Baka Sakali 1 – Kabanata 20

Kabanata 20

Ang Apelyido

Nahirapan na naman ako sa pagtulog. Dalawang gabi akong halos di makatulog ng kahit isang minuto. Ganun na ba ako kalala? Tuwing tinitignan ko si Jacob sa school na tumatawa lang kasama sina Leo at ang buong banda ay narealize kong ako lang pala ang naapektuhan doon sa kiss namin.

Wala na kaming pasok sa pag peprepare ng intramurals kaya di kami nagkakasalubong ni Jacob. Either nasa practice siya ng basketball o banda habang ako ay nagpapractice sumayaw at maglakad para sa Ms Intramurals.

“April! Ayusin mo naman yung lakad mo!” Sigaw ni Mrs Castro habang umiirap sa awkward na lakad ni April.

Twelve kaming contestant at siya yung halos araw-araw na pinag-iinitan ni Mrs Castro.

Narinig ko pang bumulong si Mrs Castro sa kay Mrs Gonzalo, “Wala ka na bang ibang mahanap sa 6th years? Ang lamya nitong si Valdez.” Habang umiiling at tinitignan ang hiyang-hiya na si April.

Napalunok ako at naawa ng sobra sa kanya. Wala kasi sa ugali niya ang maging confident… kasalanan din naman ng mga tao dito dahil lagi nilang pinag iinitan si April eh. Kung sana ay mas lagi nila itong pinupuri ay baka mas madagdagan ang confidence niya at mas bubuti ang performance niya.

“April! Ang galing mo na!” Sabi ko sa kanya nang natapos kami sa huling practice. Bukas na kasi magsisimula ang intramurals at bukas narin kami mag cocontest!

Sumimangot siya at yumuko. Nag alisan na yung ibang contestants. Nagmamadali para ma settle na yung gown at costume nila sa talent portion.

Ilang sandaling katahimikan at di niya na napigilan ang luha niya, “Hindi, Rosie! Alam kong hindi ako magaling! Tinry ko lang naman eh!” Humikbi siya. “Baka sakaling maging okay yung paningin nila sakin.”

Yayakapin ko na sana siya pero biglang may umagaw sa braso niya.

Napatingin ako sa gwapong pagmumukha na tumambad sakin. Si Jacob. Concerned kay April at siya na mismo ang yumakap dito. Nalaglag ang panga ko, simula nung hinalikan niya ako ay di ko na ulit siya nakita ng ganito ka lapit. Nainis ako kaya binalewala ko siya! Anong problema nito? Ewan ko sa kanya! Tama na yung pagiging puyat ko sa kakaisip ko sa kanya. Di ko na kayang mag isip pa sa kanya tuwing nandito ako sa school.

Sumimangot ako sa nasaksihang pagyakap kay April.

“Jacob!” Sabi ni April sa balikat ni Jacob habang umiiyak at humihikbi.

Kumalas si Jacob para harapin ako. Seryoso ang mukha niya at nagkasalubong ang kilay. Nainis ako sa titig niya sakin. Para bang pinaparatangan niya ako ng kasalanang di ko naman ginawa.

“Inaway mo ba siya?” Tanong niyang ikinabigla ko.

Sumiklab ang galit ko sa tanong niya. Halos umusok talaga yung tenga ko. Uminit yung buong sistema ko sa inis.

WHAT THE HELL? Pagkatapos niya akong hinalikan? Pagkatapos kong mag aksaya ng mga oras para pag isipan kung ano ba talaga yung nangyari samin at ba’t di niya ako pinapansin ay paparatangan niya ako ng ganito?

“Hindi!” Tinignan ko si April pero di siya nagsalita. Humihikbi lang siya. “Bakit? Mukha ba akong nang-aaway sa kanya!? YAYAKAPIN KO NA SANA PERO DUMATING KA!” Sabi ko at sobrang galit na.

Hindi siya nagsalita. Tinignan niya muli si April at tinahan.

“Jacob, really? Ganyan naba talaga ang tingin mo sakin?” Umirap ako.

“Nagtatanong lang naman ako ba’t guilty ka!?” Tumaas ng konti ang tono ng boses niya.

Mas lalong tumaas ang altapresyon ko pagkadinig ng mataas na boses niya, “DI KA NAGTATANONG! INAAKUSAHAN MO AKO-“

“Tama na, Rosie…” Nakapagsalita pa si April pero di niya man lang ako pinagtanggol.

Letseng buhay! Hayop na lalaki! At nakakainis na pangyayari!

Umalis ako. Nag walk out. Di ako sinundan ni Jacob.

Sa kabwesitang ginawa niya ay na frustrate ako. I swear to God, I’ve never been this frustrated before.

Noong kami ni Callix, smooth lahat. Nagconfess siya, nanligaw, sinagot, maraming date, hanggang sa boom! Niyaya niya akong makipagsex pagkatapos ng halos tatlong buwan. Doon lang ako na frustrate. Hindi ako na frustrate sa mga nagkakandarapang babae sa kanya. Na frustrate ako dahil niyaya niya ako sa kama ngayong ayaw ko at natatakot ako. Mahal ko siya pero kailangan niyang maghintay kung mahal niya ako pero boom na naman! nakipabreak dahil di niya kaya.

Pero ngayon? Si Jacob, tatlong buwan na kaming… seatmates… classmates… friends? Pero sobra-sobra na ang nararamdaman ko. Sa inis ko di ko na mapigilang umiyak habang nakahiga sa kama. Hindi ko din napigilang humikbi ng tatlong beses. Hindi ko nga lang alam kung naririnig ako ni Maggie.

Umiiyak ako? The night before the contest!? Ugh! Kasalanan ko na rin siguro. Unang kita namin ni Jacob agad kong hinusgahan ang pagkatao niya – Na magsasaka lang siya… Alam ko, masama yun. Hindi ko naman alam na after a few months ako yung iiyak dito sa sakit pag siya naman ang manghuhusga.

“Rosie!? Anong nangyari sayo!” Sabi nung kaibigang bading ni Auntie Precy habang minimake-upan ako dito sa bahay.

Nag reready na kami para sa contest. Puyat ang mukha ko sa kakaiyak kagabi.

Buti at di na ulit ako tinanong tungkol sa mukha ko pagkatapos kong minake upan.

“Tayo na!” Sabi ni Auntie Precy pagkatapos naming mag ready.

Kasama si Maggie, Mama, Papa, Auntie Precy at Jun (yung make up artist kong bading) papuntang school.

Maingay at masaya ang school pagdating namin. Nandoon na yung iba pang candidates, parehong naka ‘costume’ para sa ‘talent’. Si April ay mag babasketball daw pero wala pa siya.

Yung ibang estudyante naman ay kundi nakatingin kay Maggie ay nalalaglag naman ang panga sa kakatingin sakin. Nginingitian ko na lang lalo na yung mga lalaking nagsasabi ng… “Sure na! Si Aranjuez! Simula palang wala ng binatbat yung iba.”

Tinignan ko ang paligid at hinanap si April o di kaya si Jacob, Nakita ko si Jacob na hayun at kasama ulit at katawanan ang kabanda doon sa field. Nasa likuran nakasabit ang guitar niya at nainis naman sa sarili ko sa kakatitig sa kanya.

May ilang babae pang lumalapit sa kanya at parang hinahand-cuffs siya or something. May marraige booth siguro? Nagtilian yung mga nakakita. Umirap na lang ako. Sino naman kayang ikakasal sa kanya? Nakita ko sa malayo ang isang pulang-pulang first year na babae malapit sa marraige booth. Umirap ulit ako at tumigil sa pagtitig sa kanya. Ni hindi niya ako tinignan. Ni hindi niya chineck kung nandito na ako. Pero bkit niya ako hinalikan noon? Bakit niya ako pinigilang sumali? Kaya ba di niya ako pinapansin dahil di ko siya sinunod? Pero ang harsh niya talaga sakin kahapon!

“Rosie! Smile!” Sigaw ni Maggie habang niclick yung camera.

Sumimangot siya nang nakitang di ako ngumingiti.

“Ayan na! Magsisimula na!” Sabay turo niya sa stage.

Nandoon na si Mrs Castro, nag welcome address na ang principal at isa-isang tinawag ang mga candidates. Walang April na tumambad sa madla. Hindi siya dumating!? Bakit?

Tinignan ko si Jacob at nakitang may kausap sa cellphone niya. Of course! I’m sure! Si April yun!

Nag talent portion na at sobrang kaba ko na, wala paring April na dumating! Tinawag si April, pero walang dumating. Tinawag ako, nag perform ng iilang spikes at nagpopose at ngumingiti kasama ang bola, walang April na dumating. Naghiyawan ang lahat.

“ARANJUEZ! ROSIE!”

“ROSEANNE! GANDA MO! GALING! THE BEST!”

Pumalakpak sila at sigurado akong yung palakpak na natanggap ko ang pinaka malakas sa lahat.

Bago ako umalis ng stage, lumingon ako kay Jacob na… kahit kailan ay di tumingin sakin habang nag peperform ako. Para bang wa epek yung beauty at charm ko kahit ang buong audience ay isinisigaw na ang pangalan ko.

“ROSIE! KAY GANDA MO TALAGA! I LAB U!” Sigaw nung isang 4th year.

“THAT’S MY SISTER! YOU GO GIRL!” Sigaw ni Maggie bago ako umalis ng stage.

Si Maggie talaga. Todo support! Tumatawa na lang sina mama at papa pati si Auntie Precy. Pati ako natawa na rin. Pero di ko alam na pagkatapos ng tawa kong yun ay hindi na ako makakatawa pang muli.

“Ehe-Ehem… Sorry for the interruption, but the contestant number 11 is here… Ehe-Ehem…”

Napatingin ako kay Mrs Castro na may tinatawag galing back stage. Natahimik din ang audience at tinignang mabuti ang stage.

“Ladies and Gentlemen, April Valdez! Contestant number 11!”

Nalaglag ang panga ko nang nakita si April… Chinita at maganda ang mga mata, naka lugay ang straight, itim at shiny na buhok, walang nerdy glasses, pink yung labi, exposed ang magandang kutis, maiksi ang shorts na may nakalagay na number 20, may dalang bola at… at… jersey… lunok… jersey na sa likuran ay… lunok… kahit sa puntong ito ay di na makalunok dahil may parang bato sa lalamunan ko… ang jersey… sa likuran ng jesrey… ay may apelyidong… Buenaventura.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: