Baka Sakali 1 – Kabanata 33

Kabanata 33

Gusto ko!

“Napaka imoral mo talaga, Jacob!” Sabay sapak ko sa braso niya.

Binitiwan ko ang kamay niya. Tumawa siya.

“Ito naman! Wala naman tayong gagawin dito! May desktop at laptop ako sa loob kaya dito tayo pupunta ano!” Aniya at binuksan agad yung kwarto.

Naaninaw ko agad sa loob ang pagkalaki-laking kwarto niya. Una kong nakita ang isang malaking flatscreen TV sa harap ng sala set. May sala set talaga sa kwarto huh? Katabi nito ay isang itim na carpet kung saan nakalatag ang tatlong klase ng gitara, malalaking speakers, drum set, organ, mic stand. Sa unahan pa nito ay isang glass sliding door sa isang balcony na tanaw ang mga bukid ng Alegria. Sa kabilang side naman ng sala ay may queen size na kama at may desktop, computer at iPad sa tabi.

YES, THE FILTHY RICH KID’S ROOM!

Nakangisi siya nang nakita ang pagkamangha ko sa kwaro niya. Nakaupo na siya sa kama niya at dala ang isang guitar.

“Ganda no?” Ngumiti pa siya lalo.

Na self conscious tuloy ako bigla. Sino ang maganda, ako? Hay, Rosie! Awat na ako sayo! Inayos ko pa talaga ang buhok ko bago ko sinagot.

“Oo.” Napalunok ako.

“Ayan na ang computer.” Sabay turo niya sa desktop. “Saan na ba tayo sa Chapter 3?”

“Uh… Hindi pa tayo tapos sa Chapter 2.” Sabi ko at kinakalma ang sarili.

“Ako na lang ang dadagdag sa Chapter 2 tapos simulan mo na ang Chapter 3.”

Tumango ako at di makatingin sa mga mata niya.

“Ah! Teka…” Tapos tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto.

“Manang, pwede paluto?” Aniya sa isang maid. “Anong gusto mo, Rosie?” Tanong niya sakin.

“Uh… Wa’g na… Tubig na lang.” Sabi ko.

Tubig na lang dahil parang inuuhaw ako sa inis. Ba’t ang yaman mo, Jacob? Sana mahirap ka na lang! GRRRR!

“Spagetti nga tsaka pizza.” Aniya sa maid tapos ni-lock ang pinto at ngumisi.

“Huy, di mo pwedeng i-lock yan!” Sabi ko.

“Huh? Bakit naman?”

“Masama na nga na nandito ako sa loob ng kwarto mo tapos ilo-lock mo pa yan? Buti na yang nakikita ng lahat na wala tayong ginagawang masama.” Sabi ko.

“Guilty naman nito!” Aniya pero binuksan niya ulit ang pintuan.

Buti naman at isang oras kaming nag seryoso sa thesis. Sinusulat niya ang chapter 2 habang nag eencode naman ako ng Chapter 3.

“Kailangan pa natin ng maraming sources.” Sabi ko.

Kumakain siya ng pizza at nagpapahinga. Tumayo siyang bigla nang nakitang sinubukan ko ring magpahinga.

“Patingin.” Sabi niya kahit na puno ng pizza yung bibig niya.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak din sa mouse pero nakatitig siya sa monitor. Tinanggal ko ulit ang kamay ko sa mouse. Naks naman, Rosie! Sa inyong dalawa ikaw pa naman ang babae pero ikaw itong dirty-minded!

“Oh.” Sabay offer niya sa may kagat ng pizza.

“Eww! Pahingi nga pero yung bago. May kagat mo na kaya yan-“

“Ito naman kung maka-eww ka wagas! Parang di mo pa natitikman yung laway ko!”

SINAPAK KO NA! ANG BWISET TALAGA NG KUMAG NA ‘TO! KAINIS! Tumingin pa ako sa pintuan at buti na lang wala namang nanonood o nakikinig samin.

“Tumigil ka nga! Masyado kang bulgar!”

“Oh eh bakit? Totoo naman! Wa’g ka ngang mandiri sakin eh nagustuhan mo naman yung halik ko!” Sabi niya.

“TSEH! Tigilan mo nga yan at wa’g mong babanggitin yung h-h-halik!” Di ako makatingin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang ngiti niya.

“Pwede naman nating ulitin.” Marahan niyang hinawakan ang labi ko at umamba pa siyang hahalikan ako.

Agad kong tinulak yung mukha niya at nag pout pa siya pagkatapos ng ginawa ko.

“Leche ka! Ang manyak mo naman, Jacob! Alis ka nga!” Sabay takbo ko sa kama niya at hinagis ko yung unan sa mukha niya.

“Manyak na kung manyak pero nagustuhan mo naman diba? Gusto mo rin ako diba?”

Ewan ko kung bakit natatawa ako at di ko mapigilan ang muscles ng pisngi ko sa pag stretch. Napangisi talaga ako sa sinabi niya. Kainis lang! HAHAHA! Ba’t nakakatawa at nakakainis ang isang ‘to! Hindi ko alam! Hindi ako sigurado.

Lumapit siya sakin at tumakbo ako papuntang computer ulit.

“Ang OA nito! Kukuha lang ako ng pizza.” Umiling siya at nag relax habang kumain ng isa pang pizza.

Well, siguro harmless na siya kaya dahan-dahan akong naglakad pabalik ng kama niya para makakuha din ng pizza. Tinignan kong mabuti ang mukha niya at inosente namang kumakain ng pizza kaya safe… Pero nang pinulot ko na ang pizza, agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kanya.

“Ano ba, Jacob!”

Tumawa siya nang nakita niya akong pulang-pula. Syempre ang init ng pisngi ko nang at biglang narinig ko yung lakas ng tibok ng puso ko nung nagkalapit na kami.

“Sarap mo talagang inisin!” Tawa niya ulit at binitiwan ako.

“Rapist ka!” Sabi ko at kinuha agad ang isang pizza.

“Hoy! Excuse me! Hindi ko kailangang man rape sayo!”

Nalaglag talaga ang panga ko at gusto ko na lang humagalpak sa tawa, “Excuse me din, ibig mo bang sabihin eh willing akong bibigay sayo. In your dreaaams!” Sabi ko at bumehlat sa kanya.

Sumimangot siya at tinuro ang kalendaryo. May nakita akong pulang circle sa isang date doon. Sa September 23.

“Ano?” Tanong ko.

“Monthsary natin yan. Hinalikan mo ako sa date na yan kaya tayo na. Hindi mo hinahalikan ang mga kaibigan mo… yung boyfriend lang.”

“WHAT?” Napapikit ako sabay iling. “Anyare sa friends with benefits?!” Tumawa ako.

“O ano ngayon kung tingin mo friends with benefits tayo basta ang sakin ay girlfriend na kita… September 23 yung monthsary natin kaya yun na yun!”

Kumain ulit siya ng pizza. Hindi matanggal yung ngiti ko habang pinagmamasdan ko siya. Grabe lang ha? Ni hindi ko naalala kung anong date kaming naghalikan sa Alp Spring. Hindi ko alam kung bakit ang sarap ng tibok ng puso ko. Para bang excited ito at sayang-saya sa mga ginawa at sinabi ni Jacob.

Umupo ako sa kama niya habang kumakain kaming dalawa ng pizza.

“Movie marathon?” Sabay turo niya sa dvd player.

Umiling ako, “Next time na siguro. Gagabihin ako kung manonood pa tayo.” Sabi ko.

“Ibig sabihin babalik ka?” Umaliwalas ang mukha niya.

Umiling ako habang iniinom ang juice. Nilapag ko yun sa tray na nakalagay sa kama niya.

Pinagmasdan niya ito bago kinuha at uminom din doon.

“Yuck, Jacob!” Sabi ko.

“Ano ba talagang problema mo?” Sabi niya pagkatapos inubos yung juice ko.

“Ba’t mo ininom yun eh akin yun? May laway na!” Sabi ko.

“Di naman ako tulad mo na nandidiri sa laway ng mga taong nahalikan na eh.”

Sinapak ko ulit siya at tumawa na lang siya. Humiga siya sa kama niya at pinikit ang mga mata.

“Hay! Napagod ako sa thesis natin ah…” Aniya.

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang siya at tinitignan kong gaano siya ka perfect. Yung buhok niya, yung mukha niya, yung katawan niya… May tao bang ganito talaga ka perfect? Meron kasi nandito siya sa harapan ko… nandito siya sa Alegria at wala siya sa Maynila.

Nabigla ako nang nakita kong dilat na pala ang mga mata niya at half-open na yung bibig habang tinitignan akong nakatitig din sa kanya. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at labi ko. Pareho na kaming half-open ang mga labi… and I swear, god! Hindi ako kailanman nahirapan sa pag control sa sarili ko… This is the first time. Hirap na hirap akong hindi siya halikan. Hirap na hirap akong bumitiw sa titig niya. Hirap na hirap akong tumalon at magsalita para mawala kami sa titigang iyon.

Biglang-bigla ako nang siya pa mismo yung ngumiti kaya nabasag ang titigan namin.

“Gumagabi na pala, baka hinahanap ka na sa inyo.” Sabay tingin niya sa wrist watch niya.

Umupo siya sa kama at tinitigan ako ng ilang sandali bago tumayo at humikab. Naka tsinelas lang siya, puting v-neck t-shirt, shorts pero siya na ang ibig sabihin ng salitang perpekto.

“Ihatid na kita.” Naglahad siya ng kamay.

Natulala ako sa kamay niya. Hindi ko inakalang ang mga salitang manyak pala ay kakainin ko na lang. Ako yata dito ang namamanyakan sa kanya at bakit iniisip kong gusto ko siyang halikan ngayon din? Bakit iniisip ko ang mga bagay na hindi ko kailanman inisip kay Callix? Hindi ako nagmamalinis. Marami na kaming nagawa ni Callix at naka ilang base na kami. Hindi pa nga lang lumalagpas sa ganung punto, pero hindi ko kailanman inisip na GUSTO KO yun. Ginawa ko lang yun dahil alam kong gusto niya… Pero ngayon bakit ako na mismo ang may gusto?

“Rosie,” Ngumisi si Jacob. “Halika na.”

Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya at di ko mapigilang higpitan ang pagkakahawak nito. Nakita ko ang bigla sa mukha niya.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: