Baka Sakali – Kabanata 6

Kabanata 6

Simpleng Sinabi

Maaga akong nagising nang nag Sabado. Kakagising ko pa lang, binati na agad ako ng kaba. Iniisip ko palang ang venue na mukhang mauupuan ng halos isang libong tao, nanginginig na ako. Hindi ito unang beses na humarap ako sa mga tao. Noong highschool ako sa Alegria, sumali na ako ng Miss Intrams.

“Jacob…” Sabi ko.

Nag pu-push up siya sa balcony ng bahay nila. Maaga siyang gumising para mag jogging. Naabutan ko na lang siyang nag pu-push up na ngayon. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang half naked na nagpupush up pero na didistract parin ako.

Ang akala ko noon ay nahubog ang katawan niya sa Alegria dahil sa pagbubuhat ng kahoy at iba pang gawaing bukid, pero sinabi niya rin saking nag eexercise na rin siya noon pa. At mas dumoble pa yata ngayon dahil wala na kami sa Alegria.

Kinagat ko na lang ang labi ko habang tinitignang nag fi-flex ang muscles niya sa kakapush-up. Tumutulo na rin ang pawis niya. Ewan ko ba kung bakit noon ko pa talaga kinakahumalingan yang pawis niyang katawan.

“Baka ma-late ako.” Sabay tingin sa relo ko.

“Last…” Aniya habang nag pu-push up parin.

Nagpasya akong picturan siya sa cellphone ko. Ang gwapo talaga ng kurimaw na ito. Sheeeet. Hindi na ako magpapakitang pinagnanasaan ko siya ngayon at baka ma-late na talaga ako.

Nakita ko ang cellphone niya sa tabi ko kaya tinignan ko ito. Patuloy siya sa pag pu-push up. Nakita ko na maliban sakin ay katext niya rin kanina si Leo.

Leo: Maymake up class tayo. Napaaga yung FS kasi mag aabroad yung prof for 2 months.

Jacob: Di ako pwede. May ramp si Rosie.

Leo: Ha? Paano yan?

Jacob: Absent.

Leo: Ikaw bahala.

“Jacobbb?” Tumaas ang boses ko.

Parang kumirot ang puso ko sa nabasa ko. Napalingon siya at natigilan sa ginamit kong tono.

“B-Bakit?” Hiningal siya at napaupo sa pinupush-upan niya.

Hindi ko mapigilang tignan ang buong-buo niyang sparkling abs. Hinihingal parin siya habang tinitignan ako.

“Jacob, a-ano ‘to?” Tinignan ko na lang ang cellphone niya para ma distract ako.

“A-Ano?” Lumapit siya sakin.

Puno ng pawis ang katawan niya. Yung parang nilagyan ng oil sa sobrang kintab. Tumutulo pa ang pawis sa ulo niya at bahagyang basa ang buhok niya. Sheeet! Napanga-nga talaga ako sa kakisigan niya. Hindi niya naman namamalayan yun dahil tinignan niya rin ang cellphone niya.

“Wala ‘to.” Aniya.

“Anong wala ‘to? May pasok ka pala today! Sa FS niyo pa! Sige na! Pumasok ka na!” Sabi ko.

“No, Rosie. Sasama ako sa’yo.” Simpleng sabi niya.

“No, Jacob, papasok ka.” Sabi ko.

Napaawang ang bibig niya, “P-Papasok san?”

Nalaglag ang panga ko sa cofusion pero agad din namang napawi. Napangisi na lang ako at napailing dahil seryoso ang mukha niya.

“PAPASOK SA SCHOOL!” Sabi ko.

“Ha? Hindi! Ayoko!” Tinalikuran niya ako. “Maliligo lang ako.”

“Jacob! May pasok ka nga sabi! Okay lang ako sa modeling. Pagkatapos nito, baka pupunta kami saglit ng Imperial Bay, doon mo na lang ako i-meet tapos sabay tayong uuwi. Hindi ako mag o-overnight.”

“Hindi ako papasok.” Ulit niya.

“Jacoooob! Make up class niyo! Siguro dahil walang pasok sa Monday kaya nagkaroon ng ganito. Sige na!” Sabi ko.

Umiling siya.

“Tigas ng ulo.” Umirap ako. “Kaya nga di tayo nagpapakasal para maatupag natin ng mabuti yung pag-aaral natin. Inuuna mo pa ako.”

“Kung ikaw tingin mo di tayo kasal, ako tingin ko noon pa tayo kasal kaya talagang uunahin kita.” Seryoso niyang sinabi.

Napa face-palm na lang ako sa sinabi niya. Padabog niyang kinuha ang tuwalya at makisig na humakbang papuntang banyo.

Habang nasa banyo siya, tinext ko si Leo…

Ako: Importante ba yung class niyo?

Buti nag reply agad si Leo. Siguro may katext ‘to kaya nakaabang sa cellphone niya.

Leo: Oo. Dito malalaman kung saang kompanya ang aapplyan namin for FS.

Umiling ako. Mukhang mapipilitan akong papuntahin nga si Jacob sa klase niya. Hinintay kong matapos siyang maligo. Lumabas naman siya nang naka tuwalya lang. Diretso na naman ang titig ko sa sparkling abs niya. Kung kanina ay binabalot yun ng sparkling sweat, ngayon naman sparkling water na.

Napalunok ako at tinignan ang mukha niyang nakangisi na sa ngayon.

“Nang-aakit ka yata eh.” Ngumisi pa siya lalo.

Suminghap ako at umiling, “Jacob, ihatid mo na lang ako sa venue. Tapos pumasok sa sa klase mo.”

Napawi ang ngisi niya kaya nilapitan ko na lang. Tinalikuran niya ako para pumili ng damit na sosootin.

Yinakap ko siya galing sa likuran. Naramdaman ko ang bahagyang pagtalon sa ginawa ko.

“A-Anong ginagawa mo, Rosie?”

“Shhh… Jacob, please naman.” Hinalikan ko ang tainga niya. “Please, sundin mo naman yung gusto ko.”

“A-Anong?” Bumuntong-hininga siya. “Gusto mo akong pumasok?” Tinignan niya ako. “Ayaw mo akong kasama sa fashion show?”

“Hindi, Jacob. Gusto kong pumasok ka sa school pero di ibig sabihin nun na ayaw kong makasama ka. Syempre, gusto kong kasama ka, palagi… pero ayaw kong kinakaligtaan mo ang pag aaral mo para dito. Pwede mo naman akong ihatid ngayon tapos magkikita na lang tayo mamaya.”

“Ayo-“

Hinuli ko ang labi niya at hinalikan siya agad bago pa madugtungan ang sinabi niya.

“Please?” Nakaawang pa ang labi niya.

Sumimangot siya pagkatapos ng halik. “O… sige…” Mahina niyang sinabi.

YES! Hay! Salamat! Buti madali lang siyang bumigay. Yung susunod na kumbinsi ko naman sa kanya ay ang pag e-FS sa negosyo nila. Saka ko na iisipin yun.

Badtrip siyang nag drive papunta sa venue ng fashion show.

“Hindi ba talaga pwede?” Tanong niya nung pinark ang sasakyan.

“Jacob, importante yun. Yun ang unahin mo.”

Tumango siya at hinalikan ako.

“I love you, Rosie.” Aniya pagkatapos.

“I love you, too.”

“I love you, more.”

Napangiti ako.

Suminghap siya, “Goodluck sa modeling. Haaaay… Bakit pa kasi…” Umiling siya at suminghap ulit.

Bakas na bakas sa mukha niya ang pag aalinlangan at pagsisisi.

“Sige na, Jacob. Kita na lang tayo sa Imperial.” Hinalikan ko siya sa pisngi at agad binuksan ang pintuan.

Baka kasi magbago pa ang isip niya.

Kinawayan ko siya saka ako pumasok sa building. Binisita ulit ako ng kaba dahil sa mangyayari.

“ROSIE!!” Malaki ang ngiti ni Kira nang nakita ako.

Nandoon na halos lahat ng models. Nang sinigaw ni Kira ang pangalan ko, sabay-sabay silang lumingon sakin. Nag abang din sila sa kasama ko… SORRY KAYO, wala siya ngayon. Okay din palang wala siya eh para di na siya pagpyestahan ng mga lukaret na ito.

Sabay-sabay silang umiling at nadisappoint nang makita akong di kasama si Jacob.

“Ikaw lang?” Lumingon-lingon si Kira sa paligid para hanapin din si Jacob. Nang narealize niyang wala, “Anyway, sige na, umupo ka na dun kay Kelly, yung make up artist mo.”

Nakita kong ngumisi ang isang maganda at matangkad na babae. Umupo na ako agad sa nakalaang upuan para sakin. Nagsimula siya agad sa pagmi-make up. Halos buong oras akong nakapikit dahil sa mga nilalagay niya sa mga mata ko.

Narinig kong may sumipol. Aura niya palang, kilala ko na.

“Mag isa ka daw. Nasan si boyfie?” Tumawa siya.

Dumilat ako. Natapos din naman si Kelly sa mga mata ko kaya ngayon ay sa buhok na siya nag mi-make up. Nakita kong nakahalukipkip si Brandon habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

“Busy.” Sabi ko.

“Busy? Sa big day mo, busy siya?”

Umirap ako. Wa’g kang magmarunong dahil wala kang alam!

“Ibang klaseng boyfriend din yan, ah?”

Hindi ako nagsalita. Kahit marami akong gustong sabihin sa kanya, nilunok ko na lang lahat para di na magkagulo.

Ineksamin niyang mabuti ang mukha ko.

“Ang ganda mo talaga.” Umiling siya.

Napatunganga ako sa mukha niya, UNBELIEVABLE!

Narinig kong humalakhak si Kelly.

“Brandon, may boyfriend na siya.” Sabi ni Kelly.

“Like I care?” Tumaas ang kilay ni Brandon.

Napalunok ako at napailing.

“Tsaka… Di pa naman sila kasal. At kung kasal man sila, di naman ibig sabihing di na siya maiinlove sa iba… sakin.”

UGH! Goodness!

“Committed ako. Hindi ako basta-bastang naiinlove at marami na kaming napagdaanan ni Jacob.”

“Pansin ko nga. Kaya ba sobrang nakakasakal na siya kung magmahal sayo? Parang gusto ka niyang angkinin na parang bagay ah? ‘Property of Jacob Buenaventura’? Ano ka? Bagay na pag aari niya?” Umirap siya.

Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwalang iniisip niya pati iyon. Hindi ako makapaniwalang nakapag jump into conclusions siya gamit iyon. Wala naman sakin kung angkinin ako ni Jacob na pag aari niya. Okay lang sakin dahil yun ang totoo. Puso at kaluluwa ko ang hawak niya kaya wala akong pakealam. Voluntary ang pag suko ko sa puso at kaluluwa ko sa kanya, hindi niya ako pinilit. Pinapalabas ni Brandon na mali ang ginagawa ko.

“That’s how I like it. Mind your own business.” Simpleng sinabi ko.

Nakita kong unti-unti siyang ngumisi.

“My kind of girl.” Sagot niya sakin.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: