Kabanata 27
Paano Mo Yan Nalaman
Natapos na ang school festival. Nagbalik na kami sa school. Sa di malamang kadahilanan, excited akong tumungtong sa klase. At sa unang pagkakataon, masasabi kong excited akong pumasok sa klase ni Mr. Dimaano.
Laging walang tulala o di kaya ay inaantok si Wade tuwing papasok ako sa school. At sa oras na nagkakatagpo ang mga mata namin ay umaayos siya sa pag upo at nabubuhayan.
Well, iyon ang gusto kong isipin sa tuwing nadadatnan ko siyang sinusulyapan ako paminsan-minsan.
Isang araw, nagkaroon kami ng long test. Inayos ni Mr. Dimaano ang mga upuan namin. One seat apart. Nasa dulo ako. Siya naman nasa kabilang dulo ng linya namin. Mabilis akong natapos kasi wala akong naisagot. Nangungulelat na naman ako dito. Kahit kailan naman kasi hindi ako naging magaling sa academics. Sumandal ako sa bintana at pinasadahan ng tingin ang mga kaklase kong hindi magkanda ugaga sa pagsagot ng mga tanong.
Nahagip ng mga mata ko ang mga titig ni Wade. Nilalaro niya na naman ang ballpen niya at diretso ang tingin niya sakin. Uminit ang pisngi ko. Nag half-smile siya at bumuntong hininga. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.
Tinignan niya ang papel niya… ilang sandali ay bumaling siya ulit sakin at mas lalong ngumisi. Yung nakakapangilabot at nakakapanindig balahibong ngisi. Ano kayang iniisip nito? Nang nakita niyang nakatingin parin ako ay umiling siya at tumingin na lang sa papel niya ulit.
“REINA CARMELA ELIZALDE!”
Halos magkaheart attack ako sa biglang sigaw ni Mr. Dimaano. Hindi iyon basta-basta kasi nung tinignan ko na ang mukha niya ay halos magsiputukan ang mga ugat ng ulo niya sa sobrang galit sakin.
Ano na naman ba ang ginawa ko? my God!
“ARE YOU CHEATING!?”
Nalaglag ang panga ko sa tanong ni Mr. Dimaano.
“H-Hindi po!” Sabay pakita ko sa papel ko.
“Kitang kita ko ang paninitig mo sa kaklase mo!”
Napatingin ang mga kaklase ko sakin. Mas naging kahiya-hiya ang nangyayari dahil sa katahimikang ipinadama nila sa akin. Nakita kong umiling si Coreen at kinakagat ang labi. Nasa harapan siya ng table ni Mr. Dimaano. Lumapit si Mr. Dimaano sakin.
Tinignan niya ako sa likod ng eyeglass niya. Pula ang mga mata niya sa galit. Napalunok ako. Tinuro niya ako.
“Bumabagsak ka na sa subject na ito kaya ka nangongopya!”
Napatayo ako sa panggigigil niya. Nakakahiya! Naiiyak na ako sa kahihiyan! Ayokong sumulyap kay Wade pero hindi ko nakontrol ang sarili ko.
Nakita ko siyang ngumunguso at tinitignan ang ballpen na pinaglalaruan niya. Bumaling ulit ako kay Mr. Dimaano.
“Nangongopya ka kay Mr. RIVAS!” Umalingawngaw ang apelyido ni Wade sa buong klase.
Bumaling din ang mga kaklase ko sa kanya. Kinagat ko na lang ang labi ko at sinubukang magpaliwanag.
“Hindi po, sir. Uhm… Ni wala nga akong sagot-“
“WALA KANG SAGOT KAYA NANGONGOPYA KA! AT ALAM MONG MARAMING SAGOT SI MR. RIVAS KASI TOP SIYA SA BUONG KLASE!” Tinuro niya si Wade.
“Hindi po, Sir.” Untag ni Wade.
Kahit kailan, wala pang nakikipaglaban kay Mr. Dimaano. Itong si Wade lang yata ang nakita kong naglakas-loob. Paborito siya ni Mr. Dimaano kaya paniguradong hindi ito magagalit sa kanya!
“Ang layo ko po sa kanya. Hindi niya makikita ang mga sagot ko. At hindi naman po ganung klaseng tao si Reina. Hindi siya nangongopya.”
“PAANO MO NASASABI YAN, MR. RIVAS? Ikaw yung biktima dito! Ikaw yung kinukopyahan!”
Umiiling na si Wade sa gitna pa lang ng linya ni Mr. Dimaano, “Hindi po talaga. Nagtititigan lang kaming dalawa. Tinititigan ko siya kaya tiningnan niya rin ako.”
Narinig ko ang unti-unting pagbubulungan ng mga kaklase ko. Nakita ko ring nakisali si Coreen sa bulung-bulungan. Nakipag tawanan pa siya sa katabi niya at parang kinukuryenteng nanisay sa kilig.
Gusto ko rin sanang mag hyperventilate pero di ko magawa dahil ako yung tinutuligsa ni Mr. Dimaano.
Lumingon-lingon si Mr. Dimaano sa mga kaklase ko.
“Kung gusto niyo po siyang parusahan, ako na lang po. Ako yung nag initiate nung titigan. Ako yung unang tumitig. Pwede rin pong kaming dalawa yung parusahan mo.” Nag half-smile si Wade.
May narinig akong tumili at biglang tinakpan ang bibig sa takot na isali pa ni Mr. Dimaano.
Hindi matikom ang bibig ni Mr. Dimaano. He looked so confused. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa paborito niyang estudyante. Hindi niya masabi-sabi ang iniisip niya sa ngayon. Patuloy lang siya sa pagpapabalik-balik ng tingin. Dahilan kung bakit nasira ang porma ng buhok niya. Nag fly-away ang iba at nakita ang napapanot niyang ulo. Sinubukan niyang ayusin ito pero hindi na nakaya ng pomada.
“PASS YOUR PAPERS TO MR. RIVAS! AND YOU TWO, COME TO MY OFFICE! Especially you, Elizalde!”
Nag walk-out si Mr. Dimaano.
Halos umiyak sa tuwa ang mga kaklase ko sa pag wa-walk out niya.
“Sa wakassss!” Nakita kong may nakipag shake hands na mga lalaki kay Wade. Iilan din ang nakipag high five sa kanya. Tawanan sila nang tawanan. Mapa babae man o lalaki.
“OMG! REINA!!” Nanlaki ang mga mata ni Coreen at niyakap ako. “May ganun na, halikan pa lang sa labi iyon ah! Paano na pag-” Tinakpan ko ang bibig ni Coreen.
Nakita ko kasing napatingin si Wade sa amin kahit maraming kumakausap sa kanya.
“God! Coreen! Shut your mouth!” Bulong ko.
“Reina! May something ba sa inyo ni Wade?” Usisa ng iba.
“Alam kong meron eh, nahihiya lang akong magtanong! Oh my gosh!”
“Ang swerte mo, Reina!”
Nahihiya ko silang nginitian. Kinaladkad ko na lang si Coreen palabas ng classroom. Dahil masyado paring mainit na usapin si Wade dahil sa madalas nilang gig, mahirap siyang makasama in public. Kaya yung ginagawa namin noong nakaraang linggo ay nag ti-text na lang kung saan magkikita.
Nakita kong umuulan sa labas. Malakas at halos umapaw na ang drainage ng school namin. Maraming estudyanteng basa at tumatakbo sa ulan. Walang payong si Wade, paniguradong uuwi yung basa ngayon. Siguro mag o-offer akong ihatid siya kasi may payong naman ako at may sasakyan pa. Tatanggi iyon pero pipilitin ko at sasabihin kong pagpapasalamat ko yun.
Dumiretso na ako sa faculty kung saan ang opisina ni Mr. Dimaano. Nandoon na rin si Wade dala-dala ang mga papel ng mga kaklase ko. Nagtatawanan na sila ni Mr. Dimaano. Para bang kanina pa sila nag uusap at nakalimutan na ni Mr. Dimaano na papagalitan niya kaming dalawa.
Umubo ako para mapansin nila…
Napatingin si Wade sakin tsaka si Mr. Dimaano.
“Okay, you can now leave Mr. Rivas.” Sabi ni Sir.
Hindi gumalaw si Wade.
“May pag uusapan lang kami saglit ni Ms. Elizalde. Pwede kang maghintay sa labas.” Aniya.
Bumuntong-hininga si Wade, “Okay po, Sir. Nasa labas lang ako, Reina.” Baling niya sakin.
Tumango ako, “Wade, hintayin mo ako sa labas. Umuulan. May payong ako.”
Tumango siya at umalis na.
“Ngayon, para sa kaparusahan mo.” Sabi ni Mr. Dimaano.
“P-Po? Pero di naman ako nag cheat-“
“Oo nga, whatever! Sige! Sabi ni Mr. Rivas, hindi, pero hindi ako naniniwala. Kaya paparusahan kita. I’ll let you check all the objective parts of the test. Eto…” Sabay pakita niya sa answer key. “Ayusin mo. Sa oras na magkamali ka, ibabagsak kita. Matutulog muna ako.” Sabay sandal niya sa upuan niya.
Nilagay niya ang kamay niya sa bilbil at umidlip.
“Sir… Pahiram ng red ballpen?” Sabi ko pero di na siya umimik.
Ilang sandali ay narinig ko na lang ang paghilik niya. Umiling ako at nagsimulang mag check. Labas pasok ang mga teachers ng school namin sa faculty. Sa kalagitnaan ng pag chi-check ko, nakita kong may isang lalaking hindi naman faculty pero labas pasok din.
“ROZEN?” Marahan kong tinawag ang kapatid ko.
Ngumiti siya. Mukhang ako talaga ang sadya niya dito. Papunta na kasi siya sakin.
“REINA.” Sumulyap siya kay Mr. Dimaano na ngayon ay mahimbing ang tulog.
Nnag bumaling siya sakin ay mas lalo siyang nag evil smile.
“Bakit?” Tanong ko.
“I’ve heard all about it… Yung pagiging item niyo ng tuluyan sa publiko ni Wade Rivas.”
Dinalaw agad ako ng kaba. Sa tono ng boses ni Rozen ay mukhang may business proposal siya sakin.
“Huh? W-Wala-“
“Ahh, shut up. I know you’re lying, Reina. I’m not blind. But I want you to stop it.” Ngumisi siya.
Bakit nakangisi parin siya sa sinasabi niya?
Kumunot ang noo ko, “Bakit naman?”
Huminga siya ng malalim, “Ah! Inosente ka talaga. Alam ng lahat kung ano ang habol niya sayo. Come on, Reina!” Umiling siya.
Para siyang disappointed sa mga bagay na hindi ko nakukuha.
“Dinadaan niya ang karera niya sa pagpapaibig sayo. Yung pagiging miyembro niya sa Zeus… lahat… At ngayon ay sinasakay niya ang pangalan niya sayo dahil alam niyang mas sisikat siya pag ginawa niya yun. Noah Elizalde… Reina Elizalde… Elizalde siblings.”
Napalunok ako sa narinig ko kay Rozen.
“Hindi, Rozen. Kung ganun ang ginagawa niya, dapat noon pa ay pinormahan niya na ako-“
“OF COURSE PINORMAHAN KA NIYA! Kaya nga tinitigan ka niya sa gym diba? Kasi ikaw yung punterya niya! Kaya ko siya nilapitan at binalaan. Nagulat siya dahil may nakakaalam ng plano. Kaya nag iba ang pagturing niya sayo. Naging balakid ka… Pero nang nalaman niyang may nararamdaman ka na sa kanya kahit wala pa siyang ginagawa ay agad ka niyang sinunggaban, Reina!”
Hindi ako makahinga sa sinabi nI Rozen. Hindi ko alam, pero tumutugma ang mga sinasabi niya. Ayokong maniwala. Hindi yun totoo. Hindi pwede, diba? Lies.
“No. Rozen. Kung may problema ka, wa’g mo akong isali. Wa’g mo akong idamay. Mind your own business, kuya. I know you’re just concerned. Pero hindi ko kailangan ng pagiging protective mo… I can take care of myself.” Untag ko.
“No, Reina. Sinubukan kong hayaan ka sa sarili mo. Pero ngayon, hindi ko na kayang hindi sabihin sayo.”
“Paano mo yan nalaman? May mga ebidensya ka ba?” Tanong ko.
Ngumisi siya, “Alam kong alam mo kung anong namamagitan kay Wade at Zoey, Reina.”
“She’s just bitter, Rozen! Kasi ayaw na ni Wade sa kanya!”
“Paano siya magiging bitter kung usapan nila iyon? Kung plano nila iyon? Huh? Reina? He’s just using you, Reina. He’s just using you. Mayaman tayo. Marami tayong koneksyon. He wanted fame so bad, Reina. He wants to use you… Kung gusto mong malaman ang katotohanan, why don’t you ask him, then?”
Hindi ako naniniwala pero nawindang ako sa confidence na ipinapakita ni Rozen. This is not true!
Binitiwan ko ang ballpen ko at kinunot ang noo.
“Not true, Rozen.”
“I won’t go this far if it isn’t, Reina.”
Parang kinurot ang puso ko nang binaha na ito ng pagiging misteryoso ni Wade. Nabura lahat ng magagandang alaala. May konting luhang lumandas sa pisngi ko.
This isn’t true!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]