Baka Sakali 2 – Kabanata 5

Kabanata 5

Mga Panira

“Tamang tama lang kay Rosie yung gown.” Sabi ni Kira.

Sinusukat ko yung gown na susootin ko sa finale. Nasa harapan ko si Jacob. Pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa talaga niya ako tinignan.

“Okay ba?” Umikot ako at naghintay sa reaksyon ni Jacob.

“Wow! Mukha kaming ikakasal!” Nawindang ako sa biglang narinig ko.

Nandito pala si Brandon! Pinili ko pa namang gabi na pumunta para mahuli ako at di ko na siya makita pa.

“Bagay?” Tumaas ang kilay niya habang tinitignan si Kira.

“Ewan ko sayo, Brandon. Ayusin mo yang tikas mo at baka matanggal kita dito.”

“Ito naman. Di mabiro.” Tumawa siya.

“Pasalamat ka gwapo ka!” Ani Kira.

Sumulyap ako kay Jacob at napalunok na lang ako nang nakita ko siyang tinitignan si Brandon.

“Hindi naman bagay eh. Sakit nga sa mata.”

Natigilan kaming lahat sa biglang pagsasalita ni Jacob. Tingin ko ay nagalit talaga siya sa sinabi ni Brandon. Bakit niya pa kasi binabanggit na mukha kaming ikakasal? Alam naman nating lahat na frustrated si Jacob na pakasalan ako. Siguro ay pag naiisip niyang magpapakasal ako sa iba, magwawala ito. Wrong move, Brandon! Leche!

Nilapitan ko agad si Jacob.

“‘Mukha’ lang naman pare. Easy…” Tinaas ni Brandon ang kamay niya.

“Tsaka itim yung soot ni Rosie. Hindi kasal, burol siguro.”

Hinaplos ko si Jacob para kumalma. Kitang-kita ko na ang galit sa mga mata niya habang tinitignan si Jacob. Umubo pa si Kira dahil sa naramdamang tensyon.

“Jacob…” Bulong ko.

“Baka burol niya.” Bulong niya sakin at hinalikan ako. “Sakin ka, Rosie. Sakin.”

Of course… Kabanas na talaga yang Brandon na yan, ah? Kainis na!

“Okay, anyway, okay na yan, Rosie. Okay na yung stilletos?”

“Yep.” Sagot ko kay Kira.

“Okay… Mag ready na sa Sabado. Okay na yan. Magbihis ka na.”

“Ako din ba, Kir?” Tanong ni Brandon.

“Wa’g muna! Oh, heto na pala sila.” Umalis si Kira para salubungin ang grupo ng mga babaeng models na kakarating lag din.

“OH MY GOD! He’s here!” Halos manisay na naman sa kilig ang babaeng kakapasok lang.

Muntik na nga siyang lumabas ulit dahil sa pagpapanic niya. Umiling na lang ako at pumasok sa fitting room para magbihis.

Ngumisi ako nang nakita ko kung anong t-shirt ang susootin ko ngayon. Binigay ito ni Jacob sa akin kahapon. Plain white t-shirt na may print. Simple lang pero kitang-kita ang print.

“Gusto ko rin ng ganyang t-shirt.” Sabi ni Kira pagkalabas ko ng fitting room. “Property of Jacob Buenaventura” Binasa niya ang nakaprint.

Ngumisi ako at naglakad patungo kay Jacob.

“Sino si Jacob Buenaventura?” Ayan na naman ang singit ni Brandon.

“Ako, may problema ka?” Sabi ni Jacob.

Hinihila ko na siya sa takot kong magkagulo.

“Easy, pare…” Sabay surrender ng kamay ni Brandon. “Nagtatanong lang ako. Di ko alam eh.”

“Kung ganun, para malaman mo, asawa ko na ‘tong si Rosie… Baka kasi di mo rin alam.”

Natahimik si Brandon. Hinila ako ni Jacob palabas.

“Gusto ko rin ng ganyang shirt.” Parinig nung isang modelo.

Hindi iyon napansin ni Jacob pero tinignan ko talag isa-isa ang mga nandoon. Hindi ko alam kung sino yung nagsabi dahil pare-pareho silang patay na patay din kay Jacob.

Hindi naman kyo pag aari ni Jacob, ako lang. Kaya wa’g kayong epal! Kainis! Malaman ko lang kung sino yun… Well, napalunok ako sa naiisip ko. Paano kung may mag offer talaga sa kanya? Paano kung may magpapaangkin sa kanya, tatanggapin niya kaya? Hindi. Alam ko. Pero hindi ko maiwasang di mag isip ng ganito. Nakakaiyak. Nakakatakot.

“Okay ka lang ba?” Tanong niya sakin habang pinapaandar ang sasakyan.

“O-Okay lang.”

Pinatay niya ang makina at tinignan ulit ako.

“Hindi ka okay.” Aniya.

“Wa-Wala… I’m just thinking.”

“Ano?”

Nagkatitigan kami. Puno ng pag aalala ang mga mata niya.

“P-Paano kung may makita kang magandang babae somewhere…”

“Ikaw?”

Napangiti ako sa sinabi niya, “Hindi. Ibang babae.”

“Ikaw lang naman ang maganda para sakin.”

“Jacob, let’s face it… Marami pang magandang babae diyan. Mas sexy at mas mabait sakin. Paano kung isang araw may maganda, sexy at mabait na magmamahal sayo… Paano kung-“

Hindi pa nga ako natatapos sa pagsasalita ko ay naramdaman ko na agad ang paglapat ng labi niya sakin. Maiinit at malalalim na agad ang halik niya. Sarap niya na talagang humalik. Habang tumatagal lalong sumasarap.

“Hindi lang pala ako yung nakakaramdam niyan, Rosie. Ikaw din pala… Ano pa bang hinihintay mo? Mag pakasal na tayo! Takot ka rin naman pala tulad ko…”

Nagpatuloy siya sa pag halik. Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng t-shirt ko.

Pinigilan ko ang kamay niya.

“Jacob, nasa parking lot tayo.” Bulong ko bago niya inatake ulit ang labi ko.

“Hindi naman ito first time…” Aniya.

Nagpatuloy kami sa halikan hanggang sa sumakit ang mata ko sa sinag ng high beam ng sasakyan sa harapan namin.

Dumilat ako at tinignan kung sinong naroon. Naaninaw ko agad ang mukha ni Brandon sa loob. Nandoon din ang ibang models sa loob. Laglag ang panga nila habang tinitignan ang sasakyan ni Jacob.

Tinulak ko si Jacob.

“Bakit?” Tanong niya.

Uminit ang pisngi ko at inayos ang sarili, “Nakatingin sila.”

Sabay turo ko sa harapan. Naka high beam parin ang sasakyan ni Brandon.

“Tss! Tinted ‘to.” Aniya.

“Kung mag ha highbeam ng ganito ka lapit, tingin mo wala parin silang makikita?”

“Tsss. Ano naman ngayon?” Umamba ulit siyang hahalik sakin pero tinulak ko sa sobrang hiya.

“HAAAAY KAINIS!” Sigaw niya sabay hampas sa manibela.

Bumusina siya ng pagkalakas-lakas. Sabay-sabay pa talaga silang pumikit at nagtakip ng tainga.

Padabog niyang pinaandar ang sasakyan niya at umamba pang bubungguin ang sasakyan ni Brandon.

“Langya! Kapal ng mukha! Kainis! Mga panira.” Aniya.

Hinaplos ko ang braso niya. Kumalma din siyang nung nakalabas na kami. Umiling na lang ako at natawa sa pagiging badtrip niya. Dapat magtiwala ako kay Jacob. Hindi siya magkakagusto sa iba. Hindi siya magsasawa sakin!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: