Baka Sakali 1 – Kabanata 36

Kabanata 36

Habang Buhay

Nagsimula na ang preparation sa 18th birthday ni Jacob. Kitang-kita sa buong Alegria ang estado ng buhay nila. May ilang pagkain at regalo akong nakita sa bahay nila kahit bukas pa naman talaga ang birthday niya. Meron doong mga galanteng regalo. May lechon pa nga doon galing daw sa Yu’s Family (ibig sabihin kina Leo).

“Lika na!” Dumating si Jacob ng naka sakay sa isang itim na kabayo.

Naglahad siya ng kamay habang natatawa sa reaksyon ko.

Napalunok ako, “Ayoko!”

“Bakit? Sabi mo sa farm diba? Di tayo maglalakad. Kita mo naman yung langit, mukhang uulan pa. Lika na!”

Napatingin ako sa langit at napalunok ulit. Alam niyo namang ayaw kong ni hawakan ang kahit anong parte sa katawan ni Jacob pero nananadya yata siya ngayon.

Ngumisi siya at napatingin ulit ako sa nakalahad niyang kamay.

“Ano? Kaya mo bang sumakay ng isa pang kabayo?” Sabay turo niya sa iba pang kabayo nila malapit naman sa iilang kambing.

Matinding katahimikan ang narinig ko. Apak lang ng kabayo at ang ‘Mehehehe’ ng kambing ang naririnig. Matipuno talaga siya at mukhang prinsipe lalo na ngayong nakasakay siya ng kabayo. Para bang natural sa kanya ang pagsakay ng kabayo. Naka t-shirt at shorts lang din siya. Naka racerback at shorts naman ako. May dala din akong backpack kung saan nandoon ang laptop at ilang libro para sa thesis namin.

Bakit ko pa kasi naisip na sa farm pa nila?

“Ano, Rosie? Natatakot ka?” Naging seryoso ang mukha niya.

Hindi ko alam kung ba’t niya naitanong yun. Hindi ko alam kung bakit agad akong kinabahan sa tanong niya.

“Di ah!” Sabi ko at inilahad ang kamay ko.

Ngumisi siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko saka ako sumakay sa kabayo. Nasa likuran niya ako.

“Dapat lang kasi ako naman ang kasama mo. Kapit ka lang.”

Nagsimulang tumakbo ang kabayo pero di parin ako kumakapit sa baywang niya.

“Rosie, ano ba?!” Sigaw niya.

Itinigil niya ang kabayo at kinuha ang magkabilang kamay ko. Siya na mismo ang pumulupot nito sa baywang niya.

“Kapit pa!” Wika niya.

“Huh?”

“Ano bang nangyayari sayo?”

Uminit ang pisngi ko at sinubukang kumapit ng maayos.

“Much better.”

At agad niyang pinatakbo ulit ang kabayo. Siguro mga limang minuto kaming nakasakay doon. Wala akong nararamdaman kundi ang makisig na likuran niya sa dibdib ko at ang lakas ng pintig ng puso ko. Panira! Wa’g kang traydor ah! Kainis ka diyan! Tumigil ka at baka itakwil kita!

“Andito na tayo, Rosie!” Aniya.

Kumalas ako at bumaba sa kabayong itinali niya sa isang puno. Nasa harap ko na naman ang mga bukid ng Alegria at isang ilog.

“Ganda dito, Jacob!” Namangha talaga ako sa ganda ng Alegria.

“Alam ko.” Ngumiti siya habang nakatingin sakin.

Hindi ako sigurado kung nag fefeeling ako o ano pero tingin ko talaga ako yung sinasabihan niyang maganda. Tapos naalala ko nung sinabi niyang di ako maganda noon. Grrr.

“Magsimula na tayo.” Sabi ko at nag indian sit sa damuhan.

Lumapit naman siya sakin at tinulungan ako sa lahat ng mga pwedeng gawin. Natapos namin ang lahat sa loob ng isang oras. Maaring mayroon pang kailangang ipolish pero talagang natapos namin ang Chapter 1-3 ngayon. Swerte nga eh! Bukas na ang deadline nito at next week ay finals na kaya buti at natapos namin ‘to ngayon. Next term, uubusin namin ang buong thesis na natitira, Chapter 4-5 na!

“Hay! Ang init!” Aniya at agad nag hubad ng t-shirt sa harapan ko.

“Jacob!” Uminit ang pisngi ko.

Napatingin siya sakin, “Ano?”

“Wa’g ka ngang ganyan!”

Grabe! Yung abs niya talaga ang nakakatawag pansin. Wala nabang mas peperfect sa hubog ng katawan niya? At apg titignan mo naman ang mukha niya, perpekto din. Pinaglihi yata ito kay Adonis.

“Maliligo lang ako.” Sabay turo niya sa ilog.

“Huh?” Nanlaki ang mga mata ko. “Wala bang buwaya diyan?” Sabay tingin ko sa ilog na malinaw naman.

“Wala! Asus! Meron siguro doon sa unahan, pero wala dito!” Tumawa siya sa ekspresyon ko.

Naglahad siya ng kamay.

“Maligo tayo!?” Aniya.

Umiling na ako nung paglahad niya palang ng kamay.

“Bakit? Hindi mo naman first time! Naligo na tayo ng magkasama ah!?”

BWISIT! Hindi ko talaga alam kung sadyang green minded ako o talagang sinasadya ni Jacob ang pagiging green.

“Ayoko! Sige na! Maligo ka na nga dun at nang makabalik na tayo.”

“Hay naku! Ayan ka na naman, Roseanne! Sungit ka na naman miss sungit!” Tapos lumangoy na siya sa ilog. “Woooh! Sarap, Rosie! Lika na!”

Umiling ako habang tinitignan siyang tuwang tuwa sa pag s-swimming niya. Napawi agad yung ngiti ko nang bigla niya akong sinabuyan ng tubig-ilog.

“JACOB!” Basang basa ako mula ulot hanggang shorts. “ANO KA BA!? Ang laptop muntik nang mabasa!” Napatingin ako sa backpack kong malayo naman.

Pero nang ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kanya, nakita ko na ang abs niya sa harapan ko at ang ngiti ng gwapo niyang mukha na dumudunga sakin.

“AHHHH!” Napasigaw ako nang bigla niya akong hinila sa ilog.

Ang landi talaga nitong lalaking ito! Hindi ako sigurado kung inosente ito o ano…

“O diba, ang sarap!?” Tumawa siya habang nag s-struggle ako at basang-basa sa harapan niya.

Hanggang baywang lang yung lalim ng ilog at bato naman ang tinatapakan ko sa riverbed. Ang sarap nga! Tama si Jacob!

“Paano na yan? Wala akong extrang damit! Uuwi akong basa.”

“Edi uuwi tayong basa!” Ngumisi siya.

Uminit ulit ang pisngi ko at di na makatingin sa kanya ng diretso.

“O ayan ka na naman. Ba’t di mo ako matignan?” Hinuli niya ang tingin ko.

Tinignan ko na lang ang magkabilang bundok sa likuran niya depende kung saan niya hinihilig ang ulo niya para ma huli ang mata ko.

“Ano bang problema mo at di ka makatingin?”

Napalunok ako at unti-unti siyang tinignan pero hindi ko magawa. Hindi ko siya matignan dahil alam kong sasabog sa kaba ang puso ko kung gagawin ko yun.

“You’re in love with me.” Seryosong sinabi niya.

Nagulat ako at napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

“Kung di mo yun kayang aminin, ako ang magsasabi ng nararamdaman mo, Rosie. Alam ko kasi ramdam ko rin yun.”

Matinding katahimikan ang bumalot samin habang nag tititigan.

“Isantabi mo na ang pride mo, please. Alam kong nasaktan kita at gusto mong gumanti. Pero, mahal kita at hindi ko na kayang mag panggap sa mga taong hindi…”

Malungkot ang kanyang mga mata habang tinititigan niya ako. Gusto ko na lang siyang yakapin ng mahigpit. Sana mapawi ko yung lungkot niyang ako naman ang nagdulot.

“Sorry, Jacob.” Sorry din sayo superego ni Rosie.

Hindi ko na siya kayang tanggihan. Alam kong mahal ko na rin siya pero pinipigilan ko na lang talaga. Ayokong may masaktan.

Napalunok siya at nilagay ang magkabilang palad sa pisngi ko, “Sorry dahil di mo ako mahal o sorry dahil mahal mo ako?”

“Sorry…” Sabi ko at napapikit ako.

Eto na. Sasabihin ko na talaga. Kaya ko ‘to! Di ko na talaga maramdaman ang puso ko, mukhang tumakbo na somewhere at wala na sakin.

“Sorry dahil mahal din kita.”

Nakita ko ang malaking ngiti sa mukha niya bago niya ako hinalikan. I pretended for too long. I can’t help it now…

Ito na yata ang pinakamatagal na halik na natanggap ko. Yung mga kamay niya ay nasa likuran ko na. Minsan ay nasa buhok, sa leeg, sa tiyan. Ngumingisi siya tuwing tumitigil kami para makahinga at maghalikan ulit. Sarap niya na talagang humalik! At ayokong may ibang hahalik sa kanya. Ayoko. Gusto ko ako lang. Gusto ko akin lang siya. Maaring nahalikan na ako noon, pero sana siya rin ang unang halik ko. Sana kaming dalawa na talaga.

Idiniin ko pa lalo ang sarili ko sa kanya at naramdaman niya naman ito kaya mas lalo niya pang pinag-iigihan ang paghalik.

Ilang sandali ang nakalipas, naramdaman ko na naman ang pagka turn on niya. Tinulak ko siya ng bahagya at dun namin na realize na umaambon na pala.

“Jacob yung laptop!” Sabi ko bago niya ako hinalikan ulit.

Tumigil siya at, “Oo nga pala! Lika na!” Sabay hila niya sakin papunta sa kabayo at sa backpack.

Kinuha ko yung t-shirt niya at agad siyang sumakay sa kabayo kasama yung backpack ko. Naglahad ulit siya ng kamay at tinanggap ko ito ng walang pag aalinlangan.

“Dali!” Gigil na sabi ko habang kinukuha yung backpack ko sa kanya. Yinakap ko yung backpack para di mabasa.

Isang minutong tumatakbo ang kabayo nang biglang bumuhos na talaga kaya kinailangan naming sumilong sa isang abandunadong kubo malapit sa pineapple plantation nila.

“Nabasa ba yung laptop?” Tanong niya pagkatapos itinali yung kabayo.

Pumasok kami sa loob.

“Hindi.” Napabuntong-hininga ako nang nakitang okay lang yung laptop pero nang ibinaling ko ulit sa kanya ang mga titig ko, nakita kong nakatitig din siya sakin. Half-open ang bibig niya.

Napatingin siya sa basang-basa kong damit. Napatingin din ako sa sparkling abs niyang basa sa tubig ulan at ilog.

Napasinghap siya at ibinaling ang tingin sa buong bahay kubo. Napatingin narin ako sa paligid. May bamboo bench na komportable, mesa at may mga gamit sa farm.

“Dito minsan pumupunta ang nagbabantay sa plantation.” Aniya.

Tumango ako. Umupo siya sa bench kaya tinabihan ko na. Naramdaman ko ang ginaw dulot ng basang damit at ulan sa labas na hindi parin humuhupa.

Yinakap ko ang sarili kong tuhod nang bigla siyang umalis sa tabi ko at lumayo.

Nakita ko ang kaba sa mukha niya.

“Bakit?”

Pumikit siya at umiling.

“May problema ba?” Tanong ko at kinabahan na naman.

“Mahal kita, Rosie.” Yun lang ang nasabi niya nang idinilat niya ulit ang mga mata niya.

“Mahal din kita, Jacob.” Sabi ko nang walang pagaalinlangan.

Tinitigan niya ako at half-open na naman yung bibig niya. Kinakabahan na talaga ako.

“Bakit, Jacob?” Tumayo ako at nilapitan siya.

“Rosie..” Tumingin siya sa labas at lumayo ulit sakin.

“Ba’t ka lumalayo sakin, Jacob? May problema ba?”

Baka ayaw niya sakin? Baka sila na ni April at di niya masabi sakin ngayong sinabi ko nang mahal ko siya? Ano ang problema ng kumag na ‘to?! Kainis!

“Jacob! Nafu-frustrate na ako, anong problema mo-“

“Ang problema ko ay eto!” Hinalikan niya ako na para bang sabik na sabik na siya.

Napaupo ako sa bench habang hinahalikan niya ako. Unti-unti niyang pinasok ang kamay niya sa ilalim ng racerback ko. Hindi ko kailanman naaalala na ganito ako ka excited tuwing dadating sa ganitong stage. Hindi ko maalala kung paano ko natanggihan si Callix noon. At hanggang ngayon alam kong tatanggihan ko parin siya pero hindi ko kayang tanggihan si Jacob. Gusto niya ako, sigurado. Wala siyang ibang babae. Wala siyang ibang mahal. Hindi siya playboy at ako lang ang laman ng puso at isipan niya. Ako lang ang nasa mundo niya. Alam ko yun at nararamdaman ko yun dahil yun din ang nararamdaman ko sa kanya.

Napadaing ako sa kiliting naramdaman nang dahan-dahan niyang tinanggal ang bra ko at hinaplos ang boobs ko. Tinulak niya pa ako lalo sa bench kaya napahiga ako. Pinaghiwalay niya ang magkabilang legs ko gamit ang kanyang mga paa habang hinahalikan ako. Nang idinikit niya na ang sarili niya sakin, naramdaman ko na talaga kung gaano na siya ka turn on.

Narealize ko na ngayon kung bakit niya ako iniiwasan kanina. Iniiwasan niya ako dahil konti na lang ay di na siya makapagpigil.

“Mahal na mahal kita, Rosie.” Aniya bago niya ako hinalikan ulit.

“Mahal…” Halos di ko na masabi dahil nag umpisa na siyang humalik sa leeg ko pababa. “M-Mahal din kita, J-Jacob.”

Tumigil siya at ngumisi. Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang galing boobs ko pababa sa hita ko.

Nabigla ako sa ginawa niya. This is our first time. Kaming dalawa. Gagawin ba talaga namin ito? Gagawin ko ba talaga ito? Magagawa ko ba talaga ito?

Bago ko pa masagot ang mga tanong na iyan, umoo na ako sa pag daing ko nang hinaplos niya na ang gitna ng shorts ko. Shet! Jacob!!! Talaga?!!!

“J-Jacob…” Sabi ko. Struggling.

Hinalikan niya ulit ako habang ginagawa niya yun.

“I wanna be your first, last, and your only.”

Ngkagoosebumps talaga ako sa sinabi niya at sa pag bukas niya sa zipper ng shorts ko. Hinaplos niya naman ngayon ang panty ko. Ngumisi siya nang nakita ang paghahabol ko ng hininga.

“I love you, Roseanne Aranjuez.” Hinalikan niya ako habang hinuhubaran ako.

Hinabol niya na rin ang hininga niya pagkatapos niya akong hubaran. Gosh! I swear wala ng mas iinit pa sa nararamdaman ko ngayon. Hinaplos niya ulit yun ngayon na wala ng layers ng shorts o di kaya ng panty.

“Jacob, baka mabuntis ako.” Mahina ang boses ko habang sinabi ko yun.

Alam kong iyon na ang last resort. Dahil ako mismo ay hindi pa readyng magkaanak at sigurado akong ayaw padin ni Jacob mag kaanak. Pareho kaming hindi ready at alam kong masama itong gagawin namin. Yun na nga ang sinasabi ko. Kailan pa ba ito naging madali sakin? Kailan pa? Noong kami ni Callix madali lang talagang tanggihan ang lahat pero ngayong si Jacob na… mahirap tanggihan at madaling gawin! Anong nangyayari sakin?

“Okay lang dahil sigurado naman akong ikaw ang gusto kong pakasalan.” Tinignan niya ako ng diretso na para bang ipinapakita niya sakin ang buong kaluluwa niya. “At pag nabuntis na kita, ibig sabihin wala ng makakaagaw sayo. Akin ka lang. Habang buhay.”

Nagsimulang tumibok pa ng mas malakas at mas mabilis ang puso ko. Lalo na nung nagsimula na ulit siya sa paghalik at paghaplos sa iba ibang parte ng katawan ko.

“I love. Every. Bit. Of. You. Rosie.”

Sa sandaling iyon, nalaman kong walang babae ang makakatanggi kay Jacob Buenaventura. Maging ako ay nag iinit na ng bongga sa kanya. Hindi ko na makakayanan at sa sobrang gigil ko ay parang sasabog na talaga ako.

Napailing ako hinalikan ang labi niyang sabik sa akin. He moaned, “Rosie.” Sarap pakinggan ng boses niyang nag-iinit lalo na ngayong alam mong ikaw ang dahilan.

He’s my first… my only… and hopefully, my last.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: