Kabanata 33
Oo Daw
Yumuko ako at nag iwas ng tingin. Kahit na ganun ay hinabol niya ag mukha ko sa mukha niya na para bang wala akong kawala. Gusto niya ng sagot. Ngayon. Hindi mamaya. Hindi bukas. Sagot. Ngayon.
“Hector, maghintay ka.” Uminit agad ang pisngi ko sa pagpapakipot ko.
“Chesca.” Mas lalong lumamig ang malambing niyang boses.
Inangat niya ang baba ko. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan niyang halos halayin ko na sa pag iisip ko. Shit lang! Grabeng burning abs, nakakalaway!
“Errr, maghintay ka.” Pag uulit ko habang natatabunan ang mga tinitingnan kong bagay sa labi niya.
“Oo, maghihintay ako.” Aniya na siyang nagpaangat sa mata ko.
Seryoso ang kanyang mukha nang nagkatitigan kaming dalawa.
“Kahit naiinip ako kaya kong maghintay, Chesca.” Aniya.
Ngumuso ako para pigilan ang pagngisi.
Paano ba naman kasi… ang buong laman ng utak ko ay sagot ko na lang ang kulang dito. Naghalikan na kami at lahat lahat na. Kulang na lang talaga na official kaming mag on.
“I love you.” Aniya sabay dahan dahang pulupot sa bisig niya sakin.
Bumaba ang tingin ko at naaninaw ko na naman ang naka boxer shorts niya lang na katawan katabi sa mga binti kong skirt lang ang tumatakip.
“Hector, magbihis ka na.” Sabi ko. “Hindi ka na naman masyadong basa.” Kinagat ko ang labi ko sa sinabi ko.
Bakit? Bakit? Ewan ko.
“Hmm? Hindi ka ba komportable?” May halong panunuya ang pagkasabi niya nun kaya liningon ko siya.
“Syempre, naka boxers ka lang kaya!” Aniya.
“Bakit? Komportable naman ako! Kung gusto mo hubarin ko pa ‘to eh-“
“Tse! Wala akong pakealam kung komportable ka o hindi! Ang gusto ko ay magbihis ka na!” Sigaw ko sabay layo sa kanya ng konti sa kinauupuan ko.
“Oh? Bakit? I’m God’s gift to woman! Ayaw mo nun? Nasayo ako. Sagot mo na lang kulang, iyong iyo na ako. Pwede mo ng gawin sakin ang kahit anong gusto mong gawin.” Tumawa siya at lumapit sakin.
Naramdaman ko agad ang init ng kanyang binting dumampi sa binti ko.
“Lumayo ka nga!” Utas ko.
“Bakit lagi kang parang nandidiri sakin? Tsss.” Sabi niya.
Naglakas loob na akong tumayo para umupo sa tapat na upuan ng bangka nang sa ganun ay tuluyan na akong malayo sa kanya. Hindi… Hindi ako nandidiri, Hector. Ang totoo niyan ay tila napapaso ako sa tuwing malapit ka. Pakiramdam ko pag magtatagal kaming magkalapit ng ganito ay matitibag ang lahat ng virtues na natutunan ko at alam kong hindi iyon tama. Hector is a big temptation. At pakiramdam ko ay hindi naman siya natatamaan ng ganun.
“Sige, magbibihis na ako. Pakitakip yung skirt mo ng t-shirt ko.” Aniya at agad na siyang tumayo.
Nag iwas ako ng tingin habang dinadampot ko ang t-shirt niya at nilagay agad sa legs ko.
Buong akala ko na matatagalan pa bago ko siya masasagot. Una sa lahat, tama si mama, kakagaling ko lang sa isang nasirang relasyon. Pinagtaksilan ako ni Clark. Ni hindi ko na siya na kontak. Hindi ko na kailangan ng closure. Sa sitwasyong iyon pa lang, closure na iyon para sakin. Sa oras na nagtaksil siya, ibig sabihin hindi na niya ako mahal. Alam ko na agad na wala na siyang babalikan sakin… na wala na kaming babalikan. Kahit anong ayos niya samin ay wala na. Kahit na lumuhod siya, hindi na pwede.
Karapatan ko ang itakwil siya ng husto. Syempre dahil nangaliwa siya! Kahit na sabihin nating lalaki siya at may pangangailangan, kung mahal niya ako, kaya niyang mag hintay. Period! End of story.
“Ateng… Alam mo ba kung anong araw ngayon?” Tanong ni Craig sa akin isang gabi habang pinipili ko ang dress na sosootin ko para sa nalalapit na closing ceremony ng festival at acquaintance.
“Hindi.” Sagot ko ng wala sa sarili. “Uh, Thursday?”
Humalakhak si Craig at tinapik niya ang balikat ko. “Hiwalaysary niyo ngayon ni Clark.”
Masama ko siyang tiningnan, “Bakit mo yan pinapaalala?”
“Ang gusto ko lang sabihin ay mag aapat na buwan pa lang pero limot mo na ang lahat. Nice one!” Sarkastiko niyang sinabi.
Humalukipkip ako at biglang nabadtrip sa kapatid ko. “Anong ibig mong sabihin, Craig? Na dapat mag mukmok ako? Bawat hiwalaysary na sinasabi mo ay umiiyak ako at magluksa dahil nawala ang taong nagtaksil sakin? oh, Come on!”
“Hindi!” Pinitik niya ang ulo ko na mas lalong nagpabadtrip sakin. “You’re inlove.”
Napasinghap ako sa sinabi ng kapatid.
“I’m not.” Pagdedeny ko.
“Ayusin mo yan. Nag eexpect sina mama, tiya, at Teddy na madadala mo siya ng maayos. Na makukuha natin ang lupa-“
“Hindi ko sasagutin si Hector para diyan! At isa pa, alam ni Hector ang issue na ito!”
“Yun nga ang sinasabi ko. Hector is too good. Kahit alam niyang ganito, dahil gusto ka niya, sige parin siya nang sige. Pero yung utak ni mama at tiya ay nakatoon sa lupa natin. Hindi nila iniisip ang nararamdaman mo, nararamdaman ni Hector.”
Natahimik ako sa sinabi niya.
“May isa pa namang sulusyon.” Tumikhim si Craig at matama akong tinitigan.
Nanliit ang mata ko, “Ano yun?”
“Ibenta natin ang bahay sa Mayni-“
“No way, Craig!” Agad kong sinabi.
“5-6 million ang worth nun, Ate. Sa oras na mabenta natin yun, atin ng buong buo ang Alps at may matitira pang pera. Babalik tayong tatlo sa Manila habang gagawin nila iyong puhunan sa negosyo.”
“Malaki at maganda ang bahay natin sa Maynila. 500 thousand lang, ibebenta agad natin? Papaupahan na lang siguro!” Sabi ko.
“May utang pa sina Tiya sa ibang tao na kailangang bayaran. Higit 1 million ang lahat. Convince Hector na huwag kunin ng Tito niya ang Alps o ibebenta ang bahay natin.”
Napaupo ako sa kama at ginulo ko ang buhok ko. Ang dami namang utang! Shit! Iyon ang naging laman sa utak ko buong araw. Kahit na niyaya ako ng araw na iyon magkabayo ni Hector. Hindi naman kami natuloy kasi nagkaroon sila ng practice game. Aniya’y next time na lang daw. Okay lang din sakin dahil mainit ang labanan na sasalihan ni Hector mamaya. Manonood na naman ako. Championship iyon at ang magkalaban ay ang Agri Biz at Business Ad na naman!
“Eto oh, hotdog balloon.” Nag evil laugh si Jobel habang binibigay sakin ang pulang balloon. “Ay mali! Anong susuportahan mo, red o yellow?” Tumawa ulit siya.
“Tsss!” Hinablot ko ang balloon at umiling.
Pagkapwesto naming sa bleachers ay mainit agad ang labanan ng madla. Ang mga Education Phoenix ay kumakampi sa Business Ad. Ang Vocational ang kampi sa Agri Biz. Kaya lang, hindi ko maipagkakaila na ang Agri Biz ang may pinaka malaking populasyon sa buong school. Kaya kahit sila lang ay kayang kaya nilang talunin ang cheer namin.
“Go! Fight! Win! Tigers!” Sigaw namin.
“Go Go Eagles! Fight Fight Eagles!” Sigaw naman nila.
May dala pa silang mga bass drum. Kumpara sa dala namin na mga bote ng 1.5 liter na Coca Cola. Tsk! Halos mapaos ako sa kakasigaw. Lalo na nung nakita kong nagyayabang na naman ang grupo nila Kathy!
Kung wala talaga si Hector ay walang preno siyang makipag irapan sakin at nginingiwian pa ako.
“BAHO MO, ALDE!” Narinig kong sigaw niya.
“ISUSUMBONG KITA KAY HECTOR!” Sigaw ni Sarah.
Nagtawanan kami kasi nakita naming tinapunan nila kaming lahat ng masasamang tingin.
“Sorry na lang kayo, yung hari niyo mismo kampi sa Business Ad.”
Well, hindi ko maitatanggi na magaling ang buong team nina Hector. Kaya lang, halos lahat ng fourth year ang naglalaro samin. May isa pang barako at may isa pang fat guy kaya mahirap silang talunin. Si Hector at Oliver lang ang nakasali sa first five. Kaya nung dumating sila at tinawag isa-isa ang pangalan ay naghiyawan na ang lahat. Bangko lang muna si Harvey dahil noong isang game ay nadaganan siya nung matabang player ng Education. Ayaw atang mangyari ng coach ulit iyon dito sa laban nila sa B. A.
“Go! Go! Hector!” Sigaw ng lahat.
Maging ako ay napasigaw na rin. Nakita kong ngumisi siya. Hindi siya tumingala para hanapin ko. Nakikipag usap lang siya sa isang senior na kasing tangkad niya. Para silang mga diyos. Ang gu-guwapo nilang lahat!
“Balita ko kinuha daw si Oliver ng La Salle.” Sabi ni Sarah.
“Talaga?” Tanong ni Jobel.
“Oo. Tingin ko may offer din yang si Hector pero di lang pumapayag kasi mundo niya ang Alegria.” Napatingin sila sakin.
“Malamang pag pumunta ng Maynila si Hector magiging artista yan! Jusko! Mas gwapo pa siya sa mga artista ngayon, huh!” Umirap si Jobel.
Kinagat ko ang labi ko.
“Oo nga! Sayang siya kung dito lang siya sa Alegria. Alam naman nating may farm sila at medyo naglalabas pasok na rin siya sa bansa dahil sa tito at tita niya, pero iba parin pag nasa Maynila siya, diba? Mas malaki ang mundo, mas maraming opportunities.”
Hindi ko alam kung bakit parang kinukurot ang sikmura ko sa sinasabi nila. Parang hindi ko ata kayang ma expose si Hector sa Maynila. Pag nagkataon ay baka bakuran ko siya. Hindi ako papayag na ma expose ang ugali niya sa mga temtasyong nakapaloob sa isang malaking syudad gaya ng Maynila.
“Saan ba base ang Tita at Tito niya sa U.S?” Tanong ko.
“New York! Concrete jungle where dreams are made of!” Pakantang sinabi ni Jobel at humagalpak sa tawa. “Chemical Engineer ang Tito niya dun. Umuwi lang ata ang mga iyon dito para sa paglilipat ng pangalan ng hacienda kay Hector.”
Tumango ako at pinagmasdan si Hector na parehong nakatukod ang kamay sa tuhod habang hinihintay ang jump ball.
Nahagip niya ang titig ko. Ngumisi ako at kinawayan siya ng konti. Ngumuso siya sakin at hinawakan niya ang labi niya.
“WAAAAH! Nanghihingi siya ng kiss sayo!” Pinuno ako ng yugyog nina Jobel dahil sa aksyong iyon ni Hector.
Mas lalo lang uminit ang pisngi ko dahil sa mga pamumuri nila sakin. No. I can’t. I can’t share him with anyone. Ang pag iisip pa lang na magiging artista, modelo, basketball player o kahit ano siya sa Manila ay nakakapagpasakit na sa akin, paano na lang kung totohanan na? I’ve never been this selfish before. Si Clark ay hinayaan kong makihalubilo sa ibang babae. Hinayaan ko siya sa mga pangarap niya at hinayaan ko siyang magliwaliw. Pero si Hector? Hindi. I need to be beside him. I want to be always there. I can’t afford to lose him. SHIT! Ano ba ito?
“GO HECTOR!” Sigaw ko sa third quarter.
Pagod na pagod na sila. Maging si Hector na laging binubunggo nung mataba ay pawis na pawis na. Nakita ko pa ang paniniko nung mataba sa kanya.
“HOY! DAYA MO TABA!” Napasigaw ako sa inis.
Nakita kong nag igting ang bagang ni Hector sa matabang iyon. Tinapik pa siya sa braso ni Harvey. Oo, nakapasok na si Harvey sa third quarter. Kailangan nila ng hindi pagod na point guard. Hinawi ni Hector ang kamay ni Harvey sa galit niya dun sa mataba.
“Kalma lang, Hector!” Sigaw ko kahit na natatabunan na iyon sa mas malakas na sigaw ng mga taga Agri Biz.
“Hoy Alde!” Dinig kong sinabi ng isang matangkad na lalaking pamilyar sa akin.
Ah! Siya yung lalaki sa booth! Player pala siya ng Business Ad? Ni hindi ko namalayan!
“Kanino ka ba kampi? Sa B.A o sa Agri Biz? Tsss!” Inirapan niya ako at tinuro turo.
“Ano ngayon kung sa Agri Biz ako?” Napangiwi ako sa kanya.
“Oy! Di kami kasali ha! B.A kami dito! Go! Fight! Win! Tigers! WOOOOOH!” Sigaw ng mga kasama ko.
“Mag shift ka na Alde! Naturingang cheerleader!” Aniya sabay tawa sa court.
Nakita kong siya naman ang tinititigan ni Hector ngayon. Habang tinitingnan kong nagkakainitan silang dalawa ay may tuluyan nang nagkainitan sa isang side. Halos magsuntukan ang senior ng Agri Biz at isa pang senior ng Business Ad sa court!
“GO BUSINESS AD! GO TIGERS!” Bumalot ang sigaw na ito sa buong court.
“MADAYA TIGERS! MADAYA TIGERS!” Sigaw naman ng Agri Biz. “Madaya kayo! Simula palang nung cheering! Booooo!”
“Sige! Subukan niyong puntiryahin si Chesca! Magsisisi kayo!” Tumawa si Jobel.
Hindi naman nila ako pinuntirya. Mukha atang natuto na sila sa mga pagkakamali nila noon. Nang nag fourth quarter na ay nalamangan na ng Business Ad ng 10 points ang Agri Biz. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako gayung malungkot naman si Hector.
Tumatalon talon na ang mga kasama ko habang ako ay nakapangalumbabang tinitingnan siyang pagod na pagod nang kinukuha ang bola.
“Chesca.” Tawag ni Jobel.
“Go Harveeeey!” Sigaw ng mga taga Educ kasi naka three points siya.
“Ano?”
“Kayo na ba ni Hector?”
Bumaling ako sa nakakapunit na mukhang ngisi ni Jobel. “Dipa. Bakit?”
“Sagutin mo siya ngayon. Tingnan natin kung di yan manalo!”
Pumormal ako at namilog ang mga mata ko.
“Weh! Ayoko!” Sabi ko.
“Pakipot! Eh mahal mo naman siya! Dun din naman yun patungo!” Singit ni Sarah.
Napatingin ako kay Hector na pawis na pawis na at gwapong gwapo parin. Akala ko matatagalan pa bago ko siya sasagutin pero nagkakamali ako. Tumango ako at ngumisi kina Jobel.
Agad naman silang kumilos at may sinabi sa mga taga Business Ad. Hindi ko na sila nilingon. Diretso ang tingin ko sa laro na limang puntos pa ang lamang at isang minuto na lang ang natitira! Nakita kong umalis na ang ibang disappointed na mga taga Agri Biz sa bleachers. Alam na yata nila kung sinong panalo at ang Business Ad yun.
“One… Two… Ready… Go!”
“HECTOR! OO DAW SABI NI CHESCA!”
Unang chant pa lang ng grupo ay natigilan na si Hector. Nakita kong nasa gitna ng pagngiti at pagtataka ang tingin niya sakin.
“HECTOR! OO DAW SABI NI CHESCA!” Patiling sabi ng mga taga Business Ad.
Lumaki na yung ngisi ko nang tumigil siya sa paglalaro at nakapamaywang akong tiningnan.
“Time Out!” Sigaw ng speaker.
Nagsipuntahan ang mga players sa kani kanilang coach maliban kay Hector.
“Anong sabi niyo?” Sigaw ni Hector.
“OO DAW SABI NI CHESCA!” Pag uulit ng lahat.
Ngumuso si Hector habang tinitingnan akong naghuhuramentado na sa kilig. Shit! Shit! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Para akong rocket na anytime ay pwedeng mag take off!
“Hindi yan ang gusto kong marinig na sagot!” Sigaw niya pabalik.
Pumito ang referee at bumalik na ang mga players sa court. Tinaas ko ang kilay ko at napawi ang ngisi ko sa sinabi niya.
“Mahal mo na ba ako? Chesca!? Sagot! Kasi ako? MAHAL NA MAHAL KITA!” Sigaw niyang nagpatawa sa mga officials ng school.
Siguro kung ibang estudyante yun ay kinaladkad na siya palabas. Pero dahil Dela Merced siya, hindi, okay lang, hindi pwede, okay na okay lang…
Tumawa ako at sinigaw sa kanya ang matagal nang sinisigaw ng damdamin ko, “MAHAL DIN KITA!”
Napapikit siya at napangisi sabay takbo patungo sa mga kasama.
“YES!” Sigaw niya.
Dalawa lang. Mamamatay ako sa paghuhuramentado ng puso ko at sa pagyugyog ng mga kinikilig kong kasama.
“SHIT CHESCA! KAYO NA! OH MY GOD! OH MY GOD! MAY GF NA SI HECTOR!”
Kung may nadisappoint man o nabigo sa aming dalawa ay hindi ko na narinig yun dahil sa ingay na ginawa ng mga kinilig.
“Game over! Winner: Agri Business! Score: 87 to 90!”
Shit! Nanalo! At lahat ng scores sa huli ay kay Hector!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]