End This War – Kabanata 34

Hindi po ito SPG, pero lalagyan ko ng warning para sa mga medyo conservative. Slightly SPG, then. 🙂


Kabanata 34

Sinasamba

Sa sobrang saya ng kanyang mga ka team ay halos di ko na masolo si Hector. May nagyaya pang mag celebrate sa labas. Pero dahil maagang nag sasara ang mga karenderya sa Alegria at pasado alas siyete na ay nagpasya silang lahat na pumunta kina Hector.

Namataan kong tumatawag si Hector sa cellphone niya habang napapalibutan siya ng kanyang mga ka team. Nandun din ang iilang taga Agri Biz na malapit sa kanila. At hindi ko kayang kaligtaan na nandoon maging si Abby, at Kathy. Isa sila sa mga umalis nang nakitang tagilid ang team.

May binulong Reese sa kay Kathy na siyang nagpalaglag ng panga nito at ang pagbaling niya sakin. Nag iwas ako ng tingin. Alam ko na agad kung bakit.

“Naku! Ang lapit lang ng bahay namin sa mansyon ng mga Dela Merced! Sana pwedeng sumama!” Sabi ni Jobel.

“Oo nga!” Singit ni Sarah.

Napakamot ako ng ulo. Seriously, hindi ko alam kung bakit nandito pa kami. Alam kong kakasagot ko lang kay Hector at di ko naman talaga gustong sumama sa kanila. Gusto ko lang namang bumati sa pagkapanalo nila.

Ayan tuloy at bumabaliktad ang sikmura ko sa kaba. May nakikita pa akong mga nakatingin sa akin habang tinitingnan si Hector.

“Tayo na nga!” Sabay hila ko sa mga kasama ko.

“Uy! Bakit? Boyfriend mo yun, pwede tayong sumama.” Sabi nI Jobel.

“Tsaka overall champion sila dahil pinagbigyan natin sila, diba?” Tumatawang sambit ni Marie.

Umiling ako at hinila ulit sila paalis doon. Kaya lang nang tumalikod na ako ay agad umalingawngaw ang boses ni Hector.

“Chesca.” Tawag niyang medyo nagpatahimik sa lahat.

“Chesca daw, oh!” Hinila ako ni Sarah at hinarap kay Hector.

“Hmm?” Nahihiya akong tumingin sa kanya.

Nakita kong umatras at nag give way ang bawat kaibigan niyang nakaharang sa dadaanan niya patungo sa akin.

“Punta tayo sa bahay.” Yaya niya.

“Sure!” Hiyaw ng mgankasama ko.

Kinagat ko ang labi ko, “Pero gabi na, eh. Tsaka…”

“Nagpaalam na ako sa mama mo.”

“P-Pumayag si mama?” Napatanong ako.

“Oo.” Ngumisi siya. “Sinabi ko ring tayo na.”

Kaya wala akong nagawa. Sumama ang isang batalyon sa kanya. Nagulat ako nang nagdagsaan sa labas ang iba-ibang SUV. Ang alam ko ay kina Oliver, Mathew, at Kathy daw ang apat na naglalakihang sasakyang iyon. Pupunta kaming lahat kina Hector. Narinig ko rin na nagpahanda daw si Hector para sa diumano’y victory party niya.

“Pare, ano? Tinanggihan mo na naman ba? Si Oliver parang magpapadala na ata, eh.” Sabi nung isang ka team mate niya bago kami sumakay.

Nagkibit balikat si Hector at hinawakang bigla ang kamay ko.

Nakita ko sa malayo na kumakaway sina Jobel sa akin habang sumasakay sa sasakyan nina Mathew. Ack! Ako lang ba ang sasakay sa Jeep Commander nina Hector? Ibig sabihin kaming dalawa lang ang nasa loob?

“Tinanggihan ko. Hindi ako mahilig sa Maynila. Kuntento na ako dito.” Tinaas niya ang kamay ko.

Kung makaasta siya ay parang normal lang sa kanya ang hawakan ang kamay ko araw-araw ah? Kahit na unang gabi namin ‘to bilang mag on! September 11. Kung kailan nagunaw ang World Trade Center noon, iyon ang naging monthsary namin! Ah! Not a bad number.

Kinagat ko ang labi ko nang naramdamang diniin niya ang palad niya sa akin at mas lalong hinigpitan ang hawak ng kamay ko.

“Okay. Sayang, dude! Dito na ako sasabay kina Mathew.” Sabi nung lalaki at sumulyap sakin bago umalis.

“Tara na!” Sabi ni Hector sabay bukas sa pintuan.

Hinila niya agad ako sa loob. Nagulat ako nang nakaupo na ako ay hinila niya pa ang beywang ko palapit sa kanya.

“Mang Elias, kami na po ni Chesca.” Aniya sa driver nila.

Tumango si Mang Elias at tumawa. “Mabuti naman.”

Uminit ang pisngi ko. Ngumisi siya at tiningnan ako. Ang lapit naming dalawa! Inakbayan niya pa ako ng pa unti-unti habang umaandar ang sasakyan nila.

“Ano ba, Hector!” Saway ko at lumayo ng konti sa kanya. “Para kang sira ulo.”

Sumimangot siya, “Aakbay lang naman ako!”

“Baliw! Ignorante ka ba sa pag aakbay?”

“Hindi! Nahalikan na naman kita ah. Yung wild and passionate kiss. Kaya di ako ignorante!” Giit niya.

Halos mapafacepalm ako sa sinabi niya. Hiyang hiya ako kay Mang Elias na tumawa lang at sumipol habang nag dadrive.

“Tumigil ka nga! Wala ka bang kahihiyan?” Sabi ko.

Tumabi na naman siya sakin kahit na lumayo ako sa kanya.

“Hindi ka naman mabaho. Mahal naman kita. Mahal mo naman ako. Ano pang problema at bakit ka parang napapaso pag lumalapit ako?”

Inirapan ko na lang siya at hinayaan sa gilid ko. Ang totoo niyan ay bawat dampi ng mga balat namin ay naghuhuramentado ako. Sa bawat paglingon ko sa kanya at bawat pagsalubong niya sakin ng tingin ay kinikilabutan ako. At sa bawat sulyap kong palihim ay mas lalo akong nahuhulog. He’s all perfect and he’s in love with me.

Nang nakarating kami sa bahay ay nasa labas na ang tita at lola niyang ako agad ang hinanap at binati. Nagulat ako nang nag beso silang dalawa sa akin at kung makaasta ay parang madalas na ako dito kahit pangalawang beses ko pa lang.

“Diretso tayo sa patio.” Sabi ng tita niya sa mga dalang kasama. “Andun na lahat ng nirequest mo, Hector.”

Tumango si Hector at ngumisi.

“Hi Tita Lina!” Bumeso ang mataray na si Kathy sa Tita ni Hector.

“Oh Hello, Kathy!” Pinagtuonan naman siya ng pansin ng Tita ni Hector.

“Alam mo, Chesca, nung unang dala pa lang ni Hector sayo dito sa bahay alam na naming ikaw na.” Sabi ng lola ni Hector.

Suminghap ako, “Naku! Hindi ko po alam, medyo na pepreskuhan po ako kay Hector nung una. Tsaka medyo may pagkamayabang po.” Tumawa ako.

Tumawa rin siya, “Ganun talaga yun. Haring hari yan kung makaasta dito sa bahay. Hinahayaan ko na lang.” Bulong niya. “Alam mo na… lahat okay lang kasi sa dami ba naman ng pagkukulang namin, yun na yung kapalit.”

Napakunot ang noo ko at napatingin ako kay Hector na ngayon ay dinadala na sa labas ng bahay nila ang mga kaibigan niya.

Ngayon ko lang nakita na may malawak na hardin pala sila sa likod ng bahay. Doon may nakita akong chinese lanterns sa bawat puno. Sa mga mesa ang mga ipinahanda ni Hector. Unang nilapitan ni Koko ang isang mukhang mamahaling inumin. Ni shake niya iyon at binuksan. Nakita kong lumipad ang cork.

“WOOOO!” naghiyawan sila nang mabasa ang iba.

Wine, alcoholic beverages, and all that. It reminds me of the city.

“Ano pong pagkukulang? Para sakin po, kahit ganun, mukhang maayos namang napalaki si Hector.”

Tumawa ang lola niya at nakita ko ang luha sa gilid ng mga mata niya. Iyon ang naging dahilan kung bakit buong atensyon ko ay nasa kanya na. “Alam mo, hija, si Hector ay lumaking walang parents. With Carolina and Thomas as his parents dapat, kaya lang sa America nag lalagi ang dalawa noong nag binata siya. Si Hector at ako lang ang nandito. Hindi ko alam kung paano ko siya papalakihin ng maayos so I gave him everything he wants as long as nandito lang siya sa Alegria. Pakiramdam ko kasi pag sa Manila ko siya pag aaralin ay mas lalong lalaki ang pagkukulang ko.”

Hinawakan ko ang braso ng matanda. Hinaplos naman ng tita niya ang likod ng lola.

“And I know… he longs for the love of his parents. Kaya nga hindi ako makapaniwalang hindi siya nagkaroon ng girlfriend at an early age. I mean, si Koko nagkagirlfriend when he was thirteen. And I want Hector to do the same.”

Medyo nalaglagan ako ng panga sa sinabi niya.

“I want him to find, feel, and give love… Kasi alam kong iyon ang kulang sa kanya.”

“It’s okay, mama.” Sambit ng Tita ni Hector. “Kasi ang tingin ko si Hector yung tipong pag mahal niya yung tao, mahal niya talaga, it will really last… it will be for forever.” Ngumisi ang tita niya sakin. “From now on, Chesca, you are part of our family.”

Halos di na ako makahinga sa mga pinagsasabi nila.

“You call me tita, at lola naman si mama, alright?” Tumatawang sinabi ng tita niya.

May kung sino siyang tiningnan sa likuran ko. Bago pa ako makalingon ay naramdaman ko na ang kanyang mainit na braso sa beywang ko.

“Excuse me lang, tita and lola, isoli niyo sakin ang girlfriend ko kasi magcecelebrate pa kami.”

Dinagdagan niya pa ng isang braso ang nakapulupot sa akin. Ngayon ay buong katawan niya na ang nararamdaman ko sa likod ko.

“Okay! You enjoy, Hector! Ikaw rin, Chesca!” Sabay tawa ng tita niya. “Ano ba yan?! Kinikilig ako sa inyo!”

Hinila ni ‘tita’ Lina si ‘Lola’ palayo sa amin. Hinila naman ako ni Hector palabas sa bahay nila at papuntang patio.

“Di ka pwedeng uminom. Juice ka lang.” Utas ni Hector sakin na siyang ikinatawa ko.

Ako pa ba ang pagbabawalan mo? Well, hayaan na at wala naman akong balak na uminom! My highschool was rough. Natuto akong uminom dahil kina Desiree, Tara at Janine. Sila din ang nagbigay sa akin ng opportunity sa paglabas sa mga bar at makipag night life. Kahit na hindi naman talaga ako mahilig ay hindi na rin ako ignorante diyan.

Tahimik lang akong kumakain. Nahuli ako dahil sa pag uusap namin doon. Katabi ko si Hector at nakikipagtawanan na sa mga kasama habang nakikipag tagay.

“Hector, hanggang alas nuwebe lang ako.” Utas ko sa kanya.

“Yep. Ihahatid kita.”

Kumakain parin ako nang napansin ko ang mga titig ni Kathy sakin habang nilalagok ang alcoholic beverages na iniinom niya.

Tumaas ang kilay ko at tiningnan na lang ang kinakain ko. Tumatawa parin si Hector. Sina Jobel, Marie, at Sarah naman ay nandun kina Mathew at mukhang pinagpipiyestahan ng ibang taga Agri Biz.

Umiling na lang ako.

“Eto oh, Chesca.” Nag offer si Harvey ng beer sa akin.

“Hindi siya pwede niyan.” Sabi ni Hector nang may halong diin sa tono.

“Okay.” Nagkibit balikat si Harvey at lumayo.

“Ba’t di ako pwede?” Sabi ko.

Bumaling si Hector sakin.

Nakita ko ang pagpupungay ng kanyang mga mata at pamumula ng kanyang pisngi. Nakita ko rin na nakasandal na si Oliver sa mesa. Mukha atang natatamaan na ang mga tao. Wait a minute, kapeng mainit, kakasimula pa lang nila ah? Baguhan ba ang mga ito o masyado lang malakas ang ininom nila?

Nakita kong may isang wine at isang Absolut Vodka ang naroon sa unahan ng table. Napatingin din ako sa mga babae, nakita kong nagkakayayaan na sina Jobel na umuwi. Magdadalawang oras na rin kasi kami dito. Habang tinitingnan ko ang mga tao ay naramdaman ko ang mainit na kamay ni Hector sa hita ko.

“Shit!” Napasigaw ako sabay hawi sa kamay niya.

Tumawa siya at kinusot ang mga mata. “Ano ba yan, natatamaan na yata ako.”

“Tsss! Hector! Magpapahatid na lang ako kay Mang Elias o sasabay ako kina Jobel. Di mo na yata kaya.”

Pinikit niya ang mga mata niya at pinilig ang ulo. “Kaya pa.”

“Tss. Naka ilang shot ka ba?”

“Tatlong Absolut.” Aniya.

Shit! Ang weak! Baguhan ba ang mga ito? I mean, hindi naman kami lasenggero sa Maynila pero hindi ganun ka bilis.

Ibinalik niya ulit ang kamay niya sa hita ko. “Ihahatid kita. Mag sho-shower lang muna ako. Samahan mo ako sa kwarto.”

Hinawi ko ulit ang kamay niyang nasa hita ko. Nanliit ang mga mata ko.

Ngumisi siya nang narealize na alam ko kung ano ang iniisip niya.

“No. Way.” Utas ko.

Tumawa siya at nilagay niya ang baba niya sa balikat ko. “Isang beses lang naman.”

Shit lang! Tinulak ko siya, “Baliw ka ba? Adik ka!?” Sinubukan kong hindi ngumisi pero hindi ko magawa.

Namilog ang mga mata niya, “Oy ang feeling mo ha? Anong iniisip mo? Na gagawin ko yun sayo?” Mariin ngunit pabulong niyang sinabi.

Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa baywang ko habang iniirapan niya ako.

“Kiss lang naman.” Bumulong siya sa tainga ko.

Tumawa ako at tinulak ko ulit siya. “Ang kulit mo, ha! Ayoko! You’re drunk.”

“I’m not. At kaya nga magsho-shower ako para medyo mahimasmasan. Samahan mo ako, tara na!”

“Bakit ba kita kailangang samahan? Di ba pwedeng maghintay ako dito?”

“Ayoko. Kita mo ang titig ni Harvey sayo? Tsaka ni Obet?”

“Sinong Obet?” Natatawa kong sinabi habang sinusuyod yung mga kaibigan niyang nagkakatuwaan na.

Hinarap niya ang mukha ko sa kanya gamit ang kanyang daliri. “Basta!” Marahan niyang sinabi. “Ayoko sa mga titig nila sayo. Kala nila di ko pansin pero mabait lang ako kaya di ko sinisita.”

“Whoa! Mabait ka?” Tumawa ako.

“Sige na! Sumama ka na!” Yaya niya.

“Okay fine! Sige! Sasama ako. Pero sa oras na may gawin kang masama sakin, break na agad tayo!”

Ngumisi siya, “Hindi naman yun masama. Mabuti naman yun.”

Binatukan ko na. Sumimangot siya at nag pout. “Joke lang naman!”

Tumayo siya at nakita kong medyo kailangan niya na nga ng kasama. Baka mamaya ay gumulong pa ito sa engrande nilang hagdan, eh!

Ngumingisi siya at niyuyugyug ang mga kasama niyang bumabati na naman sa kanya.

“Congrats, pare!”

Tumatawa siya at wala sa sariling tinatanggap ang bawat high five na nakaantabay. Nasa likod niya lang ako at sumusunod. Sinenyasan din ako nina Jobel na uuwi na sila kasama sina Mathew. Tumango ako kinawayan sila.

Umaakbay na si Hector sakin patungo pa lang kami sa kwarto niya. Tumatawa tawa siya na parang baliw. Baliw nga talaga yata ito.

Nang nakita ko na ang pintuan ng kwarto niya ay malakas na kumalabog agad ang puso ko. Hindi ako makahinga. Dahil luluha ang araw ng pagsagot ko sa kanya nang walang halikang magaganap saming dalawa. Alam ko yun. Ramdam ko iyon. Dahil sa pagtahimik niya pa lang habang pinipihit ang hawakan ng pinto, alam ko na agad kung anong gagawin niya.

Marahan niya akong hinila papasok at mariing siniil ng halik.

“Shit! Hector, mag bibreak tayo pag may mangyari satin dito.” Sabi ko habang pinapaulanan niya ako ng halik sa gilid ng aking tainga.

Napapikit na ako. I’ve never been kissed this way. Nung halikan pa lang namin sa Tinago, iyon na ang naging laman ng utak ko. Para siyang sumasamba sa akin sa mga halik niyang ito. Para bang imbes na ako ang sumamba sa pagiging hari niya ay sinusuko niya ang lahat sakin. Like I was the real goddess, at wala siyang karapatan.

Napadaing ako sa ginawa niyang paghalik hanggang sa lumapat na ang labi niya sakin. Damn, his kisses were controling and hypnotic. Parang nawawalan ako ng sense of time, space, at kung anu ano pang sense. Kahit common sense ay nawawala na sakin.

Nang ang isang kamay niya ay nakahawak na sa braso ko at ang isa ay nasa likod ko pataas ng batok ay tumindig na ang balahibo ko sa katawan. Mukhang ako yata ang lasing dito.

Paatras ako nang bumagsak ako sa kama niya. Bumagsak din siya sakin pero napigilan niya ang full weight niya sa kamay na nakatukod.

“Buong buhay ko, ngayon lang talaga ako humiling ng ganito.” Bulong niya at hinalikan niya ako sa leeg.

Nakakawala ng ulirat! Shit! Hindi ko na malaman kung ano ang tama at ano ang mali. Hindi ito ang una. Madali sanang tanggihan sa part ko dahil may experience na ako sa make out pero bakit ang hirap ngayon? May bias ba ang kuryente sa sistema ko?

“At salamat sa pagtupad nito. You love me too.” Nakakilabot na bulong niya sa tainga ko.

“Hector!” Halos padaing kong sinabi.

Dumaing ako dahil, shit, nawawalan na ako ng control!

“Yes, alam ko.” Lumayo siya sakin at tumigil sa paghalik sabay mura. “Shit! Ang hirap!”

Mas lalo siyang lumayo sakin. Para siyang napapaso. Tinalikuran niya ako at binuksan niya pa ang glass window ng balcony niya. Umihip ang malakas na hangin galing doon. Mas malakas at mas malamig pa sa aircon sa buong kwarto.

“Hirap palang mag pigil pag nasa iisang kwarto at tayo lang dalawa.” Utas niya.

Nalaglag ang panga ko. I can’t believe it! I almost gave in! Siya ang nagpigil! SIYA ANG NAGPIGIL AT AKO AY HALOS IPINAGKANULO NA NG SARILING INSTINCTS!

Nilingon niya ako at mabilis din siyang nag iwas ng tingin sabay malutong na malutong na mura.

“HOLY SHIT! YOU LOOK SO GOOD ON MY BED, CHESCA! DAMN!”” Sinuntok niya ang pader at mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo.

OH MY GOD! Ba’t ka nagpipigil? Dahil pinagbantaan kitang ibibreak kita? Napagtanto ko rin iyon doon. The guy… the king… the god… is madly smitten. Sakin. Sakin lang. At ngayong gabi ay lasing siya at samahan pa ng kasiyahan niya sa lahat ng nangyari… at sa mga narinig niyang daing galing sakin… dapat ay kaya niya iyong ituloy. Pero hindi. Hindi niya ginawa. One thing is for sure now. He’s in love with me. And I am in love with him too.

Ngumisi ako habang kinukurot ang puso ko. Parang nahahabag ako. Ito ang unang pagkakataon na naging emosyonal ako ng ganito. Sobrang emosyonal dahil sa ginawa ni Hector. I feel like a princess. I feel like a woman. I feel so complete… And he makes me feel that way.

Nilingon ko ang side table niya at nakita ko doon ang isang frame na ako ang picture. Sa baba nun ay may mga magazine. Tumawa ako kahit na namuo ang mga luha ko sa mga mata ko.

“FHM! Still naughty!” Humagalpak ako sa tawa at inabot ang mga magazine na iyon.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: