Baka Sakali 1 – Kabanata 38

Kabanata 38

Pag-aaral

Tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi ni April nang nasa harapan niya na kami. Nakita kong tumingin pa siya sa t-shirt at shorts ko.

“Rosie, b-ba’t ka nandito?” Tanong niya.

Napalunok ako, “Kasi ginawa namin yung thesis.”

Tumango siya at ipinakita yung isang box na regalo kay Jacob.

“Jacob, gift ko sayo. Inagahan ko na para sana ako yung unang mag greet. Pero tingin ko ay naunahan na ako ni Rosie.” Sumulyap siya sakin.

“Hindi, April-“

“Di, okay lang, Rosie. Naintindihan kita kasi partners naman kayo. Talagang di niyo maiiwasan yan-“

“April…”

Siguro ay narinig din ni Jacob ang bitterness sa tono ng pananalita ni April.

“Hmm?” Ngumiti si April kay Jacob pero agad naman itong napawi.

“May gusto ka ba sakin?” Tanong ni Jacob sa kanya.

Nalaglag ang panga niya. Pabalik-balik ang tingin niya galing kay Jacob tapos sakin ulit, balik kay Jacob tapos sakin ulit. Kumunot ang noo niya at nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

“Rosie!!! Walang hiya ka! Sinabi mo sa kanya! Pinagkatiwalaan kita!” Umiyak siya sa harapan namin ni Jacob.

Niyakap siya ni Jacob. Shet! Wala akong panahong magselos ngayon kasi kinakabahan ako sa sinabi niya.

“April, walang kasalanan si Rosie. Mas mabuti na yung alam ko kasi ayaw kitang saktan. Sana maintindihan mo at maging masaya ka na lang para samin ni Rosie.”

Nanlaki ang mga mata niya habang tinitignan ulit kami ni Jacob. Tinuro niya ako.

“Ikaw? I-Ikaw? Kayo na!? Paanong?! Bakit?! Diba ayaw mo sa k-kanya, Jacob?”

Malungkot ang mga mata ni Jacob. Di siya sumagot. Tinignan ulit ako ni April.

“Alam mong mahal ko siya, diba? Rosie! Pinagkatiwalaan kita! Akala ko magkaibigan tayo! Jacob, hindi pwede to!!!” Umiyak pa siya lalo.

Hindi ko kayang pakinggan ang pag iyak niya. Parang namatayan. Sorry pero ganun talaga ang interpretation ko sa pag iyak niya.

“Jacob! Matagal na kitang kasama! Matagal na kitang kaibigan! Pinagtatanggol mo ako at close na close tayo pero bakit siya?! Ni hindi pa nag iisang taon, Jacob!!! Sabi mo sakin noon ayaw mo sa kanya dahil mata pobre siya..” Talaga, sinabi ni Jacob yun? Well, siguro noong bangayan kami nang bangayan. “Jacob naman! Kahit sino wa’g lang siya!”

“April, sorry.” Sabi ko. “Hindi ko sinasad-“

“Nilandi mo siya no!?” Sigaw ni April sa mukha ko.

“April! Hindi ako nilandi ni Rosie! Wa’g mo siyang pagsalitaan ng ganyan!” Sabi ni Jacob.

“Jacob!” Umiiyak parin si April.

“April, umalis ka na lang muna. Hindi ako mag sosorry sa desisyon ko. Di ako magsosorry dahil mahal ko siya. Gusto kong maintindihan mo yun-“

“Masamang tao si Rosie, Jacob!”

“Tama na! April! Umalis ka na, please! Ayaw kitang saktan kaya wa’g na wa’g mong sasaktan si Rosie.” Hinawakan ni Jacob ang kamay ko.

Nabunutan ng tinik si April at tumigil sa paghikbi nang nakita niya ang mga kamay namin ni Jacob.

“Masamang tao siya, Jacob. Masama!” Yun lang ang sinabi niya bago niya kami tinalikuran at umalis.

Parang walang nangyari nang hinatid ako ni Jacob. Biyernesanto yung mukha ko habang kumakanta siya sa loob ng sasakyan niya.

“If I don’t say this now, I will surely break…” Umiling ako sa lyrics ng kinakanta niya. Ngumiti siya, “Forget the urgency but hurry up and wait…”

“Diba yan yung kinakanta mo sakin?” Tanong ko.

Buong-buo talaga yung boses niya lalo na kung walang microphone. Natural din sa kanya ang pagkanta ng mga may english na lyrics. Para bang mother-tongue niya yung english. Narinig ko na ring kumanta siya ng filipino, yung Elesi, at okay parin! Talented talaga siya. Grabe. Hindi ko na alam kung saan siya hindi magaling. Gwapo, perpekto ang mukha, matipuno ang pangangatawan, ganda pa ng boses, magaling mag gitara, marunong sa sports. Hindi ko alam kung bakit ako ang nagustuhan niya sa halip ng pagiging judgemental ko.

“Yep…” Ngumiti ulit siya. “Kailanman, hindi ko naramdaman yung bawat kinakanta ko pero ngayon… lahat ng kanta ikaw ang naaalala ko.”

Hinawakan niya ang kamay ko. Walang trace ng guilt sa kanya. Wala lang talaga. Okay lang sa kanya ang lahat ng nangyari ngayong araw na ‘to.

“October 18 na bukas, birthday ko na. Inaasahan kita sa bahay ah?” Hinalikan niya ang noo ko nang itinigil ang sasakyan.

“Okay!”

“I love you, Rosie.” Hinalikan niya ng mas malambot ang labi ko.

“I love you, too.”

Ngumisi siya. Umalis na ako dumiretso sa bahay ng ramdam parin ang lahat ng nangyari. Kinakabahan ako sa naging reaksyon ni April. Tapos dagdagan pa ng nararamdaman kong ‘sore’ down there. Err. Isang beses lang naman nangyari pero bakit ramdam ko parin dun? Siguro ganun talaga. Hindi ko alam kasi una ko siya.

“ANOOO?” Si Maggie lang ang sinabihan ko sa nangyari.

I mean… Hindi kabuuan ng nangyari. Yung naging kami lang. Hindi ko sinabing may nangyari samin o ano. Binanggit ko rin sa kanya yung tungkol kay April.

“Naku, kawawa naman yun. Hay. Sakit naman kasi ng ginawa ni Jacob. Sana dinahan-dahan niya. Tsk.” As usual, mabait parin talaga ang reaksyon ni Maggie. Agree ako at the same time disagree. Masasaktan si April sa nangyari kaya tama lang yung ginawa ni Jacob. Pero sana nga dinahan-dahan niya kahit na di ko naman alam kung paano yun dahan-dahanin.

Kakarating lang ni mama at papa sa Maynila nang binulagta kami sa isang BAD NEWS! Bad talaga kahit good news ito para sakin six months ago!

“Babalik na tayong Maynila!” Sabi ni mama habang malungkot na tumitingin sakin.

“ANO?” Ako lang ang galit.

Pumalakpak si Maggie.

“Anyare at ba’t ka galit diyan? Diba ito yung ginusto mo?” Tanong ni mama. “Pero sige, Rosie. Pwede kang mag paiwan!” Aniya.

“Huhhh?” Nalungkot si Maggie.

“Alam kong nagkakaigihan na kayo ni Jacob kaya tama lang yan. Okay lang sakin na dito ka lang. Di naman kailangang sa isang unibersidad ka mag aral ng kolehiyo next year eh. May community college diyan sa kabilang baryo. Isang oras lang ang byahe-“

“Ma! Iba parin kung sa Maynila siyang mag-aral! At sino naman ang kasama ko sa apartment?”

“Ikaw lang! Kaya mo naman yan!”

Now, I’m torn. I want to stay… pero ayaw kong mag college sa community college na yun.

“Anyway, Rosie, may six months pa bago ka gumraduate ng high school. Kung magbago ang desisyon mo o di kaya’y walang magandang mangyari sa inyo ni Jacob, lumuwas ka na lang ng Maynila at doon na mag kolehiyo.” Sabi ni mama.

“Pwede namang di na mag kolehiyo.” Singit ni Auntie Precy.

“Prec, Oo. Pero wala tayong negosyo o mga ari-arian. Edukasyon lang ang kaya naming ibigay ni Freddie sa mga anak namin kaya kailangan nilang mag kolehiyo.”

“Ayaw ko lang namang magaya siya sa…” Napabuntong-hininga si Auntie Precy.

“Hindi ko naman pipilitin si Rosie, eh. Siya ang mag dedesisyon.” Tumingin silang lahat sakin.

“Kailan ba ang alis natin?” Tanong ko.

“Next week, Wednesday luluwas na kami ng papa mo kasama ang mga gamit natin.”

“Ang aga naman! Finals pa yun!” Sabi ko.

“Kami lang naman. Iiwan namin kayo ni Maggie dito. Sumunod lang kayo sa Biyernes. Iiwan namin yung mga gamit mo in case ayaw mong sumama.”

Nakita kong sumimangot si Maggie pero di siya nagsalita.

“Nobyembre ang alis namin ng papa mo papuntang New Zealand.”

Ang bigat lang sa pakiramdam. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay dito hahantong ang lahat. Si Jacob o pag-aaral?


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: