Mapapansin Kaya? – Kabanata 23

Kabanata 23

Simula Ngayon

Dahil tahimik si Wade, natahimik na rin ako. Kumain kami ng lunch doon sa ilalim ng puno. Kumain din kami ng snacks. Kahit na tinitignan lang naman namin ang paligid.

Hinawakan ko ang labi ko at tinignan ang nakapikit na Wade sa mat. Orange na ang kulay ng langit, malapit na ang sunset. Pero ayaw ko pang bumalik sa bahay. Gusto ko pa dito. Gusto ko pang kasama siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. I think I’m in love with him.

Yung halik niya, yung mga sinasabi niya, yung actions niya… lahat… In love na yata ako sa buong pagkatao niya. Alam kong noon ko pa naideklara na in love ako sa kanya pero mukhang ngayon ko lang naramdaman na totohanan na ito.

“Wade.” Niyugyog ko ang matigas niyang braso.

“Hmmm?” Dinilat niya ang isang mata niya.

“Laro tayo. Habulan.”

“HUH?” Dalawang mata na ang nakadilat sa kanya ngayon.

“TAYA!” Sabay tapik ko sa braso niya at tumakbo na ako sa malayo.

Unti-unti siyang bumangon. Magulo ang buhok niya habang tinitignan ako.

“Ayoko, Reina.” Sigaw niya sakin.

“Huh? Bakit? Sus! Sige na! KJ ka naman.” Sabi ko.

Huminga siya ng malalim at tinignan akong tumatakbo-takbo sa damuhan.

“Reina, ayoko.” Masungit niyang sinabi.

Nanliit ang mga mata ko. Ang KJ naman ng lolo niyo. Nilapitan ko si Wade. Dahan-dahan. Pa unti-unti. Baka kasi bigla akong maging taya sa laro namin.

Tumawa siya sa ginagawa ko.

“Ayoko, Reina.” Ngumisi siya.

“Ba’t naman?” Tanong ko.

Tumayo siya at nabigla ako kaya tumakbo ako ng kaonti.

“Wade! Habulin mo ako!”

Nalaglag ang panga niya at napakunot ang noo niya sakin. Tumawa ako sa reaksyon niya. Ayaw niya paring gumalaw kaya nilapitan ko siya ng bahagya. Natatawa pa ako sa reaksyon niya.

“Reina… wag.” Simpleng sinabi niya.

“Bakit? Kasi di mo ako mahabol? Haha!” Lumapit-lapit pa ako sa kanya.

Nang isang metro na lang ang lapit ko ay tumawa na siya at sinubukang abutin ako.

“AHHHHHH!” Mataginting na sigaw inabot niya.

Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko sa sobrang bigla.

Tumakbo siya sakin.

“AHHHHH!”

Nilingon ko siya. Effortless siyang naglalakad papunta sakin pero sobrang gulantang ko na at panay na ang takbo ko palayo sa kanya.

“Reina, tumigil ka na sa pagtakbo.” Humahalakhak siyang habang sinasabi niya ito.

“Ayoko! Ayokong maging taya at maghabol sayo!”

“Hindi ka naman magiging taya, Reina. Sa oras na mahuli kita, tapos na ang laro.”

Mataginting na sigaw ang naisigaw ko pagkatapos nung linya niya dahil bigla siyang tumakbo ng pagkabilis-bilis.

“AHHHHHHHHH!”

Naramdaman ko na lang na pumulupot yung braso niya sa magkabilang braso ko.

“Huli ka.” Bulong niya sa tainga ko.

Tumindig ang balahibo ko sa bulong niya. Tumawa siya pero natahimik ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko habang tinitignan ko ang brasong nakapulupot sa dibdib ko.

“Tapos na ang laro, Reina.” Bulong niya.

Parang may kuryenteng tumakbo galing sa leeg ko hanggang likod. Hindi parin ako makapagsalita. Unti-unting humupa ang tawa niya. Tanging nararamdaman ko na lang ay ang mabilis na paghinga niya. Nakadikit kasi ang dibdib ni Wade sa likod ko. Nararamdaman ko naman sa buhok ko ang bilis ng hininga niya.

Nanatili kaming ganun ang itsura ng ilang sandali. Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Dahan-dahan niyang kinalas ang braso niyang nakapulupot sakin at…

“Arghhh…” Tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa mat.

Ang bilis talaga ng pintig ng puso ko. Si Wade lang talaga ang nakakapagbigay sakin ng ganitong pakiramdam. Shiz!

“Uwi na tayo, Reina!” Naiirita niyang sinabi habang nililigpit ang mat.

“O-Okay…” Sabi ko at napalunok.

Kinuha ko yung mga tira-tirang pagkain at nilagay ang mga basura sa basurahan.

“KAYO NA BA?” Nakakawindang na tanong ni Coreen sakin nang tinawagan niya ako.

“Hindi!”

Kauuwi lang ni Wade nang tumawag agad si Coreen. Nasa bahay na ako at nakapag usap na sina Wade at Noah. Wala na rin naman si Rozen at Zoey kaya hindi na kami nahirapan dito sa bahay.

Kinakagat ko ang tip ng unan ko habang sinasabi ko kay Coreen ang buong detalye.

“Hindi nga…”

“Reina, tanungin mo siya kung anong nararamdaman niya para sayo.”

“Huh? Coreen, wala. Wala siyang nararamdaman para sakin.”

“Bobita! Meron! Seryoso! Alam ko!”

“Mahirap siyang ispellingin kaya tanggap ko na na may mixed signals talaga siya.”

“Hindi yan mixed signals…”

“Tsaka… Coreen, hinalikan niya ako.”

Mas mataginting pa ang sigaw ni Coreen sakin.

“OH MY GOOOOD! Ayan na! Sabi na, eh. Kamusta yung lips niya, Reina? Masarap ba?”

“WHAT?” Napapikit ako sa kabulgaran ni Coreen.

“Reina, come on, Wade Sexy Rivas, Sexy boy, sexy lips. Don’t tell me mapait yun humalik. Wet?”

“WHAT WET?” Tinakpan ko na ang mukha ko ng kamay ko.

Tumawa si Coreen sa reaksyon ko.

“Naku, Reina!”

“Coreen, hindi naman yung tipong sa movies na matagal… at uh… wet… Isang halik lang. Yung sa lips… Yung ano…”

“Smack? ang hina naman ni Wade. Jusko. Akala ko dahil playboy siya mabilis… Naku! Tsk. Nakakadisappoint.”

“Huh? Seriously, Coreen.”

Ano ba naman itong si Coreen. Kung makapagsalita ay parang marami ng pinagdadaanan. Malihim ito kaya hindi ko alam. Pero wala pa siyang naging boyfriend.

May narinig akong nag call waiting sa cellphone ko. Sino naman kaya ito?

“Coreen, baba ko lang. May tumatawag.”

“Okay. Bye baby, I love you…”

“Bawal daw akong mag i love you sa iba, sabi ni Wade.”

“He-he-he… Talaga? Ganun ba? He-he-he.” Kinilabutan ako sa mala bruhang tawa ni Coreen.

“B-Bakit?”

Biglang naputol ang linya. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may isang unknown number na tumatawag.

“Hello?”

Hindi siya agad sumagot. Sino naman kaya ito?

“Hello…” Tumindig ang balahibo ko sa braso dahil sa narinig kong boses.

Kalidad pa lang ng buong boses niya ay kilalang kilala ko na agad. Kinagat ko ang labi ko. Napatalon-talon ako sa kama sa sobrang excitement. Sana lang walang tumakas na tili. SHIT! It’s Wade Freaking Rivas!

“Hello… Sino ‘to?” Tinakpan ko ang bibig ko para maiwasan ang pagtili.

Huminahon ako pero sobrang lakas parin ng pintig ng puso ko.

“Si Wade… to…”

Halos mahimatay na ako nang narinig ko yun. Anong meron? Wala namang nakakakilig dun pero… bakit hindi na ako makahinga sa sobrang kilig?

“Wade? Oh napatawag ka…” Sabay takip ulit sa bibig baka pumiyok ang boses ko at maging tili.

“Uhm… G-Gustto ko lang na malaman mo yung number ko. Kasi… mula ngayon, itetext na kita. Bye.”

Laglag ang panga ko. Hindi ako nakamove-on sa tawag niya kaya nanatiling nasa tainga ko ang cellphone ko. Sumabog ng confetti at fireworks sa kwarto ko dahil sa nangyari. OH MY GOD!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: