Mapapansin Kaya? – Kabanata 13

Kabanata 13

Mas Delikado

Ganun parin ang tratuhan namin ni Wade buong linggo. Iniinis niya parin ako. Lagi siyang natatawa at pumapalpak ako. Pero natatahimik siya tuwing…

“Wade, hindi na ba masakit yung ribs mo?” Tanong ko.

Ngumuso siya, parang nagpipigil ng ngiti. “Hindi na.”

Tumango ako, “Mabuti na lang. Nag-aalala talaga ako, eh. Baka mapano ka dahil sakin.” I sighed.

Hindi na siya sumagot. Nang sinulyapan ko siya ay nakita kong seryoso ang mukha niya at nakatingin siya sakin. Pero nang namalayan niyang pinagmamasdan ko na siyang mabuti ay agad siyang tumingin sa ibang bagay.

1 text message

Agad kong binasa ang nag text na galing kay Coreen.

Coreen:

We need to see each other.

Kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong nagta-type sa cellphone ko. Hindi kasi ako pala text kaya ayan parang stone-age ako kung makapagtext. Mahirap din kasi pag pinipindot mo itong screen. Mahirap kaya o talagang di ako sanay?

“Tapos ka na ba sa project mo kay Mr. Dimaano?” Tanong ni Wade.

Kakatapos lang ng klase namin ni Mr. Dimaano at nagkasabay lang naman kami ni Wade sa paglabas. Kahit na narinig ko yung sinabi ni Wade, hindi ko kayang sagutin ang tanong niya ngayong nag tatype pa ako ng text para kay Coreen.

Ako:

Why? Saan? What time?

Naiirita siyang bumuntong hininga kaya napalingon ako sa kanya.

“Ansabe mo?” Tanong ko at itinago ang cellphone ko.

“Wala!” Masungit niyang sinabi at inunahan na ako sa paglalakad.

Nalaglag ang panga ko sa inasta niya. Seriously, he’s hot and cold all the time! Anong problema ng lalaking ito? Mukhang malaki yata problema niya sakin, ah?

Pinagmasdan ko siyang mabuti habang humahakbang mag-isa. Ilang hakbang pa lang niya ay may sumabay ng mga babae. Hindi basta-bastang mga babae, may nakita pa akong isang ex ni Rozen doon at yung sikat na cover girl ng isang magazine. Kung makahatak talaga ng babae ang kagwapuhan niya. Grabe!

Umiling na lang ako at tinalikuran siya. Dumiretso na ako sa susunod na klase ko. Ano naman kayang sasabihin ni Coreen at mukhang importante iyon, ah?

Tatlong sketch ang nagawa ko sa loob ng dalawang oras na klase. Mga gowns pa iyon at napaka madetalye ng design.

“Wow, Reina! Ang galing mo palang mag design!” Bati nung isang kaklase ko.

“Thank you.” Hinawi ko ang bangs kong nakawala sa tainga ko.

“Bakit di ka nag school of design na lang?” Sabay kuha sa mga sketches ko.

Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimulang magligpit ng gamit.

Overall, limang sketches ang nagawa ko sa loob ng araw na yun dahil sa boredom bawat klase.

“Anong sasalihan mo sa festival, Reina?” Tanong ng isa kong kaklase.

“Wala, eh. Di naman kasi ako magaling sa mga extra-curricular activities.”

“Dapat sumali ka doon sa Fashion show.”

“Ha?” Nalaglag ang panga ko.

Hindi naman ako model-type! Kulang ang height ko tsaka alam niyo namang problema ko ang mukha ko kahit nagpapaganda na ako?

“Kahit hindi na lang model. Kahit designer. Kasi ang galing mo talaga.”

Kaiyak naman yung sinabi. Well, what do I expect, diba? Tama sila. Talagang sa backstage ang beauty ko.

Ngumisi ako, “Siguro next time, sasali ako.”

Yes, of course. Passion ko talaga yung designing. Oh, what I’d give to be a designer. Pero naputol yung panaginip ko sa biglang sigaw ng isang babae.

“OMG! Si Wade Rivas!” Tumalon-talon pa siya at naiiyak na sa sobrang saya.

Pati na rin ang mga kaibigan niya ay halos mapaiyak na nang nalaman nilang dadaan nga si Wade sa classroom namin.

“Hay naku, girls! Hindi niyo pa ba siya nakakaclassmate? Classmate namin siya sa Philo.” Sabi nung isang kaklase ko.

“Shemay! Yung kay Mr. Dimaano? Sana pala di ko na ni-drop yun! Sabi na, eh! Grrr!”

Nanggigil silang lahat nang seryosong dumaan si Wade. Natahimik sila. Yung tipong isang kalabit na lang ay sasabog na sila sa kilig. Pinagmasdan ko na rin si Wade na parang lumulutang at sinusundan ng silverdust sa bawat hakbang niya sa corridor.

Ngumiti ako sa sarili ko at nilagay ang huling mechanical pencil sa pencil case ko. May pangarap na mas mahirap abutin kesa sa pagiging designer.

“REINA CARMELA ELIZALDE!” Napatalon ako sa biglang-sigaw ni Coreen sa pintuan ng classroom ko.

“Coreen naman, nakakagulat ka!” Sabi ko at nilagay ang bag ko sa balikat.

Mabilis siyang naglakad papunta sakin at hinatak ako palabas ng classroom.

“Bakit?” Tanong ko.

“I have the answers to your biggest freaking questions. Ihatid mo lang ako sa bahay, sasabihin ko na agad!” Aniya.

Tumaas ang kilay ko.

“Ginagamit mo naman yata ako-“

“Hindi! Totoo ito!” Seryosong sinabi niya.

“Weh? Sige na nga! Ihahatid kita kasi kaibigan kita. Hindi dahil diyan sa answers to my freaking questions.”

“Good decision.” Aniya sabay lingon-ligon sa paligid.

Ano bang problema ng isang ito? Para naman itong kriminal kung makaasta. Mas matangkad ng konti si Coreen sakin kaya naman nahihirapan akong maglakad na hinihila niya. Mabilis pa siyang maglakad papuntang parking lot kaya mas lalo akong nahirapan.

“Okay! Thank God!” Sabi niya at sinubukang buksan ang pintuan ng kotse ko.

Tumawa ako at pinatunog ang alarm.

“Okay, thanks!” Umirap siya at mukhang na badtrip sa ginawa ko.

Pumasok ako sa loob at pinagmasdan siyang mabuti habang inaayos ang seatbelt.

“What’s your problem?” Tanong ko.

“Wala naman.” Ngumisi siya sakin.

Hinatid ko nga siya sa bahay nila. Sa daanan, kinwento niya sakin yung ‘answers’ na tinutukoy niya.

“Naalala mo ba yung una nating nakita si Wade?”

Natigilan ako.

Hindi ko inakalang tungkol kay Wade ang pag-uusapan namin ngayon.

“Oo. Bakit?”

“Hindi ba sinabi ko sayong ikaw ang tinitignan niya?”

“O-Oo.” Kinabog ang puso ko sa sasabihin niya.

“Well, kanina, nag usap kami ni Rozen.”

“Nag usap kayo ni Rozen?” Tumaas ang kilay ko.

Binalewala niya ang tanong ko, “Inamin niya saking pagkatapos ng audition ay kinumpronta niya si Wade.”

Natigilan ulit ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at traffic kaya tinigil ko ang sasakyan.

“What?”

“Oo. Sinabi niya kay Wade na layuan ka… Na wa’g kang lapitan dahil ikaw ang nag-iisang babaeng Elizalde. Lahat ng lalapit sayo, dadaan sa kanya. Walang deserving sayo kung hindi niya sinasabi. At alam niya rawng tinititigan ka ni Wade… Ayaw niya kahit kanino para sayo, at lalong lalo na si Wade.”

“HA? Bakit yun sasabihin ni Rozen?”

“You know him, Reina. He’s territorial. At protective. Lalo na sayo.”

Tumango ako at napalunok.

“That’s the reason why Wade’s been harsh to you… Hindi iyon dahil ayaw niya sayo. Dahil yun sa mga sinabi at banta ni Rozen sa kanya.”

“But Rozen made a big mistake. Si Zoey ang tinignan ni Wade nun, hindi ako.”

Nagkibit-balikat si Coreen, “Well, maybe. Pero kahit na, kinumpronta ng lintek mong kapatid si Wade kaya agad masama ang impresyon niya sayo.”

Pinaandar ko ang sasakyan nang nakitang nag green ang traffic light.

“You know what this means, Reina?”

Natahimik ako.

“Ilihim mo muna ang pakikipagkaibigan mo kay Wade kung ayaw mong maudlot ang hindi pa nga nagsisimula. Rozen’s really serious with this. At hula ko maging si Noah-“

“WHAT?”

“UGH! Come one, Reina! Let’s face it! Mahirap si Wade. SOBRANG YAMAN NIYO! You can’t expect your brothers to be easy with YOUR boys!”

“But he’s not mine, Coreen. At wala naman akong plano. Yes, I like him, pero di naman niya ako gusto. Kaya walang mangyayari.”

I’m really confused.

“He’s not yours, Reina. Pero mas delikado yata kung ikaw yung kanya.”

Nanliit ang mga mata ko at sumulyap kay Coreen.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: