Baka Sakali 1 – Kabanata 6

Kabanata 6.

Unang Araw

Napawi din ang mga pag-iisip kong landiin siya nang kinaumagahan habang nagtricycle ako papunta school ay nadaanan ko siya sa kalsadang nagbubuhat ulit ng mga kahoy kasama ang mga magsasaka. WTF?! Stupid, Rosie! Paano mo nagawang magustuhan ang isang yan? Totoong gwapo siya pero ba’t kailangan may ‘scenes’ pang nagbubuhat siya ng mga kahoy?

Kung may kaya sila, dapat hindi niya yan ginagawa hindi ba? Siguro iba ang definition ng ‘may kaya’ dito.

Umiling ako pagkapasok ko sa Alegria National HS. As usual, bumungad sakin ang clouds na nakikita kong tinatabunan ang tuktok ng mga bundok na nakapaligid. Hindi ako naka-uniform samantalang halos lahat ng mga tao doon ay nakauniform na.

Out of boredom siguro kaya ko naisip na okay si Jacob. EW!

6-Dandelion ang section ko. Napag alaman ko ring puro bulaklak ang mga section dito.

“Nasan na ba yung si Jacob?” Sabi nung pamilyar na lalaki pagkapasok ko sa classroom namin.

Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante at hindi ako yung tipong ngingiti at magpapakilala. Umupo lang ako dun at naghintay ng teacher. Si Jacob ba ka niyo? Ayun at nagsasaka na naman sa bukid!

“Maaga pa kaya.” Sabi nung maganda at maarteng babae na hula ko ay girlfriend ni Jacob.

Nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Nakita ko namang tumaas ang kilay nung maganda at mukhang may nilapitan siya sa likuran.

THUG

Napalingon ako sa mga gamit na bumaha sa sahig. Notebooks, lapis, ballpen, pencilcase na nasira, papel at iba pa. Pinulot nung babaeng malalaki ang salamin at nakafishtail braids na kasama din nina Jacob nung nakita ko sila dito. Akala ko ba friends sila.

Pinagmasdan ko ang ibang babae na kaklase ko at puro sila nagbubulung-bulungan at walang tumutulong sa kanya.

“Ooopps! Sorry. Di ko sinasadya. Nandyan ka pala.” Sabi nung maganda sa nakasalamin.

Tahimik lang yung nakasalamin habang pinupulot ang mga notebook niya.

“Buti nga sayo.” Pabulong na sabi nung maganda at inapakan niya ang iilang notebook sa sahig. “Yan ang nakukuha mo!” Sabi niya at nagmartsa patungo sa upuan niya.

May bullying din pala dito, ano? Mas worst pa yata kasi akala ko talaga ay matatalik silang magkaibigan.

Nang nakuha na ni fishtail braids ang mga notebook niya, umupo siya malapit kay miss maganda at agad siyang tinulak nito.

“Wa’g ka nga dito! Baho mo! Dun ka na sa likuran! Diyan si Jacob!” Sabay turo sa uupuan sana ni fishtail.

Tahimik lang siya at mahinahong umalis at umupo sa likuran ko.

“Eunice!” Sigaw ng pamilyar na boses galing sa likuran.

Napalingon ako at nakitang tinutulungan ni Jacob si girl firshtail braids. Inayos niya ang mga aklat na nakakalat at tinulungang niya itong makatayo. Nang tumingin na siya sa mga mata ni Eunice (yung maganda na umaway kay girl fishtail braid), seryoso na at galit.

“J-Jacob, siya naman yung nauna.” Sabi ni Eunice.

Yung mga tao dito sa classroom walang imikan at nakatingin lang sa pangyayari. Ang sarap lang sumingit pero ayoko lang makaagaw ng atensyon ngayong bago pa ako.

Umiling si Jacob at tumunog na ang bell! Magsisimula na ang klase. Nagsiupuan silang lahat sa kani-kanilang mga upuan. Ako lang yata ang walang katabi. Si Jacob at girl fishtail ay nasa likuran ko at magkatabi na.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran at nakita ulit ang galit na ekspresyon ni Jacob. Dahan-dahan ko ulit binalik ang paningin ko sa harapan kung saan nandun na ang teacher. Si Mrs Gonzalo ang aming adviser. Mataba siya at may malaking eye-glass sa mga mata. Kulot at maiksi ang buhok… tinawag niya ako.

“May bago kayong kaklase!” Aniya pagkatapos niyang sinabi na ang buong section nila noong 5th year ang napunta sa 6th Dandelion. “Roseen Aranjuez?” Tumingin siya galing sa papel na hinahawakan at sa aming mga estudyante niya.

Tinaas ko ang kamay ko.

“Lika dito, Roseen.”

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

“Ro-shan po, di Roseen.” Sabi ko at humalakhak ng kaonti ang ibang kaklase ko.

“I’m sorry. Roshan pala.” Aniya. “Roseanne Aranjuez. Sana kaibiganin niyo siya dahil alam kong matatalik na magkaibigan na kayong lahat dito at bago pa siya.”

“YES MRS GONZALO!” Sabay sigaw ng mga kaklase ko.

“Ngayon… dahil magkakakilala na kayo, di ko kayo hahayaang umupo sa mga gusto niyong upuan.”

Nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko sa protesta. Nasa harap pa ako at hiyang-hiya dahil di niya pa ako pinapabalik.

“Everybody stand up! Let’s do this through alphabetical order okay?” aniya.

Ang iba ay nasiyahan, ang iba naman mas lalong nagprotesta. Si Eunice nagpoprotesta at yung iba pang mga lalaki.

“And pairing… So boys mauuna tapos girls since dalawang upuan naman yung magkakatabi.”

Tinawag si Valdez (si girl fishtail) at si Leo Yu (yung kausap ni Jacob nung nalaman kong kilala niya ako), sa harapan sila pinaupo. Ilang sandali na lang ay halos maubos na ang nakatayong estudyante at komportable ng nakaupo sa mga upuan nila.

Hanggang sa… kaming dalawa na lang ni Jacob ang natira! Ano ang apelyido niya at bakit kaming dalawa na lang ang natititira? Patay! Kaming dalawa ang magtatabi nito!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: