Baka Sakali 1 – Kabanata 44

Kabanata 44

Sayaw Tayo

Pagkatapos naming kumain (kahit di ako nakakain ng maayos dahil na coconscious ako sa tingin ni Jacob sakin), pumunta na kami ng bar. Ito ang pinakahihintay ko. Ayoko ng nandito si Jacob kasama namin. Gusto ko ng umalis at mawala siya sa paningin ko.

Nasusuka ako tuwing naiisip kong nag fo-foreplay sila ni Grace na nasa harapan ko din. Naiinis ako dahil nakatitig si Belle sa kanya the whole time! Naiinis ako dahil pinsan sila ni Callix. Ano kaya ang sinabi ni Jacob kay Callix? At anu-ano naman ang binanggit ni Callix kay Jacob? Pinag uusapan nila ako, diba? Ano ang pinag usapan nila tungkol sakin?

“Let’s go?” Yaya ko kay Callix.

Gusto kong mag isa lang kaming dalawa ni Callix. Gusto kong tanungin siya tungkol sa mga pinag usapan nila ni Jacob pero di ko magawa kasi ang dami namin.

Tumango si Callix at tumayo kami ng grupo para lumabas na.

“Dude, saan kayo after? Bar hop kami eh. Sama kayo?” Ngumisi si Callix kay Jacob.

Nagkatinginan si Jacob at Leo. Bago pa makapagsalita si Jacob…

“Sige ba!” Sabi ni Leo at tumayo na.

OH GOD! SASAMA PA TALAGA SILA? Tinignan ako ni Karl. Ngumisi siya at umirap naman ako.

“Callix, sasakay ako sa sasakyan mo.” Sabi ko.

Ngumiti si Callix at mukhang nabigla sa sinabi ko, “Sige bah!”

Nang lumabas kami, nakita kong umilaw at tumunog ang sasakyan sa gilid ng sasakyan ni Callix. Isang Ford Ranger na agad binuksan ni Jacob. Ganun parin ang ekspresyon niya, kahit naglalakad ay tulala.

Sumulyap siya samin ni Callix kaya sinadya kong dumikit at ngumiti kay Callix.

“Why are you so happy?” Tanong ni Callix na binalewala ko.

Di naman yun narinig ni Jacob kaya siguro iniisip niyang may pinag uusapan kami ni Callix na masaya.

Pero nang tinignan ko ulit si Jacob na nakatitig samin, nakita ko ang pag talon ni Grace sa leeg niya. Hinalikan pa ang mga labi niya. Nabigla si Jacob kaya itinulak siya ni Grace.

“Buti nga!” Sigaw ni Belle.

Lumingon si Grace sa kanya pero agad nang pumasok si Belle sa loob ng sasakyan ni Karl. Whatever! Bahala kayong dalawa sa away niyo, what disturbed me the most was the kiss! HINAHALIKAN NI GRACE SI JACOB SA PUBLIC! Tinanggihan pa ni Jacob huh? Para saan ba? Pustahan pa tayo naka ilang beses na sila sa motel! Imposibleng wala pang nangyari sa kanila! Sa landi ni Jacob? Sa landi ni Grace? In your facessss! Alam ko! Ako ang nauna! Mga punyet-!!! Asan na ba yung si April? nakikita niya ba itong ginagawa ni Jacob? Bakit di si Grace ang siraan niya? Bakit di niya ipakita ang video ni Grace na nakikipaglandian sa ibang lalaki nang makita ng lahat na di siya karapat-dapat para sa minamahal niyang si Jacob! Nasan siya pag kailangan mo siya?

“Anyare?” Bulong ni Karl sa likuran ko.

Inirapan ko ulit siya. Humalakhak siya bago pumasok sa sasakyan niya. Nang nakapasok na ako sa front seat ni Callix na realize kong ito ang right time para tanungin ko siya tungkol sa kanila ni Jacob. Nasa likuran namin si Edward at Josh. Nakita ko ring si Jacob, Grace at yung dalawang babae lang ang sumakay sa Ranger niya. Ang mga kabanda niya ay sumakay sa isang sasakyang si Leo ang nag di-drive.

Wh0re! What happened, Jacob? Naadik ka sa sex nung wala ako!? Sarap basagin ng side mirrors ni Callix habang iniisip ko yun lahat. Parang tinraydor ako!

“Callix.” I’m struggling to keep my voice calm.

Nag drive na si Callix at sinusundan ang sasakyan ni Karl.

“Hmmm?”

Maingay si Josh at Edward na nag uusap tungkol sa kaibigan ni isang kaibigan ni Grace.

“Anong pinag uusapan niyo ng pinsan mo pag nag uusap kayo tungkol sakin?”

Sumulyap si Callix sakin, “Uh. Hindi naman talaga marami. Napag usapan ka lang namin nung bumalik ka na sa Maynila last year.”

“Huh? bakit?” Kinabahan ako.

“Ewan ko. Hindi ko maalala.” Kumunot ang noo niya. “Sinabi ko sa kanya na nagbalik yung isang ex ko tapos tinanong niya kung sino, sinagot ko na si Rosie… Yun lang naman.”

Napabuntong-hininga ako. So… Kaya pala hindi alam ni Callix na magkakilala kami kasi di yun sinabi ni Jacob. Hindi kaya… Hindi kaya iniwan niya ako para kay Callix? No! That’s impossible! Ba’t niya ako iiwan para kay Callix ngayong alam naman nating lahat na iniwan din ako ni Callix noon dahil ayaw niya na sakin? Dahil sex lang yung gusto niya? Nanlaki ang mga mata ko nang narealize kong kahit kailan, di ko nga pala yun nabanggit kay Jacob!

NO! NO! Pilitin mo, Rosie! Naalala mo ba nung pinagtabuyan ka niya sa party? ‘Umalis ka na, Rosie!’ Yung sigaw niya? Na pinahiya ka niya… NOTHING… NO… NO REASON WILL EVER CHANGE MY MIND.

Nang nakarating na kami sa bar, nandyan parin si Grace na nakakapit sa braso ni Jacob. Asar! Mamatay na kayo!

“Callix! Mauna na tayo!” Sabi ko hinila si Callix sa unahan nang di na makita si Jacob.

Nandyan na naman ang nanlalaking mata ni Callix. Hindi ko hinahawakan ang kamay ni Callix noon pero ngayon, hinihila ko na siya! Wala akong pakealam kung anong isipin ng iba.

Papasok pa lang kami sa bar, kita mo na talaga ang daming kilala ni Callix. May mga grupo ng kinikilig na babae ang bumati sa kanya. Of course, campus crush si Callix hanggang dito sa bar ay dala niya ang titulong yun. Sanay na ako, noon pa… Pero eto ang pagbabago ngayon. Pagkatapos nilang tignan at mamangha sa gwapong mukha ni Callix, napasulyap sila sa likuran at di na agad bumalik ang mga tingin nila kay Callix. Slow motion na nalaglag ang panga nila. Nilagay ng mga babae ang kamay nila sa bibig nilang naka-O at tumili pa lalo.

“JACOOOOOB!”

Sh1t! Kilala siya hanggang dito? Sumimangot ako. Mas lalong dumami ang nakakapit sa braso ni Jacob.

“Uh… Mula nung last year, November yata, every Saturday, bumibisita si Jacob sa bahay namin. Minsan dinadala ko siya dito.” Sabi ni Callix nang nakangiti.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong batukan si Callix sa inis ko. BAD INFLUENCE! Shiz!!!

“Ano?” Nakita niya yata ang galit ko kaya inayos ko ang mukha ko.

“Wala naman… Let’s go!” Sabay hila ko ulit kay Callix sa loob.

Sumunod din sina Belle, Karl, Josh, Edward at Ava. Umorder si Callix ng beer at margarita. Nasa tabing sofa namin ang grupo ni Jacob kasama ang iba’t-ibang babae.

“Grabe! Parang mga prosti!” Sabi ni Belle at umiling.

“Bakit? Nagseselos ka?” Sigaw ni Karl sa kanya.

“Huh? Ba’t ako magseselos?” Tinitigan ni Belle si Jacob.

Napailing ako nang nakita siyang tumayo, ngumisi at naglakad papuntang sofa nina Jacob.

“Kadiri talaga yang si Belle!” Sabi ni Karl habang umiiling.

Sumayaw si Karl at Ava. Nakahanap naman ng kasayaw si Edward at Josh kaya kami na lang ni Callix ang natira.

Niyaya ni Belle si Jacob na sumayaw pero kanina niya pa ito tinatanggihan.

“Callix, sayaw tayo!” Sabi ko.

Napanganga na naman si Callix.

First time ko ulit siyang niyayang magsayaw. Noon kasi lagi kong pinapangalagaan ang relasyon namin as friends at ayaw kong madungisan ito kung mag iisip siyang pwede pa kami sa ‘more than friends’ pag niyaya ko siyang magsayaw.

Naglahad siya ng kamay at nakita ko ang mga titig ni Jacob na dumikit saming dalawa ni Callix hanggang sa dumating kami sa dance floor.

Hinila ni Belle at Grace si Jacob sa dancefloor. Tumawa si Jacob at bumigay na. Sh1t! Nakikita ko siyang isinasayaw ang dalawang babae ngayon. Oh my god! Ang lalandi talaga nitong dalawa. Nakita kong nag half-open ang bibig niya tapos tumingin sakin.

Gusto kong umiyak sa inis o tumawa hanggang mabaliw! I looked away. Hindi ako normally sumasayaw at nag ga-grind pero ginawa ko ito ngayon this time kay Callix. This is probably the dirtiest dance I have ever made.

“Rosie!” Sabi ni Callix habang sumasayaw na rin sakin pagkatapos natunganga sa ginawa ko.

Nang tinignan ko ulit si Jacob, nakita ko siyang tumigil sa pagsasayaw habang patuloy ang dalawa sa pag di-dirty dance.

This is how you want to play this game, huh, Jacob? Let the game begin! Wala akong pakealam! Gusto ko masaktan ka physically, emotionally, mentally. Sa kahit anong paraan, gusto kong masaktan ka Jacob Buenaventura!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: