Baka Sakali 1 – Kabanata 43

Kabanata 43

Iniwan sa Ere

“NAKAKAINIS YUNG GRACE NA YUN!” Sigaw ni Belle nang nagkita kami para sa night out.

“Bakit?” Tanong ni Ava.

Hinihintay namin yung mga boys. Si Callix, dala yung sasakyan niya kung saan nakasakay si Edward at Josh. Dala rin ni Karl yung sasakyan niya at doon kami sasakay.

Si Grace ay kilala sa pagiging slut-ish din tulad ni Belle. Oo, hindi lang manyak si Belle… Talagang slut-ish din siya. Minsan ay kinikwento niya samin ni Ava kung paano siya pina-climax ni Josh (yes, si Josh na kaibigan din namin) at paano siya nabitin kay etcetera. Well, ayaw ni Ava makinig dahil may pagka santa ang isang yun pero wala siyang nagagawa dahil bungangera itong si Belle.

“Aniya muntik na daw siyang nakipag sex dun sa isang gwapong vocalist ng isang banda at grabe siya kung makapagyabang sa galing daw nung lalaki kahit di pa humantong sa kama!” Sabi niya. “Kelan ko ba kasi makukuha si Karl? Alam ko… na fefeel kong magaling siyang ano-“

“Shhh!” Sabi ni Ava nang nakitang dumating si Karl.

Ayaw kasi ni Belle na malaman ni Karl ang makamundong pagnanasa niya kaya agad niyang iniba ang usapan.

“Maganda ba ang soot ko?” Sabi ni Belle.

Umiling na lang kami ni Ava at pumunta na sa isang grill na may tumutugtog na banda. Madilim sa loob at maganda ang ambiance.

“Mag didinner daw muna tayo diba bago mag bar?” Tanong ni Karl sakin habang pinaglalaruan ang keys niya nang lumabas na kami sa sasakyan.

“Yep.” Sagot ni Belle. “Mukhang maganda dito.”

Sa labas pa lang, dinig na dinig ko ang papatapos na kanta ng bandang tumutugtog. Naglakad na kami papasok at agad naming nakita ang nakangising si Callix. Kinawayan niya kami at itinuro niya ang mga upuang nireserve niya para samin.

“Maiksi parin ang damit mo, Rosie.” Pambungad ni Josh sakin.

“Hayaan mo na lang.” Sabi ni Callix.

Tumawa si Josh at nagkatinginan sila ni Callix. Sa lahat ng nasa friend circle namin, si Josh ang hindi ko pinagkakatiwalaan. Not that may tiwala ako kahit kanino… Wala akong tiwala kay Josh, sunod kay Belle, sunod kay Callix… Alam ko. Nafifeel ko yun kahit di nila pinapahalata na may hangganan ang pag ha-hang out namin. Kung sakaling may magtatraydor alam kong nasa kanila lang. At ang maituturing ko lang talagang kaibigan ay si Karl at si Ava.

“WOOOOH!” Sigaw ni Callix nang tumugtog ulit yung gitara.

Na conscious tuloy ako sa soot ko kaya panay ang tingin ko sa maiksing skirt. Tumili si Belle at Ava nang kumanta na ulit yung vocalist.

“Oh my god!” Sabi ni Belle. “Ba’t nandyan si Grace?”

Umiling ako. Ayan na naman yung ka competition ni Belle. Siguro ito yung bandang may vocalist na nakaforeplay or whatever nung si Grace… Natigilan ako at natulala nung narinig ko ang boses ng kumakanta.

“If I give up on you, I give up on me… If we fight whats true, will we ever be? Even God himself, and the faith I knew… Shouldn’t hold me back. Shouldn’t keep me from you. Tease me, by holding out your hand. Then leave me, or take me as I am.” Buong-buo ang boses ng kumanta nito.

Unti-unti akong napalingon sa banda. Tahimik ang mga tao habang kumakanta ang matangkad at naka all-black na bokalista sa harapan.

Napatayo ako nang nakita ko kung sino ito. Napatayo at nalaglag ang panga… Nakapikit lang siya habang kinakanta ito kaya siguro hindi niya ako napapansin pero nang tinignan ko yung drummer, yung nasa keyboard, at ang dalawang guitarist – nakatitig silang lahat sakin na parehong laglag din ang panga.

Tinignan ko ulit yung bokalista. Mas lalo siyang tumangkad. May nakita akong kumikinang sa kaliwang tenga niya at agad kong na recognize na earing yun. Nagpa-pierce siya. Mas lalong defined ang muscles niya at mejo pumuti siya kumpara sa mejo moreno niyang balat noon.

“Siya yung tinutukoy ni Grace na magaling mag ano?? OH EM GEE! I think I’m in love!” Sabi ni Belle.

And then it struck me. Masakit aminin pero masakit din tanggihan at balewalain ang pagkakadisappoint ko. May iba na siya. BAKIT AKO NADIDISAPPOINT? HINDI KO ALAM! MAGSAMA SILA KUNG SINO YUNG BAGO NIYA AT WALA AKONG PAKEALAM.

Tinignan ko si Grace na tiling-tili sa harapan katabi ang tatlo pang babae. Naisip ko yung pag fo-foreplay nila ng makinis, matangkad at kulot na si Grace na nasa harapan with her plunging neckluine.

“Excuse me… CR lang ako.” I may vomit.

“Uy, Rosie!” Pigil ni Callix sakin.

“Teka lang, Callix. Saglit lang.” Sabi ko nang di lumilingon.

“CR lang din ako.” Sabi ni Karl nang napansin ang nasusuka kong mukha.

“Sh1t, Karl! Anong gagawin ko?” Nagpanic ako bago makarating sa CR.

“B-Bakit?” Tanong niya.

“SI JA— yun!” Sabi ko.

Hindi ko na maitsura ang mukha ko nang sinabi ko yun kay Karl.

“Si Ja—? Ano? Ja? Jatooot? WHAT!? Siya yun! OMYGOD! Really?! Kaya pala ang daming babae dito, Rosie. Kasi dito siya tumutugtog?”

“Karl naman! Ang ibig kong sabihin ay ba’t siya nandito? Taga-bukid siya!! Ba’t siya nandito! Oh my gosh, Karl, iuwi mo na ako! Dali! Iuwi mo na ako.” Hinila ko ang kamay niya.

“Tapos ano? Anong sasabihin ko kay Callix? Magdududa na naman yun na may something tayo. Kadiri. Tsaka hayaan mo na! Mukhang ma da-divert na ang atensyon ni Belle sa kanya, sa wakas!”

Napasinghap na lang ako, “Please, Karl! Please! Tulungan mo ako.”

“No, Rosie. Suggestion lang ah? Siguro dapat mong harapin yung ex mo. Kung makaasta ka parang may feelings ka pa eh.” Umirap siya.

“WALA NA AKONG FEELINGS SA KANYA!” I snapped.

“Wala!? Talaga!?”

“WALA!” Sigaw ko.

“Prove it! Harapin mo!”

Hindi ako preparado sa mangyayari. Pumunta ako dito thinking that it was just another fun night tapos ito ang bubulagta sakin? Oh my God! Lord naman, nagsisimba naman ako. Alam kong makasalanan akong babae pero please lang naman kahit ito na lang pagbigyan mo ako.

“Lika na nga! Lika na!” Sabay hila niya sakin.

Agad niya naman binitawan yung kamay ko nang malapit na kami sa table.

“WOOOOH! Galiiiiing! Wooooh!” Sigaw ni Belle at Ava. “ANG GWAPOOO PAAA!”

Hindi ako tumingin sa stage. Umupo lang ako dun na nakatingin kay Karl.

“Thank you…” Nagkagoosebumps ako sa boses niya.

Pinagpawisan ako ng malamig. Sana umalis na lang sila kasama yung Grace at yung iba pang babae sa stage at di na nila ako makita kahit na imposible yun dahil kita na ako ni Teddy at Leo…

Nakita kong tumayo si Callix nang nakangiti at umambang mag ha-high five sa kung sino ang paparating.

Nakita kong nalaglag ang panga ni Karl nang tumingin kay Callix at pabalik sakin. Oh my god – yun ang nabasa ko sa bibig niya.

“Pinsan mo, Callix? pakilala mo kami oh!” Sabi ni Belle.

Lord, ang swerte naman. Parang nanalo lang sa lotto ano? Swerte swerte ko talaga na pwede na akong mamatay dahil sa ubod ng swerte.

“Jacob, ito nga pala ang mga kaibigan ko.” Sabi ni Callix habang tinuturo kami isa-isa. “Si Ava, Belle, Josh, Edward, Karl at si… Rosie. Uh… Rosie?”

Hindi ako nakaharap kay Jacob kaya lumingon lang ako at pinilit na ngumiti. Nakita kong napawi ang ngiti sa labi ni Jacob nang nagkatagpo ang aming mga mata.

“Ito yung sinasabi kong cousin na pinagkakaabalahan ko tuwing Sabado noong high school pa tayo. Oh, wala ka ng duda na may girlfriend ako ah? Kasi lalaki siya. Si Jacob.”

Tumunganga kaming dalawa at nagtinginan. Alam kong weird na dahil pati sina Callix at Belle ay nakatingin na rin sa weird naming reaksyon.

Sobrang kaba ko hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Binuksan ko ang bibig ko para magsalita pero may bumara sa lalamunan…

“Hey, guys! Uy! Callix!” Sabi ni Grace sabay pulupot sa braso ng kaharap ko.

“Uh, Jacob… Ito si Rosie. Naalala mo yung pinag usapan natin? Si Roseanne Aranjuez. Remember, dude?”

Nakita kong nagkatinginan ang mga ka bandmates ni Jacob.

“Ito pala yung cousin mo, Callix?” Tumaas ang isang kilay ko habang ngumisi kay Callix at naglahad ako ng kamay kay JACOB. “Roseanne Aranjuez. Rosie for short, Jacob?”

Tinitigan niya ang kamay ko, half-open parin ang bibig niya.

“Jacob?” Sabi ni Callix. “Okay ka lang ba, dude?”

Napalunok si Jacob na di parin tinatanggap ang kamay ko.

“Stunned or something.” Humalakhak si Karl pero napawi ito agad.

Nang nakita kong tatanggapin na ni Jacob ang kamay ko, agad kong binawi ang paglalahad ko at iniwan ang kamay niyang nakalahad sa ere.

“Let’s eat na, Callix? Ginugutom na ako.” Ngumisi ako at nagpanggap na hindi ko namalayan ang ginawa ni Jacob.

Halata sa mukha ng lahat ang awkward moment na yun pero pang best actress ako kaya hindi nila nahalatang may something iyon.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: