Baka Sakali 3 – Kabanata 18

Kabanata 18

Hindi Na Talaga

Pagkatapos sa trucking ay umuwi na ako. Nawalan na ako ng lakas para pumunta pa kahit saan. Ipagpapaliban ko na lang muna pansamantala. Ilang araw pa rin naman ako dito.

Umuwi ako sa Bahay ni Lola at nagkulong sa kwarto. Mahapdi ang mga mata ko sa kakaiyak at paniguradong magtatanong si Auntie Precy kung ano ang iniyakan ko kaya pinili kong matulog na lang.

Hindi ako ginising ni Auntie. Hapon na nang nagising ako. Siguro ay hinayaan niya na lang din akong makabawi sa pagod sa byahe.

Bumaba lang ako nang ginutom ako. Mahapdi pa ang mga mata ko sa sobra sobrang pag iyak.

“Saan ka galing?” tanong ni Auntie habang kumakain ako sa kusina.

“Ah… Sa Alps po…” sabi ko.

“Doon lang?” tanong ni Auntie.

Paniguradong pansin niya na ang pamumugto ng mga mata ko. There’s no point in hiding it now. It’s crystal clear.

“Sa trucking din…” sabi ko.

“Trucking… Nina Jacob? Iyong sa’yo?”

Tumango ako nang di siya tinitingnan. Suminghap siya at umupo sa tabi ko.

“Anong nakita mo?” tanong niya.

“Huwag n’yo na po akong tanungin…” sabi ko ng medyo iritado.

“Hay… Rosie… Kung talagang bumabagabag ito sa’yo, bakit hindi mo sabihin kay Jacob? Sabihin mo. Walang mawawala sa’yo dahil tunay naman talagang iyan ang nararamdaman mo.”

“It’s not that simple Auntie…” Bumaling ako sa kanya. “Paano? Hi Jacob! Nasasaktan parin ako hanggang ngayon. Mahal parin kita. Ang sakit. May iba ka na. Masaya ka na. Ako heto… hindi parin… Tss…” natawa ako sa sarili ko.

Kung sana nandito sina mama at papa. May masasabi kaya silang maganda? Kung sana buhay pa si Don Juan Antonio para at least maliwanagan ako. Siguro ay may masasabi siya tungkol sa amin pero wala silang lahat dito.

Noong naglunes ay nag simba lang ako. Pagkatapos ay ginugol ko na ang buong oras ko sa pag S-Skype kay mama at papa, kay Maggie, at nag titext na rin kay Duke at Karl.

“Oh? Pumunta ka ba kay April?” tanong ni mama.

Umiling ako. “Dating bahay po kasi ang alam ko. Ang sabi ni Auntie, kina Ron na raw siya nakatira. E… di ko alam saan ang kina Ron. ‘Tsaka nahihiya din akong pumunta doon.”

“Ang swerte din naman talaga ng batang ‘yan, ‘no? Kahit na hindi masyadong mabait e nakasungkit pa? Ikaw? Ano na? Ginagawa mo na atang idolo iyang si Priscilla?”

Tumawa ako. “Ma naman… Bata pa naman ako ah?”

“Asus! Noong ka edad mo ako, buntis na ako kay Maggie!”

Tumawa ulit ako. “So ano? Ibig mong sabihin gusto mong buntis na rin ako ngayon? Si Maggie nga ang pagsabihan mo! Ni boyfriend nga, walang akin! Tapos gusto n’yo pang buntis ako!?”

“Adele, ano ba iyang tinuturo mo kay Rosie…” narinig kong saway ni papa.

“Oo na, Fred. Biro lang ‘yon!”

Kahit paano’y nalibang naman ako doon. Nang dumating ang hapon ay diniligan ko ang mga halaman ni Auntie Precy. I suddenly remembered Jacob. Tumulong siya sa pagtanim ng mga ito noon.

I smiled bitterly. Heto na naman tayo. Wala na ba itong katapusan? One day, it will come. Iyong tipong kahit may maaalala ako ay hindi na ako masasaktan. I won’t get tired of waiting for that one day. It will come to me because I deserve it. I deserve it for everything I did. Well, nakakalungkot isiping ako pa mismo ang magsasabing deserve ko ang maka move on.

Tinapos ko ang gabi sa pagtitext kina Karl at Duke. Tumawag pa si Duke kaya kinwento ko sa kanya kung gaano ka boring ang araw ko.

“Nag simba tapos namili saglit sa bayan, tapos nagdilig ng halaman… Iyon lang…”

“That’s good!”

“Good? That was boring, Duke.”

“Nakakapag relax ka so that’s good.”

Napangiti ako. At least someone wants me to relax in this stressful situation.

“Ano naman ang gagawin mo bukas?” tanong niya.

“Bukas? Hmmm. Sa umaga, siguro mag lilinis. Since, I’m that bored here. Lalo na at wala si Auntie dahil may pasok iyon.”

“Oh? So mag isa ka lang ulit? Wala bang ibang tao? Hindi ka ba natatakot?”

“Wala, e. ‘Tsaka hindi naman masyadong uso dito iyong mga krimen.”

“Just to make sure, Rosie.”

Tumawa ako. “I’ll lock the doors. Then after that, siguro mga hapon, pupunta ako sa Alegria National High School, tapos ay sa sementeryo.”

“Anong gagawin mo sa sementeryo?” tanong niya.

“Bibisitahin ko ang puntod ng daddy ni Jacob.”

“Well, it’s been a while. Tapos? Saan ka naman pagkatapos?”

“Siguro ay kina April na.”

Natapos ang gabi ko sa tawag na iyon. Nakatulog din naman agad ako. Sobrang payapa na kasi at ako na lang yata ang nagsasalita kaya mabilis akong dinalaw ng antok.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga rin kasi si Auntie na umalis. Kaya noong umalis siya, inubos ko ang oras ko sa paglilinis ng bahay.

Pagkatapos kong maglinis ay naligo na ako. Pagkatapos namang maligo ay magluluto ng lunch. I just suddenly felt at peace. At least nakapag relax talaga ako. Hindi iyong puro trabaho at stress lang ang ramdam ko.

Alas tres ng hapon nang nag desisyon akong pumunta sa Alegria National High School. Pumasok ako doon at nakita ang iilang mga high schoolers suot ang kanilang uniporme. It reminds me of myself… I was so lost here. Wala akong kaibigan. I only have April. And of course, Jacob. But in the end, April betrayed me. Nga naman… kung mahal mo ang tao, gagawin mo ang lahat. Mahal niya si Jacob noon, e. She was desperate.

Then Jacob pushed me away dahil sa malaking akala. And that was a big thing way back. Who made it first to me was a big thing to him. Well, hindi ko alam iyon dahil hindi naman ako lalaki. Siguro nga at some point, masasaktan ang ego niya pag naisip niyang niloko ko siya. Na sinabi kong siya ang una pero hindi pala. Lalo na’t pinsan niya pa talaga ang inakala niyang karibal niya.

But then I forgave him because I love him too much. And he loved me. He loved me too much. He can’t let go of me even just for a while. Yes, I admit it. I like him like that. I want him to make me his sun. The one he can’t live without. He’ll die without me. Ganoon ako ka possessive sa kanya. Ganoon din siya ka possessive sa akin. It wasn’t healthy alright, but that’s the truth of my feelings.

Ngunit nang nangyari ang buhay sa aming dalawa, hindi pala namin kaya na ganoon lagi. I’ve grown. And now he’s grown too.

Nakatayo na ako ngayon sa puntod ni Don Juan Antonio. Katabi ay ang puntod naman si Cielo Buenaventura, ang mommy ni Jacob.

Nilapag ko ang mga bulaklak na dala ko para sa kanilang dalawa. Fresh white roses and scented candles ang dala ko.

“How I wish you were still here, Tito… You should’ve seen how your son broke my heart…” napangiti ako. “Pero kung nandito ka, siguro di naman kami magkakaganito ni Jacob. Siguro ngayon, kami pa.”

Mabigat ang pakiramdam ko pero ayaw ko nang umiyak. Naubos yata lahat kahapon ang luha ko na ngayon ay wala na.

“And you know? May bagong girlfriend na siya. She’s pretty. But of course mas maganda ako!” Tumawa ako ng bahagya. “Nadala niya na ba iyon dito sa puntod mo? Naku baka hindi pa ha?”

Nagmumukha na akong tanga pero nalilibang ako sa pakikipag usap sa puntod.

“Pero sorry din, Tito. Ilang taon akong di nakapunta. Alam n’yo naman… masakit pa. Ngayon nga, tiniis ko na lang.”

Magsasalita pa sana ako pero may narinig akong mga yapak sa likod. Nilingon ko at tiningnan kung sino at muntik na akong lubayan ng kaluluwa ko nang nakitang may tao. Akala ko multo, by the way. And my soul truly left me when I saw who it was.

“J-Jacob?”

Calling his name stuttering made me remember the past again. Lahat na lang ba talaga, Roseanne?

Tiningnan ni Jacob ang puntod ng kanyang ama. He probably checked out the flowers. Lumipad ang tingin ko sa kanyang sasakyan, tinitingnan kung mag isa ba siya pero kumalabog ang pintuan ng front seat at lumabas si Felicity.

Oh! He’s with Felicity.

Wow, Tito ha! Nananadya ka ba? Silang dalawa tapos ako? Kaming tatlo? Hindi mo man lang ako binigyan ng partner para double date na lang? Tss.

May dalang isang basket ng bulaklak si Felicity. Lumuhod si Jacob sa puntod ng kanyang ama at sinindihan ang dalang mga puting kandila galing sa scented candle ko.

“Hi Rosie!” ani Felicity at nilapag sa lapida ni Don Juan ang dalang mga bulaklak.

Nag dala din sila ng para sa mommy ni Jacob.

Hindi ako prepared sa ganito. Ni hindi ko naisip na magkakaroon ng ganito. Na kaming tatlo. I don’t have any excuse. Wala rin akong kakampi. Nobody will back me up when I mess up! Shit!

“Hi! Uh… Kailan lang kayo dumating?” tanong ko.

“Kaninang lunch. Ikaw?” tanong ni Felicity.

“Uh. Noong Linggo ng umaga lang,” sagot ko.

Tumayo si Jacob ng nasindihan niya na ang mga kandila. Tahimik siya. Siguro ay nagdadasal. Huminga ako ng malalim. This is awkward.

Lumuhod din si Felicity at nagsindi rin ng sariling kandila. I want to interrupt and tell him I should go but they were both too silent.

“Nakapunta ka na kina April?” tanong ni Jacob bigla sa akin.

Halos mapatalon ako doon. Umiling ako at napangiti. What?

“Ang sabi kasi ni Auntie, di na raw doon tumitira si April at ‘yong anak niya. Kina Ron na raw, e. Di ko alam kung saan kina Ron.”

Ang dami ko yatang sinabi. Pakiramdam ko ay nagsusumbong ako. The heck!

“Pupunta ba si April mamaya?” tanong ni Felicity sabay tayo.

Tumango si Jacob. “Oo.”

“Nga pala, Rosie. May kaonting salu salo kina Jacob ngayong gabi. Nandoon sina Leo, Ron, Louie, Teddy. Baka rin andon si April. Gusto mong sumama?”

Nagkatinginan si Jacob at Felicity. It was so awkward I can almost hear the crickets.

“Hindi na. Mahihirapan ako. Pag gabi, wala masyadong tricycle na bumabyahe papunta doon kasi malayo-“

“Sabay na tayo ngayon. Pauwi na rin naman kami ni Jacob,” ani Felicity. “Nandoon na nga si Teddy.”

Nanatili ang mga mata ni Jacob kay Felicity. I felt like he didn’t want me there. Na napipilitan lang siya dhail niyaya ako ni Felicity. Felicity’s just too nice to forget about me.

“Hindi na talaga…” Umiling ako. “Mahihirapan din ako pag uwi…” sabi ko.

“Ihahatid kita…” Bumaling si Jacob sa akin.

Liar. Pinapanindigan mo lang dahil gusto ng girlfriend mo.

Napalunok ako. “Hindi na talaga. Uuwi na ako.”

“Hahanapin ka rin ni April kaya mas mabuting sumama ka na lang…” ani Jacob.

Ngayon, si Felicity naman ang nakatingin kay Jacob. Now, I’m torn.

“Hindi ka naman magtatagal doon sa amin,” ani Jacob.

It’s been a while. Hindi na ako ulit nakabisita kina Jacob simula nang naghiwalay kami. I cut all the cords the moment we broke up. Maybe it’s time to finally reconnect.

“Hmmm. Sige. Magpapaalam muna ako kay Auntie dahil baka mag alala iyon.”

“Good!” ani Felicity.

“Excuse me…” sabi ko.

Mabilis akong lumayo sa kanila. Pumwesto ako doon sa likod ng Hummer habang dinadial ang number ni Karl. Auntie ba kamo?

“Karl! Pupunta kami kina Jacob ngayon! Kasama ko silang dalawa ni Felicity ngayon! Anong gagawin ko? My God!”

“Huh? Edi sumama ka! Duh! Para saan pa ang dry run natin pag di mo gagamitin, ‘di ba?”

Nilingon ako ni Jacob. Nagkatinginan kaming dalawa kaya tumalikod agad ako. Bumilis ang pintig ng puso ko at halos hikain na ako dito.

“Tangina, Karl… Shit!”

“Ano? Ano bang nangyayari?” tanong niya.

“Wala sige na! Bahala na nga ito!”

Tinapos ko ang tawag at nanatili doon. Kinalma ko ang sarili ko. Sinikop ko ang buhok ko at humarap sa Hummer para makita sa salamin ang aking mukha. I tied my hair to a pony tail.

“Tara na?” ani Felicity.

“Ah! Yes!” sabi ko sabay tango.

Binuksan ko ang pintuan sa likod. Dito ako nararapat. Halos matawa ako sa mga reaksyon ko kahit na nasasaktan. Pumasok ako sa loob at agad kong naramdaman ang lamig. The scent of his Hummer sent shivers down my spine. So many memories here…

Nilingon ako ni Felicity.

“Sayang at di dala ni April ang anak niya mamaya. Mukhang inuubo at sipon daw, e.”

“Ganoon ba? Kawawa naman pala.”

Bibisitahin ko sila pag nakausap ko na si April.

Biglang may tumunog na cellphone. Nilingon ni Felicity si Jacob. Parang by instinct ay sinabi lang ni Jacob kung ano.

“Nasa dashboard.”

“Okay…”

Nanikip kaagad ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may secret code silang dalawa na hindi ko alam. Ang laki laki ng pinagbago. Pakiramdam ko ang lahat ng tungkol sa akin ay isang malaking joke.

Binigay ni Felicity ang cellphone ni Jacob sa kanya. Nag drive si Jacob habang may katawagan.

“Iconnect ko na lang…” ani Felicity.

“Okay…”

Pinagkatiwala ni Jacob ang cellphone niya kay Felicity.

“Nasa bahay n’yo na kami? Saan ka na?” tinig ni Leo ang narinig ko.

“Papunta na diyan. May pagkain diyan sa dining. Hindi ka ba sinalubong ni Manang?” ani Jacob.

“Ay… eto na. Andito na pala ‘tong si Teddy e!”

“Oo! Sige na, sige na. Ibababa ko na.”

Pinutol ni Jacob ang tawag kaya binalot ulit kami ng katahimikan. Humalukipkip ako at tiningnan ang rearview mirror na nagpapakita ng repleksyon ng mga mata ni Jacob. Nanatili iyon sa kalsada. He looked so mysterious and unpredictable. Umiling ako at bumaling na lang sa labas. Tama kaya itong ginagawa ko? Sumama pa talaga ako sa kanila?

Nang dumating kami kina Jacob, ako lang yata itong slow motion kung makagalaw. Dire diretso si Felicity sa bahay nila na parang sanay na sanay siya sa mansyon. Ako, parang ninanamnam ko pa ang lahat. Pagkatapos ng ilang taon, anndito ulit ako.

Huli akong pumasok. Bumagal ang lakad ni Jacob nang namataan niyang sobrang bagal kong maglakad.

Tiningala ko ang mga pictures sa buong bahay. Ang mga bagong muwebles, ang mga bago at mamahaling sofa, ang carpet at ang grand piano.

“Ilalagay ko lang ang bag ko sa kwarto, Jacob…” ani Felicity. “Diretso ka na sa dining, Rosie…” ngiti niya sa akin.

That stabbed my heart. They’re in the same room? Putangina! Agad nangilid ang luha ko. Hindi man lang ako nilingon ni Jacob. Dumiretso siya sa dining area ng bahay nila.

Ilang sandali pa ako nakagalaw. Hindi ako pwedeng bumigay ngayon dito.

Yes, Rosie. They probably did it? You don’t have to re create the whole scene in your mind. Hindi na dapat ako nagugulat. Jacob’s a friggin horndog.

Halos matawa ako. Pagkatapos kong masaktan ay nag sasour graping na naman ako?

“Rosie!”

Si April pa ang sumalubong sa akin kaya ako nakagalaw. Napansin ko ang medyo pagtaba niya. Hindi mataba, ngunit bahagyang pagkakaroon ng kaonting kurba sa katawan.

“April!” sabay ngiti ko.

“Ang tagal na nating di nagkita!” aniya sabay yakap sa akin.

Niyakap ko rin siya pabalik. Ng mahigpit. Siguro nga ay talagang nangulila ako. O di kaya’y kinailangan ko ng yakap sa mga sandaling iyon. Either way, her hug comforted me. Her hug was my refuge. And that was enough for now.

“Oo! Ang tagal nating di nagkita!” nanginig ang boses ko.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinarap ako.

“Buti at pumunta ka!? Sinong kasama mo? Si Jacob at Felicity?” tanong ni April.

Tumango ako at kinalma ang sarili.

“Oh… April… Andito ka na pala!” ani Felicity na ngayon ay pababa sa grand staircase.

Nagkatinginan kami ni April. Nagkibit na lang ako ng balikat.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: