Baka Sakali 1 – Kabanata 19

Kabanata 19

Nahulog na ng Tuluyan

Para akong zombing naglalakad sa school grounds pagkatapos akong iwan ni Jacob… pagkatapos niya akong hinalikan. Lulong sa pag-iisip ng halik niya, di nag iisip kung saan pupunta o anong gagawin.

Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako hinalikan. May gusto ba siya sakin? Bakit niya nagawa yun? At isa pa, bago niya ako hinalikan, aniya’y ayaw niyang magustuhan ako ng iba.

Uminit pa lalo ang pisngi ko habang naglalakad.

“Roseanne! Good luck!” Sabi nung mga kaklase ko.

Hindi ko na pinansin dahil masyado akong preoccupied sa pag iisip kay Jacob. Gosh! Nang papalapit na ako sa covered court, narinig ko yung kinanta ni Jacob noong nasa field kaming dalawa. Papatapos na ito at kitang-kita mo sa mga estudyanteng nanonood na halos umakyat na sila sa stage sa kilig at lahat sila kinakanta yun na para bang paboritong-paborito nila. Yung iba tumatalon-talon pa.

Siguro lagi ‘tong tinutugtog nina Jacob.

“Would you lay with me and just forget the world?” Yun ang last na lyrics nung kanta bago matapos.

“I LOVE YOU JACOOOOB!” Ang lakas ng boses nung tumili! Grupo ng mga first year na babae.

“Ms. Aranjuez!” Sabi nung P.E teacher naming si Mrs Castro. “Nandito ka lang pala!” Suminghap siya. “Akala ko nag back-out ka! Naku! Dali ka na! Pumunta na tayo sa backstage! Buti at nandito sina Jacob at pinatugtog muna namin bago mag start!”

Nakatingin lang ako kay Jacob habang sinisimulan ni Leo ang isa pang bagong kanta.

“Last song for today.” Kumindat siya dun sa mga tumili kanina at may umambang hihimatayin sa kilig sa kanila.

Napailing na lang ako at pinakinggan ang bagong kanta habang hinihila ako ni Mrs Castro sa backstage.

Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap sarap pakinggan ng boses ni Jacob. Kinakabahan ba ako o nahuhulog na? Dinig na dinig ko na ang puso ko at ayaw na nitong itanggi ang nararamdaman. Hindi ko din alam kung bakit may mga kantang nalalaman si Jacob na ganito ka gaganda.

“If I don’t say this now I will surely break

As I’m leaving the one I want to take

Forgive the urgency but hurry up and wait

My heart has started to separate…”

Bawat tigil niya ay may tumitili. Kahit malakas na malakas na yung tunog ng drums dinig na dinig ko parin ang puso ko. It was his kiss! I’m sure of it! Yun ang pumukaw sa damdamin ko.

“Oh, oh,

Be my baby..”

My god! Parang tumatambling na ang tiyan ko at lutang na lutang ako habang naglalakad. Halos madapa ako lalo na nung nagkatagpo ang mga mata namin. Kanina habang tinitignan niya ang mga tao ay nakangiti siya, pero ngayong nakatingin na siya sakin naging seryoso ang mukha niya. Tumili halos lahat sa ipinakitang ekspresyon – alam ko dahil halos madapa na nga ako dito sa tingin niya. Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng matagal dahil baka mapatili na rin ako kaya dumiretso ako sa backstage.

“Saan ka ba galing?” Salubong ni April sakin.

“Sa… Sa library.” Sabi ko habang nakikinig ng mabuti sa kanta ni Jacob at sa kanta ng puso ko.

Ang ganda-ganda ng pagkakanta niya na parang gusto kong umiyak – di ko naman alam bakit.

“Sinong kasama mo?” Nanlaki ang mga mata ni April.

Tug-dug! Tug-dug!

“Uh… ako lang.”

Kasama ko si Jacob pero ayokong sabihin dahil kinakabahan ako. Umaliwalas ang mukha niya at ngumiti.

Nga pala… sabi ni Jacob, ayaw niyang sumali ako… Ano na ngayon, Rosie? Sasali ka ba? Sasali pa ba ako ngayong sabi ni Jacob ay ayaw niya? Ayaw ko ng sumali – yun ang totoo. Pagkatapos ng nangyari sa library parang gusto ko na lang sundin lahat ng gustong mangyari ni Jacob.

Pwede pa bang mag back-out? Pero narealize kong excited na sina mama sa mangyayari. Nag ready na rin ako ng damit sa volleyball. Ready na lahat. Nandito na ako. At bakit ko susundin ang munting hiling ni Jacob? Sa anong dahilan? Hindi ko alam.

May tumulak pa talaga sakin sa stage nang tinawag ang pangalan ko.

“6th year representative, Roseanne Aranjuez!” Sabi ni Mrs Castro.

Nag hiyawan ang mga tao. Hinanap ko agad sa madla kung nasaan si Jacob. Di siya mahirap hanapin. Nandoon siya katawanan sina Leo at yung tatlo pang taga banda. Hindi siya tumitingin sakin. Tinawag ang pangalan ko pero di niya ako tinitignan, nagtatawanan lang sila at nag uusap samantalang halos lahat ng tao ay nakatingin sakin at pumapalakpak?! Sorry pero mejo nainis ako sa kanya.

“Ngumiti ka, Roseanne!” May bumulong sa likuran ko, si Mrs Gonzalo pala.

Di ko namalayang kanina pa pala ako nakasimangot. Tumabi ako sa mga 5th year representative na mas una pang tinawag sakin.

“And lastly! Another 6th year representative…”

Humupa ang hiyawan at napalitan ito ng bulung-bulungan. Pati yung mga 5th year na katabi ko ay nag bulung-bulungan narin.

“Sino nga ba yung isa pang 6th year rep? Di ko kilala.”

Ako din eh, di ko kilala kaya nakinig ako sa bulungan ng mg 5th year at 4th year.

“April Valdez!!!” Sigaw ni Mrs Castro.

April Valdez? Walang humiyaw. At sa wakas ay naagaw ang atensyon ng buong banda pati ang atensyon ni Jacob. Nalaglag ang panga niya nang nakitang marahang naglalakad si April habang inaayos ang malalaking eye glasses niya.

“Let’s give her a big hand please!” Walang pumalakpak. “Clap your hands please!!!” Saka may pumalakpak ng konti. Mas malakas pa nga ang bulung-bulungan.

Tumabi si April sakin at ngumiti.

“Su-Sumali ka pala?”

Namula siya, “Oo. Sorry ah? Ngayon magkalaban na tuloy tayo.” Yumuko siya. “Di ko kasi kayang mag isa sa cheering squad.”

Tumango na lang ako at tinignan ang bulung-bulungan ng schoolmates namin.

Pagkatapos nun ay di ko na ulit nakita si Jacob o si April kaya umuwi na lang ako pagkatapos naming mag usap ni Mrs Gonzalo tungkol sa presentation ko sa talent portion.

Pero bago ako makalabas sa gate, nakita ko sina Leo na para bang may hinihintay. Ilang sandaling paglalakad lang ay namataan ko naman si Jaco na may kausap. Siguro yung hinihintay nina Leo ay si Jacob.

Nasa hagdanan sila nag uusap. Naka sandal si Jacob sa pader at si April naman ay nakatayo sa harapan niya, nakayuko.

“Sorry Jacob.” Lumapit ako para makinig. “Sumali ako. Alam kong magagalit ka-“

“Hindi, April. Okay lang. Maganda nga yan at sumali ka. Dadami ang kaibigan mo.” Sabi ni Jacob.

Napabuntong-hininga si April at, “Hi-Hindi ka galit?” May tono ng disappointment sa boses niya.

“Huh? Ba’t naman ako magagalit.” Ngumiti si Jacob. “Pano? Alis na kami! good luck sa Ms Intrams.”

Narinig ko ang footprint ni Jacob kaya tumakbo na ako palabas ng gate at pumara ng tricycle. Hindi ko alam kung bakit sobra sobra ang huramentado ng puso ko ngayon. Kung kinakabahan ako noon tuwing papalapit siya, ngayon naman parang aatakihin na sa puso at mahihimatay.

Dumapo ang kamay ko sa labi ko. Its that kiss. One swift kiss.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: