kabilang subdivision. Kaya lang ay may nakatira doong mga kamag anak niya.”

Tumango ako. “Ikaw lang ba mag isa sa condo.”

“Oo.” Ni head to foot niya akong bigla.

“Sinong nag lilinis? Sinong nagluluto?”

“May option naman na housekeeping. Tsaka minsan ako lang din. Unless gusto mong lumipat at ipagluto ako?” Ngumisi siya at inakbayan ako.

“Ano ka? Wala akong alam sa gawaing bahay kaya wag ka ng mag expect.”

Tumawa siya. “Oh edi pag tayong dalawa na sa kama ka na lang lagi.”

“Tumigil ka nga!” Ngumisi ako at kinurot siya.

“So? Ikaw lang talaga sa condo? Mag isa? Buong anim na buwan na wala ako?” Tanong ko.

“Oo. Pero madalas si Oliver doon tsaka si Leo.”

“Leo?” Napatanong ako.

“Yung kuya ni Harvey.” Nanliit ang mga mata niya.

Ngumuso ako.

“Anong meron kay Harvey at bakit parang kumikislap iyang mga mata mo pag nandyan siya o nababanggit man lang?”

“Ano? Anong kumikislap? Ang OA mo!”

“Hindi, e. Meron talaga.” Tinitigan niya ako.

Masyadong mabigat ang titig niya at hindi ko magawang tumitig pabalik kaya nag iwas na lang ako ng tingin.

“Ano naman yun?” Uminit ang pisngi ko.

“Basta. Ewan ko. Nagagalit ako.” Aniya.

Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin, ngayon, mas mabigat at mas mainit.

“T-Tumigil ka nga, Hector!” Tinulak ko siya ng bahagya dahil palapit na ang mukha niya sa tainga ko.

“Pag nagagalit ako, gusto kong iparamdam sayo lahat ng karapatan ko.” Bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko. Sa bulong niya pa lang ay nalalasing na ako.

“Naiirita ako, e. Sa lahat ng lalaking tinitingnan mo. Baka isang araw ay may bigla na lang akong masuntok kasi tinitingnan mo.” Aniya at humalakhak.

Sinapak ko na at agad lumayo sa kanya. Baliw talaga ang isang ito!

Ngumisi siya at agad akong hinila palapit sa kanya.

“Ano ba, Hector! Bitiwan mo nga ako!” Sabi ko sabay bawi sa kamay ko.

Ngunit hindi niya ako binitiwan. Imbes ay hinawakan niya ang magkabilang pulso ko at ibinaon niya iyon sa kama habang kinukulong niya ang mga binti ko sa nakabahagi niyang hita.

“You’re trapped.” Tumawa siya.

Pumiglas ako at nanlaban ng palaro sa kanya. Kinagat niya ang kanyang labi habang tinitingnan akong tumatawa.

Hinawakan niya ang dalawang pulso ko sa iisang kamay. Akala ko mas madali akong makakawala ngunit nagkakamali ako, malakas parin talaga siya.

Kiniliti ako ng isang kamay niya kaya nabaliw ako at tumadyak at nangisay sa kama.

“OMG! Please, tama na! Please!” Sigaw ko sabay tama.

“Uh-huh.” Bulong niya sa tainga ko sabay halik.

Pati iyon ay nakakakiliti kaya napatili ulit ako.

“Sarap pakinggan ng tili mo.” Bulong niya ulit.

Kahit wala siyang kinikiliti ay nakikiliti ako. Ewan ko ba.

Humalakhak siya. “Ayoko na nga. Baka di ako makauwi!” Aniya sabay pakawala sa akin.

Umismid ako ng palihim at kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siya sa ibabaw ko. “Bakit? Busy?” Ngisi ko.

“May meeting ako bukas sa kasosyo ni tito. Yung kapatid niya.” Aniya.

Tumango ako.

“Sana ma close ko iyong deal.”

Nagulat ako. Marami siyang alam tungkol sa akin. Alam niya halos lahat ng tungkol sa akin pero ako ay walang alam sa negosyo niya. Not that I can help him or something, pero pakiramdam ko ay karapatan kong malaman ang lahat. Wala naman siyang inililihim ngunit pakiramdam ko ay nagkulang ako sa pagtatanong.

“Anong deal iyon?” Tanong ko.

“Expansion ng rancho. Balak ko kasing bilhin yung katabi ng dulo ng lupain.” Aniya.

“Alin? Yung sa mga Buenaventura, ba?”

Umiling siya. “Hindi, yung nasa Camino Real. One fourth ng lupain namin ay nasa Camino Real na. At may 20 Hectares doon na ibinibenta sa tabi.”

“Anong gagawin mo sa 20 hectares? Hindi ka pa ba nagsasawa sa ekta ektaryang lupa niyo?”

Umiling siya at ngumisi. “Balak kong makipag sosyo sa Tiyo at Papa mo. Yung organic chicken? Imamarket ko.”

“Poultry? Hindi ba may poultry kayo sa rancho? Hindi ba kasya doon?” Napatanong ako.

“Oo pero gusto kong ilagay doon yung organic chicken. Papataniman ko rin ng mais at palay. Tsaka marami pa akong balak.”

“Ano yung deal na iko close mo sa ka meeting mo bukas?” Tanong ko.

“May ari kasi sila ng malaking food corp na nag fo focus sa meat. Kaya gusto ko sana yung organic chicken ay ma market nila.”

“Hindi ba pwedeng sa dating food corp niyo na lang ilagay?”

Umiling siya. “Mas madaming koneksyon, mas maganda.”

Hindi ako makapaniwalang marami na siyang naiisip na ganito. Pakiramdam ko tuloy ay puro love life ang inaatupag ko dahil ang pinakamalayong pag iisip ko ay iyong mga tungkol lang sa aming dalawa. Mas lalo akong humanga sa kanya. Nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

“Ba’t mo kinakagat yang daliri mo?” Tanong niya.

Tinigilan ko iyon at nginitian siya.

Yumuko siya at ramdam ko ulit ang dibdib niya sa dibdib ko. Ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko. Damn, I’d give the world for him. Lahat. Kahit ano, pwede niyang gawin sa akin. As long as he’s mine. Pumikit na lang ako nang naramdaman kong naglapat ang labi namin. Mahina iyon at marahan.

“Holy shit…” Bulong niya. “Ang bilis ng pintig ng puso ko.”

Ngumisi ako at pinaulanan niya ako ng maiinit na halik.

Ni hindi ko na nga namamalayan na ganun din ang nararamdaman ko. Parang natural na lang sa akin na ganun ang maramdaman kaya yung puso kong nag aalburoto ay naging isang hobby ko na lang.

“I love you so much, Francesca Dela Merced. One day, hindi lang halik ang itatanim ko sayo.” Humalakhak siya sa napapaos na boses.

It was sexy as hell. I cannot.

Tinulak ko siya at tinitigan ko ang natatawa niyang gwapong mukha. Damn it! Kailan ako masasanay sa kagwapuhan niyang mala diyos? Pakiramdam ko ang swerte ko. Pinagpala talaga yata ako dahil sa dami ng kasamaang nagawa ko ay binigyan parin ako ng tulad niya.

“Anong itatanim mo?” Tanong ko.

Pinilit niyang humalik sa akin kahit na tinutulak ko ang dibdib niya. Pahapyaw na halik lang ang nagagawa niya dahil panay ang tulak ko sa kanya.

“Ano, Hector?”

Humalakhak na naman siya sa isang mainit na boses. “Do you really wanna know?”

“Ano sabi?” Tinaas ko ang kilay ko.

Hinayaan ko siyang lumapit sa akin. Magkadikit na ang dibdib naming dalawa nang inilapit niya ang labi niya sa tainga ko.

“I’ll plant a bomb, Chesca. At sasabog yun.” Humalakhak siya.

Tinulak ko siya agad. “Gago!” Sigaw ko.

“Sasabog yun… di pa ako tapos-“

Magsasalita sana ako ngunit mariin niya akong siniil ng halik. Isang halik na nakapag paungol sa akin. Hinila ko ang kaluluwa ko pero hindi ko na iyon mahanap. Tuluyan nang nilipad ng halik na iyon.

“After nine months. Are you cool with that?” Humalakhak siya.

Kinurot ko ang baywang niya.

“Aw!” Inda niya ngunit ngumiti parin. “And you won’t have a choice but to marry me.”

Oh, Hector! Kahit naman hindi tayo magkakababy ay papakasalan parin kita. Wag lang muna ngayon.

“Baliw ka ba?”

Ngunit nang nilapat niya ulit ang kanyang labi sa akin, pababa sa leeg ko, sa collarbone, sa dibdib ay nawalan na ako ng boses. Hindi ko na mahagilap ang mga salita.

“Bahala na nga yung meeting.” Aniya habang hinahalikan ako. “At oo, Chesca, baliw na yata talaga ako. Sobrang baliw ko sayo. Pakiramdam ko pagkatapos ng mga nangyari sa atin, mababaliw ako pag di tayo nagkatuluyan. So you stay if you don’t want me crazy. If you want me yours.” Bulong niya habang tinatanggal ng marahan ang bawat piraso ng damit ko.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 63

Kabanata 63

Desisyon

Kinaumagahan ay nagulat ako nang napag desisyunan na pumunta daw muna kami ng Tinago. Ngayon ay para maligo, hindi para interviewhin ang Tito ni Hector. Iyon daw ang huli naming gagawin bago sila bumalik ng Maynila mamayang hapon.

Syempre, pumayag ang lahat. Ngunit di ako sigurado kung pumayag nga ba si Clark at si Janine dahil pareho silang napipilitan lang. Naging malupit ako kay Janine noon pero iba pala yung pakiramdam na sina Desiree at Tara na ang naging malupit sa kanya.

“Iksi ng shorts mo. Sige, push mo yan.” Maarteng utas ni Tara sa kanya.

Nakasimangot si Janine at agad nag palit ng damit. Umismid ako kay Tara dahil sa nangyari ngunit ipinagkibit balikat niya lang ito.

“Hayaan mo siya. Number one rule yun sa friendship natin na walang traydoran. Pero nagtraydor siya. Kulang pa yan.” Aniya.

Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga lalaki na naligo sa Tinago falls. Gusto ko ring maligo. Lalo na nang nakita ko si Tara at Desiree na nagmamadaling tumakbo at tumalon sa falls. Nagtawanan ang mga boys. Hmm, nagustuhan nga nila iyon, e. Syempre, nakabikini ba naman yung dalawa.

Naramdaman ko ang kamay ni Hector sa baywang ko. Naka shorts at racerback ako habang pinapanood ko ang mga kaibigan kong lumalangoy sa falls.

“Bawal mag tanggal ng damit.” Bulong ni Hector sabay kurot ng marahan sa pisngi ko.

Umismid ako. “Ano? Ganito ako maliligo?”

Tumikhim siya. “Ayaw ko talaga ng nakikita ng ibang tao ang balat mo.”

“Hector, I have your mark all over me. Kahit sa noo ko may Hector Dela Merced na nakalagay. Lahat ng tao dito, pati mga hayop, alam na sa iyon ako. No one would dare…”

Umiling siya. “Malaki ang mundo, Chesca. And I don’t own the whole of it. Hindi ko pag aari ang isipan ng ibang tao kaya hindi ko mapipigilan ang pagnanasa nila sayo.”

Umiling ako at ngumisi. “You are crazy. Wala ka bang tiwala sa akin?”

Napatingin siya sa akin.

“Hindi ako maaagaw ng iba, Hector. Kahit na ilan pa ang magkagusto sakin, ikaw parin yung pipiliin ko.”

Natahimik siya at tinitigan ako from head to foot. Tinanggal niya ang kanyang tshirt at halos mapaungol ako sa pag iwas ko ng tingin. Palaging toned ang muscles niya. Bigla niyang hinaplos ang pisngi ko at hinarap sa kanya. Kaya naman kitang kita ko ulit ang katawan niyang nakabalandra sa harap ko.

“Why are you looking away?” Kumunot ang noo niya. “Hindi mo naman ito first time.”

Yeah, right! Hindi nga. Pero tuwing nakikita ko ang katawan niya ay lagi akong kinikilabutan. That burning abs and that straight, tight, and hot adonis belt. I cannot.

“Oh?” Winala ko ang usapan. “Kung ayaw mong mag two piece ako, edi ba’t ka naghuhubad?”

Walang pasubaling hinubad ko ang racerback ko. Hindi ko na hinubad ang shorts dahil kitang kita ko na ang pag iigting ng panga niya. Tumawa na lang ako sa reaksyon niya.

“Chesca! Isoot mo yun!” Aniya sabay turo sa kakatapon lang na racerback ko.

Umiling ako at tumawa habang tumatakbo patungo sa Tinago.

Kumunot ang kanyang noo at sinundan ako sa pagtakbo. Nagtilian ang mga kaibigan kong nasa Tinago. Umilag pa sina Desiree nang bigla akong tumalon ay lumangoy sa gitna dahil masyado na akong kinakabahan sa kay Hector.

Hinilamos ko ang tubig sa talon at nilingon ang kakadive lang na si Hector. Mas lalong bumilis ang kalabog ng puso ko. Nangangatog ang binti ko hindi dahil malamig kundi dahil alam kong mapupunta siya dito mayamaya.

“AHHHH!” Sigaw ko sabay tawa nang nakita ko ang katawan niya sa ilalim ng tubig.

Sinubukan kong lumayo at lumangoy ngunit huli na ang lahat. Hinawakan ni Hector ang hita ko sa ilalim ng tubig kahit di pa siya nakakaahon!

“HECTOR!” Sigaw kong umalingawngaw sa buong Tinago.

Dahil doon ay nahagip ng mga mata ko ang mga natigilang pamilyar na mukha sa akin. Mukhang kararating lang nila sa Tinago. Kumaway agad si Mathew na may dalang bag at tuwalya.

“San si Hector!?” Tanong niya sa akin.

Pumikit ako nang nanunuyang hinaplos ni Hector ang hita ko pataas bago umahon. Hindi ko na ata kailangang sagutin ang tanong niya dahil sumalida na si Hector sa harap ko. Nakita ko ang seryoso niyang mga mata kaya itinuro ko si Mathew para sana makalimutan niya yung nangyari.

“Si Mathew, oh!” Sabay turo ko.

Hindi niya nilingon.

“Hala! Nandun din sina Kathy, Koko, Abby, at Harvey.” Sabi ko nang nakita ko halos lahat ng kagrupo ni Hector noon.

HIndi parin siya lumingon sa kanila. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

“Ah! Okay! Alam na!” Tumatawang sinabi ni Mathew at kumaway na nang nakahanap na si Harvey ng bakanteng cottage at doon na sila nagpunta.

Kitang kita ko ang nananatiling titig ni Kathy sa aming dalawa ni Hector. Kaya lang wala na akong time para punahin lahat ng ginagawa nila dahil hinaplos na ni Hector ang baywang ko pabalik balik. Great! Don’t turn me on here, Hector!

Hinawakan ko ang kamay niya. Nagtaas siya ng kilay.

“May shorts pa naman ako. This is safe, Hector.” Sabay tingin ko sa pang itaas ko.

“May karapatan na ako sayo, Chesca.” Ngumuso siya at bumuntong hininga. “Pero sige ba. Kung gusto mo ng ganito, no problem with me.” Aniya at agad pinulupot ang kanyang mga bisig sa akin.

Niyakap niya ako sa likuran at ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya at mas lalo niyang idiniin ang kanyang sarili sa akin.

“Kelan kaya ako titigil sa pagigig selfish ko sayo? Tingin ko, hindi e. I can let go of so many things… But not you. Fuck I will never…” Aniya sa collarbones ko.

Ngumisi ako at pumikit. I can never let go of you, too, Hector.

“Hmmm. Pati ang rancho?” Tumawa ako sa tanong ko.

Sinusubukan ko kung hanggang saan nga ba iyang mga sinasabi niya.

“Pati ang rancho.” Pag uulit niya. “Iyo na iyon. Mula nang naging iyo ako.”

“Ang swerte ko naman.” Tumawa ako dahil para sa akin ay kahibangan iyon.

“PDA kayo masyado!” Sigaw ni Desiree sa malayo.

Tumawa na lang kami ni Hector. Ngunit agad ko siyang nilayuan nang bigla kong naramdaman ang kamay niya na pababa sa gitna ng hita ko.

“HECTOR!” Uminit ang pisngi ko at binasa ko siya ng tubig.

Humagalpak siya sa tawa at sinubukan niyang lumapit ulit sa akin.

“DAMN! Gago!” Sigaw ko at umalis na agad sa kahihiyan kahit wala namang nakakita o nakahalata.

Tumawa na lang siya habang sinusundan ako.

Ang adik nito! Grabe! Hindi ko na alam anong gagawin ko sa kanya! Tumili ako nang naabutan niya ako at agad na niyakap galing sa likod. Tumadyak tadyak na lang ako at tumili dahil sa ginagawa niya. Nagawa niya pang kilitiin ako ng husto. At dahil hindi ako makawala sa bisig niya ay nagwawala na ako sa tubig.

“SHIT! HECTOR!” Sigaw ko sabay sapak sa kanya kung saan saan.

Tumawa lang siya at tinigilan iyon. Hinila niya ako at niyakap ulit sabay halik sa ulo. Hinahabol ko pa ang hininga ko at siya naman ay humahalakhak sa tainga ko.

“Mahilig talaga ako sa Chesca na nag mumura, sa Chesca na nagtataray, sa Chesca na umiirap, sa Chesca na sobrang arte, sa Chesca na mabango at malambing. Holy shit, di ko na alam. Kung pwede lang itali kita sa katawan ko para tuwing naglalakad ka ay di ka makakalayo sakin.”

Kinurot ko ang braso niya. “You are too selfish, control freak, and bossy, Hector.”

“Kasi alam kong hindi kita mahahawakan sa palad ko, Chesca. Hindi tulad ng mga materyal na bagay na pwede kong higpitan ang pagkakahawak para sakin lang iyon palagi. Dahil alam kong may pag iisip ka rin. Mahal na mahal kita.”

“Mahal din naman kita.”

Natigilan siya kaya napatingin ako sa kanya. Tinitigan niya lang ako ng ilang sandali bago nagsalita. “Paano kung dumating ang araw na hindi mo na ako mahal? Anong mangyayari sa akin? May matitira ba sa akin? Dahil wala ng natitira sa akin ngayon. Sayo ako ng buong buo, sinasamba kita at pakiramdam ko inialay ko na ang buong pagkatao ko sayo. What am I going to do if you decide that you don’t love me?”

“I won’t decide, Hector. It’s not a decision-“

“It’s a decision, Chesca. Nalaman ko na tumitibok ang puso para sa mga taong mahal natin. Tumitibok ito ng husto para sayo. Pwede akong magdesisyon na balewalain ito dahil nagkasakitan tayo, pero hindi, e, ang desisyon ko ay angkinin ka. Not just today, I want you everyday, for the rest of my life.”

Ngumisi ako sa sinabi niya.

That was deep. Hindi pa ako umabot sa mga realizations na ganyan ngunit siya ay mukhang marami ng naisip. Ni hindi ko masyadong pinag tutuunan ng pansin ang lahat. Ang tanging naging gabay ko sa aming dalawa ang ang feelings ko para sa kanya.

“Nung una, alam ko ng bawal ka. Na hindi ka pwede dahil sa history ng pamilya natin pero desisyon ko ang kilalanin ka. Oo nga’t hindi ko desisyon ang mahumaling sayo. Ang pabalik balik kang tingnan sa bawat pag kagat labi mo sa school noon. Pero hindi kita makikilala ng lubos kung hindi ako nagdesisyon na kilalanin ka. You see, Chesca, that’s a decision. Everything is a decision. Pero ang pag tibok ng puso ko para sayo, that was inevitable and spontaneous.”

“Okay, then, Dela Merced. I’m yours forever. Don’t ever doubt about that. That’s a decision. Pero tingin ko wala naman akong choice, e, dahil mahal talaga kita. Kahit na magdesisyon akong iwan ka ngayon, hindi parin kita maalis sa isip at puso ko!”

Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi. “That’s good. We’re on the same page. O baka mas nauuna ako sayo dahil gusto ko ng magpakasal.”

Kinurot ko na lang ang dibdib niya.

Loko talaga si Hector. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para lang ma assure siya na kaming dalawa sa huli. Na markado niya ang buong pagkatao ko.

Nang sumama ako kina Desiree at Tara sa pagligo at nag eenjoy ay lagi nilang nginunguso si Hector na nakikipag usap kina Mathew, Koko, at iba pa sa kanilang cottage.

“Sumusulyap siya dito once every, like, 15 seconds.” Ani Desiree.

Tumawa ako. “Hayaan niyo yan. Gago yan.”

“Swerte mo talaga, grabe! Paano mo yan nagagawa? I mean? Noon, si Clark ay parang baliw sayo. Ngayon si Hector Dela Merced. Grabe! Master!” Tumawa si Desiree.

Nilingon ko si Clark at nakita kong tulog siya sa cottage habang sa kabilang dako naman ay si Janine na nakikinig na lang sa iPad niya.

“Well, hanggang ngayon naman ay mukhang baliw pa si Clark sayo.” Ika ni Desiree.

Tiningnan ko silang dalawa at pareho silang nakatingin sa cottage nina Koko.

“Sino iyang chinito?” Sabay turo ni Tara kay Harvey.

“Harvey Yu.” Sabi ko.

Lumingon si Harvey sa amin at nagkatinginan kami. Ngumisi ako at kumaway. Ngumisi din siya at tumango.

“Ang gwapo niya, huh? Pero ka height lang ata kayo, Ches? Kaya di mo type?” Ani Desiree.

“Naku! Kung alam niyo lang! Type ko rin yun!” Tumawa ako.

Nagulat ako nang biglang sumalida si Hector sa paningin ko. Pumagitna siya at nanliit ang mga mata niya. Kumunot na lang ang noo ko. Nilingon niya kung sino ang tinitingnan ko at syempre ay nakita niya roon si Harvey. Bumaling ulit siya sa akin at napangiwi.

“Ikaw nga diyan, e, kausap mo na naman sina Kathy. Bahala ka!” Bulong ko sa sarili ko. Inirapan ko na lang siya at tumalikod na.

“Ay…” Biglang sabi ni Desiree. “Exit muna kami.”

“Ha? Bakit?”

“Susulong ata si Hector sayo. Naakit mo ata habang tinitingnan mo si Harvey.” Nagtawanan sila at bigla kong narinig ang pagsabog ng tubig.

Oh, he’s coming again to get me. Ayan. Sige, punta ka dito. Kung gusto mong angkinin ako, pwes ako rin, gustong gusto ko rin na ipakita sa lahat na ikaw ay pag aari ko. At lahat ng hahawak sayo ay trespassing. Humalukipkip ako at hinintay siyang umahon.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

End This War – Kabanata 62

Kabanata 62

Si Carolina at Si Francis

Niyayakap ko ang mga tuhod ko habang nakaupo sa gazebo. Malalim na ang gabi ngunit ayaw ko paring umalis doon. Unti unti kong naramdaman ang init ng katawan ni Hector sa likod ko. Mainit niya akong hinagkan. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Hinalikan ko ang tuhod ko habang pinupulupot niya ang kamay niya sakin.

“Nilalamig ka na. Balik na tayo?” Bulong niya.

“Sandali lang…” Sabi ko.

I want to feel him. Iyong kaming dalawa lang talaga. Iyong walang nanggugulo. Walang problema. Naramdaman ko ang nakakakiliting hininga niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang unti unting pag gapang ng kamay niya sa tiyan ko. Napapikit ako dahil doon.

“Hmmm. Nararamdaman mo parin ba ako?” Bulong niya.

Gusto kong mag kunwari na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero nang tinanong niya iyon ay hindi ko maipagkakailang alam ko agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Mas lalo kong pinagdikit ang mga binti ko ngunit mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

“We did it thrice, Hector. How can I not feel you?”

Humalakhak siya. “Gusto ko lagi mo akong nararamdaman. Palagi, Chesca, Palagi.”

Huminga ako ng malalim. Masyado akong nalalasing sa boses niya kaya kailangan kong hawakan ang sarili kong kaluluwa tuwing malapit siya sa akin at nagsasalita siya. Ni hindi ko nga alam kung paano namin nagawang pangatlo ngayong gabi. Siguro ay masyado ng maraming nangyari at kulang ang isa. Oh, damn it!

“Pero nung una pa lang, ramdam ko na naman agad.” Ngumuso ako lalo na tuwing bumubuhos sa akin ang buong alaala ng nangyari. “Paano kung mabuntis ako?”

Hindi naman sa hindi safe iyong ginawa namin. Lagi kong sinisigurado na safe iyon, kaya lang hindi ko maiwasang magtanong.

“Edi mas mabuti!” Humalakhak siya.

Kinurot ko ang braso niya. “Hindi yan mabuti! I’m still nineteen, Hector!” Wika ko.

“But I love you.”

Uminit ang pisngi ko. “Pero hindi pa ako ready, Hector.”

“Edi hihintayin ko kung kelan ka magiging ready. Pakasal muna tayo tapos hintay tayo kung kelan ka ready. Ayos yun!” Ngisi niya.

Napangiwi ako at napatingin sa kanya. “I’m still nineteen and I’m a model for God’s sake.”

“Model din naman ako. So what?”

Umiling na lang ako.

HIndi ko alam kung hindi niya ba naiintindihan ang gusto kong iparating o mas pinili niyang mag bingibingihan na lang.

“Hmmmm… Anong iniisip mo?” Bulong niya sa tainga ko nang nanahimik ako.

Nagulat ako nang hinalikan niya ang likod ng tainga ko. Mga halik na nakakapukaw ng damdamin. Iyong tipong hindi ka papakawalan hanggat di ka nag iinit. Kinagat ko ang labi ko at pinilit kong tumayo.

“Hector!” Sigaw ko.

Humahalakhak siya at tumayo na rin kasama ko. Hindi parin ba siya tapos? Nang tinitigan ko siya ay kitang kita ko ang gumuguhit na alab sa kanyang mga mata. Dahil doon ay hindi ko maiwasang mag alab din ang kaloob looban ko. That was all that it takes. Iyong mga mata lang niya ang kailangan ko para bumigay din.

Naglalakad na kami pabalik ng mansyon. Ang ganda pala talaga ng rancho. Nakakatakot nga lang sa gabi dahil masyadong madilim. Iyong bawat sulok lang ng mga farm ang may ilaw. Sa gitna doon ay wala na. Ngunit tuwing walang ilaw ay kitang kita mo ang mga bituin. At ang nagsilbing liwanag sa paglalakad naming dalawa ay ang full moon. May naaalala tuloy ako.

“Full moon din noong una natin.” Aniya.

Naaalala niya rin pala. Hindi ako umimik. Magkahawak ang kamay naming dalawa habang nilalandas ang buong rancho.

Nang malapit na kami sa mansyon ay nakikini kinita ko na silang lahat. Naroon pa ang ibang ranchero nina Hector at mukhang kanina pa kami pinaghahanap.

“Hector! Where have you been?” Sumugod agad si Tita Lina sa amin.

Mabilis ang lakad niya ngunit unti unti ring humina nang nag baba siya ng tingin at naaninag niya ang magkahawak naming kamay. Lumapit ang mga ranchero na may dalang sulo. Nakakabayo pa ang iba habang lumalapit sa aming dalawa. Walang ni isang gumalaw sa mga kaibigan ko. Nakita ko na lang na tumalikod at nag mura si Clark.

“Akala namin nawala na kayo sa rancho?! O baka kinidnap or something!” Unti unting napalitan ng ngisi ang pag aalala ni Tita Lina. Sumulyap siya sa akin at kumindat.

Hindi ko magawang ngumisi sa kanya dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko kahit na wala silang nakita ay may clue sila kung ano ang ginawa naming dalawa at bakit ginabi kami.

“Tita, pag aari ko ang rancho na ito. Dito pa ba ako mawawala?” Natawa si Hector.

Umiling ang tita niya. “You spoiled… Ugh! I’ll call your tito! At umiiyak na si mama dahil sa pagkawala ninyong dalawa. Excuse me…” Aniya sabay kuha sa cellphone niya.

Nagpasalamat si Hector sa mga ranchero. Kinabahan tuloy ako. Inisa isa ko silang tiningnan. Mas lalo akong kinakabahan tuwing may tumititig sa akin. Siniko ko si Hector.

“Hector, paano kung may nakakita sa ating ranchero?” Bulong ko.

Ngumisi siya at nilapit ang kanyang labi sa tainga ko. “Edi makita niya. Nang malaman ng lahat kung anong meron tayo-” Humalakhak siya kaya kinurot ko ang baywang niya.

Agad siyang lumayo na tumatawa. Baliw! Sira ulo! Nakakainis! Inirapan ko siya at humalukipkip ako.

Nakita kong tumalon at medyo tumili si Tita Lina pagkatapos sumulyap sa amin. Nanliit ang mga mata ko. Si lola ba ang katawag niya? Malamang? Damn, I wouldn’t be surprised kung may lechon sa hapag mamaya.

Hindi nga ako nagkamali. May lechon sa hapag! Laglag ang panga ko nang nakita ko iyon na nasa lamesa. Tuwang tuwa ang mga lalaki maliban kay Clark na mukhang walang gana.

“Oh, hijo! Kumain ka na!” Sabi ni Tita Lina sa kanya.

Hindi umimik si Clark. Nakita kong sumulyap si RJ sa kanya at pabalik sa akin. Nag iwas na lang ako ng tingin. Ngayon ay sina Desiree naman ang nakatingin sa akin. Si Janine at si Clark ay parehong walang gana sa pagkain. Pinaglalaruan lang ni Janine ang kanyang lechon habang si Clark ay hindi talaga kumain.

“Chesca…” Sabay kalabit ni Desiree sa akin.

KItang kita ko ang ilang sa kanyang mukha. Nagkatinginan pa sila ni Tara bago nagsalita muli.

“May past pala kayo ni Hector?” Tanong nila nang nagkasarinlan kami.

Tumango ako ng marahan.

“Sinasabi ko na nga ba!” Sabi ni Tara. “May na se-sense na ako, e. Sa Maynila pa lang.”

Ngumisi ako.

“Ako yung na sense ko lang ay yung kay Janine. Grabe sobrang taray mo sa kanya. Parang lagi mo siyang binabara!” Sabi naman ni Desiree. “Ba’t di mo agad sinabi? Ayan tuloy!”

“Kasi… wala na iyon sa akin. Nung una hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo. Tapos kalaunan, wala na iyon. Kaso naiirita ako pag naglalandi si Janine. Lalo na kay Hector.”

Bumuntong hininga si Desiree. “Alam mo namang malandi talaga ang isang iyon, diba.”

Umiling ako. “Pero kahit kailan hindi ako nagduda sa loyalty niya sa akin. Sa atin. Kahit kailan hindi ko naisip na magagawa nila iyon.” Sumulyap ako sa kay Clark na nakatingin din sa akin.

“I know… And I’m sorry about it, Ches.” Utas ni Desiree.

“Alam kong di ka mamumutol ng communication ng walang dahilan. So this is the reason, huh?” Ani Tara.

Magsasalita pa sana ako nang biglang nagpakita si Janine sa hapag. Namumugto ang kanyang mga mata at mangiyak ngiyak pa siya nang nagpakita sa amin. Noong una ay akala ko aalis na siya. Ngunit nagulat ako nang umupo siya sa tabi ni JV para kumain.

“O? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni tita sa kanya.

Tumango naman si Janine at nagsimulang kumain ng mga pagkain. Nagkatinginan na lang kaming lahat at natigil sa usapan.

Pagkatapos ng hapunan ay napagdesisyunan ng mga boys na mag edit na ng video na nakuha galing sa tito ni Hector at sa papa ni Oliver. Magaling mag edit si Clark kaya siya ang pinagkatiwalaan nila. Kahit na hindi ito umiimik at mukhang laging galit ay medyo gumagaan naman ang tensyon dahil sa tawanan nina RJ, JV, Billy at Oliver. Si Hector naman ay abala sa pamimigay ng beer sa kanila para may mapagkatuwaan habang ginagawa ang pag eedit.

Pagkatapos kumain ay agad dumiretso si Janine sa kwarto niya. Pupunta na rin sana si Tara ngunit pinigilan siya ni Desiree.

“Bakit?”

“Hindi ko ata kayang makasama siya.” Sabi ni Desiree.

“Sa bagay.”

“Really. What if ako yung nasa place ni Chesca? Paano kung yung boyfriend ko ang inagaw niya?”

Kaya nagpasya kaming doon na lang muna sa veranda nina Hector tumambay. Dungaw namin ang mga boys na nag eedit sa labas at nag iinuman. Kitang kita ko na mukhang mapaparami na naman sila. Kumpara kagabi ay mas maraming inumin ngayon at mas ganahang uminom sina RJ dahil tapos na ang project namin.

Napag usapan namin kung paano kami nagkakilala ni Hector at paano nangyari ang lahat.

“Whirlwind relationship na nauwi sa wasakan at balikan?” Tumatawang sinabi ni Desiree.

“Of course, that wasn’t healthy yet. Yun mismong mga panahon na nahulog si Chesca sa kanya, hindi yun healthy. Kakagaling lang ni Chesca sa isang relasyon, Hindi pa nga lumalagpas ng three months, diba ay agad naging kayo? Kaya siguro medyo natitibag pa ang trust ni Hector noon. Unlike him, you’ve been with a man, Ches.” Paliwanag ni Tara.

“May point ka, Tara. I mean… Hindi naman sa pumapanig ako kay Hector, mali iyong ginawa niya pero may reason kung bakit nawasak yung tiwala niya sayo.”

“Wala rin akong tiwala sa kanya noon. He’s a Dela Merced and I’m an Alde. May issues sa pamilya na hindi ko kayang kaligtaan.”

Ilang sandali ang nakalipas ay nagulat ako nang may isang katulong na lumapit sa akin.

“Miss Alde, tawag ka po ni Donya.” Wika ng katulong.

Sigurado akong si lola iyon. Tumango ako at mabilis na tumayo para sumunod sa katulong. Iginiya niya ako sa isang malaking kwarto na may veranda. Punang puna ko ang mamahaling muwebles na naroon. Kitang kita ko rin si Lola na nakatingin sa mga frame na nasa ibaba ng piano.

Sinarado ng katulong ang pinto kaya kaming dalawa lang ni lola ang naroon. Nagsalita siya kahit hindi niya pa ako nililingon.

“Masaya ako dahil nagkabati na kayo sa wakas ng apo ko.” Aniya.

Naglakad ako patungo sa kanya. Nilingon niya ako at kitang kita ko ang pangingislap ng mga mata niya dahil sa luha. Niyakap ako ni lola at niyakap ko rin siya pabalik.

“Ngayon, siguro mas kilala niyo na ang isa’t isa.” Aniya.

Tumango ako at pumikit sa kanyang dibdib.

Ah! Pakiramdam ko lola ko na rin siya. Hindi naman talaga ako yung tipong mabilis gumaan ang loob sa mga tao pero kay lola, magaan talaga ang loob ko.

“Sorry po.” Untag ko. “Sorry sa lahat ng nangyari.”

“Don’t be sorry. Alam mong mahal ko ang apo ko pero hindi ko ipagkakaila ang mga kasalanan niya. Chesca, nung una pa lang, alam kong ikaw na talaga ang para sa kanya.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung anong idudugtong doon.

“Matalik kaming magkaibigan ng Lola Siling at Lolo mo noon. Gusto ko nga sanang si Lina at si Francis ang magkakatuluyan.”

Nanlaki ang mga mata ko.

Tumango si Lola. “Oo. Pasensya na pero ipinilit ko iyon. Si Carolina, ang babaeng anak ko, gusto kong ang papa mo ang makakatuluyan niya. Hindi naman umaangal si Lina. Masunirin siya kumpara sa papa ni Hector. Gusto din iyon ni Siling. Gusto niyang silang dalawa. Ngunit… yung papa mo? Si Francis?” Umiling si lola. “Galit siya. Ayaw niya.”

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko inakalang may ganitong istorya sa likod ng lahat.

“Ayaw niya kay Lina.”

“B-Bakit?” Hindi naman sa gusto kong maging sila pero nakaka curious.

Nagkibit balikat si lola. “Simple lang. Si Michelle ang mahal niya.”

Wala ba talagang rason? Pwede na ba talagang maging rason ang pagmamahal?

“Kung nagtataka ka kung bakit nabuntis ng maaga ang mama mo, iyon ay dahil desperado ang papa mong maging silang dalawa habang buhay. Nang nalaman kong buntis si Michelle ay agad akong nagalit kay Siling! Iyon lang siguro ang naging galit ko sa kanya. Dahil hindi niya binantayang mabuti ang dalawa! Dahil hinayaan niya si Francis sa iba! I hated your mother. I hated Francis. Your whole family! Buong angkan ng Alde!”

Mabilis ang pintig ng puso ko sa mga sinabi ni lola. Hindi ko alam iyon. Nag fa-flashback sa utak ko ang mga ngiti ni Tita Lina. Si papa. Si mama. Si lola Siling. Lahat.

“Pero nung nakilala na ni Lina ang asawa niya ay unti unti na akong naliwanagan. Kahit na may tabang parin sakin na dapat ay si Francis iyon. Dapat ay hindi ibang tao. Iyon ang tunay na naging alitan namin ni Siling kaya hindi agarang naayos ang tungkol sa lupa.”

Tumango ako.

“Sa Maynila ka ipinanganak, hindi ba? Of course, Francis needed to get away! Pero kalaunan, nang ipinanganak si Hector at nakalimutan ko na ang lahat ng issue dahil sa sariling issue ng pamilya namin… napatawad ko rin naman sila. Wala naman talaga akong karapatang magalit, diba?” Tumawa si Lola at hinaplos ang buhok ko. “When I saw you, alam ko agad na Alde ka. Iyong mga mata mo ay tulad ng sa iyong ama. Pero ugaling Alde, suplada, malakas… I knew Hector needed you, Chesca. Dahil ang batang iyan…” Umiling siya. “Spoiled dahil sa mga pagkukulang ko. But you see, simula nang nakilala ka niya, mabilis siyang nag mature. Nung una ay palaboy lang siya sa buong rancho. Pero ngayon? Marami na siyang plano? I don’t know if you’ve heard about this but he’s planning to expand the farm. Kaya naghahanap siya ng investors na pwedeng mag import ng mga produkto namin sa rancho. Specifically our cattle ranch.” Tumango siya.

“Hindi ko po alam iyon.” Sabi ko.

“Oh maybe because he was too busy winning you back. Iyong tipong ikaw lang ang gusto niyang pag usapan pag magkasama kayo.” Tumawa si lola. “Coz you made him realize that money and power isn’t enough. Kailangan niyang dumiskarte para makuha ang gusto niya. That is why you are perfect for each other. This is the end of our war, Chesca.”

Bumuga ako ng hininga. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil masyadong na ki carried away si lola sa mga sinasabi niya.

“So? Kelan kami mamamanhikan?” Tumatawang tanong ni lola.

Hindi ko maalis sa isip ko ang lahat ng pinag usapan namin ni lola. Lahat ng tungkol kay Tita Lina, kay mama, kay papa. Marami akong gustong malaman. Dahil alam kong may mas malalim pang istorya doon pero hindi ko lang alam. Hinagkan ko ang unan sa kama naming apat.

Hindi ako makapaniwalang kayang ipatulog nina Desiree at Tara si Janine sa baba ng kama. Pumayag din naman si Janine ng walang imik. Maaaring tanggap niya ang trato ng dalawa sa kanya. Nasa gilid ako at ako na lang yata ang hindi pa tulog nang biglag bumukas ang pintuan.

Tumindig ang balahibo ko dahil paunti unti ang pagbukas nito.

Hindi ako bumangon dahil sa hubog ng katawan pa lang ay alam na alam ko na kung sino. Bumagsak siya sa kama ko at kinulong niya ako sa bisig niya. Amoy na amoy ko ang beer sa bawat paghinga niya at bawat halakhak.

“Why are you here, huh?” Bulong ni Hector.

Hindi ako gumalaw kahit na ramdam ko na ang katawan niya sa katawan ko.

“Akala ko dadatnan kita sa kama ko ngayong gabi…”

“Shhh!” Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil gumalaw si Desiree at Tara.

“Oh? Bakit? Come on, Francesca, sa kwarto ka na. Papeles lang naman ang kailangan natin para opisyal na.” Humalakhak ulit siya.

“Hector! Shhh!” Bulong ko.

Narinig kong umubo ng patawa ang dalawa sa gilid ko.

“Sige na, Ches, doon na kayo. Okay lang samin. Di kami magtatampo.” Tumatawang sinabi ni Desiree.

Ugh! Hector and his amazing authoritative genes. Pati mga kaibigan ko ay iniispoil siya. Brat! I hate and love you at the same time.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]