Mapapansin Kaya? – Kabanata 8

Kabanata 8

Nasasaktan Ako

Natuyo ang lalamunan ko dahil sa nalaman ko. Rozen is with Zoey? Really?

Kilala ko si Zoey dahil iisa kami ng school noong highschool. Magkabatch kaming dalawa. Transferee siya galing daw sa probinsya kaya naman hindi niya naabutan si Rozen. College na kasi si Rozen nang nag transfer siya.

“Uhm… Saan kayo nagkakilala, Rozen?” Tanong ko.

Tahimik kasi masyado habang nag di-drive siya.

“Sa bar.” Cool niyang sinagot.

Nakita kong inayos ni Zoey ang buhok niya. Lumunok siya at napaawang ang bibig nang nakatingin sa kalsada.

“Zoey, hindi mo naman sinabing magkaibigan na pala kayo ni Rozen.” Ngumisi ako.

Sumulyap si Zoey sakin.

Ngumisi din siya pero maputla parin, “Oo nga, nahihiya lang ako.”

“Ahh!”

Sumulyap si Zoey kay Rozen at napalunok.

Yes… I don’t freaking care for Rozen. Hindi pa siya kailanman nasaktan ng isang babae at pakiramdam ko, hinding-hindi siya masasaktan dahil sa sobrang pagkaplayboy niya. Iba-iba ang girlfriend nito buwan-buwan. Okay sana kung tinatawag niyang ‘girlfriend’, kaso hindi eh… Magmumukhang girltoy ang nagiging kasama niya.

Yung iniisip ko ay si Wade. Napagtagpi-tagpi ko na rin sa wakas ang lahat! Tinanong ako ni Wade kanina kung sinong kapatid ang susundo sakin. Sinagot ko siya at nakita kong nag-iba ang ekspresyon niya. Ayaw ni Zoey na may makaalam sa nangyari sa CR. Siguro ay ganito: May gusto si Wade kay Zoey pero ayaw ni Zoey kay Wade. Ayaw niya? Paanong ayaw niya eh sabik na sabik siya kung halikan si Wade doon sa CR? Halos magkagutay-gutay yung damit ni Wade doon.

Naalala ko naman yung scene sa rooftop. Naalala ko yung mukha ni Wade pagkatapos siyang awayin ni Zoey.

Kumulo ang dugo ko habang tinitignan ang mga sasakyan sa labas. Wade is Zoey’s freaking slave! Mahal ni Wade si Zoey pero ayaw ni Zoey kay Wade! Mabait si Wade kaya ayaw niyang guluhin si Zoey in public. Hinahayaan niya si Zoey na lumandi sa iba!

“Alam mo ba, Zoey, nadislocate ang rib ni Wade, kanina. Nagsoccer kasi siya kanina tapos sinalo niya yung bola. Sumalpok siya sa concrete bench kaya ayun…”

Let’s try her reaction, huh?

“Ha? Si Wade Rivas?” Maputla niyang sinulyapan si Rozen.

Nakita kong nakakunot ang noo ni Rozen at nagmaneho ng seryoso. Para bang di siya nakikinig.

“Oo. Dinala siya sa infirmary kanina. Diba pareho kayong taga Alegria?”

Sinulyapan ulit ni Zoey si Rozen, “Ah! Yes! Nag tatrabaho siya sa farm ng daddy ko, kaya ko siya kilala. C-Classmate din kami nung highschool bago ako lumipat sa Maynila.”

Naningkit ang mga mata ko.

“Kilala mo lang siya kasi nagtatrabaho sa farm tsaka classmate?”

Hilaw ang ngiti niya nang sinulyapan ako, “O-Oo naman. We’re friends. Kawawa nga siya, kasi malayo siya sa pamilya niya. Nasa Alegria lang kasi ang mama at papa niya, pati yung bunso niyang kapatid. Alam mo na… buhay probinsya.”

Humalakhak si Rozen sa sinabi ni Zoey, “Probinsyana ka rin naman.”

Mas lalong namutla si Zoey, “Noon yun, hindi na kaya ngayon!” Tumawa si Zoey pero naramdaman ko parin ang pagkakailang niya sa sinabi ni Rozen.

“Reina…” Bumuntong-hininga si Rozen. “You brought that guy to the infirmary?”

“Yup. He saved me, kuya.” Sabi ko.

“Uh-huh…” Hindi na sinundan pa ni Rozen ang tanong niya.

Tinitigan ko si Zoey na namumutla parin. Baka maubusan ito ng dugo sa sobrang pamumutla, ah? Now, I get the whole frame… She’s a social climber! The biggest social climber in the world! Mahirap o commoner sina Wade at nangangarap siyang mapabilang sa mga malalaking kulugong na social climber sa balat ng Manila! Gusto niyang maging girlfriend ng kapatid kong isa sa pinakamagastos na tao sa mundo!

“May lakad pa ba kayo, Rozen?” Tanong ko pagkababa ko sa sasakyan.

Hindi niya kasi pinasok ang sasakyan sa gate kahit na nakabukas ito.

“Yup. Ikaw na magsabi kay Dashiel.”

Sumulyap ako kay Zoey na sa ngayon ay tulala. Hindi siya makatingin sakin.

“Alright, then. Surely.”

“Thank you, baby.”

“Bye, Zoey.” Sabi ko kahit na unti-unti na akong naiinis sa babaeng ito.

Kaya niyang manakit kay Wade Rivas para lang sa pagkasosyalera niya!? WTF? Halos ideny niya na kilala niya si Wade, samantalang ang isang iyon ay wasak dahil hindi siya pinapansin sa loob ng school! Nagkukunwari silang di magkakilala para lang sa kapritso ng makating iyon! WTF? He saved my freaking head from that ball, ang bait niya kahit masungit siya.

Then it struck me… Of course, masungit siya dahil kilala niya ako, “Reina Carmela Elizalde”.

Alam niyang kapatid ko si Rozen. Noon pa man, alam niya ng may something kay Rozen at Zoey. Nasasaktan siya kaya ako ang binabalingan niya! Although, ngayon, nag iimprove na ang trato niya sakin… hindi ko parin maiwasan ang mga conclusion ko.

I HATE HER!

Hindi talaga matanggal sa isipan ko ang sabik na panghahalik at pag atake niya kay Wade sa CR! I know Wade is ‘probably’ green, pero at least siya seryoso! DAMN!

Napahinga ako ng malalim pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iniisip ko kay Coreen.

“Ang lantod naman pala ng babaitang yun! Grabe! Torn between Wade Rivas and Rozen Elizalde ang peg? Sino siya, siniswerte? Ha! That’s just crazy, Reina. Di kaya nag o-over react ka?”

Siniko ko agad si Coreen.

Nakikita ko kasing si Pumapasok si Wade sa gate.

Makikita mo ang paglingon ng mga babae, pati na rin ng mga lalaki sa kanya. Hindi niya namamalayan ang lingering stares ng mga nakakasagupa niya papasok sa school.

“He’s really a god! Next to Noah!” Nakakabinging tumili si Coreen kaya siniko ko ulit siya. “Aray, ano?”

“Tignan mo…” Itinuro ko si Zoey at Rozen na magkasama.

Ilang hakbang na lang ay magkakatagpo silang tatlo.

“Love triangle at it’s best.” Ngumisi si Coreen.

“No, Coreen. Rozen is hardly smitten for goodness sake. Kilala mo ba si Rozen?”

“Of course no! Yung tinutukoy ko ay kayong tatlo. Zoey, Wade and you…”

Nagkasalubong ang kilay ko.

“Aminin mo, Reina. You’re curious about him. You care for him. You like him.”

Napaatras ako sa mga bintang ni Coreen.

“No, Coreen. Nagtaka lang ako kasi nga ayaw niya sak-“

“I know that feeling, Reina. I know that too well.” Nag evil-smile siya sakin.

Magkakatagpo na sana silang tatlo nang biglang bumagal ang paglalakad ni Wade. Bumagal ito hanggang sa lumiko na siya.

“Shucks! Tingin ko nakita niya yung dalawa kaya siya lumiko.” Tumango-tango si Coreen.

Nanliit ang mga mata ko. It’s really hard for him. Kawawa naman siya. Naiinis ako kay Zoey… I want to make her life a living hell pero hindi ko alam kung paano ko yun gagawin.

Pumasok kami sa klase namin kay Mr. Dimaano. Ayan na naman… ayaw ko na. Kakapasok ko lang tinitignan ko na ang wrist watch ko, chinicheck kung malapit na bang mag time.

Umupo agad ako. Ilang sandali pa bago pumasok si Wade. Kasama niya pala sina Warren at Noah. Umalis agad si Coreen para tignan sila sa labas. Kinuha ko na lang ang papel kong may assignment. Isang yellow pad, i-explain daw ang mga principle at irelate ito sa isa pang principle at paano iyon makakaapekto sa araw-araw mong pamumuhay.

Dumugo ang ilong at tainga ko sa sobrang haba ng isinulat ko kagabi.

“Reina, may assignment ka na?” Napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Wade sa likuran ko.

Tumindig ang balahibo ko. Kinikilabutan na naman.

“Oo, eh. Pero hindi ako sigurado.”

Ipinakita ko sa kanya ang papel ko. Kinuha niya iyon, agad ko sanang babawiin pero itinaas niya na ito at mabilis na binasa ang mga nakasulat. Sobrang bilis niyang magbasa, pinagmasdan ko talaga ang takbo ng mga mata niya pababa ng papel ko.

“Wade, tama na, nakakahiya!” Sabi ko.

Ngumisi siya sa gitna ng pagbabasa. That. Smile. Ugh!

“Wade!” Sinubukan kong abutin iyon, napahawak tuloy ako sa dibdib niya.

Nabigla ako nang naramdamang ang init ng dibdib niya!

“Ow!” Napahawak siya sa tiyan niya.

“Hala! Sorry! Nakalimutan ko!” Sabi ko at nagpanic na.

Oo nga pala, may masakit nga pala sa rib niya.

“Sorry!” Sabi ko ulit.

“Ang sakit!” Inda niya.

“Saan?” Tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa ibabaw ng mismong abs niya. Mainit ito at matigas. Uminit ang pisngi ko.

“Dito.” Ngumisi siya.

Binawi ko ng parang napapaso ang kamay ko.

Tumawa agad siya ng pagkalakas-lakas.

Napatingin tuloy ang mga kaklase namin. Tinalikuran ko siya at tinakpan na lang ang mukha sa kahihiyan. Bakit ang hilig niya talagang inisin ako? Ugh!

“Ouch! Shit!” Pumalatak siya.

“Yan! Bagay sayo!” Bulong ko.

“Anong sabi mo?” Pabiro niyang tanong. “Sinong bagay sakin?”

“Whut? Ay ewan ko sayo!” Sabi ko.

Humalakhak ulit siya at tumayo. Bigla siyang umupo sa upuan ni Coreen.

“Why are you here? B-Balik ka na dun sa likod.” Sabi ko.

“Bakit? Grabe ka naman. May ituturo lang ako sayo dito sa assignment.”

“Huh? May mali ba?” Tanong ko.

Nabigla naman ako sa ipinakita niya sakin.

“Konti.” Itinuro niya ang maling paragraph ko.

Binigyan niya rin ako ng ideya kung paano ko gagawing tama iyon.

“Sige na… Kahit na bitamina sa mata pag pinapagalitan ka ni Mr. Dimaano, kahit paano ayaw ko paring bumagsak ka.”

Sinapak ko ang braso niya.

“Nakakainis ka!” Sabi ko pero nakangisi.

Ngumisi din siya.

“Ehe-ehem…” Sabi ni Coreen sabay kalabit kay Wade.

Agad tumayo si Wade ng nakangisi. Nahiya agad ako lalo na nang nakita ko ang nanunuyang mga mata ni Coreen.

Sinulat ko na lang ang assignment ko. Ayan na naman ang mga titig niya saking kahit nakatalikod ako ay nararamdaman kong nanunusok.

Sumulyap ako kay Wade para kumpirmahin ang titig niya. Nabigla ako nang naabutan ko siyang nakatitig nga sakin ng nakahalf-smile at nakataas ang ballpen. Nakabalandra na naman ang dimple niya at mukhang kanina niya pa ginugulo ang buhok niya. Nang nakita niya ang pagtitig ko ay nag-iwas agad siya ng tingin.

Nanliit ang mga mata ko sa reaksyon niya. Nagkibit-balikat ako kahit dinig na dinig ko na ang puso ko. Damn, Coreen’s right, I like him. Kahit na suplado siya, alam kong totoong tao siya. At nasasaktan ako para sa kanya… nasasaktan ako sa ginagawa ni Zoey sa kanya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: