Baka Sakali 1 – Kabanata 32

Kabanata 32

First and Last Love

Engrande ang bahay nila. Parang walang touch ng makabagong teknolohiya. Puno ng magagarbong antiques. Pero nang tinignan ko nang mabuti may nakatayo palang mga aircon sa gilid. Slide up din yung ibang windows. Yung sala nila ay may carpet na kulay maroon. Nang idinaan ko ang palad ko sa table nila, wala talaga akong nahagilap na alikabok.

“Saan si papa?” Tanong ni Jacob.

Napalingon ako. Nakita ko ang tatlong naka unipormeng maid sa harapan niya. Really? Marami naman akong kilalang mayaman pero hindi ganito katindi. Mayaman sina Callix pero hindi ganito katindi na kinailangan pang mag uniporme ng maid nila.

“Nasa office niya.” Sagot nung pinakabatang maid sa tatlo.

Tumango si Jacob at tumingin sakin.

“Lika, pakilala kita.”

Tinignan ko talaga ang reaksyon ng tatlo. Nagkatinginan sila at parehong laglag ang panga. Hindi naman siguro ito yung first time na nagdala si Jacob dito ng babae diba? Syempre si April o kahit si Eunice napunta na dito, diba?

“Nakapunta na ba dito sa Eunice?” Tanong ko habang sinusundan ko siya paakyat ng engrandeng hagdanan.

“Hmm. Oo.”

“Ah… Si April?”

“Oo din. Bakit?”

“Wala lang.”

Okay, nothing special. Bakit parang nag expect ako dun na ako lang kahit obvious naman na hindi pwedeng ganun?!

Napalunok ako nang nakarating kami sa second floor ng bahay nila. Kung engrande ang walang hiyang first floor, laglag talaga pati ngipin ko sa second floor. May lifesize na painting ang mama at papa ni Jacob. Sobrang ganda ng mama niya at sobrang gwapo ng papa niya.

“Namatay si mama nung seven years old pa lang ako.” Aniya nang nakita akong nakatitig sa painting.

“Bakit?” Tanong ko.

“Car crash.” Napalunok siya. “Kasama ako sa car crash, pinrotektahan niya ako kaya namatay siya.”

“Sorry.” Sabi ko nang nakita kong halos matulala na siya.

Ngumiti siya, “Matagal na yun.”

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para makapaglakad ulit. Grabe, di ko makayanan ang lapit namin sa isa’t-isa. Kamay lang namin yung magkahawak pero naghuhuramentado na ako. Di ko na matanggal ang tingin ko sa kamay naming dalawa. Naisip ko tuloy na sana wa’g niya ng bitiwan. Sana totohanan na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero parang eto na talaga… para akong nagsimulang mabuhay nang nakilala ko siya.

Kahit na alam ko namang di pa tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang gusto ko talagang mangyari saming dalawa hindi ko parin matanggihan ang mga ganito. OMG! Sana totohanan na ‘to! Ipapakilala niya ako sa papa niya diba? Kinakabahan na ako! Paano kung di niya ako magugustuhan?

“Look.” Binitiwan niya ang kamay ko para ituro ang isa pang painting.

My heart sank. Please, Jacob, hawakan mo ulit. Dininig niya ang hinaind ng utak ko. Pagkatapos niyang ituro ay hinawakan niya ulit ang kamay ko. May nasulyapan pa akong maid na nanonood nang nakanganga saming dalawa.

Yung painting niya naman ay nakakanganga din. Naisip ko tuloy kung ngumanganga ba ang mga maid nila pag dinadaanan itong painting niya. Hindi niya talaga pinalagpas ang pagkakataon na ipakita ang abs niya. Hindi siya nakangiti pero yung titig ng seryoso niyang mukha ay tagos sa puso ko.

Nilagay niya ang kamay niya sa baba ko at ngayon ko lang napansin na kanina pa ako nalaglagan ng panga.

Humalakhak siya at sinapak ko na, “Masyado ka namang proud sa abs mo.” Umirap ako pero di ko mapigilang ngumiti.

Tapos yung hinahawakan niyang kamay ko ay nilagay niya sa abs niya. Naramdaman ko talaga ang tigas. I swear to God umusok yung tenga ko sa kilig! Hindi ko alam ba’t kinikilig ako eh wala naman siyang sinabi. Nakangiti lang siya at pinagmasdan ang reaksyon ko.

“Pwede mo namang titigan sa personal eh.”

Umiling ako pero ang sarap ng mag mura. Pati muscles ko tinatraydor na ako. Ngtumingisi na talaga ako sa pinagsasabi niya.

“Bwiset!” Sabi ko at kinaladkad siya palayo sa painting niya.

Tumawa lang siya at hinila ako papunta sa isang kwarto na may double doors. Ito na sigurop ang office ng papa niya.

“Relax ah…” Tinitigan niya ako bago niya kinatok ang pintuan.

Grabe… pagkapasok ko sa loob, naramdaman ko agad ang nanginginig na mga paa ko.

“Pa…”

Naaninaw ko agad ang malayong table ng papa ni Jacob. Nakadungaw siya sa papel at naka glasses pa nang dumating kami.

“Oh, Jacob.” Tumayo siya.

Calm down, Rosie! Parang hindi na ako humihinga sa kaba eh. Hindi pa kasi ako ever naipapakilala sa parents ng isang lalaki. Well, wala yun sa vocabulary ni Callix.

Hindi ko naman alam kung bakit nalaglag ang panga ng papa ni Jacob nang nakalapit na kami sa table niya. Lumapit din siya samin… sakin… Hindi siya makapaniwala.

“Uh, pa… eto nga pala si Rosie-“

“Aranjuez?!”

Tumango ako. Napabuntong-hininga si Jacob.

“Rosie, pa…”

Niyakap ako bigla ng papa niya. Ang weird!

“Ugh! Pa.” Sabay tulak ni Jacob sa papa niya.

Tumawa naman ang papa ni Jacob sa ginawa niya samantalang sobra naman akong na weirduhan at kinabahan.

“Si Precy Aranjuez kasi ang first love niya…” Nagkibit-balikat si Jacob.

“Huh?” Hindi ako makapaniwala.

“Sorry, Rosie. Ikaw pala yung pamangkin niya.” Tumawa ulit yung papa ni Jacob.

Umirap si Jacob at umiling. “Pa, nandun si Precy Aranjuez sa bahay nila kung gusto mong yumakap. Di pwede si Rosie… di na available, sorry ka na lang.”

Tumawa ulit ang papa niya habang umiiling, “Ano? kayo na ba?” Tumingin pa ang papa niya sakin habang nakataas ang kilay.

Halos carbon copy ni Jacob ang papa niya. Parehong-pareho sila except sa mga mata na nagmana naman sa sobrang ganda niyang nanay. Bakit si Auntie Precy ang first love ng papa niya? Anong nangyari sa kanilang dalawa at bakit hindi nag work?

Naglahad ng kamay ang papa ni Jacob sakin at, “Juan Antonio.”

Nilagay ko naman ang kamay ko sa kamay niya pero agad binawi ni Jacob ang kamay ko.

Ngayon, pulang-pula at galit pa talaga siya sa ginawa ng papa niya. Tumawa na naman ang papa niya.

“Tito na lang nga! Juan Antonio? Ano ka? Binata? Yuck, pa. Anong kabaliwan yang ginagawa mo?” Umiling siya. “Sana di ko na lang pala pinakilala…” Tapos kinaladkad niya ako palabas ng opisina ng papa niya.

Tumatawa parin ang papa niya, “Nagmana ka talaga sakin…” Narinig ko yun pagkalabas namin ng opisina.

“Kainis! Yung matandang yun.” Aniya.

“Di pa naman matanda ang papa mo ah.” Sabi ko. At totoo yun, hindi pa matanda ang papa niya. Pwede pang mag-asawa ulit.

Nanlisik yung mga mata niya nang tinitigan niya ako.

“Ba’t ka galit?”

“Baka gusto mo siya na lang yung boyfriend mo?” Aniya.

“Huy, abnormal ka ba? Anong pinagsasabi mo diyan!? My god!” Halos di ko kayang isipin ang sinabi niya.

“Ayaw nung magpakasal ulit. Kung si Precy Aranjuez ang first love niya, si Cielo Buenaventura ang last love niya. Tsaka, Kahit na alam ko yun ayaw ko ng hinahawakan ka niya kahit saan.” Ginulo niya ang buhok niya at namula. Di pa makatingin sakin.

Hindi ko talaga mapigilan ang pag ngiti ko.

“Ang sabihin mo, nagseselos ka lang.” Sabay tawa ko.

“Ano naman ngayon? Ayaw ko eh. kahit sino pa yan. Kahit aso.”

Sinapak ko na talaga. “Abnormal talaga!”

Kinaladkad niya ulit ako patungo sa isa pang double-door na kwarto.

“Saan ‘to?” Tanong ko.

Tumingin siya sakin at ngumisi, “Kwarto ko.”


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: