End This War – Kabanata 32

Kabanata 32

Mahal Mo Na Ba Ako?

Kumain kaming dalawa ng tahimik. Sinusulyapan ko si Hector habang kumakain ng dala niyang barbecue at kung anu-ano pa.

“Ikaw ba nagluto nito?” Tanong ko.

“Hindi.”

“Hindi ka marunong magluto?”

“Marunong, Chesca, pero di ako ang nagluto nito kasi wala akong time kanina. Busy ako sa booth.” Aniya.

Tumango ako. Whoa! So marunong siyang magluto?

Pagkatapos kumain ay tumayo agad ako. Hinayaan ko siya sa banig. Pumunta ako sa gazebo at nagtanggal ng sneakers.

“Sayo ba itong bangka?” Tanong ko.

“Oo.” Aniya.

Tiningnan ko ang ilog. Hindi naman gaanong malalim iyon pero tingin ko pag nasa gitna ka na ay lalalim na agad. Nakakatakot. Di pa naman ako masyadong marunong lumangoy.

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang cliff sa tapat nitong gazebo. May mga ugat ng puno at vines doon sa cliff. Sa malayo naman ay ang malalaking bulubundukin na ng Alegria. Ganda talaga dito!

“Ha!”

Napatili ako dahil hinawakan ni Hector ang magkabilang balikat ko at umambang ihuhulog ako sa ilog. Tumawa siya nang hinampas ko ang dibdib niya. “Kainis ka!” Sigaw ko.

“Lika!” Aniya. Mabilis siyang tumapak sa bangka.

Nakahubad na siya ng sapatos pagkatapak niya dun at nag abot na agad ng kamay sa akin.

“Ha? Ayoko! Natatakot ako!” Sabi ko at napaatras.

“Ito yung plano kong gagawin natin ngayon, kaya lika na.” Aniya.

“Eh… ayaw ko sa plano mo.”

Nag angat siya ng labi at agad na inabot ang kamay ko at hinigit patungo sa bangka.

Kung hindi lang medyo malakas ang balanse ko ay malamang dumiretso na ako sa ilog. Mukha rin namang walang pakealam si Hector kung dumiretso man ako sa ilog dahil tatawa tawa lang siya.

“NAKAKAINIS KA HECTOR! BWISET!”

“Gustong gusto ko talaga pag umaayaw ka o nagtataray ka.” Malamig niyang bulong sa tainga ko.

Tuliro ako dahil sa nangyari pero mas lalo lang akong natuliro sa sinabi niya. Mabilis ang paghinga ko at mabilis din ang takbo ng puso sa. Hinampas ko ang dibdib niya at nag angat ako ng tingin. Doon ko narealize na sobrang lapit naming dalawa na halos lumapat na ang dibdib ko sa kanya. Nakahawak din ang dalawang kamay niya sa likod ng baywang ko.

“Lumayo ka nga!” Sabi ko sabay atras.

Medyo gumalaw ang maliit na bangkang sinasakyan namin nang umatras ako kaya mas lalo siyang ngumisi.

“Sige, paglalayo ka sakin, mahuhulog tayong dalawa.” Banta niya.

“Kainis! Sabing ayoko!” Sabi ko.

Pero bago pa ako makaapila ulit ay yumuko na siya para kunin ang lubid na nagpipigil sa bangka sa pag alis.

“Ay ano ba!” Apila ko.

Tumawa lang si Hector at umupo habang ako ay nagpapakahirap ibalanse ang sarili sa pagkakatayo sa bangkang nagpapatianod na sa ilog.

“Umupo ka!” Utos niya.

Matalim ko siyang tinitigan bago ako napaupo. Kinuha niya ang sagwan at nagsimula siya sa pagsasagwan.

“Saan tayo? May buwaya ba dito?” Tanong ko sabay tingin sa paligid.

“Wala, Chesca. Naliligo ako dito madalas.” Aniya habang naghuhubad ng t-shirt.

Nalaglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang bawat biyak ng kanyang katawan. Paano kaya nangyari ito? Paano niya nagawang ganyan ka ganda ang katawan niya? Hindi ba talaga siya greek god o anak man lang ng greek god? Bumalandra agad sa akin ang tight burning abs niya. Really, aso na lang ang kulang dahil sa init na naramdaman ko sa sarili ko nang nakita ko ang maiinit niyang muscles. Bakit ganun? Hindi naman ako nagkakaganito tuwing may nakikita akong mga lalaking malalaki ang katawan. Pero bakit pag si Hector ay parang hindi ko makontrol ang sarili ko?

Tumawa siya at hinagis sa mukha ko yung t-shirt niya.

“Ano ba!” Sigaw ko sabay hawi sa t-shirt na mabango.

Shit! Ano ba yan! Ano ba ito?

“Ilagay mo yan sa binti mo. Baka mamaya di ako makapagpigil.” Halos pabulong niyang sinabi at nag iwas ng tingin.

Napatingin ako sa soot kong skater skirt at agad kong pinaglapit ang legs ko at tinabunan iyon ng t shirt.

“Tsss.”

Tinuro niya ang isang mukhang malalim na parte ng ilog. Sa kabilang bahagi ay matalahib na kapatagan, at sa kabila ay may malalaking bulubundukin. “Pagdating natin diyan, tumalikod ka kasi huhubarin ko itong pants ko. Gusto kong maligo.”

SHIT LANG HA!

“Okay.” Sabi ko.

Napangiwi siya, “Ayaw mo bang maligo?”

“Naligo na ako sa bahay.” Tinaas ko ang kilay ko. “Tsaka, anong gusto mo? Mag bra lang ako nang sa ganun ay may maisoot pa ako pagkatapos?”

Napatingin siya sa damit ko at nagkagat ng labi.

“Okay, wa’g na lang.” Aniya at bumuga ng hangin sa bibig.

Masama ko siyang tiningnan.

“Patungo ‘to sa Tinago.” Aniya. “Titingnan lang natin saglit ang falls tapos babalik na tayo.”

Tumango ako.

Napansin kong nasa parte na kami na itinuro niya kanina. Tumayo na siya at tumingin sakin.

“Tumalikod ka.” Aniya.

“Ano? Adik ka ba? Mag bi-brief ka lang?” Apila ko.

“Hindi! Boxers.” Aniya.

“WHAT?” Masama ko siyang tinitigan pababa at nakita ko na naman ang naka high definition niyang burning abs. Ngayon, mukhang umuusok na ito sa pag iinit.

Kinalas niya na ang sinturon niya at ang butones ng pants.

“HECTOR!” Sigaw ko sabay takip sa mata.

Tumawa siya, “Sabing tumalikod ka, eh!”

Tumalikod ako at nagtakip pa ng mata. “Tapos na ba?”

Ilang sandali lang ay narinig ko ng may bumagsak sa ilog. Umalon at napahawak ako sa magkabilang side ng bangka.

Nakita ko na ang pants niyang nasa harap kong nakatupi. Luminga linga ako at narealize kong hindi pa siya umaahon. Tahimik ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay huni ng di malamang ibon.

“Hector?” Tawag ko.

Wala paring sumagot o umahon man lang.

“HECTOR!” Nanginig na ang boses ko.

Mas lalong lumakas ang mga huni ng ibon. Parang nafifeel kong ito yung isa sa mga eksena sa isang mahiwagang movie kung saan nawawala ang bida at biglang kikidnapin ng engkanto.

“HECTOR!” Mas lalo akong natakot sa mga iniisip ko.

Napatili ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Tumatawa si Hector sa reaksyon ko. Basang basa siya sa tubig at bawat hibla ng buhok ay malayang sumusunod sa bawat patak ng tubig ilog. Hindi ko alam kung bakit ang gwapo niya sa kahit anong anyo, sa kahit anong anggulo.

“Ano ba!?” Sigaw ko. “Na-Nakakainis ka!” Nandun parin ang panginginig sa boses ko.

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko man lang namalayan na medyo napaluha ako sa nangyari. Palaban ako pero nakakatakot kayang iwan mag isa sa isang lugar na walang tao at puro gubat ang nakikita mo… Sa gitna pa mismo ng ilog!

Nakita ko ang panic sa mukha niya. Agad siyang umahon at sumakay sa bangka at bumalandra sa harap ko ang dark blue boxers niya. Nagpalaglag sa panga ko ang muscles ng kanyang binti. Grabe! Well cut lahat! Hindi lang ang burning abs, pati sa mga binti ay ubod ng hot!

Tinakpan ko ang mata ko.

“Nakakainis ka talaga!” Sabi ko.

Hinawakan niya agad ang mga kamay kong nasa mata. “Sorry.”

“K-Kanina ka pa ah! Una tinakot mo ako sa gazebo! Sunod tinakot mo ako nung hinila mo ako sa bangka! Ngayon may pa wala-wala ka pang nalalaman!” Sabi ko kahit naasiwa ako sa basang burning abs niya sa harapan ko.

Inangat niya ang baba ko at tiningnan niya ako gamit ang seryoso niyang mukha, “Sorry, Chesca… Di na mauulit. Natakot ka ba?”

“Syempre! Leche ka!” Sabay hampas ko sa braso niya.

Tumikhim siya.

“Hindi ako masyadong marunong lumangoy! Isa pa… hindi rin ako sanay na mag isa sa gubat! Pwede ba?” Inirapan ko siya.

Ang isang kamay niya ay nakahawak na sa kabilang hawakan ng bangka. Ang isang kamay naman ay nasa baba ko. Nararamdaman ko ang mga patak ng tubig galing sa katawan niya papunta sa damit ko. Napaawang ang bibig ko nang nakita ko ang kurba ng labi niya.

Sa sobrang lapit naming dalawa ay halos maramdaman ko na ang kanyang ilong sa ilong ko.

“Chesca, sorry…” Pag uulit niya.

“O-Okay lang.” Marahan kong sinabi kasi na coconscious ako sa sobrang lapit namin.

Tinagilid niya ang ulo niya at hinalikan niya ang pisngi ko.

Sa paglapat ng kanyang labi ay napapikit ako. May kung ano akong naramdaman sa sistema ko. Mabilis na nag react ang puso ko, parang hinahabol ng kabayo sa sobrang lakas ng pag takbo. Hinalikan niya pa ako ng isang ulit at napapikit ulit ako. Ngayon ay mas matagal.

“Hector…” Halos daing na ang nasabi kong iyon.

“Hmm, Chesca. Patawarin mo ako.” Pabulong niyang sinasabi.

Nagtindigan ang balahibo ko galing sa braso ko patungong batok. Humalik ulit siya sa pisngi, ngayon ay mas malapit na sa labi.

Bumaha na ng mura sa utak ko. Lahat yata ng mura ay nasabi ko na. SHIT! SHIT! SHIT!

Hinalikan niya ako, ngayon mas slow motion at mas nakakapanindig balahibo. Nasa gilid na siya ng mga labi ko. Napakagat labi ako sa ginawa niya.

Damn it! Nakalimutan ko ang lahat. Limot ko na nag ka boyfriend ako at higit pa dito ang mga ginawa naming dalawa. Nakalimutan ko na marunong akong humalik at madalas ko iyong gawin noon. Nakalimutan ko. Para akong computer na na reset, or worst, na reformat. Nagsimula akong magtanong kung minahal ko bang talaga si Clark? Kahit kailan, hindi ko inisip na pagdududahan ko ang naramdaman ko sa kanya… Puppy love? First love? Ewan ko! Basta ang alam ko ngayon… kung mahal ko man si Hector ngayon, kung in love man ako sa kanya, ang masasabi ko lang ay sobra sobra ito. Sobra pa sa naramdaman ko kay Clark. Sobra pa sa lahat ng ipinadama niya sa akin.

“I’m so in love with you, Chesca. Shit.” Aniya sabay hawak sa dibdib niya. “Ang bilis.”

Ngumisi ako at napatingin sa labi niyang nasa tapat na ng labi ko.

Hinawakan niya ang labi ko bago pumikit at pinalapat yung kanya dito. Pumikit din ako. Hinalikan ko siya. Nagulat ako dahil pabitin ang mga halik niya. Gumagalaw ang labi at nanunuya ang bawat dampi nito sakin. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Lalo na nang napahilig na siya sakin dahil sa halikan namin. Pinigilan ko ang tuluyang pagbagsak ng mainit na katawan niya sa dibdib ko. Ilang sandali ay mas lalong lumalim ang halik naming dalawa.

Nilagay niya ang kamay sa batok ko. Umupo siya ng maayos at dinala niya ang mukha ko sa kanya. Mas lalong lumalim ang halik namin. Nakakalasing. This is probably the most passionate kiss I’ve ever received. May bumagsak sa puso ko nang may narealize ako. Kumalas ako sa halikan namin.

Nakita ko ang nanlalaking mga mata niya at nakaawang na bibig habang nakatitig parin sa labi ko.

“Ako ba ang unang halik mo?” Tanong kong may bahid na pagseselos sa kung sino man ang tumuro sa kanya nito.

I know… kasi kahit ako man noon ay hindi marunong. Tinuruan ako ni Clark. Buksan mo lang daw ang bibig mo at magpatianod sa bawat halik niya. At pag marunong na ay pwede ng gumanti. Pero si Hector? Hindi ko alam. Gumanti siya nung una pa lang.

Tumango siya at kinagat ang labi.

“T-Talaga?” Hindi ako makapaniwala. “I-I don’t believe you, Hector.” Nag iwas ako ng tingin.

Imposible? Maraming babaeng gustong ipagkanulo nila ang sarili nila kay Hector. Sa buong highschool ba niya ay wala siyang nahalikan? Napakalaking imposible!

“Ikaw lang din ang niligawan ko. Ikaw lang ang nagustuhan ko, Chesca. Sino namang hahalikan ko bukod sayo?” Aniya.

Napatingin ako sa seryoso niyang mukha. Hindi ko mapigilan ang pagbaba ng tingin ko sa kanyang burning abs at sa boxers niyang kulay dark blue. Shit! Nakakahalay sa paningin.

Bigla niyang tinapik ang lap niya.

“Ha?” Napatanong ako.

Naririnig ko na ang mga agos ng tinago falls dito.

“Halika dito.” Aniya.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa mariin niyang sinabi.

“Bakit?”

“Halika dito, Chesca.” Utos niya.

Haring hari talaga ang pakiramdam niya kung makapag bitiw ng utos, ah?

“Ano? Uupo ako sa hita mo?” Tanong ko kahit na nag iinit na ang pisngi. “Ayoko, Hector.”

Habang sinasabi ko iyon ay napatili na ako dahil hinila niya na ako malapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya imbes na sa hita. Ikinulong niya agad ako sa mga bisig niya at tinagilid niya ulit ang mukha niya at nagsimula ulit siya sa paghahalik sakin.

“Hector.” Saway ko nang may naririnig ng mga tao sa paligid. “N-Nakakahiya, may mga tao.”

Tumigil siya para habulin ang kanyang hininga. Halos hindi na rin ako makahinga.

“Hayaan mo sila. Magiging sayo ang Tinago. Magiging sayo ang buong rancho. Hindi na sila pwedeng tumutol sating dalawa.”

Napapikit ako at nakita ko sa harap ko ang falls ng tinago. Bumabaybay na pala kami sa likod ng pag agos ng talon. Hindi ko na nakita ang mga tao kaya pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya. Hanggang sa nalasing na naman ako at nakalimutan kung nasaan kaming dalawa.

Tumigil lang siya at ngumisi para itanong sa akin ang isang bagay.

“Mahal mo na ba ako, Chesca? Kasi mahal na mahal na kita. Sobra sobra. At hindi ko alam kung anong magagawa ko kung hindi magiging tayo pagkatapos ng lahat ng ito.”

Napasinghap ako. Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko ang init ng aking labi dahil sa pagpapaulan niya ng halik.

“Sagot.” Pahabol niya.

Kinagat ko ang labi ko at matama siyang tiningnan. Damn


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: