Baka Sakali 1 – Kabanata 29

Kabanata 29

Hindi Lang Baka Sakali

Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik sina mama at papa galing Maynila. Anila’y may pag-asa silang makalabas ng bansa papuntang New Zealand.

Pero di ako sigurado kung gusto ko pa bang bumalik ng Maynila. Totoong gusto kong mag college pero di ako sigurado kung kaya kong… umalis dito ngayong araw araw akong binibigyan ni Jacob ng bulaklak.

Kahit walang nakakaalam ng panliligaw na ginagawa niya sakin, masaya parin ako.

“Babalik kami bukas ng Maynila. At naku! Kung swertehen tayo baka sa susunod na term ng 6th year mo, Rosie ay makakabalik ka na sa dating school mo. Hmmm. Well, unless kung gusto mong manatili dito?” Tumaas ang kilay niya.

“Ba’t naman ako mananatili dito?” Tanong ko.

“Syempreee… Para kay Jacob!” Tumawa siya.

“Ma naman eh!”

“Ayaw mo nun? Kung magiging kayo na nga, yayaman na tayo. Baka di na kami kailangang bumalik ng New Zealand!” Sabi ni Mama.

“Ma!” umirap si Maggie. “Ang sama mo! Manggagamit!” Seryoso ang pagkakasabi ni Maggie nun pero tumawa lang si mama na para bang nagbibiro si Maggie.

“Well, good for you, Mag. May James ka na!” Kumindat si mama kay James.

Oo, nandito si James sa tabi ni Maggie kaya inis na inis si Maggie kay mama. Ngumiti naman si James na para bang sanay na siya kay mama.

“Ang ibig kong sabihin… wala namang nag hihintay kay Rosie doon sa Maynila diba na may ilalaban kay Jacob? Gwapo, mabait at mayamang bata si Jacob. Wala ka naman sigurong iniwang boyfriend sa Manila si Rosie, diba?” Tumaas ang kilay ni mama kay Maggie.

“MERON, Ma!”

Sinipa ko si Maggie para pigilan ang pagsasalita niya.

“Di lang si Jacob!” Dagdag ni Maggie.

Sumimangot si Mama. “What? Sino? Dapat kasing yaman ni Jacob!”

Umiling si Maggie at itinigil ang pagsasalita. Ibinaling ni mama ang tingin niya sakin. “Sino, Rosie?”

“Hay nako! Wala yun, ma!” Sabi ko.

“Sino?” Hindi niya talaga ako tatantanan nito.

“Ex ko. Si Callix. Pero wala na kami nun!”

Tumaas ang kilay niya.

“Callix?? Apelyido?”

“del Rosario.” Sabi ko para tantanan niya na ako.

“Callix del Rosario? Hmmm.”

Umiling si Maggie at tumayo. “Lika na nga Rosie, punta tayo ng Alps! Hayaan mo na si mama!”

Nabadtrip si Maggie kay mama kaya panay ang sermon niya samin ni James. Hindi sana ako sasama pero alam kong di talaga ako tatantanan ni mama sa pagtatanong tungkol kay Callix kaya napilitan akong sumama sa Alps.

“Walang hiya talaga si Mama. Alam ko namang may point siya pero my god! Grrr. Sorry, James ah? Pasensya ka na talaga. Baka akala mo puro pera ang habol ko sayo.” Umiling si Maggie.

Tumawa si James habang papapasok kami sa Alps at bumungad samin ang iilang lagoon ng hot spring. “Maganda nga yun eh. Di ko alam na makakatulong pala yung pera namin para makuha kita… no sweat.”

Kinurot ni Maggie ang tiyan ni James at hinalikan niya ang pisngi nito. Hinalikan din ni James ang labi ni Maggie.

“Get a room or something…” Sabi na nga ba bad idea ang pagsama sa dalawang ito.

“Doon tayo sa pinaka huling lagoon kasi wala masyadong tao dun.” Sabi ni Maggie.

“Yeah right para makapaglampungan kayo sa harapan ko.” Sabi ko.

Naglakad kami papuntang pinaka huling lagoon habang naglalampungan all the way ang dalawang kasama ko. Yung huling sinabi yata ni James ang bumuhay sa katawang lupa ni Maggie eh.

“Guess what, sis!” Kay laki ng ngisi niya paglingon niya sakin.

“What?” Umirap ako.

Tinuro niya ang isang lalaking naliligong mag isa sa huli at liblib na lagoon. Sparkling abs dahil sa tubig ang bumungad sa mga mata ko. Si Jacob.

“Jacob!” Sigaw ni Maggie.

Napalingon si Jacob samin at ngumisi. Sh1t! Paken sh1t! Ayan na! Lumangoy siya papunta samin at umahon. Pinipigilan ko ang sarili kong umiling at ngumiti habang nakikita ang nakabalandra niyang abs.

“Rosie, maligo ka rin, huh?” Sabi ni Maggie habang tinatanggal ang loose t-shirt niya para ipakita ang bikini top at maiksing shorts. Tinanggal na rin ni James ang t-shirt niya at naghalikan ulit sila bago pumunta sa lagoon.

Napatingin ako sa paligid. Walang tao. Dyusko! Ang PDA ng dalawa lalo na pag walang tao. Si Jacob naman ay nasa harapan ko with his sparkling abs… Sana nga wala siya dito eh. Kainis! Kaya ko namang mag isa habang tinitignan ang lampungan ng dalawa… Di ko kailangang… lunok… ng temptation.

“Maliligo ka rin ba?” Tanong niya nang nakangisi.

“Di…” Sabi ko habang tumitingin sa malayo.

“Sige na, Rosie… Maligo tayo.”

Uminit ang pisngi ko kaya tinalikuran ko siya para pumunta sa cottage na pinaglapagan ni James ng mga gamit namin. Sumunod si Jacob. Maligo TAYO?

“Di na… Maligo ka na.” Sabi ko habang inaayos yung gamit. Excuses.

“Bakit?”

Pumikit ako nang naramdaman ko ang katawan niya sa likuran ko.

Parang kinikilabutan ako pag nandyan siya eh. Iniisip ko yung flowers na binibigay niya araw-araw mula noong niligawan niya ako.

“Wala akong… ano… top… bikini.” Sabi ko habang inaayos yung pagkain at kung anu-ano pa.

“Ano? Di mo naman kailangang mag bikini dito… Pwedeng t-shirt lang! May makakita pa sayo!”

Napatingin ako sa nakasimangot niyang mukha.

“Ayoko… T-shirt ka diyan. Eh ito lang yung t-shirt ko. Ano? Uuwi ako ng basa?” Sabi ko.

“May T-shirt naman ako. Pwede kang umuwi gamit ang t-shirt ko.” Wika niya.

“Ayoko nga!” Umirap ako.

Bigla niyang hinalughog ang bag ko na para bang alam niyang may balak akong maligo at gumuho ito nang nakita ko siya. Gumuho na rin ang plano kong manahimik at wa’g nang maligo nang ipinakita niya sakin ang gray spagetti strap na blouse sa bag ko.

“Hmmm.” Nag isip siya. “Pwede na to.” nag kibit balikat siya. “Papasa na ‘to sakin. Di masyadong bulgar.”

Sinapak ko na. “Ano sa tingin mo kailangan ko ng opinyon mo kung anong susuotin ko?” Umirap ako.

“Sige na… please?! Maligo na tayo, please?” Nagmakaawa pa ang kumag.

“AYOKO!”

Mas lalo pa siyang lumapit sakin kaya mas lalo akong nadidistract sa sparkling abs niya. Bawat galaw niya ay mas lalong na dedefine ang muscles niya. Ginulo pa niya ang buhok niya at ngumiti nang nakita akong nakatitig sa abs niya.

“Ano?” Aniya.

Uminit ang pisngi ko.

“Wa’g mong sabihin iniiwasan mo na ako kaya ayaw mong maligo kasama ako?” Tanong niya.

“HINDI! Ba’t ko naman gagawin yun?” Iniwasan ko ang mata niya.

Hinila niya ang t-shirt ko at umambang huhubarin ito. Pinigilan ko ang kamay niya.

“ANO BA JACOB!”

“Sige na! Please, Rosie!”

“Ang manyak mo huh?” Sabi ko.

Pumula ang pisngi niya, “Hi-Hindi ah?! Tss!” Ginulo niya ulit ang buhok niya. “Gusto kong makasama ka dun!” Sabay turo sa lagoon.

Di ko alam na lumalapit siya sakin sa bawat atras ko sa kanya.

“O sige na! Sige na! Umalis ka na nga! mag bibihis lang ako!”

“Yes! Thank you!” At hinalikan niya ang pisngi ko.

“JACOOOB!”

Tumakbo siya bago ko pa masapak.

Napabuntong-hininga ako. Buntong-hininga na para bang ilang oras akong nag pipigil sa paghinga ko. What was that all about? Muntik niya na akong hubaran pero jusko halos maloka ako habang ginawa niya yun. Para bang kahit ayaw ng isipan ko gusto ng katawan ko. Alam kong inosente siya pero lalaki parin siya… Wala pa siya masyadong experience sa babae. Puro smack lang ang nagagawa niyang kiss sakin… mas marami akong experience sa kanya pero ano yung kanina?

Nagbihis ako. Pagkatapos ay tinignan ko siya sa lagoon na naghihintay sakin. Nandun parin si Maggie at James na parang walang pakealam sa mundo. Nag uusap silang dalawa at di man lang sumusulyap samin.

Pagkabalik ng mga mata ko kay Jacob, nasa harapan ko na siya at naglahad ng kamay. Nakangisi siya.

Umirap ako pero nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Agad niya naman akong hinila papunta sa kanya kaya buong katawan ko at humilig sa kanya at naramdaman ko ang init ng tubig… pati init ng katawan niya. Tumawa siya.

“JACOB!” Sigaw ko.

Saka pa napansin ni Maggie at James ang ginawa niya.

“Huy! Ayos lang ba kayo?” Sigaw ni Maggie.

“Oo!” Sigaw ni Jacob habang tumatawa.

“Ano ba!” Sabay sapak ko sa kanya.

Tumawa parin siya.

“Hindi tama ang ginagawa mo, Jacob. Kung naliligaw ka talaga sakin… dapat di mo to ginagawa!” Sabi ko habang umiiling.

Nalaglag ang panga niya.

Akala ko narealize niyang mali yung ginagawa niya pero ngumisi siya ilang sandali.

“Kung ganun, tinatanggap mo na ang panliligaw ko?”

“WHAT?! Hay!” Umirap ako at lalayo sana sa kanya pero pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko.

“Huli ka…” Humalakhak siya.

Damang-dama ko ang muscles niya at abs niya sa katawan ko. Nahawakan ko pa talaga ang magkabilang braso niya habang pinupulupot niya ang mga ito sa baywang ko huh.

“Sabi na eh… May nararamdaman ka sakin.” Aniya.

“Huh? Anong nararamdaman ko?” Sabi ko.

“Namumula ka, Rosie… Uneasy ka pag nandyan ako… Wa’g ka ng magkaila.” Ngumisi siya.

“HUH? Wala no!” Binitawan ko ang braso niya para sapakin siya pero nahuli niya ito at nilagay sa dibdib niya.

“Ramdam mo ‘to?” Tumahimik siya. “Ako rin… Ako rin, Rosie… Bumibilis ang tibok ng puso ko pag nandyan ka. Kahit nakatingin lang ako sayo, naghuhuramentado na ako.”

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko na lang kayang mag pa hard to get sa kanya. Hindi ko halso maramdaman ang puso niya dahil masyado nang malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pagka’t ang mga kamay ko mismo sa dibdib niya ay nanghihina na.

Ilang sandali ay nabasag ang katahimikan naming dalawa nang nakita ko si Maggie at James na naghahalikan sa malayo. Napatingin din siya sa kanila at ibinaling ulit ang tingin sakin.

Tinitigan niya ang mga labi ko at nakita kong bahagyang bumakas ang bibig niya. Itinulak ko siya papalayo pero useless yun dahil masyado siyang malakas.

“Jacob…” Sabi ko.

Nilapit niya ang mukha niya sakin at na realize kong di ko na talaga mapipigilan to. Gusto ko rin siya. Kahit anong gawin kong pag dedeny sa nararamdaman ko… gusto ko talaga siya…

Nilapit ko ang labi ko sa labi niya at hinalikan ko siya. Not swift anymore. And I know for sure that its his first time…

Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko habang hinahalikan niya ako. Grabe, sa lapit naming dalawa nakakalimutan ko ng di ko pa siya boyfriend… nakakalimutan ko lahat ng sakit na idinulot niya sakin. Nakalimutan kong nasa p[ublic place kami… nakalimutan kong pwedeng tumitingin na sina Maggie at James saming dalawa.

Tumigil siya sa paghahalik sakin at…

“Mahal na mahal kita kahit ayaw mo sakin.” Hinalikan niya ulit ako.

AYAW KO SA KANYA!? Hinahalikan ko na nga siya di parin niya ma gets? Siguro dahil di siya sanay sa mga ganito. Hindi siya sanay, alam ko, pero ang sarap sarap ng halik niya. Dinilat ko ang mga mata ko at tinignang mabuti ang pagpikit niya habang naghahalikan kami. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya at natigilan siya…

“Do you… like it?” Tanong niya habang dinadamdam pa ang halik ko.

Halos di pa nga ako makahinga galing sa halikan naming dalawa. Tsaka… tinatanong paba ang mga bagay na yan?

Tinalikuran ko siya pero hinila niya ang braso ko.

“Hinila mo ang ulo ko para halikan ka pa lalo, ibig sabihin gusto mo ang halik ko? Gusto mo ako, Rosie?”

OO! TANGA! LECHE! BAGAL NG PICK UP MO! IKAW NA NGA ANG NAGSABING MAY GUSTO AKO SAYO TAPOS NGAYON TATANUNGIN MO PA AKO?

“Totoong gusto mo ako? Hindi lang baka sakali ang lahat? Totoo ito?” Dagdag niya.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: