Mapapansin Kaya? – Kabanata 11

Kabanata 11

Pinaglalaruan

Pagkatapos ng mga klase ko ay dumiretso na ako sa parking lot.

Ah! The feeling na may sasakyan ka na? BONGGA!

Pinindot ko ulit yung alarm at binuksan ang pintuan. Ni-dial ko agad ang numero ni Coreen.

“Hello, Coreen? Uuwi na ako. Nandun si Noah sa bahay, practice nila ngayon.”

“OO NGA PALA!” Sigaw ni Coreen. “OMG! HUHUHU.”

“O bakit?” Natigilan ako at pumasok na sa loob ng sasakyan.

“Hindi ako pwede ngayon. May meeting pa kami ng group ko tsaka susunduin ako ni daddy dahil may dinner kami kasama ang kasosyo nila. Sheeet!” Nabasag ang boses niya.

“Talaga? Naku! Sayang naman!”

“Wait… ibig sabihin nandoon din si Wade?” Tanong niya.

Napabuntong-hininga ako pagkasabi ni Coreen sa pangalan ni Wade.

Kung alam niya lang kung anong nangyari kanina.

“Oo.” Sabi ko sabay face-palm.

Alam kong hindi ako mapapansin ni Wade dahil kay Zoey lang nakabaling ang atensyon niya. Pero nakaya ko paring magtapat sa kanya at kaya ko ring tulungan siya kay Zoey.

“O… Sige na… Naku! Goodluck! Nandito na kasi yung mga ka-group ko. Next time na lang. Magkwento ka mamaya, ah?” Aniya.

“Oo. Sige. Bye.”

Pinaandar ko agad ang sasakyan ko. Dinadalaw na naman ako ng kaba. Naiisip ko pa lang na nandoon si Wade sa bahay ay nanginginig na ang tuhod ko. Umalis kasi siya kanina pagkatapos ko sabihin sa kanya yun.

Bumukas ang gate namin, pumasok na ako sa loob at pinark sa garahe ang sasakyan.

Pinagbuksan ako ng katulong namin.

“Salamat po. Nandito naba sina Noah?”

Tumango ang katulong.

“May kasama silang mga taga recording ba yun. Tsaka yung ibang kaklase din.”

“Ah? Talaga?” Sabi ko at tuluyan ng pumasok.

Kahit nasa living room pa lang ako, dinig na dinig ko na ang sigawan at pagtutugtog nila sa taas. Siguro ay di nila sinarado yung pintuan. Soundproof yung music room ni Noah, eh.

“Nga pala… manang, si Rozen?” Tanong ko.

“Hindi pa umuuwi.”

“Si Kuya Dashiel?”

“Nasa condo niya yata. Tatanungin ko pa kung uuwi yun dito.”

Tumango ako at umakyat na sa taas.

Sinilip ko ang music room ni Noah. Nandoon nga ang mga manager ng record label na kumuha sa kanila. Nandoon din ang mga babaeng fans nila. Nakaupo si Wade sa sofa at halos lumabas ang mga mata ko nang nakitang naka topless siya habang tinatabihan at kinakausap ng mga babae.

Nahagip niya ang titig ko kaya bumaling ako kay Noah na ngayon ay seryosong nakikipag usap sa manager.

“Noah!” Tawag ko.

Lumingon si Noah sakin, “Bakit?”

“Nagdinner ka na ba?” Tanong ko.

“Hindi pa. Nagpaluto ako kay manang, don’t worry. Tignan mo kung luto na… Kumain ka na…” Aniya.

Tumango ako.

Sumulyap pa ako ng isang beses kay Wade na ngayon ay nakangisi dahil sa sinasabi ng babae sa tabi niya pero nakatitig ang mga mata niya sakin. Hindi ko rin naiwasang di tignan ang dibdib niyang may kaonting bandage parin.

Hinawakan niya ang abs niya kaya napatingin ulit ako sa mukha niya. Tumaas ang kilay niya at kumindat sakin. Uminit ang pisngi ko at padabog kong sinarado ang pintuan.

SHAMELESS FLIRT! Hindi ibig sabihin na dahil alam niya na kung ano ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya ay iniinis niya na naman ako. Well, kahit nung simula pa lang… yung di niya pa alam kung anong nararamdaman ko sa kanya, iniinis niya na naman talaga ako.

Nagbihis na lang ako tsaka pumuntang kusina para mag bake ng cake para sa mga bisita ni Kuya Noah. May pagkain na pero hindi pa rin sila bumababa. Siguro dahil masyado silang busy sa pagkakanta doon.

“Manang, sa music room niyo na lang kaya dalhin yung pagkain?” Suggestion ko sa kanila.

“Hindi pwede. Utos ni Noah na sa dining room lang. Ayaw niya daw marumihan ang music room.”

WTF? Okay… You know Noah, Reina. He’s OC.

“Okay po.”

Umalis si manang para mag ayos sa dining room. Panay ang titig ko sa oven, malapit na kasing maluto ang cake.

Yumuko ako para tignan ang cake sa loob. Natatakot talaga akong masunog kahit alam ko namang di ito masusunog.

May biglang dumantay sa pwet ko.

“What the-” Napaayos ako sa pagtayo para tignan kung sino iyon.

“Oppps… sorry.” Ngumisi si Wade.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

“Ang laki-laki ng daanan, bakit kailangan mo pang dumaan dito malapit sakin?” Tanong ko.

Itinuro ko sa kanya ang laki ng kitchen namin. Imposibleng di niya yun sinasadya. Sobrang lawak kaya ng sahig dito.

Nagkibit-balikat siya, “Gusto ko lang. May masama ba dun?” Nakita ko ang dimple niya sa pagngisi niya.

Umiling ako, “At a-anong ginagawa mo dito?”

Buti naisipan mong mag damit ngayon? Kanina pa kita pinagmamasdang nakatopless dun sa music room. Have some decency.

Ipinilig niya ang dalang pitcher, “Ubos na yung tubig.”

“Okay…” Sabi ko sabay tingin sa cake.

“Ano yan?” Usisa niya.

“Cake. Nibake ko…”

“Wow! Marunong ka palang mag bake?” Aniya.

“Oo. Para sayo ‘to…” Sabi ko ng wala sa sarili.

Natahimik siya kaya binalingan ko ulit. Nakita kong namula ang pisngi niya sa sinabi ko.

“Ayaw mo?” Tumaas ang kilay ko.

“G-Gusto.” Sagot niya agad.

“Good.” Sabi ko at tinignan ulit ang cake.

KRRRRIIIIIIIIING!

“Hello?”

“Hello, Reina! Pauwi na ako… Ano? Ano na?” Tanong ni Coreen sakin. “Ano nang ginagawa mo?”

“Eto nagbi-bake ng cake.” Sabi ko.

“Para kay Wade?” Tumawa siya.

“Oo.” Humagikhik din ako sa tawa. “Sinabi ko nga sa kanya.”

“WHAAAAAAT?” Nakakabinging sinabi ni Coreen.

“B-Bakit?”

“Talagang sinabi mo sa kanya?”

Napasulyap ako kay Wade na ngayon ay seryosong tumitingin sakin habang umiinom ng tubig.

“Oo.”

“Teka lang… Call you later. May something… Bye, Reina. I love you.”

“I love you, too.” Sabi ko.

Bago ko pa nababa ay pinutol na ni Coreen ang linya. Narinig ko ang mejo padabog na paglapag ni Wade ng baso.

“Ayan, luto na.” Sabi ko sabay kuha sa cake sa loob ng oven.

Ipinakita ko sa kanya ang cake bago ko nilapag sa table.

Nakahalukipkip siya at nakasimangot na tinitignan ko.

“Lagyan ko lang ng design saka ibalot ko, ah?” Sabi ko ng nakangiti sa kanya.

Napawi ang ngiti ko nang nakita ko ang galit niyang mukha.

“Talaga bang para sakin yan?” Tanong niya.

“Ang alin? Itong cake? Oo. Sinabi ko naman, diba?” Sabi ko.

“Sinabi mo sakin kanina na may gusto ka sakin, totoo ba yun?” Nag-iwas siya ng tingin.

UGH! Bakit niya yun tinatanong ngayon? Nahihiya pa naman ako tuwing naaalala ko ang biglaan kong pagtatapat sa kanya.

“O-Oo.” Nag iwas din ako ng tingin.

“Kung ganun… bakit may ka-iloveyou ka sa cellphone mo?”

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya.

Si Coreen yun! Pero hindi niya alam!

“Tss… Pinaglalaruan mo yata ako, Reina.”

“Ha? Di ah!” Sabi ko.

Ngumisi ako at naningkit ang mga mata sa reaksyon ni Wade. Hindi ko sasabihin sa kanyang si Coreen yung tumawag!

“Bibigyan ba kita ng cake kung di yun totoo?”

Nalaglag ang panga niya at nag-iwas ng tingin. Kumuha ako sa cabinet ng icing at dahan-dahang nilagyan ang cake ng “I like you, Wade Rivas”

“Ayan.” Sinulyapan ko siya at nakita kong tinatakpan niya ang mukha niya ng palad.

Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Anong problema nito?

“Tignan mo, oh.” Sabay pakita ko sa cake.

Ayaw niyang tignan. Mukhang ayaw niya yata rito. Napalunok ako.

“Ibabalot ko na lang. Kunin mo lang kung gusto mo.” Matabang kong sinabi.

Kumuha ako ng lalagyan at nilagay iyon sa loob.

“Reina, where’s Wade?” Tanong ng kaklase kong fan niya sakin.

“Andito.” Sabay turo ko kay Wade na nakahalukipkip parin at pinapanood akong nagbabalot ng cake niya.

Nagkatinginan kami ni Wade.

“Wade, tinatawag ka na ni Noah. Last session daw bago mag dinner.” Sabi nung babae.

Bumuntong-hininga si Wade at nilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

“Dito ko lang ba yan kukunin, Reina?” Tanong niya.

Napalunok ako at tumingala sa kanya. “Y-Yep.”

Kumunot ang noo ng babaeng pinadala ni Noah samin.

“Okay, kukunin ko yan mamaya.” Suminghap siya at tinalikuran ako.

Ang hirap niyang ispellingin! Namaywang ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo kasama ang babaeng yun.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: