Baka Sakali 3 – Kabanata 17

Kabanata 17

Kalawang

“You cooked all of these?” tanong ni Duke.

Sa wakas ay naimbitahan ko na siya sa bahay. Nahihiya kasi ako sa kanya. Tuwing lumalabas kami ay libre niya. Madalas pang kasama si Karl kaya mas lalo akong nahiya.

“Nagpatulong ako kay Maggie sa adobo…” sabay ngiti ko.

Buong bahay ang nilisan ko para sa pagdating ni Duke. At least ngayon, sagot ko naman ang pagkain niya. Hindi ko na kailangang makipagtalo sa kanya na ako ang magbabayad kasi nandito siya sa bahay namin.

“By the way…” sabay pakita niya sa isang paperbag.

“Ano ‘yan?”

“Pasalubong ko sa’yo.”

Dinungaw ko at nakitang may buko pie at kesong puti sa loob noon.

“Wow, thank you! Nag abala ka pa!” sabi ko.

Umupo ako sa harap niya. Sina Maggie at James ay nasa kwarto kaya kaming dalawa lang ngayon dito sa lamesa.

“Of course!”

“Congratulations nga pala sa sa pagkakaclose mo ng deal.”

“Yeah. Thank you. Akala ko talaga mapupunta sa kabilang chain. Mabuti na lang.”

“I heard iyong nasa kabilang chain ay iyon namang kompetensya ng kinuha mo. I don’t know if it’s true.”

“I think so. Kukunin talaga ng kabila ang isa pang line dahil nakuha ko na ang first choice nila.”

The first half of our conversation was about work. Tinanong niya rin sa akin kung kamusta ang first batch ng mga ininterview, maayos naman iyon.

“By the way, may ipapadagdag ako na files. I need a portfolio from them. Lalo na doon sa mga nakuha sa second interview. I need to really check on their abilities lalo na’t diretsong manager ang magiging posisyon.”

Tumango ako. “Buti pa nga. Nakulangan kasi ako sa requirements, e.”

Kahit na naglinis na ako ng bahay, nahihiya parin ako kay Duke. Pakiramdam ko parin ay madumi ang bahay namin. Syempre, I can only imagine their mansions. I’ve been to his condo unit and it’s always clean.

“Do you have new flicks or anything?” tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ngayong nasabi niya iyon, hindi ko nga pala napagplanuhan ang gagawin namin pagkatapos kumain. I just thought that after dinner, that’s it. Hindi ko inakalang mags-stay pa pala siya.

“Hmm. Meron yata kay Maggie. Mahilig iyong mga iyon manood ng movies e. Gusto mong manood?”

“Yes. We can drink wine while watching.”

Tumango ako. Nag dala din kasi siya ng wine.

Nahihiya pa akong magtanong kung masarap ba ang luto ko. Nalibang na rin kasi kami sa pag uusap tungkol sa trabaho kaya ‘di ko na siya ginambala pa sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay nagligpit ako ng mga pinggan. Tumulong siya kahit na sinasaway ko na.

“Doon ka na sa sala mag antay.” Tumawa ako. “Ang mabuti pa, ihanda mo na lang iyong wine.”

“Hindi na. Maghuhugas ka ng mga pinggan ‘di ba? Tutulungan na kita.”

“Duke…”

Ngumisi siya. “Come on, Rosie.”

“Bisita kita. Sige na…”

“Kahit na. Please?” panunuyo niya.

Umirap ako. “Sige na nga!”

Pinatulong ko siya sa paghuhugas ng plato. Naabutan pa kami ni Maggie sa ginagawa.

“Oh! Rosie, pinaghuhugas mo ng plato si Duke?”

“It’s okay. Ako naman ang may gusto nito, e.”

Umiling si Maggie at tumawa. “Naku, Duke! Huwag mong ispoil ‘yan? Nagsisikap ‘yan para maging kapaki pakinabang naman sa kusina.”

“Tumigil ka nga, Mag!”

Tumawa lang ang kapatid ko at kumuha ng chips sa ref para sa kanila ni James.

“May ulam diyan. Kumain na kayo ni James. Tapos na kami…” sabi ko.

Pagkatapos naming maghugas ng plato ay doon naman kami sa sala para makapanood ng TV. Lumabas sina Maggie at James para makakain na rin sa kusina.

Nanood naman kami ni Duke ng action movie. Iyong iniinvade ng mga terorista ang White House. Sa sobrang pagkakalibang ko ay nanatili ang mga mata ko sa TV habang umiinom ng wine.

Nakapatong sa aking hita ang throw pillow. I only got distracted when I felt his arms on the back of my seat. Ang mga mata ko ay nasa TV pero ang atensyon ko ay hindi maalis doon. This is normal, right? But…

Ilang sandali ang lumipas, binalewala ko iyon. Normal lang naman siguro iyon.

“So… anong oras ka aalis bukas?” tanong ni Duke.

“Hmmm. Mga alas diez ng gabi,” sabi ko.

“Anong oras ang dating mo niyan sa Alegria?” tanong niya.

“Alas sais o alas siete ng umaga. Bakit?”

Nilingon ko siya. Nakatingin na rin siya sa akin. His eyes dropped on my lips then on my eyes again.

“Kailan ang uwi mo?”

“Saturday or Sunday. Sa Saturday next week pa talaga ang kasal. Magbabakasyon lang ako. Medyo matagal na rin kasi mula noong huli kong punta doon.”

Tumango siya. “That’s good. But then… six? Seven days? That’s… long…”

“Yup. My long vacation. Finally pagkatapos kong magtrabaho ng straight for a year.”

“I am gonna miss you, though…” marahan ngunit may diin sa boses niya.

Hindi ako nakapagsalita. Bumaling ulit ako sa TV. Hindi ako makatingin sa kanya habang sinusuklian ang sinabi.

“I am gonna miss you too.”

Marahan niyang hinarap ang mukha ko sa kanya. Napilitan akong mapatingin.

“Really?”

Tumango ako. Bahagyang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung para saan.

Suminghap si Duke at ngumiti.

“Well then… maghihintay ako sa’yo. I’ll wait till you come back.”

Tumango ako at binaba ang tingin sa throw pillow.

My heart is hurting for something. I can’t put a finger on it.

Pagkatapos naming manood ay nagpaalam na si Duke. Lumalalim na rin kasi ang gabi.

Hinatid ko siya sa may gate. Hinintay kong umalis ang sasakyan niya bago ako tumalikod para pumasok sa loob ng apartment namin. Si Maggie ay nasa hamba ng pintuan at nakahalukipkip.

“Oh? Kayo na?” tanong niya.

Umiling ako.

“You two look good together. Nagtatanong na si mama kung may pinalit ka na ba raw kay Jacob. Ayaw mong banggitin si Duke kaya wala akong sinasagot.”

“Sinabi ko naman sa kanya na wala pa nga sa utak ko ang lovelife.”

“Pano ‘yan? Nasa utak ka naman ng lovelife kaya di ka malubayan.”

Nilagpasan ko siya. Sinundan niya ako ng tingin ng papasok sa loob. Si James ay umiinom sa wine na dala ni Duke. Ngumisi siya nang nakitang umupo ako sa sofa.

“Wala lang ‘yon. Magkaibigan lang kami…” sabi ko.

“You look so close, ha? Since sinabi mo na rin naman na medyo okay ka na kahapon noong nakaharap mo si Felicity at Jacob, edi okay ka na nga.”

“Kinakausap ka ba ni Jacob, Rosie?” tanong ni James.

Tumango ako at umirap.

“He’s cool. I think you are too. Move on na?” Ngumisi si Maggie.

“Maybe…”

Natahimik silang dalawa.

“Maybe you’re right. Nagsisimula na nga akong mag move on. Siguro… ayos na. Siguro talagang magiging maayos na ang lahat. Siguro nga unti unti ko nang matatanggap na talagang ganito na ngayon.”

“Maswerte ka nga at hindi ka naman iniwang mag isa. You have people around you. You have a close friend. You have Duke. Plus, hindi pa kayo gaanong magkagalit ni Jacob. Since casual naman kayo, mukhang ‘di naman toxic ang pinanggalingang relationship.”

“Oo nga…”

Hindi ko na sasabihin na kagabi nang nakita kong tumayo si Jacob, bahagya akong umasa. Hindi ko na binanggit kay Maggie na hirap na hirap na ako. Ayaw kong iparamdam kahit kanino kung gaano kabigat ang talagang nararamdaman ko. Mauumay lamang sila. Ako nga’y nauumay na rin. Pero anong magagawa ko kung ito talaga?

Hirap na hirap ako sa pag iimpake. Lalo na dahil dress akong dala. Dadalhin ko rin kasi iyong kay Maggie para huwag na siyang ma hassle sa pagmamadali niya galing school.

“Pahatid ka kay Duke sa Alegria,” biro ni Maggie.

Pinandilatan ko lang siya. Kaya ko namang mag commute.

Pinili kong gabi bumyahe para pwede na akong matulog sa bus. Besides, hindi tulad noon, may bus na galing Maynila na diretsong Alegria ang byahe. Hindi ko na kailangng bumaba ng ilang terminal para lang makarating doon.

Inisip ko pagkadating ko ng Alegria, bibisitahin ko ang mga lugar na madalas kong pinupuntahan noon.

Nag iimpake pa lang ay kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung para saan. Siguro dahil alam kong pag nakita ko ang mga lugar na iyon, mahahawakan ng mga ito ang kailaliman ng puso kong matagal ng walang nakakahawak.

Hinatid ako ni Maggie at James sa terminal ng bus. Tinext ko na rin si Auntie Precy na siguro’y mga alas sais ang dating ko sa Alegria.

Pumwesto ako malapit sa bintana at nilagay ang mga bag sa taas. Kinawayan ko si Maggie at James na nasa labas at pinapanood ang pag alis ko. Sinenyas ni Maggie ang kanyang cellphone para sabihing mag text ako sa kanya.

Tumango ako at kumaway ulit dahil gumagalaw na ang bus.

Naalala ko tuloy noong nalaman namin ni Maggie na uuwi kami ng Alegria dahil wala ng trabaho sina mama at papa. Naaalala ko iyong mga reaksyon naming dalawa. Naalala ko kung gano ko kinamuhian ang mga probinsya, lalo na ang Alegria. Hindi ko alam na doon ko din pala mararanasan ang halos maiyak sa sobrang saya. It holds a special place in my heart. Kaya noong naghiwalay kami ni Jacob, hindi ko na kayang bumalik pa doon. Dahil ang saya saya ko sa Alegria, matatabunan lamang pala ang lahat ng iyon ng panghihinayang.

Pinalis ko ang luhang tumulo sa aking pisngi.

Hindi ko talaga alam kung ano ang problema ko at bakit hanggang ngayon, kahit na maayos na sana ang lahat, nakukulangan parin ako.

There’s something missing and I don’t know what.

Si Jacob? Hindi. Hindi siya ang kulang sa buhay ko. Definitely not him. Dahil kung siya, matagal na akong lumuhod bumalik lamang siya ulit sa akin.

Pagbalik ko kaya ng Alegria, malalaman ko kung ano talaga ang nawala sa buhay ko? Bakit hindi ako makagalaw ng kahit isang pulgada man lang?

Nakatulog ako habang umiiyak. Nagising lamang ako nang mga alas tres na ng umaga. Nasa byahe parin ang bus. Hinilig ko ang ulo ko sa bintanang salamin at tiningnan ang bawat nadadaanan namin.

Nahihilo ako sa byahe kaya napapikit at nakatulog ulit ako. Sunod na gising ko ay medyo malapit ng mag umaga. Hindi na ulit ako nakatulog. Pinagmasdan ko ang bulubundukin ng Alegria. Hindi pa kami nakakapasok sa mismong lalawigan pero kitang kita dito ang nagtatayugang bundok. Sa likod ng Tereles Peak ay ang paparating na araw.

Napangiti ako. It’s been a while.

Saktong alas sais ang dating namin sa terminal ng Alegria. Una kong tinext si Maggie pagkatapos ay si Auntie Precy.

Mag tatricycle ako patungo sa bahay. Hindi naman ito kalayuan sa terminal dahil sentro lang naman ang bahay ni Auntie Precy.

Sumakay ako ng tricycle at saktong namukhaan ako ng driver.

“Rosie? O! Ang tagal kitang di nakita!”

Hindi ko kilala pero namumukhaan ko. Madalas kong sakyan ang tricycle niya tuwing galing sa simbahan patungo sa Bahay ni Lola o di kaya’y galing school noon. I remembered one time sumakay kaming dalawa ni Jacob sa tricycle niya. Iyon ‘yong sinusuyo niya pa ako. Noong highschool pa lang kami.

“Walang susundo sa’yo?” tanong niya.

“Wala po,” inosente kong sagot.

“Saan ka? Sa mga Buenaventura o sa inyo?”

Wow. Really?

“Sa kina Auntie Precy po…”

“O sige…” aniya na parang wala lang.

Binalewala ko iyon. They’re not the nosy people na kailangang updated kung may hiwalayang ganap. Binusog ko ang mga mata ko sa mga tanawing matagal ko nang di nakikita.

Alegria changed a lot. Ang dating puro damuhan ay nakikitaan ko na ng mga tindahan ngayon. Ang dating tahimik ay unti unti ng dumadami ang tao.

“Ang tagal kitang di na nakita ah? Simula yata nang namatay si Don Juan Antonio o ano?”

“Oo. Nag aral po kasi ako at nangibang bansa din kaya nawalan ako ng oras para bumisita,” sagot ko.

“Si Jacob, madalas naman…”

Please don’t go there. Please don’t go to that topic. Mabuti at mukhang hindi niya naman ako tatanungin. Tahimik na siya buong byahe hanggang sa nakarating na ako sa street namin ni Auntie.

Tinulungan ako ni Manong sa pagkuha ng mga bag ko. Hinatid niya ang mga bag sa mismong pintuan ng bahay kaya dinagdagan ko ang binigay kong pamasahe.

“Huwag na!”

“Hindi na po! Sige na po! Pasasalamat ko na ‘yan!” sabi ko.

“Salamat, kung ganoon!”

Bumalik siya sa tricycle at pinaandar niya na ito ng may ngiti. Pinagbuksan ako ni Auntie Precy at kitang kita ko ang tuwa sa kanyang mukha. After how many years, finally, I’m here again.

May kaonting pagbabago sa Bahay ni Lola. Ang dating halos wala masyadong muwebles ay nadagdagan kahit paano.

“Mag almusal ka muna! Naku ang saya ko at sa wakas naka bisita ka ulit!”

“Anong ulam, Auntie? ginutom ako sa byahe. Pagkatapos kong mag almusal ay magpapahinga lang ako saglit sa kwarto tapos maliligo. Gusto kong mamasyal.”

“Tamang tama! Mamamalengke ako ngayon. Gusto mong sumama?”

Umiling ako. “Huwag na po, Auntie. May titingnan lang ako…”

“Saan, kung ganoon?”

Nag iwas ako ng tingin. “Iyong mga dating pasyalan. Ang tagal ko pong di nagawi dito. Hindi ko na alam anong itsura ng… mga lugar dito.”

“O siya… Siguro naman ay alam mo kung paano pumunta doon? Naku! Sanay ka pa namang may sasakyan pag namamasyal dito. E… mag tatricycle ka, kung ganoon?” concerned na tanong ni Auntie.

“Oo naman!”

Sabay kaming nag almusal ni Auntie. Pinag usapan lamang namin ang lagay ni mama. Ang sabi kasi niya ay maayos na daw siya gaya ng dati. Nag therapy din kasi siya para sa kanyang kamay. But then I can’t help but worry. Mild stroke is still stroke. Tumawag pa kami kay mama para ipakitang nasa Alegria na ako. Kinaway kaway niya ang kanyang kamay para ipakita sa aming ayos lang siya.

Tumawa lamang ako. Pagkatapos ko doon ay umakyat ako. Tumulong si Auntie sa pag akyat sa mga gamit ko at sa mga susuotin namin ni Maggie. Pagkatapos ay naligo ako at nagpahinga ng kaonti.

“Rosie, anong oras ka aalis para sabay na lang tayo? Bibigyan din kita ng susi sa bahay para pag nauna kang makauwi, makakapasok ka,” ani Auntie.

Pasado alas nuebe kaming umalis ni Auntie Precy. Siya ay patungo sa palengke samantalang pumunta naman ako ng Alps.

Hinawakan ko ang sementong railings sa isang maliit na foobridge. This is where we first saw each other.

Maraming naliligo doon. May mga pamilya. May mga bata, mga highschool. Pinagmamasdan ko silang nagtutuksuhan. Ganoon kami dati.

“Cottage, ma’am?” tanong ng isang trabahante doon.

Umiling ako. “Hindi na…”

Ang pinakamainit na lagoon ay ganoon parin. Kita ko parin ang kaonting usok dahil sa init nito. Halos matatanda lang ang naroon, iyong gusto mag relax at magpawala ng stress.

Kalahating oras ang tinagal ko doon. Bigla akong nanghinayang kung bakit hindi ako nagdala ng damit. Sana pala ay naligo na lang ako. ‘Di bale na kung mag isa man. Maybe tomorrow, huh?

“Saan ka, Miss?” tanong ng driver sa akin nang lumabas na ako sa Alps.

Hirap na hirap akong sabihin iyon. Actually, hindi dapat ako doon sunod na pumunta. I still want to visit the school, or the church, or Don Juan’s grave…

“Sa… trucking?” tanong ko, nagdadalawang isip.

“Saang trucking?”

“Sa Buenaventura…”

Kumunot ang noo ng driver. Parang hirap siyang alalahanin kung saan iyon. I quickly changed my mind. Ngunit bago ko mabawi ay nagsalita siya.

“Ah! Iyong trucking? Rosie Buenaventura?” tanong niya.

Kumalabog ang puso ko. There, Rosie!

“Opo!” maligaya kong sinabi.

“Tara!” aniya.

Sumakay agad ako sa tricycle. Papalapit kami ay mas lalo lang dumagungdong ang puso ko. Pinagmasdan ko ang mga tanim na naroon. Ang dating mga punong maliliit noon ay matatayog na ngayon. Flowers also filled the pathways near the road. Namukadkad ang kulay pink na bulaklak ng Adelfa sa gilid patungo sa trucking. At sa kabila naman ay ang malawak na palayan.

“Dito ka?” tanong ng driver at biglang bumagal ang takbo ng tricycle.

Tiningala ko ang malaking gate ng trucking nina Jacob. Ang matatayog na dingding nito ay nababalot na ng baging. Wala naman ito noon.

Pinipiga ang puso ko habang lumalabas sa tricycle. Nakatingala parin ako sa matayog na gate. Tulad noon, kulay green parin ito. Naroon parin ang naka bold na letters ng pangalan ko. “Rosie Buenaventura”

Umalis ang tricycle at naiwan akong mag isa doon.

Napapalibutan ang gate ng baging. Parang hindi na nabubuksan uli. At ang kulay gold na letters ay kinakalawang na. Ang kulay green na gate ay luma na at unti unti na ring kinakalawang.

Hindi ko mahabol ang hininga ko.

Sinangla ko ito noon. Hanggang ngayon ay mukhang naka sangla parin o baka naipagbili na sa iba.

Hindi matanggal ang mga mata ko sa gate. Unti unti kong nararamdaman ang pabagsak na sakit sa aking puso.

It’s okay! It’s okay! I did it for him anyway! I did it for him to be okay! I did it for him!

Napaluha ako nang naalala ang lahat lahat. Simula noong niligawan niya ako hanggang sa binili niya ito para sa akin. Everything felt like surreal. Parang di naman talaga nangyari. Na niloloko ko lang ang sarili ko! Na nag iilusyon lang ako!

Siguro ito ang nawala sa akin. Nawalan ng hustisya ang ginawa ko. Justice for what I did. Justice for my sacrifices. I lost it all para maging maayos ang lahat. Naging maayos nga pero walang may nakaalala sa sakripisyong nagawa ko! It was me! Ako iyong sobra sobrang nasaktan para sa sariling desisyon ko! Ako iyong bumitiw kahit na mahal na mahal ko pa siya! Ako iyong tumalikod kahit na hindi ko kaya! I did it all for him! For him to be okay! For his people to be okay! And yet now… wala ni kahit isang nakakita noon. Kahit siya. Ako lang! Ako lang! Ako parin ang nakakakita kahit ngayon.

Napaluhod ako sa harap ng gate ng trucking. How I suddenly wish to turn back the time. Iyong mga oras kung saan ang tanging inaalala ko ay ang pag aaral ko sa Alegria at si Jacob na kinukulit ako. Sana iyon na lang ulit ang gawin ko. I would give anything just to feel it again. I would trade my life for another chance at that simple life.

Sana bumalik sa dati. Iyong simple lang ang makapagpapasaya. Iyong maliit at kaonti lang ang mga problema. Back when the trees and flowers in Alegria were young. Back when it’s still pure and innocent. Noong mga panahong hindi pa kami namumulat sa realidad ng buhay. I wish I could turn back time… pero alam nating lahat na hindi na maibabalik pa. Change is constant. And no matter how hard we try to be constant, we really can’t. We are both bound to change. And sometimes… changing means falling apart.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: