Baka Sakali 3 – Kabanata 20

Kabanata 20

Patapos Na

Gabi-gabi, pakiramdam ko mas matagal akong nakakatulog. I replay moments in my head. At sa bawat replay nito, tinitesting ko ang iba’t ibang pwedeng reaksyon.

Paano kung hindi ako nagmadaling umalis noong napag isa kami sa kusina? Paano kung nanatili ako? But then what if he thinks it’s weird.

Inaantok pa ako kinaumagahan pagkagising ko. Kahit na maaga akong nagpaalam kay Duke kagabi na matutulog na ako pero hindi ko naman nasunod.

Naligo ako at nagbihis na. Wala na ulit si Auntie Precy dahil nagpunta na sa school. Mag isa na naman ako sa bahay pero naghahanda na akong umalis.

Noon, hindi naman talaga kami pumupunta ni Jacob sa pabrika. Syempre dahil gagawin na iyon ni Don Juan Antonio. Although, madalas si Jacob sa kanilang farm para tumulong. Kaya nga ang sinabi ng Tito Samuel niya ay exposed lamang ito sa labor work.

Hindi ako nagagawi doon dahil hindi naman kinailangan. ‘Tsaka lang noong nag handle na talaga si Jacob dahil sa pagkawala ni Don Juan. Nagtrabaho din si Maggie doon ng ilang buwan habang nasa Alegria kami noong high school. Hindi nga lang ako nakakapasyal kaya hindi ko kabisado kung nasaan iyong para sa corn milling, sa food processing, at iba pa.

“Manong, sa J.A. Foods po…” sabi ko sa tricycle na hindi na nagtanong ng karagdagang impormasyon.

Naka faded jeans, sneakers, at white deep v neck t shirt lang ako. Hindi ako magtatagal. Isa pa, kailangan kong mamili sa bayan ng mga rekados para sa adobong gagawin ko mamaya. Napag utusan din ako ni Auntie Precy na mamili para sa bahay kaya iyon ang gagawin ko.

“Salamat po!” sabi ko nang binaba na ako sa bukana ng pabrika ng J.A. foods.

Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong malalaking gym doon. Ang alam ko, si Maggie ay sa food processing at iyon iyong sa dulo.

Nalingunan ko ang isang bagong building na hindi ko pa nakikita noon. Ano kaya iyon? Surely it’s not the corn milling, though.

“Ano pong sa atin, ma’am?” tanong ng isang security guard.

“Ah! Uh, hinahanap ko po kasi si April Valdez. Kaibigan niya po ako, sir. Sa corn milling po siya nag tatrabaho.”

“I.D. lang po, ma’am. ‘Tsaka pa log in dito…”

Nagbigay siya ng kulay blue na log book sa akin. Kinuha ko ang ballpen at nagsulat na doon. Mabuti na lang at dala ko ang I.D. ko sa wallet. Hindi pa naman ako nagdala ng bag.

Pumirma ako pagkatapos ay kinuha na ang I.D. sa aking wallet. Hindi pa ako kinausap ng guard dahil may kausap siya sa intercom.

“April Valdez, may bisitang… uh… Rose… An?” habang tinitingnan ang log book.

“Rosie na lang po!” maagap kong sinabi.

Ang isang security guard ay may pinapapasok na sasakyan sa pabrika. Hindi ko ito nalingunan dahil abala ako sa pag aantay sa sagot ng sekyu.

“Rosie daw. Aranjuez,” anang guard.

“Papasukin n’yo…” isang malalim at pamilyar na boses ang narinig ko.

Napalingon ako sa pumasok na Hummer. Kakasarado lang ng salamin pero si Jacob iyon. Nanuyo ang lalamunan ko.

“Pasok ka na daw, Miss…” anang security guard.

Wala ako sa sarili habang sinusundan ang Hummer. Ang alikabok galing sa gulong nito ay kumalat sa ere. Halos mapaubo ako doon. Tangina.

Uminit ang pisngi ko. For some reason, naiinis ako. Naiinis ako. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na ulit tiningnan ang Hummer. Dumiretso na ako sa loob ng tingin ko’y corn milling.

Mabuti na lang at tama ang akala ko. Ang amoy ng mais at ang tinig ng mga makinang gumagawa ay naririnig ko sa labasan pa lang. Ang daan daang sako ay nasa gilid lamang. Abala ang lahat sa mano manong quality check. Siguro ay tapos na itong ma proseso.

“Rosie!” salubong ni April.

Hindi pa ako makangiti ng maayos. I just can’t get over what happened. Wala namang masama doon pero napapamura ako tuwing nag rereplay.

“April!”

Pinasadahan ko ng tingin ang buong corn milling. Naka uniporme si April ng polo shirt na may J.A. Foods sa gilid.

“Lika! Ipasyal kita…” aniya.

Tumango ako at sumunod.

Medyo nahihiya ako habang naglalakad kami. Dapat ay simpleng simple ang sinuot ko. Lahat kasi napapatingin sa akin habang naglalakad kami. Kahit iyong may ginagawa ay napapalingon.

“Rosie!” tawag ng isang kaklase namin noon. Ni hindi ko na maalala ang pangalan niya pero kinawayan ko.

“Dito ang bagsak ng mga kaklase natin noon na hindi nakapagcollege. Tulad ko!” Tumawa si April.

“Ikaw naman… Hindi ba nag college ka?” tanong ko nang ‘di siya tinitingnan.

“Alam mo namang natigil ako dahil nabuntis. Anyway, ang laki na ng parika. Napasyal ka na ba dito?”

“Hindi sa corn milling. Sa food processing lang, e.”

Tumango siya. “Sa bagay, noong kayo pa ni Jacob ay nandyan pa naman si Don Juan. Siya pa ang tumitingin dito. Abala si Jacob sa’yo noon, e.”

Hindi ako nakapagsalita. Wala akong maidugtong. Nilingon ako ni April.

“Dito ang quality control. May mga sako diyang didiretso sa food processing para gawing kahit ano doon. Iyong iba, dinideliver na…”

Abala ang lahat ng naroon. Naisip ko tuloy kung mapapagalitan ba si April kung makitang naglalakad lakad at namamasyal lang kasama ko. Siguro ay hindi? Bukod sa magkaibigan sila ni Jacob, nalalapit na ang kasal niya. Everyone must be treating her special.

“Ang laki na nito. Alam mo noong nag apply ako, kay Sir Samuel Buenaventura pa iyon. Hindi ba siya iyong pinsan ni Don Juan? Ang hirap kaya. Umaabot naman kami sa quota pero dahil sa mga utang, gipit parin siya. Tapos naka ilang palit kami ng managers kasi mahirap. Nasa ibang bansa si Sir Samuel tapos kami lang dito.”

Tumango ako. Natigil kami sa paglalakad sa gitna ng pagawaan. “Masaya ako na nakabangon na talaga ito ngayon…” sabi ko.

“Oo. Noong bumalik si Jacob, grabe, nag concentrate siya dito. Hindi ako makapaniwala. Hindi ka niya sinundan sa Maynila. Kahit na may HQ din kami doon. Maliit pa lang ‘yon, ha? Tapos in a span of 6 months, biglang nag boom ang lahat. Ewan ko anong inaral no’n sa America.” Nagkibit ng balikat si April. “And when I thought he’d come back to you, nagulat ako kasi sila na pala ng manager. Sa food processing iyong si Felicity, e.”

I don’t want to hear this. Para akong nahihilo habang sinasabi iyon ni April.

“Okay…” ngumiti ako pero halos magpalpitate na ang labi ko sa pagpipilit.

“But anyway, let’s not talk about that… Pagkatapos noon, dinagdagan ni Jacob ng isang building. Para iyon sa mga bagong ipaprocess. May taniman kasi siya ng Palkata doon sa nabili niyang lupain…”

Nalingunan ko kung sinong sumasalubong sa amin. I saw Jacob in his long sleeve polo shirt. Nakatupi ito hanggang siko at ang kanyang dark blue jeans ay nagpahaba pa lalo sa kanyang legs. He looked fresh. Parang bagong ligo. Siguro kagagaling lang sa kanilang bahay.

The hell!

“April, may canteen dito ‘di ba? Meryenda tayo?” anyaya ko kahit hindi pa naman ako ginugutom.

“Ah! Hindi ka ba nag almusal? Pero sige, sagot pa kita!” ani April.

“Ha? Huwag na!” Nakikipagtalo pa ako pero mas lalo ng napalapit si Jacob.

Sa likod niya ay isang lalaking di kalayuan ang edad sa amin. Nag uusap sila pero napapadpad paminsan minsan ang paningin sa banda namin. Where’s Felicity?

“Oh, Jacob!” ani April.

Natigil sa pag uusap si Jacob at iyong lalaki. May nirecord ang lalaki sa kanyang dalang papel at nilingon ang mga trabahanteng pansamantalang natigil sa pagtatrabaho.

“April, hindi ba sabi ko sa’yo na mag off ka na ngayon?” tanong ni Jacob.

“Hindi na, Jacob. May tatapusin din kasi talaga ako kaya ako pumasok. Sige half day na lang since aalagaan ko pa ang anak ko.”

“Kumusta na? Ayos na ba siya?”

Napalunok ako sabay tingin ulit sa mga tauhang nagtatrabaho. May iilang napapagalitan na nga ng manager ay natitigil parin.

“Maayos na kagabi kaya lang chinicheck ko pa baka bumalik ang lagnat, e. Nga pala… pinapunta ko si Rosie dito ha?”

Napatingin ako kay Jacob. Pilit akong ngumiti. “Hindi naman ako magtatagal dito, April. Aalis din ako…”

Kitang kita ko ang pagtingin ni Jacob sa akin mula ulo hanggang paa.

“Saan ka ba kasi pagkatapos dito, Rosie? Sabay na lang tayo. Kukunin ako ni Ron mamaya…”

“Hindi na. Hindi na. Mamamalengke lang ako. Napag utusan ni Auntie…” sabay ngiti ko.

“Ay oo nga pala. May pasok si Auntie Precy ngayon, ‘di ba? Ibig sabihin mag isa ka sa bahay?”

“Oo kaya nga namamasyal ako. Ayaw kong mag isa doon…”

“Hmm. Oo nga naman. Kailan pa ang uwi ni Maggie?”

“Sa Sabado pa siya mismo, e.”

“Ganoon ba? Jacob, sa canteen na lang muna kami para hindi na maistorbo ang mga trabahante, ha? Babalik din ako. Tatapusin ko pa iyon, e.”

“O sige, April. Mag bibreakfast kayo? Samahan ko na kayo para malaman nilang sakin ipangalan ang oorderin.”

Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko sa kakangiti. Talaga lang? Ganito?

“Okay… Sige ba! O, Rosie! Libre tayo ni Jacob.”

Hindi na ako umimik. Sumama ako sa kanilang dalawa sa canteen. Nauna si Jacob sa paglalakad. Kung maka maniobra siya sa lahat tulad ng pagpapacheck sa ilang sakong idedeliver, pag uutos na icheck ang mga manok, at kung anu-ano pa ay parang sanay na sanay na siya sa gawain.

“Kakain sila. Sagot na sa akin ang lahat ng pipiliin,” ani Jacob sa cashier ng Canteen.

“O… Anong sa’yo, Rosie?” tanong ni April sabay pasada ng tingin sa mga pagkain.

May mga ulam at kanin doon pero hindi naman ako gutom. I’m fine with some crackers and juice.

“‘Yan lang, seryoso?”

“O… akala ko mag aagahan?” tanong ni Jacob.

Umiling ako. “Tapos na akong nag breakfast.”

Umigting ang panga niya at nilingon ang cashier. Binigay sa akin ang gusto ko at pumwesto na kami sa isang lamesa.

“Maiwan ko na kayo. Babalik lang ako sa milling…” ani Jacob at isang sulyap lamang sa akin bago siya umalis.

Nag usap kami saglit ni April at pagkatapos ay nagpaalam na rin ako. Ayaw kong manatili doon. Pinagbigyan ko lang si April sa request niya.

Namalengke ako kahit na hirap na hirap ako sa pamimili. Hindi ko alam kung anong kaibahan ng sariwa sa hindi.

Kinuha ko ang manok na may markang J.A. Foods para sa adobo. Umirap ako at binayaran na ang lahat.

Pagkauwi ko ng bahay ay nagsiesta na lang muna ako. Medyo napagod ako doon, a? Pagkagising ay tumawag na kay Maggie para magtanong ulit sa pagluluto ng adobo.

Ginawa ko ang adobo. Dumating si Auntie Precy ng mga alas singko at pinatikim ko sa kanya ang niluto ko.

“Aba! Improving! Noon, disaster pa sa kusina! Ngayon…”

Tumawa ako. “Auntie, huwag kang ganyan! Iyan nga lang ang alam ko, e!”

“Pwede ka ng mag asawa. Ayos na ‘to…”

“Bigyan n’yo muna ako ng mapapangasawa…” Tumawa ulit ako.

“Aba! Iba ka na ngayon, ha? Noon ayaw mong mag asawa. Ngayon…” Umiling siya.

Ngumuso ako. “Mabili lang nina mama at papa ang bahay, makagraduate lang si Maggie, maka uwi sina mama at papa dito, free na ako.”

“Malapit na ‘yan… ‘Tsaka ka pa lang magbo-boyfriend, ganoon? Iyong manliligaw mo?”

Tumayo ako at hinagilap ang mga plato. Kakatapos lang naming tikman ang luto ko.

“Ewan ko ‘te… Bahala na. Kung ibibigay sa akin, edi ibibigay.”

“Hindi mo na susubukan, kung ganoon?”

Nakatalikod ako kay Auntie. Naghuhugas na ako ng plato ngayon. Who am I kidding? But… I know this is a start.

“Susubukan ang ano?”

“Na magbakasakali…”

“Baka sakaling may iba para sa akin. Iyon ang susubukan ko…” sabi ko.

That was the end of it. It’s both painful and freeing. To finally realize that it’s really not for me. Na kahit gaano ko pa ka mahal at ka gusto si Jacob, may mga bagay talagang hindi ibibigay sa’yo ng Panginoon.

Kantahan ang ginawa namin sa Kampo Juan. May ilan akong namumukhaan sa mga kaibigan ni April. Iyong mga taga ibang section noon na tahimik rin ay naging matatalik niyang kaibigan.

Nagtatawanan na kami. Lalo na’t nakainom na rin ng konti.

“Ang swerte ni Ron, ha! Wala ngang stripper dito, e! Rosie! Sana nag hire ka! Ikaw pa naman ang inaasahan namin!” anang kaklase namin ni April noon.

“Huh?” Humagalpak ako. “Ba’t ako? Mukha ba akong bugaw?”

“Hindi! E, ikaw itong modelo! Paniguradong marami kang kilala diyan na gwapo! Kahit bayaran namin! Sus!”

Ngumisi ako at bumaling kay Felicity na tipid lamang ang ngiti. Hindi siya makasabay. We’re all from Alegria. We all knoe each other since high school. Hindi rin naman kami close ng mga ito pero kahit paano’y nakakasabay ako pero si Felicity ay mukhang hirap. Rich kid… oh well.

“Meron! Hindi ko naman kasi alam na gusto n’yo! Tsaka baka magalit si Ron sa akin, ha? Iisipin noon na bad influence ako sa love niya!” tukso ko kay April.

“Sus! Okay lang ‘yan! Sabihin natin para satin naman ‘yon! Tayong mga single!”

Nakipagtawanan ako. Masyado kong pinakawalan ang sarili ko doon. Kahit pagkanta ng Single Ladies ay pinanindigan ko na.

Nagagawi ang tingin ko kay Felicity na simpleng tango lang para sa mga kanta ang nagagawa. Hindi ko na kinausap dahil hindi ko naman din alam ang sasabihin sa kanya.

Kampo Juan changed. Sa interior pa lang noong mukhang barn house noon, ibang iba na. I mean, naroon parin ang woody ambience nito pero mas marami ng muwebles ngayon. Mukhang magaling ang nag design.

Hindi ko pa nakita ang kabuuan dahil gabi na ako nang dumating dito sa barn house. Ang sabi ni April ay marami na dawng bulaklak, may zipline, at kung anu-ano pang adventure activities. May lagoon din daw doon sa likod na kasing laki ng mga lagoons sa Alps. Tulad daw iyon sa design ng garden nina Jacob sa mansyon.

I suddenly craved for the view. I want to see it. The pine trees, the flowers, the green grass, the pathways, everything. How much of it changed? Too much? Just enough? Kahit alin, basta nagbago.

Napawi ang ngiti ko nang may naalala ko. Napasyalan ko na yata ang lahat, maliban na lang dito sa Kampo Juan. Sa sapang tinahak namin ni Jacob noon na kung saan sa dulo ay may isang kubo. Is it still there? I want to visit…

Nang patapos na kami ay naabutan ko si April na katawagan si Ron.

“Patapos na rin kami, e. Okay…”

Binaba niya ang cellphone. Tumayo na kaagad ako. Ayaw kong mag antay dito hanggang sa makarating sina Ron. It’s 12 midnight but I can sure handle myself. Nakakauwi pa nga ako sa Maynila ng alas kuatro ng umaga at lasing, dito pa kaya?

“April, mauna na ako…” sabi ko.

“Ha? Ihahatid ka na namin, uy!” ani April.

“Hindi na… Magtatricycle ako.”

“Rosie! Hindi pwede! Ako nag invite sa’yo dito… ihahatid ka!”

Nagtiim bagang ako. Kita ko sa mukha ni April ang pagkakabasa sa aking ekspresyon. Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Biglang sumikip ang dibdib ko.

“Kami ni Ron ang maghahatid. Promise. Promise, Rosie…”

Kinagat ko ang labi ko. Besides, hindi na kailangang umalis ni Jacob. Katabi lang naman nito ang kanilang mansyon e. It would be weird if he volunteers. Assuming ka, Rosie.

“Kung kayo ni Ron ang maghahatid, sige…” sabi ko.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

One thought on “Baka Sakali 3 – Kabanata 20

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: