Mapapansin Kaya? – Kabanata 12

Kabanata 12

Para Sakin

Pagkatapos kong balutin yung cake ni Wade ay umakyat na ako sa taas para tawagin sila. Handa na kasi ang hapunan. Pero naabutan kong tumutugtog sina Noah.

Nakapikit si Wade habang kumakanta… seryoso ang mukha niya habang pinipicturan o vinivideohan siya ng mga audience nilang babae.

“Sana’y hindi nalang pinilit pa

Wala ring patutunguhan

Kahit sabihin ko pang

Mahal kita

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok

Hindi ko pa yata kaya pang

Labanan ang damdamin ko…”

Napalunok ako sa lyrics na kinakanta niya. Tumindig ang balahibo ko habang tinitignan ang mukha niya. Nakapikit siya pero alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon nila ni Zoey. Somehow, ang kantang kinakanta niya ay parang naglalarawan ng totoong nararamdaman niya.

Umiling ako lalo na nang humina ang boses niya sa dulo ng kanta.

“Sana’y hindi nalang pinilit pa

Wala ring patutunguhan

Kahit sabihin ko pang

Mahal kita…”

Parang kinurot ang puso ko sa kanta at boses niya. Nakakapanindig balahibo.

Naiisip ko yung unrequited love niya para kay Zoey… Naiisip kong hinusgahan siya ni Zoey dahil hindi siya mayaman. Pinagkaitan siya ng pagkakataon ng babaeng iyon. Bakit pa kasi doon siya kay Zoey na inlove? Bakit pa kasi hindi na lang sa ibang mababait na babae na lang. Kahit hindi sakin, basta sa mga babaeng kaya siyang ipaglaban.

Napapikit ako habang dinaramdam yung sakit na nararamdaman niya kay Zoey.

Kung sakin siya maiinlove, iingatan ko ang puso niya. Hinding hindi ko siya sasaktan. Kahit na masungit siya at nang-iinis, nangingibabaw parin ang kabaitan niya minsan.

Dinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sakin ang nakatitig na si Wade. Napaawang ang bibig niya habang pinagmamasdan ako.

Narinig kong pumalakpak ang managers.

“Good! That’s really good! Sige, konting exposure pa, itutuloy na natin yung record niyo.” Anila.

Dinumog agad si Wade ng mga babae. May dumumog din kay Noah pero agad niyang dineadma at nakipag-usap na lang sa managers. Kaya ang resulta, kay Wade pumunta lahat ng mga babae.

Nakatingin parin siya sakin kaya bumaling ako kay Noah.

“Excuse me, Noah. Mag dinner na kayo.” Sabi ko.

Tumango si Noah sakin.

Tinalikuran ko na agad sila at umalis na sa music room. Nagmadali akong bumaba. Mabuti na lang at tapos na akong kumain kaya tumambay na lang ako sa living room at nanood ng cartoons.

“Reina, dinner?” Sabi ni Noah sakin.

Umiling ako, “Tapos na ako, thanks.”

Hindi na ako lumingon sa mga sumunod sa kanya. Kahit na nararamdaman ko ang titig ni Wade sakin, hindi ko na siya nilingon. Panay ang titig ko sa TV.

Napabuntong-hininga na lang ako nang nasa loob na sila ng dining room. Tatapusin ko lang ‘tong walang kwentang cartoons at papasok na ako sa kwarto para paghandaan at pagplanuhan kung paano ko isasagawa yung mga ideya ko kay Zoey at Wade.

“Cartoons?” May narinig akong humalakhak sa likuran ko.

Boses niya pa lang, alam na alam ko na kung sino. Tumindig ang balahibo ko at umayos ako sa pag-upo. Nilingon ko siya at naaninaw ko na naman ang ridiculous smile sa mukha niya. That… Sexy… Smile! UGH!

Uminit ang pisngi ko at bumaling ulit sa TV.

“Asan na yung cake ko?” Tanong niya.

“Ah! Nasa kitchen. Kunin ko lang.”

Tatayo na sana ako pero hinila niya ang braso ko. Para akong kinuryente sa pagkakahila niya. Konti na lang, makakakita na ako ng sparks sa pagkakahawak niya sa braso ko.

“Maya na. Dito ka muna.” Seryosong sinabi niya sakin.

Napalunok at napaupo ulit ako sa sofa. Umupo siya sa tabi ko. Halos maghuramentado na ako kahit wala pa siyang ginagawa.

“Nakapikit ka kanina habang kumakanta ako, ah?” Aniya.

“Uhm… oo.”

“Bakit? Nakakarelate ka? Dahil ba dun sa ka i-love-you mo?”

Ack! Hindi niya parin iyon nakakalimutan?

“Huh?”

Tagos siya kung makatitig ngayon. Kahit ilang dipa pa ang layo namin, nararamdaman ko na yung init ng katawan niya sa halip ng centralized aircon namin.

“Anong konek nun? Hindi yun ang iniisip ko, yung iniisip ko ay yung pagiging martyr mo kay Zoey.” Sabi ko.

“Huh?”

Natahimik siya sa sinabi ko.

“Reina, wa’g mo na masyadong isipin yun. You’re thinking too much.”

Kinurot ang puso ko sa sinabi niya.

“No, I’m not thinking too much, Wade. This is really bothering me…”

Suminghap siya at pinilig ang ulo, “Okay… Ganito. Hindi ako in love sa kanya. Oo, gusto ko siya pero hindi ako baliw sa kanya para magpakamartyr.”

LIAR. Confirmed ko na talaga ang pagiging martyr niya.

“Whatever you say.” Sabi ko.

Umiling siya at tumawa sa sinabi ko.

Hindi ako naniniwala. Gusto niya lang na tigilan ko itong ginagawa ko dahil natatakot siyang iwan siya ni Zoey, eh.

Biglang bumukas ang pintuan namin at pumasok si Kuya Dashiel na may dalang bouquet of roses.

“Kuya!” Bumati ako sa kanya.

Mapupungay ang mga mata niya habang itinataas ang dalawang braso para mahagkan ako.

Sinalubong ko ang yakap niya ng yakap din. Hinalikan niya ako sa pisngi. Ang bango ni kuya Dashiel!

“Yay! Umuwi ka! Walang tao sa condo?” Tanong ko at tinitigan ang roses na dala-dala niya.

Si Kuya Dashiel naman ay nakatitig kay Wade.

“Wala. Who’s this?” Tanong niya.

“Wade Rivas.” Naglahad agad ng kamay si Wade kay Kuya Dashiel.

Tumaas ang kilay ni Kuya Dashiel at tinignan akong mabuti bago nakipagshake hands.

“Yung bagong vocalist nina Noah, kuya.” Inunahan ko na siya.

Tumango si Kuya at nginitian si Wade.

“I’m tired, baby.” Sabi ni Kuya. “Matutulog na ako.”

“What’s with the roses?” Tanong ko.

Tinignan niya ang kamay niyang may hinahawakang bouquet of roses. Ilang sandali pa siyang natulala sa roses bago binigay sakin.

“I don’t know… I guess it’s for you.” Mahina siyang ngumisi at tinalikuran ako.

Napatunganga ako sa roses ni kuya.

“Lagi ba talaga kayong nagyayakapan at naghahalikan ng mga kapatid mo pag nagkikita?” Tanong ni Wade.

“Huh? Bakit?” Kumunot ang noo ko nang bumaling ako sa kanya.

Nagkibit-balikat siya, “Sino ang first kiss mo?” Tanong niya.

“Uhm? Malay ko? Yung mommy at daddy ko?”

Ngumisi siya at nilagay ang kamay niya sa noo niya, “Hindi… Sa ibang lalaki.”

“Sa mga kapatid ko? Si Noah?” Sabi ko ng walang sarili.

“Hindi! Sa ibang lalaki. Yung hindi mo relative.”

“Uhmmm.” Uminit ang pisngi ko. “Wala pa akong… first kiss.” Sabay lunok ko.

Nakita kong lumitaw ang ngisi sa pisngi niya nanlaki din ang mga mata niya sa sinabi ko.

“Don’t look at me like that. Oo, tama ka nga… inosente pa ako.”

“Paano yung kay i-love-you mo, hindi pa ba yun nakakahalik?” Tumaas ang kilay ko.

Come to think of it… nahalikan na ako ni Coreen. Pero hindi ko maalala kung nahalikan niya ba ako sa lips.

“Bakit di ka agad makasagot?”

Uminit ang pisngi ko. “T-teka lang, iniisip ko pa.”

Ginulo niya ang buhok niya at naghintay sa isasagot ko.

“Uhm… Sa pisngi lang yata-“

“Niloloko mo naman ako!” Pula ang pisngi niya at seryosong tinitignan ako.

“Huh? Hindi-“

“Ewan ko sayo, Reina!” Tumayo siya at tinalikuran ako.

Bakit ayaw niyang maniwala?

“Imposibleng nag i-iloveyouhan kayo pero wala pang nangyayari.”

“Magkaibigan lang naman kami nun, Wade. Kung para sayo pwedeng maghalikan ang mga magkaibigan, para sakin, hindi.” I spat.

Nilingon niya ako at nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

“Pero para sakin, totoo ang lahat sa oras na mag i-love-you ka na… kaya imposibleng magkaibigan lang kayo kung may i-love-you na…”

Nalaglag din ang panga ko sa sinabi niya. Bago ko pa nasabi sa kanya kung sino talaga yung tunay na kausap ko, bumalik na siya ng tuluyan sa dining room. He’s right… sa oras na mag a-i love you na, totohanan na iyan. Naisip ko tuloy, nag ‘i love you’ na kaya siya kay Zoey?

He’s so damn mysterious. I can’t get him off my mind!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: