Baka Sakali 2 – Kabanata 4

Kabanata 4

Ang Kailangan

“Pag naging successful ito, itetreat ko kayong lahat sa Imperial Bay!” Panghuling sinabi ni Ms. Bubbles pagkatapos ng rehearsal.

Pumalakpak ang mga models.

“Kaya gusto ko talaga sumali sa BSM ramp dahil dito.”

“Bait talaga ni Ms. Bubbles!” Dinig ko ang mga comments ng mga models sa likuran ko.

“Thank you, Miss Bubbles!”

“Okay. See you sa sukatan! Be there, ayt? Ayoko ng last minute nang nagsusukat. I’ll call this a day.” Tumango siya at ngumiti samin.

Maiksi ang buhok ni Ms. Bubbles at palangiti siya. Designer kaya fashionista. Akala ko intimidating siya nung una, pero mali ako.

“Hi!” Untag ni Brandon sakin habang tumatayo ako at aalis na sana.

Nasa labas si Jacob, naghihintay sakin. Binalewala ko si Brandon pero pinilit niya ako. Sinundan niya ako sa paglalakad.

“Saan bahay niyo? Para mahatid kita! May sasakyan ako.”

I glared at him. Nakita ko ang nakangisi niyang mukha.

“No, thanks. Ihahatid ako ng boyfriend ko.”

“Boyfriend mo pa pala talaga siya. Alam mo kung gusto mo ako, aasawahin kita agad. Wala ng boyfriend-boyfriend.”

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinasabayan niya ako.

“Rosie!” Naaninaw ko si Jacob na seryosong nakahalukipkip sa labas ng office ni Ms. Bubbles.

“Jacob…” Halos tumakbo ako papunta sa kanya.

Nababanas ako sa kakasunod ni Brandon sakin.

“Sige, Rosie! Ingat ka! Alis na ako.” Sigaw ni Brandon.

Napapikit tuloy ako sa inis at sa kaba. Natigilan si Jacob at tinignan si Brandon. Hindi na lumingon ulit si Brandon. Patuloy na lang siya sa paglalakad pagkatapos niyang sabihin iyon at lagpasan kami.

“Nag uusap kayo nun?” Tanong niya sakin ng nakasimangot.

“Hindi. Feeling yung mokong na yun. Naiinis nga ako.”

“Edi iwasan mo?”

“Iniiwasan ko naman eh. Nakakainis! Hindi ako tinatantanan.”

Nilingon ulit ni Jacob si Brandon.

“Lika na.” Sabay kuha niya sa kamay ko.

Hinila niya ako palabas ng building.

“Kanina ko pa siya napapansin. Inggitero. Kung naiinggit siya dahil akin ka, humanap siya ng magiging kanya. Hindi yung pinapangarap ka rin niya.”

“Wa’g kang mag alala, hindi niya naman ako maaagaw.” Sabi ko.

“Wala akong tiwala sa kanya.”

Mabilis kaming napadpad sa parking lot. Nandoon ang ibang models. As usual, nakanganga na naman sila habang pinagmamasdan kami ni Jacob. Pinagbuksan pa ako ni Jacob ng pintuan kaya nagsinghapan ang mga tao sa kakatingin samin. Pasalamat kayo, tinted itong sasakyan niya, hindi kayo masasaktan pag nasa loob na kami.

Umiling na lang ako habang tinitignan si Jacob na humahakbang papasok ng driver’s seat.

Hinila niya agad ang kamay ko at hinalikan ako sa labi.

“Gutom parin ako…” Sabi niya pagkatapos ng halik.

Tumawa ako.

“Jacob, tama na nga… Masyado ka talagang green. Kumain na muna tayo. Pagkain, ah?”

Tumawa rin siya.

Hindi talaga ako magsasawa sa kanya. At alam ko ding di siya magsasawa sakin. Kahit sino pa yan, walang makakapigil saming dalawa. Hindi kami kayang hadlangan ng kahit nino. Masyado na kaming maraming pinagdaanan at hindi na kami basta-bastang matitinag. Pero feeling ko masusuntok si Brandon, any time soon, kung di siya titigil sa kaka flirt sakin.

“Rosie, bukas yung sukatan ah? Don’t forget!” Sabi ni Karl sakin.

Tumango ako.

Buti sinabi niya. Sa sobrang busy ko sa school, nakakalimutan ko na yung modeling.

“Hi Karl!” Sabay kaway nung freshman kay Karl.

“Hi?” Kumaway din si Karl.

Tumili yung babae at parang inaatake ng epilepsy sa kilig.

“Yuck!” Bulong ni Karl sakin.

Tumawa ako.

Hindi niya parin kasi sinasabi sa madla na binabae siya. Nag dadasal na lang siya na isang araw ay marealize yun ng mga tao. True, marami nang nakakapansin sa kanya. Sina Edward, Josh, Callix at Leo ay nakakapansin na. Itong si Jacob naman, in denial parin. Hindi ko nga lang mapagtanto kung in denial ba talaga siya o talagang kahit mga bading ay pinagseselosan niya.

“Kakasuka talaga yung dalawang yan.” Sabay nguso niya kay Callix at Belle na naglalampungan. “Madedetention na naman sila dahil sa sobrang PDA! Pwede bang maghalikan dito sa school? HINDI! Obvious bah! Kaya nga kayo na detention last sem! Rosie, pagsabihan mo naman yang kaibigan mo! Jusko po!”

Tumawa ako, “Lagi ko namang pinagsasabihan eh. Spur of the moment siguro talaga pag magkasama sila. Nakakalimutan nila na nasa public place sila.”

“Anyway, alis na ako. Ayan na ang halimaw mong boyfriend. Ayokong masira mukha ko dahil magkasama na naman tayo.”

“Nuka ba, tanggap niya na no.” Sabi ko habang tinitignan si Jacob kasama ang kabanda niya na papunta sakin.

“Eh ayoko rin. Lagi masama tingin ni Leo sakin. May galit ba siya sa mga bakla? Kainis ah? Sige na, bye!” Bebeso sana siya sa pisngi ko pero pinigilan niya ang sarili niya.

“Oh, saan papunta si Karl?” Tanong ni Jacob.

“Wala, may gagawin.” Sabi ko.

Tumango si Jacob.

“Pare, siguro sa negosyo na talaga ako ni daddy mag fi-field study.” Sabi ni Leo bigla kay Jacob. “Buti talaga na disband tayo ngayon. Mabigat pala tong field study.”

Nagkibit-balikat si Jacob at tinignan ako.

“Field Study? Ikaw, Jacob, saan ka?” Tanong ko.

“Ewan ko. next month pa naman yun. Hahanap na lang ako ng kompanya dito.”

Naisip kong pwede naman sa negosyo nila siya mag fi-field study. Tulad ng gagawin ni Leo.

“Sa negosyo niyo na lang kaya?” Sabi ko.

Napaawang ang bibig niya, “Sa Alegria?”

“Oo.” Sabi ko. “Tutal may negosyo kayo at ikaw ang tagapagmana nun, ba’t di na lang dun.”

“Yoko…” Simpleng sinabi niya.

Tinignan ko si Leo na nakikipag usap na kina Ron, Louie at Teddy.

“Ba’t naman?”

“Rosie, 9 hours ang byahe sa Alegria. Paano ako pupunta dun araw-araw at uuwi sayo gabi-gabi?”

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Talagang ako parin ang iniisip niya kahit tungkol na sa pag aaral niya ang pinag uusapan.

“So gusto mo sa ibang kompanya na lang? Tulad ng Jimenez Lines? Brewery? Nestle? Ganyan ba?”

Tumango siya.

“Sayang naman, Jacob. Sayang yung kompanya niyo kung di ka doon mag fi-field study.” Natulala ako.

“Wa’g muna nating isipin yan, next month pa naman.” Aniya sabay akbay sakin.

Pero hindi ko maiwasang di mag isip. Paano ba naman kasi, ako yung nakakaapekto sa desisyon niya. I know for sure, gusto niya doon sa kompanya nila, pero dahil malalayo siya sakin, aayaw siya.

“Paano kung uuwi ka ng Alegria sa Monday tapos babalik ka ng Manila sa Friday? Pwede naman siguro yun.” Sabi ko.

Kinurot niya ang pisngi ko, “Mas nag iisip ka pa niyang sakin eh.”

“O pwede namang, ako yung pupunta ng Alegria.” Sabi ko.

“Hmmmm?”

“Hmmm?”

Nagkatinginan kaming dalawa.

“Limang araw tayong di magkikita. Di ko yata kaya yan, Rosie. Magpapaalipin na lang ako sa ibang kompanya.” Tumawa siya.

Kinurot ko ang abs niya.

Kinagat ko ang labi ko nang naramdaman ko ang matigas niyang abs. Natigil din siya sa pagtawa at tinitigan ako.

“O, wa’g mo akong tignan ng ganyan. Baka mahubaran kita dito ng wala sa oras. Sige ka!” Tumawa ulit si Jacob.

Uminit ang pisngi ko kaya sinapak ko na.

“Totoo! Kaya umalis na tayo. Sleep over ako sa inyo ngayon, pwede?”

Ngumuso ako. Pinipigilan ko ang pag ngisi ko. Kabanas talaga itong si Jacob. Nasasaktan tuloy ako tuwing naiisip kong limang araw kaming magkakahiwalay kung sa Alegria nga siya mag fi-field study.

“Heh! Ikaw talaga! Tumigil ka nga.”

Patuloy siya sa pagtawa.

“Bumisita din tayo ng Alegria.” Sabi ko.

“Huh? Bakit?” Tanong niya.

Noon, ayaw ko talaga sa mga bukid ng Alegria. Over all, ayoko sa mga bukid. Yun ang larawan ng kahirapan para sakin. Pero ngayon, napamahal na ako sa Alegria. Lahat ng probinsya, mahal ko na. Lagi ko kasing naaalala ang lahat ng nangyari samin ni Jacob. Yung first meeting namin. Yung pagbubuhat niya noon ng kahoy, yung pagiging judgemental ko sa mga taga bukid, yung pangangarap ko ng mayaman na boyfriend, yung panlalait ko sa kanya, at yung pag ibig niya, syempre, sakin. Tumatak lahat sakin. Kung gusto niyang markahan ako ng mabuti, nagtagumpay siya. Dahil kahit saan ako lilingon, siya lang ang naaalala ko. Kaya natatakot akong may mangyaring masama o magkahiwalay kaming dalawa.

Pero sa lagay ni Jacob ngayon, malabong malabo yun. Hulog na hulog siya sakin. Hindi na siya masasagip pa. Patay na patay siya sakin, naagnas na nga sa sobrang patay. Kaya mahal na mahal ko.

“Miss ko lang dun. Yung tayong dalawa lang.” Sabi ko. “Tsaka, bilhan din natin ng damit tsaka gatas yung anak ni April. Kawawa naman.”

“Hmmm… O sige, ikaw bahala. Sa kubo ulit?” Nag evil smile siya.

“Ay nako! Tumigil ka na ah! Grabe ka talaga!”

Tumawa siya. Napailing na lang ako.

“Sige na!”

“Anong kubo?” Biglang tanong ni Leo.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Yung kubo sa farm namin-” Tinakpan ko ang bunganga ni Jacob.

“Huh? Tapos?” Tumaas ang kilay ni Leo.

Kinurot ko ulit ang dibdib ni Jacob.

“Araaaaaay!” Napasigaw siya.

“Tumigil ka na ah!” Sabi ko.

“Anong meron sa kubo ng farm niyo?”

“Wala nga, Leo! Tsismoso ka masyado! Alis na tayo, Jacob!” Sabi ko.

Tumawa lang si Jacob at sinunod ang sinabi ko.

“Kainis ka!”

“Bakit? Anong problema sa kubo! Wala naman akong planong sabihin kung anong nangyari dun! Ano sila, bale? Sinabi ko lang kung saang kubo. Baka pagpantasyahan ka pa nila pagsinabi ko lahat.”

Umirap ako.

Inakbayan niya ako. Nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya.

“Bawal ka na. Bawal na bawal. Dahil akin ka.” Bulong niya.

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya.

“Ubos na condom, Rosie. Paano ba yan? Mabubuntis ka na talaga yata. Kaya magpapakasal na tayo.” Aniya.

“Tseh! Tumigil ka ah! Di mo ako mapipikot! Konting tiis na nga lang. 2 years na lang makakagraduate na ako. Mag pi-pills ako para di mo ako mapikot!”

“Ang tagal-tagal talaga eh. Di ko na kaya.”

Suminghap ako.

Para kasing nadadala niya na talaga ako. Parang gusto ko na ring magpakasal sa kanya. Parang gusto ko na lang mag settle down at mamuhay ng masaya kasama siya. Pero alam ko ang tuwid na daan. Nagpadala na ako sa mga gusto ko noon, ngayon, ang kailangan ko na naman ang aatupagin ko.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: