Baka Sakali 1 – Kabanata 2

Kabanata 2.


Tigkal ng Putik

Sa sumunod na araw, pinasyal kami ni Auntie Precy sa mga bagong lugar sa Alegria. Una pumunta kami sa farm ng JA foods – ang pinakamalaking farm dito sa Alegria at maging sa buong lalawigan. Ang alam ko, nag-aangkat sila ng produkto sa loob at labas ng bansa…

Boring sa farm na ito pero enjoy sina mama at papa dahil sa simoy ng hangin. Ako naman, inis na inis sa putik na nakakabit sa flats ko. Gusto kong tanggalin ang mga putik pero di ko magawa kasi lakad kami ng lakad.

Si Maggie naman, ayun at picture nang picture. Saan mo yan iuupload? Walang wifi diba? Wala! Pinandalitan ko na lang siya habang ni-click ang camera.

“Sunod sa Tinago falls tayo!” Sabi ni Auntie Precy. “Ibang-iba na yun ngayon, mas lalong gumanda!”

Tama si Auntie Precy. Nung grade six ako, undeveloped pa ang Tinago. Ngayon naman, sobrang ganda na. Umuusok yung tubig sa tip ng falls at marami ng cottages na nakapaligid.

“Dito na muna tayo?” Tanong ni Mama.

“Gusto niyo ng maliliguang mainit diba? Malamig dito eh. Doon tayo sa Alp Spring!”

Nakarating kami doon tapos ng labing limang minuto sakay ang tricycle.

May grupo ng mga kaedad kong naliligo sa 6-feet deep na hot spring sa kabila. Kitang-kita ko ang mga lalaking nagba-back-tumbling habang tumitili ang mga babae. Umuling na lang ako at tinignan ulit ang flats kong puno ng putik.

“Rosie! Ligo tayo!” Sigaw ni Maggie sakin.

Ngumisi na lang ako ng plastic at sinenyasan siyang siya na lang!

Mga teenager dito, kala nila ang gagaling nila! Kala nila nasa tuktok na sila at the best na ang tinatamasang buhay nila dito, ang totoo, taga-bukid silang lahat at puro probinsyana. Umiiling ako sa kawalan.

“Rosie, di ka ba maliligo?” Tanong ni papa.

“Di na, pa. Naligo na ako sa bahay kanina.”

Tapos narinig kong nag-uusap sina Mama at Auntie Precy.

“Si Juan Antonio din yung may ari nung bagong farm at adventure zone sa unahan ng Alp Spring.”

Umalis ako doon sa cottage at tinignan si Maggie na naliligo doon sa 5-feet spring at si papa nasa 6-feet spring.

“Sarap!” Sabi ni Maggie pagkatapos sumisid.

Naghanap ako ng kahoy or kahit anong stick para tanggalin yung putik sa flats ko. Napaupo ako sa isang malaking kahoy at kinuha yung ilang stick doon sa kabila para tanggalin ang putik. Struggle talaga! Kainis ang bukid! BUKID WORST! Sa inis ko, halos masira ko ang flats ko…

Isang malaking tigkal ng putik ang tinusok ko sa flats ko at talagang pumasa-ere at naglanding doon sa sparkling moreno abs ng naaninaw kong lalaki. Basa sa tubig ng spring ang katawan niya at itim na shorts lang ang soot. Basa ang buhok na sinuklay niya gamit ang kamay niya. Tapos na realize kong di na pala natanggal yung mga mata ko sa abs niya.

“Sayo ba ‘to?” Tanong niya sa tigkal na putik sa abs niya.

Sumimangot ako, “Tingin mo may may ari niyan?” Di ko maiwasang magtaray sa tanong niya.

“Ang sungit mo! Ikaw na nga ‘tong may atraso, ikaw pa itong masungit.” Aniya at tinanggal niya ang putik sa sparkling abs niya. SPARKLING.

Umiling ako at tinanggal ang mata ko sa katawan niya at nagpatuloy ako sa pagtatanggal ng putik sa sapatos ko.

Katawang may sparkling abs? Dito sa bukid? Siguro hinubog yun ng pagiging magsasaka niya. Sa araw-araw na pag-aararo kaya mayroon siyang katawan na ganun. That explains his being moreno! Of course! Sayang lang yung kagwapuhan niya eh mas mahirap pa pala sila sa daga. LOL! Ang sama ko pero ang suplado niya eh!

Umiling din siya at napabuntong-hininga. Naglakad siya papunta sa likuran ko na mukhang nandoon ang shower atsaka CR.

“Hindi ka man lang ba magsosorry?” Tanong niya at tumigil sa likuran ko para tingnan ulit ako. ANAK NG TETENG! Ang gwapo niya masyado lalo na nung nasinagan na ng araw! Di hamak na mas gwapo pa sa mestisong si Callix huh!? Etong sang ‘to, moreno, matangkad, sarap ng hubog ng katawan, matangos ang ilong at mukhang may kamukha pa talagang Hollywood na artista.

“Jacob!” Sigaw nung iba pang mga lalaki at babae sa malayo.

Sila pala yung mga nag ba-backtumbling kanina.

“Hintayin mo kami!” Sigaw ulit nila sa lalaking nasa harapan ko. Tumango lang siya at tumingin ulit sakin.

Napabuntong-hininga ulit siya, “Pangit pa… masama pa ang ugali…” Bulong niya sa sarili niya pero mukhang nilakasan ng konti para marinig ko.

Sobrang naramdaman ko ang pag-agos ng lahat ng dugo ko sa katawan papuntang pisngi. Napatayo ako at pinigilan ang sarili kong sumigaw habang naglalakad na siya palayo.

WALA PANG TAO SA MUNDONG ITO ANG NAGSABING PANGIT AKO! Salamat kay mama at papa at pareho silang may hitsura… Kay mama na maputi, kay papa na gwapo at matangos ang ilong, kay mama na mapupungay ang mga mata at maganda ang buhok, kay papa na matangkad, kay mama na makinis, mapupula at mala-angelina-jolie ang labi at sa mga kanunu-nunoan namin ni Maggie na puro magaganda at gwapo! Si Maggie na maraming nagkakandarapa… at sakin na si Callix del Rosario lang ang EX – ang pinaka gwapo sa buong campus namin doon sa Maynila! Alam kong marami ng naging girlfriend si Callix pero puro magaganda iyon at ako ang pinakamaganda!

HA! HA! HA! At yung lalaking iyon? Tinawag niya akong pangit?

Bakit ako napapalibutan ng mga lalaking masahol ang ugali! Kahit aso di kayang kainin ang ugali nila!

LALO NA YUNG JACOB NA YUN!?

“Kala mo rin ang gwapo mo? Di ako nagsosorry sa mga pangit at suplado!” Sigaw ko at nagpray na sana ay narinig niya iyon.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: