Baka Sakali – Kabanata 5

Kabanata 5.

May Kaya

Kinwento ko kay Maggie ang nangyari at narealize na sana hindi ko na lang sinabi.

“Oh my god! Alam mo kung ano ang ibig sabihin niyan, sis? May hidden desire siya sayo!” Sabay tawa niya. “Alam ko na yan! Ganun din si James sakin noon!” Sabi niya.

Umiling na lang ako sa kanya.

“Kelan ba ang punta dito ni James?” Tanong ko.

“Hay nako! Sa unang Sabado na siguro ng June. Inis pa ako kay mama dahil sa mga sinabi niya tungkol sa mahihirap. Grabe naman talaga. Baka akala niya si James ang boypren ko kasi gusto ko din ng mayaman. Haay! Kaya nagpapalamig na muna ako. Atat si James pero naintindihan niya naman nung sinabi ko na inaatake si mama ng pagiging mapanghusga.”

Well, mabuti nga si Maggie at may inaasahan siyang boyfriend na mayaman at in love na inlove sa kanya. Ako, imbis gusto ko ng mayayaman, ako tong di napagpapala. Ganyan talaga ang buhay!

Nagdaan ang isang boring na linggo sa pag-iisip ko na sana ay may makilala akong mayaman sa school o sana mayaman yun si Jacob (na alam ko namang hindi dahil sa trabaho niya). Let’s admit it, shall we? Talagang gwapo si Jacob at kung sana ay normal lang ang buhay niya (kahit di na mayaman, basta di siya nagsasaka), ay magugustuhan ko na siya. Pero oh well, suplado at masungit siya kaya turn off na rin.

Pinakain ko ang mga manok (na siyang gawain ko dito sa bukid). Pagkatapos nun ay nagpaload sa kapit bahay. Pwede ring magpaload dito ng internet kaso di ko na pinatulan dahil dalawang bars lang yung signal sa bukid ng Alegria at minsan iisa lang.

“Saan ka ba galing Rosie?” Sigaw ni mama galing sa kusina. “Magbihis ka na at punta tayo ng pamilihan. Bibili tayo ng notebook mo para sa school at iba pang gamit.”

WHATTTT? And true enough, ilang saglit lang ay nandoon na kami sa isang mukhang china town sa Alegria. May pamilihan ng mga prutas, gulay, karne at isda doon. Mayroon ding mga damit at kung anu-ano pa. Hindi ko maatim tignan ang mga notebook na puro artista ang cover.

“Wala bang National Bookstore?” Sabi ko at siniko ako ng nakikiusyuso at sumamang si Maggie.

“Eto na lang oh.” Sabi niya nang pinakita sakin ang mga notebook na kulay brown na parang recycled paper.

Tama siya at mas mabuti ngang iyon na lang kesa sa dun sa mga mukhang artista.

Habang namimili kami, naaninaw ko ang pagmumukhang pamilyar sakin. Siniko ko ulit si Maggie nang nakita ko si Jacob, the sparkling abs na may saplot ngayon at naglalakad sa china town. Namimili din siguro.

“Yan yung sinasabi ko sayo, Magg.” Bulong ko.

“Whoa! Kay gwapong bata nga! At tama ka diyan sis, mukha nga siyang suplado pero di naman siguro. Ang arte mo kasi kaya siguro nagalit sayo.”

Pinagmasdan ko siyang mabuti at nakitang marami siyang kilala sa mga nagbebenta ng karne, prutas at gulay. Pa kaway-kaway siya at binabati ng lahat ng naroon.

“Auntie Precy…” Sabi ko nang napunta kami sa bakery at busy si Mama at Maggie sa pamimili ng tinapay na bibilhin. “Sino po yun?” Sabay turo ko sa kay Jacob.

“Bakit? Gwapo noooo?” Tukso ni Auntie Precy. “Aha!!! Crush mo!”

“Di po! Kasi naman… nakita ko siya sa school.” Defensive ano? “At 6th year din yata siya. Nakita ko rin siya sa Kampo Juan, nagsasaka.” Sabi ko.

“Nagsasaka? Di yan magsasaka no!” Sabi ni Auntie Precy.

AHA! Hindi naman pala! NORMAL LIFE PLEASE?

“Marami lang siyang kilala sa mga magsasaka kaya tinutulungan niya ang mga ito.” Sabi ni Auntie Precy. “Mabait na bata. At may kaya ang pamilya niya.” Sa tono ng boses ni Auntie Precy, para niyang tinutuldukan at pinigilan ako sa pagtatanong pa ng kahit ano.

Pinagmasdan ko na lang si Jacob na ngiting-ngiti na naglalakad doon.

So! Confirmed! Hindi siya magsasaka! Okay lang kung di mayaman diba? ‘May kaya’… okay na yang description na yan! Teka nga lang… ba’t ko ba iniisip ‘tong bagay na ‘to? Eh suplado kaya iyon. Pero tanggap ko namang naging mataray din ako at mapanghusga sa simula eh. At kilala niya ako… baka crush niya ako?

Hindi ko alam saan nagbunga ang lahat ng mga iniisip ko sa linggong iyon… Siguro sa boredom. Pero dahil sa iniisip kong iyon, na motivate ako sa pag-aaral sa Alegria National High School. Lumipas ang isa pang linggo at nagising ako sa umagang magdadala sakin sa loob ng classroom namin… I’ve never been this excited to go to school. Kahit na nandito ako sa the-hills-are-alive!

FIRST DAY, IT IS!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: