Kabanata 19
Salamat
Sabay sabay kaming nagtungo sa dining area. Sa long table nina Jacob ay naroon ang mga kabanda niya noon. Si Leo, Ron, Louie, at Teddy. Si Jacob ay nasa tabi ni Teddy at isang upuan naman ang nasa kanyang kaliwa.
“Kumain na tayo?” ani Jacob sabay tayo.
Nang narinig ng kasambahay ang sinabi ni Jacob, isa sa kanila ay nagsalin ng tubig at juice sa baso ng lahat ng naroon.
“Rosie!” ani Teddy. “Nandito ka pala!”
Kitang kita ko ang paglinga niya sa mga kasamahan. It was like normal for Leo and Louie. Tanging si Teddy lang ang nagulat. Si Ron ay nakatingin sa akin ngunit tahimik lamang.
“Dito ka, Rosie…” ani April sabay tapik sa tabing upuan niya.
Tumango ako at dumiretso doon. I left Felicity beside Jacob. Ang kaharap ko ngayon ay si Leo. Ang katabi naman ni Leo ay si Jacob. Sa tabi ni Jacob ay si Felicity.
“Na… abutan nila ako sa puntod ni Don Juan… So…” nagkibit ako ng balikat.
Well, this is awkward!
“Anong oras kayong umuwi ni Karl noong isang gabi?” tanong ni Teddy sa akin.
Yes, we saw each other in a bar. Noong pinuntahan namin si Mikael ay naroon siya kasama ang kanyang mga pinsan.
“Ah!” Damn it! “Hatinggabi or so…”
Ngumiti siya.
“It’s been a while, Rosie. Akala ko excuse mo na naman ang pagiging busy sa hindi mo pag uwi sa Alegria…” wika naman ngayon ni Ron.
Bahagya akong tumawa. “Hindi naman. Ngayon lang din talaga ako nagkaroon ng oras. Busy sa trabaho.”
I’m concerned. Nag sisimula nang kumain ngunit natuon sa akin ang buong atensyon.
“Rosie, oh…” ani April sabay lagay ng pagkain.
Hindi ako makapag concentrate sa pagkain dahil sa mga tanong nila.
“Hindi ba nangibang bansa ka? Saan ‘yon?” tanong ni Teddy. “Kumusta si Tita Adele?”
Tumikhim ako. “Dubai… Uh, maayos naman si mama. Nag the therapy siya.”
Hinawakan ko ang mga kubyertos at sumubo ng bahagya. Batid ko ang maraming kasambahay nina Jacob. Noong iniwan ko itong bahay na ito, halos dalawa na lang. Ngayon, ang dami na nila.
“Anong trabaho mo sa Dubai?” tanong ulit ni Teddy.
Nagkatinginan kami ni Leo na tahimik ngunit kitang kita ang kuryosidad sa mga mata.
“Ah… ‘Di naman ako nag trabaho doon. I mean, hindi OFW. Hired ako bilang HR at endorser ng V Malls. Team kaming pumunta doon para maka close ng deal sa isang malaking investors.”
“Oh! So… sa V Malls ka under noong nagpunta ka doon?”
“Yup.”
I hope this ends it.
“Hindi ba ay nag apply ka sa V Malls, Felicity?” tanong ni April.
“Ah! Oo. Si Rosie nga ang nag interview sa akin, e.” Ngumisi si Felicity sa akin.
Napatingin si April sa akin. Laman ang kuryosidad sa mga mata. Ngumiti ako.
“Yup… She’s done well. The senior HR will inform her kung kailan ang second interview.”
“Wow! Congrats, Felicity!” ani April.
Namatay ang usapan nang nagtanong si Leo tungkol sa mga guests sa kasal nina Ron at April. Lahat kami ay nakatoon na sa kanila.
“Hindi naman masyadong maraming guests. May mga kaibigan din tayo sa Manila na pupunta dito…” ani Ron.
Hindi kami mga magkaklase sa Manila kaya malamang hindi ko gaanong kilala ang tinutukoy nila. Tahimik lang ako habang kumakain. Sumulyap ako kay Jacob na napatingin rin sa akin habang umiinom ng tubig. Bumagal at naging tipid tuloy ang nguya ko. Seriously?
Siniko ako ni April kaya napatingin ako sa kanya.
“Dalaw ka bukas sa sa trabaho? Ano?”
“Hindi ka pa nakaleave? Sa Sabado na ang kasal mo, ah?”
Umiling siya. “Hindi pa. Last day ko pa bukas. Wednesday pa naman bukas, e. Ano? Sige na! May makikita kang ilang kaklase natin. Hindi ko nga lang alam kung naaalala mo pa.”
“Pwede. Wala naman akong gagawin. Saang station ka ba bukas?”
“Sa corn milling ako this month. Ano?”
Tumango ako. Wala na man rin akong gagawin bukas kaya pupunta ako.
“Bukas ha!” patawang sinabi ni Leo kay Ron.
Umakbay si Ron kay April. Ngumiti ako at bahagyang nanibago. Ngumisi si April at umiling. Pakiramdam ko high school ulit ako sa kakangiti para sa kanila. I’m truly happy for them.
“Bukas ba iyon?” ani Ron.
“Oo no!”
“Kawawa naman kami ni April!” ani Felicity at umiling kay Jacob.
Napawi bahagya ang ngiti ko. Tumingin ako kay April. Parang natauhan siya sa sinabi.
“O! Bukas ng gabi nga pala, ha? Sasama ka! Bridal shower ko! May hinanda ‘yong mga kasama ko, e. Alam mo na. Simple lang naman…” ani April.
Umiling ako. “Hindi na. Sa mga kaibigan mo ‘yan. ‘Tsaka baka maging busy ako sa gabi.”
“Huh? Anong busy? Ano namang gagawin mo?”
Nagkibit ako ng balikat. Bumaling si April kay Felicity.
“Ikaw din, ha?”
“Oo! Magbi-bake ako ng cake para sa’yo!” ani Felicity.
Hindi ko na gaanong nasundan ang mga sinasabi dahil nahagip ng paningin ko ang ilang kasambahay nina Jacob na kilala ko. Kitang kita kong parang binudburan ng asin iyong isa nang makita ako kaya nagtago siya sa kusina para mapagtakpan ang nararamdaman.
“Basta, Rosie! Basta, ha!” ani April sa akin.
“Anong dadalhin ko, kung ganoon?” tanong ko dahil hindi naman ako makakapagbake ng cake.
“Anong dadalhin? Wala kang dadalhin. May pagkain doon. Ha? Sa Kampo Juan tayo…”
Oh! Kampo Juan? Alam kong nabawi ito ni Jacob pero…
“Sina Ron kasi sa bayan sila. Siguro sa grill nina Teddy…”
“Hmm. Subukan kong magdala na lang din ng pagkain. Siguro… adobo.” I can still remember what Maggie taught me.
“Hindi na nga kailangan! Sus! Eto talaga…”
Ngumiti ako at natahimik na lang. She was so excited. I can feel it. Sinabi niya lahat ng detalye sa kasal niya at kung gaano siya nahirapan. Sinabi niya rin na nahirapan sila ni Ron na ipaliwanag sa anak niya iyong mangyayari. She’s probably three or four now. It’s been a while.
“May regalo nga pala ako sa anak mo. Hindi ko nadala. Hindi ko naman kasi inasahang magkikita tayo.”
“Wow! Talaga! Sige, matutuwa iyon.” Nalungkot naman siya agad. “Hindi ako magtatagal ngayon. May sakit ‘yon, e.”
“Talaga?” Patapos na kaming kumain at inayos ko na ang pinggan ko. Sasabay na ako sa kanya pagkauwi niya. “Sasabay na ako pagkauwi mo.”
“Ha? Ano ka ba? Huwag na! Dito ka na muna…”
“Oo nga, Rosie,” ani Leo.
“Ipapakuha lang naman ako ni Ron sa driver e. Dito pa si Ron para makapag bonding naman kayo.”
Now that’s the worst thing. I can’t be alone with them! Kahit pa sabihing kaibigan ko rin naman sina Leo. This is like Meteor Garden with their new San Chai!
“Hindi na! Hindi na!” Uminom ako ng tubig.
“Rosie, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Promise hindi tayo magtatagal dito,” ani Leo.
“Oo nga, Rosie. Huwag ka na munang umalis,” ani April.
“Ako na ang maghahatid sa kanya…” ani Jacob na bahagyang nagpatahimik sa kanila.
“At pwede ring ako…” sabi ni Leo pagkatapos ng ilang saglit.
“Pwede ring sa akin ka sumabay. Your house is just a few blocks away from ours, Rosie…” ani Teddy.
Tumango ako. I give up. If this is going to cause a scene or something then whatever.
“Doon nga pala tayo sa labas pagkatapos nito. I prepared some marshmallows and beers. May bonfire na doon!”
Interesadong interesado ang lahat. Tumayo kaagad si Teddy at Leo para pumunta na sa labas. Sumunod si Jacob sa kanila, to lead the way. Nanatili si Ron doon. Sumabay lamang sa pagtayo ni April. Sumunod na rin si Louie kina Jacob kaya kaming apat ang natira sa dining area.
Nagsimula na akong magligpit ng mga pinggang pinagkainan. Inayos din ni Felicity ang mga tira tirang pagkain. Lumapit ang mga kasambahay, tinabihan pa ako noong isang nakakakilala sa akin.
“Ako na po, Miss Rosie…” aniya sa akin.
Ngumiti ako. “Tulungan na kita…”
Ngumiti siya at hinayaan ako. Sumama ako sa kanila sa kusina. Ilan sa mga nakaunipormeng kasambahay ay pamilyar sa akin pero hindi na ako nakipag usap. I know this is all just going to be about the past.
“Tara na sa labas, Rosie?” salubong ni Felicity sa akin.
Tumango ako at bumaling kay April. Kitang kita ko ang pagkabigo ni April nang tumingin sa akin. “Aalis na ako.”
“Oh! Okay… Ihatid na kita sa labas.”
“April, tatawagin ko lang si Jacob para makapag paalam ka…” ani Felicity.
Tumango si April at nag antay kaming saglit kay Jacob. Nang naroon na’y nagpaalam na kaagad si April.
“Thank you, Jacob. Dito muna si Ron, ha?” ani April.
Humalakhak si Jacob. “Akong bahala…”
Iniwan namin si Jacob at Felicity doon para ihatid si April. Si Ron lamang ang kasama ko at naisip kong siguro’y nasa likod na ang dalawa kasama sina Leo.
“Bye, April!”
“Bukas ha! Sa pabrika! Alas otso impunto! Bisita ka naman! Pinaghirapan mo ‘yon!” aniya sabay ngiti nasa loob na ng sasakyan.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngumiti ulit siya.
“Successful na ngayon, e.”
Parang may humawak sa puso ko. Tipid akong ngumiti para kay April. Kumaway ako sa kanya hanggang sa umalis na ang sasakyan.
“Tara, Rosie!” ani Ron.
Sabay kaming naglakad ni Ron pabalik sa loob. Lumabas kami sa malaking sliding door nila, patungo sa garden kung saan sila nag iinuman.
Now that’s it… Bahagyang nalaglag ang panga ko nang nakita ang pool sa gilid. Batid kong may pool sila noon dito pero hindi ganito ka laki at hindi ganito ka bongga. The pathways were made of hardwood. The lights below it were dimmed. Ang nagkalat na mapuputing bato sa paligid at ang nagmistulang zen garden ay bagong bago sa paningin ko. This changed! It did!
Pinasadahan ko ng tingin ang buong landscape. It was a mini Kampo Juan. The light lanterns on the mahogany trees, the flowers and the smooth grass!
“Dito ka, Rosie…” ani Felicity sabay pakita sa akin ang isang upuan sa tabi ni Leo.
May guitar na kay Teddy. He strummed it lightly. I’m suddenly uncomfortable.
Uminom si Jacob sa mamahaling inumin na hinanda. Everything here shouted abundance. Kumuha ako ng marshmallow at bahagyang sinunog sa maliit na bonfire.
“Anong kakantahin?” tanong ni Teddy.
“Asus! Nagdala pa talaga ng gitara!” ani Ron.
Tumawa si Teddy. “I miss it, you know…”
“Tss… Hindi ka ba laging gumagamit niyan?” ani Jacob.
Umiling si Teddy. “Kayo lang naman ang kasama ko tuwing tumutugtog.”
“Kahit mag isa, Teddy?” Napuno siya ng kantsaw kina Leo at Ron.
“As if I have the time to strum?” tawa rin ni Teddy. “Oh! Ikaw Jacob! Ikaw naman ang magaling kumanta…”
Pinasa ni Teddy ang gitara kay Jacob. Tiningnan lamang ni Jacob ang gitara. Ang isang kamay ay nakahawak sa baso ng alak. Kumalabog ang puso ko.
“Nah! Ikaw na lang! Ikaw naman itong namimiss ‘yan!”
“You know how to play the guitar, Jacob?” natatawang tanong ni Felicity.
What? Hindi niya alam? I can’t say that aloud. Hindi ako nagpapalapad ng papel dito.
“Magaling pa ngang kumanta ‘yan, e. Vocalist namin ‘yan!” ani Ron.
“Vocalist? Seriously?” natatawang tanong ni Felicity.
“Hindi na ako kumakanta. Noon lang iyon…” ani Jacob kay Felicity.
“Let me hear it! Let me hear it!” ani Felicity sabay tanggap sa gitara galing kay Ron.
Kamuntik niya pa itong na hulog sa may bonfire. Mabuti na lang at nasalo iyon ni Jacob. Binitiwan ni Jacob ang kanyang baso para tuluyang mahawakan ang gitara.
“Let me hear it!” Natatawang sinabi ni Felicity. “I know you have a good voice, I heard it. But I’ve never seen you with a guitar!”
Umiling si Jacob. “Hindi na, Fel…”
“Please! Please, Jacob!” lambing niya rito.
Nag iwas ako ng tingin. Her hands were on top of his. Napatingin si Leo sa akin kaya tinuro ko ang inumin.
“Want this?” pabulong niyang tanong.
Tumango ako.
“Sige! Sandali lang,” ani Jacob sabay simula ng isang tugtog.
Para akong kinilabutan habang ni-sstrum niya ang intro.
“This time, This place. Misused, Mistakes. Too long, Too late Who was I to make you wait…”
Tumili tili si Felicity. Tumawa sina Ron at Louie sa kanyang reaksyon.
“Just one chance. Just one breath. Just in case there’s just one left. ‘Cause you know, you know, you know…”
Hanggang doon lang siya pero parang pinipiga ang puso ko sa bandang huli. Hindi niya tinuloy sa chorus pero halos mawasak na ako. Tangina!
Kalmante akong uminom sa sinalin ni Leo at tumikhim. I need to calm down. I can’t walk out now.
“Ang galing! You never told me…” ani Felicity.
Pinasa ni Jacob ang gitara kay Leo.
“Hindi naman ako magaling mag gitara. Si Leo…” ani Jacob.
“Pero marunong ka!” ani Felicity.
Ilang sandali pa silang nag usap tungkol sa pagbabanda nila noon. Felicity was just so amazed about it. Tatlong marshmallow na ang nainit at nakain ko habang nag uusap sila. I knew this was a good idea. I thought April is my saviour. Ngayon, siya pa pala itong nagkanulo sa akin.
“Mag CCR lang ako, ha?” sabi ko nang natapos ko ang isang shot.
“Pasama ka?” tanong ni Leo.
“Are you kidding me, Leo? Hindi na…” natatawa kong sinabi.
Nginitian ko si Felicity at naglakad na palayo. If only it’s not embarrassing to just run till I get home, noon ko pa ginawa.
Nag CR ako sa kusina at nang lumabas ay inuhaw naman. May isang pamilyar na kasambahay ang naroon. Ngumiti siya sa akin. Mukhang may gustong sabihin pero hindi natuloy dahil sa tanong ko.
“Manghihingi ako ng tubig, ha?”
“Opo! Nasa ref!” aniya sabay kuha ng baso.
Kinuha ko sa kanya ang baso. “Ako na.”
Tumango siya at hinayaan ako. Nagsalin ako ng malamig na tubig at lilingunin ko na sana siya mara makausap ulit pero nakita kong umalis siya doon at pinalitan siya ni Jacob. Sabay pa noon ang pag inom ko, muntik na akong masamid! Mabuti na lang at bahagya akong nag iwas ng tingin.
“Ayos ka lang?” tanong ni Jacob at nasa likod ko na agad.
Binuksan niya ang ref. Umiwas ako para makuha niya ang dapat kunin doon pero kumuha siya ng isang pitsel ng tubig at nagsalin na rin sa sariling baso.
“Uh… Yup… Nauhaw lang…” sabi ko ng di siya tinitingnan.
Unti unti kong naramdaman ang pamamanhid ng aking binti. Tangina, Rosie, get your shit together! We can’t mess up here or right now!
“Lasing?” tanong ni Jacob sa kaswal na tono.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at umiling. Lasing?
“Isang shot lang naman…” sabi ko at sabay kaming napatingin sa pumasok na isa pang kasambahay.
Nag tiim-bagang ako at tinuro ang labasan ng kusina.
“Mauuna na ako…” sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya para makaalis.
Pagkaalis sa kusina ay ‘tsaka lang ako nakaramdam ng matinding ginhawa. What the hell was that? Natutuliro na ako, pabalik sa garden. Lumingon agad si Felicity, siguro ay inakala niyang si Jacob ang paparating pero bigo dahil ako.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang may tawag si Auntie Precy. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na gagabihin ako!
“Hello?” sabi ko.
“Oh. Rosie… Kinabahan ako doon! Asan ka? Gabi na ah? Nagtatanong si Maggie. Di ka raw nag rereply sa texts…”
Nilayo ko ang cellphone ko at nakita kong may tatlong texts si Maggie doon. Mayroon din galing kay Duke! Hindi ko namalayan iyon? Seriously?
“Auntie Precy, nandito po ako kina Jacob…”
Napatingin si Leo sa akin. Umupo ulit ako doon sa aking silya.
“Ha? Anong ginagawa mo diyan? P-Paanong? Sinong kasama mo?”
“Sina Leo po. Nandito si April kanina. Uuwi na rin ako ngayon.”
“Ha? Sinong maghahatid sa’yo? Ano? Pasundo ka sa tricycle?” tanong ni Auntie.
“Hindi na. Uh… Ako na ang bahala. Uuwi na rin ako ngayon, Auntie…”
“Naku, Rosie ha! Baka ano ‘yan ha! Ano?” Hindi ko alam kung natutuliro na rin ba si Auntie o ano.
Namataan ko ang pag upo ni Jacob sa kanyang silya.
“Sige na, ‘te. Uuwi na ako. Sige na. Ibababa ko na ‘to…” sabi ko.
“O siya… Sige mag aantay ako! Sige na…” ani Auntie.
Binaba ko kaagad ang tawag. Nilingon ko si Leo. Ayaw kong maistorbo sila pero kailangan ko nang umalis.
“Pinapauwi ka na ni Auntie Precy?” tanong ni Jacob.
Tumango ako. Tumayo si Leo at sumimsim saglit sa inumin. “Hatid kita?”
“Kami na ni Jacob, Leo. Ihahatid namin siya. Kami na ang bahala. Bond with them…” ani Felicity.
“No… It’s okay… You’re both the hosts of this house. Mas mabuting hindi na kayo umalis, ‘di ba?”
“Ilang taon ka na dito, Leo, nahihiya ka pa sa bahay namin? Ako na…” ani Jacob sabay tayo.
What the hell? Tumagilid ang ulo ni Leo. Ngumisi naman si Jacob at bumaling sa akin. Tumango siya bilang hudyat na aalis na kami.
“Okay lang, Leo. Kami na…” ani Felicity sabay tayo at tingin sa akin.
Tumango ako at sumama na lang sa kanila.
Gusto ko sanang si Leo ang maghatid sa akin pero ayaw ko ng gulo. Sinabi na rin ni Felicity na sila na kaya pumayag na lang ako..
Nauna na ako sa paglabas sa kanilang bahay. The Hummer in front of me. Hinintay kong mapunta sila doon pero hindi pa sila lumalabas. Nagulat na lang ako ng isang kulay grey na Hummer galing sa garahe ang lumabas.
Ilang beses ko pang hinigit ang kaluluwa ko mabalik lang sa aking katawan ulit. May bago siyang Hummer? The hell! Another Hummer, seriously?
Lumabas si Felicity sa front seat at siya mismo ang nagbukas sa pintuan sa backseat. Halos mabulunan ako doon.
Tahimik akong pumasok at naramdaman ko kaagad ang panibagong lamig at pakiramdam sa loob ng bagong Hummer.
“Pinapacheck pa kasi ‘yang isa…” paliwanag ni Felicity na ang tinutukoy ay ang naunang Hummer.
“Ahh…” sabi ko at kinuha na ang cellphone ko.
This is going to be awkward so I’m going to divert my attention.
“Malamig ba diyan, Rosie?” tanong ni Felicity. Kinapa niya ang aircon na nakatapat sa akin. Lumabas na ang sasakyan ni Jacob sa kanila.
“Ah! Ayos lang naman…” sabi ko sabay ngiti.
“Hinaan ko. Masyadong malamig…” ani Felicity.
Tahimik para sa akin ang buong byahe. May pinag usapan sila pero hindi na ako nakinig. Damn it will only hurt me more.
Binasa ko na lang ang mensahe ni Duke.
Duke:
I’m done with work. What are you doing?
Ako:
Pauwi pa lang. Sorry sa late reply. May pinuntahan lang.
Tumigil ang sasakyan sa mismong tapat ng Bahay ni Lola. Kita kong bahagyang nahawi ang kurtina sa bintana. Siguro ay talagang nag abang si Auntie Precy. Uminit ang pisngi ko. Baka anong sabihin ni Jacob.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa reply ni Duke.
Duke:
How was your day?
Nagtipa muna ako bago habang hinahawakan ang doorhandle.
Ako:
Fine. Yours?
“Ginabi ka. Baka magalit ang Auntie mo…” ani Jacob.
“Huh?” ani Felicity sabay lingon sa Bahay ni Lola.
“Hindi… Hmm. Nakapag paalam naman ako,” sabi ko sabay tulak sa pintuan. “Salamat sa pag imbita at paghatid!”
Nagkatinginan kami ni Jacob. I smiled at him. I know I’m not a good actress. My smile probably looked like I was constipated.
Bago ko pa masarado ang pintuan ay lumabas na siya doon. Sinundan ko siya ng tingin at sa labas lang ng gate namin niya kinausap si Auntie.
“Auntie… ginabi si Rosie… Galing sa amin. Pasensya na po!” ani Jacob.
Parang pinipiga ang puso ko. Nakapamulsa si Jacob. Nakatupi hanggang siko ang kulay grey niyang long sleeve polo shirt. He’s so formal now, unlike before. Pero ang aura niya nang nagpaalam kay Auntie ay nagpapaalala sa akin sa nakaraan.
“Oh? Sige, Jacob. Salamat sa paghatid sa pamangkin ko! Nag alala ako doon.”
Shit! And I told him nag paalam ako!
Bumaling si Jacob sa akin. There was no humor on his face. Nakaigting rin ang kanyang panga. Lumipat ang tingin ko sa gate at dumiretso na doon para makapasok.
“Salamat ulit…”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]
TARA ROSIE, INOM!