Baka Sakali 1 – Kabanata 46

Kabanata 46

Umiiyak Ka Ba?

Hindi ko makausap ng maayos si Callix nang inihatid niya ako sa bahay. Ang sinabi kong excuse ay dahil sa sakit ng tiyan ko.

“Rosie…” Concerned ang mukha ni Maggie habang pinapanood nila ako ni James sa hapagkainan.

“Ano?” Di ako makatingin sa kanilang dalawa.

Sinabi ko kasi kay Maggie lahat ng detalye kagabi. At oo, for the first time in history na sabi ko rin sa kanya na may nangyari samin ni Jacob sa Alegria. Shocked siya kagabi pero mukhang okay na siya ngayon. Wala rin akong pakealam kung sabihin niya yun kay James gayung tahimik lang naman at mapagkakatiwalaan naman si James.

“Dangerous yan, Rosie.” Sabi ni Maggie. “Hayaan mo na lang si Jacob. Hayaan mo na lang siya. I’m sure nasaktan din siya. Nagdurusa din siya, Rosie. Nakakaawa-“

“MAG! Nandun ka nung pinagtabuyan niya ako diba? Kita mo diba?” Sabi ko habang umiiling.

“Oo. Pero, Rosie, matagal na yun. Kung wala ka na talagang nararamdaman para sa kanya hindi ka magagalit ng ganito.” Aniya.

“Anong gusto mo? Open arms ko siyang iwewelcome pabalik ng buhay ko pagkatapos ng ginawa niya?”

“Hindi yun ang point ko. I’m sure he’s suffering, too. May pinagdaanan din siya tulad mo. Nagalit siya sayo kaya niya nagawa yun at di siya nag expect na aalis ka. Akala niya maaayos niya rin ang lahat pagdating ng ilang araw-“

“Mag!” Suminghap ako. “Mag, I hate him! Ayoko na! Hindi ko kayang tignan siya ng diretso nang di ko siya nasasampal. Galit ako sa kanya at di ko na siya mahal! You’re just being too kind again.”

Yun talaga ang pinagkaiba namin ni Maggie. Masyado siyang mabait. Lahat ng side sa story ay pinakikiramdaman niya. Pero sorry na lang at masyadong mabigat itong side ko at di ko na kayang makiramdam pa sa side ni Jacob.

“There’s a very thin line between love and hate, sis.” Mahinahong sabi ni Maggie sakin. “Magagalit ka lang sa isang tao dahil na disappoint ka sa kanya, at madidisappoint ka lang kung umaasa kang mahal niyo ang isa’t-isa.”

Napalunok ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Determinado parin akong maghiganti. Sa kahit anong paraan, maghihiganti ako lalong lalo na kay Jacob. Wala naman akong pakealam kay Callix… Si Jacob! Si Jacob ang babanatan ko. Sa larung ito, ako ang unang nahulog pero siya ang huling babangon.

“Talaga bang importante sa inyo mga lalaki kung sinong, uh,” Sumulyap si Maggie sakin at pabalik kay James, “Una?”

Nagkibit-balikat si James at sumulyap rin sakin pabalik kay Maggie, “Well, kung seryoso ka talaga sa babae syempre iisipin mong sana ikaw ang mauna o ikaw yung nauna pero kung talagang meron nang nauna tapos mahal mo siya, balewala na yun, past is past.” Nagkibit-balikat ulit si James.

“Pero thing is, umasa si Jacob na, I mean… Oo, siya diba yung, uh, nauna, pero yun nga… akala niya siya ang nauna tapos sasabihin ni Callix na hindi… diba? Edi syempre umasa siya, kahit totoong siya, pero nagalit siya dahil akala niyang nagsinungaling-“

“UGH! Kahit na, Mag! Please, tigilan niyo na yang pag-uusap sa, uh, life ko! Alis na ako!” Sabi ko at agad ng naglakad palabas ng apartment.

I will see no reason to back down. Promise! Luluhod si Jacob sa harapan ko. Yung nangyari sa bar ay simula pa lang. Oo, simula pa lang yun dahil alam kong dito siya mag-aaral. Hindi ako sigurado kung nakatira ba siya kina Callix o may bahay ba sila dito sa Maynila (kahit na, may gut-feeling akong may bahay talaga sila dito). Business Administration din ang kukunin niya. Mabuti na yun at nang di kami magiging classmates.

“ROSIEEE! Nakuha na namin ang schedule!” Sigaw ni Ava sakin nang nakarating ako sa school.

Nilapag namin ang schedules sa table at nakitang may isang minor subject kaming magkaklase lahat.

“Biology 10.” Sabi ni Belle nang nakangisi. “Akala ko tayong tatlo lang ni Jacob ang magkaklase sa Biology 10, Callix?”

Napalingon ako kay Callix, “Hindi. Buong kabanda niya yata classmate din natin.”

“TALAGA!? Hay!” Sabi ni Belle.

Salamat, ah, tadhana? Kahit isang subject lang ito pero nasisiyahan talaga ako kasi pinagsama mo parin kaming lahat! NAKAKABANAS LANG! SARAP MAG MURA! SANA NARINIG MO ANG TONO NG SARCASM DUN, TADHANA!

“Rosie, anong problema mo diyan? Hindi ka ba nahihilo sa kakairap mo sa kawalan?” Bulong ni Karl sakin.

Inirapan ko na lang siya habang naghihintay kami sa unang klase namin.

Sinabi ko na lahat kay Karl. Tinawagan niya ako at sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari.

“Galing mo rin talagang mamili at magpinsan pa!”

“Wa’g mo kong masali-sali diyan sa plano mong pagselosin siya. I mean, hindi ko kayang magpagamit sayo.” Ang ibig niya lang sabihin ay ayaw niya sa mga rumors na kami na! Asus! “Kayo na lang ni Callix! Pero agree talaga ako sayo na kailangang mag dusa si Jacob. Kaya naman… tutulungan kita.” Tumawa siya at siniko ko na dahil may something dun sa tawa niya na mukhang sumisigaw na ‘beki ako!’

Mabilis natapos ang una ang ikalawang klase ko. At alam niyo kung anong kasunod nito? Biology 10!

Una akong nakarating sa classroom at umupo ako sa pinakadulo at tabi ni Callix. Ayokong may tao sa likuran ko, ayoko ring may ibang katabi except kung si Karl lang. Lagi kasing magkatabi si Ava at Belle at mejo ayaw ko na ring tumabi kay Belle.

Lumakas ang pintig nang puso ko nang nakita ko si Teddy na unang pumasok kasama ang dalawa pang si Ron at Louie. Oh my gosh, ilang sandali lang si Jacob na ang papasok.

“Kumusta yung klase mo, Rosie?” Tanong nang nakangiting si Callix sakin. “Sayang! Sana nag Business Ad ka rin!”

“Okay lang naman, Callix.” Sabi ko.

“Si Ava mukhang unang pasok palang ayaw niya na.”

Tumango si Ava, “Mag shishift na lang kaya ako, Rosie?” Malungkot si Ava.

“Bakit?”

“Di ko maintindihan eh. Parang gusto ko yata ng Psych.”

Hindi ako nakikinig kay Ava dahil tinitignan ko sa gilid ng aking mga mata ang pumapasok. Nakaupo na si Leo at wala akong nakitang Jacob na pumasok.

“P-Pwede rin naman, Ava. P-Para may kasama ako!” Pinilit kong ngumiti.

“Ako rin kaya?” Sabi ni Karl.

Nakita ko ang titig ni Callix kay Karl nang sinabi niya yun.

Sumulyap si Teddy sakin at sumimangot siya.

ANO?

Tapos si Leo naman ang lumingon sakin at may binulong kay Teddy.

ANO? Kairita naman oh! Hindi ako pwedeng basta-basta na lang akong makipag-usap sa kanila gayung si Karl lang ang may alam na kilala ko sila.

“Leo, san si Jacob?” Tanong ni Callix.

Sabi na nga ba! Hindi alam ni Callix kung nasaan ang pinsan niya kaya malamang hindi sila nakatira sa iisang bubong?

“Classmate dapat kami sa first class, wala siya, diba dapat classmate din kami sa Biology 10?”

“Di ko alam, pare eh. Uh… Itetext ko na lang para malaman natin.” Sabi ni Leo.

Malaking effort ang ginawa ko para pigilan ang sarili ko sa pagtatanong tungkol sa whereabouts ni Jacob. Buti at nakayanan ko.

Maagang natapos ang klase ko sa araw na iyon. May isang klase kasing wala yung professor. Sina Callix naman ay hanggang alas singko pa kaya nagpaalam ako sa kanila through text. Buong araw di nagpakita si Jacob. Buti naman! Gusto ko na ring umuwi dahil malamig na ang simoy ng hangin at mukhang uulan pa yata.

Nag jeep ako papuntang apartment. Pagbaba ko ng jeepney agad akong kinabahan sa nakita kong nakapark na itim na Ford Ranger sa tapat nito. Maraming tsismosang babae ang nakapaligid nito. Siguro ay nasa loob siya ng sasakyan?

Pero nang mas lumapit ako, nakita ko siyang nakasandal sa pintuan ng Ford Ranger, nakapikit ang mga mata at ang parehong kamay ay nasa loob ng bulsa.

“Nandyan na si Rosie!” Sigaw ng labandera sa apartment.

Nagsialisan sila at napatalon sa bigla si Jacob. KAPAL DIN TALAGA NG MUKHA AT NAGPUPUPUNTA PA DITO!

“Ros-“

Agad na akong pumasok sa apartment. Hindi niya ako sinundan. Nang binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin ni Maggie, napatalon silang dalawa ni James! Kanina pa pala nila tinitignan si Jacob sa labas.

“Rosie, hindi namin siya pinapasok dahil baka magalit ka.” Pambungad ni Maggie.

“Dapat lang.” Sabi ko.

Dumiretso ako sa kwarto para magbihis at magpahinga. Isang oras pa bago ako lumabas ulit at ganun parin si Maggie at James, nakadungaw parin sa bintana.

“Rosie, umaambon na.” Sabi ni Maggie.

“Lasing pa naman yan.” Dagdag ni James.

“LASING?” Sabi ko.

Napatingin narin ako sa kurtina. Nandun parin siya at nakasandal sa pintuan ng sasakyan niya. Tapos ilang sandali ay bumuhos na ang napakalakas na ulan. Hindi siya natinag, nandoon parin siya at di gumagalaw.

“PUU!” Padabog kong kinuha ang payong at binuksan ang pintuan.

“JACOB!” Tawag ko sa kanya.

Hindi ko siya pinayungan. Binuksan niya ang mga mata niya at nanlaki agad ito nang nakita ako. Basang-basa siya sa ulan…

“Rosie…” Sabi niya. Pulang-pula ang mga mata niya.

“Umuwi ka na!” Sabi ko.

“Rosie, anong gagawin ko para mapatawad mo na ako?” Tanong niya.

Humakbang siya papunta sakin. Umurong naman ako.

“Rosie…” Dinig ko sa boses niya ang pagkapaos dahil sa sigawan namin sa bar nung isang araw.

“Jacob, lasing ka. Umuwi ka na!” Sabi ko.

“Rosie… Hindi ka pwedeng mawala sakin.”

Be brave, Rosie. Para saan pa yang matatayog na haligi ng puso mo kung mismong ito lang ay di mo kaya.

“Umalis ka na, Jacob!”

Natigilan ako sa sinabi ko. Parang yung sinabi niya lang sakin noon ah?

“Rosie, wasak na wasak ako. Alam kong nasaktan kita pero hindi ko na kaya itong nangyayari satin.”

Lumuhod siya sa harapan ko. Basang-basa na siya sa lumalakas pang ulan. Magulo na ang buhok niya at kitang-kita ko ang tubig na lumalandas sa mukha niya. Bawat patak ng ulan, kitang kita ko.

Dapat di ganito! Hindi pwedeng mag makaawa siya palagi ng ganito! Dapat galit siya sakin! Nang sa ganun ay di ako magdalawang isip na saktan siya. Hindi pwedeng lumuhod lang siya ay nagdadalawang isip na ako. Eight months! Walong buwan akong nabubuhay at nasaktan sa ginawa niya. Hindi pwedeng sa isang iglap ay mapatawad ko siya.

“Umalis ka na, Jacob! Wa’g ka ng umasa!” Tinalikuran ko siya.

“Rosie, sabihin mo sakin kung anong pwede kong gawin mapatawad mo ako. Sabihin mo sakin kasi takot na akong magdesisyon ng kahit ano. Ayoko ng magkamali ulit. Ayoko ng mawala ka ulit.”

“Di na kailangan, Jacob. Kasi wala na ako sayo, noon pa.”

“ROSIE!” Sigaw niya ulit habang naglalakad ako pabalik sa apartment. “Kilala mo ako! Alam mong di kita titigilan! Bakit di mo ako maharap?”

Natahimik siya.

“Umiiyak ka ba? Mahal mo paba ako?”

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Umiiyak na nga ako. Nagkulong ako sa kwarto habang umiiyak. Bakit pa kasi siya pumunta dito? Okay na ako nung wala siya! Bakit pa? Para saan pa?!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: