Baka Sakali 1 – Kabanata 31

Kabanata 31

Seryoso Ako

Gusto kong sabihin kay Jacob na may gusto si April sa kanya pero alam kong mali kung sakin manggagaling. Alam ko rin namang may hinala na siya sa dalawang linggong pagpaparamdam ni April sa kanya mula nung practice nila eh. Buti at tapos na nilang na perform yun sa isang school sa karatig barrio ng Alegria kaya di ko na naririnig ang mga nakakabinging hiyawan ng mga schoolmates ko kay Jacob.

Limang beses narin kaming umuupo dito sa damuhan ng Kampo Juan para gumawa ng thesis namin samantalang si April ay nasa gilid at talak nang talak kay Jacob. Gusto kong magreklamo dahil kailangan ko si Jacob sa ginagawa namin pero di ko magawa. Umiirap na lang ako sa kawalan.

“Naalala mo nung grade 6 tayo? Yung nahulog si Leo sa puno?”

Hindi ko na mabilang kung pang ilang irap ko na ‘to. I get it! Crush ni April si Jacob pero hindi naman siguro makatwiran na hanggang sa paggawa namin ng thesis ay nandito parin siya.

Habang nag uusap sila ay narealize kong mahirap talaga mag work nang walang dalang laptop. Hindi ko dinala dahil akala ko ay pwedeng sa corrections at ibang aklat lang ako babase sa ngayon…

“Jacob.” Naputol yung pagsasalita ni April.

Tumingin sakin si Jacob. Nakangiti pa sa kwento ni April.

“Uuwi na lang muna ako kasi kailangan ko pala ng laptop. Sa bahay na lang ‘to.” TUTAL WALA KA NAMANG NAGAGAWA DITO!

“Huh? O sige… ihahatid na kita.” Aniya.

“Wa’g na. Mag tatricycle na lang ako.” Sabi ko.

“Matagal ang tricycle dito… ihatid na kita.” Tumayo siya.

Naglahad pa siya ng kamay sakin para matulungan ako sa pagtayo. Tinignan ko pa ito bago ko nilagay ang kamay ko. Nagkatinginan pa kami pagtayo ko at matagal niyang tinanggal ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nagka goosebumps ako.

“Jacob…” Tawag ni April.

“Ah!” Aniya at naglahad din siya ng kamay para matulungan si April sa pagtayo.

“Salamat!” Di na natanggal ang kamay ni April o ni Jacob.

Nag holding hands na sila patungo sa Hummer ni Jacob. Ako naman ay nasa likuran nila at umiirap ng one thousand times sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung manhid si Jacob o sadyang ganyan sila ka close. Sa ginagawa niyang ito binibigyan niya ng pag asa si April.

Pumasok sa loob ng Hummer si April. Sa front seat kaya doon ako sa likuran pumasok. Nagkatinginan kami ni Jacob bago ako pumasok at ngiting-ngiti siya sakin.

Umirap ulit ako.

Pagkapasok ko ay humalakhak siya sa driver’s seat.

“Ba’t ka tumatawa?” Tanong ni April.

“Wala lang.” Nakangising sagot niya. Sumulyap pa siya sakin bago pinaandar ang sasakyan.

Bushet! Hindi ko alam kung bakit umiinit ang pisngi ko. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang pinapaandar ang sasakyan. Umatras ang sasakyan bago siya nag drive ng diretso patungong gate ng Kampo Juan. Nag hand salute pa yung dalawang security guard pagkalabas niya. Yung braso niya ay lalong nagiging klaro sa bawat konting liko at mas attractive siyang tignan habang naka hawak ng manibela. Noong kami ni Callix, hindi ko napansin ng ganito ka klaro ang mga detalye. Sa mukha niya lang ako nakatoon, ngayong si Jacob na ay parang lahat ng detalye ay malaking bahagi ng pagpintig ng puso ko.

Umiling ako at itinuon ang pansin sa mga bukid ng Alegria sa labas.

“Mauna tayo kina April.” Aniya.

“Huh?” Tunog disappointed si April.

“Oo. Kasi una nating madadaanan yung bahay niyo. Malayu-layo pa kina Rosie eh.” Aniya.

“Okay!” Sabi ni April.

Ilang sandali lang ay dumating kami sa bahay kubo nina April. Literal na bahay kubo ang tumambad sakin. First time kong makapunta sa bahay nila kaya di ako makapaniwala. Sa mukha at ayos niya kasi this past few days ay parang di ako makapaniwalang dito siya nakatira. Let’s just say… mas gumara yung mga soot niya.

“S-Salamat, Jacob.” Pulang-pula si April nang lumabas sa sasakyan.

“Walang ano man yun.” Sabi ni Jacob. “Rosie, dito ka na.” Sabay tapik niya sa inupuan ni April.

Tumango ako at lumabas para lumipat sa front seat.

Nagkatinginan pa kami ni April. Seryoso at malungkot ang mukha niya.

“Sige April.” Sabi ko.

“Rosie…” Napatingin ulit ako sa kanya.

Hindi na ako pwedeng magkamali… alam na alam ko ang mukhang ipinakita niya. Mukha ng isang babaeng nagseselos.

“Wala.” Tapos tinalikuran niya kami.

“Rosie, lika na!” Tawag ni Jacob sa loob.

“O-Okay.” Pumasok ako pero di ko parin makalimutan ang mukha ni April.

“Jacob… Nung Ms Intrams ba, tinulungan mo ba si April sa paghahanda?” Tanong ko.

“O-Oo. Bakit?” Sumulyap siya sakin at pabalik ulit sa daanan.

“Kasi diba, nawala na yung eye glasses niya… Tapos yung jersey mo…”

“Oo. Pinahiram ko sa kanya. Kawawa naman kasi walang masoot.” Aniya. “Bakit? Nagseselos ka?” Ngumisi ulit siya.

Sinapak ko ang matigas niyang braso. “Hindi no!”

“Akala mo di ko nakikita yung pag irap mo tuwing nag uusap kami?” Tumawa siya.

Sinapak ko ulit.

“Alam ko, Rosie. Kahit na di mo aminin sakin. Kahit na ipinipilit mong magkaibigan lang tayo… Kilalang kilala na kita.” Ngumiti siya sakin.

Napatingin na lang ako sa labas dahil di ko rin mapigilang di ngumiti.

“Paano kung may gusto siya sayo at pinapaasa mo lang siya sa ginagawa mo?” Sabi ko.

Natahimik siya.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita.

“Wala yun. Noon pa, ganun na kami mag tratuhan sa isa’t-isa kaya wala yun.” Wika niya.

Umiling ako, “Hindi mo alam. Ganyan kaming mga babae.” Sabi ko.

“Hindi pwede yun, magkaibigan lang kami.” Aniya.

“Paano nga kasi kung ganun…”

Tumingin siya sakin at itinigil ang Hummer.

“Alam mo naman diba kung ano ang sagot diyan?” Humilig siya sa upuan ko.

“Huh? Ano?”

“Rosie naman, wa’g kang mag maang-maangan. Alam mo namang ikaw ang… g-gusto ko diba?”

Napalunok ako. Nahihilo na naman yata ako sa kagwapuhan niya. Nagkatitigan kami kaya bumitiw ako sa kaba na baka maghalikan ulit kami dito sa Hummer niya. Napatingin ako sa labas at nakita ko ang isang napakalaking puting gate na may nakalagay na J.A Buenaventura at may dalawang naka ekis na katana.

“Asan tayo?” Tanong ko.

“Sa bahay namin.” Tinanggal niya ang seat belt niya.

Siya pa ang nagtanggal sa seatbelt ko dahil masyado akong nabigla sa pangyayari. Habang tinanggal niya yun ay hinuli niya ang labi ko at hinalikan ako.

“Jacob, shet naman oh!” Sabi ko at tinulak siya.

Pagkakamali na yung una… Ayokong ulitin pa sa pangalawa.

“Ano?” Ngumiti siya.

Uminit ang pisngi ko at di ako makatingin sa kanya kaya binuksan ko ang pintuan ng sasakyan.

“Kailangan mo ng laptop diba? o hayan sa bahay may latop at desktop diyan sa loob. Malakas pa ang DSL.” Hinagis niya ang keys ng sasakyan sa isang security guard. “Paki park sa loob.”

Tumango naman ang guard at napairap na naman ako. Bakit lahat ng ginagawa niya ay parang hinahangaan ko? Yung sarili ko naman yung iniirapan ko sa tuwing umiirap ako eh.

“Ipapakilala kita kay papa.” Aniya.

Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang ang mga mata ko.

“Kahit na ka friends with benefits mo lang ako, mahal kita at seryoso ako.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng magarbo at engrande nilang bahay.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: