Baka Sakali 1 – Kabanata 21

Kabanata 21

Anak ni Juan Antonio

Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni April. Ang ganda niya! Sobra! Hindi rin makapaniwala ang audience. Si Jacob naman ay nakatingin lang kay April… Ni hindi kailanman dumapo ang mata niya sakin lalo na nung nag long gown na kami.

“ARANJUEZ PARIN! GANDA! NATURAL! KAHIT WALANG MAKE UP MAGANDA!” Agad kong hinanap ang mga lalaking nagsabi nun.

Gusto kong yakapin sila… It made me feel better. Kahit na alam kong naliligalig na ang puso ko. Si April na maganda, si Jacob na galit at di makatingin sakin, ang Buenaventura na jersey ni April kanina.

Narinig ko pa si Auntie Precy nang nakita niya ang jersey, “Sila na ba ni Jacob?”

Hindi ako sumagot.

Narinig ko din ang mga audience, “Shet ang swerte ng nerd na yan! Sarap magpakanerd din kung si Buenaventura din makakatuluyan.”

Hindi ko namalayang kanina pa ako nakasimangot sa stage. Nakita ko si Maggie na ini-stretch ang mga labi nya at tinuro ako kaya sinubukan kong ngumiti pero wala eh… fake smile lang ang kaya. Kumaway na rin ako para mas makatotohanan.

“And the winner for the miss intramurals is… candidate number…”

Hindi ako kinabahan. Manhid na ako. Kanina ko pa tinitignan si Jacob na nakatingin kay April at nag che-cheer, nag whi-whistle at sinisigaw yung pangalan niya.

POTA! AYOKO NA! BWESIT! Tumulo talaga ang luha ko sa magkabilang pisngi ko…

“Candidate number 12! Ms Roseanne Aranjuez!” Nag dagsaan silang lahat sakin.

Yung taga-bigay ng sash, crown, flowers, trophy, frame, si mama at papa, si auntie Precy, si Maggie, si Mrs Gonzalo at Mrs Castro.

“OH MY GOD SIS!” Sabi ni Maggie at malaki ang ngisi. “You won!”

Pero grabe yung luha ko… parang gripo kung tumulo.

“Wa’g kang umiyak, di pa naman ‘to Ms Universe!” Tumawa si Maggie.

Tumawa din ako at pinilit ang ngiti sa sarili ko habang nag pipicture. Hindi nakapasok si April sa tatlong runner ups.

“Rosie, mauna na kami sa bahay ah? Bilisan mo dyan nang makapagcelebrate tayo sa bahay.” Sabi ni mama pagkatapos kong mag bihis.

“Opo.” Tsaka ko naman nakita si April na umiiyak at pinapalibutan ng mga kaklase ko at ibang namangha sa kanya kanina.

Mamayang hapon ang cheering competition at tutugtog daw sina Jacob. Ngayon, iniisip ko kung pupunta ba ako o hindi. Hindi naman kailangang pumunta (dahil ms Intramurals ako) pero… ewan ko ba.

“April.” Lumingon lahat nang nandoon sakin.

Hindi ako sigurado kung galit ba sila sakin o natural lang talaga yung mga titig nila.

Naaninaw ko ang mukha ni Jacob, bahagyang nakabukas ang bibig niya habang nakatingin sakin pero nasa likod ni April ang kamay para itahan siya sa pag iyak. Agad niyang sinarado ang bahagyang nakabukas na bibig. Napatingin ulit ako sa magandang si April na umiiyak.

“Sorry.” Sabi ko.

Umiiling siya nang papalapit ako, “Okay lang. Akala ko kasi pwede na akong manalo ngayong ganito.” Aniya.

“Akala ko din eh.” Nakita kong sumimangot si Jacob. “I mean… ang ganda-ganda mo at ang galing-galing pa… “

Nagsitanguan ang mga nakapalibot sa kanya.

“Nga pala, Congrats Rosie.” Sabi nung isa kong kaklase.

“Oo nga! Sobrang ganda mo! Papicture nga?!”

Tapos ayun, nakita kong nanlisik ang mata ni Jacob sakin at dahan-dahan silang umalis ni April. Actually, kahit napapalibutan ako ng sobrang daming ‘fans’ ngayon parang naiinggit parin ako kay April. Kasi naman, kasama niya si Jacob at maraming nakiramay sa kanya. Para bang sa biglaang make over niya at sa biglaang pagkatalo ay nakuha niya ang loob ng mga tao.

“Hmp! Pa epek pa yung bruhang April na yun! Paiyak-iyak! Ang sabihin niya lang ay ginagamit niya si Jacob!” Narinig ko si Eunice na hinahampas yung ilang lockers sa lockeroom habang nag bibihis ng costume nila. “Kainis! Bruha! Kainis! May pa jersey jersey pa siyang nalalaman! Kainis!”

Damang dama ko sa pinagsasabi at pinaggagawa niya ang pareho naming damdamin. Well except dun sa ginagamit na yun. Ginagamit ni April si Jacob? Paano?

Umuwi ako sa bahay at kumain kami ng marami. Parang pyesta lang ah! Pero nang nag ala una na, agad akong umalis kahit di ko naman feel. Pinilit ko si Maggie na sumama pero umayaw siya dahil tatawag daw si James mayamaya.

Dumating ako ng school na sa labas palang ay may mga kartolina at mga plakards ng JACOB akong nakita. This is a bad idea after all. Kita mo na? Sinisigaw pa ang pangalan niya sa mga plakards na yun!

“Uy! Rosie! Congrats!” Sabi nung isang classmate ko.

Tumango lang ako at ngumiti.

Nakita ko sa bleachers ang iba’t-ibang contestants ng cheering competition. Halos lahat ng nandito ay contestants din at damang dama ko yung saya ng lahat. Maingay at masaya.

May kumakanta sa stage na isang bandang babae ang vocalist. Pero lahat ng tao at halos lahat ng pangalang nakikita ko sa ere ay kay JACOB. Ang dami dami niyang fans! Ang sikat sikat niya. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga masasamang sinabi niya sakin, masakit, pero mas nangingibabaw parin yung halik niya.

Natapos yung isang banda at mas lalong humiyaw ang mga tao. Tumalon si Jacob at ang mga kasama niya sa banda at sobrang naghiyawan ang lahat.

“JACOB JACOB JACOB JACOB!” The crowd’s chant.

Sa sobrang lakas ng tili halos mapatakip ako sa tenga ko. At di ko din alam kung bakit masakit… masakit dahil malakas o masakit dahil pangalan niya.

“Hello!” Sabi ni Jacob sa microphone, nakangiti na sa lahat ng nahihiyawan. “Patikim lang ‘to ah? Pagkatapos na ng cheering tayo mag o-all out.” Nawindang ang lahat sa kindat niya.

Aray ko po, halos matamaan ako ng siko dito dahil sa hiyawan at panggigigil ng mga katabi ko.

Nagsimula siyang mag strum sa guitar, kasabay din nito ang pag papiano nung isa pa nilang kasama na si (Teddy)… nanlaki ang mata ko nang narealize ko kung anong kanta ito. Matagal niyang sinimulan at naramdaman kong sinadya ni Teddy ang pagpapatagal ng intro dahil sa sumunod na sasabihin ni Jacob.

“This song… is dedicated to someone… who’s making me confused.” Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yun o ano pero tumingin ang seryosong mga mata niya sakin bago pumikit para kantahin ang intro. Sino naman kaya yung nagpapaconfuse sa kanya? Si April? “Kinanta ko na ‘to sa kanya isang araw… at ipaparinig ko ulit sa kanya ngayon.”

“We’ll do it all… Everything…On our own.” Tumili ang lahat.

Laglag naman ang panga ko… Ayoko nang maging assuming. Akala ko noon ako yung gusto niya… akala ko noon, concerned siya sakin, akala ko noon totoo yung halik niya pero nitong mga nakaraang araw… Hindi na ako mag aassume. Hindi na ako maniniwala sa mga vibrations ko lang… Kung totoo yun, sasabihin niya yun.

Biglang umamba ang mga luha sa mga mata ko. How could this… stupid… stupid farmer affect me this much, huh? Ni walang makapasa sa standards ko doon sa Maynila. I get that he’s cool, charming and handsome but he’s stupid!

GRRR!

Parang nalasing ang madla at di pa makaget over sa konting patikim nina Jacob. Gusto pa nilang kumanta siya ulit pero di na pwede kasi nandoon na si Mrs Castro at naghihintay na humupa ang hiyawan para simulang ang competition.

“A-Anong pangalan ng banda na yun?” Tanong ko sa di ko kakilalang bumubungisngis na fanatic nina Jacob.

“HUH?” Parang na insulto ko siya sa tanong na yun pero sinagot niya parin ako, “Jacob! Ano pa ba?”

“Huh?” Ako naman ngayon ang parang nainsulto.

“J-A-C-O-B! Jacob yung pangalan ng banda nila! Kasi nga diba, bokalista nila ang gwapong gwapo na si papa prinsipe Jacob?”

Umiling ako at umirap sa kawalan. Prinsipe? Prinsipeng masahol ang ugali… parang anong narating sa buhay eh wala pa namang nararating. Pabuhat-buhat ang ng kahoy-

“Dito tayo Jacob! Nandito si ms Rosie Aranjuez!” Narinig ko si Leo sa likuran ko at agad tumabi sakin.

Oh my god! Si Jacob ay seryosong tumabi naman kay Leo. Alam kong ayaw niya pero tumabi parin siya kasama ang kabanda. Dinagsa din siya ng congratulations galing sa schoolmate-fans niya. Tapos naisip ko naman kung nasaan si April? Kung ano ba talagang tunay na nangyari… Pero dahil sa inis ko sa kanya, di ako makapagtanong… Ayokong mamansin sa kanya… At ayokong nandito siya sa paligid kaya umalis ako.

“Excuse me.” Sabi ko kay Leo.

“O san ka pupunta?” Tanong ni Leo.

Napatingin si Jacob sakin.

“Aalis. Uuwi.” Sabi ko.

“Huh?” Tumaas ang kilay ni Leo.

“Bakit? Dahil tapos na kaming tumugtog? Yun lang ba ang pinunta mo dito? Fanatic ka na rin?” Ngumisi si Jacob at para bang nagyabang sa mga kabanda niya.

Tumawa naman sina Leo.

Lumapit ako sa kanya. Salamat Lord at busy ang lahat sa cheerin kaya walang malay ang madla sa gagawin ko ngayon…

Tinulak ko ang dibdib niya at agad napawi yung tawa niya.

“Ang feeling mo! Para kung sino kang gwapo! Kala mo kung sinong magaling!” Nagbabanta na ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ba’t ginagawa ko ‘to. Laglag ang panga ng apat na kabanda ni Jacob. Seryoso naman ang mukha ni Jacob ngayon. “Hoy! Hindi kita kita gusto! Hindi mo ako fan! Kahit aso hindi kayang kainin yung masahol mong pag-uugali!” Sigaw ko.

Nakita kong sumiklab ang galit sa mga mata niya, “Kung makapagsalita ka rin kala mo ang bait mo ha? Kala mo santa?! Eh walang hiya Rosie pero mapanghusga ka!”

OH MY GOD! SARAP MANAPAK!

Tinulak ko ulit ang dibdib niya, “Anong problema mo, huh? Alam kong di ako santa pero sino sating dalawa ang bigla na lang nanghahalik pagkatapos akong pagbawalang sumali sa Ms Intrams ha? Diba ikaw yun?”

Pumula ang pisngi niya at napatingin sa halos mas lumaking mga bibig ng mga kabanda.

“O hayan! Nahiya ka sa sarili mo noh? May pagalit-galit ka sakin ngayon eh ikaw naman siguro itong may gusto sakin!? Makapagyabang ka akala mo kung sinong ang yaman yaman! Bwesit! Dyan ka na!” Tinulak ko kaya napaupo siya sa upuan at speechless.

YES! I WON!

“Rosie…” Sabi ni Leo. “Kilala mo ba kung sinong kausap mo?”

“Leo! Shut it!” Sigaw ni Jacob.

“Bro… she doesn’t know anything?”

Napalingon ako kay Leo at biglang bigla sa pag eenglish nila.

“Leo! Wa’g na!” Sabi ni Jacob.

“Ano?” Hinintay ko si Leo na magsalita.

“Wa’g na! Tayo na! Alis na tayo!” Sabi nI Jacob pero hindi niya napigilan si Teddy.

“Anak siya ni Juan Antonio Buenaventura. Yung may ari ng J.A Foods at Kampo Juan. Kaya literally speaking, mayaman nga siya…”

Napasinghap si Jacob at umalis samantalang ako naman ngayon ang may pangang nalaglag sa bigla.

“At… tama ba yung narinig ko?” Si Teddy na lang ang nas tabi ko ngayon. “Hinalikan ka niya?”


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: