Mapapansin Kaya? – Kabanata 26

Kabanata 26

Bakit Kaya?

Binalot kami ng katahimikan. Hindi siya gumalaw. Nakatalikod lang siya sakin.

“A-Anong sabi mo, Wade?” Tanong ko, kahit nauutal at nanginginig na sa saya.

“Don’t make me say that again, Reina.” Mariin niyang sinabi sakin.

Bumuntong hininga siya at kumuha ng mga plato.

Tumayo ako para tulungan siya sa mga plato.

“Ako na…” Untag ko.

Hinawakan ko yung platong hinahawakan niya kaya nahawakan ko rin yung kamay niya. Uminit agad ang pisngi ko. Tinitigan niya ako. Ako naman ngayon ang hindi makatingin sa mga mata niya. Parang sasabog ako sa kilig dahil sa sinabi niya at nangyayari ngayon.

“Wade!” Sigaw ko nang tinalikuran niya ako.

Natigilan siya.

“Ako rin naman, b-baliw na baliw sayo.”

Nabigla ako nang hinila niyang bigla ang dalawang braso ko. Ikinulong niya ako sa bisig niya saka marahang hinalikan ang mga labi ko. Dilat na dilat ang mga mata ko at nakapikit naman ang mga mata niya at nakakunot ang noo. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng katawan niya dahil topless siya. Nalasing ako sa halik niya. Ganito pala ang feeling. Yung hindi mo mapigilan ang unti-unting pagpikit ng mga mata mo at panghihina mo. Nakahawak yung kamay niya sa braso ko, pero dahil sa unti-unting panghihina niya at panghihina ko ay nahawakan ko na rin ang braso niya para suporta sa sarili ko.

Baka bumigay pati yung nangangatog kong binti.

Marahan at malalim siyang humalik. Hindi ito tulad nung una na smack… Ito na yung tinutukoy ni Coreen.

“Ugh!” Marahan niya akong itinulak.

Nakaawang ang bibig ko at mainit pa ang pisngi ko sa nangyari.

Nilagay niya ang kamay niya sa noo at ginulo niya ang buhok niya.

“B-Bakit?” Tanong ko.

Sumulyap siya sakin. Suminghap agad siya nang makita ang nagtataka kong ekspresyon.

“Langya, Reina. Wa’g kang masyadong…”

Kumunot ang noo ko.

“That was my first kiss, Wade. And I don’t mind giving it to you…”

Kahit may takot ako sa puso ko dahil sa pagiging playboy niya, nangunguna parin yung pananalig kong hindi yun magagawa ni Wade Rivas. Kasi kung sana ay gagawin niya akong ‘biktima’ sa pagiging playboy niya, dapat simula palang ay pinormahan niya na ako. Pero, hindi, diba? Lahat ng tao ay nginitian niya, ako lang yung sinungitan niya.

“Ugh! Reina!” Mas lalo niyang ginulo ang buhok niya.

Mukha na siyang kakagising lang sa mahabang tulog. Nakita kong pawis na pawis ang dibdib niya sa nangyari. Pinasadahan ko ng tingin ang abs niyang gumagalaw dahil sa mabigat at mabilis na paghinga niya.

“REINA!” Napatalon ako sa sigaw niya.

Nakita kong kinagat niya ang labi niya, pumukit siya ulit at nilagay ang kamay sa noo.

“A-Ano?” Napalunok ako.

Nakita kong dinampot niya ang isang t-shirt sa upuan niya at umambang lalabas.

“Magpapahangin muna ako sa labas.”

Tumango ako. Nagmadali siyang talikuran ako. Para bang may iniiwasan siya.

Nakangisi akong naglalagay ng plato sa mesa niya. Pagkatapos ay nilagay ko rin ang nilutong adobo, tsaka yung rice. Kinuha ko rin ang juice sa ref niya. Lutang na lutang parin ako dahil sa halikan naming dalawa. I’m nineteen and I’ve never been kissed. Imbes na ibigay ko ang halik sa mga taong mediocre o sa mga taong nirereto sakin ng pamilya ko, mas mabuti na ring naibigay ko yun sa taong mahal ko – kay Wade Rivas!

Lumabas ako para tignan siya. Nakita ko siyang nakaupo sa bench. Sinandal niya ang buong katawan sa dingding tsaka tumitingala. Hinahawakan niya ang labi niya. Para bang may malalim siyang iniisip.

“Wade, kain na tayo.” Sabi ko.

Nilingon niya ako. Pero hindi niya tinanggal ang misteryosong ekspresyon at paglalaro sa labi niya. Uminit agad ang pisngi ko. Parang gusto ko rin hawakan ang labi ko. Pero ayokong isipin niyang nilalandi ko siya kaya kinagat ko na lang ito.

Bumuntong hininga siya at ilang sandali ay tumayo. Anong problema nito at bakit mukha siyang negative? Hay! Oo nga naman, kailan ba ito naging madaling intindihin? Hindi ko pa nga siya kailanman naintindihan. Sa sobrang misteryoso niya, pakiramdam ko, may sarili siyang mundo.

Pumasok kami sa loob at umupo na sa mesa. Kumain kami ng tahimik. Naaasiwa tuloy ako dahil sa katahimikan namin.

“Kumusta yung lasa?” Tanong niya.

Hindi ko agad nakasagot. Nanlaki pa ang mga mata ko at napakurap-kurap. Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko.

“Yung a-adobo ang tinutukoy ko.” Suminghap siya at napainom ng juice.

“Uhmmm… Masarap!” Sabi ko at tinignan ang adobo. “Pero kulang ng alat.” Tumango ako. “Dapat lagyan pa ng toyo.”

Nang bumaling ako sa kanya ay nakita kong natigilan siya sa pagkain.

“P-Pero… masarap… uhm… sobrang sarap.” Hindi ako makatingin sa kanya pero ramdam ko ang titig at ang mga malalim niyang hininga.

“Reina…” Aniya.

“Hmmm?”

“Mag a-alas nuwebe na…”

Tinignan ko ang relo ko. Ngayon ko lang na realize, 8:30PM na pala! Nanlaki ang mga mata ko. Patay! Magpapadala na ng search and rescue ang mga kapatid ko maya-maya.

“Ayoko pang umuwi!” Untag ko.

Nag face-palm ulit siya.

“Ubusin mo na yan. Uuwi ka.”

Kumunot ang noo ko, “B-Bakit? Ayaw mo ba akong makasama?”

“HINDI, REINA!” Narinig ko ang desperation sa boses niya. “Uuwi ka para sa ikabubuti mo!”

“B-Bakit? May masama ba pag magtagal ako?”

Uminom ulit siya ng juice. Nakita kong nahihirapan siya. Bakit kaya?

“Sa bagay, baka hanapin na ako at makakaistorbo ako sa gagawin mo pa.”

Hindi na siya nagsalita. Ni ayaw niyang tumingin sakin. Mukha siyang galit. Ang hirap niyang espellingin. Minsan, gusto ko siyang tanungin kung anong mga iniisip niya pero tingin ko below the belt na.

Mabilis siyang natapos sa pagkain. Kaya binilsan ko rin ang pagkain ko.

“Lika na. Ihahatid kita sa labas.” Aniya.

Tumango ako at sinundan siya palabas. Tumayo pa ako sa harap ng sasakyan ko bago umalis.

“Thank you, Wade. Nag enjoy ako. Sana maulit ‘to.” Malaki ang ngiti ko at diretso ko siyang tinignan sa mga mata.

“Siguro next time, sa public place na lang.” Aniya.

Napawi ang ngiti ko, “Ha? Ba’t naman? Enjoy naman sa apartment mo!”

Nagkatitigan kaming dalawa. Napaawang ang bibig niya kaya hindi ko na napigilan ang pagtitig sa mga labi niya.

“Reina! Umuwi ka na.” Hinila niya ako at pinatalikod.

Tinulak niya ako palapit pa sa pintuan ng sasakyan ko.

“Oh! Wade! Bakit?” Pinigilan ko siya.

“Ugh! Reina, umalis ka na lang! Umuwi ka na! Gabi na!” Aniya.

Hindi ko makita ang ekspresyo niya.

“Akala ko ba baliw ka sakin? I can’t get enough of you, if the feeling is mutual… then dapat ikaw din… Dapat di mo ako tinataboy!”

“UTANG NA LOOB, REINA! Umuwi ka na lang para sa ikabubuti mo!” Inagaw niya sakin ang susing nakakabit lang sa pants ko at pinatunog ang sasakyan.

Nag pout ako at tinignan siyang galit na binubuksan ang pintuan ko.

“Mag ingat ka. Umuwi ka na ng diretso. Itetext kita kaya mag reply ka para malaman ko.”

Kahit na itinaboy niya ako ay napangisi na lang ako sa sinabi niya. Tama ba yun o nagpapakamartyr lang ako dito? Totoo kayang baliw din siya sakin o binobola niya ako?


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: