Baka Sakali 1 – Kabanata 3

Kabanata 3

Nagbubuhat ng Kahoy

Natapos ang araw na yun ng nabobored ako sa cottage. Umuwi kami sa BAHAY NI LOLA at natulog agad si Maggie. Exhausted siguro dahil sa pagsi-swimming. Ako naman, tumitingin lang sa kanya at pinandidilatan ang lahat ng tumititig sa kanya. Maganda kasi siya at purmadong-purmado ang hubog ng katawan kaya di nakapagtataka kung may mga magkakandarapa sa kanya dito sa bukid.

Kinaumagahan, nagpakulo na ulit si Auntie Precy at Mama na mamasyal sa Kampo Juan. Gusto kong maiwan na lang sa BAHAY NI LOLA pero ayaw ni Maggie. Gusto niya ay kasama ako nang may mag picture sa kanya.

“Rosie, magpi-picnic lang naman tayo dun.” Sabi ni mama.

“Tinatamad ako eh.” Sabi ko.

“Alam mo, malapit na ang pasukan. Magsisisi ka kung di ka mag enjoy ngayong bakasyon.”

Wala akong magawa kundi sumama sa kanila. At hayaan si Maggie na utusan akong mag picture sa kanya. Minsan naman, ako yung pinipicturan niya. Halos lahat doon stolen kasi wala ako sa mood ngumisi.

“Rosie, ngumiti ka naman! Ano? Nami-miss mo na si Callix?” Tawa ni Maggie nung malayo sina mama.

“Hay nako, Maggie! Tingin mo may taong mami-miss si Callix? Ang saya ko nga dahil malayo na kami, mami-miss ko pa? Sana lang wa’g tayo dito sa bukid… boring masyado eh!”

May malaking barn house sa Kampo Juan na may malaking naka-ukit na KAMPO JUAN malapit sa bubong. Halatang pinaghirapan at ginastosan ang developing adventure park na ito. Natry namin yung hanging bridge na halos di ko matapos dahil masyadong mahaba at matayog (matatakutin ako sa heights), may kaonting zipline, meron pang extreme bicycle na magbibisikleta ka sa isang wire. Di ko iyon sinubukan, si Maggie lang ang sumubok.

Ilang sandaling paglalakad sa park doon sa Kampo Juan (na puno ng pine trees), nakita namin ang isang malaking mansyon na kulay puti. Napapalibutan din ito ng pine trees.

“Maggie! Picture ko kayo!” Sabi ni mama at nag pose na kami ni Maggie, background yung mansyon.

Naglatag ng banig si papa at linagay na doon ang mga pagkaing dala nina Mama at Auntie Precy. Umupo na rin si Maggie doon sa banig.

“Okay lang ba talaga na dito tayo, Ma?” Tanong ko.

“Oo naman!” Sagot ni Auntie Precy. “Hindi pa ‘to nadedevelop pero tumatanggap na sila ng bisita. May mga dayo pa nga dito galing Maynila eh. Sigurado akong magiging sikat ito kung tapos na. Si Juan Antonio kasi, determinadong pagandahin ito ng mabuti.”

Tumingin si Papa kay Auntie Precy at napansin ko ang pagpula ng kanyang pisngi.

“Ehe-Ehem… Kain na tayo?” Sabi ni Auntie Precy.

“T-Teka lang. Naiihi ako, samahan mo ako Rosie? Auntie, saan ba dito yung CR?” Tanong ni Maggie.

PATAY KANG MAGGIE KA! Siguro sa damuhan ka lang mag c-cr! Bukid ‘to eh. LOL

“Nandyan sa tabi nung barn house. Actually, tanggapan at hotel yan na di pa nadedevelop. Mukha lang barn house sa labas para mag blend-in sa buong Kampo Juan.”

Tumango si Maggie at hinila na ako pabalik sa barn house.

“Dito ka lang.” Aniya nang nakita yung CR sa isang pintuan.

Sobrang ganda pala sa loob! Totoo nga yung sinabi ni Auntie Precy! Wala sa labas ang mukha nito sa loob. Puno ng palamuting vintage (black, bronze, gold ang kulay). May nakita pa akong parang isang gong na puno ng makukulay na bato. Meron pang isang barkong pampiratang nakalatag sa halos lahat ng mesa. Kulay gold ang kurtina at may couch na kulay gold din.

Tapos, may nakita akong paparating na may dalang iilang kahoy, nakalagay sa balikat ng isang matandang nagtatrabaho siguro dito sa Kampo Juan. Yeah right! Undeveloped parin ito. Pagkatapos ng mga limang tao sigurong naghahakot ng kahoy papalabas nitong barn house, nakita ko nanaman yung sparkling abs. Sa kanilang lahat yata, ito lang ang di naka t-shirt. Hobby niya sigurong isalida ang abs niya. Nagkatinginan kami habang nasa balikat niya yung mga kahoy.

I looked away… Parang nagkabuhol-buhol ang tiyan ko at gusto kong tumawa ng pagkalakas-lakas. I was right! Isa nga siyang magsasaka! Nakakahiya! Ang gwapo niya pa naman sana pero nakakaturn-off yung ginagawa niya (pagdadala ng kahoy na nakalagay sa balikat at puno siya ng sparkling sweat).

“Dito ka pala nagtatrabaho?” Sabi ko habang pinipigilan ang sariling tumawa.

“Ano ngayon?” Sabi niya at patuloy parin sa pagbubuhat ng mga kahoy.

Hindi ako masamang tao at di rin ako nang-aaway at nagtataray sa strangers pero dahil na rin siguro sa first impression ko sa kanyang suplado ay gusto ko na lang siyang inisin palagi.

“Ang yabang mo!” Sigaw ko habang tumatawa at papalabas na siya ng pintuan. “Kung makapagsalita ka, akala mo ang yaman mo!” Sigaw ko at nagpray ulit na sana ay narinig niya at nasaktan ko siya sa sinabi ko.

“Huy! Anong sinisigaw-sigaw mo diyan?” Sabi ni Maggie pagkatapos umihi.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: