Kabanata 9
Pwedeng Dalawa
Sinusuklay ni Coreen ang buhok ko. Gusto niyang laging hinahawi ang bangs ko.
“Pahabain mo na ang bangs mo, Reina. Mas lalo kang gaganda kung gagawin mo iyon.” Aniya.
Umiling ako, “Still the same, Coreen. Mabuti na ngang meron akong bangs para maitago ko ang pimples ko.”
Huminga siya ng malalim at hinarap ako, “Hindi ba talaga kailanman sumagi sa utak mo na maaring nagkakapimples ka dahil sa bangs mo? Tsaka… Magpaderma ka kaya para mawala na yang nirereklamo mong pimples.”
Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Coreen. Tama siya. Ngayong masyado akong naiinis sa buhay ng mga tao sa paligid ko, gumawa kasi ako ng plano. Hinding-hindi yun mangyayari kung hindi ako mag-aayos. Kailangan kong i-improve ang sarili ko.
“Sigurado ka ba talaga diyan sa plano mo? Hindi ba iyan magba-back fire?” Tanong ni Coreen nang napag-usapan ulit namin iyon.
“Hmmm. No.” Naghanap ako ng mga susootin papuntang mall samantalang, sinusuyod naman ni Coreen ang sketches ko.
“Paano kung mainlove ka kay Wade?” Tanong niya.
“I know he’s off limits. He’s in love with someone else, Coreen. Kaya pagkatibok pa lang ng puso ko, papatahimikin ko na agad.”
Pinagmasdan niyang mabuti ang isa sa mga sketch ko.
“It’s not some switch, Reina, na pwede mong i-off kung ayaw mo sa mga nangyayari.”
Natigilan ako sa sinabi ni Coreen. “Mainlove man ako sa kanya, alam ko namang hindi magiging kami.”
“Bakit?” Napatingin siya sakin.
“Dahil may gusto siya sa iba. I don’t think I can steal his heart, Coreen. Kaya niyang maglihim para kay Zoey. Diyan pa lang, alam kong mahirap ng talunin at i-divert ang pagmamahal niya.”
Tumango si Coreen.
Kakatapos ko lang magbihis. Ito ang unang pagkakataong naramdaman kong confident ako sa sinusoot ko. Sleeveless ruffled top, shorts atsaka flats. Hindi ako ganito manamit noon dahil nahihiya ako, hindi ko alam kung anong sumapi sakin at nakaya ko ito ngayon.
“Ganyan dapat yung mga damit mo, Reina. Naku! Ayan, kompletong designer ka na!” Tumawa si Coreen.
Nagmadali akong pumunta sa kwarto nina Mommy at Daddy. Hindi ko na pala kailangang pumasok kasi kakalabas lang nilang dalawa. Naka jacket si mommy at daddy. This isn’t their usual outfit. Palaging naka suit si daddy at naka dress si mommy.
“Mom, dad, may lakad kayo?” Tanong ko.
Obviously, may dala silang bag.
“Travelling?” Tanong ko.
“Reina, may pupuntahan lang kami sa probinsya. Sa Camino Real.”
Tumaas ang kilay ko, “Saan yun?”
“Around 9 hours away from Manila.” Sabi ni mommy. “Take care of your brothers, alright? May tinitignan kaming lupa dun para sa negosyo.”
Tumango ako, “Okay po. Kailan ang balik niyo?”
“Depends, baby.” Sabay tapik ni daddy sa ulo ko. “Oh, saan kayo pupunta ni Coreen?”
Nilingon ko si Coreen na ngayon ay umuupo na doon sa sofa at nagbabasa ng magazine.
“Mall po sana. Magpapa derma din siguro ako tsaka mamimili.”
“Really?” Malaki ang ngisi ni mommy sa sinabi ko.
“Opo. Sinong driver po ba ang available?” Tanong ko.
“Tatlong driver ang dadalhin namin dun, Reina. Well, let’s try-” Kinuha ni daddy ang cellphone niya para siguro tumawag sa opisina at makapaghanap ng driver pero tinapik ni mommy ang braso niya. “Let her drive, dad.”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni mommy. Napalingon din si Coreen sa sinabi ni mommy.
“WOHOOOOOOOOOOOOOO!” Napasigaw ako nang nakawala na sa automatic naming gate.
JUSMIYO! EMBRACE FREEDOM! For the first time in history, pinayagan ako nina mommy at daddyng mag drive!
“WOHOOOOO!” Napasigaw din si Coreen. “Grabe! Nakakainggit! Kung sana may isa pa kaming kotse, ako na talaga mag dadrive!”
Malaki ang ngisi ko habang nagda-drive kami. Maingat akong magdrive pero sa sobrang excited ko, bumilis.
“Hoy, Reina! Aatakihen ako sa puso!” Sigaw ni Coreen.
Nakapagseatbelt siya ng wala sa oras. Tumawa na lang ako at nagpark na.
Una naming pinuntahan ang dermatologist. Tama si Coreen, maaring yung bangs ko nga ang dahilan ng pagiging ma-pimple ko. Binigyan ako ng sabon at kung anu-ano pa ng derma. Mahirap magpa-ganda. Natesting ko rin yung peeling chaka nila. Weird. Hindi ako maalaga sa katawan noon pero ngayon, parang ginaganahan ako.
“Next stop… Salon!” Hinatak ako ni Coreen papuntang salon.
Ang full bangs ko ay ginawang sidebangs. Pahabain ko raw. Nagpatrim na rin ako ng buhok, ngayon yung walang buhay kong buhok ay naging bouncy na dahil sa cut nito.
Namili din kami. Enjoy palang mamuhay na kikay. Dati kasi, inaatupag ko lang ay ang pagbabasa ng libro at pags-sketch ng mga design ng damit. Buti at hindi ako nakapasa sa isang French school of design. Nung Grade 12 kasi, nag-apply ako doon, pero hindi pa ako nirereplyan hanggang ngayon. Kung sakaling nakapasa ako, paniguradong hindi ako papasa as ‘designer’ dahil sa pananamit at itsura ko.
Nakatitig si Coreen sakin habang kumakain kami sa isang restaurant.
“You look like… Rozen, Noah and Dashiel combined.” Hinawi niya ang bangs ko. “Try kaya natin bumili ng lipgloss or lipstick.”
Kinagat ko ang labi ko. “No lipstick, please. Nakakatakot. Ayokong magmukhang nagdurugo ang labi ko.” Tumawa ako.
“Reina, ever heard of pink or peach colors? For your information, hindi naman lahat ng lipstick ay red!” Umirap siya.
“O sige, pero yung pinakaclose ng color sa lips ko. Tsaka… okay na siguro yung lipgloss. OA naman kung lipstick agad.” Sabi ko.
Hindi lang lipstick ang pinamili ni Coreen para sakin. Marami pang iba. Iba-iba ang kulay. Hindi ko alam kung para saan at paano yun gagamitin.
“Kailangan ba talaga ang mga ito, Coreen?” Tanong ko.
Nagbabayad na kami sa counter ngayon dito sa paborito niyang make-up store.
“Nung na inlove ako kay Noah, natuto akong gumamit niyan.” Aniya. “Don’t worry, tutulungan kita.” May tinignan siya sa likod.
“P-Pero-“
Ngumuso siya sa likod ko.
Nang lumingon ako, nakita ko agad kung sino ang nandoon.
“Ito yung paborito ko, eh.” Sabi ni Zoey sa mukhang inaantok na si Rozen.
“Talaga? I’ll buy that for you, what else?” Humikab si Rozen at ginulo ang buhok.
Kumulo agad ang dugo ko sa narinig at nakita ko.
“Hi, Rozen, Zoey!” Halos makita kong magpalpitate ang mukha ni Coreen sa inis.
Nakangisi siya pero nagmukhang plastik yung ngisi niya dahil sa tinatagong inis.
“Coreen!” Napatalon si Rozen sa bati ni Coreen. “Sinong kasama mo?”
“Si Reina…” Sagot ni Coreen.
“Hey, hi!” Sabi ko sabay kuha sa pinamili namin.
Dumantay ang paningin ni Zoey sa pinamili ko. Social climbing b1atch!
“P-Paanong? Reina? Ginamit mo yung kotse?” Tanong niya.
“Yes, Rozen. Pinayagan na ako nina mommy at daddy.” Tinignan ko ang maputlang si Zoey.
Tinignan ko rin ang hinahawakan niyang make up. Nang narealize niyang tinititigan ko iyon ay binaba niya agad. Kumunot ang noo ko.
“Ayaw mo ba nun?” Tanong ko.
“Ah? Hindi… Uhm… May iba na akong gusto.” Aniya.
I clenched my jaw. Walang kaso kay Rozen na magwaldas siya ng pera para sa babaeng makaka-satisfy sa kanya at the end of the day. Wala namang kaso sakin kung magkaroon ng fling si Rozen every now and then… ang problema ko dito ay si Zoey… Si Zoey na mahal ni Wade… Si Wade na commoner at hindi maibibigay ang kapritso ni Zoey bukod sa umaatikabong kama.
“Ang bilis palang magbago ng isip mo.” Ngumisi ako. “Sige, alis na kami ni Coreen.”
Hinatak ko si Coreen na mukhang nagdevelop na ng ugat sa sahig. Ayaw na kasing magpahatak. Pinasadahan kami ni Rozen ng tingin.
“That b1tch!!!” Sigaw ni Coreen.
Sa sobrang gigil niya ay nabitiwan niya ang mga pinamili namin.
“Tama ka nga, Reina! Masyadong nakakainis! Ngayon, confirmed ko na… Gusto niya si Rozen dahil mayaman kayo! Ayaw niya kay Wade kasi hindi maibibigay ni Wade ang mga gusto niya! WHAT THE FVCK!” Ginulo niya ang buhok niya at tinignan ako gamit ang naniningkit na mga mata.
“That’s why I’ll do this, Coreen. Papaselosin ko ng husto si Zoey saming dalawa ni Wade.”
“She’s so full of herself. Akala niya kaya niyang paikutin ang lahat. Akala niya pwedeng dalawa. Make Wade fall in love with you, Reina.”
“No, you know I can’t do that, Coreen. Kaya kong paselosin si Zoey, but I’m pretty sure I can’t steal Wade’s heart from her. I can only help him wake Zoey up… That’s all.”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]