Prologue
“Stop touching your pimples, Reina.” Saway ni Noah sakin.
Bumuntong-hininga ako sa tapat ng salamin habang hinahawakan yung tatlong pimples ko sa kaliwang pisngi. Pinagmamasdan ako ni Rozen at Noah. Kanina pa sila natapos sa pagbibihis. Hinihintay nila akong matapos sa pag-aayos dito sa kwarto ko.
Naiirita akong tinititigan ni Noah. Nakangisi namang nakatingin sa cellphone si Rozen.
“Bakit kaya ampanget ko?” Tanong ko.
Tumayo si Noah at inayos ang gitara sa likod niya.
“Tayo na…” Aniya.
Sinuklay ko ang buhok ko at hinawi ang bangs na sagabal sa mukha ko. Pero gusto kong may bangs ako… tinatakpan kasi nito ang mukha kong daig pa ang rice terraces kung magkakapimples.
“Nininerbyos ka na naman ba?” Tumawa si Rozen at tinapik ako.
Umiling ako at lumunok.
“Nininerbyos ka nga… Don’t worry Reina.” Kumindat siya at tinalikuran ako.
Napilitan akong tumayo at sumunod sa kanila palabas ng kwarto ko.
Pangalawang linggo ko na sa college ngayon. Kumpara sa Grade 12, mas mahirap pala ang college. Mahirap kasi kailangan mong makihalubilo ng iba’t-ibang tao. Kada subject, iba ang mga kaklase mo. Mabuti na lang at kasama ko parin ang iilan sa mga kaibigan ko noong highschool kaya hindi ako masyadong out of place.
Kaya lang, napepressure ako. Kilala ang mga kapatid kong gwapo at mayayabang sa school na pinapasukan ko. Buti nga at noon pa gumraduate si Kuya Dashiel, pero ito naman si Rozen at Noah, nasa college pa kaya di ko parin maiiwasan ang pagkukumpara ng mga estudyante.
“Yung mga lalaking Elizalde ang gu-guwapo… Pero si… uhm… Bakit kaya?”
Napapayuko na lang ako tuwing may naririnig akong ganyan. Syempre, walang may kayang sabihin iyan sa harapan ko o kaya iparinig sa mga kuya ko. Patay sila kung mangyari. Nakakawala o bawas tuloy ng self-esteem (kung meron man ako ng ganun).
Hindi ko na nga tinatawag si Rozen at Noah na ‘Kuya’ simula nung nag college ako. Ayoko kasing ikumpara sa kanila. Pareho silang gwapo at overconfident. Ako ang kabaliktaran nila sa lahat ng bagay.
“Rei-na!” Sabay yakap ng malambing kong bestfriend na si Coreen.
Mas mukha pa nga itong Elizalde sa akin. Naiisip ko tuloy minsan kung ampon ba ako. Pero lagi naman nila akong sinasabihan na hawig ko ang mommy ko. Mejo maitim lang daw ako ng konti tsaka tadtad sa pimples ang mukha.
“Totoo ba yun? Maraming nagtatanong sakin, e?” Tumaas ang kilay niya.
Suminghap ako. Naglalakad kami ngayon patungo sa gym. Nandoon kasi sina Noah.
“Oo.” Umiling ako.
“OH MY GOD!? Pero paano na yan?” Kumunot ang noo niya.
Mas balisa pa ang reaksyon niya sakin. Gulong-gulo siya at nagpapanic habang pabalik-balik akong tinitignan. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa ulo niya sabay panic-panic ulit.
“Kaya nga nandoon sila sa gym, diba?” Sabi ko sabay turo sa gym.
Umirap siya, “Pero sa ganito kadaling panahon?” Nag panic-panic ulit siya.
Ang OA nito.
“Aray ku po!” May nagmadaling batalyon ng mga babaeng bumunggo sakin.
Nakikipag-unahan ba ako patungong gym? Hindi naman ah? Ipapaclose ko pa yang exit gawin kong one way para makadaan lahat papasok. KAPATID KO YUNG NASA LOOB, ARAW-ARAW KO SIYANG NAKAKAHALUBILO SA BAHAY, KAYA HINDI NIYO KAILANGANG MAKIPAG UNAHAN SAKIN NG BONGGA!
Lintek. Na high-blood ako doon ah? Sarap sigawan nung batalyong tumitili na yun. Nakita ko ang halos gutay-gutay kong binder at isang libro sa lupa. Parang dinaanan ng bulldozer. Nagka stampede pa yata. Palapit kami ng palapit sa gym, mas lalong dumadami ang tao.
Pinulot namin ni Coreen ang libro at binder ko.
“Mga leche! Si Reina Elizalde ‘to! Lagot kayo kay Noah! Lagot kayo kay Rozen!” Sigaw ni Coreen sa mga estudyanteng dumadaan.
Inayos ko ang bangs kong magulo na naman at tinapik si Coreen.
“Shhh! Low profile. Ayokong-“
“Hi! Ikaw pala yung kapatid ni Noah?” Sabay head-to-foot sakin ng mestizang bangus na ito.
Nagkagat-labi pa siya. Nasira yung mukha ko sa ginawa niya.
“Uhm… Hindi. Hindi ako yun.” Sabi ko.
Napawi ang ngiti niya at nilagpasan ako.
YES. Just like that. Marami akong kaibigan pag dadalhin ko ang apelyidong Elizalde. At ayokong magkaroon ng mga kaibigan dahil lang Elizalde ako. Dahil lang gusto nilang mapalapit sa mga kapatid ko. Ayoko. Pero alam kong di ko maiiwasan iyon. Habang kaya kong iwasan, iiwasan ko. Kabaliktaran ako ng mga kapatid ko. They enjoy fame, I don’t.
“Magkamukha talaga kayo ni Rozen, Reina… na may pagka Noah.” Ani Coreen habang nakatitig kay Noah.
Gusto kong umupo sa huling upuan. Kaya lang itong famewhore kong bestfriend ay gusto doon sa tapat ni Noah. Kinaladkad niya ako doon.
“Kung ayaw mong malaman nilang Elizalde ka, pwes ako, gusto ko.” Umirap siya at pinagpatuloy ang pagkaladkad sakin.
“HEXCUSE ME! Padaanin ako! Asawa ako ni Noah. Tanungin niyo pa siya?”
Take note: Walang naniniwala sa kanya pero naagaw niya ang atensyon ng iilang mga fans nina Noah. Sumimangot at napamura sa kanya ang iba. Paano ba kasi, pag di siya pinapadaan ay tinutulak niya ang mga ito.
“Mga bwiset. Tabi. Pay respect, people. I’m his wife, damn it!”
Umiling na lang ako at napangisi sa mga pinagsasabi niya hanggang nasa harap na kami.
Si Noah ay ang lead guitarist ng bandang Zeus. Surprisingly, sikat yung banda nila. Pure talent at pure kagwapuhan ang panlaban nila. Binigyan sila ng mejo malaki-laking offer ng isang producer. After 2 years daw, iaadopt sila ng record label na ito kung makahanap sila ng bagong vocalist at makapagperform sa malalaking events. Okay na sana iyon. Dapat ngayon sila iaadopt, kaso, umalis yung vocals nila. Nag migrate. Kaya ayan at back to zero ang banda nina Noah.
Pumalakpak si Coreen at tumili.
Siniko niya pa ako sabay turo sa nag au-audition para sa vocalist ng banda nina Noah. Umiiling si Noah habang tinitignan ang kumakanta.
“Classmate natin yan sa isang minor!” Sigaw ni Coreen sakin.
Naaninaw ko yung kumakanta at narealize na tama si Coreen. Sayang nga lang at hindi masyadong maganda ang boses ng lalaking ito.
Nainip ako sa halos tatlumpung minutong panonood ng auditions. Maraming magagaling pero di pumapasa kina Warren (Drummer nila) at kay Noah. Mga epal! Bilisan niyo na at matapos na ang kabaliwang ito.
“Coreen, may klase pa tayo. Alis na tayo.”
Hindi parin maalis ang titig niya sa stage, “Saglit lang. May 15 minutes pa tayo.” Aniya.
Hinila ko siya, “15 minutes. Tamang oras yun para makaalis tayo dito. Ma-s-stampede pa tayo mamaya at magkakalat pa itong mga libro ko kaya tamang tama lang ang 15 minutes-“
“OH MY GOD!” Lumipad ang palad niya sa bibig para takpan ang pagnganga.
Nanlaki din ang mga mata niya. Binalot ng katahimikan ang buong gym. Ang tanging narinig ko na lang ay ang makapanindig-balahibong boses ng lalaking kumakanta.
“Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa… Nakikiusap na lang himala… Kasalanan bang, humingi ako sa langit ng isang himala.”
Nagkagoosebumps ako sa narinig ko. Alam ko… Kilala ko si Noah. Tatanggapin niya ito. Unti-unti akong tumingala para tignan kung sino ang kumakanta.
Doon ko siya unang nakita. Magulo ang buhok niya, mukhang kakagising lang. Hindi siya payat, tamang-tama lang ang built ng katawan niya. Kita sa soot niyang t-shirt ang muscles niya. Pumipikit siya habang kinakanta niya ang kantang iyon.
Hindi ko namalayang nalaglag na pala ang bibig ko nang tinitignan siya. Bawat banggit niya sa lyrics, bumabalandra ang dimple niya sa kaliwang pisngi. Hindi siya maputi… tamang kulay lang. Matangos ang ilong niya, mapula ang tamang-tamang labi at ibang klase ang dating. Nabingi ako sa katahimikan ng madla.
“Okay, that’s enough.” Sabi ni Noah.
Saka pa unti-unting bumalik ang ingay ng mga nasa paligid.
“Sino siya?”
“Saan siya nag highschool?”
“Kilala niyo ba siya?”
Dinilat niya ang mga mata niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko ba yun o ano pero sakin diretso ang tingin niya. Ngumiti pa siya.
Doon pa lang… alam ko na kung ano agad ang naagaw niya. Naramdaman ko yung pags-slow motion ng mga bagay. Yung ngiti niya. Yung tunog ng malakas at mabilis na pintig ng puso ko. Ang unti-unting paglunok ko. At ang unti-unting pagyugyog ni Coreen sa braso ko.
“OH MY GOD! Nakatingin siya sayo!”
Alam ko. Pero di ako makapaniwala. Posible kayang mapansin niya ako? Mapapansin Kaya niya ako? Sa kagwapuhan, kakisigan at sa galing ng lalaking ito, mapapansin niya kaya ako?
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]
😍😍😍
I miss Reina and Wade my Sexy Rivas Huhu 🤧 dito muna ako babasaa 💞👉👈
<33
WADE SEXY RIVASSSS MY FIRST LOVEEE, RE READ NA NAMAN AKO. DI NAKAKASAWA BASAHIN. KINIKILIG PA DIN AKO.