Mapapansin Kaya? – Kabanata 7

Kabanata 7


Bakit Naman Kaya?

Yes, I want to know everything about him. Pero paano? Kung itatanong ko sa kanya baka magsungit lang iyon. Pag i-stalk ko naman siya, lagot ako pag nalaman niya.

“Reina, I’ll take you home later. Alright? Wag ka munang umuwi.” Sabi ni Rozen sakin nang nagkasalubong kami.

Tumango ako, “Okay, I’ll wait. Nasa benches lang ako. Just text.”

Kakatapos lang ng klase ko at ipinapahintay na agad ako ni Rozen. Sana talaga payagan na ako ni daddy na gamitin yung kotse ko. May kotse na talaga ako pero paranoid sila, ayaw ipagamit sakin.

“Reina, mag sit in ka na lang sa class ko.” Anyaya ni Coreen.

Umiling ako, “Naku! Dalawang oras yan, diba? Wag na. Kasi baka magalit si Rozen sakin pag wala ako dito sa benches.”

Sumimangot si Coreen. “Haay naku! Hayaan mo na yang kapatid mo.”

Umiling ulit ako, “Okay lang. Makikinig na lang ako ng music tsaka mag i-sketch.”

Ngumisi si Coreen. “Ako yung i-sketch mo ah?”

“Okay.” Tumawa ako.

Masaya niya akong nilubayan. Tinahak ko naman ang daanan sa gilid ng soccerfield. Paborito ko kasing lugar ng school ay ang benches malapit sa field. Mahangin kasi at maganda ang tanawin dito. Malayo pa lang ako, kitang-kita ko na na walang nakaupo sa bench na gusto ko. Mabilis akong naglakad.

Naka cross-fingers pa ako at nag cha-chant: Sana walang umupo-Sana walang umup…

PAK!

Mabilis ang pangyayari. Natigilan ako sa paglalakad ko nang may isang lalaking tumama bigla sa paborito kong bench.

“OH MY GOOOOD!” Sigaw ng mga tao.

Napasigaw na rin ako at napahawak sa dibdib ko. Hindi pa ako nakakita ng mga ganitong klaseng eksena. Pinalibutan agad yung lalaki ng mga tao. Nakita kong gumulong ang bola kung saan.

“Sorry, ‘tol!” Tumakbo papalapit ang mga soccerplayers sa kasama nilang tumama sa bench.

“Tabi! Tabi!” Sigaw ng iba sa mga usisero.

“Sorry, Reina!” Napakamot sa ulo ang namumutlang soccerplayer sakin.

Napalunok ako at napaturo sa sarili.

“Ako? Bakit?”

“Tatamaan ka sana ng bola. Buti sinalo ni Wade. Damn!” Sabi nung soccerplayer.

WHAT? Lumapit ako sa scene at nakita kong hirap na tumayo si Wade habang iniinda ang sakit ng tiyan niya.

“Lagot! Dalhin na sa infirmary!” Sabi ng isang babae.

“Wade, are you alright?” Tanong ng isa.

“Dalhin niyo siya sa infirmary!” Sabi ng isa pang babae.

Dinumog ng babae sa Wade. Hindi ako nakagalaw sa sobrang windang. Marahan siyang naglakad at nakaakbay sa mga pumapalibot sa kanya. Tinulungan din siya ng mga babaeng nakikiusisa. Yung isa pa sa kanila ay panay ang mura sa sumipa ng bola.

“Sorry na, hindi ko sinasadya. Ang bilis kasi ng pangyayari-“

“Kung anong mangyari kay Wade? Sana ikaw na lang yung tumama sa concrete bench! Leche!”

“Oo nga! Siguro may galit ka sa kanya?”

“Hindi niya naman kailangang saluhin yung bola.” Napatingin sila sakin. “Pero kung di niya sinalo, tatamaan si Reina.”

“Reina…” Basag ang boses ni Wade dahil sa sakit na naramdaman sa tiyan niya.

Natuyo ang lalamunan ko. Ni pangalan niya, di ko mabanggit.

“Okay ka lang ba?” Dagdag niya.

Kumunot ang noo ko at nilapitan siya,”Of course, I’m okay!”

Sumama ako sa pagdala sa kanya sa infirmary. Walang pumapansin sakin. Walang nagagalit pero alam kong palihim nila akong nililigo ng mura dahil sa nangyari kay Wade. Nagulat talaga ako sa ginawa niya. Ni hindi ko alam na naglalaro siya ng soccer!

May naabutan pa akong umiiyak sa labas. Hindi na ako pumasok kasi marami ng pumasok sa infirmary para icheck si Wade.

“OMG! Na dislocate daw yung rib niya.” Sabay iyak ng isa sa mga babaeng nag wala kanina sa field.

Nanlaki ang mga mata ko. REALLY? Like, really? He saved me… tapos… napahamak siya? OMG!

“C-Can I… uhm…-” Hindi ko madagdagan ang sinabi ko kaya tinuro ko na lang sa nurse ang pintuan.

“Sure.” Tumango siya sakin.

Binuksan ko agad ang pinto. Nadatnan ko si Wade na nakangisi sa nurse na naglalagay ng bandage sa tiyan niya. Wala na yung t-shirt niya at lumabas talaga ang mata ko sa nakita kong hubog ng katawan niya. WHAT THE? Alam kong malutong ang katawan niya pero hindi ko alam na sa sobrang lutong halos marinig ko na ang bawat flex nito.

Uminit ang pisngi ko. Namalayan niya naman agad ang pagpasok ko. Nang tumingin siya sakin ng nakangisi, nag-iwas na lang agad ako ng tingin. Humalakhak siya at…

“Aray…” Sa gitna ng paghalakhak niya ay napapapikit siya sa sakit.

Humalakhak din ang nurse na pumupulupot sa bandage. Nakatingin ang nurse sa kay Wade pero si Wade naman ay nakatitig sakin at parang tangang nakangisi parin.

“Wade, b-bakit mo ako sinagip?” Tanong ko nang nakalapit ako.

Humalakhak ulit siya, “Arayyyy… wag mo nga akong patawanin! Kanina ka pa.” Tumawa ulit siya at napapikit na sa sakit.

Humilig siya sa higaan ng infirmary at tumingala. Natigilan ang nurse na umaasikaso sa kanya at nalaglag ang panga.

SHIT! May abs ang mokong! Putspa! Kajirits! Talagang tinitigan ng nurse ang abs ni Wade.

“Ehem… Hindi pa ba yan ho tapos?” Tanong ko.

Nilingon ako ng batang nurse at nakita kong namula siya.

“Patapos na.” Aniya at agad binilisan ang pag iikot sa bandage.

“Okay.” Sabi ko.

Nakatoon lang ang titig ko sa nurse. Nakakasilaw kasi ang katawan ni Wade. Hindi ko kayang tignan ang itsura niya na ganun. Naalala ko yung scene sa CR kahit hindi naman ganito ang posisyon niya nun. WHY?

Inalog ko ang ulo ko tsaka bumaling sa nakangisi paring si Wade. Kinilabutan ako sa ngisi niya. Hindi ko naman alam kung bakit…

“Tapos na.” Ngumisi ang nurse kay Wade.

Bumaling si Wade sa nurse at ngumisi din.

Now, I’m not sure if he’s friendly or just a shameless flirt!

“Kailan naman kaya ito maayos?” Nakangising tanong ni Wade sa nurse.

“Hmmm. Depende. Tanungin mo na lang yung doktor nanag examine at nag x-ray. Mabilis lang yan. Hindi naman napuruhan.”

Pinasadahan ni Wade ng palad niya ang buhok niya.

“Makakaapekto ba ito sa pagkanta ko?”

“Hindi… Just don’t move too much pagkumakanta ka at wag ka ring sumigaw.”

Tumango si Wade at ngumisi ulit, “Tapos ano… Makakaapekto ba ito sa sex life ko?”

WAIT… WAIT A MINUTE? WHATTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT?

Uminit ang pisngi ko. Napatalikod ako sa sobrang hiya sa tanong niya. I know, I should be used to horndogs since yung dalaw kong kapatid dumaan o dumadaan sa stage na yan. Pero hindi naman ganito ka bulgar tulad ni Wade!

Hinawakan ko ang pisngi ko at napatingin sa pintuan.

Umalingawngaw ang tawa ni Wade at kasunod nito ang reklamo niya sa sakit, “Ahhh! Shit! Ang sakit!” Tumawa ulit siya.

“A-Ah? S-Sex life? H-Hindi n-naman. Uhm… Wag ka lang siguro m-masyadong g-gumalaw?”

WOW! Dinig na dinig ko ang pagkakautal ng nurse sa tanong ni Wade.

“Huh? Paanong di gagalaw?”

Umalis na ako sa sobrang hiya at sobrang init ng pisngi. Papalapit na ako sa pintuan nang naririnig ko na naman ang unti-unting pagtawa ni Wade kahit di niya pa natatapos ang sinasabi niya.

“Ibig sabihin bawal akong mag-” Hindi niya na natapos sa sobrang tawa niya. “Araaaay! Shit naman!”

“U-Uh? Oo. S-Siguro. Tanungin ko lang ang doktor. E-Excuse me…” Sabi nung nurse at umalis na.

Hinawakan ko ang doorknob ng pintuan at, “Excuse me rin, Wade.” Mapapaexcuse talaga ako dahil sa topic nila ng nurse na iyon.

“Huh? Reina! I saved your life. Dapat dito ka lang. Please.” Hindi parin humuhupa ang halakhak niya.

Pumikit ako at unti-unting sinarado ang pintuan.

“Thanks, Wade. Pero hindi naman siguro ako mamamatay kung natamaan ako ng bola.” Sabi ko at tumingin na lang sa weighing scale.

Hindi ko kayang tignan ang heat-inducing body niya.

“Oo, pero pwede kang ma amnesia.” Tumaas ang kilay niya.

Umiling ako, “Hindi rin. Ang OA, huh?”

“O, sige. Ayaw mo bang sinalo ko yung bola para sayo kasi ‘friends’ tayo?”

Humugot ako ng malalim na hininga, “Friends don’t always do that…”

“Para sayo. Para sakin, ganun yun.” Ngumuso siya, nagpipigil na naman siguro ng tawa.

Kumunot ang noo ko, “Bakit ka natatawa?”

Humagalpak ulit siya sa pagtawa, “Aray! Shit! Reina! Wag mo ngang gawin sakin ‘to?”

“HUH?”

“Ang cute mo kasi.” Tinitigan niya ako.

Nagkatitigan kami.

Umayos siya sa pag-upo kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng dibdib at abs niya. Kahit na may bandage, sumisilip parin yung kagaguhang heat-inducing abs. Uminit ang pisngi ko at nag-iwas tingin ulit.

Tumawa ulit siya.

“Wade! Stop laughing!” Sabi ko.

Ang hilig niya talagang paglaruan o inisin ako. Hay naku! Siguro natutuwa siya kasi ampanget ko at tuwing namumula ako, mas lalo akong nagiging pangit! OMG!

KRING!-KRING!

Hinalughog ko agad yung bag ko at hinanap ang tumutunog na cellphone. Rozen’s calling!

“Hello?”

“Reina, where are you!? Sinuyod ko na ang buong benches ng school, wala ka. Di ka pa nag rereply sa texts ko-“

“Uhm… Nasa infirmary ako-“

“What? Are ypu alright? Anong nangyari?”

“I’m okay. Hindi ako. May hinatid lang ako dit-“

“Okay, nasa parking lang ako. Bilisan mo na.”

Binaba agad ni Rozen ang cellphone. Tinitigan ko na lang ang screen na kaming dalawa ni Coreen ang wallpaper.

“Hey, uhmmm, okay ka lang ba dito?”

Napawi ang ngisi ni Wade.

“I need to go. Nag aantay na ang kapatid ko.”

Ngumuso siya at mukhang nag-isip, “Sinong kapatid?”

“Si Rozen. Rozen Elizalde. Kilala mo?”

Umiling siya, “Iiwan mo ako dito para sa kanya?”

“H-Huh? Uhm… No. Wala kasing maghahatid sakin sa bahay. Siya lang kaya…”

“Okay. Alam ko. Sige na.”

I actually don’t want to leave.

Hinawakan ko na naman ang doorknob at sinulyapan siya.

“I’m sorry for this, Wade. Sorry talaga. Babawi ako.”

Tumango siya at seryoso parin ang mukha hanggang sa pinagsarhan ko na siya ng pintuan.

Nandoon parin ang mga babaeng nagdala sa kanya dito.

“Kamusta siya, Reina?” Tanong ng hindi ko kilalang babae.

Okay, I’m used to it. Laging may nakakakilala sakin kahit di ko kilala.

“He’s okay…” Ngumisi ako.

Napabuntong-hininga silang lahat.

“Pwede bang pumasok?” Tanong ng isa.

“I’m not sure… pero pwede na-” Hindi pa ako natatapos sa sinasabi ko ay dinumog na ang infirmary.

Napatingin ako sa pintuang pinasukan ng mga babae. Wade Rivas: Sometimes he’s hot… sometimes he’s cold. Pinagtatawanan niya ako at iniinis pero may kabaitan ding tinatago sakin. He’s also green. Napaisip tuloy ako kung bakit niya naitanong sa nurse yun kanina. Hindi ako masosorpresa kung ginagawa nila iyon ni Zoey. Maybe, they’re secret lovers.

Weird… Nanghihina ako pag naiisip ko yun. Si Wade, nasasaktan kasi ayaw ipaalam ni Zoey yung relasyon nila. Bakit naman kaya?

Alam niyo kung bakit?

“Rozen, sorry natagalan ako-“

Umiling si Rozen at pinagbuksan ako sa likod ng sasakyan niya.

“Huh?” Tumaas ang kilay ko. “Di ba dala ni Noah yung sasakyan niya?”

“It’s not Noah, Reina.” Ngumisi siya.

His own evil-smile.

“Kung ganun, sino?” Sumulyap ako sa loob para tignan kung sinong nasa front seat.”

“This is Zoey, Reina. Do you know her?”

Kumaway si Zoey pero nakita ko ang pamumutla niya.

“Of course.”


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: