Baka Sakali 1 – Kabanata 30

Kabanata 30

Friends With Benefits

Hindi yun ang first time ko sa paghalik. Syempre halos humantong nga kami ni Callix noon sa dulo… LOL. Etong si Jacob naman ay hindi pa nakakatikim. Ako yung una. Unang lahat niya. Espesyal pakinggan. Hindi ko kailanman inisip na espesyal ako kay Callix noon pero umasa akong sana espesyal nga ako. Alam ko namang nakakailang babae na siya at masyado ng marami experience.

“Rosie,” Sinundan ako ni Jacob nang nag walk-out ako sa lagoon.

“Ano?” Sabi ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

“Nagugustuhan mo na ba ako?” Tanong niya.

“Oo!” Sinabi ko na lang ng diretso.

Natigilan siya at natulala kaya dinagdagan ko…

“Pero hindi tayo… Jacob, kung hindi mo napapansin ang daming babae diyan ang nagkakagusto sayo… Ang dami-dami. Pwede kang mamili sa buong kaharian ng Alegria. At ayaw kong pagkaguluhan ako ng mga babaeng yun o di kaya naman ay maging laman ng usap-usapan nila-“

Hindi niya na ako pinatapos. Hinalikan niya ulit ako. Ngayon, siya na talaga ang gumabay sa halikan naming dalawa. Grabe, sa sobrang gentle at sarap ng halik niya para akong nahihilo at nalalasing. Tumigil lang kami nang narinig kong pumalakpak sina Maggie at James.

“WHOOOO!” Sigaw nila sa malayo.

“Kayo na?” Sigaw ni Maggie.

Umiling ako at kinuha yung tuwalya sa bag samantalang naka abang si Jacob sa harapan ko at tinititigan ako.

“Ano ako sayo, Rosie?” Tanong niya.

“Kaibigan, Jacob.” Sabi ko habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko.

“Kaibigan, Rosie? Ganyan ba sa Maynila? Hinahalikan mo ba ng ganun ang mga kaibigan mo sa Maynila? Huh?” Sabi niya at ginulo ang buhok.

Umiling ako, “Hindi mo kasi ako naiintindihan, Jacob.”

“NAIINTINDIHAN KITA! HANGGANG DUN LANG AKO! KAHALIKAN LANG!” At tinalikuran niya ako.

Umalis na siya ng tuluyan.

Kasalanan ko ‘to. Alam kong first time niya ‘to at siguradong naguguluhan na siya ngayon. Ang problema ay ako.

“Jacob!” Tinawag ko pero di siya lumingon.

Patuloy siya sa pag wa-walk-out.

Tinext ko na lang:

Jacob, di pwede kasi maraming masasaktan.

Reply niya:

Mas pipiliin mong ako yung masaktan, ganun ba?

Napabuntong-hininga ako at tinype:

Sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan?

Hindi na siya nag reply ulit. Galit na galit talaga siya. Mahal ko na talaga yata siya eh dahil panay ang iyak ko sa kama sa mga sumunod na gabi. Hindi na talaga siya nag text sakin. Galit na naman yun at baka insultuhin niya na naman ako. Baka imbes na tungkol sa pera yung pang iinsulto niya noon ay tungkol na sa pagiging haliparot kong babae na ngayon.

Pero nagkakamali ako… Lunes at nadatnan kong kumakanta ang banda nina Jacob sa stage. Maraming na nonood.

“Para saan yung pag tugtog nila?” Tanong ko sa isang classmate ko.

“Kakanta kasi sila sa District Sports Meet ng mga varsity.” Sabay turo sa basketball varsities at volleyball varsities. “Next week.”

Tumango ako. As usual, marami paring sumisigaw ng pangalang Jacob. Syempre siguro dahil ito yung pangalan ng banda pero mostly yung nakikita kong sumisigaw nito ay tiling-tili at nanggigigil sa tuwing tinuturo ni Jacob habang kumakanta.

Natapos yung isang kanta at may sinabi siyang alam kong nagpagulo sa lahat ng babae sa buong school. Nakita kong lumaglag ang panga ni Eunice at napatingin kay April na ngiting-ngiti.

“Hindi ko alam na darating ang panahon na sasabihin ko ‘to. I’m in love, people! And its a secret!” Ngumiti siya at kumindat.

Ewan ko kung guni-guni ko lang ba yun pero I swear may spark sa ngiti niya kaya nagtilian ng husto ang mga babae.

“SAKIN!? AHHHH!”

May isang part pa nga doon na sa sobrang pagtutulakan ay may mga nadapa at nagstampede pero tinawanan lang nila ang isa’t-isa. Nagpatuloy sa pagkanta si Jacob. Tinignan niyang mabuti ang mga tao na para bang may hinahanap. Nang nakita niya ako ay ngumiti siya at pumikit.

“Yes, this song is for you.”

Parang naramdaman ko talagang lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Pwede bahhh? Umayos ka diyan at baka itapon kita! GRRR! Sira yata ang puso ko. Nagtatatalon sa tuwa eh… Kainis! Pero di ko namalayang nakangiti na pala ako. Walang malay ang mga tao pero sigurado akong di ako nag aassume ngayon… ako yung kinakantahan niya.

Narinig ko nang kinanta niya ito noon… pero ngayon ko pa maririnig ito ng mabuti. Parang nanunuyo…

“If I don’t say this now, I would surely break…”

Nakita ko talaga ang pag ngisi ni April at mangiyak-ngiyak pa siya nang pinakinggan si Jacob habang ang ibang babae naman ay umiiyak sa panghihinayang. Si Eunice ay nagwawala tulad din ng iilang babae. Umiiling lang ang mga lalaking nakikinig at kumakanta kasabay kay Jacob.

“Oh Oh be my baby…”

Para akong nanginginig sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin mamaya sa classroom. Mag aassume na ba ako na ako yung kinakantahan niya o hindi? Kinakabahan ako.

Pagkatapos nung kanta ay agad na akong umalis para mag punta sa classroom.

Nanigas talaga ang buong katawan ko nang nakita ko siyang tumuloy sa classroom sa gilid ng mga mata ko.

“Jacob, yung thesis natin. Eto na nga pala yung hanggang Chapter 2.” Sabay abot ko sa USB ng di tumitingin sa kanya.

“Rosie,”

Napatingin ako sa seryosong mukha niya.

“A-Ano?”

“I get it now… Gusto mo ako as a friend with benefits?” Malungkot siya pero pinilit niyang ngumisi.

“Huh? Anong pinagsasabi mo?”

“Uy pre! Ganda talaga ng boses mo! Idol!” Binati na siya ng mga kaklase ko kaya hindi na siya nagpatuloy.

“Dapat gumawa ka ng original niyong kanta.” Sabi nung iba.

Tumitili parin ang girls nang pumasok sa classroom. Pinalibutan nila agad si Jacob at tinanong ang tungkol sa kinaiinlovan niya. Ang daming tanong eh…

“Maganda ba?”

“Sino ba siya?”

“Kasali sa Ms Intrams?” – Halatang iniisip na si April yun.

“Matagal na ba?”

“Kayo na ba?”

“Bakit di mo sinasabi kung sino?”

“Hindi ko sinasabi kasi di niya pa ako sinasagot.”

Muntik na akong malaglag sa upuan ko. HINDI TALAGA KITA SASAGUTIN KUNG SASABIHIN MO SA KANILA! Gag0! Kung sana pwedeng umalis kami dito sa Alegria at pumunta sa ibang lugar na walang masasaktan. Napabuntong-hininga ako at nakita ko si April na pumasok.

Lumingon lahat ng tao sa kanyang ngiti.

“Congrats, Jacob. Galing mo talaga.” Bati niya.

Ibang-iba na talaga siya ngayon. Araw-araw ay lalo siyang gumaganda.

“Salamat, April.” Ngumiti si Jacob at naghiyawan ang lahat.

“UYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!”

Pumula ang pisngi ni April at nagtaka naman si Jacob sa reaksyon ng mga kaklase namin. I knew it! Walang kaalam-alam ang kumag na ‘to. Bakit ba ang manhid niya? Bakit ba ganyan siya?! Kainis!

“Sabi na eh! Tagal niyo ng magkaibigan! Imposibleng walang namamagitan sa inyo!” Sabi nung isa sa mga kaklase ko.

Napatingin ang buong banda niya sakin at ngumisi. Alam kong iba ang duda nila sa duda ng mga kaklase ko. Umirap na lang ako at kinuha ang notebook ko para makapag doodle or something pero nakita kong nalaglag ang panga ni Jacob at tumingin sakin. OH HAYAN! BUTI AT NAREALIZE MONG MARAMING MAY GUSTO SAYO DITO AT ISA SI APRIL DUN!

Buti at bago yun napansin ng mga kaklase ko ay dumating si Mrs Gonzalo.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: