Baka Sakali 1 – Kabanata 37

Kabanata 37

Ikaw at Ako

Masakit. Yun ang unang naisip ko pero nakalimutan ko na agad yun lalo na dun sa huling nangyari. Hindi ako sigurado pero bumilis ang tibok ng puso ko at nakalog yata ang buong katawan ko habang kumalas siya sakin pagkatapos ng sabay naming pag galaw. Napapikit ako sa sarap at excitement na naramdaman ko habang napahinga siya ng malalim sa tabi ko.

Bago pa ako dumilat, hinalikan niya na ang noo ko.

“I love you, Rosie. Sorry at hindi na ako nakapag pigil.” Napabuntong hininga siya. “Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko.” Hinalikan niya ang pisngi ko.

Hindi ako nadevirginized ni Callix na umabot kami ng ilang months, pero si Jacob! Si Jacob na kahit ilang minuto pa lang nagiging kami ay ganito na ang nangyari.

“I love you, too.” Sabi ko.

Nakarating kami sa bahay nila ng parehong basang-basa.

“Jusko naman, Jacob!” Sabi ni manang nang nakita kaming dalawa.

Nagpanic ang mga katulong nila at binigyan agad kami ng tuwalya.

“Hindi ka pwedeng magkasakit ngayong wala si Don Juan tsaka birthday mo bukas.” Umiling si manang nang nakitang binigay ni Jacob sakin yung tuwalya niya. Dalawa na ang tuwalya ko.

Kumuha sila ng isa pang tuwalya para ibigay kay Jacob. Uminit ang pisngi ko nang nagbulung-bulungan ang dalawang katulong sa likuran ni manang. Hindi ko alam kung sadyang obvious sa mga mukha namin ni Jacob yung nangyari sa kubo o talagang guilty lang ako.

“Naabutan kayo ng ulan?” Tanong ni manang.

“Oo eh. Pero natapos naman namin… yung ano… thesis. Manang, mamaya ko na ihahatid si Rosie, patuyuin ko muna. Este… uh… pahiramin ko na lang ng damit tapos sana patuyuin niyo muna ang damit niya. Baka magkasakit eh.”

Nilagay niya ang kamay niya sa tuwalyang nakasabit sa balikat ko. Parang may kurente talaga akong naramdaman! Shet! Malagkit!

“Kung sana dalhan niyo rin kami ng mainit na… uh… soup o di kaya kape.” Aniya.

“Saan ba kayo? Sa kwarto mo?” Tanong ni manang nang naka taas ang isang kilay.

Kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung talagang guilty ako o masyadong obvious.

“Pupunta kami ng kwarto para makakuha ako ng damit para kay Rosie at para sakin. Bababa din kami.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang stairs nang walang pag aalinlangan.

“Jacob… kinakabahan ako. Mukhang alam nila.” Sabi ko.

“Guni-guni mo lang yun. Tsaka… ano naman ngayon kung alam nila? Buti ng malaman nila kung sino ang susunod nilang magiging amo.”

Sinapak ko na siya.

“Ano?” Tumawa siya.

Uminit ang pisngi ko.

Hindi parin matanggal sa isipan ko ang nangyari samin sa kubo. Namula din siya nang natigilan kami sa harapan ng kwarto niya. Hindi siya makatingin sakin.

“Anong masasabi mo… uh… sa nangyari?” Mas lalo pa siyang namula.

“Huh?” Natatawa na naman ako.

“Ano? O-Okay lang ba yun?” Di talaga siya makatingin.

Binuksan niya ang pintuan. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin pero may ganun ba talaga? Tinatanong ba talaga yun pagkatapos?

“Ewan ko, hindi ko alam. Wala akong mapagkumparahan kasi una ko rin yun!” Uminit pa lalo ang pisngi ko.

Nakatingin na siya sakin at half-open na naman yung bibig niya.

“Jacob.” Maliit ang boses ko.

Nabigla ako nang sinarado niya ang pintuan.

“Jacob, wala ng round two… wa’g dito.” Sabi ko nang nakita siyang naglakad patungo sakin. Kainis lang! Nakakatempt siya.

Tumawa siya at nilagay ang daliri niya sa chin ko nang nakalapit na. Damang-dama ko ang init ng hininga niya lalo na nang hinalikan niya ako. Ayan na naman ang bugso ng damdamin at makamundong pagnanasang naramdaman ko kanina.

“Jacob…” Sabi ko sa gitna ng halik.

“Sarap pakinggan ng boses mong tinatawag ang pangalan ko habang hinahalikan kita.”

Errrr. Bakit ba hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kahit ayaw ng utak ko. Itinigil niya ang paghalik.

“Ikaw at ako lang, Rosie. Sa mundong gagawin nating dalawa, ikaw at ako lang ang laman. Pangako.”

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit damang dama ko ang sinabi niya. Sarap talaga ng feeling na ‘to. Sana hindi na magbago. Sana ganito palagi.

May biglang kumatok galing labas. Binuksan ito ni Jacob.

“Kami na ang magbibihis kay Rosie.” Sabi nung dalawang katulong kanina.

Binuksan ni Jacob ang pintuan at nakita kong may dala silang bathrobe. Sumulyap at ngumisi si Jacob sakin.

“Wa’g niyong ipasoot yung bathrobe sa kanya. Madaling na… natatanggal yan eh. Etong t-shirt ko na lang tsaka shorts. Maliligo lang ako.” Sabi niya sa dalawang katulong.

Kaya ko namang bihisan yung sarili ko kaya naiilang ako nang nandito sila kahit na parehong nakatalikod.

“Tapos na.” Sabi ko at nakita kong may dala si manang na mainit na sabaw, kape, kanin, fried chicken at iba pa.

Nilapag niya ito sa table malapit sa flat screen ni Jacob.

“Rosie, tawagin mo lang ang dalawang ‘to pag may kailangan. Nasa second floor lang sila.”

Tumango ako at umalis na sila.

Umupo ako sa sofa habang hinihintay ang nag sho-shower na si Jacob. Tinignan ko ang t-shirt na soot ko na may nakalagay na Nike at ang shorts ay Adidas. Bakit di ko yun nakita noon? Halos lahat ng gamit niya ay masyadong branded para sa isang magsasaka. Imposibleng mahirap siya! Hay! Ang tanga ko talaga. Inamoy ko yung t-shirt niya. Grabe! Sobrang bango. Kasing bango niya!

Naisipan ko ring tignan ang mga dvds niya malapit sa flat screen. Ilang minuto akong nagbabad sa dvds niya nang nakita ko ang mga maninipis na dvd na nakatago sa isang drawer. Puro yun… errr. porn. Natawa ako. Siguro ay dito siya nakakuha ng mga moves niya. Hindi ko kayang tignan ng higit sa tatlong segundo ang bawat cover ng mga dvds na yun. Bigla siyang lumabas sa shower niya kaya nabitiwan ko ang dvds na yun.

Nalaglag ang panga niya nang nakita akong nagpapanic na pinupulot ang mga iyon. Tinulungan niya ako sa pagpulot.

Tumawa ako, “Nanonood ka pala nito!?”

Namula siya at di ulit makatingin sakin nang nilagay ito sa drawer at sinarado. “M-Masama ba? I-Itatapon ko ba?”

Umiling ako at halos di na makahinga sa pag tawa.

I know. Boys will always be boys pero natawa lang talaga ako sa nangyari.

“Kaw ang bahala. Hindi naman yan akin!” Tumawa ulit ako.

“Pero i-ikaw ang girlfriend ko. M-May karapatan kang pag bawalan ako sa kahit ano…”

Natigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Parang kinukurot ang puso ko. Para bang naramdaman kong kaya niyang gawin lahat para saming dalawa.

Biglang nagpakita sa pintuan ang isa pang katulong.

“Sir Jacob, may bisita po kayo.” Aniya.

“Sino?”

“Si April. Nasa baba siya naghihintay.” Tapos umalis yung katulong.

“Ah! Siguro bibigyan niya ako ng regalo.” Wika niya.

At anong regalo iyoooon? Grabe lang yung mood swing ko. Agad nag switch! Climate change! Bakit naiinis ako sa term na regalo? Kasi naibigay ko na ang regalo ko sa kanya ng hindi sinasadya!? GRRR! Uyyy double meaning! Saan doon ang regalo? Yung oo o yung virginity mo, Roseanne?

“Okay ka lang ba?” Tanong niya sakin. “Lika na! Puntahan natin si April.” Naglahad siya ng kamay.

“Jacob…” Sabi ko. “Hindi mo pwedeng sabihin kay April yung tungkol satin.”

Kahit na gusto kong sabihin niya yun.

“B-Bakit?” Tanong niya.

“M-May gusto siya sayo.”

Nanlaki ang mga mata niya, “Tapos?”

“Masasaktan mo siya.”

Natulala siya.

“Hindi totoo yang sinasabi mo. Magkaibigan lang kami.” Aniya.

Agad namang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya, “Bahala ka! Alam ko, Jacob. Magkaibigan kami! Masama nga itong ginagawa ko dahil inaahas ko siya! Simala’t saput alam kong may gusto siya sayo pero ano ‘tong ginawa ko.” Kinabahan ako.

“Hindi pwede yun!” Sabi niya. “Hindi siya pwedeng masaktan. Mahal kita at dapat maging masaya ang lahat sating dalawa.”

Umiling ako, “Jacob, hindi magiging masaya ang lahat. Sabi ko naman sayo diba? Maraming may gusto sayo… Kung hindi mo alam pwes alam ko dahil babae ako. Maraming masasaktan. Maraming magagalit.”

“Wala akong pakealam. Kailangan nilang matanggap iyon dahil yun ang totoo. Mahal kita at wala na silang magagawa. Tatanungin ko siya at sasabihin kong tayo na-“

Agad siyang umalis para puntahan si April.

Sinundan ko siya at kinakabahan. Mas lalo akong kinabahan nang nakita kong napawi ang ngiti ni April nang naaninaw akong nakabuntot kay Jacob pababa ng hagdan.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: