Baka Sakali 1 – Kabanata 45

Kabanata 45

Walang Kwenta

Nagwalk-out si Jacob. Disappointed pareho si Belle at Grace sa inasal niya. Sinundan ni Grace si Jacob sa sofa pero nanatili si Belle sa dancefloor para sumayaw sa kahit sinong lalaking makita.

“Callix, upo muna ako. Sumakit ang paa ko eh.” Sabi ko.

Sinundan ako ni Callix sa sofa. Uminom ako ng isang shot ng margarita at iniwasan ang titig ni Jacob sakin.

Tumawa ako habang nakikitang nagsasayaw na si Karl at Belle.

“GO KARL!” Go Belle dapat diba pero mejo galit ako sa kanya ngayon dahil nilalandi niya ang mortal enemy ko.

Sumimangot si Karl at nandiri sa grind ni Belle. Tumawa ulit ako. Nang tinignan ko si Callix, hindi ko maiwasang sumulyap kay Jacob. Nakita kong kinakausap siya ni Grace pero nakatitig siya sakin. Uminit ang pisngi ko at nagkunwari akong makikipag-usap kay Callix.

“Saya no?” Sabi ko.

“Oo!” Sabi ni Callix, halos di ko na marinig sa ingay. “Sayaw ulit tayo?” Tanong niya.

Umiling ako. What’s the point, really? “Maya na. Sakit pa ng paa ko. Gusto mo sumayaw ka na lang muna. Nandun naman sina Josh at Edward.”

Umiling siya at uminom ng beer.

Sumulyap ulit ako kay Jacob na nakatingin parin sakin. AS IN, JACOB? Nakatitig ka sakin at di ka man lang marunong mahiya na tinititigan mo na ako. Inirapan ko na.

“Excuse me.” Sabi ko kay Callix. “CR lang.”

Tumayo ako at dumiretso sa CR. Pagkarating ko sa CR, may dalawang babae doong nag re-retouch ng make up at bumubungisngis.

“My gosh! Ang hot niya talaga, super!” Sabi nung isa habang nasa loob ako ng isang cubicle.

“Oo! Laglag panty agad ako tuwing naiisip ko na naman yung abs niya.”

ABS? MAY NAGSABI BANG ABS?

“Gwapo niya talaga! I heard mayaman sila!”

“Talaga?”

“Oo! Yung J.A foods? Kanila yun?”

“J.A foods?” Tanong nung isa. “Talaga!”

“BILIS NA! Baka masayaw natin siya!” Umalis sila agad kaya ako na lang mag isa dito sa CR.

Lumabas ako sa cubicle at tinignan ang sarili ko. Sabi na nga ba… pag pupunta si Jacob dito sa Maynila mas marami pa sa populasyon ng Alegria ang magkakagusto sa kanya. Gwapo si Callix at noong di ko pa nakikita si Jacob, hindi ko alam kung may hihigit pa ba sa kagwapuhan niya. At ngayong kilala ko na si Jacob, narealize kong ‘usual gwapo’ si Callix, itong si Jacob naman? HAHAHA Hindi na makatotohanan ang kagwapuhan niya.

Unti-unting bumukas ang pintuan ng CR. Aalis na sana ako nang nakita ko kung sinong pumasok. Holy Sh1t! Si Jacob!

“A-Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko habang nagpapanic.

Naglakad siya ng mabilis at diretso sakin. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Kita sa mukha niya ang galit at inis habang tinitignan ako.

“Kanino mo pineke ang virginity mo, sakin o kay Callix?”

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Ang kamay kong galing tagiliran ay lumipad na sa pisngi niya. Limang segundo siguro ang nakalipas bago niya ibinaling ulit ang tingin niya sakin. Pulang pula ang kanang pisngi niya dahil sa sampal ko. Nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.

“WALANG HIYA KA, JACOB!” Sigaw ko.

Wala akong pakealam kung sinong makarinig sakin sa labas o kung may pumasok man dito sa loob ng CR!

“Bitiwan mo ako!” Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. “Bitiwan mo sabi ako!”

Sinampal ko ulit siya. Mas lalong pumula ang pisngi niya.

“Yan ba ang dahilan kung bakit mo ako pinagtabuyan sa gabing iyon? Ha?” Sigaw ko sa kanya.

“Sinabi sakin ni Callix na lahat ng naging girlfriend niya ay natikman niya na! At narinig ko sa video na ex mo siya-“

Sinampal ko ulit siya, “Babaw mo! Punyeta!” Sorry, di ko mapigilan ang pagmumura sa harap niya.

At sinabi yun ni Callix? Ang kapal din naman ng mukha ng isang yun! Ni hindi niya pa ako nahahawakan ng walang layer! Bullsh1t! Nababanas ako sa lahat! Naiinis ako sa lahat! Bakit ko ba siya pinagkatiwalaan gayung ganito pala ang kinikwento niya sa lahat ng tao? Sino ang pagkakatiwalaan ko? Si Callix o si Jacob? Sino ang nagsasabi ng totoo? Paano kung gawa-gawa lang ito ni Jacob para siraan si Callix? At paano kung totoo yung sinabi ni Jacob? Eight months akong naniwala na tinaboy niya ako dahil akala niya gold-digger ako pero ito pala ang dahilan? Mas mababaw pa?! WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINONG TAMA O SINONG MALI SA KANILA! Pareho kong sasaktan silang dalawa!

“AT SINABI NIYA SAKING ANG HULING EX NIYA ANG MINAHAL NIYA NG SOBRA! ANONG GAGAWIN KO? PINSAN KO SIYA AT NAGSINUNGALING KA SAKIN. Sabihin mo, Rosie! Sino ang pipiliin ko?”

Sinampal ko ulit siya.

“Sh1t, Rosie! Tigilan mo nga yan!” Sabi niya sabay hawak sa magkabilang braso ko.

Grabe. Kung may mas malala pa sa bulkang sumasabog, ganun na siguro ang description ng feeling ko ngayon.

“Ang babaw-babaw mo!” Gusto ko ring isigaw ito, ‘Iniwan mo ako para sa nonsense na yan? Mahal na mahal kita noon pero pinili mo yan?’ Sh1t! Hindi ko kaya. Mukha niya! Asa siya at di ko aamining mahal ko siya! Kahit noon!

“MAHAL NA MAHAL KITA, ROSIE! Pero hindi ko kaya ang pandarayang iyon! Pinaniwala mo ako!” Sigaw niya habang umiiyak.

Hindi ko rin sasabihin sa kanyang siya talaga ang una ko… na totoo yung sinabi ko sa kanya noon. What for, diba? WHAT FOR?

“Mahal? Mahal mo ako habang nakikipaglandian ka all this time sa mga babaeng yun!” I can’t hide the bitterness.

“OO! Dahil sinubukan kong magmahal ulit pero ikaw lang ang naaalala ko!”

Tumawa ako. Halos di ko na makilala ang sarili ko dahil sa tawang iyon. Parang witch na tumatawa pero talagang nadadala ako emosyon ko.

“TALAGA? Weh!? So nagpigil ka pa niyan? Nung tayo, di ka nga nakapagpigil eh! Imposibleng nasa kama na kayo, hinahawakan na yung sayo, nakapagpigil ka pa!?” Tumawa ulit ako.

Niyugyog niya ang braso ko.

“OO! Nakapagpigil ako dahil hindi ikaw yun!”

“REALLY? November, Jacob! November ka pa dito, diba? BAKIT NGAYON KA LANG NAGPAKITA? Dahil… dahil nakikipaglandian ka pa, diba?” Sigaw ko.

“AKALA MO MADALI YUN!? Kahit na niloko mo ako, Rosie, sinundan kita, hinanap kita. Nakikita kita tuwing pumupunta ka ng mall o naglalakad mag isa! Sinusundan kita! Pero di ako nagpapakita dahil galit ako sayo!”

“WOW!!! So? You are stalking me? Buti di mo naisipang i-rape ako gayung sa sobrang manyak mo mukhang nadala mo na yata sa motel lahat ng babae-“

“ROSIE!” Sigaw niya.

Nagpatuloy ako. “Well, wala akong pakealam dun. I’m cool with it! At dapat okay rin sayo kahit sinong idate ko!”

“Rosie, believe me.” Sabi ni Jacob sakin.

Nasisilaw ako sa mata niyang lumuluha at sa kinang ng hikaw niya kaya tumingin ako sa kawalan.

“Tingin mo dahil sa mga sinabi mo babalik ako sayo? Tingin mo maniniwala ako sayo? Tingin mo okay na ang lahat ng yun? JACOB, HINDI YUN OKAY!”

Sinaktan mo ako! You left a scar and it will never be the same again!

“Hindi mo man lang sinabi sakin aalis ka! Hinayaan kita noon dahil gusto kong magpalamig muna at di ko alam kung paano ka haharapin ulit pagkatapos ng ginawa ko.”

Nagsimula ulit ako sa pagtawa ko, ngayon may kaonting luha na sa mga mata ko, sh1t!

“DAHIL KAHIT GANUN, ROSIE! Pinipili parin kita!” Aniya. “Nagpalamig lang ako pero hinanap kita.”

“That’s too bad, Jacob. Huli na ang lahat.” Sabi ko. “KASALANAN MO ANG LAHAT!”

“Oo! Kasalanan ko! At alam mo kung anong dasal ko nang nalaman kong umalis ka na?!” Sigaw niya sakin.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sigaw niya. I’m sure mapapaos siya sa sigaw niyang iyon. Bokalista pa naman siya. Bakit ba ako concerned! Tangina niya! Sana mapaos siya hanggang mamatay!

“NA SANA NABUNTIS KITA! NA SANA MAGKAANAK TAYO NG WALA NG RASON PARA TAKBUHAN MO AKO! SANA NABUNTIS KITA AT NAGKAANAK TAYO!” Sigaw niyang mas lalo pang malakas.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Walang hiya ka!” Tinulak ko siya.

Sa sobrang lakas ng tulak ko, napahilig siya sa isang cubicle.

“NAPAKA WALANG HIYA MO! HINDING HINDI KITA BABALIKAN!” Sinabi ko yun dahil wala na akong masabi sa huling sinabi niya.

God, help me!

Binuksan ko ang pintuan para makalabas ng CR at bumulagta sakin ang apat na kabanda ni Jacob sa labas na nagbabantay sa taong pwedeng pumasok habang nag uusap kami sa loob. Ewan ko. Pinunasan ko ang sariling luha ko at nilagpasan sila.

“C-Callix…” Hindi ko masabi ang pangalan niya sa galit ko sa kanya.

Galit na galit ko. Pati siya gusto kong saktan. Bakit niya sinabi iyon kay Jacob? LAHAT NATIKMAN NIYA? ASA SIYA! Hinding-hindi niya ako matitikman! Wala sa kanila ni Jacob ang pipiliin ko. Pareho silang walang kwenta. At pareho ko silang sasaktan!

“Oh, Rosie? Okay ka lang ba?” Tanong ni Callix.

“Uh, sakit ng tiyan ko. Pwedeng pahatid?” Tanong ko.

“O s-sige!” Nagmadali siyang i-guide ako palabas ng bar.

Umalis na kami bago pa makabalik si Jacob sa table.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: